Ang Natamo Ko Mula sa Pagwawasto
Isang araw sa pagtatapos ng 2020, isang nakatataas na lider ang nakatuklas ng isang iglesia na pinangangasiwaan ko kung saan dose-dosenang baguhan ang hindi regular na dumadalo sa mga pagtitipon. Iwinasto niya ako, sinasabing, “Katatanggap lang ng mga baguhang ito sa tunay na daan at nahaharap sila sa maraming panggugulo at panunukso. Kung walang magdidilig o susuporta sa kanila at hindi sila makadadalo sa mga pagtitipon, palagi silang manganganib na mabihag ni Satanas. Bilang lider ng iglesia, dapat mong gawin ang makakaya mo upang diligan sila, para magkapundasyon sila sa tunay na daan. Ito ang pinakamahalagang gawain. Napakaraming baguhan na hindi regular na dumadalo sa mga pagtitipon sa iglesiang pinangangasiwaan mo. Nagpapatunay ito na bilang lider, hindi mo nagawa nang maayos ang gawain ng pagdidilig, hindi mo nagawang mabuti ang tungkulin mo, iresponsable ka, iniraraos mo lang ang tungkulin mo, nililinlang ang Diyos, at isa kang taong nilalabanan ang Diyos habang pinagsisilbihan Siya.” Mahirap tanggapin ang matabasan at maiwasto nang ganito. Hindi ako ang direktang nagdidilig sa mga baguhang ito, at malinaw akong nakapagbahagi sa mga prinsipyo ng pagdidilig sa mga tagapagdilig ng iglesiang ito. Ngayon ay hindi nila nagawa nang maayos ang gawain ng pagdidilig, na naging sanhi ng hindi regular na pagtitipon ng maraming baguhan. Bakit naging responsibilidad ko ito? Ang kawalan ng responsibilidad sa gawain ng pagdidilig ang naging dahilan ng pag-urong ng mga baguhan, na isang pagkagambala at kaguluhan. Kung mananagot ako rito, hindi ba’t iyon ay isang paglabag at bahid sa pananalig ko sa Diyos? Kaya tahasan kong ikinaila ang problemang ibinato sa akin ng lider, nagpatuloy akong makipagtalo at pinangatwiranan ko ang sarili ko, at binigyang-diin ko na hindi ako ang direktang nagdidilig sa mga baguhan para maiwasang managot. Nang makitang hindi ko man lang pinagninilayan ang sarili ko, sumabad sa akin ang lider, at iwinasto ako sa hindi pagtanggap sa katotohanan. Nagulat ako nang marinig na sabihin ito ng lider, at naisip ko, “Hindi ba’t ang mga hindi tumatanggap sa katotohanan ay mga walang pananampalataya? Palaging nakikipagtatalo ang mga walang pananampalataya kapag may nangyayari, at hinding-hindi nila tinatanggap ang katotohanan.” Natakot ako sa pangangatwiran at pagdadahilan ko, kaya hindi na ako naglakas-loob na magsalita pa. Nanalangin ako sa Diyos, hinihiling sa Kanya na gabayan ako, bantayan ang puso ko, at tulutan akong sumunod.
Sa mga sumunod na araw, paulit-ulit kong inisip ang bagay na ito. Iwinasto na ako sa pagiging iresponsable sa aking tungkulin at hindi paggawa nang maayos sa gawain ng pagdidilig. Bakit ba hindi ko ito matanggap? Sa pagninilay-nilay, natanto ko na naisip ko na hangga’t hindi ako ang direktang nagdidilig sa mga baguhan, kung hindi sila regular na magtipon, responsibilidad ito ng tagapagdilig, hindi sa akin. Pero isinaayos ng iglesia na maging responsable ako para sa gawain ng ilang iglesia, at sa tuwing may mga problema at paghihirap sa gawain ng iglesia, kailangan kong subaybayan at lutasin kaagad ang mga ito. Pero hindi ko napangasiwaan o nasubaybayan ang gawain ng mga tagapagdilig sa aking tungkulin, at dahil dito, dose-dosenang baguhan ang hindi regular na dumadalo sa mga pagtitipon. Hindi ba’t ito ang kinahinatnan ng pagiging iresponsable at pagpapabaya ko sa aking tungkulin? Naalala ko na nung kaunting panahong nakalipas, nabalitaan ko na ang mga tagapagdilig sa iglesiang ito ay madaling mahirapan. Sa harap ng aktwal na mga paghihirap ng mga baguhan, kapag hindi nagkakaresulta ang ilang sesyon ng pagbabahaginan, sinasabi nilang napakahirap nito at ayaw nilang magsikap na diligan ang mga baguhan. Pero hindi ako nakipagbahaginan sa kanila para malutas ang mga problemang ito sa oras, at dahil dito, patuloy na bumaba ang bilang ng mga baguhan na dumadalo sa mga pagtitipon. Iwinasto na ako ng lider dahil sa pagiging iresponsable ko sa tungkulin ko, at tama siya. Bakit ba wala akong kahit katiting na pagtanggap o pagsunod, at bakit pa ako nakipagtalo at pinangatwiranan ang sarili ko? Hindi ba’t ito ay di-makatwiran? Nang maisip ito, medyo nalungkot ako. Pakiramdam ko’y nakagawa ako ng isang malaking pagkakamali, pero ayoko pa ring managot. Sinusubukan kong magdahilan na parang isang hangal, pinangangatwiranan ang sarili ko, at iniiwasan ang responsibilidad. Habang iniisip ang masama kong kalagayan ng lantarang pakikipagtalo at pagbibigay-katwiran sa sarili, napahiya ako, namula ang mukha ko sa kahihiyan, at gusto ko na lang magtago sa hukay. Nanalangin ako sa Diyos, “Diyos ko, naging iresponsable ako sa aking tungkulin at hinadlangan ko ang pagdidilig ng dose-dosenang baguhan. Nakagawa ako ng malubhang paglabag, gayunpaman noong tinabasan at iwinasto ako, wala ako kahit na katiting na pagtanggap at pagsunod. Diyos ko, gabayan Mo po ako sa pagkilala sa sarili ko.”
Kalaunan, matapos basahin ang isang sipi ng salita ng Diyos, sa wakas ay nagkaroon ako ng kaunting pagkaunawa sa ugat ng pagtanggi kong matabasan at maiwasto. Sinasabi ng mga salita ng Diyos, “Ang karaniwang pag-uugali ng mga anticristo sa pagwawasto at pagtatabas ay masidhing tanggihang tanggapin o aminin iyon. Gaano man karaming kasamaan ang ginagawa nila o gaano mang pinsala ang ginagawa nila sa gawain ng sambahayan ng Diyos at sa pagpasok sa buhay ng hinirang na mga tao ng Diyos, hindi sila nakakaramdam ni katiting na pagsisisi o na may pagkakautang silang ano man. Mula sa pananaw na ito, mayroon bang pagkatao ang mga anticristo? Talagang wala. Nagdudulot sila ng samu’t saring pinsala sa hinirang na mga tao ng Diyos at nagdadala ng pinsala sa gawain ng iglesia—kitang-kita itong maliwanag pa sa sikat ng araw ng hinirang na mga tao ng Diyos, at nakikita nila ang sunod-sunod na masasamang gawa ng mga anticristo. At gayunpaman hindi tinatanggap o kinikilala ng mga anticristo ang katunayang ito; nagmamatigas silang tumatangging aminin na mali sila o na sila ang may pananagutan. Hindi ba ito indikasyon na sawang-sawa na sila sa katotohanan? Ganoon na lamang katindi ang pagkayamot ng mga anticristo sa katotohanan. Gaano man karaming kasamaan ang gawin nila, tumatanggi silang aminin ito, at nananatili silang hindi nagpapasakop hanggang sa huli. Pinatutunayan nito na hindi kailanman sineseryoso ng mga anticristo ang gawain ng sambahayan ng Diyos o tinatanggap ang katotohanan. Hindi nila nagawang maniwala sa Diyos; mga kampon sila ni Satanas, na naparito para gambalain at guluhin ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Reputasyon at katayuan lamang ang laman ng puso ng mga anticristo. Naniniwala sila na kung aaminin nila ang kanilang pagkakamali, kakailanganin nilang managot, at kung magkagayon, lubhang makokompromiso ang kanilang katayuan at reputasyon. Bilang resulta, lumalaban sila nang may saloobin ng ‘magkaila hanggang mamatay.’ Anumang mga paghahayag o pagsusuri ang ginagawa ng mga tao, ginagawa nila ang makakaya nila upang itanggi ang mga ito. Kung sinasadya man o hindi ang kanilang pagtanggi, sa madaling salita, sa isang banda, inilalantad nito ang kalikasan at diwa ng mga anticristo na nayayamot at namumuhi sa katotohanan. Sa isa pang banda, ipinapakita nito kung gaano pinahahalagahan ng mga anticristo ang kanilang sariling katayuan, reputasyon, at mga interes. Samantala, ano ang kanilang saloobin ukol sa gawain at mga interes ng iglesia? Pagkutya at pagtanggi sa responsibilidad. Walang-wala silang konsensya at katwiran. Ipinapakita ba ng pag-iwas ng mga anticristo sa responsibilidad ang mga problemang ito? Sa isang banda, ang pag-iwas sa responsibilidad ay pinatutunayan ang kanilang diwa at kalikasan na nayayamot at napopoot sa katotohanan, habang sa isa pang banda, ipinapakita nito ang kawalan nila ng konsiyensiya, katwiran, at pagkatao. Gaano man napipinsala ng kanilang pangingialam at masasamang gawain ang pagpasok sa buhay ng mga kapatid, hindi sila nakadarama ng paninisi sa sarili at hindi kailanman naliligalig nito. Anong uri ng nilalang ito? Kahit ang pag-amin sa bahagi ng kanilang pagkakamali ay maituturing bilang pagkakaroon nila ng kaunting konsensya at katinuan, ngunit wala ni katiting na ganoong pagkatao ang mga anticristo. Kaya ano sila sa palagay ninyo? Ang diwa ng mga anticristo ay ang diyablo. Gaano mang pinsala ang kanilang ginagawa sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, hindi nila ito nakikita. Hindi sila nababahala nito ni bahagya sa kanilang mga puso, ni hindi nila sinisisi ang kanilang mga sarili, at lalong hindi nakakaramdam ng pagkakautang. Hinding-hindi ito ang dapat na makita sa mga normal na tao. Ito ang diyablo, at ang diyablo ay walang anumang konsiyensiya o katinuan. Gaano man karami ang masasamang bagay na nagawa ng mga anticristo, na nagdulot ng malalaking kawalan sa gawain ng iglesia, determinado pa rin silang hindi aminin ang mga iyon. Naniniwala sila na kung aaminin nila ang kanilang mga pagkakamali, sila ay kokondenahin, hahatulan ng kamatayan, maoobligang mapunta sa impiyerno, sa lawa ng apoy at asupre. Sa palagay ba ninyo ay kayang tanggapin ng gayong mga tao ang katotohanan? Makakaasa ba ang isang tao ng tunay na pagsisisi mula sa kanila?” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikatlong Bahagi)). Inihahayag ng salita ng Diyos na ang mga anticristo ay hindi kailanman tumatanggap sa katotohanan, likas silang nayayamot sa katotohanan, at gaano man kalaki ang kanilang mga pagkakamali o gaano man kalaki ang pinsalang idinudulot nila sa gawain ng iglesia, hinding-hindi sila umaamin sa kanilang mga pagkakamali kapag tinatabasan at iwinawasto sila, at patuloy nilang sinisikap na makipagtalo at pangatwiranan ang kanilang sarili. Ang mga anticristo ay makasarili at kasuklam-suklam din, at pinahahalagahan lamang nila ang sarili nilang mga interes at katayuan. Kaya, gaano man kalaki ang pinsalang idinudulot ng mga anticristo sa gawain ng iglesia, hindi sila nakokonsensya kahit kaunti o gustong umako ng anumang responsibilidad. Habang pinagninilayan ang saloobin ko na matabasan at maiwasto, nakita ko na katulad ng sa isang anticristo ang pag-uugali ko. Isa akong lider ng iglesia at responsable ako para sa anumang mga problema sa gawain ng iglesia. Alam kong may problema sa mga tagapagdilig ng iglesia, pero hindi ko sinubaybayan o nilutas ang isyu. Bilang resulta, hindi nasiguro ng mga tagapagdilig ang mga baguhan, pero hindi ko inamin ang pagkakamali ko, at patuloy akong nagdahilan para sa sarili ko. Ipinasa ko ang lahat ng responsibilidad sa mga kapatid ko dahil natatakot akong umako ng anuman. Hindi ko tinanggap ang matabasan o maiwasto, at iginiit ko sa harap ng lider ko na hindi ako ang direktang nagdidilig ng mga baguhang ito para maghugas-kamay sa ginawa kong paglabag. Napakaraming baguhan ang hindi regular na dumadalo sa mga pagtitipon, pero wala akong naramdamang panghihinayang o pagkakautang, at hindi ko kinamuhian ang sarili ko sa pagpapabaya sa aking mga tungkulin at pamiminsala sa gawain ng pagdidilig ng iglesia. Nahaharap sa mga katunayang ito, ang magawa ko pa ring pangatwiranan ang sarili ko ay nagpapakita na hindi ko tinanggap ang katotohanan kahit kaunti. Kung iisipin ito ngayon, ga’no man ako mangatwiran, hindi ko maitatanggi ang katunayang hindi ako naging responsable sa aking tungkulin. Sa halip, inilantad ng mga pangangatwiran at argumento ko ang aking satanikong kalikasan ng pagkayamot sa katotohanan at hindi pagtanggap nito. Sa pagsisikap kong maprotektahan ang sarili kong mga interes, ibinunyag ko ang pangit na katunayan na umiiwas ako sa responsibilidad at na ako ay makasarili at kasuklam-suklam.
Paulit-ulit kong binasa ang salita ng Diyos, at habang mas lalo kong inihahambing kung paano tinatrato ng mga anticristo ang maiwasto kumpara sa sarili kong pag-uugali, mas lalo kong nararamdamang inilalantad ako ng salita ng Diyos. Naging iresponsable ako sa aking tungkulin, na nagdulot ng malaking pinsala sa gawain ng pagdidilig, at paglabag ang paggawa nito, pero nang tabasan at iwasto ako, hindi ko ito tinanggap, at nayayamot ako sa katotohanan. Hindi ako isang taong naghahangad sa katotohanan. Nang maisip ito, pakiramdam ko’y tiyak na nasusuklam ang Diyos sa pag-uugali ko. Higit pa roon, sa aking pangangatwiran, tiyak na malinaw na nakita ng lider kung sino ako, at nalamang hindi ako mapagkakatiwalaan at hindi karapat-dapat sa paglilinang. Nagsimula akong mapaisip, “Binabantayan ba ako ng lider? Sa pagkakataong ito, hindi ko nagawa nang maayos ang gawain ng pagdidilig, at lumabag ako. Kung isang araw ay magdudulot ako ng panibagong abala o kaguluhan at matatabasan at maiwawasto akong muli, mabubunyag at mapapalayas ba ako? Kung gayon, wala akong pag-asang maligtas ng pananalig ko sa Diyos.” Tapos ay naisip ko kung paano ko tinalikdan ang aking pamilya at karera para gawin ang aking tungkulin, at napagtanto ko na sa huli ay baka mapalayas ako. Habang mas iniisip ko ‘to, mas lalo akong nagiging negatibo. Naramdaman ko pa nga na dahil naging iresponsable ako at napabayaan ko ang aking tungkulin, at hindi ko tinanggap ang katotohanan at nayayamot ako rito, ay hindi ako angkop na maging lider, kaya dapat magkaroon ako ng kaunting kamalayan sa sarili, magbitiw kaagad, at maghanap ng isang simpleng tungkulin na maaari kong gampanan nang matapat. Sa ganung paraan, maghahayag ako ng mas kaunting problema at hindi gaanong matatabasan at maiwawasto, at magkakaroon pa rin ako ng pag-asa na mabuhay ‘pag natapos na ang gawain ng Diyos. Nung panahong ‘yon, hindi ko man lang hinanap ang kalooban ng Diyos, ni hinangad na lutasin ang aking mga problema ng pagraraos lang ng tungkulin at pagiging iresponsable sa aking tungkulin. Namuhay ako sa isang kalagayan ng pagdedepensa sa sarili at maling pagkaunawa, inisip ko lang kung paano magbitiw, at wala man lang sa isip ko ang aking tungkulin. Napakamiserable ko. Pagkatapos, sinabi ko sa kapareha kong sister ang tungkol sa kalagayan ko, at binasahan niya ako ng ilang salita ng Diyos, na nagbigay sa akin ng kaunting pagkaunawa sa kalooban ng Diyos.
Sabi ng mga salita ng Diyos, “Nahaharap sa kalagayan ng tao at saloobin ng tao sa Diyos, gumawa ang Diyos ng bagong gawain, na nagpahintulot sa tao na makamit kapwa ang kaalaman ukol sa Kanya at pagkamasunurin sa Kanya, at kapwa pag-ibig at patotoo. Kaya, kailangang maranasan ng tao ang pagpipino ng Diyos sa kanya, gayundin ang Kanyang paghatol, pagwawasto, at pagtatabas sa kanya, kung wala ng mga ito ay hindi kailanman makikilala ng tao ang Diyos, at hindi kailanman makakaya na tunay na umibig at magpatotoo sa Kanya. Ang pagpipino ng Diyos sa tao ay hindi lamang para sa magiging epekto sa isang aspeto, ngunit para sa epekto sa iba’t ibang aspeto. Sa ganitong paraan lamang ginagawa ng Diyos ang gawain ng pagpipino sa kanila na nakahandang hanapin ang katotohanan, upang ang determinasyon at pag-ibig nila ay magawang perpekto ng Diyos. Sa kanila na nakahandang hanapin ang katotohanan at nananabik sa Diyos, walang anuman ang mas makahulugan, o lubhang makatutulong, kaysa sa pagpipino na kagaya nito. Ang disposisyon ng Diyos ay hindi kaagad nakikilala o nauunawaan ng tao, sapagkat ang Diyos, sa bandang huli, ay Diyos. Sa huli, imposible para sa Diyos na magkaroon ng kaparehong disposisyon kagaya ng sa tao, at kaya hindi madali para sa tao na malaman ang Kanyang disposisyon. Ang katotohanan ay hindi likas na taglay ng tao, at hindi madaling maunawaan ng mga ginawang tiwali ni Satanas; ang tao ay walang katotohanan, at walang determinasyon na isagawa ang katotohanan, at kung hindi siya nagdurusa at hindi pinipino o hinahatulan, ang kanyang determinasyon ay hindi magagawang perpekto kailanman. Para sa lahat ng tao, ang pagpipino ay napakasakit, at napakahirap tanggapin—ngunit sa panahon ng pagpipino ginagawang payak ng Diyos ang Kanyang matuwid na disposisyon sa tao, at isinasapubliko ang Kanyang mga hinihingi para sa tao, at nagbibigay ng mas maraming kaliwanagan, at mas maraming pagtatabas at pagwawasto; sa pamamagitan ng paghahambing sa mga bagay na napatunayan at sa katotohanan, binibigyan Niya ang tao ng higit na kaalaman sa sarili niya at sa katotohanan, at binibigyan ang tao ng higit na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, na nagpapahintulot sa tao na magkaroon ng mas tunay at mas dalisay na pag-ibig sa Diyos. Iyon ang mga layunin ng Diyos sa pagsasakatuparan ng pagpipino. Lahat ng gawain na ginagawa ng Diyos sa tao ay may sariling mga layunin at kabuluhan; ang Diyos ay hindi gumagawa ng walang kabuluhang gawain, ni hindi Siya gumagawa ng gawain na walang pakinabang sa tao. Ang pagpipino ay hindi nangangahulugan ng pag-aalis sa mga tao mula sa harap ng Diyos, at hindi rin nangangahulugan ng pagwasak sa kanila sa impiyerno. Sa halip, nangangahulugan ito ng pagbabago sa disposisyon ng tao sa panahon ng pagpipino, pagbabago sa kanyang mga intensyon, sa kanyang dating mga pananaw, pagbabago sa kanyang pag-ibig sa Diyos, at pagbabago sa kanyang buong buhay. Ang pagpipino ay isang totoong pagsubok sa tao, at isang anyo ng totoong pagsasanay, at sa panahon lamang ng pagpipino magagampanan ng kanyang pag-ibig ang likas nitong tungkulin” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Pagpipino Maaaring Magtaglay ang Tao ng Tunay na Pag-ibig). Pagkatapos kong pagnilayan ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na kapag nagsasaayos ang Diyos ng mga sitwasyon para maranasan ng mga tao ang pagdurusa at pagpipino, ang paghatol at pagkastigo, ang matabasan o maiwasto, lahat ito’y nakatutok sa katiwalian at mga pagkukulang ng mga tao, at ito ang mga bagay na dapat maranasan at harapin ng mga tao sa proseso ng pagpasok sa buhay. Bagamat kailangan nating magdusa nang kaunti sa pagdanas ng prosesong ito, labis itong nakatutulong sa atin na malaman ang gawain ng Diyos at ang sarili nating tiwaling disposisyon. Sa pagbabalik-tanaw sa huling taon ko bilang lider, hindi naman ako nakaranas ng mga problema, at hindi ako lubhang natabasan o naiwasto. Minsan may mga bagay na hindi ginawa ayon sa mga prinsipyo, pero nagbahagi ang lider ng naaangkop sa tayog ko, tinulungan akong itama ang mga paglihis ko sa aking tungkulin, at itinuro sa akin ang landas ng pagsasagawa. Kapag nakikita ng mga kapatid ang mga problema sa aking tungkulin, madalas silang nagbibigay ng mapagmahal na tulong at bihira akong inilalantad o iwinawasto. Kaya kapag nahaharap sa tiwali kong disposisyon at mga problemang lumilitaw sa aking tungkulin, palagi kong iniisip na hindi gaanong malaki ang mga problemang ito, na maiiwasan ko namang gawin itong muli, at kaya hindi ako kailanman nagnilay para maunawaan ang ugat ng kabiguan ko. Pagkatapos matabasan at maiwasto sa pagkakataong ito, saka ko lang nakita ang tunay kong tayog. Naging pabaya ako sa tungkulin ko, at dahil dito, maraming baguhan ang hindi nadiligan o natustusan sa oras, pero para protektahan ang sarili kong mga interes, iniwasan ko ang responsibilidad at naghugas-kamay ako sa kasalanan. Nag-alala pa nga ako na mawawala ang kinabukasan at kapalaran ko, at naging negatibo ako, nagkimkim ng mga maling pagkaunawa, at ginustong bumitaw na lang sa aking tungkulin. Kapag mahinahong tinatalakay ng mga tao ang mga problema ko noon, kaya kong tanggapin ito, pero nang tabasan at iwasto ako ngayon, at sinabihan ng mga kahihinatnan ng pagraraos ko lang sa tungkulin, hindi ko talaga ito matanggap. Kapag iwinawasto ako dahil sa maliliit na bagay, kaya kong tanggapin ito. Pero nang iwasto ako dahil sa malalaking bagay kung saan ang diwa at mga kahihinatnan ay mas seryoso, at kung saan kailangan kong managot, hindi ko ito matanggap. Nakita ko na may pinipili ako sa pagtanggap ko na matabasan at maiwasto, na talagang hindi pagpapamalas ng pagsunod sa Diyos. Kung hindi ako tinabasan at iwinasto ng aking lider, hindi ko malalaman ang sarili kong katangian, ituturing ko pa rin ang sarili ko na isang taong naghahangad sa katotohanan, mabubulag ako ng sarili kong pagpapanggap. Hindi uusad ang pagpasok ko sa buhay, hindi ako matututo ng mga aral sa sitwasyong isinaayos ng Diyos, hindi ko mauunawaan ang sarili ko sa salita ng Diyos, o malulutas ang sarili kong katiwalian. Habang iniisip ito, lubos akong nagpapasalamat sa Diyos, at handa akong hanapin ang kalooban ng Diyos at matuto ng mga aral mula sa sitwasyong ito.
Sa aking mga debosyonal, naghanap ako ng mga nauugnay na bahagi ng salita ng Diyos para kainin at inumin. Nabasa ko ang isang sipi ng salita ng Diyos na nagbigay sa akin ng kaunting pagkaunawa sa pagnanais ko na magbitiw matapos matabasan at maiwasto. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Kapag ang mga anticristo ay pinupungusan at iwinawasto, lagi nila itong iniuugnay sa mga pag-asam nilang magtamo ng mga pagpapala. Ang saloobin at pananaw na ito ay mali, at mapanganib. Kapag may tumutukoy sa mga kapintasan o problema ng isang anticristo, pakiramdam nila ay nawalan na sila ng pag-asang magtamo ng mga pagpapala; at kapag sila ay pinupungusan at iwinawasto, o dinidisiplina, o pinagagalitan, pakiramdam din nila ay nawalan na sila ng pag-asang makapagtamo ng mga pagpapala. Sa sandaling hindi umayon ang isang bagay sa gusto nila o sa kanilang mga haka-haka, sa sandaling mailantad sila at maiwasto, na sa pakiramdam nila ay nasaktan ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, iniisip nila kaagad kung wala na ba silang pag-asang makapagtamo ng mga pagpapala. Hindi ba’t napakasensitibo nila? Hindi ba’t sobra-sobra ang pagnanasa nilang magtamo ng mga pagpapala? Sabihin mo sa Akin, hindi ba nakakaawa ang gayong mga tao? (Oo nga.) Talagang nakakaawa sila! At sa anong paraan sila nakakaawa? May kaugnayan ba ang pagtatamo ng mga pagpapala ng isang tao sa pagwawasto at pagpupungos sa kanya? (Wala.) Walang kaugnayan ang mga iyon sa isa’t isa. Kung gayon, bakit kaya pakiramdam ng mga anticristo ay nawalan na sila ng pag-asang magtamo ng mga pagpapala kapag iwinawasto at pinupungusan sila? Hindi ba’t may kinalaman ito sa kanilang hinahangad? Ano ang kanilang hinahangad? (Magtamo ng mga pagpapala.) Hindi nila binibitiwan ang kanilang pagnanasa at layuning magtamo ng mga pagpapala. Layon na nilang magtamo ng pagpapala sa simula pa lamang ng kanilang pananalig sa Diyos, at bagama’t maraming sermon na ang napakinggan nila, kailanman ay hindi nila tinanggap ang katotohanan. Sa buong panahong iyon, hindi nila isinuko ang kanilang pagnanasa at layuning magtamo ng mga pagpapala. Hindi pa nila naituwid o nabago ang kanilang mga pananaw tungkol sa pananalig sa Diyos, at ang kanilang layunin sa pagganap sa kanilang tungkulin ay hindi pa nagagawang dalisay. Lagi nilang ginagawa ang lahat ng bagay habang mahigpit silang nakakapit sa kanilang pag-asa at layuning magtamo ng mga pagpapala, at sa huli, kapag malapit nang mawasak ang mga plano nilang magtamo ng mga pagpapala, sumisiklab ang galit nila, at buong pait na nagpoprotesta, na sa wakas ay inilalantad ang nakahihiyang mga katunayan ng kanilang pagdududa sa Diyos at ang kanilang pagtanggi sa katotohanan. Hindi ba’t tinatahak nila ang landas tungo sa pagkawasak? Gayon ang di-maiiwasang kahihinatnan ng hindi man lang pagtanggap ng mga anticristo sa katotohanan, ni ng pagtanggap sa pagwawasto at pagpupungos. Sa karanasan nila sa gawain ng Diyos, nalalaman ng lahat ng taong hinirang ng Diyos na ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, ang Kanyang pagwawasto at pagpupungos ay Kanyang pagmamahal at mga pagpapala—subalit naniniwala ang mga anticristo na sinasabi lamang ito ng mga tao, at hindi sila naniniwala na ito ang katotohanan. Kaya, hindi nila itinuturing na mga aral na dapat matutuhan ang pagwawasto at pagpupungos, ni hindi nila hinahanap ang katotohanan o pinagninilayan ang kanilang sarili. Bagkus, naniniwala sila na ang pagwawasto at pagpupungos ay nagmumula sa kagustuhan ng tao, na ang mga iyon ay sadyang panliligalig at pagpaparusa, batbat ng mga personal na layon, at tiyak na hindi nagmumula sa Diyos. Pinipili nilang labanan at balewalain ang mga bagay na ito, at sinisiyasat pa kung bakit sila tinatrato nang gayon ng isang tao. Hindi talaga sila nagpapasakop. Iniuugnay nila ang lahat ng ginagawa nila sa pagganap ng kanilang tungkulin sa pagtatamo ng mga pagpapala at gantimpala, at itinuturing nilang pinakamahalagang hangarin sa buhay ang pagtatamo ng mga pagpapala, gayundin ang huli at pinakamataas na layunin ng pananalig sa Diyos. Nagsusumikap sila para sa kanilang layuning magtamo ng mga pagpapala, paano man nagbabahagi ang pamilya ng Diyos tungkol sa katotohanan, at hindi ito binibitiwan, iniisip na ang pananalig sa Diyos na hindi alang-alang sa pagtatamo ng mga pagpapala ay kahangalan at kalokohan, na isang malaking kawalan iyon. Iniisip nila na sinumang isinusuko ang hangarin nilang magtamo ng mga pagpapala ay nalinlang, na isang hangal lamang ang isusuko ang pag-asang makapagtamo ng mga pagpapala, at na ang pagtanggap sa pagwawasto at pagpupungos ay pagpapakita ng kahangalan at kawalan ng kakayahan, isang bagay na hindi gagawin ng isang matalinong tao. Ito ang lohika ng isipan ng isang anticristo. Kaya, kapag ang isang anticristo ay pinupungusan at iwinawasto, sa puso niya ay napakamapanlaban niya, at sanay sa panlilinlang at pagkukunwari; hindi man lang niya tinatanggap ang katotohanan, ni hindi siya nagpapasakop. Sa halip, nag-uumapaw ang kanilang pagsuway at pagrerebelde. Malamang na humantong ito sa paglaban sa Diyos, paghusga sa Diyos, at pagrebelde sa Diyos, at sa huli, sa pagkalantad at pagpapaalis” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalabindalawang Aytem). Inihayag ng salita ng Diyos ang maling pagkaunawa ng mga anticristo sa pagdanas ng pagtatabas at pagwawasto. Iniuugnay nila ang pagtatabas at pagwawasto sa kanilang mga pagpapala, kinabukasan, at kapalaran. Iniisip nila na kapag may tumutukoy sa kanilang mga kamalian at kakulangan, at seryosong naglalantad, nagtatabas, at nagwawasto sa kanila, ay nasisira ang kanilang pag-asa na magkamit ng mga pagpapala. Kapag umaasal nang ganito ang mga anticristo, inilalantad nito na ang layunin nila sa pananalig sa Diyos ay para magkamit ng mga pagpapala. Ang mga anticristo ay may espesyal na malasakit para sa kanilang kinabukasan, kapalaran, at huling hantungan, kaya lalo silang nayayamot at lumalaban sa pagtatabas at pagwawasto, at kapag tinatabasan at iwinawasto, nakikipagtalo sila at pinangangatwiranan nila ang kanilang sarili at tumatangging aminin ang kanilang mga problema. Naisip kong muli kung pa’no ako umasal nung tinabasan at iwinasto ako. Paulit-ulit kong sinubukang ipagtanggol ang sarili ko, at tumanggi akong aminin na nagkamali ako dahil sa pagiging iresponsable sa aking tungkulin. Pakiramdam ko, kapag umamin ako, kakailanganin kong pasanin ang mga kahihinatnan, kaya kumapit ako sa baluktot kong pangangatwiran at hindi tinanggap ang matabasan at maiwasto. Hindi ko hinanap ang katotohanan sa bagay na iyon at ‘di naunawaan na naging iresponsable ako sa aking tungkulin, at na napinsala ko ang gawain ng pagdidilig. Higit pa roon, naging depensibo ako at nagkaroon ng maling pagkaunawa matapos matabasan at maiwasto, iniisip na nakagawa na ako ng paglabag, at na kung gagawa ako ng isa pang pagkakamali at matatabasan at maiwawasto akong muli, malamang na mapapalayas ako. Kaya sinukuan ko na lang ang sarili ko at ayoko nang maging lider. Sa pamamagitan ng inihayag sa salita ng Diyos, pinagnilayan ko ang ipinamalas ko, at nakita ko na ang layunin ko sa pananalig sa Diyos noon pa man ay para magkamit ng mga pagpapala. Muli akong sumangguni sa salita ng Diyos: “Kapag malapit nang mawasak ang mga plano nilang magtamo ng mga pagpapala, sumisiklab ang galit nila, at buong pait na nagpoprotesta, na sa wakas ay inilalantad ang nakahihiyang mga katunayan ng kanilang pagdududa sa Diyos at ang kanilang pagtanggi sa katotohanan. Hindi ba’t tinatahak nila ang landas tungo sa pagkawasak? Gayon ang di-maiiwasang kahihinatnan ng hindi man lang pagtanggap ng mga anticristo sa katotohanan, ni ng pagtanggap sa pagwawasto at pagpupungos.” Namumuhay ako sa negatibong kalagayan at gustong magbitiw. Isa itong pagpapamalas ng pakikipaglaban sa Diyos, pagtanggi na tanggapin ang matabasan o maiwasto, at pag-iwas dito. Malinaw kong alam na kailangan kong matabasan at maiwasto para lumago sa buhay, at na isinaayos ng Diyos na maranasan ko ang mga sitwasyon batay sa aking mga pangangailangan at kakulangan, ngunit itinuring ko ang pananalig sa Diyos para sa mga pagpapala bilang ang pinakamalaki at pinakatunay kong mithiin, kaya isinantabi ko ang paghahangad sa katotohanan at paglutas sa aking tiwaling disposisyon. Upang mapangalagaan ang kinabukasan at kapalaran ko at upang matugunan ang ambisyon at pagnanais ko para sa mga pagpapala, gusto kong iwasang matabasan at maiwasto, at gusto ko pa ngang huminto na sa pagiging lider. Lubos na mapanlinlang at masama ang aking kalikasan.
Nabasa ko ito sa salita ng Diyos. “Yamang ang mapagpala ay hindi isang lehitimong mithiing dapat hangarin ng mga tao, ano ang isang lehitimong mithiin? Ang paghahangad ng katotohanan, ang paghahangad ng mga pagbabago sa disposisyon, at ang magawang sundin ang lahat ng pangangasiwa at pagsasaayos ng Diyos: ito ang mga mithiing dapat hangarin ng mga tao. Sabihin natin, halimbawa, na ang mapungusan at maiwasto ay nagdudulot sa iyo na magkaroon ng mga haka-haka at maling akala, at hindi mo na magawang sumunod. Bakit hindi mo magawang sumunod? Dahil pakiramdam mo ay nakuwestiyon ang iyong hantungan o ang iyong pangarap na mapagpala. Nagiging negatibo ka at sumasama ang loob mo, at sinisikap mong iwasang gawin ang iyong tungkulin. Ano ang dahilan nito? May problema sa iyong hangarin. Kaya paano ito dapat lutasin? Kinakailangan na agad mong talikuran ang mga maling ideyang ito, at na agad mong hanapin ang katotohanan para lutasin ang problema ng iyong tiwaling disposisyon. Dapat mong sabihin sa iyong sarili, ‘Kailangan ay hindi ako sumuko, kailangan ko pa ring gawin ang tungkuling dapat gawin ng isang nilalang ng Diyos, at isantabi ang aking pagnanasang mapagpala.’ Kapag binitiwan mo ang pagnanasang mapagpala, mawawala ang bigat na pasan mo. At magagawa mo pa rin bang maging negatibo? Kahit na may mga pagkakataon pa rin na negatibo ka, hindi mo ito hinahayaang kontrolin ka, at sa puso mo, patuloy kang nagdarasal at nakikibaka, binabago ang mithiin ng iyong paghahangad mula sa paghahangad na mapagpala at magkaroon ng hantungan, ay nagiging paghahangad sa katotohanan, at iniisip mo, ‘Ang paghahangad sa katotohanan ay ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos. Para maunawaan ang ilang partikular na katotohanan ngayon—wala nang mas dakilang pag-aani, ito ang pinakadakilang pagpapala sa lahat. Kahit na ayaw sa akin ng Diyos, at wala akong magandang hantungan, at mawasak ang aking mga pag-asa na mapagpala, gagawin ko pa rin ang aking tungkulin nang maayos, obligado akong gawin iyon. Anuman ang dahilan, hindi nito maaapektuhan ang pagganap ko sa aking tungkulin, hindi nito maaapektuhan ang pagsasakatuparan ko sa atas ng Diyos; ito ang prinsipyong sinusunod ko sa aking pagkilos.’ At sa pamamagitan nito, hindi ba’t nadaig mo ang mga gapos ng laman? Maaaring sabihin ng ilan, ‘Paano kung negatibo pa rin ako?’ Kung gayon ay hanapin ninyong muli ang katotohanan para lutasin ito. Ilang beses ka mang malugmok sa pagiging negatibo, kung patuloy mong hahanapin ang katotohanan para lutasin ito, at patuloy na magpupunyagi para sa katotohanan, unti-unti kang makaaahon sa iyong pagiging negatibo. At balang araw, madarama mo na wala ka nang pagnanasang magtamo ng mga pagpapala at hindi ka na kontrolado ng iyong hantungan at kahihinatnan, at na mas madali at mas malaya kang mabubuhay nang wala ang mga bagay na ito. Madarama mo na ang dati mong buhay, kung saan sa bawat araw ay nabubuhay ka para sa pagtatamo ng mga pagpapala at ng iyong hantungan, ay nakapapagod. Bawat araw, nagsasalita, gumagawa, at pinipiga ang utak alang-alang sa pagtatamo ng mga pagpapala—at ano ang mapapala mo rito, sa huli? Ano ang halaga ng gayong buhay? Hindi mo hinangad ang katotohanan, kundi sinayang ang lahat ng pinakamabubuting araw mo sa mga bagay na walang kabuluhan. Sa huli, wala kang natamong anumang katotohanan, at hindi mo nagawang magbigay ng anumang patotoo tungkol sa iyong karanasan. Nagpakahangal ka, lubos na napahiya at nabigo. At ano ba talaga ang dahilan nito? Ang dahilan ay sa sobrang tindi ng layunin mong magtamo ng mga pagpapala, inokupa na ng iyong kahihinatnan at hantungan ang iyong puso at iginapos ka nang masyadong mahigpit. Subalit pagdating ng araw na makaahon ka mula sa pagkaalipin sa iyong mga inaasam-asam at tadhana, magagawa mong talikuran ang lahat at sundin ang Diyos. Kailan mo magagawang ganap na bitiwan ang mga bagay na iyon? Habang walang-humpay na lumalalim ang iyong pagpasok sa buhay, makakamtan mo ang isang pagbabago sa iyong disposisyon, at saka mo magagawang ganap na bitiwan ang mga iyon. Sasabihin ng ilan, ‘Kaya kong bitiwan ang mga bagay na iyon kung kailan ko gusto.’ Naaayon ba ito sa batas ng kalikasan? (Hindi.) Sasabihin ng iba, ‘Nalutas ko ang lahat ng ito sa isang magdamag. Simpleng tao ako, hindi kumplikado o mahina na katulad ninyo. Napakaambisyoso ninyo, na nagpapakitang mas malalim ang pagkatiwali ninyo kaysa sa akin.’ Ganoon nga ba ang sitwasyon? Hindi. Ang buong sangkatauhan ay may pare-parehong tiwaling kalikasan, hindi nagkakaiba sa lalim. Ang tanging pagkakaiba nila ay sa kung may pagkatao sila o wala, at sa anong klase ng tao sila. Ang mga nagmamahal at tumatanggap sa katotohanan ay may kakayahang magkaroon ng medyo malalim, malinaw na kaalaman sa kanilang sariling tiwaling disposisyon, at maling iniisip ng iba na ang gayong mga tao ay lubhang tiwali. Ang mga hindi nagmamahal o tumatanggap sa katotohanan ay laging nag-iisip na wala silang katiwalian, na sa ilan pang mabubuting asal, magiging banal silang mga tao. Ang pananaw na ito ay malinaw na hindi wasto—sa katunayan, hindi naman sa mababaw ang kanilang katiwalian, kundi hindi nila nauunawaan ang katotohanan at wala silang malinaw na kaalaman sa diwa at katotohanan ng kanilang katiwalian. Sa madaling sabi, para manalig sa Diyos, kailangang tanggapin ng isang tao ang katotohanan, at isagawa ito at pasukin ang realidad nito. Kailangang magkamit ang isang tao ng mga pagbabago sa kanyang disposisyon sa buhay bago niya mabago ang maling direksyon at landas ng kanyang paghahangad, bago niya lubusang malutas ang problema ng paghahangad ng mga pagpapala at pagtahak sa landas ng mga anticristo. Sa ganitong paraan, maaaring mailigtas at magawang perpekto ng Diyos ang isang tao. Lahat ng katotohanang ipinapahayag ng Diyos para hatulan at dalisayin ang tao ay para sa layuning ito” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagsasagawa Lamang ng Katotohanan Mayroong Pagpasok sa Buhay). Sa salita ng Diyos, nakahanap ako ng landas ng pagsasagawa, na ang bitawan na ang pagnanais ko para sa mga pagpapala, baguhin ang aking maling mithiin sa pananalig ko sa Diyos, at baguhin ang paghahangad ko ng mga pagpapala at gawin itong paghahangad sa katotohanan at pagbabago ng disposisyon. Ito lamang ang wastong paghahangad para sa isang nilikha. Sinuri ko ang pag-uugali ko, at nakita na nung ibinunyag ako, ginusto kong bitiwan ang tungkulin ko, na hindi ang tamang paraan ng pagsasagawa. Kahit na tumigil pa ako sa pagiging lider, dahil hindi ko nalutas ang disposisyon ko ng pagkayamot sa katotohanan o ang pagnanais ko na magkamit ng mga pagpapala, anumang tungkulin ang gawin ko, makagagawa pa rin ako ng mga bagay na gumagambala at gumugulo sa gawain ng iglesia. Sa panahong ito, namumuhay ako sa negatibong kalagayan. Nagbabalak at nagpapakana ako para sa sarili kong mga interes, naging miserable ako, nawalan ako ng sigla sa aking tungkulin, at naging malayo ako sa Diyos. Nanumpa ako na hindi na ako magagapos o mapipigilan ng pagnanais ko para sa mga pagpapala. Pagpapalain man ako o hindi, kailangan ko munang gawin nang maayos ang tungkulin ko. Binigyan ako ng iglesia ng pagkakataong gawin ang tungkulin ko, kaya kailangan kong gawin ang lahat para tuparin ang mga responsibilidad ko. Pagkatapos nun, medyo nagbago ang kalagayan ko, at dahil sa problema ko sa pagraraos lang ng tungkulin at pagiging iresponsable sa aking tungkulin, kumain at uminom ako ng mga nauugnay na salita ng Diyos, at naunawaan ko na ang diwa ng pagraraos lang sa tungkulin ay panloloko at panlilinlang sa Diyos. Kung palagi kong tatratuhin ang tungkulin ko nang may saloobin na walang interes at paggalang, hinding-hindi ko magagawa ang tungkulin ko sa tamang paraan, at sa huli’y mawawalan ako ng pagkakataong gawin ang isang tungkulin. Habang iniisip kung paanong dahil sa pagiging iresponsable ko ay huminto ang maraming baguhan sa regular na pagdalo sa mga pagtitipon, nakaramdam ako ng pagsisisi at pagkakautang, at kinamuhian ko ang iresponsable kong pag-uugali mula sa kaibuturan ng aking puso.
Pagkatapos nun, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos na mas malinaw na nagpaunawa sa akin sa kahulugan ng matabasan at maiwasto. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Kapag tinatabasan at iwinawasto, ano ang dapat malaman man lang ng mga tao? Dapat maranasan ang pagtatabas at pagwawasto para magampanan nang husto ang tungkulin ng isang tao—hindi puwedeng wala ito. Isa itong bagay na dapat harapin ng mga tao sa araw-araw at maranasan nang madalas sa kanilang pananampalataya sa Diyos at pagtatamo ng kaligtasan. Walang sinuman ang maaaring hindi matatabas at mawawasto. Ang pagtatabas at pagwawasto ba sa isang tao ay isang bagay na may kinalaman sa kanilang kinabukasan at kapalaran? (Hindi.) Para saan ba ang pagtatabas at pagwawasto sa isang tao? Ang mga ito ba ay para kondenahin ang mga tao? (Hindi, ito ay para tulungan ang mga tao na maunawaan ang katotohanan at magampanan ang kanilang tungkulin ayon sa mga prinsipyo.) Tama iyon. Iyon ang pinakatamang pagkaunawa ukol dito. Ang pagtatabas at pagwawasto sa isang tao ay isang uri ng disiplina, isang uri ng pagtutuwid, pero isa rin itong uri ng pagtulong sa mga tao. Ang pagtatabas at pagwawasto ay magtutulot sa iyo na mabago mo kaagad ang mga maling paghahangad mo. Tinutulutan ka nitong agarang matanto ang mga problemang kasalukuyang mayroon ka, at tinutulutan kang makita kaagad ang mga tiwaling disposisyong inilalantad mo. Anu’t anupaman, nakakatulong sa iyo ang pagtatabas at pagwawasto para matupad mo ang iyong mga tungkulin ayon sa mga prinsipyo, inililigtas ka nito sa tamang oras para hindi ka makagawa ng mga pagkakamali at malihis ng landas, at pinipigilan ka nito na makapagdulot ng mga trahedya. Hindi ba ito ang pinakamalaking tulong sa mga tao, ang kanilang pinakamalaking lunas? Dapat magawang tratuhin nang tama ng mga may konsensya at katwiran ang pagwawasto at pagpupungos sa kanila” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikawalong Bahagi)). Matapos basahin ang salita ng Diyos, natanto ko na meron akong isa pang kakatwang ideya tungkol sa pagtatabas at pagwawasto. Nang ihambing ko ang mga salita ng Diyos sa aking sarili, nalaman kong meron akong satanikong disposisyon ng pagkayamot sa katotohanan, pakiramdam ko’y mapapahamak ako, na masyadong matindi ang katiwalian ko, at na tiyak na kinapopootan ako ng Diyos at hindi ako ililigtas. Ang totoo, isa itong uri ng negatibo at salungat na saloobin. Sa pagbabasa ng salita ng Diyos, naunawaan ko na ang matabasan at maiwasto ay iba sa maibunyag at mapalayas, at hindi ibig sabihin nito na tinanggalan ka na ng kinabukasan at kapalaran. Sa halip, ginagawa ito para tulungan ang mga tao na malaman ang kanilang mga kakulangan sa kanilang tungkulin, maunawaan ang kanilang mga tiwaling disposisyon, agad na maitama ang mga paglihis sa kanilang tungkulin, at mahanap ang katotohanan para makakilos sila ayon sa mga prinsipyo. Kung wala ang pagkakataong ito na matabasan at maiwasto, hinding-hindi ko mapagtatanto na meron akong disposisyon ng pagkayamot sa katotohanan, at na sa mga bagay na may kinalaman sa aking mga interes, iniiwasan kong managot, patuloy akong nagdadahilan para sa sarili ko, at hindi man lang tinatanggap ang katotohanan. Sa tingin ko’y isang mabuting bagay na napagtanto ko ito. Tinulutan ako nitong tumuon sa paghahanap sa katotohanan kapag nangyayari ang mga bagay-bagay pagkatapos nun at hindi mabulag ng sarili kong mabubuting pag-uugali. Napakahalaga nito para sa kakayahan kong hanapin ang katotohanan sa pananalig ko sa Diyos.
Pagkatapos nun, kapag tinatabasan at iwinawasto ako dahil sa mga paglihis sa aking tungkulin, sinasadya kong lumapit sa Diyos para manalangin, isinasagawa ang pagsunod bago pa ang lahat, at naghahanap ng mga nauugnay na bahagi ng mga salita ng Diyos na babasahin batay sa aking katiwalian at sa mga problemang pinuna ng mga kapatid ko sa aking tungkulin. Matapos matabasan at maiwasto nang ilang beses, mas naunawaan ko nang kaunti ang kahalagahan nito. Sa pamamagitan ng pagdanas na matabasan at maiwasto at sa patnubay ng mga salita ng Diyos, nakita ko ang tunay kong tayog at ang maraming problema at paglihis sa aking tungkulin. Nagkaroon din ako ng kaunting kaalaman sa tiwali kong disposisyon at sa pagnanais ng Diyos na iligtas ang mga tao. Ang matabasan at maiwasto ay lubos na nakatutulong at naging kapaki-pakinabang sa paghahangad ko ng pagpasok sa buhay. Nadama ko na ang pagkilala sa sarili ko at paggawa nang maayos sa aking tungkulin ay di-maihihiwalay sa pagdanas ng paghatol, pagbubunyag, pagtatabas at pagwawasto ng Diyos.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.