Ang Landas … 2
Marahil ang ating mga kapatirang lalaki at babae ay may kaunting ideya sa pagkakasunud-sunod, sa mga hakbang, at mga pamamaraan ng gawain ng Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina, ngunit iniisip Ko pa rin na mahalagang magbalik-tanaw sa mga bagay na ito o magbigay ng maikling buod. Gagamitin Ko lang ang pagkakataong ito upang sabihin kung ano ang nasa Aking puso, at hindi Ako magsasalita ng mga bagay na labas sa gawaing ito. Umaasa Ako na mauunawaan ng mga kapatirang lalaki at babae ang Aking pakiramdam, at mapagkumbaba Ko ring hinihiling na unawain at patawarin ng lahat ng nagbabasa ng Aking mga salita ang Aking mababang tayog, ang kakulangan ng Aking karanasan sa buhay, at ang kawalan Ko ng kakayahang maitaas ang Aking ulo sa harap ng Diyos. Gayunman, pakiramdam Ko ay may nilalayong mga kadahilanan lang ang mga ito. Sa madaling salita, anuman ang mangyari, walang tao, pangyayari, o bagay ang makahahadlang sa atin na magbahagi sa harap ng Diyos, at umaasa Ako na ang ating mga kapatirang lalaki at babae ay makasama sa Akin na gumawa nang mas masikap sa harap ng Diyos. Nais Kong ialay ang sumusunod na panalangin: “O Diyos! Mangyaring maawa sa amin upang Ako at ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay sama-samang magsumikap sa ilalim ng kapamahalaan ng aming iisang mga mithiin, maging tapat sa Iyo hanggang kamatayan, at hindi kailanman magkaroon ng anumang mga pagsisisi!” Ang mga salitang ito ang Aking pagpapasya sa harap ng Diyos, subalit masasabi rin na ang mga ito ang Aking sariling salawikain bilang isang taong nasa katawang-tao na ginagamit ng Diyos. Naibahagi Ko na nang maraming beses ang mga salitang ito sa pagsasalamuha sa mga kapatirang lalaki at babaeng kasama Ko, at naibigay Ko na ang mga ito sa mga kaagapay Ko bilang isang mensahe. Hindi Ko alam kung ano ang iniisip ng mga tao sa mga ito, subalit anuman ang mangyari, naniniwala Ako na ang mga salitang ito ay hindi lang may aspeto ng pansariling pagsisikap, ngunit higit pa rito, taglay rin ng mga ito ang aspeto ng may nilalayong teorya. Dahil dito, posible na may ilang tao ang may ilang opinyon, at makabubuti para sa iyo na gamitin ang mga salitang ito bilang salawikain at tingnan kung gaano kalaki ang iyong magiging pagnanais na ibigin ang Diyos. May ilang tao na magkakaroon ng isang tiyak na kuru-kuro kapag binasa nila ang mga salitang ito, at iisipin: “Paanong ang gayong pang-araw-araw, karaniwang bagay para sabihin ay magbibigay sa mga tao ng malaking pagnanais na ibigin ang Diyos hanggang kamatayan? At walang kinalaman ito sa paksang ating tinatalakay, ‘Ang Landas.’” Inaamin Ko na maaaring hindi gaanong kaakit-akit ang mga salitang ito, subalit lagi Kong naiisip na maaakay ng mga ito ang mga tao tungo sa tamang landas, at tutulutan silang sumailalim sa lahat ng uri ng mga pagsubok na nasa landas ng paniniwala sa Diyos nang hindi nasisiraan ng loob o umuurong. Ito ang dahilan kung bakit lagi Kong itinuturing ang mga ito bilang Aking salawikain. Umaasa Ako na ang mga tao, gayundin, ay maingat na pag-iisipan ang mga ito. Gayunpaman, ang Aking intensyon ay hindi upang pilitin ang lahat na tanggapin ang Aking sariling mga pananaw—isa lamang itong mungkahi. Anuman ang iniisip ng ibang tao sa Akin, sa palagay Ko ay nauunawaan ng Diyos ang panloob na mga dinamiko sa bawat isa sa atin. Patuloy na gumagawa ang Diyos sa bawat isa sa atin, at walang kapaguran ang Kanyang gawain. Sapagkat isinilang tayong lahat sa bansa ng malaking pulang dragon, gumagawa Siya sa atin sa ganitong paraan. Mapalad ang mga isinilang sa bansa ng malaking pulang dragon na makamit ang gawaing ito ng Banal na Espiritu. Bilang isa sa kanila, mayroon Akong matinding pakiramdam sa kagiliwan, pagiging kagalang-galang, at pagiging kaibig-ibig ng Diyos. Ito ang pangangalaga ng Diyos sa atin. Para magawang makamit ng isang napag-iwanan, makaluma, pyudalistiko, mapamahiin, at napakasamang imperyo ng mga manggagawa ang gayong gawain mula sa Diyos ay nagpapakita lang kung gaano tayo, ang pangkat na ito ng mga tao sa huling kapanahunan, ay pinagpala. Naniniwala Ako na lahat ng kapatirang lalaki at babae na nabuksan ang espirituwal na mga mata upang makita ang gawaing ito ay iiyak ng luha ng kagalakan bilang resulta. At sa sandaling iyon, hindi mo ba ipahahayag ang iyong sarili sa Diyos sa pamamagitan ng pagsayaw nang may kagalakan? Hindi mo ba iaalay ang awit sa iyong puso sa Diyos? Sa sandaling iyon, hindi mo ba ipakikita ang iyong kapasyahan sa Diyos at gagawa ng isa pang plano sa harap Niya? Palagay Ko ang lahat ng ito ang dapat gawin ng mga normal na taong naniniwala sa Diyos. Bilang mga tao, naniniwala Ako na ang bawat isa sa atin ay dapat na magkaroon ng isang uri ng pagpapahayag sa harap ng Diyos. Ito ang dapat gawin ng isang taong may mga damdamin. Kung titingnan ang kakayahan ng bawat isa sa atin, at ang lugar kung saan tayo ipinanganak, ipinakikita nito kung gaano kalaking kahihiyan ang tiniis ng Diyos upang makaparito sa ating kalagitnaan. Maaaring mayroon tayong kaunting kaalaman sa Diyos sa loob natin, subalit ang ating nalalaman—na ang Diyos ay napakadakila, napakataas, at napakarangal—ay sapat na upang bigyang-diin kung gaano katindi ang Kanyang naging pagdurusa sa gitna ng sangkatauhan. Gayunman ay malabo pa rin ang mga salita Kong ito, at kaya lang itong ituring ng mga tao bilang mga salita at doktrina, sapagkat ang mga taong nasa kalagitnaan natin ay masyadong manhid at mapurol. Ang magagawa Ko lang, samakatuwid, ay gumugol ng mas maraming pagsisikap sa pagpapaliwanag sa usaping ito sa lahat ng kapatirang lalaki at babae na tatanggap dito, upang ang ating mga espiritu ay maaantig ng Espiritu ng Diyos. Nawa ay buksan ng Diyos ang ating espirituwal na mga mata, upang ating maaaring makita ang halagang binayaran na ng Diyos, ang mga pagsisikap na ginawa na Niya, at ang lakas na ginugol na Niya para sa atin.
Bilang isa sa mga nasa kalakhang-lupain ng Tsina na tumanggap na sa Espiritu ng Diyos, may malalim Akong pakiramdam na talagang kulang ang ating kakayahan. (Umaasa Ako na ang ating mga kapatirang lalaki at babae ay hindi nakararamdam nang negatibo dahil dito—ito ang realidad ng sitwasyon.) Sa Aking praktikal na buhay ay malinaw Ko nang nakita na kung anong mayroon tayo at kung ano tayo ay talagang napag-iwanan na lahat. Pagdating sa pangunahing mga aspeto, ito ay kung paano natin iginagawi ang ating mga sarili sa ating mga buhay at ang ating ugnayan sa Diyos, at pagdating sa maliliit na aspeto, ito ay ang bawat isang ideya at kaisipan natin. Lahat ng ito ay mga bagay na umiiral nang may nilalayon, at mahirap ikubli ang mga ito gamit ang mga salita o pagkukunwari. Kaya, kapag sinasabi Ko ito, karamihan ng mga tao ay tumatango at kinikilala ito, at kumbinsido rito, malibang wala silang normal na katinuan: Ang gayong mga tao ay walang kakayahang tanggapin ang Aking mga pananaw na ito. Marahil ay masyado Akong walang galang, walang pakundangan Kong tinutukoy ang mga taong ito bilang totoong mga halimaw. Sapagkat sa bansa ng malaking pulang dragon, sila ang pinakamababa sa mga hamak, gaya ng mga baboy o mga aso. Wala nang higit pa na nagkukulang sa kakayahan; hindi sila karapat-dapat na lumapit sa harapan ng Diyos. Marahil dahil sa ang Aking mga salita ay masyadong “mapangahas.” Sa pagiging kinatawan ng Espiritu ng Diyos na gumagawa sa Akin, isinusumpa Ko ang ganitong uri ng mistulang-halimaw, maruming nilalang, at umaasa Ako na ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay hindi nanghihina dahil dito. Maaaring walang gayong mga tao sa kalagitnaan natin, ngunit anuman ang katotohanan, naniniwala Ako na ganito dapat pakitunguhan ang gayong mga tao. Ano ang iyong palagay?
Tumagal na nang libu-libong taon ang imperyo ng malaking pulang dragon at naging napakasama nito hanggang sa ngayon—at dahil nilabanan nito ang Diyos sa buong panahong ito, nasumpungan nito ang mga sumpa at ang poot ng Diyos, pagkatapos nito ay sumapit ang pagkastigo ng Diyos. Yamang isinumpa ng Diyos, patuloy na dumanas ang bansang ito ng panlahing diskriminasyon, at nananatiling nasa kalagayan ng pagiging napag-iwanan. Ang bansa na ating sinilangan ay namumutiktik sa lahat ng uri ng maruruming demonyo na walang pigil sa kanilang paghahangad ng pangingibabaw bilang resulta—nangangahulugang dinudungisan nila ang mga isinisilang dito. Ang mga gawi, mga kaugalian, mga ideya, at mga konsepto ng mga tao ay napag-iwanan na at makaluma, kaya bumubuo sila ng lahat ng uri ng mga kuru-kuro tungkol sa Diyos na hanggang ngayon ay hindi pa nila naiwawaksi. Sa partikular, kumikilos sila sa isang paraan sa harap ng Diyos, at kumikilos sa isa pang paraan sa Kanyang likuran, pinagkakamalan ang pagdadambana kay Satanas na paglilingkod sa Diyos, na nagpapakita na sila ang pinakanapag-iwanan sa lahat. Naisakatuparan na ng Diyos ang napakalaking gawain sa kalakhang-lupain ng Tsina at nakapagsalita na nang napakarami sa Kanyang mga salita, ngunit lubos pa ring manhid at walang-pakialam ang mga tao. Ginagawa pa rin nila ang gawaing ginawa nila noon, at ganap na wala silang pagkaunawa sa mga salita ng Diyos. Nang ipinahayag ng Diyos na walang kinabukasan at walang pag-asa, ang isang iglesia na noon ay buhay sa init ng tag-araw ay kaagad na bumagsak tungo sa malamig na taglamig. Nalantad sa liwanag ng araw ang tunay na mga sarili ng mga tao at ang kanilang dating pagtitiwala, pag-ibig, at kalakasan ay naglahong lahat nang walang bakas. At ngayon, walang sinuman sa kanila ang nakapagpanumbalik na ng kanilang kasiglahan. Sinasabi nila sa kanilang mga salita na iniibig nila ang Diyos, at bagaman hindi sila naglalakas-loob na dumaing sa kanilang mga puso, anuman ang mangyari, wala talaga sa kanila ang pag-ibig na iyon. Bakit ganoon? Palagay Ko ay aaminin ng ating mga kapatirang lalaki at babae ang katotohanang ito. Nawa ay bigyang-liwanag tayo ng Diyos, upang makilala nating lahat ang Kanyang pagiging kaibig-ibig, magawang ibigin ang ating Diyos sa kaibuturan ng ating mga puso, at maipahayag ang pag-ibig na taglay nating lahat para sa Diyos sa magkakaiba nating katayuan; nawa ay ipagkaloob sa atin ng Diyos ang mga pusong walang maliw na taos-pusong umiibig sa Kanya—ito ang Aking inaasam. Yamang nasabi ito, nakadarama Ako ng bahagyang simpatya para sa Aking mga kapatirang lalaki at babae na ipinanganak din sa lupaing ito ng karumihan, at kaya sumibol sa loob Ko ang pagkamuhi sa malaking pulang dragon. Hinahadlangan nito ang ating pusong mapagmahal sa Diyos at inuudyukan ang ating pagkaganid sa ating panghinaharap na mga kagustuhan. Tinutukso tayo nito na maging negatibo, na lumaban sa Diyos. Ang malaking pulang dragon ang matagal nang luminlang sa atin, ginawa tayong tiwali, at sumisira sa atin hanggang ngayon, hanggang sa punto na hindi na natin makayang suklian ng ating mga puso ang pag-ibig ng Diyos. Nasa ating mga puso ang pagnanais, ngunit sa kabila ng ating mga sarili, wala tayong lakas. Lahat tayo ay mga biktima nito. Sa kadahilanang ito, namumuhi Ako rito mula sa kaibuturan ng Aking kalooban, at hindi na Ako makapaghintay na wasakin ito. Gayunpaman, kapag muli Akong nag-iisip, wala ring mangyayari rito at magdadala lang ito ng kaguluhan sa Diyos, kaya bumabalik Ako sa mga salitang ito—itinalaga Ko ang Aking puso sa paggawa sa Kanyang kalooban—ang ibigin ang Diyos. Ito ang landas na Aking tinatahak—ito ang landas na kung saan Ako, ang isa sa Kanyang mga nilalang, ay dapat na lumakad. Ganito Ko dapat gugulin ang Aking buhay. Ito ang mga salita mula sa Aking puso, at umaasa Ako na ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay magkakamit ng kaunting pampasigla matapos basahin ang mga salitang ito upang ang Aking puso ay makapagkamit ng kaunting kapayapaan. Dahil ang Aking mithiin ay gawin ang kalooban ng Diyos at sa gayon ay isabuhay ang isang nagliliwanag at nagniningning na buhay na puspos ng kabuluhan. Sa ganito, makakaya Kong mamatay nang walang mga pagsisisi, nang may pusong puno ng kaluguran at kaginhawahan. Nais mo bang gawin iyon? Ikaw ba ay isang tao na may ganoong uri ng pagpapasya?
Na ang Diyos ay kayang gumawa sa tinaguriang “taong maysakit sa Silangang Asya” ay Kanyang dakilang kapangyarihan. Ito ang Kanyang pagpapakumbaba at pagiging tago. Sa kabila ng Kanyang marahas na mga salita o pagkastigo tungo sa atin, dapat natin Siyang purihin mula sa kaibuturan ng ating mga puso para sa Kanyang pagpapakumbaba, at ibigin Siya hanggang sa katapus-tapusan dahil dito. Ang mga taong naigapos ni Satanas sa loob ng libu-libong taon ay patuloy na namuhay sa ilalim ng impluwensya nito at hindi pa maiwaksi ito. Nagpatuloy silang mangapa at makibaka nang may kapaitan. Sa nakaraan sila ay magsusunog ng insenso, at yuyukod at idadambana si Satanas, at sila ay mahigpit na nakatali sa pamilya at makasanlibutang mga pagkakasangkot gayundin sa mga panlipunang pakikipag-ugnayan. Hindi nila naiwaksi ang mga ito. Sa ganitong uri ng lipunan na parang mga asong nagkakagatan, saan ba makasusumpong ang sinuman ng makahulugang buhay? Ang salaysay ng mga tao ay isang buhay ng pagdurusa, at sa kabutihang-palad, nailigtas na ng Diyos ang inosenteng mga taong ito, inilalagay ang ating mga buhay sa ilalim ng Kanyang pangangalaga at pag-iingat, upang ang ating mga buhay ay maligaya at hindi na puno ng mga pag-aalala. Patuloy tayong nabubuhay sa ilalim ng Kanyang biyaya hanggang sa ngayon. Hindi ba ito pagpapala ng Diyos? Paano mangangahas ang sinuman na humingi nang labis-labis sa Diyos? Napakaliit ba ng naibigay na Niya sa atin? Hindi pa rin ba kayo nasisiyahan? Sa tingin Ko ay dumating na ang panahon upang suklian natin ang pag-ibig ng Diyos. Maaaring dumaranas tayo ng matinding pangungutya, paninirang-puri, at pang-uusig dahil tinatahak natin ang landas ng paniniwala sa Diyos, subalit naniniwala Ako na ito ay isang makabuluhang bagay. Ito ay isang bagay ng kaluwalhatian, hindi kahihiyan, at anuman ang mangyari, marami ang mga pagpapalang ating tinatamasa. Sa di-mabilang na mga pagkakataon ng pagkabigo, ang mga salita ng Diyos ay naghatid na ng kaginhawahan, at bago pa natin mamalayan, ang kalungkutan ay naging kagalakan na. Sa di-mabilang na mga pagkakataon ng pangangailangan, ang Diyos ay naghatid na ng mga pagpapala at tayo ay natustusan sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Sa di-mabilang na mga pagkakataon ng karamdaman, ang mga salita ng Diyos ay naghatid na ng buhay—napalaya na tayo mula sa panganib, at bumaling mula sa panganib tungo sa kaligtasan. Natamasa mo na ang napakaraming bagay na gaya ng mga ito nang hindi ito napagtatanto. Wala ka bang naaalala rito?