Pagkalas sa mga Buhol ng Puso

Enero 11, 2022

Ni Chunyu, Tsina

Nangyari ’yon nung nakaraang tagsibol habang nasa tungkuling pang-ebanghelyo ako sa iglesia. Noong panahong ’yon, nahalal si Sister Wang bilang isang diyakonong pang-ebanghelyo, kaya lagi kaming nag-uugnayan tungkol sa mga tungkulin namin. Matapos ang ilang panahon, nakita ko na isa siyang prangkang tao na sinasabi ang iniisip niya. Kapag nakakakita siya ng anumang uri ng problema sa akin, sasabihin niya lang ’yon nang diretso, at medyo may mabagsik na tono. Kapag nakikibalita siya sa gawain namin at tumatanggap ng ulat tungkol do’n, minsan direkta niyang tinuturo ang mga problema sa gawain ko sa harap mismo ng ibang mga kapatid. Pakiramdam ko nilalagay ako no’n sa isang nakakahiyang sitwasyon. Nung una nagagawa kong itikom ang bibig ko at tanggapin ang mga pagsaway niya, at napagtanto kong siya ’yon na pumapasan ng isang pasanin sa kanyang tungkulin. Pero nang patuloy na ’yong nangyayari, hindi ko na ’yon matiis, naiisip ko, “Ibinibigay ko ang puso ko sa tungkulin ko. Bakit yung nagagawa kong mali lang ang nakikita mo?” Sa isang pagtitipon para sa gawain, bilang sagot sa tanong niya tungkol sa isang taong binabahaginan ko ng ebanghelyo, sinabi ko, “Pinuntahan at binahaginan ko siya nang ilang beses, pero dahil marami siyang kuru-kuro at hindi siya madaling makaunawa, itinigil ko ang pagpunta.” Pinagalitan ako ni Sister Wang sa harap ng lahat: “Hindi ba nililimitahan mo lang siya batay sa sarili mong imahinasyon? Hindi ka pa naman talaga gumagawa, kaya pa’no mo nalaman na hindi niya tatanggapin ang ebanghelyo? Hangga’t sumusunod siya sa mga prinsipyo ng pangangaral ng ebanghelyo, dapat gawin mo agad ang pagbabahagi ng patotoo sa kanya. Pa’no mo magagawa nang mabuti ang tungkulin mo kung wala kang ingat at iresponsable?” Talagang suyang-suya na ako nang makita ko ang nakasimangot niyang mukha at ang matigas niyang tono. Hiyang-hiya ako habang tinitingnan ako ng lahat ng mga kapatid, at alam kong nagkamali ako, pero dapat niya ba talaga akong punahin sa harap ng lahat? Hindi ba iisipin nilang lahat na hindi ako responsable, na hindi ako pumapasan ng isang dalahin? Mataas ang naging tingin nila sa akin, pero dahil lang sa hinayaan kong makalusot ang isang tao, kinaladkad niya ako sa pputikan, lubusan akong hiniya. Hindi ko na alam kung pa’no titingin sa mata ng mga kapatid matapos ’yon. Sa pagsisikap na mabawi ang kaunti kong karangalan, nagsalita ako nang kaunti para ipagtanggol ang sarili, pero hindi nagpaliguy-ligoy si Sister Wang: “Sister, kailangan kong ipunto ang mga kakulangan sa panig mo. Natuklasan kong may posibilidad kang magdahilan para sa sarili mo kapag lumitaw ang mga problema, na hindi ka handang tumanggap ng tulong o puna. Paano ’yon naging paraan para gawin ang tungkulin mo?” Mas lalong sumama ang loob ko pagkarinig ko rito, at naisip ko sa sarili ko, “Masyado kang mapagmataas! Bakit wala ka man lang konsiderasyon sa damdamin ng ibang tao? Sinasadya mo akong pagmukhaing masama, kinakaladkad ako sa putikan sa harap ng lahat. Kaya ngayon, hindi lang nila iniisip na iresponsable ako sa tungkulin ko, pero magkakaro’n din ako ng reputasyon ng paggawa ng mga dahilan para sa sarili ko. Ano ang iisipin ng iba sa’kin? Matapos ’to, aino pa’ng magtitiwala sa akin, mag-iisip ng mabuti sa’kin?” Nag-init ang mukha ko sa galit, pakiramdam ko ginawan ako ng mali. Galit kong sinulyapan si Sister Wang, at bagaman wala akong sinabing anuman, talagang nagagalit at naiirita ako sa kanya. Ayoko na siyang makita o marinig ang kahit isang salitang sasabihin niya.

Nagkaro’n ako ng sama ng loob kay Sister Wang matapos ’yon. Ayokong makinig sa anumang sasabihin niya o makita ang mukha niya. Sa tuwing sinusubukan niyang makipagtalakay sa’kin ng mga bagay tungkol sa gawain, sisimangot lang ako at tatahimik. Pag talagang wala na ’kong pagpipilian, nag-aatubili ko siyang bibigyan ng walang interes na sagot. Lumalaban ako at suwail nang ituro niya ang anumang mga problema sa’king tungkulin—Tahimik akong mapaghamon. Minsan sa mga pagtitipon kasama ang iba, sisikapin kong ilantad ang katiwalian ni Sister Wang sa pagkukunwari na pagbabahagi ng fellowship sa mga karanasan ko, para makita ng lahat na mayabang siya at bumaba ang tingin nila sa kanya. Hinahangad ko na pagtulung-tulungan siya ng lahat para punahin at iwasto siya, para maranasan niya rin ang mapahiya sa lahat ng oras sa pangangahas niya na galitin ako, pinagmumukha akong masama sa harap ng lahat! Bilang resulta ng paggawa ko nito, ilang mga kapatid ang talagang hindi kumiling kay Sister Wang at hindi na gusto na hanapin siya kapag kumakaharap sila ng mga paghihirap sa tungkulin nila. Nagsimula silang medyo umiwas sa kanya. Nang makita ko ito, medyo nakonsiyensya ako at hindi mapakali. Naramdaman ko na bagaman prangka siya, talagang maingat siya sa tungkulin niya, at ang ginawa kong pagkuha sa simpatya ng iba para itakwil at iwasan siya ay hindi nagbibigay ng anumang tulong sa gawain namin. Pero sa sandaling naisip ko kung pa’no niya ’ko lantarang pagalitan, nahumaling ako at hindi ko mabitawan ang harang na ’yon sa puso ko. Kalaunan, nang makita niya kung pa’no ko siya ppinatatalsik, itinigil ni Sister Wang ang pagfe-fellowship sa akin at pag nag-uusap kami, palagi niya akong sinusubukang basahin. Talagang nakakailang. Nakonsiyensya ako dahil dito at inisip ko kung nasosobrahan na ba ako, kung maaaring masaktan ko siya sa gano’ng paraan. Pero maaalala ko kung pa’no niya ’ko pinagmukhang masama sa harap ng lahat at muling sisiklab ang galit ko. Nanatili akong ayaw siyang bigyan ng oras. Kaya, nakita ko ang sarili kong namumuhay sa kadiliman walang masabi sa Diyos sa panalangin at nakita kong bumaba nang bumaba ang paggawa ko sa tungkulin ko.

