Panimula

Ang “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob” ang ikalawang bahagi ng mga pagbigkas na ipinahayag ni Cristo sa identidad ng Diyos Mismo. Saklaw ng mga ito ang panahon mula Pebrero 20, 1992 hanggang Hunyo 1, 1992, at may kabuuang apatnapu’t pitong kabanata. Ang paraan, nilalaman, at pananaw ng mga salita ng Diyos sa mga pagbigkas na ito ay lubos na hindi kagaya ng “Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula.” Inilalantad at ginagabayan ng “Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula” ang panlabas na pag-uugali ng mga tao at ang kanilang simpleng espirituwal na buhay. Sa huli, nagtatapos ito sa “ang pagsubok ng mga tagapagsilbi.” Gayunman, nagsisimula ang “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob,” sa konklusyon ng identidad ng mga tao bilang mga tagapagsilbi at sa pagsisimula ng kanilang buhay bilang mga tao ng Diyos. Ginagabayan nito ang mga tao sa ikalawang tugatog ng gawain ng Diyos, kung kailan sumasailalim sila sa pagsubok ng lawa ng apoy, sa pagsubok ng kamatayan, at sa panahon ng pagmamahal sa Diyos. Ang ilang hakbang na ito ay lubusang naglalantad sa kapangitan ng tao sa harap ng Diyos gayundin sa kanilang tunay na mukha. Sa huli, magtatapos ang Diyos sa isang kabanata kung saan hihiwalay Siya sa tao, sa gayon ay matatapos ang lahat ng hakbang ng pagkakatawang-taong ito ng paglupig ng Diyos sa unang grupo ng mga tao.

Sa “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob,” ipinapahayag ng Diyos ang Kanyang mga salita mula sa pananaw ng Espiritu. Ang paraan ng Kanyang pagsasalita ay hindi kayang matamo ng nilikhang sangkatauhan. Bukod pa riyan, ang bokabularyo at estilo ng Kanyang mga salita ay maganda at nakakaantig, at walang anyo ng panitikan ng tao ang maaaring humalili sa mga ito. Ang mga salita kung saan inilalantad Niya ang tao ay tumpak, hindi mapapasinungalingan ang mga ito ng anumang pilosopiya, at hinihikayat ng mga ito ang lahat ng tao na magpasakop. Gaya ng matalas na tabak, ang mga salitang ginagamit ng Diyos sa paghatol sa tao ay tuwirang humihiwa sa kailaliman ng kaluluwa ng mga tao, napakalalim para maiwan silang walang lugar na mapagtataguan. Ang mga salitang ginagamit Niya para aliwin ang mga tao ay may dalang awa at mapagmahal na kabaitan, magiliw ang mga ito na tulad ng yakap ng isang mapagmahal na ina, at ipinararamdam ng mga ito sa mga tao na ligtas sila nang higit kailanman. Ang kaisa-isang pinakadakilang katangian ng mga pagbigkas na ito ay na, sa yugtong ito, hindi nangungusap ang Diyos gamit ang identidad ni Jehova o ni Jesucristo, ni hindi ng identidad ni Cristo ng mga huling araw. Sa halip, gamit ang Kanyang likas na identidad—ang Lumikha—Siya ay nagsasalita at nagtuturo sa lahat ng sumusunod sa Kanya at lahat ng susunod pa sa Kanya. Makatarungang sabihin na ito ang unang pagkakataon mula noong paglikha ng mundo na nangusap ang Diyos sa buong sangkatauhan. Hindi kailanman nangusap ang Diyos sa nilikhang sangkatauhan nang ganito kadetalyado at napakaayos. Siyempre pa, ito rin ang unang pagkakataon na marami Siyang sinabi, at napakatagal, sa buong sangkatauhan. Wala pang nakagawa nito kailanman. Bukod pa riyan, ang mga pagbigkas na ito ang bumubuo sa unang tekstong ipinahayag ng Diyos sa sangkatauhan kung saan inilalantad Niya ang mga tao, ginagabayan sila, hinahatulan sila, at nagsasalita Siya nang tapatan sa kanila at ito rin ang unang mga pagbigkas kung saan ipinaaalam ng Diyos sa mga tao ang Kanyang mga yapak, ang lugar na Kanyang pinaghihimlayan, ang disposisyon ng Diyos, kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos, ang mga kaisipan ng Diyos, at ang Kanyang pag-aalala sa sangkatauhan. Masasabi na ito ang mga unang pagbigkas na sinambit ng Diyos sa sangkatauhan mula sa ikatlong langit simula noong paglikha, at ang unang pagkakataon na nagamit ng Diyos ang Kanyang likas na pagkakakilanlan upang magpakita at ipahayag ang tinig ng Kanyang puso sa sangkatauhan sa gitna ng mga salita.

Ang mga pagbigkas na ito ay malalim at hindi maarok; hindi madaling maunawaan ang mga ito, ni hindi rin posibleng maintindihan ang mga pinagmulan at mga layon ng mga salita ng Diyos. Sa gayon, nagdagdag ng paliwanag si Cristo pagkatapos ng bawat kabanata, gamit ang wikang madaling maintindihan ng tao upang maghatid ng kalinawan sa mas malawak na bahagi ng mga pagbigkas. Mas pinadadali nito, lakip ang mga pagbigkas mismo, na maunawaan at malaman ng lahat ang mga salita ng Diyos. Ginawa na naming suplemento ang mga salitang ito sa “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob.” Sa mga iyon, nagbibigay ng mga paliwanag si Cristo gamit ang pananalitang pinakamadaling maunawaan. Ang kumbinasyon ng dalawa ang perpektong pagsasanib ng pagka-Diyos at ng Diyos sa pagkatao. Bagama’t nagsasalita ang Diyos sa pananaw ng ikatlong persona sa suplemento, hindi maikakaila ng sinuman na ang mga salitang ito ay personal na binigkas ng Diyos, sapagkat walang taong maaaring magpaliwanag sa mga salita ng Diyos nang malinaw; ang Diyos lamang Mismo ang maaaring magpaliwanag sa mga pinagmulan at layon ng Kanyang mga pagbigkas. Kaya, bagama’t nagsasalita ang Diyos gamit ang maraming kaparaanan, ang mga pakay ng Kanyang gawain ay hindi nagbabago kailanman, ni hindi nagbabago ang mithiin ng Kanyang plano.

Bagama’t ang “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob” ay nagwawakas sa isang kabanata kung saan humihiwalay ang Diyos sa tao, sa katunayan, ito ang panahon na opisyal na ibinunyag ang gawain ng paglupig at pagliligtas ng Diyos sa tao, at ang Kanyang gawaing gawing perpekto ang mga tao. Kaya, mas angkop na ituring natin ang “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob” bilang propesiya ng gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sapagkat pagkatapos lamang nito opisyal na nagsimulang gumawa at magsalita ang Anak ng tao na nagkatawang-tao gamit ang identidad ni Cristo, na naglalakad sa mga iglesia at nagbibigay ng buhay, at nagdidilig at umaakay sa lahat ng Kanyang tao, na siyang nagpasimula sa maraming pagbigkas sa “Ang mga Salita ni Cristo Nang Siya’y Naglakad sa mga Iglesia.”

Sinundan: Kabanata 120

Sumunod: Kabanata 1

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito