Sa Wakas ay Kaya Ko nang Kumilatis ng Masasamang Tao

Disyembre 9, 2024

Ni An Xun, Tsina

Noong Marso 2020, nakatanggap ako ng isang liham mula sa aking nanay. Nalaman kong mahigit isang taon na ang nakalilipas mula nang paalisin siya sa iglesia bilang isang masamang tao. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa biglaang balita na ito. Ni hindi ko pa natatapos basahin ang liham nang magsimulang tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata. Ang gawaing pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw ay isang pagkakataong minsan lang dumating sa buhay! Dahil pinaalis na sa iglesia ang nanay ko, hindi ba’t nawala na ang pag-asa niyang maligtas? Nang sandaling iyon, ang lahat ng pumasok sa isipan ko ay kung gaano kabuti ang nanay ko sa akin: Magmula pa noong bata ako, ginabayan na ako ng nanay ko sa pagbabasa ng salita ng Diyos at tinuruan niya akong manalangin. Gusto ng tatay ko na mag-aral ako nang mabuti at umasenso sa hinaharap, pero ang nanay ko ang siyang pumilit sa akin na manampalataya sa Diyos at gumawa ng isang tungkulin, na nagbigay-daan sa akin para tahakin ang tamang landas sa buhay. Kalaunan, tinugis ng mga pulis ang nanay ko dahil sa pagpapalaganap ng ebanghelyo at kinailangan niyang magtago. Tuwing sumusulat siya sa akin, hinihikayat niya ako na sinserong gampanan ang tungkulin ko at hangarin ang katotohanan … Paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko ang mga alaalang ito na gaya ng mga eksena sa isang pelikula. Labing-anim na taon nang nananampalataya sa Diyos ang nanay ko, at kahit na dalawang beses na siyang naaresto, hindi niya ipinagkanulo ang Diyos at patuloy niyang ginawa ang mga tungkulin niya sa malayong lugar, pinaniniwala ako na tunay siyang nananampalataya sa Diyos. Kaya bakit siya pinaalis? Nagkamali kaya ang lider? Hindi ba siya puwedeng bigyan ng isa pang pagkakataon para magsisi, alang-alang sa lahat ng taon ng sakripisyo at paggugol niya? Sinabi niya sa kanyang liham na naging pabaya siya at nagwawala siya sa kanyang mga tungkulin, at na naghahasik siya ng hidwaan at bumubuo ng mga grupo sa mga kapatid, na nagdudulot ng kawalan sa gawain ng iglesia, at na sa bawat pagkakataong pinupungusan siya, hindi niya pinagnilayan o kinilala ang kanyang sarili, at palagi niyang iniisip na nasa ibang tao ang problema. Sinabi niyang nakagawa siya ng napakaraming kasamaan, at na makatarungan na pinaalis siya, na hindi siya nagdala ng anumang patotoo sa loob ng mahigit sa isang dekada ng pananalig, sa halip, gumawa siya ng maraming kasamaan at pininsala ang gawain ng iglesia. Sinabi niyang isa siyang matandang diyablo, isang kampon ni Satanas, at isang masamang demonyo, na ang buhay niya ay isang tanda ng kahihiyan, at na nasa gayong pasakit siya na gusto na niyang magpatiwakal. Magkagayon, naisip ko kung paanong kahit napaalis na ang nanay ko, pinapadalhan pa rin niya ako ng perang kinita niya mula sa trabaho para suportahan ako sa aking mga tungkulin. Nalito ako sa pag-uugali ng nanay ko: Hindi kaya at napakalala lang ng kanyang tiwaling disposisyon, sa halip na may mali sa diwa niya? Kung nagkaroon siya ng isa pang pagkakataon, magagawa ba niyang magsisi at maiiwasang mapaalis? Inililigtas ng Diyos ang mga tao sa abot ng makakaya, at pinahihintulutan ng sambahayan ng Diyos na bumalik ang mga pinaalis kung tunay silang nagsisi. Dahil nakikita kong nagpamalas ng ilang mabuting pag-uugali ang nanay ko pagkatapos siyang paalisin, marahil ay puwede siyang bigyan ng iglesia ng isa pang pagkakataon? Kaya sumulat ako ng liham para tulungan siya, hinihingi sa kanya na sinsero siyang magsisi, at na kung tunay siyang magsisisi, baka-sakaling tanggapin siyang muli sa iglesia.

Sa isang pagtitipon, binanggit ko ang mga iniisip ko at sinabi sa akin ng isang kapatid na wala akong pagkilatis sa diwa ng aking nanay, na dahilan kung bakit gusto ko palagi na tanggapin siyang muli sa iglesia, at sinabi sa akin ng kapatid na kailangan kong hanapin ang katotohanan sa usaping ito. Napagtanto kong ginagamit ng Diyos ang kapatid na ito para ipaalala sa akin na matutuhan ang isang aral, kaya nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos ko, nalilito ako tungkol sa pagpapaalis sa nanay ko, pakiusap bigyang-liwanag Mo ako para maunawaan ko ang katotohanan at tulutan Mo akong matutuhang kilatisin ang kalikasang diwa ng nanay ko at makatakas sa mga gapos ng damdamin.”

Isang araw, binasa ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos: “Yaong mga nagbubulalas ng kanilang makamandag at malisyosong pananalita sa loob ng iglesia, na nagkakalat ng mga tsismis, nagpupukaw ng kawalan ng pagkakaisa, at iginugrupu-grupo ang mga kapatid—dapat ay natiwalag na sila sa iglesia. Subalit dahil ibang panahon na ngayon ng gawain ng Diyos, hinihigpitan ang mga taong ito, sapagkat walang dudang ititiwalag sila. Lahat ng nagawang tiwali ni Satanas ay may mga tiwaling disposisyon. Ang ilan ay walang anumang taglay kundi mga tiwaling disposisyon, samantalang ang iba ay hindi ganito: Hindi lamang sila mayroong mga tiwali at satanikong disposisyon, kundi napakamalisyoso rin ng kanilang likas na pagkatao. Hindi lamang nahahayag sa kanilang mga salita at kilos ang kanilang mga tiwali at satanikong disposisyon; ang mga taong ito, bukod dito, ang totoong mga diyablo at si Satanas. Ang pag-uugali nila ay nakakagambala at nakakagulo sa gawain ng Diyos, nakakagulo ito sa buhay pagpasok ng mga kapatid, at nakakasira sa normal na buhay ng iglesia. Sa malao’t madali, ang mga lobong ito na nakadamit-tupa ay kailangang alisin; hindi dapat kaawaan at tanggapin ang mga utusang ito ni Satanas. Ito lamang ang pumapanig sa Diyos, at yaong mga hindi nakakagawa nito ay nagtatampisaw sa putikan na kasama ni Satanas(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan). “Ang mga taong tunay na naniniwala sa Diyos ay yaong mga handang isagawa ang salita ng Diyos at handang isagawa ang katotohanan. Ang mga taong tunay na nagagawang manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos ay yaon ding mga handang isagawa ang Kanyang salita at talagang kayang pumanig sa katotohanan. Wala sa lahat ng taong nanloloko at walang katarungan ang katotohanan, at nagdadala silang lahat ng kahihiyan sa Diyos. Yaong mga nagsasanhi ng mga alitan sa iglesia ay mga utusan ni Satanas, sila ang sagisag ni Satanas. Ang gayong mga tao ay nakapamalisyoso. Lahat ng walang pagkakilala at walang kakayahang pumanig sa katotohanan ay may kimkim na masasamang layon at dinudungisan ang katotohanan. Higit pa riyan, sila ay napakatipikal na mga kinatawan ni Satanas. Hindi na sila matutubos, at natural lamang na itiwalag silang lahat. Hindi tinutulutan ng pamilya ng Diyos na manatili ang mga hindi nagsasagawa ng katotohanan, ni hindi nito tinutulutang manatili yaong mga sadyang gumigiba sa iglesia. Gayunman, hindi ito ang panahon para gawin ang gawain ng pagtitiwalag; ilalantad at ititiwalag lamang ang gayong mga tao sa huli. Wala nang walang-silbing gawaing iuukol sa mga taong ito; yaong mga nabibilang kay Satanas ay hindi kayang pumanig sa katotohanan, samantalang yaong mga naghahanap sa katotohanan ay kayang gawin ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan). Ipinaunawa sa akin ng mga naglalantad na salita ng Diyos na iyon lamang mga kayang tumanggap at magsagawa ng katotohanan ang tunay na nananampalataya sa Diyos, at na iyong mga tumatangging tanggapin ang katotohanan, palaging gumagawa ng mga kasamaan at nanggugulo sa gawain ng iglesia, at hindi kailanman nagsisi, iyon ang mga tunay na diyablo at Satanas. Sila ang mga ibubunyag at ititiwalag ng Diyos, at paaalisin sila ng iglesia. Ito ay isang atas administratibo ng iglesia. Mula sa aking mga kapatid, nalaman kong ang nanay ko ay patuloy na hindi nagsisisi sa kanyang masasamang gawa. Sinamantala niya ang isang katiwaliang ipinakita ng isang kapatid para batikusin at husgahan ito, at hinikayat niya ang iba na husgahan at ibukod ang kapatid na ito kasama niya, na naging sanhi ng paglala ng kalagayan ng kapatid na ito. Walang nakuhang kahit anong resulta ang nanay ko sa mga tungkulin niya, at nang pilitin siya ng lider ng kanyang pangkat tungkol sa pag-usad niya, nagsalita siya sa likuran nito at hinusgahan ito na walang pagmamahal. Ibinahagi at isiniwalat ng isang superbisor ang mga problema ng nanay ko, pero sinabi ng nanay ko na pinipigilan siya nito at hindi siya hinahayaang magsalita. Patalikod ding sinabi ng nanay ko ang pagkadismaya niya sa superbisor, na naging sanhi sa iba para magkaroon ng mga pagtatangi laban dito, na nagdulot ng matititinding pagkagambala at pagkakagulo sa gawain. Hinimay ng lider ang mga kilos at asal ng nanay ko, binalaan siya, at isinaayos na magnilay siya nang nakabukod. Pero hindi nagnilay-nilay ang nanay ko, sa halip ay pumunta siya sa iba’t ibang pagtitipon ayon sa gusto niya, naghahasik ng alitan sa pagitan ng mga kapatid at mga lider. Nabigla ako sa mga katunayang ito. May gayong masamang kalikasan ang nanay ko! Kung sinuman ang lumihis kahit kaunti sa mga kagustuhan niya, magkakaroon siya ng sama ng loob, magsasalita siya sa likuran ng taong iyon at huhusgahan, maghahasik ng kawalang-kasiyahan, at magpapakalat ng alitan sa mga kapatid, na gumagambala sa gawain ng iglesia. Paulit-ulit siyang binalaan ng iba, pero ganap siyang hindi nagsisisi, patuloy siyang gumawa ng kasamaan, at ginulo ang gawain ng iglesia at ang buhay pagpasok ng mga kapatid. Hindi ito normal na paghahayag ng katiwalian, o kaya ay problema ito ng isang malalang tiwaling disposisyon gaya ng inakala ko, kundi, mayroon siyang isang masamang kalikasan, at nabunyag na ang diwa niya bilang isang masamang tao. Hindi siya magsisisi kahit bigyan pa siya ng isa pang pagkakataon. Pinaalis siya ng iglesia ayon sa mga prinsipyo para protektahan ang gawain ng iglesia at ang mga kapatid mula sa higit pang panggugulo. Ganap na makatarungan ang ganitong paraan ng pamamahala sa mga bagay-bagay at naaayon ito sa mga katotohanang prinsipyo. Palagi kong iniisip na sa labing-anim na taon ng pananalig, sa maraming taon ng paggawa ng mga tungkulin sa labas, sa patuloy niyang pananampalataya kahit na dalawang beses siyang naaresto, sa pagtalikod niya sa kanyang pamilya at propesyon, at lahat ng pagsisikap at paggugol niya, siya ay isang tunay na mananampalataya. Pero ngayon, nakita ko nang malinaw na nanampalataya lamang sa Diyos ang nanay ko para makapasok sa iglesia at magkamit ng mga pagpapala, at na gusto niyang ipagpalit sa mga pagpapala ng langit ang pakunwari niyang pagtalikod at mga sakripisyo. Nagpahayag ang Makapangyarihang Diyos ng napakaraming katotohanan, pero hindi niya tinanggap o isinagawa maski isa man. Sa halip, gumawa siya ng kasamaan at nagdulot ng mga kaguluhan sa iglesia, at matigas na tumangging magsisi. Isa siyang masamang tao. Paano ito naiiba sa mga Pariseo, na tumangging tanggapin ang mga katotohanang ipinahayag ng Panginoong Jesus, at nagpako sa Panginoong Jesus sa krus, sa kabila ng paglalakbay sa mundo para magbalik-loob ang mga tao? Naalala ko ang isang bagay na sinabi ng Panginoong Jesus: “Hindi ang bawat nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa Akin sa araw na yaon, ‘Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa Iyong pangalan, at sa pangalan Mo ay nangagpalayas kami ng mga demonyo, at sa pangalan Mo ay nagsigawa kami ng maraming gawang kamangha-mangha?’ At kung magkagayon ay ipahahayag Ko sa kanila, ‘Kailanman ay hindi Ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan’(Mateo 7:21–23). Ipinaunawa sa akin ng mga salita ng Diyos, na sa panlabas ay kayang gumawa ng mga pagsasakripisyo at pagsisikap ng isang tao, pero hindi ibig sabihin nito na mga tunay silang mananampalataya, at hindi kinikilala ng Diyos ang ganitong uri ng pananalig. Ang mga tumatanggap at nagsasagawa lamang sa katotohanan ang mga tunay na mananampalataya. Ang gayong mga tao ay may pag-asang iwaksi ang kanilang mga tiwaling disposisyon, makamit ang pagliligtas ng Diyos, at makapasok sa kaharian ng Diyos. Nagtaka rin ako kung ang pagkilala ba ng nanay ko sa kanyang masasamang gawa at sa kanyang sarili bilang isang diyablo at isang Satanas pagkatapos siyang paalisin ay katumbas ng tunay na pagsisisi at kung sapat ba ito para pahintulutan siya ng iglesia na bumalik.

Sa aking paghahanap, binasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Kahit gaano man kagalit ang Diyos sa mga taga-Ninive, sa sandaling nagpahayag sila ng pag-aayuno at nagsuot ng magaspang na damit at naupo sa mga abo, unti-unting lumambot ang Kanyang puso, at nagsimulang magbago ang Kanyang isip. Nang sabihin Niyang wawasakin Niya ang kanilang lungsod—ang panahon bago ang kanilang pangungumpisal at pagsisisi sa kanilang mga kasalanan—galit pa rin sa kanila ang Diyos. Sa sandaling nagsagawa sila ng serye ng mga gawain ng pagsisisi, unti-unting nagbago at napalitan ng awa at pagpaparaya ang galit ng Diyos sa mga taga-Ninive. Walang anumang magkasalungat sa magkaparehong paghahayag ng dalawang aspeto ng disposisyon ng Diyos sa magkaparehong pangyayari. Paano mauunawaan at malalaman ng isang tao ang ganitong kawalan ng pagkakasalungatan kung gayon? Ipinahayag ng Diyos ang magkabaligtad na bahaging ito ng mga diwa bago at pagkatapos magsisi ang mga taga-Ninive, nagtutulot sa mga tao na makita ang pagiging totoo at hindi nalalabag na diwa ng Diyos. Ginamit ng Diyos ang Kanyang saloobin upang sabihin sa mga tao ang mga sumusunod: Hindi sa hindi nagpaparaya ang Diyos sa mga tao, o hindi Niya nais na maawa sa kanila; sa halip, bihira silang tunay na magsisi sa Diyos, at bihirang tunay na talikdan ang kanilang masasamang gawi at iwanan ang karahasan sa kanilang mga kamay. Sa madaling sabi, kapag nagagalit ang Diyos sa tao, umaasa Siya na makakaya ng tao na magsisi nang tapat, at umaasa Siya na makikita ang tunay na pagsisisi ng tao, kung saan ay, patuloy Niyang bukas-palad na ipagkakaloob ang Kanyang awa at pagpaparaya sa tao. Ibig sabihin nito na ang masamang pag-uugali ng tao ang nagdudulot ng poot ng Diyos, samantalang ang awa at pagpaparaya ng Diyos ay ipagkakaloob sa mga nakikinig sa Diyos at tunay na nagsisisi sa harap Niya, sa mga makatatalikod sa kanilang masasamang gawi at maiiwan ang karahasan sa kanilang mga kamay. Ang saloobin ng Diyos ay napakalinaw na ipinahayag sa Kanyang pakikitungo sa mga taga-Ninive: Ang awa at pagpaparaya ng Diyos ay hindi lubhang mahirap na makamit at ang hinihingi Niya sa isang tao ay tunay na pagsisisi nito. Hangga’t ang mga tao ay tatalikod sa kanilang masasamang gawi at iiwan ang karahasan sa kanilang mga kamay, babaguhin ng Diyos ang Kanyang puso at ang Kanyang saloobin tungo sa kanila(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II). “Kapag nakikita mo kung paano lumalaban sa Diyos ang mga diyablo at mga Satanas sa mundo, nakikita mo kung paano lumalaban sa Diyos ang mga diyablo at mga Satanas sa espirituwal na mundo—walang-walang pagkakaiba ang mga ito. Pareho ang pinagmulan ng mga ito at nagtataglay ang mga ito ng parehong kalikasang diwa, at kaya gumagawa sila ng parehong mga bagay. Anuman ang kanilang maging anyo, pare-pareho ang ginagawa nilang lahat. … Kung inaatake at nilalapastangan nila ang Diyos, sila ay mga diyablo, at hindi sila mga tao. Kapag suot ang balat ng tao, kahit gaano pa kaganda sa pandinig o kahit tama ang mga sinasabi nila, ang kanilang kalikasang diwa ay sa mga diyablo. Ang mga diyablo ay maaaring magsabi ng mga bagay na magandang pakinggan upang ilihis ang mga tao, ngunit hindi talaga nila tinatanggap ang katotohanan, lalong hindi nila ito isinasagawa—lubos itong totoo. Tingnan mo ang masasamang tao at ang mga anticristo at ang mga lumalaban at nagtataksil sa Diyos—hindi ba’t ganito silang uri ng tao? … Sabihin mo sa Akin, tama bang hayaan ang mga taong ito na mula sa mga diyablo, o ang mga taong ito na may kalikasang diwa ng mga diyablo, na manatili sa sambahayan ng Diyos? (Hindi ito tama.) Hindi ito tama. Hindi sila katulad ng mga hinirang ng Diyos: ang mga hinirang ng Diyos ay nabibilang sa Diyos, samantalang ang mga taong ito ay nabibilang sa mga diyablo at kay Satanas(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 4). Ipinaunawa sa akin ng pagbubulay-bulay ko sa mga salita ng Diyos ang tungkol sa mga tao sa Nineve, na dahil sa kanilang masasamang gawa ay napasiklab ang galit ng Diyos at naharap sa pagwasak. Pero dahil kaya nilang “talikdan ang kanilang masasamang gawi at iwanan ang karahasan sa kanilang mga kamay,” at dahil tunay silang nagsisi, natanggap nila ang awa at pagpapatawad ng Diyos. Kapag tunay mo lamang pinagnilayan, kinilala, pinagsisihan, at kinamuhian ang masamang landas na tinatahak mo dati, at kapag nagawa mo nang makinig sa salita ng Diyos at magsimulang muli, at tumigil sa pagtahak sa masamang landas kung nasaan ka, saka mo magagawang kamtin ang awa at pagpapatawad ng Diyos. Ang pagsasabi lang ng mga salitang magandang pakinggan nang hindi tinatanggap o isinasagawa ang katotohanan ay hindi katumbas ng tunay na pagsisisi, at hindi kaaawaan o patatawarin ng Diyos ang gayong mga tao. Siniyasat ko ang pag-uugali ng nanay ko at nalaman kong wala pa rin siyang pagkilala sa lahat ng malubhang kasamaang ginawa niya. Sa halip, ibinaling niya ang sisi sa iba, sinasabing noon ay hinamak ng isang kapatid ang superbisor, madalas punahin ang mga kamalian nila at itsismis ang mga kapintasan nila, at na dahil siya mismo ay walang pagkilatis, kumampi siya sa kapatid na ito sa paggawa ng kasamaan. Hindi pa rin talaga nauunawaan ng nanay ko ang lahat ng kasamaang ginawa niya o ang traydor at malisyosong satanikong kalikasan niya, at wala siyang nadama na tunay na pagsisisi o pagkamuhi sa mga bagay na ito, kaya paano siya tunay na magsisisi? Kung tatanggapin siyang muli, magpapatuloy lang siya sa paggawa ng kasamaan at panggugulo sa gawain ng iglesia gaya nang dati. Gayundin, bagama’t kinilala niya ang kanyang sarili bilang isang matandang diyablo, isang kampon ni Satanas, at isang masamang demonyo, sa mga usapin ng partikular na mga kasamaang ginawa niya, kung bakit niya ginawa ang mga iyon, kung anong mga intensyon ang kumokontrol sa kanya, kung aling mga satanikong lason ang sinusunod niya, at kung anong satanikong disposisyon ang sangkot, wala siyang tunay na pagninilay-nilay o pag-unawa. Binalikan ko ang lahat ng tamang bagay na sinabi ng nanay ko sa akin habang lumalaki ako, gaya ng kung gaano kahalaga ang gawain ng pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw, at na ang sinserong paggawa sa isang tungkulin at paghahangad sa katotohanan ay ang tamang landas sa buhay pero kahit sinasabi na niya ang mga bagay na ito sa loob ng mahigit sa isang dekada, hindi siya tumanggap o nagsagawa ng kahit na anong katotohanan. Sa salita ay kinilala niya ang masasamang gawa niya at nagawa niyang sabihin ang mga wastong bagay, pero hindi ibig sabihin nito na tunay siyang nagsisi. Pinapayagan ng iglesia na bumalik ang mga nagpakita ng tunay na pagsisisi, pero hindi ang mga taong gaya ng nanay ko, na sa salita lang umamin at hindi naman tunay na nagbago.

Kalaunan, binasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Isang anticristo ka man o isang masamang tao, o ikaw man ay pinaalis o pinatalsik, ang pagtupad sa mga responsabilidad mo bilang tao ay isang bagay na dapat mong gawin. Bakit Ko sinasabing isa itong bagay na dapat mong gawin? Nakatanggap ka ng napakaraming panustos ng mga katotohanan mula sa Diyos, at ito rin ang mga puspusang pagsisikap ng Diyos. Diniligan at tinustusan ka ng sambahayan ng Diyos sa loob ng naparaming taon, pero mayroon bang anumang hinihingi sa iyo ang Diyos? Wala. Ang iba’t ibang aklat na ipinamamahagi ng sambahayan ng Diyos ay libre, walang sinuman ang kailangang magbayad ni isang sentimo. Gayundin, ang tunay na daan ng buhay na walang hanggan ng Diyos at ang mga salita ng buhay na ipinagkakaloob Niya sa mga tao ay libre, at ang mga sermon at pakikipagbahaginan ng sambahayan ng Diyos ay libre rin lahat para mapakinggan ng mga tao. Samakatwid, ikaw man ay isang ordinaryong tao o miyembro ng isang espesyal na grupo, libre kang nakatanggap ng napakaraming katotohanan mula sa Diyos, kaya, tiyak na nararapat lang na ipangaral mo ang mga salita ng Diyos at ang ebanghelyo ng Diyos sa mga tao at dalhin sila sa presensiya ng Diyos, hindi ba? Ipinagkaloob ng Diyos ang lahat ng katotohanan sa sangkatauhan; sino ang may kayang suklian ang gayong kadakilang pagmamahal? Ang biyaya ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, at ang buhay ng Diyos ay walang katumbas na halaga, at walang tao ang may kayang suklian ang mga ito! Ganoon ba kahalaga ang buhay ng tao? Kasinghalaga ba ito ng katotohanan? Kaya, walang sinuman ang may kayang suklian ang pagmamahal at biyaya ng Diyos, at kasama na roon ang mga pinaalis, pinatalsik, at itiniwalag ng iglesia—hindi sila eksepsiyon. Hangga’t mayroon kang konsensiya, katwiran, at pagkatao, paano ka man tratuhin ng sambahayan ng Diyos, dapat mong tuparin ang obligasyon mo na ipalaganap ang mga salita ng Diyos at patotohanan ang Kanyang gawain. Ito ang di-maiiwasang responsabilidad ng mga tao. Samakatwid, gaano man karaming tao ang pinangangaralan mo ng mga salita ng Diyos o pinagbabahaginan ng ebanghelyo, o gaano man karaming tao ang nakakamit mo, hindi ito dahilan para purihin ka. Nagpahayag ng napakaraming katotohanan ang Diyos, pero hindi mo pinapakinggan o tinatanggap ang mga ito. Tiyak na dapat kang magserbisyo nang kaunti at mangaral ng ebanghelyo sa iba, hindi ba? Dahil ganito na kalayo ang narating mo ngayon, hindi ba’t dapat kang magsisi? Hindi ba’t dapat kang maghanap ng mga pagkakataon para masuklian ang pagmamahal ng Diyos? Talagang dapat mong gawin iyon! Mayroong mga atas administratibo ang sambahayan ng Diyos, at ang pagpapaalis, pagpapatalsik, at pagtitiwalag ng mga tao ay ginagawa ayon sa mga atas administratibo at ayon sa mga hinihingi ng Diyos—ang paggawa ng mga bagay na ito ay tama. Maaaring sinasabi ng iba, ‘Medyo nakakahiya namang tanggapin sa iglesia ang mga taong nakamit sa pamamagitan ng pangangaral ng ebanghelyo niyong mga pinaalis o pinatalsik.’ Sa katunayan, ito ang tungkuling dapat gawin ng mga tao, at walang dapat ikahiya. Ang lahat ng tao ay nilikha. Kahit na pinaalis o pinatalsik ka, kinondena bilang masamang tao o isang anticristo, o isa kang target sa pagtitiwalag, hindi ba’t isa ka pa ring nilikha? Kapag ikaw ay pinaalis na, hindi ba’t Diyos mo pa rin ang Diyos? Nabura na lang ba sa isang iglap ang mga salitang sinabi sa iyo ng Diyos at ang mga bagay na itinustos Niya sa iyo? Huminto ba sa pag-iral ang mga ito? Umiiral pa rin ang mga ito, sadyang hindi mo lang pinahalagahan ang mga ito. Ang lahat ng taong napabalik-loob, kahit sino pa ang nagpabalik-loob sa kanila, ay mga nilikha at dapat na magpasakop sa Lumikha. Kaya, kung handang mangaral ng ebanghelyo ang mga taong ito na pinaalis o pinatalsik, hindi natin sila pipigilan; subalit paano man sila mangaral, hindi puwedeng baguhin ang mga prinsipyo ng sambahayan ng Diyos sa paggamit ng mga tao at ang mga atas administratibo ng sambahayan ng Diyos, at hinding-hindi ito magbabago kahit kailan(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 6). Ipinaunawa sa akin ng mga salita ng Diyos na nagpahayag ang Diyos ng napakaraming salita at palagi Niyang ginagawa ang gawain ng pagliligtas sa mga tao. Ibinigay sa atin nang libre ang pagliligtas na ito, at natural lang na gawin natin ang ating mga tungkulin. Bagama’t pinaalis ang nanay ko, isa pa rin siyang nilikha, at sa bawat araw ay umasa sa Diyos para sa pagkain, tubig, at hangin para mabuhay. Hindi siya tinanggalan ng Diyos ng kanyang karapatan na kainin at inumin ang Kanyang salita. Handa siyang ipalaganap ang ebanghelyo at binigyan ako ng pera para suportahan ako sa aking mga tungkulin, na pagtupad lang sa ilang responsabilidad niya, pero hindi siya tunay na nagsisi, at sa pagsasaalang-alang sa mga prinsipyo, hindi siya angkop na bumalik. Magulo ang isip ko noon, hindi ko hinanap ang katotohanan, at wala akong pang-unawa sa disposiyon ng Diyos. Nakita ko na may kaunting mabuting asal ang nanay ko at kaya niyang magsabi ng ilang tamang bagay, kaya palagi kong inaasam na matatanggap siyang muli ng iglesia. Napakagulo ng isip ko! Tinanong ko rin ang sarili ko, kung ibang tao ang pinaalis, aasamin ko rin bang tanggapin siyang muli? Hindi. Bakit ako umaasam para sa nanay ko na mabigyan ng isa pang pagkakataon at tanggaping muli pagkatapos siyang paalisin? Ano ang ugat ng problemang ito? Nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang huling bahagi ng mga salita ng Diyos ay inilalantad ang pinakamalaking kahinaan ng sangkatauhan—lahat sila ay namumuhay sa kalagayan ng mga damdamin—kaya nga hindi iniiwasan ng Diyos ang isa man sa kanila, at inilalantad ang mga lihim na nakatago sa puso ng buong sangkatauhan. Bakit hirap na hirap ang mga tao na ihiwalay ang kanilang sarili sa kanilang mga damdamin? Higit pa ba ito kaysa sa mga pamantayan ng konsiyensya? Maisasakatuparan ba ng konsiyensiya ang kalooban ng Diyos? Makatutulong ba ang mga damdamin upang malagpasan ng mga tao ang kahirapan? Sa mga mata ng Diyos, ang mga damdamin ay Kanyang kaaway—hindi ba ito malinaw na nakasaad sa mga salita ng Diyos?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 28). Ibinubunyag ng Diyos na kaaway Niya ang mga damdamin, na ang mga ito ang pinakamatinding kahinaan ng mga tao, na ang pamumuhay sa mga damdamin ay hahadlangan kang makita ang mga bagay-bagay at ang mga tao na may mga prinsipyo, at na ang pamumuhay nang ganito ay gagawin kang madaling makagambala at makagulo sa gawain ng iglesia. Dati, hindi ko namamalayan kung gaano kalalakas ang damdamin ko. Sa mga nakalipas na ilang taon, nabunyag bilang masasamang tao at mga anticristo ang mga nasa paligid ko, at nagawa kong tunay na timbangin at ibunyag ang mga problema nila. Dahil dito, pakiramdam ko ay mayroon pa rin akong pagpapahalaga sa katarungan, pero ganap akong nabunyag nang pinaalis ang nanay ko. Napakaraming nagawang kasamaan ng nanay ko, pero hindi ko siya kinamuhian. Sa kabaligtaran, nalulungkot ako at tumatangis tuwing naiisip kong pinaalis siya, at nakadarama ako ng matinding pasakit na nawalan siya ng tsansang maligtas, hanggang sa puntong nagdududa ako kung nagkamali kaya ang mga lider at manggagawa sa pagpapaalis sa kanya, at pakiramdam ko ay naagrabyado ako para sa kanya. Dahil nakikita kong nagpapamalas ng ilang mabubuting pag-uugali at walang panlabas na katigasan ng ulo o paglaban sa pagpapaalis ang nanay ko, palagi akong umaasa na tatanggapin siyang muli ng iglesia. Bagama’t hindi ako nagmakaawang mapatawad siya alang-alang sa kanya, sa pag-iisip ko ay kinokontra ko ang Diyos. Kung hindi dahil sa paghatol at paglalantad ng mga salita ng Diyos at paghahayag ng mga katunayang ito na nagtulot sa aking makita nang malinaw ang diwa ng nanay ko, talagang magmamakaawa akong mapatawad siya alang-alang sa kanya, at kumampi na sana ako sa isang masamang tao at lumaban sa Diyos. Sa pagninilay na ito, sa wakas ay nakilala ko na ang mga satanikong lason na ito gaya ng “Mas matimbang ang dugo kaysa tubig,” at “Ang tao ay hindi patay; paano siya magiging malaya mula sa emosyon?” ay malalim na nakaugat sa puso ko, nagdudulot sa aking mamuhay sa mga damdamin at hindi magawang matukoy ang mabuti sa masama. Anumang kasamaan ang nagawa ng nanay ko, inisip ko pa ring mabuti siyang tao, at ang pinakamalapit na tao sa akin. Pakiramdam ko, magkakautang ako sa kanya at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung hindi ko siya kinampihan. Sa pag-iisip ko nito ngayon, mula sa murang edad, binasa sa akin ng nanay ko ang salita ng Diyos, tinuruan akong manalangin, inudyukan akong sinserong gawin ang tungkulin ko at hangarin ang katotohanan, at pinadalhan ako ng pera para suportahan ako sa paggawa ko ng aking tungkulin nang malayo sa bahay. Ang mga ito at ang iba pang gayong bagay ay pagtupad lang niya sa mga responsabilidad niya bilang isang ina, at ito rin ay kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos. Inisip ko ang tungkol sa maraming taon ng pananampalataya ko sa Diyos sa loob ng kuta ng mga demonyo na pinamumunuan ng CCP. Maraming beses akong naharap sa panganib, pero ang Diyos ang nagbantay at tumulong sa akin sa mga paghihirap. Gayundin, ang mga kapatid ko na hindi ko naman kadugo ay ibinuwis ang kanilang sarili para protektahan ako noong nanganganib akong maaresto. Dalawang beses akong naaresto habang ginagawa ko ang aking tungkulin at nagkaroon ako ng rekord ng kriminal, pero ang aking mga kapatid ang kumupkop sa akin at nag-alaga sa akin na para bang kadugo nila ako. Lahat ng ito ay dahil sa pagmamahal ng Diyos, kaya dapat kong pasalamatan ang Diyos at suklian ang pagmamahal Niya! Isang masamang tao ang nanay ko, masyado na niyang inabala ang gawain ng iglesia, at hindi pa rin siya tunay na nagsisisi, kahit na pinaalis na siya. Kung hindi ko siya nakilatis, gugustuhin ko pa ring bigyan siya ng iglesia ng isa pang pagkakataon at tanggapin siyang muli. Talagang wala akong pagsasaalang-alang para sa mga interes ng sambahayan ng Diyos o para sa buhay pagpasok ng mga kapatid. Hindi ba’t nagiging kasabwat lang ako ng isang masamang tao at nilalabanan at kinokontra ang Diyos? Nagmamalasakit at nagmamahal ako sa isang masamang tao, na hindi tapat sa Diyos, malupit sa mga kapatid, at walang pagkatao. Nakita kong namumuhay ako sa pamamagitan ng mga satanikong lason, at na isang akong hangal na walang pagkilatis at abilidad na matukoy ang tama sa mali. Halos kumampi na ako kay Satanas at kumontra sa Diyos. Nasa matinding panganib ako! Nang napagtanto ko ito, sa wakas ay personal ko nang naunawaan kung ano ang ibig sabihin ng Diyos sa “Ang mga damdamin ay kaaway ng Diyos.” Napakapraktikal at napakatunay ng mga salitang ito! Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Dapat mong isantabi ang iyong mga damdamin sa lalong madaling panahon; hindi Ako kumikilos ayon sa mga damdamin, sa halip ay isinasakatuparan Ko ang katuwiran. Kung ang iyong mga magulang ay gumagawa ng anumang hindi kapaki-pakinabang sa iglesia, hindi sila makakatakas(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 9). Dahil mismo sa pagtataguyod ng Diyos sa katuwiran sa halip na pagkilos batay sa mga damdamin at dahil naghahari sa sambahayan ng Diyos ang katotohanan at ang katuwiran, na ang mga anticristo at masasamang tao na walang pagsisising ginugulo at sinisira ang gawain ng Diyos at pinipinsala ang mga kapatid ay puwedeng paalisin, para maayos na makapagpatuloy ang lahat ng gawain ng iglesia, at para magkaroon ng normal na buhay iglesia ang mga kapatid at isang kapaligiran kung saan nagagawa nila ang mga tungkulin. Hinihingi ng Diyos na iwasan nating magtiwala sa mga damdamin sa ating pananalita at mga kilos, kundi magtiwala tayo sa mga prinsipyo. Ganito rin natin dapat tratuhin ang ating mga magulang. at ito ang katotohanang dapat kong isagawa. Bagama’t ang nanay ko ang pisikal na nagsilang sa akin, sa diwa ay masamang tao siya, isang kaaway ng Diyos, at kinamumuhian siya ng Diyos. Dapat may prinsipyo ako sa usaping ito, kumampi sa Diyos, at hindi magtiwala sa mga damdamin para magsalita para sa aking nanay.

Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos na nagbigay-daan sa akin na maunawaan kung paano ko dapat tratuhin ang nanay ko. Sabi ng Diyos: “Hinahadlangan ng iyong mga magulang ang iyong pananalig sa Diyos, ang kanilang kalikasang diwa ay sa mga hindi mananampalataya at walang pananampalataya, o sa masasamang tao at mga diyablo pa nga, at iba ang kanilang landas sa landas mo. Sa madaling salita, talagang ibang uri sila ng tao kumpara sa iyo, at bagamat nakatira kayo sa iisang bahay sa loob ng maraming taon, sadyang iba talaga ang kanilang mga hinahangad o karakter kumpara sa iyo, at iba talaga ang kanilang mga kagustuhan o inaasam kumpara sa iyo. Nananalig ka sa Diyos, at hindi talaga sila nananalig sa Diyos, at nilalabanan pa nga nila ang Diyos. Ano ang dapat gawin sa mga sitwasyong ito? (Itakwil sila.) Hindi sinabi sa iyo ng Diyos na itakwil o isumpa mo sila sa mga sitwasyong ito. Hindi iyan sinabi ng Diyos. Dapat pa ring sundin ang hinihingi ng Diyos na ‘igalang ang mga magulang.’ Nangangahulugan ito na habang nakatira ka sa iyong mga magulang, dapat mo pa ring itaguyod ang hinihinging ito na igalang ang iyong mga magulang. Walang kontradiksyon sa usaping ito, hindi ba? (Wala nga.) Wala talagang kontradiksyon dito. Sa madaling salita, kapag nagawa mong makauwi para bumisita, maaari mo silang ipagluto ng pagkain o gawan sila ng ilang dumplings, at kung posible, maaari mo silang bilhan ng ilang produktong pangkalusugan, at lubos silang malulugod sa iyo. … Dapat na mayroong mga prinsipyo sa kung paano mo tinatrato ang lahat ng tao, kabilang na ang iyong mga magulang; nananalig man sila sa Diyos o hindi, at masasamang tao man sila o hindi, dapat mo silang tratuhin nang may mga prinsipyo. Sinabi ng Diyos sa tao ang prinsipyong ito: Tungkol ito sa pagtrato sa iba nang patas—sadya lamang na may karagdagang antas ng responsabilidad ang mga tao sa kanilang mga magulang. Ang kailangan mo lang gawin ay tuparin ang responsabilidad na ito. Mananampalataya man o hindi ang iyong mga magulang, hinahangad man nila o hindi ang kanilang pananalig, umaayon man o hindi ang kanilang pananaw sa buhay at pagkatao sa iyong pananaw sa buhay at pagkatao, kailangan mo lang tuparin ang iyong responsabilidad sa kanila. Hindi mo sila kailangang iwasan—hayaan mo lang na natural na mangyari ang lahat, nang ayon sa mga pangangasiwa at pagsasaayos ng Diyos. Kung hinahadlangan nila ang iyong pananalig sa Diyos, dapat mo pa ring tuparin ang iyong mga responsabilidad bilang anak sa abot ng makakaya mo, upang kahit papaano ay hindi makaramdam ang iyong konsensiya na may pagkakautang ka sa kanila. Kung hindi ka nila hinahadlangan, at sinusuportahan nila ang iyong pananalig sa Diyos, kung gayon ay dapat ka ring magsagawa nang ayon sa mga prinsipyo, tinatrato sila nang maayos kapag naaangkop na gawin ito(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 4). Niliwanagan ng mga salita ng Diyos ang puso ko at ipinaunawa sa akin ang mga prinsipyo para tratuhin ang mga kapamilya. Sa diwa ay isang masamang tao ang nanay ko, at nasa magkaiba kaming mga landas. Hindi ako dapat kumilos sa pamamagitan ng pagtitiwala sa mga damdamin, kundi, sa mga prinsipyo. Gayumpaman, pinalaki niya ako, ibinahagi sa akin ang ebanghelyo, at hanggang sa araw na ito, sinusuportahan niya ako sa aking pananalig, at basta’t hindi ito nakakagambala sa mga tungkulin ko, puwede ko pa rin siyang alagaan at tuparin ang mga responsabilidad ko bilang anak niya.

Ibinunyag ng usapin ng pagpapaalis sa nanay ko kung gaano ako kabulag at sobrang kasentimental. Ang mga salita ng Diyos ang gumabay sa akin na makilatis ang diwa ng nanay ko bilang isang masamang tao at nagbigay-daan sa akin na malaman kung anong paninindigan ang dapat kong sundin. Ganap nitong nilinaw sa akin ang mga panganib at kahihinatnan ng pagiging masyadong sentimental, pinipigilan akong gumawa ng anumang panggagambala. Pinasasalamatan ko ang Makapangyarihang Diyos mula kaibuturan ng puso ko!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Muling Pagsilang

Lubos na bunga ito ng paghatol at pagkastigo ng Diyos kung saan nagawa kong magkaroon ngayon ng pag-unawa at pagbabago. Bagaman ang pagsasailalim sa paghatol at pagkastigo ng Diyos ay nangailangan sa aking sumailalim sa sakit ng kapinuhan, nakakuha ako ng pag-unawa sa praktikal na gawain ng Diyos, sa Kanyang mabait na diwa, at sa Kanyang disposisyon ng katuwiran at kabanalan.

Ang Karanasan sa Pagsasagawa ng Katotohanan

Yaong mga nagkukusang isagawa ang katotohanan ay makakakaya ng halaga at makakayang tanggapin ang mga paghihirap na kaakibat. Maliwanag, ang kanlang puso ay puno ng kaligayahan at kasiyahan. Yaong mga nagsasagawa ng katotohanan ay hindi kailanman dadaan lamang sa mga galaw dahil hindi nila ginagawa ito bilang palabas lamang.