Ano ang Pumipigil sa Akin sa Pagsunod sa Diyos?
Disyembre ’yon ng 2011, at dalawa sa mga lider ng igelsia namin ang inaresto. Matapos marinig ang balitang ito, kailangang harapin ko agad at ng mga kapatid ang resulta. Matapos ang ilang araw, nakatanggap ako ng isang sulat na nagsasabing ilan sa mga kapatid mula sa ibang iglesia ang patuloy na inaaresto ng pulis, at mayroong isang kahina-hinalang tao sa labas ng pintuan ko, kaya, maaaring pati ako ay binabantayan. Sinabi sa sulat na hindi ako dapat umuwi, at sa halip ay pumunta sa isang ligtas na lugar at pangasiwaan mula roon ang gawaing-iglesia. Labis akong nabagabag matapos basahin ang sulat. Naisip ko ang mga kotse ng pulis na palaging nagpa-patrol sa mga kalsada nitong mga nagdaang araw, pati na ang pagbabantay sa lahat ng lugar. Nalaman na kaya nila na isa akong diyakono ng iglesia? Minamanmanan kaya nila ang bahay ko para ikulong ako? Naisip ko ang lahat ng mga kapatid na nahuli, ang ilan ay binugbog hanggang sa malumpo, ang ilan ay ginulpi hanggang mamatay. Nitong mga nakaraan, gumagawa ako ng gawain ng iglesia, na nagtutulak sa’kin para magparoo’t parito. Kung nasundan ako at nahuli ng pulis, ano’ng gagawin ko? Habang lalo ko ’yong iniisip, mas lalo akong natatakot. Kung talagang mabubugbog ako hanggang sa mamatay, paano ako magkakamit ng kaligtasan at buhay na walang hanggan? Pakiramdam ko isang malaking bato ang dumadagan sa puso ko. Nahihirapan pa nga akong huminga. Kalaunan, ilang araw akong nanatili sa bahay ng isang kamag-anak. Nahanap ako ng asawa ko at sinabing, “Hindi rin ligtas dito. Mas mabuting magtago ka sa bahay ng isang kaibigan sa ibang probinsya. Alam ng pulis na isa kang diyakono ng iglesia. Bakit ka nila pakakawalan?” Nag-alangan ako matapos marinig ang asawa ko, lalo na’t naaresto na ang mga lider ng iglesia namin. Marami pang mga gawain ang kailangang gawin nang madalian, kaya, kung aalis ako noon, wala nang magsasagawa ng gawain ng iglesia. Gayunpaman, kung hindi ako aalis at maaresto ng pulis, pahihirapan ako hanggang sa mamatay o hanggang sa malumpo. Kaya, nagpasya akong mas mabuting umalis at magtago nang ilang araw, at pagkatapos ay bumalik para ituloy ang paggawa ng tungkulin ko kapag kumalma na ang mga bagay-bagay. Kaya tinalikuran ko ang tungkulin ko at pumunta sa bahay ng isang kaibigan sa ibang probinsya. Talagang sa mahalagang sandaling ito ko tinalikuran ang tungkulin ko. Isa itong akto ng pagtataksil sa Diyos! Pero sariling kaligtasan ko lang ang iniisip ko noong panahong ’yon, at wala akong pananalig. Wala rin akong pag-unawa tungkol sa kalikasan ng ginawa ko.
Kalaunan, sa takot na madamay ko siya, isinaayos ng kaibigan ko na manatili ako sa isang sira-sirang bahay sa labas ng nayon niya. Sa sobrang sira no’n, ni hindi maisara ang pinto, at walang anumang makain at walang malinis na tubig. Talagang hindi ako nasiyahan nang maharap sa gano’ng kapaligiran. Doon ako nagsimulang magnilay. Tama ba na tiinalikuran ko ang tungkulin ko para magtago sa ibang probinsya? Pagkatapos, nakita ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Sa kasalukuyan, may ilan na walang dinadalang pasanin para sa iglesia. Ang mga taong ito ay maluwag at pabaya, at ang tanging pinahahalagahan nila ay ang sarili nilang laman. Ang gayong mga tao ay masyadong makasarili, at bulag din sila. Kung hindi malinaw sa iyo ang bagay na ito, hindi ka magdadala ng anumang pasanin. Kapag mas isinasaisip mo ang kalooban ng Diyos, mas mabigat ang pasaning ipagkakatiwala Niya sa iyo. Ang mga makasarili ay ayaw magtiis ng gayong mga bagay; ayaw nilang bayaran ang halaga, at, dahil dito, mawawalan sila ng mga pagkakataong maperpekto ng Diyos. Hindi ba nila sinasaktan ang kanilang sarili?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isaisip ang Kalooban ng Diyos para Makamit ang Pagiging Perpekto). Nang mabasa ko ang mga salita ng Diyos, nakaramdam ako ng kurot sa puso ko; nakita ko na isa rin akong ganoong uri ng makasarili at mababang uri ng tao na inilantad ng Diyos. Inaresto ang mga lider ng iglesia namin, at kinailangang harapin agad ang resulta. Sa mahalagang sandaling ’yon, dapat ay umasa ako sa Diyos at pinagpatuloy ang paggawa sa gawain ng iglesia, habang iniingatan ang mga kapatid. Subalit, inisip ko lang ang sarili kong kaligtasan at naging isang duwag, itinatago ang sarili ko, tinatalikuran ang gawain ng iglesia, at walang pakialam sa buhay ng mga kapatid. Isa itong seryosong pagtataksil sa Diyos! Sa panahong ’yon, naalala ko ang ilang linya mula sa isang himno ng mga salita ng Diyos: “Inialay ni Abraham si Isaac—ano na ang naialay ninyo? Inialay ni Job ang lahat-lahat—ano na ang naialay ninyo? Napakarami nang taong nag-alay ng kanilang buhay, nagyuko ng kanilang ulo, nagpadanak ng kanilang dugo upang hanapin ang tunay na daan. Nagawa na ba ninyo ang sakripisyong iyan?” (“Ano na ang Nailaan Ninyo sa Diyos?” sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Ano nga ba ang inihandog ko sa Diyos? Nagawa ni Abraham na isakrippisyo ang anak niya para paligurin ang Diyos; ibinigay ni Job ang lahat para palugurin Siya. At ako? Sa takot na mahuli at pahirapan hanggang sa mamatay, tumakas ako para sa sarili kong kaligtasan. Hindi ba para akong isang taksil, duwag na kumakapit sa sariling buhay sa halip na harapin ang kamatayan? Gaya ng isang kasabihan, “Nagbubunga rin kalaunan ang matinding paghahanda.” Bilang isang diyakono ng iglesia, na inalagaan ng bahay ng Diyos nang maraming taon, sa pinakamahalagang sandaling ito, hindi ko inisip ang ipinagkatiwala sa akin, ni inisip kung paano pananatilihin ang gawain ng iglesia. Sarili ko lang ang inisip ko, pinahahalagahan ang sarili kong pag-iral, at lumalayo sa panganib. Karapat-dapat pa rin ba akong tawaging isang tao? Talagang kinagat ko ang kamay ng nagpakain sa akin, at higit pa sa akin ang isang hayop!
Matapos ’yon, nabasa ko ang isa pang bahagi ng salita ng Diyos, “Anuman ang hinihingi sa iyo ng Diyos, kailangan mo lamang pagsikapan ito nang buo mong lakas, at umaasa ako na makakapunta ka sa harapan ng Diyos at makapagbibigay sa Kanya ng iyong pinakamasidhing debosyon sa katapusan. Kung makikita mo ang nasisiyahang ngiti ng Diyos sa Kanyang trono, kung ito man ay ang oras ng iyong kamatayan, dapat mong makayang tumawa at ngumiti habang ipinipikit ang iyong mga mata. Dapat mong gawin ang iyong huling tungkulin sa Diyos sa iyong panahon sa lupa. Noon, si Pedro ay ipinako sa krus nang pabaligtad para sa Diyos; subalit dapat mong bigyang-kasiyahan ang Diyos sa katapusan, at ubusin ang lahat ng iyong lakas para sa Kanya. Ano ang maaaring gawin ng isang nilalang para sa Diyos? Dapat mong ibigay samakatuwid ang iyong sarili sa Diyos, nang mas maaga sa halip na mas huli, para maiwaksi ka Niya sa paraang nais Niya. Hangga’t napapasaya at nabibigyang-kaluguran nito ang Diyos, kung gayon ay hayaan Siyang gawin kung ano ang ninanais Niyang gawin sa iyo. Ano ang karapatan ng tao na bumigkas ng mga salita ng pagdaing?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 41). Talagang pinalakas ang loob ko ng mga salitang ito ng Diyos, at nakaramdam din ng pagsisisi. Naisip ko kung pa’no tumakas sa kulungan si Pedro, at kung pa’no lumitaw sa harap niya ang Panginoong Jesus at sinabing ipapako Siyang muli alang-alang sa kanya. Ipinaunawa ng mga salita ng Panginoon kay Pedro: “Minsan nang ipinako sa krus ang Panginoong Jesus para tubusin ang sangkatauhan, hindi ko na siya hahayaanng ipako muli sa krus. Isinuko Niya ang buhay Niya alang-alang sa atin; ngayon, dapat kong isuko ang buhay ko para sa Kanya.” Kaya bumalik si Pedro sa kulungan nang walang pag-aalangan, at sa huli, ipinako sa krus nang patiwarik alang-alang sa Diyos. Nagawa ni Pedro na isuko ang buhay niya para sa Diyos, pero paano ako? Sa harap ng isang medyo mapanganib na kapaligiran, tinalikuran ko ang atas ng Diyos at tumakas Paano masasabing may kahit katiting ako ng konsiyensya? Sinunod ko ang Diyos nang napakaraming taon at binigyan ng napakarami Niyang salita, ngunit pinagtaksilan ko ang Diyos sa isang mahalagang panahon. Hindi ako angkop na mabuhay sa harap ng Diyos. Lumuhod ako at nagsisi sa panalangin sa harap ng Diyos, sinasabing, “Diyos ko! Nagkamali ako. Tinalikuran ko ang tungkulin ko alang-alang sa sarili kong kaligtasan. Naging napakamakasarili ko at mababang-uri! Ayoko nang isaalang-alang ang sarili kong mga interes. Gusto kong matuto kay Pedro, at tapusin ang ipinagkatiwala Mo sa aking gawin kahit nangangahulugan ito ng kamatayan.” Matapos ’yon, bumalik ako sa iglesia. Nang makita ako ng isa sa mga siister, sinabi niya, “Ngayon, natanggap namin ang pinakahuling mga sermon mula sa Diyos. Hindi ko alam kung sino ang kokontakin para maipadala ’yon sa mga kapatid natin. Habang nagsisimula na akong mabalisa, bumalik ka na.” Nang marinig kong sabihin ito ng sister, natuwa ako sa pagbalik ko sa tamang oras. Hindi ako nagdulot ng napakaraming kawalan sa gawain ng iglesia. Mabilis kong tinalakay sa sister ang mga pagsasaayos para sa nababagay na mga tauhan, para maipadala ang mga ’yon sa mga kapatid sa napapanahong paraan. Simula noon, hindi na ako kasing-duwag dati sa paggawa ng tungkulin ko.
Matapos sumailalim sa kapaligirang ’yon, akala ko nagkamit na ako ng kaunting pananalig, pero sa gulat ko, naharap ako sa isa pang sitwasyon at muling nalantad. Isang araw, sinabi sa akin ng kasamahan kong si Sister Zhou, “Nanganganib ang maraming bahay kung saan natatago ang pera ng iglesia.” Pagkatapos ay inilaan niya ako sa gawain ng paglilipat ng pera sa isang mas ligtas na lugar. Habang iniisip ang mga kotse ng pulis na nagpa-patrol sa lahat ng lugar, medyo natakot ako, nag-alala na baka binabantayan ng pulis ang mga bahay. Pa’no kung masundan ako at arestuhan habang nililipat ang pera ng iglesia? Hindi ko mapigil na isipin, “Isa akong diyakono ng iglesia; pag nahuli ako, tiyak na pahihirapan ako. At pagkatapos ay mawawala ang pagkakataon kong makalabas nang buhay. At pagkatapos, pa’no ako magkakamit ng kaligtasan at makakapasok sa kaharian ng langit?” Habang paulit-ulit ko itong iniisip, gusto ko lang mamaluktot sa takot. Ramdam ko na magiging napakamapanganib ng pagsasagawa ng tungkuling ito. Noong sandaling ’yon, inalala ko ang dati kong karanasan. Dahil naging napakamakasarili ko at mababang-uri, kumikilos lang para sa sarili kong kaligtasan, muntik ko nang maantala ang gawain ng bahay ng Diyos. Binalaan ko ang sarili kong huwag nang tahakin ang landas ng kabiguan gaya noon. Sa halip, aasa ako sa Diyos, at tatapusin ang mahalagang tungkuling ito. Habang nag-iisip nang ganito, hindi na ako gaanong nabagabag. Sa panahong ito, madalas kong isipin, “Bakit, sa ganitong mahalagang mga sandali, ako laging natatakot na maaresto at mapahirapan hanggang mamatay?” Kalaunan, nabasa ko ang bahaging ito ng mga salita ng Diyos: “Simula ngayon, hahayaan Ko ang lahat ng tao na magsimulang makilala Ako—ang tanging totoong Diyos, na lumikha ng lahat ng bagay, na pumaroon sa mga tao at tinanggihan at siniraang-puri nila, na nagkokontrol at nagsasaayos ng bawat bagay sa kabuuan nito, ang Hari na namumuno sa kaharian, ang Diyos Mismo na nangangasiwa sa kosmos, at, higit pa riyan, ang Diyos na komokontrol sa buhay at kamatayan ng mga tao at siyang humahawak sa susi ng Hades. Hahayaan Ko ang lahat ng tao (matanda, bata, may espiritu man sila o wala, at mga hangal man sila o hindi o may kapansanan, atbp.) na makilala Ako. Hindi Ko hahayaang di-sumali ang sinuman sa gawaing ito; ito ang pinakamatinding gawain, gawain na inihanda Ko nang mabuti at isinasagawa simula ngayon. Maisasakatuparan ang sinasabi Ko. Buksan ang iyong mga matang espiritwal, bitawan ang iyong sariling mga kuru-kuro, at kilalanin na Ako lamang ang tanging totoong Diyos na nangangasiwa ng sansinukob! Hindi Ako natatago kaninuman, at isinasagawa Ko ang Aking mga atas administratibo sa bawat isa” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 72). Pagkabasa ko sa mga salitang ito ng Diyos, masyado akong nahiya. Nasa Makapangyarihang Diyos ang kataas-taasang kapangyarihan sa buong sansinukob at kontrolado niya ang tadhana ng sangkatauhan; nasa mga kamay Niya ang buhay at kamatayan ng mga tao, at lahat ay napapailalim sa Kanyang mga pagsasaayos. Pero wala pa rin akong anumang pag-unawa sa kadakilaan at kataas-kataasang kapangyarihan ng Diyos. Kapag gumagawa ng tungkulin ko, sariling buhay ko lang ang inisip ko. Talagang natakot ako na mahulog sa mga kamay ng pulisya at mapahirapan hanggang kamatayan. Ni hindi ako nagtataglay ng katiting na tunay na pananalig sa Diyos. Lubos akong maliit sa tayog. Isa akong taong duwag na kumapit sa buhay, na laging gustong tumakbo pag naharap sa isang mapanganib na tungkulin. Gaya nito, kung talagang inaresto at pinahirapan ako, tiyak na ipagkakanulo ko ang Diyos, sa gayon magiging isa akong Hudas, at sa huli ipapadala ako sa impiyerno bilang kaparusahan. Talagang ikinatakot ko ang pagtantong ito.
Kalaunan, nakita ko ang isa pang bahagi ng mga salita ng Diyos: “Kapag handang isakripisyo ng mga tao ang kanilang mga buhay, ang lahat ng bagay ay nagiging walang halaga, at walang makagagapi sa kanila. Ano ang maaaring maging higit na mahalaga kaysa buhay? Sa ganitong paraan nawawalan si Satanas ng kakayahang gumawa pa sa mga tao, walang anumang magagawa ito sa tao. Bagaman sa pakahulugan ng ‘laman’ ay sinasabi na ginawang tiwali ni Satanas ang laman, kung tunay na ibinibigay ng mga tao ang kanilang mga sarili, at hindi nahihimok ni Satanas, kung gayon walang sinuman ang makagagapi sa kanila” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 36). Tinulungan ako ng mga salitang ito ng Diyos na makilala na ang kahinaan ko ay laging ang takot ko sa kamatayan. Ginamit ni Satanas ang kahinaan ng laman ko para atakihin ako, dahilan para ipagkanulo ko ang Diyos, na hahantong sa aking pagkawasak kasama ang mismong si Satanas. Lubos na kasuklam-suklam at masama si Satanas! Ang buhay at kamatayan ko ay nasa ilalim ng soberanya nng Diyos at ipinapasiya Niya. Gaano man kabagsik si Satanas, kung walang pahintulot ng Diyos, hindi siya mangangahas na gumawa ng anuman sa’kin. Dapat kong ibigay sa Diyos ang buhay at kamatayan ko, at magpasakop sa pagsasaayos Niya; kahit pa pahirapan ako ng CCP hanggang kamatayan, kailangan ko pa ring tumayong saksi para sa Diyos at purihin Siya. Doon ako lumuhod at nanalangin sa Diyos, sinasabing, “Diyos ko, nakahanda akong ibigay sa Iyo ang buhay ko, at hayaan Ka na magsaayos kung mabubuhay ako o mamamatay. Pakisuri ang puso ko.”
Noong sandaling ’yon, naisip ko ang ilan pang salita na binigkas ng Diyos: “Bilang mga miyembro ng sangkatauhan at tapat na mga Kristiyano, pananagutan at obligasyon nating lahat na ialay ang ating isipan at katawan para sa katuparan ng tagubilin ng Diyos, dahil ang ating buong pagkatao ay nagmula sa Diyos, at ito ay umiiral salamat sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Kung ang mga isipan at katawan natin ay hindi para sa tagubilin ng Diyos at hindi para sa matuwid na kapakanan ng sangkatauhan, ang ating mga kaluluwa’y makakaramdam ng pagiging hindi karapat-dapat sa mga taong naging martir para sa tagubilin ng Diyos, at mas hindi karapat-dapat sa Diyos, na naglaan sa atin ng lahat ng bagay” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan). Mula sa mga salita ng Diyos, malinaw na ang pagkamatay ng mga nilalang para matapos ang mga gawaing ipinagkatiwala ng Diyos ay ang pinakamakabuluhang bagay. Kung iisipin ang mga disipulo at apostol na sumunod sa Panginoong Jesus noon, marami ang naging martir habang ipinapalaganap ang ebanghelyo, pero naaalala ng Diyos ang mga kamatayan nila. Maaaring patay na sila sa laman, pero nabubuhay pa rin ang mga espiritu nila. Kung maging isa tayong Hudas at ipagkanulo ang Diyos dahil takot tayo sa kamatayan, at pagkatapos ay parusahan Niya tayo at mamatay tayo, isa ’yong tunay na uri ng kamatayan; mapupunta tayo sa impiyerno. At ’yon ay walang hanggang paghihirap. Sabi ng Panginoong Jesus, “Sapagka’t ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito: at ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin ay makakasumpong niyaon” (Mateo 16:25). Sa malupit na kapaligirang ito, kung saan walang habas na nang-aapi at nang-aaresto ng mga tao ang CCP, nakita ng Diyos ang pag-uugali ko. Tinitingnan Niya kung susugal ba ako sa kamatayan para palugurin Siya at magpatotoo sa harap ni Satanas. Kung tatalikuran ko ang tungkulin ko at ipagkakanulo ang Diyos dahil takot akong mamatay, kung gayon para na rin akong patay. Nang mapagtanto ko ’to, nanalangin ako sa Diyos, ihinahayag na handa kong ipagkanulo ang laman at umasa sa Kanya para tuparin ang tungkulin ko. Habang nililipat ko ang pera ng iglesia, tahimik akong umawit ng himno ng mga salita ng Diyos: “Isa kang nilalang—mangyari pa ay dapat mong sambahin ang Diyos at mamuhay nang makahulugan. Dahil isa kang tao, dapat mong gugulin ang sarili mo para sa Diyos at tiisin ang lahat ng pagdurusa! Dapat mong tanggapin nang masaya at may katiyakan ang kaunting pagdurusang pinagdaraanan mo ngayon at mamuhay ka nang makahulugan, kagaya nina Job at Pedro. Kayo ay mga taong patuloy na naghahanap sa tamang landas, yaong mga naghahangad ng paglago. Kayo ay mga taong naninindigan sa bansa ng malaking pulang dragon, yaong mga tinatawag na matuwid ng Diyos. Hindi ba iyon ang pinakamakahulugang buhay?” (“Ang Pinakamakabuluhang Buhay” sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Habang lalo kong kinakanta ang awit na ito, lalo ko itong pinahalagahan. Bilang isang nilalang, ang kakayahang magawa ang tungkulin ay ang pinakamahalagang bagay. Isang makabuluhang buhay ang ganitong paraan ng pamumuhay. Isa itong buhay na pinupuri ng Diyos. Sa oras na ’yon, hindi na ako naduduwag o natatakot, at nagawa kong ilipat ang pera ng iglesia nang walang sakuna. Sa loob ko, lubos na akong kalmado at maginhawa. Matapos ’yon, dahil sa patnubay ng Diyos, ligtas kong nailipat ang pag-aari at mga aklat ng bahay Niya nang maraming beses.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.