Sa isang punto, nagsulat ang isang lider sa grupo namin, hinihiling na magsulat kami ng pagsusuri kay Sister Wang. Alam ko sa puso ko na dapat maging patas at totoo ang pagsusuri, pero may sama pa rin ako ng loob sa kanya, kaya sinulat ko ang lahat ng mga reklamo at maling opinyon ko tungkol sa kanya, sinasabing wala siyang pagmamahal, na hindi nagbibigay halimbawa sa mga tao ang mga salita niya’t gawa, na nakakasakit siya. Iniisip ko na matapos basahin ang pagsusuri, baka kausapin siya ng lider, na baka makaranas siya ng kahihiyan, o baka matanggal siya at pag nangyari ’yon, hindi ko na kailangang makiharap sa kanya. Pero matapos isulat ang pagsusuri napansin kong hindi ako mapakali—binabagabag ako ng konsiyensya ko. Hindi ko napigil na isipin ang lahat ng uri ng bahay na ginawa ni Sister Wang sa tungkulin niya, at isipin kung paano talaga siya nakakagawa ng praktikal na gawain at naging tapat at responsable sa tungkulin niya. Naging mas matagumpay ang gawaing pang-ebanghelyo ng iglesia mula nang maging diyakono siya, pero hindi ko binigyang halaga ang mga bagay na ’yon sa pagsusuri ko. Hindi ’yon patas para sa kanya! Habang lalo ko ’yong iniisip, lalong sumasama ang pakiramdam ko, kaya nanalangin ako sa Diyos: “Diyos ko, napangingibabawan ng kadiliman at sakit ang puso ko. Alam ko na mali ang ginagawa ko, pero hindi ko magawang tratuhin nang tama si Sister Wang. Ano ang leksyon na kailangan kong matutunan? Diyos ko, mangyaring turuan Mo ako at gabayan Mo ako para malaman ang sarili kong mga kakulangan at katiwalian, para makawala ako sa maling katayuang ito.”

Nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos matapos ang panalangin ko: “Sa inyong pang-araw-araw na pamumuhay, sa anong mga sitwasyon, at sa ilang mga sitwasyon, kayo may-takot sa Diyos, at sa anong mga bagay kayo hindi? May kakayahan ba kayong mapoot sa mga tao? Kapag napopoot sa isang tao, kaya ba ninyong parusahan ang taong iyon o maghiganti laban sa kanya? (Oo.) Kung gayon, talagang nakatatakot kayo! Wala kayong takot sa Diyos. Yamang kaya mong gumawa ng gayong mga bagay ay nangangahulugan na ang iyong disposisyion ay masama, sa isang talagang malubhang antas! … Kaya ba ninyong mag-isip ng iba-ibang paraan para parusahan ang mga tao dahil ayaw ninyo sa kanila o dahil hindi mo sila makasundo? Nagawa na ba ninyo ang gayong uri ng bagay dati? Gaano karami nito ang nagawa ninyo? Hindi ba ninyo hinahamak palagi ang mga tao nang di-tuwiran, nagbibitaw ng masasakit na salita, at nagiging mapanuya sa kanila? (Oo.) Ano ang mga kalagayan ninyo habang ginagawa ninyo ang gayong mga bagay? Noon, bumubulalas kayo, at masaya kayo; nakaisa kayo. Gayunman, pagkatapos, naisip ninyo sa inyong sarili, ‘Kasuklam-suklam ang ginawa ko. Wala akong takot sa Diyos, at hindi naging patas ang pagtrato ko sa taong iyon.’ Sa kaibuturan mo, nakonsiyensya ka ba? (Oo.) Bagama’t wala kayong takot sa Diyos, kahit paano’y may konsiyensya kayo. Sa gayon, kaya mo pa rin bang gawing muli ang ganitong klaseng bagay sa hinaharap? Maiisip mo bang atakihin at paghigantihan ang mga taong ito, pinahihirapan sila at ipinapakita sa kanila kung sino ang amo tuwing inaalipusta mo sila at hindi mo sila makasundo, o tuwing hindi sila sumusunod o nakikinig sa iyo? Sasabihin mo bang, ‘Kung hindi mo gagawin ang gusto ko, maghahanap ako ng pagkakataong parusahan ka nang hindi iyon nalalaman ninuman. Walang sinumang makakaalam, ngunit pipilitin kitang magpailalim sa akin; ipapakita ko sa iyo ang aking kapangyarihan. Pagkatapos niyon, walang sinumang mangangahas na kalabanin ako!’ Sabihin mo sa Akin: Anong klaseng pagkatao ang taglay ng isang taong gumagawa ng gayong bagay? Pagdating sa kanyang pagkatao, siya ay malisyoso. Kung ikukumpara sa katotohanan, hindi siya nagpipitagan sa Diyos(“Ang Limang Kinakailangang Kalagayan Upang Mapunta sa Tamang Landas ng Pananampalataya ng Isang Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Talagang masakit para sa akin na mabasa ito sa mga salita ng Diyos. Kung aalalahanin ang panahong ’yon, naging makiling ako laban kay Sister Wang dahil napakadirekta niyang sinabi ang mga kapintasan ko sa harap ng iba, iwinawasto ako. Pakiramdam ko pinahiya niya ako, na masisira ang imahe ko sa iba. Simula no’n, naging iritable at palaban ako anuman ang sabihin niya, at puno ako ng reklamo tungkol sa kanya. Inilabas ko pa ang mga hinaing at maling akala ko sa kanya sa mga pagtitipon. Ginamit ko ang proseso ng pagsusuri para sa personal na paghihiganti sa halip na patas kong suriin ang mga kalakasan at kahinaan niya. Sinulat ko lang ang lahat ng mga pagkiling at reklamo ko, hinahangad na tatanggalin siya ng lider o tatabasin man lang at iwawasto siya, pagmumukhain siyang masama. Paglalabas ’yon ng kaunti sa tinitimpi kong galit. Nagtanim ako ng sama ng loob sa kanya at naghangad na maghiganti dahil sinugatan niya ang dignidad ko. Gusto kong ipakita sa kanya ang kapangyarihan ko para hindi na siya mangahas na kalabanin ako sa hinaharap; lubos akong nagmatigas. Naghahayag ako ng isang malisyosong disposisyon. Nabubuhay ako sa’king satanikong disposisyon, ginagawa at sinasabi ang lahat ng gusto ko na wala man lang bakas ng paggalang sa Diyos. Napagtanto ko na noong inilalabas ni Sister Wang ang mga kapintasan at kakulangan ko, ito ay ang pagiging responsable niya sa gawain ng bahay ng Diyos at ito ay pagtulong niya sa akin, tinutulutan akong kilalanin ang sarili ko. Gayunman, lumaban ako at initsipuwera siya, hindi lang siya sinaktan at pinigilan, kundi inimpluwensyahan din ang ilan sa mga kapatid na hamakin ang gawain niya. Nagkaro’n ’yon ng seryosong epekto sa gawaing pang-ebanghelyo namin. Hindi ba nangangahulugan ’yon na ginagambala ko at hinahadlangan ang gawain ng bahay ng Diyos? Napakakasuklam-suklam ko at malisyoso!

Kalaunan, nabasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Ganito mag-isip ang mga tao: ‘Kung hindi ka magiging mabait, hindi ako magiging makatarungan! Kung bastos ka sa akin, magiging bastos din ako sa iyo! Kung hindi mo ako pakikitunguhan nang may dignidad, bakit kita pakikitunguhan nang may dignidad?’ Anong klaseng pag-iisip ito? Hindi ba ito isang mapaghiganting klase ng pag-iisip? Sa mga pananaw ng isang karaniwang tao, hindi ba posible ang ganitong perspektibo? ‘Mata para sa mata, ngipin para sa ngipin’; ‘Ito ang karma mo’—sa mga di-mananampalataya, ang lahat ng ito ay mga pangangatwirang tama at lubos na umaayon sa mga kuru-kuro ng tao. Subalit, bilang isang taong naniniwala sa Diyos—bilang isang taong hinahangad na maunawaan ang katotohanan at naghahangad ng isang pagbabago sa disposisyon—masasabi mo bang tama o mali ang mga ganoong salita? Anong dapat mong gawin upang makilala ang mga ito? Saan nagmumula ang mga ganitong bagay? Nagmumula ang mga ito sa malisyosong kalikasan ni Satanas; nagtataglay ang mga ito ng lason, at tinataglay ng mga ito ang totoong mukha ni Satanas na puno ng pagkamalisyoso at kapangitan. Tinataglay ng mga ito ang pinakadiwa ng kalikasang iyon. Ano ang kalikasan ng mga perspektibo, saloobin, pagpapahayag, pananalita, at pati na rin ang mga kilos na nagtataglay ng diwang kalikasang iyon? Hindi ba mula kay Satanas ang mga iyon? Umaayon ba sa sangkatauhan ang mga aspetong ito ni Satanas? Umaayon ba ang mga ito sa katotohanan, o sa katotohanang realidad? Ang mga ito ba ang mga pagkilos na dapat gawin ng mga sumusunod sa Diyos, at mga saloobin at pananaw na dapat nilang taglayin? (Hindi.)” (“Ang Paglutas Lang sa Iyong Tiwaling Disposisyon ang Makapagpapalaya sa Iyo mula sa Isang Negatibong Kalagayan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). “Ang hinihingi sa inyo ngayon—ang gumawa nang magkakasama na may pagkakaisa—ay katulad ng paglilingkod na hiningi ni Jehova sa mga Israelita: Kung hindi, tumigil na lang kayo sa paglilingkod. … Bawat isa sa inyo, bilang mga taong naglilingkod sa Diyos, ay dapat na magawang ipagtanggol ang mga interes ng iglesia sa lahat ng inyong ginagawa, sa halip na isipin lang ang mga pansarili ninyong interes. Hindi katanggap-tanggap na kumilos nang mag-isa, na pinapanghina ang bawat isa. Hindi naaangkop na maglingkod sa Diyos ang mga taong umaasal nang ganoon! Mayroon ang mga ganoong tao ng isang napakasamang disposisyon; walang natitirang ni katiting na pagkatao sa kanila. Isandaang porsiyento silang si Satanas! Mga hayop sila! Kahit ngayon, nangyayari pa rin ang ganitong mga bagay sa inyo; umaabot pa kayo sa puntong inaatake ninyo ang isa’t isa tuwing nagbabahaginan, sinasadyang maghanap ng mga pagdadahilan at namumula ang buong mukha habang nagtatalo tungkol sa isang maliit na bagay, kapwa ayaw isantabi ang sarili, ikinukubli ng bawat tao mula sa kabila ang mga panloob niyang mga kaisipan, masusing pinapanood ang kabilang partido at palaging nakabantay. Angkop ba ang ganitong uri ng disposisyon sa paglilingkod sa Diyos?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maglingkod Gaya ng Ginawa ng mga Israelita). Ipinakita sa’kin ng paghahayag at paghatol ng mga salita ng Diyos kung bakit kaya kong maging mapaghiganti—Ito ay dahil sa aking edukasyon at sosyalisasyon, itinamin sa’kin ni Satanas ang lahat ng uri ng kanyang makamundong mga pilosopiya gaya ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba,” “Mata para sa mata, ngipin para sa ngipin,” “Hindi kami aatake maliban na lang kung inatake kami; kung inatake kami, siguradong gaganti kami ng atake,” “Gugustuhin ko pang magkanulo kaysa ipagkanulo,” at iba pa. Nakita ko ang mga ito bilang mga positibong bagay at namuhay ako ayon sa mga ’yon. Gusto kong umikot sa’kin ang lahat, na isaalang-alang ako ng lahat sa kanilang mga salita at gawa para gawing nakalulugod sa’kin ang mga bagay-bagay. Ayokong maging tapa tang iba, na bigyan ako ng tumpak na puna, at lalong ayokong ibunyag nila ang katiwalian ko. Sa sandaling may isang taong manghimasok sa’king mga interes, magagalit ako, mang-aatake at gaganti nang may lihim na motibo. Kinokontrol ako ng sataniko kong disposisyon, ginagawa akong mayabang, makasarili, at malisyoso na walang anumang wangis ng tao. Nakasusuklam ’yon sa Diyos at ’di kanais-nais sa ibang tao. Hinihiling ng Diyos na makasundo natin ang mga kapatid, kaya nangangahulugan ’yon na sa mga salita at kilos ko, dapat kong panatilihin ang isang pusong may takot sa Diyos, pinanghahawakan ang mga salita ng Diyos bilang pamantayan ng asal ko sa lahat ng bagay at pag-una sa mga interes ng bahay ng Diyos, nang hindi nagsasaalang-alang ng anumang pakinabang o pagkalugi para sa’king sariling reputasyon. Yon lang ang paraan para magawa natin nang mabuti ang gawain natin nang may isang puso at isang isip. Pero nabubuhay ako ayon sa mga satanikong lason at laging gustong protektahan ang reputasyon ko. Alam na alam ko na hindi ako nagseseryoso sa tungkulin ko, pero hindi ko matiis na sabihin ’yon ng iba. Tinanggap ko ang tulong at mga payo ni Sister Wang bilang isang bagay na nakakahiya para sa’kin; hindi ko lang ayaw na pagnilayan ang sarili ko, kundi nasuklam ako sa kanya at naghiganti. Nakita ko ang sarili kong walang pagkatao, labis na hindi makatwiran. Nakita ko rin ang satanikong kalikasan ko ng pagiging napakatigas, sawang-sawa sa katotohanan. Totoong isa akong kaaway ng katotohanan, isang kalaban ng Diyos! Kung ayaw ko pa ring magsisi, magkakasala ako sa disposisyon ng Diyos, masusuklam Siya at tatanggalin ako. Lubos kong kinamuhian ang sarili ko sa pagtantong ito at nanalangin ako sa Diyos sa pagsisisi, handang pakawalan ang aking mga maling akala kay Sister Wang, tanggapin ang pagtatabas at pagwawasto niya, gumawa nang nagtutugma sa kanya, magkasundong ginagawa ang aming tungkulin.

Kalaunan, habang nagsisiyasat at pumapasok sa mga katotohanan tungkol sa kung pa’no gumawa nang kasundo ang iba, napanood ko ang isang video ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang pagmamahal at pagkamuhi ay mga bagay na dapat taglayin ng normal na pagkatao, ngunit kailangan mong makita nang malinaw ang pagkakaiba sa pagitan ng iyong minamahal at ng iyong kinamumuhian. Sa puso mo, dapat mong mahalin ang Diyos, mahalin ang katotohanan, mahalin ang mga positibong bagay, at mahalin ang iyong mga kapatid, samantalang dapat mong kamuhian ang diyablong si Satanas, kamuhian ang mga negatibong bagay, kamuhian ang mga anticristo, at kamuhian ang masasamang tao. Kung nagtatanim ka ng pagkamuhi sa iyong mga kapatid, malamang na supilin mo sila at paghigantihan sila; lubhang nakakatakot iyan. Ang nasa isip lamang ng ilang tao ay pagkamuhi at masasamang ideya. Pagkaraan ng ilang panahon, kung hindi makasundo ng gayong mga tao ang taong kinamumuhian nila, sisimulan nilang layuan ito; gayunman, hindi nila ito tinutulutang makaapekto sa kanilang mga tungkulin o maimpluwensyahan ang kanilang normal na pakikisama sa iba, dahil nasa puso nila ang Diyos at nagpipitagan sila sa Kanya. Ayaw nilang magkasala sa Diyos, at natatakot silang gawin iyon. Bagama’t maaaring magkimkim ng ilang pananaw ang mga taong ito tungkol sa isang tao, hindi nila ginagawa ang mga iniisip nila o nagsasalita man lang ng isang salita na lihis, dahil ayaw nilang magkasala sa Diyos. Anong klaseng ugali ito? Isang halimbawa ito ng pagkilos at pamamahala sa mga bagay-bagay nang may prinsipyo at walang pinapanigan. Maaaring hindi ka kaayon sa personalidad ng isang tao, at maaaring ayaw mo sa kanya, ngunit kapag nakikipagtulungan ka sa kanya, nananatili kang walang pinapanigan at hindi mo ibubunton ang mga pagkadismaya mo sa paggawa ng iyong tungkulin, isasakripisyo ang iyong tungkulin, o ilalabas ang mga pagkadismaya mo sa mga interes ng pamilya ng Diyos. Magagawa mo ang mga bagay-bagay ayon sa prinsipyo; sa gayon, mayroon kang pangunahing pagpipitagan sa Diyos. Kung mayroon kang medyo higit pa riyan, kapag nakita mo na may ilang kamalian o kahinaan ang isang tao—kahit nagkasala siya sa iyo o napinsala niya ang iyong sariling mga interes—kaya mo pa rin siyang tulungan. Mas makabubuti pang gawin iyon; mangangahulugan iyon na ikaw ay isang taong may taglay na pagkatao, katotohanang realidad, at pagpipitagan sa Diyos. Kung hindi mo ito makakamit sa kasalukuyan mong tayog, nguni’t nakagagawa ng mga bagay-bagay, napangangasiwaan ang sarili, at napakikitunguhan ang mga tao alinsunod sa prinsipyo, binibilang rin ito na pagiging may takot sa Diyos; pinakapangunahin ito(“Ang Limang Kinakailangang Kalagayan Upang Mapunta sa Tamang Landas ng Pananampalataya ng Isang Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Hinihiling ng Diyos na makita natin ang kaibahan sa pagitan ng pagmamahal at pagkamuhi, at tratuhin ang iba sa may prinsipyong paraan. Kung ang ibang tao ay isang masamang tao o isang anticristo, dapat natin silang ibunyag at tanggihan nang walang awa. Kung ang ibang tao ay isang taong nagmamahal sa katotohanan, kahit mayroon silang kaunting kayabangan, at ilang kapintasan at kakulangan, dapat natin silang diretsuhin at tratuhin sila nang may pagpaparaya at pagmamahal. Kung iisipin si Sister Wang, bagaman talagang prangka siya at sinabi niya kung ano’ng totoo. na talagang napakahirap para sa’kin na tanggapin no’ng panahong ’yon, matapos ko ’yong pag-isipan, napagtanto kong tama siya. Tinuturo niya ang isang kabiguan ko na hindi ko nakita. Bagaman nasaktan no’n ang pagpapahalaga ko sa sarili, at nakakasama ’yon ng loob at masakit para sa’kin, ginagamit ng Diyos ang gano’ng uri ng sitwasyon para bigyang-atensyon ang kayabangan ko. Inuudyukan Niya akong maging mas tunay at praktikal sa aking tungkulin sa pamamagitan ng pagwawasto sa’kin ni Sister Wang at ppagbabantay sa aking tungkulin. Tutulutan ako no’ng itama ang mga kabiguan ko sa’king tungkulin sa isang napapanahong paraan. Isa talaga itong biyaya para sa’kin! Kung walang payo o tulong mula sa iba, hindi ako magkakaro’n ng anumang pag-unlad sa aking pagpasok sa buhay o sa’king tungkulin. Hindi takot si Sister Wang na masaktan ako, kundi tapat na itinuro ang mga kapintasan ko—isa itong diwa ng pagiging matuwid, at ginawa ito dahil sa pagmamahal at pagsuporta sa akin. Inasikaso niya rin ang kanyang tungkulin nang may diwa ng pasanin at gumawa siya ng praktikal na gawain. Pero inatake ko siya at gumanti ako sa kanya. Halos hindi ako tao!

May isa ang video nng pagbabasa ng mga salita ng Diyos na nakita ko kalaunan. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Huwag laging magtuon sa pagkakamali ng iba, ngunit magnilay sa inyong sarili nang madalas, at pagkatapos ay maging handa sa pag-amin sa kapwa kung ano ang nagawa ninyo na nagsanhi sa pagkagambala o kapinsalaan sa kanila. Matuto kayong buksan ang inyong sarili at magbahagi, at madalas na makipagtalakayan kung paano makikipagbahagian sa praktikal na paraan batay sa mga salita ng Diyos. Kapag ang kapaligiran ng inyong mga buhay ay madalas na ganito, ang mga ugnayan sa pagitan ng mga magkakapatid ay nagiging normal—hindi masalimuot, walang pakialam, malamig, o malupit gaya ng mga ugnayan sa pagitan ng mga hindi mananampalataya. Unti-unti ninyong tatanggalan ang inyong mga sarili ng ganyang mga ugnayan. Nagiging mas malapit at magkapalagayang-loob ang magkakapatid sa isa’t isa; nagagawa ninyong tulungan ang isa’t isa, at mahalin ang isa’t isa; mayroong mabuting kalooban sa inyong mga puso, o mayroon kayong kaisipan na nagagamit ninyo upang makapagpaubaya at mahabag sa isa’t isa, at tinutulungan at inaalagaan ninyo ang isa’t isa, kaysa sa isang kalagayan at kaugalian kung saan kayo ay nag-aawayan, nagyuyurakan, nagkakaselosan, nakikisali sa lihim na pakikipagtagisan, nagkikimkim ng mga panunuya o panghahamak sa isa’t isa, o kung saan ay walang sumusunod kaninuman. … Kung gayon, dapat na matutunan mo muna kung paano makisama nang maayos sa iyong mga kapatid. Dapat kayong maging mapagparaya sa isa’t isa, maluwag sa isa’t isa, makita kung ano ang natatangi sa isa’t isa, kung ano ang kalakasan ng isa’t isa—at dapat kayong matutong tanggapin ang pananaw ng iba, at balikan ang nasa kaibuturan ng inyong sarili upang magsagawa ng pagninilay-nilay sa sarili at magtamo ng kaalaman tungkol sa sarili(“Ang Pinakamahalagang Prinsipyo para sa Pagsasagawa ng Pagpasok sa Katotohanang Realidad” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Ipinakita sa’kin ng mga salita ng Diyos na kapag pinupuna ako ng isang tao at binibigyan ako ng patnubay, anuman ang tono nila o ugali, at kung ito man ay naaayon o hindi sa sarili kong pag-iisip, dapat kong iisantabi ang sarili ko at tanggapin ’yon. Kahit isa ’yong bagay na walang katuturan noong panahong ’yon, hindi ako dapat umatake para gumanti sa kanila, kundi dapat akong lumapit sa Diyos para manalangin at magsiyasat. Dapat akong magtiwala na kung anuman ang inilahad sa akin ay isang bagay na tinutulutan ng Diyos. Isa ’yong bagay na kailangan ko para sa’king pagpasok sa buhay, para matuto ako ng leksyon, kaya ang unang bagay na dapat kong gawin ay magpasakop at magnilay sa sarili, habang naghahanap din ng angkop na msalita mula sa Diyos para lutasin ang problema ko. Sa’king mga interaksyon sa iba, dapat ko ring mas isaalang-alang ang mga kalakasan nila, at kung sakaling may anumang hidwaan, dapat akong magnilay muna sa sarili at hanapin ang katotohanan. Kailangan kong kusang kilalanin ang kasalanan ko at ilahad sa ibang tao ang tungkol sa katiwalian ko para makita nila ang loob ng puso ko. Isa itong prekondisyon sa pagkakamit ng nagkakasundong kooperasyon pati na ang prinsipyong kailangan kong pasukin.

Kalaunan, hinanap ko si Sister Wang, at nagtapat ako sa kanya tungkol sa katiwaliang inihayag ko at kung pa’no ko ’yon inasikaso. Isa ’yong napakanakakapagpalayang pakiramdam, at natunaw lang ang mga hadlang sa pagitan namin. Sa pagtutulungan namin simula no’n, minsan magsasabi siya ng isang bagay sa isang talagang direktang paraan na sumusugat sa sarili ko at magsisimula akong makaramdam ng kaunting paglaban, pero nagmamadali akong manalangin sa Diyos at isantabi ang sarili ko. Alam kong tinulutan ito ng Diyos, kaya sinusuri ko ang sarili kong mga problema at tinatanggap ang pananaw niya. Sa pamamagitan ng pagsasakatuparan nito, nawala ang mga maling akala ko sa kanya at ramdam kong naging mas masaya ang relasyon namin. Magkasama kaming gumagawa ng tungkulin namin nang mabuti at unti-unti naming nakita ang mas maraming tagumpay sa aming gawaing pang-ebanghelyo. Itinuro sa’kin ng karanasang ito na sa pagtanggap lang ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, tanging sa pagbatay ng ating asal sa mga salita ng Diyos natin malulutas ang ating mga katiwalian at makakapagsabuhay ng normal na pagkatao. Nagpapasalamat ako sa Makapangyarihang Diyos sa pagliligtas Niya sa akin!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman