Ang Layunin ng Pamamahala sa Sangkatauhan
Kung tunay na nakikita nang malinaw ng mga tao ang tamang landas ng pantaong buhay, pati na rin ang layunin ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan, hindi nila panghahawakan ang kanilang indibidwal na kinabukasan at kapalaran bilang isang kayamanan sa kanilang puso. Hindi na nila kung gayon nanaising magsilbi sa kanilang mga magulang, na mas masahol pa sa mga baboy at mga aso. Hindi ba’t ang kinabukasan at kapalaran ng tao ay mismong ang kasalukuyang sinasabing “mga magulang” ni Pedro? Ang mga ito ay katulad lamang ng laman at dugo ng tao. Ano ba talaga ang magiging hantungan at kinabukasan ng laman? Ito ba ay ang makita ang Diyos habang nabubuhay pa, o para sa kaluluwa na makatagpo ang Diyos pagkatapos ng kamatayan? Hahantong ba ang laman sa hinaharap sa isang malaking pugon ng mga kapighatian, o sa mapaminsalang sunog? Hindi ba’t ang mga tanong na gaya nito na tungkol sa kung ang laman ng tao ay magtitiis ng kasawian o magdurusa ang pinakamalaking balita na lubhang inaalala ng sinuman sa daloy na ito na may utak at nasa tamang pag-iisip? (Dito, ang pagdurusa ay tumutukoy sa pagtanggap ng mga pagpapala; ibig sabihin nito na ang mga pagsubok sa hinaharap ay makabubuti para sa hantungan ng tao. Ang kasawian ay tumutukoy sa pagiging hindi kayang tumayo nang matatag, o pagiging nalinlang; o, ito ay nangangahulugan na ang isang tao ay makakatagpo ng di-kanais-nais na mga sitwasyon at mamamatay sa gitna ng sakuna, at na walang naaangkop na hantungan para sa kanyang kaluluwa.) Kahit na ang mga tao ay may matinong katwiran, marahil ang kanilang iniisip ay hindi lubos na tumutugma sa kung ano ang dapat na maisangkap sa kanilang katwiran. Ito ay dahil sa sila ay medyo nalilito at mistulang bulag na sumusunod sa mga bagay-bagay. Silang lahat ay dapat na magkaroon ng lubusang pagkatarok sa kung ano ang dapat nilang pasukin, at sa partikular, dapat nilang uriin kung ano ang dapat na mapasok sa panahon ng kapighatian (iyon ay, sa panahon ng pagpipino sa pugon), at kung ano ang dapat na maisangkap sa kanila sa panahon ng pagsubok ng apoy. Huwag palaging pagsilbihan ang iyong mga magulang (nangangahulugang ang laman) na parang mga baboy at mga aso at mas masahol pa sa mga langgam at mga insekto. Ano ang punto ng paghihirap para rito, pag-iisip nang sobra, at pagpapahirap sa iyong utak? Ang laman ay hindi sa iyo, kundi nasa mga kamay ng Diyos, na hindi lamang kumokontrol sa iyo kundi nag-uutos din kay Satanas. (Nangangahulugan ito na ang laman ay orihinal na pag-aari ni Satanas. Dahil si Satanas ay nasa mga kamay rin ng Diyos, ito ay masasabi lamang sa ganitong paraan. Ito ay dahil mas mapanghikayat na sabihin ito sa ganoong paraan; ito ay nagmumungkahi na ang mga tao ay hindi ganap na nasa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, kundi nasa mga kamay ng Diyos.) Ikaw ay nabubuhay sa ilalim ng pagpapahirap ng laman—subali’t ang laman ba ay sa iyo? Ito ba ay nasa ilalim ng iyong kontrol? Bakit ka nag-aabalang pahirapan ang iyong utak dahil dito? Bakit ka nag-aabalang patuloy na magsumamo sa Diyos alang-alang sa iyong bulok na laman, na matagal nang nahatulan, isinumpa, at nadungisan ng maruruming espiritu? Bakit mo kailangang palaging panatilihin ang mga kasamahan ni Satanas na napakalapit sa iyong puso? Hindi ka ba nag-aalala na maaaring sirain ng laman ang iyong tunay na kinabukasan, ang iyong magagandang inaasahan, at ang tunay na hantungan ng iyong buhay?
Ang landas ng kasalukuyan ay hindi madaling lakaran. Maaaring sabihin na ito ay mahirap na kamtin, at labis na pambihira sa lahat ng mga kapanahunan. Gayunpaman, sinong makakaisip na ang laman ng tao lamang ay sapat na upang wasakin siya? Ang gawain ngayon ay tiyak na kasinghalaga ng ulan sa tagsibol, at kasinghalaga ng kabaitan ng Diyos sa tao. Gayunpaman, kung hindi nalalaman ng tao ang layunin ng Kanyang kasalukuyang gawain o nauunawaan ang diwa ng sangkatauhan, paano maaaring pag-usapan ang kahalagahan at pagiging mamahalin nito? Ang laman ay hindi nabibilang sa mga tao mismo, kaya walang nakakakita nang malinaw kung saan ang aktwal na magiging hantungan nito. Gayunpaman, dapat mong malamang mabuti na ibabalik ng Panginoon ng sangnilikha ang sangkatauhan, na nilikha, sa kanilang orihinal na katayuan, at panunumbalikin ang kanilang orihinal na larawan mula sa panahon ng kanilang paglikha. Ganap Niyang kukuning muli ang hininga na Kanyang inihinga sa tao, na aangking muli sa kanyang mga buto at laman at magsasauli lahat sa Panginoon ng sangnilikha. Ganap Niyang papagbaguhing-anyo at papanibaguhin ang sangkatauhan at kukuning muli mula sa tao ang buong pamana ng Diyos na hindi sa sangkatauhan, kundi pag-aari ng Diyos, at hindi na kailanman muling ibibigay ito sa sangkatauhan. Ito ay dahil wala sa alinman sa mga bagay na iyon ay orihinal na pag-aari ng sangkatauhan. Babawiin Niyang lahat ang mga ito—hindi ito isang di-makatarungang pandarambong; bagkus, ito ay naglalayon na panumbalikin ang langit at lupa sa kanilang orihinal na mga kalagayan, gayundin ay papagbaguhing-anyo at panibaguhin ang tao. Ito ang makatwirang hantungan ng tao, bagama’t marahil hindi ito magiging isang muling-paglalaan ng laman pagkatapos na ito ay nakastigo, gaya ng maaaring iniisip ng mga tao. Hindi nais ng Diyos ang mga kalansay ng laman pagkatapos ng pagkasira nito; nais Niya ang orihinal na mga elemento sa tao na pag-aari ng Diyos sa pasimula. Kaya, hindi Niya pupuksain ang sangkatauhan o ganap na wawasakin ang laman ng tao, dahil ang laman ng tao ay hindi niya pribadong pag-aari. Sa halip, ito ay ang dagdag ng Diyos, na namamahala sa sangkatauhan. Paano Niya mapupuksa ang laman ng tao para sa Kanyang “kasiyahan”? Sa ngayon, talaga bang nabitawan mo na ang kabuuan ng laman mong iyan, na hindi man lamang nagkakahalaga ng isang sentimo? Kung nauunawaan mo ang tatlumpung porsiyento ng gawain ng mga huling araw (itong tatlumpung porsiyento lamang ay nangangahulugan ng pag-unawa ng gawain ng Banal na Espiritu ngayon pati na rin ang gawain ng salita na ginagawa ng Diyos sa mga huling araw), hindi ka patuloy na “maglilingkod” o “magiging anak” sa iyong laman—laman na nagawa nang tiwali sa loob ng maraming taon—kagaya ng sitwasyon ngayon. Dapat mong makita nang malinaw na ang mga tao ay nakasulong na ngayon sa isang hindi pa kailanman narating na kalagayan, at hindi na magpapatuloy na gumulong pasulong tulad ng mga gulong ng kasaysayan. Ang iyong inaamag na laman ay matagal nang napuno ng mga langaw, kaya paano ito magkakaroon ng kapangyarihan na baligtarin ang mga gulong ng kasaysayan na hinayaan ng Diyos na magpatuloy hanggang sa araw na ito? Paano nito magagawang patiktiking muli ang orasan ng mga huling araw na tahimik na tumitiktik, at patuloy na paikutin ang mga kamay nito nang pakanan? Paano nito muling mapagbabagong-anyo ang mundo na mukhang nalambungan ng makapal na hamog? Maaari bang muling pasiglahin ng iyong laman ang mga bundok at mga ilog? Kaya ba ng iyong laman, na kaunti lamang ang silbi, na talagang panumbaliking muli ang uri ng mundo ng tao na iyong ninanais? Kaya mo ba talagang turuan ang iyong mga inapo na maging “mga tao”? Nauunawaan mo na ba ngayon? Ano ang eksaktong kinabibilangan ng iyong laman? Ang orihinal na intensyon ng Diyos para iligtas ang tao, para gawing perpekto ang tao, at para baguhing-anyo ang tao ay hindi upang bigyan ka ng magandang lupang tinubuan o maghatid ng mapayapang kapahingahan sa laman ng tao; ito ay alang-alang sa Kanyang kaluwalhatian at Kanyang patotoo, para sa mas mabuting kasiyahan ng sangkatauhan sa hinaharap, at upang sila ay makapagpahinga sa lalong madaling panahon. Hindi rin ito para sa iyong laman, dahil ang tao ang puhunan ng pamamahala ng Diyos, at ang laman ng tao ay dagdag lamang. (Ang tao ay isang bagay na may kapwa espiritu at katawan, samantalang ang laman ay isa lamang bagay na nabubulok. Ito ay nangangahulugan na ang laman ay isang kasangkapan para gamitin sa plano ng pamamahala.) Dapat mong malaman na ang pagpeperpekto, paggawang ganap, at pagkakamit ng Diyos sa mga tao ay walang inihahatid kundi mga espada at paghampas sa kanilang laman, gayundin ang walang-katapusang pagdurusa, mapaminsalang pagsusunog, walang-habag na paghatol, pagkastigo, at mga sumpa, at walang-hangganang mga pagsubok. Gayon ang napapaloob na kasaysayan at katotohanan ng gawain ng pamamahala sa tao. Gayunpaman, ang lahat ng bagay na ito ay nakatuon sa laman ng tao, at lahat ng talim ng poot ay walang-awang nakatutok sa laman ng tao (dahil ang tao ay walang sala). Ang lahat ng ito ay para sa kapakanan ng Kanyang kaluwalhatian at patotoo, at para sa Kanyang pamamahala. Ito ay dahil sa ang Kanyang gawain ay hindi lamang para sa kapakanan ng sangkatauhan, kundi para rin sa buong plano, gayundin ay upang tuparin ang Kanyang orihinal na kalooban nang Kanyang nilikha ang sangkatauhan. Kaya, marahil siyamnapung porsiyento ng dinaranas ng mga tao ay kinapapalooban ng mga pagdurusa at mga pagsubok ng apoy, at napakakaunti, o baka wala pa nga, ng matatamis at masasayang araw na ninanais ng laman ng tao. Lalo nang hindi nakakapagtamasa ang tao ng masasayang sandali sa laman, sa paggugol ng magagandang panahon sa piling ng Diyos. Ang laman ay marumi, kaya ang nakikita o tinatamasa ng laman ng tao ay walang iba kundi ang pagkastigo ng Diyos na para sa tao ay walang pagsasaalang-alang, na para bang kulang ito sa normal na katinuan. Ito ay dahil ipamamalas ng Diyos ang Kanyang matuwid na disposisyon, na walang pagsasaalang-alang sa tao, hindi Siya kumukunsinti sa mga pagkakasala ng tao, at napopoot Siya sa mga kaaway. Lantarang ibinubunyag ng Diyos ang Kanyang buong disposisyon sa pamamagitan ng anumang paraan na kailangan, sa gayong paraan ay tinatapos ang gawain ng Kanyang anim na libong taong pakikipaglaban kay Satanas—ang gawain ng pagliligtas sa buong sangkatauhan at ng pagwasak sa sinaunang Satanas!