Kabanata 44

Itinuturing ng mga tao ang Aking gawain bilang karagdagang bagay; hindi sila lumiliban sa pagkain o pagtulog alang-alang dito, kaya’t wala Akong pagpipilian kundi humingi nang akma sa tao ayon sa kanyang pagtrato sa Akin. Aking naaalaala na minsan Kong binigyan ang tao ng malaking biyaya at maraming pagpapala, nguni’t pagkaraang agawin ang mga bagay na ito, agad siyang umalis. Tila ba naibigay Ko ang mga iyon sa kanya nang hindi Ko namamalayan. Kaya’t lagi Akong minamahal ng tao sa pamamagitan ng kanyang mga sariling kuru-kuro. Ibig Kong tunay Akong mahalin ng tao; gayunman, ngayon ay nagpapabagal pa rin ang mga tao, hindi nila Ako magawang mahalin nang tunay. Sa kanilang mga imahinasyon, naniniwala sila na kung tunay nila Akong mamahalin, walang malalabi sa kanila. Kapag Ako ay tumutol, nanginginig ang kanilang buong katawan—gayunman ay hindi pa rin sila handang ibigay ang kanilang tunay na pagmamahal sa Akin. Tila ba may hinihintay silang kung ano, kaya’t tumatanaw sila sa unahan, hindi kailanman sinasabi sa Akin ang totoong nangyayari. Tila ba naisara ang kanilang mga bibig ng madikit na istiker, kaya’t palaging pautal-utal ang kanilang pagsasalita. Sa harap ng tao, Ako ay tila naging walang-awang kapitalista. Laging natatakot sa Akin ang mga tao: Pagkakita sa Akin, agad silang nawawala nang walang bakas, takot na takot kung ano ang itatanong Ko sa kanila tungkol sa kanilang mga kalagayan. Hindi Ko alam kung bakit kaya ng mga tao ang taos-pusong pagmamahal sa kanilang “kapwa kabarangay,” nguni’t hindi Ako magawang mahalin, na Siyang matuwid sa espiritu. Dahil dito, Ako ay naghihimutok: Bakit laging pinapakawalan ng mga tao ang kanilang pag-ibig sa mundo ng tao? Bakit hindi Ko natitikman ang pagmamahal ng tao? Dahil ba hindi Ako kabilang sa sangkatauhan? Lagi Akong itinuturing ng mga tao na tulad sa isang taong-gubat mula sa mga kabundukan. Tila ba kulang Ako ng lahat ng bahaging bumubuo sa isang normal na tao, kaya’t, sa harap Ko, ang mga tao ay laging nagkukunwaring may mataas na antas ng moralidad. Malimit nila Akong kaladkarin sa kanilang harap upang pagsabihan Ako, pinagagalitan Ako nang tulad sa ginagawa nila sa isang batang musmos; laging gumaganap sa papel ng tagapagturo ang mga tao sa harap Ko, sapagka’t sa kanilang mga alaala, Ako ay isang di-makatuwiran at walang pinag-aralan. Hindi Ko kinakastigo ang mga tao dahil sa kanilang mga kabiguan, bagkus ay binibigyan sila ng akmang tulong, hinahayaan silang makatanggap ng palagiang “tulong pangkabuhayan.” Dahil ang tao ay lagi nang namuhay sa gitna ng sakuna at nahihirapang tumakas, at, sa kalagitnaan ng sakunang ito, lagi siyang tumatawag sa Akin, kaagad Akong naghahatid ng “mga panustos na butil” sa kanyang mga kamay, hinahayaan ang lahat ng tao na mamuhay sa malaking pamilya ng bagong kapanahunan, at maranasan ang init ng malaking pamilya. Kapag minamasdan Ko ang gawain sa gitna ng tao, natutuklasan Ko ang marami niyang kapintasan, at, bunga nito, binibigyan Ko siya ng tulong. Kahit sa panahong ito, may pambihirang kahirapan pa rin sa gitna ng tao, at sa gayon ay nagkaloob Ako ng karampatang kalinga sa “mahihirap na lugar,” iniaangat sila mula sa kahirapan. Ito ang pamamaraan kung paano Ako gumagawa, hinahayaan ang lahat ng tao na tamasahin ang Aking biyaya hanggang sa abot ng kanilang makakaya.

Dumaranas ng pagkastigo ang mga tao sa lupa nang hindi nila namamalayan, kaya’t binubuksan Ko ang Aking malaking kamay at hinihila sila sa Aking tabi, pinahihintulutan sila sa mabuting kapalaran ng pagtatamasa ng Aking biyaya sa lupa. Ano ang nasa lupa na hindi hungkag at walang halaga? Naglalakad Ako sa lahat ng lugar sa mundo ng tao, at kahit na napakaraming kilalang bantayog at likas na tanawing kasiya-siya sa tao, saan man Ako pumunta ay matagal nang nawalan ng kasiglahan. Saka Ko lamang nadarama na mapanglaw at tiwangwang ang lupa: Sa ibabaw ng lupa, matagal nang naglaho ang buhay. Mayroon lamang amoy ng kamatayan, kaya’t tinawagan Ko na ang tao na magmadali na lisanin ang lupaing ito ng pagdurusa. Ang nakikita Ko lamang ay ang sangsang ng kahungkagan. Sinasamantala Ko ang pagkakataong ihagis ang buhay sa Aking kamay tungo sa mga napili Ko na; kaagad-agad, may isang tapal na luntian sa ibabaw ng lupain. Handa ang mga tao na tamasahin ang masisiglang bagay sa ibabaw ng lupa, nguni’t hindi Ako nasisiyahan dito; laging itinatangi ng mga tao ang mga bagay-bagay sa ibabaw ng lupa, at hindi kailanman nakikita ang kahungkagan ng mga iyon, anupa’t yamang narating ang puntong ito ngayon, hindi pa rin nila nauunawaan kung bakit walang buhay na umiiral sa ibabaw ng lupa. Ngayon, habang naglalakad Ako sa kalagitnaan ng sansinukob, nagagawa ng lahat ng tao na tamasahin ang biyaya ng lugar kung nasaan Ako, at ginagamit nila ito bilang pag-aari, hindi kailanman hinahanap ang pinagmumulan ng buhay. Ginagamit nilang lahat ang ibinibigay Ko bilang pag-aari, ngunit wala sa kanilang sumusubok na gampanan ang orihinal na tungkulin ng kasiglahan. Hindi nila alam kung paano gamitin o paunlarin ang mga likas na yaman, kaya’t naiiwan silang salat. Nananahan Ako sa gitna ng tao, namumuhay Ako sa gitna ng tao, ngunit ngayon, hindi pa rin Ako kilala ng tao. Bagama’t nabigyan Ako ng malaking tulong ng mga tao dahil sa Aking pagiging napakalayo sa tahanan, tila ba hindi Ko pa naitatatag ang tamang pakikipagkaibigan sa tao, kaya’t nararamdaman Ko pa rin ang pagiging hindi-patas ng mundo ng tao; sa Aking mga mata, ang sangkatauhan, pagkatapos ng lahat, ay hungkag, at walang yamang may anumang halaga sa gitna ng tao. Hindi Ko alam kung anong pananaw mayroon ang mga tao tungkol sa buhay ng tao, nguni’t, sa kabuuan, ang Akin ay hindi maihihiwalay sa salitang “hungkag.” Umaasa Ako na hindi nag-iisip ng masama sa Akin ang mga tao dahil dito—sapagka’t talagang tahasan Ako, at hindi Ko sinusubukang maging mapitagan. Gayunpaman, papayuhan Ko ang mga tao na pag-ukulan ng mas masusing pansin ang Aking iniisip, sapagka’t ang Aking mga salita, matapos ang lahat, ay nakakatulong sa kanila. Hindi Ko alam kung anong pagkaunawa mayroon ang mga tao sa “kahungkagan.” Umaasa Ako na gumugol sila ng kaunting pagsisikap sa gawaing ito. Makabubuti para sa kanila na maranasan ang buhay ng tao sa praktikal na pamamaraan, at tingnan kung makahahanap sila ng anumang mahalagang “natatagong mga deposito ng mineral” dito. Hindi Ko sinusubukang patamlayin ang pagkapositibo ng mga tao; nais Ko lamang na makapagtamo sila ng ilang kaalaman mula sa Aking mga salita. Lagi Akong nagmamadali alang-alang sa mga pantaong bagay-bagay, ngunit sa kasalukuyang lagay ng mga bagay, hindi pa rin nakapagsasabi ang mga tao ng kahit isang salita ng pasasalamat, na tila ba labis silang abala at nakalimutan nang gawin ito. Kahit ngayon, hindi Ko pa rin nauunawaan kung ano ang naging epekto ng pagmamadali ng mga tao sa lahat ng araw. Magpahanggang sa ngayon, wala pa rin Akong puwang sa puso ng mga tao, kaya’t minsan pang nag-iisip Ako nang malalim. Nasimulan Ko nang italaga ang Aking sarili sa gawain ng pagsasaliksik “kung bakit ang mga tao ay walang puso na tunay na nagmamahal sa Akin.” Itataas Ko ang tao sa “mesa sa pag-oopera,” hihiwain Ko ang kanyang puso, at titingnan kung ano ang bumabara sa daan sa kanyang puso at pumipigil sa kanya na tunay Akong mahalin. Sa ilalim ng bisa ng “patalim,” mariing ipinipikit ng mga tao ang kanilang mga mata, naghihintay na magsimula Ako, dahil, sa sandaling ito, ganap na silang nagpasakop; sa kanilang mga puso, marami Akong nakikita na iba pang pangangalunya. Pangunahin sa mga ito ay sariling mga bagay-bagay ng mga tao. Bagama’t maaaring may kaunting bagay-bagay sa labas ng kanilang mga katawan, hindi mabibilang yaong mga nasa loob ng kanilang mga katawan. Tila ba isang malaking kahong imbakan ang puso ng tao, puno ng mga kayamanan at lahat ng kakailanganin ng mga tao. Sa sandaling ito Ko lamang nauunawaan kung bakit hindi Ako kailanman binibigyang-pansin ng mga tao: Ito ay dahil may malaking sariling kasapatan sila—bakit kakailanganin pa nila ang tulong Ko? Kaya’t lumilisan Ako sa tao, sapagka’t hindi nila kailangan ang Aking tulong; bakit Ako “kikilos nang walang kahihiyan” at magtamo ng kanilang pagkamuhi?

Sinong nakaaalam kung bakit, ngunit lagi Akong nahahandang magsalita sa kalagitnaan ng tao—na tila ba hindi Ko mapipigilan ang Aking Sarili. Kaya’t, lagi Akong tinitingnan ng mga tao na walang silbi, at lagi Akong itinuturing na tila ba ang halaga Ko ay higit pang mababa kaysa sa isang sentimo; hindi nila Ako itinuturing na karapat-dapat sa paggalang. Hindi nila Ako itinatangi, at kinakaladkad nila Akong pauwi kung kailan nila naisin, at pagkaraan ay itinatapon Akong muli sa labas, “inilalantad” Ako sa harap ng madla. Sukdulan ang Aking pagkamuhi sa walang kapurihang asal ng tao, kaya’t tahasan Kong sinasabi na ang tao ay walang budhi. Subalit matigas ang ulo ng mga tao; kinukuha nila ang kanilang “mga espada at sibat” at nakikipaglaban sa Akin, sinasabing hindi umaayon sa realidad ang Aking mga salita, sinasabing inaalipusta Ko sila—nguni’t hindi Ako gumaganti sa kanila bilang bunga ng kanilang marahas na asal. Ginagamit Ko lamang ang Aking mga katotohanan upang mapagwagian ang mga tao at upang makaramdam sila ng hiya sa kanilang mga sarili, pagkaraan ay tahimik silang uurong. Hindi Ako nakikipagtagisan sa tao, dahil walang pakinabang sa ganyan. Tatalima Ako sa Aking tungkulin, at umaasa Ako na tatalima rin ang tao sa kanyang tungkulin, at hindi kikilos laban sa Akin. Hindi ba’t higit na mabuting magkasama nang mapayapa sa ganitong paraan? Bakit sisirain ang ating ugnayan? Nagkasundo na tayo sa loob ng mga taong ito—anong pangangailangang mayroon upang magsanhi ng kaguluhan para sa ating dalawa? Hindi ba’t lubusang walang pakinabang iyan sa alinman sa ating mga reputasyon? Taglay natin ang mahahabang taon ng “malaong pagkakaibigan,” isang “malaong pagkakapalagayang-loob”—aanhin pa ang mapait na paghihiwalay? Mainam bang gawin ito? Umaasa Ako na magbibigay-pansin ang mga tao sa magiging epekto, na alam nila kung anong mabuti para sa kanila. Ang Aking saloobin hinggil sa tao ngayon ay sapat para sa habambuhay ng kanyang talakayan—bakit laging nabibigo ang mga tao na kilalanin ang Aking kabaitan? Dahil ba kulang sila ng mga kapangyarihan ng pagpapahayag? Kulang ba sila ng sapat na mga salita? Bakit lagi silang nag-aapuhap ng sasabihin? Sino ang walang pagkaalam sa kung paano Ko dalhin ang Aking Sarili? Lubos na namamalayan ng mga tao ang Aking mga ginagawa—nangyayari lamang na laging ibig nilang lamangan ang iba, kaya’t hindi sila kailanman handang isaisantabi ang kanilang mga sariling kapakinabangan; kung nasasaling ng isang parirala ang kanilang mga sariling kapakinabangan, tumatanggi silang mamahinga hangga’t hindi sila nakapangingibabaw—at ano ang punto diyan? Hindi makapagpaligsahan ang mga tao sa kung ano ang kanilang maiaambag, ngunit pinagtutunggalian ang kung anong makakamit nila. Bagama’t walang kasiyahan sa kanilang katayuan, labis nila itong itinatangi, at itinuturing pa ito bilang di-matutumbasang yaman—kaya’t mas nanaisin pa nilang tiisin ang Aking pagkastigo kaysa isuko ang mga pakinabang ng katayuan. Napakataas ng pagtingin ng mga tao sa kanilang mga sarili, kaya’t hindi kailanman handang isaisantabi ang kanilang mga sarili. Marahil ay may kaunting di-kawastuhan sa Aking pagtimbang sa tao, o marahil ay nailagay Ko siya sa tatak na hindi naman malupit at hindi rin naman walang higpit—ngunit, bilang pagbubuod, ang Aking pag-asa ay ituring ito ng mga tao na isang babala.

Mayo 21, 1992

Sinundan: Kabanata 43

Sumunod: Kabanata 45

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito