Kabanata 45

Minsan ay pinili Kong manatili ang magagandang gamit sa Aking sambahayan, upang magkaroon ng walang-kapantay na mga kayamanan sa loob niyon at mapalamutian ito nang gayon, at nagtamo Ako ng kasiyahan mula rito. Ngunit dahil sa pag-uugali ng tao sa Akin, at dahil sa mga motibasyon ng mga tao, wala Akong ibang nagawa kundi isantabi ang gawaing ito at gumawa ng ibang gawain. Gagamitin Ko ang mga motibasyon ng tao para isakatuparan ang Aking gawain, mamaniobrahin Ko ang lahat ng bagay para magsilbi sa Akin, at sasanhiin Kong hindi na maging malungkot at mapanglaw ang Aking sambahayan dahil dito. Minsan ay pinanood Ko ang tao: Lahat ng may laman at dugo ay nakatulala, at wala ni isa mang bagay ang nakaranas ng pagpapala ng Aking pag-iral. Nabuhay ang mga tao sa gitna ng mga pagpapala ngunit hindi nila alam kung gaano sila pinagpala. Kung hindi umiiral ang Aking mga pagpapala sa sangkatauhan hanggang ngayon, sino sa sangkatauhan ang magagawang manatili hanggang sa kasalukuyan at hindi nasawi? Pagpapala Ko na nabubuhay ang tao, at nangangahulugan ito na nabubuhay siya sa gitna ng Aking mga pagpapala, dahil dati-rati ay wala siyang anuman, at dahil dati-rati ay wala siyang puhunan para mabuhay sa lupa at sa ilalim ng langit; ngayon ay patuloy Kong tinutulungan ang tao, at dahil lamang dito kaya nakakatayo ang tao sa Aking harapan, sapat na masuwerte para matakasan ang kamatayan. Naibuod na ng mga tao ang mga lihim ng pag-iral ng tao, ngunit wala ni isang nakahiwatig na ito ay Aking pagpapala. Dahil dito, isinusumpa ng lahat ng tao ang kawalang-katarungan sa loob ng mundo, at lahat sila ay nagrereklamo tungkol sa Akin dahil sa kalungkutan sa kanilang buhay. Kung hindi sa Aking mga pagpapala, sino ang makakakita ng ngayon? Lahat ng tao ay nagrereklamo tungkol sa Akin dahil hindi nila kayang mamuhay sa gitna ng kaginhawahan. Kung naging masaya at magaan ang buhay ng tao, kung ipinadala ang mainit na “simoy ng tagsibol” sa puso ng tao, na nagsasanhi ng walang-katulad na kasiyahan sa kanyang buong katawan at iniiwan siyang wala ni katiting na pasakit, sino sa tao ang mamamatay na nagrereklamo? Hirap na hirap Akong matamo ang lubos na katapatan ng tao, sapagkat napakaraming tusong pakana ng mga tao—na sapat, medyo simple, para paikutin ang ulo ng isang tao. Ngunit kapag tumututol Ako sa kanila, nagkikibit-balikat lamang sila sa Akin at hindi nila Ako pinapansin, sapagkat ang Aking mga pagtutol ay nakaantig sa kanilang kaluluwa, iniiwan silang walang kakayahang mapatibay mula ulo hanggang paa, kaya nga kinamumuhian ng mga tao ang Aking pag-iral, sapagkat gustung-gusto Ko palaging “pahirapan” sila. Dahil sa Aking mga salita, nag-aawitan at nagsasayawan ang mga tao; dahil sa Aking mga salita, tahimik silang nagyuyuko ng ulo; at dahil sa Aking mga salita, bumubulalas sila ng iyak. Sa Aking mga salita, nawawalan ng pag-asa ang mga tao; sa Aking mga salita, natatamo nila ang liwanag para manatiling buhay. Dahil sa Aking mga salita pabiling-biling sila, di-makatulog araw at gabi, at dahil sa Aking mga salita, nagmamadali sila sa buong lugar. Isinasadlak ng Aking mga salita ang mga tao sa Hades, at pagkatapos ay isinasadlak sila ng sa pagkastigo—ngunit, nang hindi natatanto, tinatamasa rin ng mga tao ang Aking mga pagpapala. Kaya ba itong makamit ng tao? Maipapalit ba ito sa walang-kapagurang mga pagsisikap ng mga tao? Sino ang makakatakas sa mga pagsasaayos ng Aking mga salita? Sa gayon, dahil sa mga kabiguan ng tao, ipinagkakaloob Ko ang Aking mga salita sa sangkatauhan, kaya nabubusog ang mga kakulangan ng tao dahil sa Aking mga salita, na naghahatid ng walang-kapantay na mga kayamanan sa buhay ng sangkatauhan.

Madalas Kong sinusuri ang mga salita at kilos ng mga tao. Sa kanilang asal at mga ekspresyon sa kanilang mukha, nakatuklas Ako ng maraming “hiwaga.” Sa mga pakikipag-ugnayan ng mga tao sa iba, ang “mga lihim na pamamaraan” ay halos ipinagmamalaki ang lugar—at sa gayon, kapag nakikisama Ako sa tao, ang Aking natatamo ay ang “lihim na mga pamamaraan ng pakikipag-ugnayan ng tao,” na nagpapakita na hindi Ako mahal ng tao. Madalas Kong pangaralan ang tao dahil sa kanyang mga kabiguan, subalit hindi Ko kayang matamo ang kanyang tiwala. Ayaw ng tao na hayaan Akong patayin siya, sapagkat sa “mga lihim na pamamaraan ng pakikipag-ugnayan” ng tao, hindi kailanman natuklasan na ang tao ay nagdanas ng nakamamatay na sakuna—nagdanas lamang siya ng ilang kabiguan sa panahon ng kasawian. Umiiyak ang mga tao dahil sa Aking mga salita, at ang kanilang mga pagsamo ay laging naglalaman ng mga hinaing tungkol sa Aking kawalang-puso. Para bang lahat sila ay naghahanap sa Aking tunay na “pagmamahal” sa tao—ngunit paano nila matatagpuan ang Aking pagmamahal sa Aking mababagsik na salita? Dahil dito, lagi silang nawawalan ng pag-asa dahil sa Aking mga salita. Para bang, kapag nabasa na nila ang Aking mga salita, namamasdan nila si “kamatayan” at sa gayon ay nanginginig sila sa takot. Nalulungkot Ako dahil dito: Bakit ang mga taong nasa laman, na nabubuhay sa gitna ng kamatayan, ay laging natatakot sa kamatayan? Mahigpit na magkaaway ba ang tao at kamatayan? Bakit palaging nagsasanhi ng pagkabagabag sa mga tao ang takot sa kamatayan? Sa buong “di-pangkaraniwang” mga karanasan sa kanilang buhay, bahagyang kamatayan lamang ba ang kanilang nararanasan? Bakit laging nagrereklamo ang mga tao, sa kanilang sinasabi, tungkol sa Akin? Kaya, ibinubuod Ko ang ikaapat na kasabihan para sa buhay ng tao: Katiting lamang ang pagkamasunurin ng mga tao sa Akin, at sa gayon ay lagi silang napopoot sa Akin. Dahil sa pagkapoot ng tao, madalas Akong umaalis. Bakit Ko kailangang ipailalim ang Aking sarili rito? Bakit Ko kailangang pukawin ang pagkamuhi sa mga tao? Yamang hindi tinatanggap ng mga tao ang Aking pag-iral, bakit Ko kailangang mabuhay nang walang kahihiyan sa loob ng bahay ng tao? Wala Akong magagawa kundi kunin ang Aking “bagahe” at iwan ang tao. Ngunit hindi matiis ng mga tao na paalisin Ako, at ayaw nila Akong hayaang umalis kailanman. Nananangis sila at humahagulgol, takot na takot na umalis Ako at sa gayon ay mawalan sila ng maaasahan para mabuhay. Nakikita ang kanilang nakikiusap na tingin, lumalambot ang puso Ko. Sa gitna ng lahat ng karagatan ng mundo, sino ang may kakayahang mahalin Ako? Ang tao ay nababalot ng maruming tubig, napapalibutan ng puwersa ng dagat. Kinamumuhian Ko ang pagsuway ng tao, subalit nakadarama rin Ako ng habag sa kasawian ng buong sangkatauhan—sapagkat tutal naman, biktima pa rin ang tao. Paano Ko maitatapon ang tao sa karagatan kapag siya ay nanghihina at walang lakas? Napakalupit Ko ba para sipain siya habang nakadapa na? Napakalupit ba ng puso Ko? Dahil sa Aking pagtrato sa sangkatauhan kaya pumapasok ang tao sa kapanahunang ito kasabay Ko, at dahil dito kaya niya napalipas ang di-pangkaraniwang mga araw at gabing ito na kasama Ko. Ngayon, matindi pa rin ang kagalakan ng mga tao, higit nilang nadarama ang Aking pagsinta, at mahal nila Ako nang may matinding kalakasan, dahil may sigla sa kanilang buhay, at tumigil na sila sa pagiging mga alibughang anak na lumalaboy sa mga dulo ng daigdig.

Sa mga panahon na namumuhay Ako sa piling ng tao, umaasa ang mga tao sa Akin, at dahil may konsiderasyon Ako sa tao sa lahat ng bagay at maselan sa Aking pangangalaga sa kanya, palaging nabubuhay ang mga tao sa mainit Kong yakap, walang tinitiis na umiihip na hangin, pumapatak na ulan, o nakakasunog na araw; nabubuhay ang mga tao sa gitna ng kaligayahan at itinuturing Ako bilang isang mapagmahal na ina. Ang mga tao ay parang mga bulaklak sa isang greenhouse, lubos na walang kakayahang matagalan ang pananalanta ng “likas na mga sakuna,” walang kakayahan kailanman na matatag na manindigan. Kaya inilalagay Ko sila sa gitna ng mga pagsubok ng umuugong na mga karagatan, at wala silang magawa kundi walang-tigil na “mag-urong-sulong.” Halos wala silang lakas na lumaban—at dahil kulang na kulang ang kanilang tayog at napakahina ng kanilang katawan, nabibigatan Ako. Sa gayon, nang hindi ito natatanto, isinasailalim ang mga tao sa Aking mga pagsubok, dahil naparupok nila, at hindi nila matagalan ang umuugong na hangin at nakakasunog na araw. Hindi ba ito ang Aking gawain sa kasalukuyan? Bakit, kapag naharap sa Aking mga pagsubok, palaging bumubulalas ng iyak ang mga tao? May nagawa ba Akong hindi makatarungan sa kanila? Sadya Ko ba silang pinapaslang? Bakit ang kalagayan ng tao na siyang kaibig-ibig ay pumapanaw, at hindi na muling mabubuhay kailanman? Lagi Akong sinusunggaban ng mga tao at hindi Ako binibitawan; dahil hindi nila kayang mamuhay sa kanilang sarili kailanman, lagi nilang hinahayaang maakay sila ng Aking kamay, takot na takot na matangay sila ng iba. Hindi Ko ba ginagabayan buong buhay nila? Sa panahon ng maligalig nilang buhay, kapag tumatawid sila sa taluktok at kapatagan, nakaranas na sila ng malaking kaligaligan—hindi ba ito nagmula sa Aking kamay? Bakit hindi kailanman naunawaan ng mga tao ang Aking puso? Bakit lagi silang nagkakamali ng pag-unawa sa Aking mabubuting layunin? Bakit hindi makapagpatuloy nang maayos ang Aking gawain sa lupa? Dahil sa kahinaan ng tao, iniwasan Ko na palagi ang tao, na pinupuspos Ako ng kalungkutan: Bakit hindi maisagawa sa tao ang sumunod na hakbang ng Aking gawain? Sa gayon, nananahimik Ako, maingat Ko siyang tinitimbang: Bakit palagi Akong pinipigilan ng mga depekto ng tao? Bakit palaging may mga sagabal sa Aking gawain? Ngayon, kailangan Ko pang hanapin ang buong kasagutan sa tao, sapagkat laging pabagu-bago ang ugali ng tao, hindi siya normal kailanman; sagad sa buto ang pagkamuhi niya sa Akin, o kaya naman ay sukdulan ang pagmamahal niya sa Akin. Ako, ang normal na Diyos Mismo, ay hindi makakatagal sa gayong pagpapahirap mula sa tao. Dahil palaging abnormal ang isipan ng mga tao, parang medyo takot Ako sa tao, kaya nga ang panonood sa bawat galaw niya ay nagpapaisip sa Akin sa abnormalidad niya. Hindi sinasadyang natuklasan Ko ang hiwaga sa tao: Lumalabas na may utak sa kanyang likuran; dahil dito, palaging matapang at kumpiyansa ang mga tao, parang nakagawa sila ng isang bagay na makatwiran. Sa gayon, palaging nagkukunwaring matanda ang mga tao, at ineengganyo ang “batang paslit.” Habang pinanonood Ko ang pagpapanggap ng tao, hindi Ko maiwasang magpuyos sa galit: Bakit lubhang hindi mapagmahal at walang galang ang mga tao sa kanilang sarili? Bakit hindi nila kilala ang kanilang sarili? Nakalipas na ba ang Aking mga salita? Kaaway ba ng tao ang Aking mga salita? Bakit, kapag binasa ng mga tao ang Aking mga salita, inaayawan nila Ako? Bakit palaging idinaragdag ng mga tao ang sarili nilang mga ideya sa Aking mga salita? Lubha ba Akong di-makatwiran sa tao? Dapat pag-isipang mabuti ng lahat ng tao ang tungkol dito, tungkol sa nakapaloob sa Aking mga salita.

Mayo 24, 1992

Sinundan: Kabanata 44

Sumunod: Kabanata 46

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito