Kabanata 1

Iyon bang mga nakasaksi sa Aking mga salita ay talagang tinatanggap ang mga ito? Talaga bang kilala ninyo Ako? Tunay bang natutunan na ninyo ang pagsunod? Taos-puso ba ninyong ginugugol ang inyong mga sarili para sa Akin? Talaga bang nagpatotoo na kayo sa Akin nang matibay at di-sumusuko sa harap ng malaking pulang dragon? Ang inyo bang katapatan ay tunay na nanghihiya sa malaking pulang dragon? Makakamit Ko lamang ang Aking layunin na pagdadalisay sa iglesia at pagpili sa mga totoong nagmamahal sa Akin sa pamamagitan ng pagsubok ng Aking mga salita. Kung hindi Ako gumawa sa ganitong paraan, may makakakilala ba sa Akin? Sinong makakakilala sa Aking pagiging maharlika, sa Aking poot, at sa Aking karunungan sa pamamagitan ng Aking mga salita? Dahil nasimulan Ko na ang Aking gawain, tiyak na tatapusin Ko ito, subalit Ako pa rin ang sumusukat sa mga puso ng tao hanggang sa kalaliman nito. Ang totoo, walang sinuman sa mga tao ang lubos na nakakakilala sa Akin, kaya ginagabayan Ko ang lahat ng tao sa pamamagitan ng mga salita, upang pangunahan sila tungo sa isang bagong kapanahunan. Sa katapusan, gagampanan Ko ang lahat ng Aking gawain sa pamamagitan ng mga salita, na magsasanhi na bumalik sa pagpapasakop sa Aking kaharian yaong mga totoong nagmamahal sa Akin, upang mamuhay sa harap ng Aking trono. Ang kalagayan ngayon ay hindi tulad noong dati, at ang Aking gawain ay nakapasok na sa isang bagong panimula. Yamang ganoon nga, magkakaroon ng isang bagong pamamaraan: Lahat ng nagbabasa ng Aking salita at tinatanggap ito bilang kanilang sariling buhay ay mga tao sa Aking kaharian, at dahil sila ay nasa Aking kaharian, sila ay bayan ng Aking kaharian. Sapagka’t tinatanggap nila ang gabay ng Aking mga salita, kahit na sila ay tinataguriang Aking bayan, ang titulong ito ay hindi pumapangalawa sa anumang paraan sa pagkatawag bilang Aking “mga anak.” Pagkatapos na gawing bayan ng Diyos, lahat ay dapat na maglingkod na may lubos na malasakit sa Aking kaharian at tuparin ang kanilang mga tungkulin sa Aking kaharian. Sinumang sumusuway sa Aking mga atas administratibo ay dapat tumanggap ng Aking kaparusahan. Ito ang Aking payo sa lahat.

Isang bagong pamamaraan ang napasok na ngayon, at hindi na kailangang banggiting muli ang nakaraan. Gayunpaman, gaya ng nasabi Ko na: naninindigan Ako sa Aking salita, at tinatapos Ko palagi ang Aking pinaninindigan, at hindi ito mababago ng sinuman—ito ay ganap. Kung ito man ang nasabi Ko na sa nakaraan o kung ano ang sasabihin Ko sa hinaharap, lahat ay pangyayarihin Ko, paisa-isa, at pahihintulutan ang buong sangkatauhan na makita ang mga ito na magkatotoo. Ito ang prinsipyo sa likod ng Aking mga salita at gawain. Yamang ang pagtatatag ng iglesia ay nakamit na, hindi na ngayon kapanahunan ng pagtatayo ng iglesia, kundi ang kapanahunan kung kailan ang kaharian ay matagumpay na naitatayo. Gayunpaman, yamang kayo ay nasa lupa pa rin, ang mga pagtitipon ng mga tao sa lupa ay kikilalanin pa rin bilang “ang iglesia.” Magkagayon man, ang diwa ng iglesia ay hindi na gaya ng dati—ito ay isang iglesia na matagumpay nang naitayo. Samakatuwid, Aking sinasabi na ang Aking kaharian ay bumaba na sa lupa. Walang maaaring makatarok sa ugat ng Aking mga salita, ni mauunawaan ang Aking layunin sa pagkabigkas sa mga yaon. Sa paraan ng Aking pagsasalita ngayon, makakaranas kayo ng biglang kabatiran. Maaaring may ilan na biglang bubulalas sa malakas at mapait na pag-iyak; ang iba ay maaaring makadama ng pagkatakot na ito ang paraan ng Aking pagsasalita; ang iba ay maaaring mangunyapit sa kanilang makalumang pananaw habang minamasdan ang bawat kilos Ko; ang iba ay maaaring magsisi sa kanilang mga hinaing o paglaban sa Akin noon; ang iba ay maaaring magbunyi nang palihim, sapagka’t sila ay hindi kailanman nalihis mula sa Aking pangalan, at ngayon ay napanauli sila. Maaaring ang ilang tao ay “pinahirapan” noon ng Aking mga salita hanggang sa sila ay nag-aagaw-buhay na, pinanghinaan ng loob at malungkot, na wala nang pagnanais na sundin ang mga salitang Aking sinasabi, kahit na binago Ko na ang Aking paraan ng pagpapahayag; o iba pa na sa ilang panahon ay matapat na naglingkod sa Akin, na hindi kailanman dumaing, hindi kailanman nag-alinlangan, ay ngayon ay mapalad na makatamo ng paglaya at makaramdam ng di-mabigkas na pagpapasalamat sa Akin sa kanilang mga puso. Bawat tao ay nasa mga kalagayang nabanggit sa itaas, sa iba’t ibang antas. Subalit yamang ang nakaraan ay nakaraan na, at ang kasalukuyan ay narito na, hindi na kailangan pang balikan ang nakaraan na may panghihinayang, o mag-alala tungkol sa hinaharap. Bilang mga tao, sinumang sumasalungat sa realidad at hindi gumagawa ng mga bagay-bagay ayon sa Aking paggabay ay hindi makararating sa isang mabuting wakas, kundi magdadala lamang ng kaguluhan sa kanilang mga sarili. Sa lahat ng bagay na nagaganap sa sansinukob, walang anuman na hindi Ako ang may huling kapasyahan. Mayroon bang anumang wala sa Aking mga kamay? Anumang Aking sinasabi ay nangyayari, at sino sa mga tao ang makapagpapabago sa Aking isipan? Maaari kayang ito ang tipan na ginawa Ko sa lupa? Walang makahahadlang sa pagsulong ng Aking plano; Ako ay palaging naroroon sa Aking gawain gayundin sa plano ng Aking pamamahala. Sino sa mga tao ang maaaring makialam? Hindi ba’t Ako ang personal na gumawa ng mga pagsasaayos na ito? Ang pagpasok sa kalagayang ito ngayon ay hindi pa rin lumilihis mula sa Aking plano o kung ano ang Aking patiunang nakita; ito ay itinakda Ko nang lahat noon pa. Sino sa inyo ang maaaring makatarok sa hakbang na ito ng Aking plano? Ang Aking bayan ay may katiyakang makikinig sa Aking tinig, at ang bawat isa sa mga yaon na totoong nagmamahal sa Akin ay tiyak na magbabalik sa harapan ng Aking trono.

Pebrero 20, 1992

Sinundan: Panimula

Sumunod: Kabanata 2

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito