Muling Pagkabuhay Mula sa Bingit ng Kamatayan

Enero 23, 2020

Ni Yang Mei, Tsina

Noong 2007 bigla akong nagkasakit ng di-gumagaling na sakit sa bato. Nang marinig nila ang balita, ang Kristiyano kong ina at hipag, at ilang Katolikong kaibigan ay lahat pumunta upang ipangaral sa akin ang ebanghelyo. Sinabi nila sa aking hangga’t bumaling ako sa Panginoon, gagaling ang karamdaman ko. Pero hindi ako naniwala sa Diyos sa anumang paraan. Inakala kong mapapagaling lang ang karamdaman sa pamamagitan ng siyentipikong medikal na paggamot, at na ang anumang sakit na hindi kayang pagalingan ng agham ay wala nang lunas. Pagkatapos ng lahat, mayroon bang anumang kapangyarihan sa lupa na higit pa sa kapangyarihan ng agham? Isa lang uri ng sikolohikal na saklay ang pananampalataya sa Diyos, at isa akong kagalang-galang na guro sa paaralan ng estado, isang taong mataas ang pinag-aralan at may kalinangan, kaya hinding-hindi ako magsisimulang maniwala sa Diyos. Dahil doon, tinanggihan ko sila at nagsimula akong maghanap ng medikal na paggamot. Sa loob ng ilang taon nakapunta na ako sa halos lahat ng malaking ospital sa nayon ko at sa buong probinsya, pero hindi pa rin bumuti ang kalagayan ko. Sa katunayan, lalo itong lumalala, pero matigas pa rin ang ulo kong kumapit sa sarili kong paraan ng pagtingin sa sitwasyon at ipinilit na kayang baguhin ng agham ang anuman, na ang pagpapagaling ng karamdaman ay isang proseso na kailangan ng mahabang panahon.

Noong 2010 dumating ang isang kapatid na babae mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos upang ipangaral sa akin ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos. Sinabi niyang nagbalik na ang Panginoong Jesus sa pangkaraniwang daigdig upang gampanan ang bagong gawain, na binubuo ng pagpapahayag ng mga katotohanan upang hatulan at linisin ang mga tao. Isa itong yugto ng gawain ng Diyos na dinisenyo upang lubusang iligtas ang sangkatauhan, at siya ring huling pagkakataon ng sangkatauhan na mailigtas ng Diyos. Hindi ko pa rin gustong tanggapin ang lahat ng ito, pero dahil sa lahat ng kabiguan at pagkadismayang naranasan ko sa mga nagdaang ilang taon ng paghahanap ng medikal na paggamot, hindi na kasintigas ng dati ang saloobin ko at hinayaan ko ang sarili kong kunin ang isang aklat ng mga salita ng Diyos mula sa kapatid. Pero, sa panahong iyon, talagang hindi ako naniwala na ang mga salita sa aklat na iyon ay mga katotohanang ipinahayag ng Diyos. Pinanindigan ko pa ring ang agham lang ang makakabago sa kapalaran ko, at kaya nagpatuloy pa rin akong maniwala na tanging mga gamot lang ang makakapagpabuti ng kalagayan ko. Kalaunan, mas marami pa ang mga gamot na iniinom ko araw-araw kaysa pagkaing kinakain ko, pero hindi pa rin kinakitaan ng ni katiting na pagbuti ang kalagayan ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses pumunta sa bahay ko ang kapatid na babae, pero tumanggi pa rin akong maniwala sa Diyos. Nagpatuloy ito nang humigit-kumulang isang taon.

Pero isang araw, bigla na lang lumabo ang paningin ko sa parehong mata at hindi na ako makalakad sa sobrang pamamanhid ng mga binti ko. Sinabi ng mga doktor na resulta ang mga sintomas ko ng pagkalason sa gamot gawa ng pag-inom ng maraming gamot sa loob ng ilang taon. Namalagi muna ako ng isang linggo sa ospital ng nayon at pagkatapos ay inilipat sa isang ospital ng militar sa Beijing kung saan ginamot ako ng isang buwan. Pagkatapos noon inilipat ako sa isang kilalang ospital ng tradisyonal na paggamot na Tsino sa Beijing upang tumanggap ng TCM na paggamot. Pero walang nagawa ang dalawang buwang ito ng gamutan upang bumuti ang kalagayan ko. Pinapunta pa ng pangunahing doktor ko ang retiradong dating pinuno ng kagawaran ng neurolohiya ng ospital upang tingnan ako, pero wala ni bahagyang pagbuti sa kalagayan ko. Pagkatapos narinig kong binanggit ng magiging manugang kong babae ang isang doktor sa Yunnan na kilala dahil sa kakayahang gamutin ang mahihirap at komplikadong kalagayan gaya ng sa akin. Matapos ang iba’t ibang pagpapaikot-ikot, nadala ako roon nang naka-wheelchair. Pero pagkatapos ng halos isang buwang gamutan, hindi lang sa hindi bumuti ang kalagayan ko, pero napalala pa ng mga gamot na iniinom ko para sa mga mata at binti ko ang sakit ko sa bato. Dahil pakiramdam ko ay hindi na ako matutulungan, at sa labis na hirap, nagpasya akong umuwi. Pagkatapos noon, itinigil ko na ang lahat ng gamutan at gamot para sa mga mata at binti ko upang mapangalagaan ang mga bato ko.

Muling Pagkabuhay Mula sa Bingit ng Kamatayan

Noong panahong iyon, pakiramdam ko ay wala na talaga akong pag-asa. Madalas kong inisip kung paano ko inilagay ang lahat ng pananampalataya ko sa agham pero napatunayang ganap na walang nagawa ang agham upang gamutin ang sakit ko. Pagkatapos masira ang anumang pag-asa kong mapapagaling ng agham, labis akong nalungkot at nagkaroon ng ganap na panlulupaypay. Hindi ko alam kung paano ako magpapatuloy sa buhay. Sa kalabuang dala ng sakit at pagdurusa, madalas akong makaisip ng kung anu-ano: “Bakit ako nagdusa ng napakaraming sakit at bakit hindi kayang malunasan ng mga gamot ang mga ito? Naniwala ako sa agham at nagtiwala sa agham, at ginawa ang lahat ng makakaya ko upang hanapin ang pinakamainam na paggamot, pero wala pa ring umepekto. Sa katunayan, lalo lang lumala ang kalagayan ko. Maaari kayang hindi talaga ako kayang iligtas ng agham? Maaari kayang mayroon talagang Diyos sa mundong ito? Nasa mga kamay ba talaga ng Diyos ang kapalaran ng bawat tao?” Gaano ko man isipin ang mga isyung ito, wala akong maisip na anumang sagot. Sa panahong iyon, nabuhay ako sa matinding sakit at pagdurusa araw-araw, at tuwing naiisip kong isa akong walang-silbing baldado, palihim akong iiyak. Pakiramdam ko ay masyado kong sinasangkot ang pamilya ko at ayokong maging pabigat pa sa kanila. Ilang beses kong ginustong tapusin na ang buhay ko pero natakot ako sa kamatayan. Kaya tinanggap ko na lang ang bawat araw at hinintay na dumating sa akin ang kamatayan …

Isang araw, nakita at binuksan ng asawa ko ang aklat na iniwan para sa akin ng kapatid na babae mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nakita niya ang sumusunod na pamagat, “Alam Mo Ba? Gumawa ang Diyos ng Dakilang Bagay sa Gitna ng mga Tao,” na agad na pumukaw ng kanyang pansin. Kaya binasa niya ang sumusunod na sipi para sa akin: “Ang gawain ng Diyos ay isang bagay na hindi mo mauunawaan. Kung hindi mo lubos na maunawaan kung tama ba ang desisyon mo, ni hindi mo mabatid kung magtatagumpay ba ang gawain ng Diyos, bakit hindi mo subukan ang kapalaran mo at tingnan kung maaari bang maging malaking tulong sa iyo ang karaniwang taong ito, at kung tunay ngang gumawa na ang Diyos ng dakilang gawain?(Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Parang isang pag-alog sa puso ko ang maikling siping ito! Ang pariralang “bakit hindi mo subukan ang kapalaran mo,” sa partikular, ay paulit-ulit na nabuo sa isip ko. Para itong isang sinag ng liwanag na nagniningning sa mapanglaw kong puso, at tila ba makakaaninag ako ng kaunting pag-asang manatiling buhay. Agad-agad kong pinabasa sa asawa ko ang dalawa pang sipi ng mga salita ng Diyos, na naglalaman ng mga katotohanan tungkol sa paggamit ng Diyos ng Kanyang salita upang hatulan at linisin ang mga tao at baguhin ang mga disposisyon nila sa buhay. Ganap na bago ang lahat ng ito para sa akin, at kahit hindi ko talaga naunawaan ang buong kabuluhan ng kung anong sinasabi, madarama ko sa puso ko na kakaiba ang mga aral na ito kaysa sa ebanghelyo ng Panginoong Jesus na narinig ko na mula sa ibang tao. Ang karamihan ng sinabi nila sa akin ay tungkol sa kung paano magkamit ng biyaya, at na ang tanging kailangan kong gawin ay ang maniwala sa Diyos at gagaling na ang karamdaman ko, na hindi ko pinaniwalaan. Pero ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay tila higit na mas praktikal, at habang mas marami akong naririnig mas lalo kong gustong makinig.

Pagkatapos noon, nagpabasa ako sa asawa ko ng ilan sa mga salita ng Diyos araw-araw. Sinabi sa aklat na naniniwala sa Diyos ang mga relihiyosong tao pero hindi nila kilala ang Diyos at nilalabanan pa ang Diyos, at na madalas silang gumagawa ng mga kasalanan sa araw at nangungumpisal sa gabi. Lalo pang kapani-paniwala ito sa akin dahil puro mga Kristiyano ang ina ko at ang dalawa kong hipag at ang paraan nila ng pamumuhay ay kaparehong-kapareho ng nilarawan ng mga salita ng Diyos. Talagang gumagawa sila ng mga kasalanan at pagkatapos ikinukumpisal ang mga ito at pagkatapos gagawin uli ang mga ito. Noon ako nagkaroon ng espirituwal na paggising: Talaga bang tinig ito ng Diyos? Kung hindi ito ang Diyos, paano nauunawaan nang ganoon kalalim ng may-akda ang mundo ng relihiyon? Hindi nauunawaan ng mga hindi mananampalataya, wala ni anumang ideya ang mga dakila at mga tanyag, at maging ang mga relihiyosong tao mismo ay hindi napapagtanto na naniniwala sila sa Diyos pero nilalabanan din ang Diyos. Habang mas nag-iisip ako tungkol dito mas nararamdaman kong ang mga salita sa aklat ay hindi mga bagay na kayang ipahayag ng mga tao, at na ang mga ito ay malamang na mga pagbigkas ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa pangkaraniwang daigdig.

Pagkaraan lang ng ilang araw, nabalitaan ng kapatid na babaeng dati nang nangaral sa akin ng ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos na nakabalik na ako sa bahay matapos maospital at pumunta siya sa bahay ko, kasama ng isa pang kapatid na babae, upang ipangaral uli ang ebanghelyo sa akin. Sa pagkakataong ito namalayan ko na ang tinig ng konsensya ko na nagsasabi sa aking: “Naging baldado na ako pero hindi pa ako iniwan ng mga kapatid na babae dahil sa pandidiri at paulit-ulit pa nga silang pumunta upang ipangaral sa akin ang ebanghelyo. Ito ay isang bagay na hindi magagawa ng mga karaniwang tao. Ang sinumang iba pa ay nakalimutan na sana ako noon pa.” Napakalinaw sa isip ko na nagmula malamang sa Diyos ang ganitong uri ng pagmamahal, dahil hindi ito kailanman makikita sa karaniwang daigdig. Gaya ng sinasabi ng kasabihan, “Ang isang kaibigan sa oras ng pangangailangan ay isang tunay na kaibigan,” at malalim ko itong naranasan noong araw na iyon. Ang pananatili ng pamilya ko sa tabi ko ay isang bagay na hindi nila maiiwasan, pero para sa mga taong ito, na ganap na walang kaugnayan sa akin at walang mga natatagong motibo o kundisyon, ang regular na pumunta sa loob ng mahigit isang taon upang ipangaral ang ebanghelyo sa akin at abalahin ang kanilang mga sarili para sa isang baldadong gaya ko, ay nagpapakita kung gaano talaga kamangha-mangha ang kanilang pananampalataya, pagmamahal at tiyaga! Naantig talaga ako ng pagmamahal ng Diyos, at magmula noon ay hindi na nagkaroon ng dahilan para tanggihan ang ebanghelyo ng Diyos. Bilang resulta, pareho naming tinanggap ng asawa ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw.

Noong Hunyo 2011, pormal naming sinimulan ng asawa ko ang buhay-iglesia namin sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Dahil hindi sapat na maayos ang paningin ko upang tulutan akong magbasang mag-isa, madalas akong binabasahan ng asawa ko ng mga salita ng Diyos, at binabasahan din ako ng mga salita ng Diyos ng mga kapatid kapag may mga pagpupulong sa iglesia. Minsan kapag nag-iisa ako ay nakikinig din ako sa mga himno. Kinalaunan, nahanap ko sa mga salita ng Diyos ang dahilan ng aking karamdaman at pagdurusa: “Ano ang pinagmulan ng habambuhay na paghihirap mula sa kapanganakan, kamatayan, karamdaman, at pagtanda na tinitiis ng mga tao? Ano ang naging dahilan para magkaroon ng mga bagay na ito ang mga tao? Wala namang ganitong mga bagay ang mga tao noong una silang likhain, hindi ba? Saan, kung gayon, nagmula ang mga bagay na ito? Umiral ang mga bagay na ito matapos tuksuhin ni Satanas ang mga tao at naging masama ang kanilang laman. Ang pananakit ng pantaong laman, ang mga hirap at kahungkagan nito, gayon din ang napakamiserableng mga problema sa mundo ng mga tao ay dumating lamang matapos nagawa nang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan. Matapos gawing tiwali ni Satanas ang mga tao, sinimulan nitong pahirapan sila. Kaya naman, mas lalo silang naging masama. Ang mga karamdaman ng sangkatauhan ay lalo pang lumubha, at ang kanilang pagdurusa ay lalo pang lumala. Higit at higit, nadama ng mga tao ang kahungkagan at trahedya ng mundo ng tao, gayon din ang kanilang kawalan ng kakayahang patuloy na mabuhay roon, at mas lalong nabawasan ang kanilang pag-asa para sa mundo. Sa gayon, ang pagdurusang ito ay ibinagsak ni Satanas sa mga tao. … Ito ang dahilan kung bakit nagkakasakit ka at naliligalig, at posible para sa iyong magpakamatay, at minsan nararamdaman mo rin na mapanglaw ang mundo o na walang kahulugan ang buhay. Sa ibang salita, ang mga pagdurusang ito ng tao ay nasa ilalim pa rin ng pamamalakad ni Satanas; binubuo ng mga ito ang nakamamatay na kahinaan ng tao(“Ang Kabuluhan ng Pagtikim ng Diyos ng Pagdurusa sa Mundo” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Eksaktong-eksakto ang mga salita ng Diyos sa paglalarawan kung paanong ang pagdurusang dulot ng sakit ng karamdaman ay napakatindi kung kaya’t ganap na akong nawalan ng kagustuhang mabuhay at nais nang tapusin ang buhay ko. Pero sinabi ng mga salita ng Diyos na lahat ng sakit ng karamdaman at pagdurusa ay dahil sa mga mapaminsalang pamamaraan ni Satanas. Noong simula, hindi ko talaga naunawaan kung bakit sinabi ng Diyos ang mga bagay na ito, pero pagkatapos kong magbasa pa ng mga salita ng Diyos dahan-dahan kong naunawaan ang mga katotohanang ito.

Isang hapon binabasahan ako ng asawa ko ng mga salita ng Diyos gaya ng dati, at narinig ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Mula nang unang magkaroon ang tao ng agham panlipunan, ang isip ng tao ay naging abala sa agham at kaalaman. Ang agham at kaalaman ay naging mga kagamitan para sa pamumuno ng sangkatauhan, at doon ay wala nang sapat na puwang para sa tao upang sambahin ang Diyos, at walang kanais-nais na mga kondisyon para sa pagsamba sa Diyos. Ang posisyon ng Diyos ay lumubog nang lalo pang mas mababa sa puso ng tao. Kung wala ang Diyos sa kanyang puso, ang panloob na mundo ng tao ay madilim, walang pag-asa, at walang kabuluhan. … Agham, kaalaman, kalayaan, demokrasya, paglilibang, kaginhawahan, ang mga ito ay nagdadala lamang ng pansamantalang pahinga sa tao. Kahit na mayroong ganitong mga bagay, hindi pa rin maiwasan ng tao na magkasala at dumaing sa kawalang katarungan ng lipunan. Hindi mababawasan ng mga bagay na ito ang pagnanasa at hangarin ng tao na tumuklas. Sapagkat ang tao ay nilalang ng Diyos at ang walang katuturang mga sakripisyo at mga pagtuklas ng tao ay maaari lamang humantong sa mas marami pang pagdurusa at maaari lamang maging dahilan upang ang tao ay umiral sa hindi nagbabagong kalagayan ng pagkatakot, hindi nalalaman kung paano haharapin ang kinabukasan ng sangkatauhan, o kung paano haharapin ang landas sa hinaharap. Maging ang agham at kaalaman ay kinatatakutan ng tao, at higit na kakatakutan ang pakiramdam ng kawalan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan). Noong narinig ko ang mga salitang ito saka ko naunawaan sa wakas kung bakit sinabi ng Diyos na lahat ng karamdaman at pagdurusa ng sangkatauhan ay nagmumula kay Satanas: ginagamit ni Satanas ang kaalaman at agham upang gawin tayong tiwali. Pinupuno tayo ni Satanas ng mga katawa-tawa nitong ideya, gaya ng “Nagmula sa mga unggoy ang tao,” “Hindi pa nagkaroon kailanman ng sinumang Tagapagligtas,” “Kayang baguhin ng kaalaman ang iyong tadhana,” “Ang tadhana ninuman ay nasa kanyang sariling kamay,” “Inililigtas ng agham ang mga tao,” at “Kayang lupigin ng tao ang kalikasan.” Nalason na ni Satanas ang isip ng sangkatauhan gamit ang mga pilosopiya, patakaran, ideya at pagkaunawang ito. Sinakop na ng mga ito ang mga puso at kaluluwa ng mga tao, at pinilit ang mga taong magkaroon ng bulag na pananampalataya sa kaalaman at sambahin ang agham. Mayroong kahibangan ang mga tao na kaya nilang baguhin ang mga tadhana nila gamit ang kaalaman o gamitin ang agham upang lutasin ang bawat mahirap na suliranin. Kinuha na ng mga tao ang mga katawa-tawang ideya ni Satanas upang buuin ang basehan ng mga buhay nila, at sa gayon ay nagawa nang bilanggo, nakatali, at kontrolado ni Satanas. Nagsimula na ang mga taong tanggihan ang lahat ng galing sa Diyos, upang ilayo ang mga sarili nila mula sa pangangalaga at pag-iingat ng Diyos. Minamanipula sila ni Satanas gaya ng isang nagpapalabas ng papet na pinaglalaruan ang mga papet niya, at isa lang ako sa milyun-milyong pinipinsala sa ganitong paraan. Noong may karamdaman ako, umasa ako sa agham para gamutin ako; bulag akong naniwala at sumamba sa agham. Inakala ko talaga na mapapagaling ang karamdaman ko ng mga espesyalista sa mga tanyag na ospital, gamit ang mga makabago nilang pamamaraan at mga modernong kagamitang pangmedikal. Pero hindi lang sa hindi bumuti ang kalagayan ko, sa katunayan ay napunta pa ako sa bingit ng kamatayan. Ang mga naibigay lang sa akin ng agham ay mala-palaginip na pag-asa at hindi maalis-alis na sakit. Sinanhi ng agham na hindi ako maniwala sa Diyos, at kaya paulit-ulit akong naghimagsik laban sa Diyos, lumaban sa Kanya, at tinanggihan ang pagliligtas Niya. Pero sa kabila ng pagiging mapanghimagsik ko, hindi kailanman sumuko ang Diyos sa pagliligtas sa akin, at mula noon ay ginamit ang mga salita Niya upang gabayan ako. Dahan-dahan, nagising Niya ang espiritu ko, na dating masyadong pinipigilan ng kaalaman at agham. Ako, na dating naging malapit na sa kamatayan, ay kaharap na ngayon ng Diyos at nagkamit ng pagliligtas ng Diyos.

Patuloy akong binasahan ng asawa ko ng mga salita ng Diyos araw-araw, at isang araw narinig ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Nilikha ng Diyos ang mundong ito, nilikha Niya ang sangkatauhang ito, at bukod dito, Siya ang arkitekto ng sinaunang kulturang Griyego at sibilisasyon ng tao. Ang Diyos lamang ang umaaliw sa sangkatauhang ito, at ang Diyos lamang ang nagmamalasakit sa sangkatauhang ito gabi’t araw. Ang pag-unlad at paglago ng tao ay hindi mapaghihiwalay mula sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at ang kasaysayan at hinaharap ng sangkatauhan ay hindi mailalabas mula sa mga disenyo ng Diyos. … Kung ang sangkatauhan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, kung ang isang bayan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, ang tao ay dapat na yumuko sa Diyos sa pagsamba, magsisi at mangumpisal sa harap ng Diyos, at kung hindi, ang magiging kapalaran at hantungan ng tao ay isang hindi maiiwasang sakuna(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan). Tinulungan ako ng siping ito na mapagtantong ang kapalaran ng lahat ng tao ay nasa mga kamay ng Diyos at na ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay ng tao. Tanging sa pagharap sa Diyos, pagsunod sa Diyos, at pagsamba sa Diyos magkakaroon ang mga tao ng magagandang tadhana. Kapag lumalayo ang tao sa Diyos, nilalabanan at iniiwan ang Diyos at sa halip ay umaasa kay Satanas, ibinibigay nila ang mga sarili nila kay Satanas. Bilang resulta, pipinsalain at yuyurakan sila ni Satanas, at makakaranas ng walang tigil na mga sakuna at walang hanggang pagdurusa. Ganito pinipinsala ng mga tao ang mga sarili nila at nagiging dahilan ng pagkamatay nila. Sa sandaling iyon, napagtanto ko kung gaano ako naging hangal, bulag, at kahabag-habag. Nakita kong ang mga pananaw ko tungkol sa kaalaman at agham ay lahat lason, mga instrumento lang ni Satanas upang gawin akong tiwali. Sa lahat ng taong ito nilalason ako ng diyablo, at labis ko itong pinagsisisihan ngayon. Mula sa kaibuturan ng puso ko, naranasan ko ang tunay na pag-asam sa Diyos. Handa akong kumilos gaya ng mga tao ng Ninive na nakatala sa Biblia, magpatirapa sa lupa sa harap ng Diyos at mangumpisal at magsisi. Nais kong iwan ang lahat ng masasama kong gawi at tanggapin ang paggabay at pagtustos na ibinigay ng Diyos. Nais kong sundin ang Diyos at sambahin Siya, at kaya aktibo kong hiniling na bigyan ako ng iglesia ng mga tungkuling mag-host. Sa mga pakikisalamuha ko sa mga kapatid walang sinumang nanghamak sa akin o nangmaliit sa akin dahil sa karamdaman ko. Sa katunayan, binigyan nila ako ng malaking tulong at suporta at palagi kong nadama na napapaligiran ako ng kanilang taos-pusong pagmamahal.

Muling Pagkabuhay Mula sa Bingit ng Kamatayan

Pagkalipas ng kaunting panahon, hindi pa rin bumubuti ang karamdaman ko kung kaya nagsimula akong humiling sa Diyos, hinihingi sa Diyos na tulungan akong bumuti. Pero ibinahagi sa akin ng mga kapatid na babae ang sumusunod: “Ang Diyos ang Lumikha ng lahat ng bagay at tayo ang mga nilikha, kaya paano man tayo pakitunguhan ng Diyos kailangan nating tanggapin ang mga pagsasaayos at paghahanda Niya. Kapag humingi tayo ng mga bagay mula sa Diyos, ipinapakita lang natin ang pagiging di-makatwiran natin. Ang pagpapagaling ng mga sakit, pagpapalayas ng mga demonyo, at paggawa ng mga himala ay bahagi ng gawain ng Diyos noong Kapanahunan ng Biyaya, pero nasa Kapanahunan ng Kaharian tayo ngayon, at ang pangunahing gawain ng Diyos ngayon ay ang isakatuparan ang lahat sa pamamagitan ng mga salita Niya, ang gumamit ng mga salita upang linisin at baguhin ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao. Nais ng Diyos na gawin tayong mga taong sumusunod sa Kanya, tapat sa Kanya, kilala Siya, at nagmamahal sa Kanya upang madala Niya ang isang pangkat ng mga ganoong tao sa susunod na panahon. Ang nais ng Diyos ay ang pagmamahal at pagsunod na natural na ipinapakita ng mga tao pagkatapos nilang makilala ang Diyos. Hindi Niya nais na sundin Siya ng mga tao bilang pagtanaw ng utang na loob sa pagpapagaling sa mga karamdaman nila. Gaya ng sinasabi ng mga salita ng Diyos: ‘Naniniwala ang mga tao na kapag inililigtas ng Diyos ang tao, ginagawa Niya iyon sa pamamagitan ng pag-antig sa kanila gamit ang Kanyang mga pagpapala at biyaya, para maibigay nila ang kanilang puso sa Diyos. Ibig sabihin, ang Kanyang pag-antig sa tao ay pagliligtas Niya sa kanila. Ang ganitong uri ng pagliligtas ay ginagawa sa pamamagitan ng pakikipagkasundo. Kapag pinagkalooban sila ng Diyos ng isandaang beses, saka pa lamang magpapasakop ang tao sa pangalan ng Diyos at magsisikap na gumawa ng mabuti para sa Kanya at maghatid sa Kanya ng kaluwalhatian. Hindi ito ang layon ng Diyos para sa sangkatauhan. Ang Diyos ay naparito para gumawa sa lupa upang iligtas ang tiwaling sangkatauhan; walang kasinungalingan dito. Kung mayroon, tiyak na hindi sana Siya naparito upang gawin ang Kanyang gawain nang personal. Dati-rati, ang Kanyang paraan ng pagliligtas ay may kasamang pagpapakita ng sukdulang pag-ibig at habag, kaya ibinigay Niya ang lahat Niya kay Satanas kapalit ng buong sangkatauhan. Ang kasalukuyan ay hindi kagaya ng nakaraan: Ang kaligtasang ipinagkaloob sa inyo ngayon ay nangyayari sa panahon ng mga huling araw, kung kailan ibinubukod ang bawat isa ayon sa uri; ang paraan ng inyong kaligtasan ay hindi pag-ibig o habag, kundi pagkastigo at paghatol, upang ang tao ay maaaring mas lubusang maligtas(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Isantabi ang mga Pagpapala ng Katayuan at Unawain ang Kalooban ng Diyos na Maghatid ng Kaligtasan sa Tao). Kaya dapat nating pag-aralan at unawain kung paano tayo ginaganyak ng pagnanasa sa mga pagpapala at kung paano transaksiyonal ang ugnayan natin sa Diyos. Dapat ding lalo pa tayong magbasa ng mga salita ng Diyos at isagawa ang mga ito sa mga buhay natin, tanggapin ang paghatol at pagkastigo sa mga salita ng Diyos, tanggapin ang pakikitungo, pagtatabas, mga pagsubok, at mga pagpipino, at hanaping makamit ang pagkadalisay at pagbabago sa mga tiwali nating disposisyon. Nasa mga kamay ng Diyos kung bubuti ang karamdaman mo, at dapat tayong magpasakop sa mga pagsasaayos at paghahanda ng Diyos.”

Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga kapatid na babae, naunawaan kong hindi sapat ang pagtamasa ng biyaya ng Diyos upang baguhin ang mga satanikong disposisyon natin. Tanging sa pamamagitan ng pagtanggap ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw natin maaalis sa mga sarili natin ang mga tiwali nating disposisyon, mababawi ang konsensya at katwiran natin, at sa gayo’y makakamit ang pagliligtas ng Diyos at magiging kaayon ng Kanyang kalooban. Maaaring matanggap ng lahat ng Kristiyanong yaon na hindi tinatanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ang saganang biyaya ng Diyos, pero nabubuhay pa rin sila sa paulit-ulit na paggawa at pangungumpisal ng mga kasalanan. Ito ay dahil hindi pa nalilinis ang kanilang mga tiwaling disposisyon, kaya naglalakbay sila at ginugugol ang mga sarili nila sa paglalayong makamit ang mga pagpapala at biyaya ng Diyos. Sa ibang salita, nais nilang makipagtawaran sa Diyos at, dahil doon, hindi nila kailanman makakamit ang pagsang-ayon Niya. Pagkatapos kong maunawaan ang kalooban ng Diyos, tumigil ako sa paghiling sa Diyos na pagalingin ang karamdaman ko at sa halip matatag akong nangakong mananalig sa Diyos at sasambahin ang Diyos maging gaano man kabuti o kasama ang kalagayan ko. Itinuon ko ang sarili ko sa pagganap ng mga tungkulin ko bilang isa sa mga nilikha, paghahabol sa mga katotohanan at paghahangad na mas masigasig na makilala ang Diyos, pag-alis sa sarili ko ng mga tiwali kong disposisyon, at pamumuhay na gaya ng isang tunay na tao upang mapalugod ang Diyos. Noong magsimula akong isagawa ang lahat ng ito, nakaramdam ako ng malaking pagpapalaya sa puso ko at hindi ko na naramdamang nakatali o napipigilan ako ng sakit ng karamdaman ko, at hindi na ako lubhang takot na mamatay. Ang ninais ko lang ay ang ganap na maibigay ang sarili ko sa Diyos at sundin ang mga utos at pagsasaayos Niya.

Pagkatapos noon, madalas akong nakipagtipon sa mga kapatid upang basahin ang mga salita ng Diyos, magbahaginan tungkol sa mga katotohanan, at umawit ng mga himnong papuri sa Diyos. Pakiramdam ko ay labis na napayaman ang puso ko, at kasabay ng pagpapayamang ito ang kabawasan sa pagdurusa ko. Ang mas mahiwaga ay na, nang halos hindi ko namamalayan, nagsimulang mawala ang pamamanhid sa mga binti ko at dahan-dahan akong nagsimulang makamit muli ang kakayahang maglakad, at kalaunan ay lubos na hindi ko na kailangang umasa pa sa isang wheelchair. Ang lalo pang hindi inaasahan ay na biglang bumalik ang paningin ko isang araw at nagawa kong makita ang mga salitang nakasulat sa mga aklat ng mga salita ng Diyos. Nakikita ko na sa wakas ang mga salita ng Diyos! Hindi ako makapaniwala, pero talagang nakaranas ako ng isang himala. Hindi maipaliwanag ang ligayang nadama ko sa puso ko, at kaya patuloy akong nanalangin sa Diyos, pinapasalamatan at pinupuri Siya. Nang sabik kong sinabi ang magandang balita sa asawa ko, napuno siya ng emosyon. Paulit-ulit niyang sinabi, nang may mga luha sa mga mata niya, “Salamat Diyos ko, salamat Diyos ko!” Oo, totoo ito—nagpasakop lang ako nang kaunti sa Diyos at iginawad sa akin ng Diyos ang malaking pagpapalang ito. Malalim kong naramdaman na kahit na hindi kasama ang paggawa ng mga himala sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, higit na nalalampasan ng awtoridad ng mga salita ng Diyos ang awtoridad ng mga himala ng Diyos. Talagang ang Diyos ay ang Diyos na makapangyarihan sa lahat, ang Diyos na mahal ang mga tao!

Isang araw, nasa ospital ng nayon ang asawa ko at nakasalubong niya ang doktor na pangunahing responsable sa paggamot sa akin. Tinanong siya ng doktor kung paano na sumusulong ang paggamot sa sakit ko sa bato at kung ginagamit ba ang dialysis. Sumagot ang asawa ko: “Hindi siya nag-dialysis pero bumubuti na ang kalagayan niya. Nakakalakad na siya ngayon, at nakakakita na rin siya!” Gulat na gulat ang doktor, at sinabing: “Puwes, isa iyang himala. Akala ko matagal-tagal na siyang nagda-dialysis ngayon.”

Sa mga araw na ito namumuhay ako ng isang normal na buhay. Palaging ipinapahayag ng mga kamag-anak, kaibigan, at kapitbahay ko ang pagkagulat nila at sinasabi ang mga bagay gaya ng: “Hindi ko inakala kailanman na bubuti ang kalagayan mo nang napakabilis. Para kang isang normal na tao sa katawan at sa isip!” Tuwing nakakarinig ako ng ganito bumabanggit ako ng ilang tahimik na salita ng pasasalamat sa Diyos: “O Diyos, hindi ko makakalimutan kailanman, sa buong buhay ko, ang pagmamahal na ipinakita Mo sa akin at ang pagliligtas Mo. Kahit wala akong magagawa para sa Iyo, nagpapasya akong sundin Ka, sambahin Ka at gawin ang tungkulin ko bilang isa sa mga nilikha Mong nilalang habang nabubuhay ako upang suklian ang pagmamahal Mo.” Malalim akong naging tiwali, noong simula ay hindi ko kinilala ang pag-iral ng Diyos, at paulit-ulit kong tinanggihan ang pagliligtas ng Diyos, pero hindi lang sa hindi nagalit sa akin ng Diyos dahil sa mga paglabag ko iniligtas pa Niya ako sa isang tunay na napakagandang paraan. Nakamit ko ang napakalaking awa ng Diyos, at alam kong ganap akong hindi karapat-dapat sa ganoong biyaya. Naipakita sa akin ng malalakas at matitibay na karanasang ito na hindi maililigtas ng agham at kaalaman ang mga tao, kundi magdadala lang sa mga tao ng walang tigil na pagdurusa, takot, at kamatayan. Tanging ang Lumikha at Namumuno ng lahat ng bagay sa sansinukob ang makakapagbigay sa mga tao ng buhay at ng tustos na kailangan nila. Ang Diyos ang tanging saligan para sa pananatiling buhay ng sangkatauhan, at ang tanging pag-asa at pagtubos ng sangkatauhan. Ang tanging pag-asa ng mga tao upang magkaroon ng mabuting kapalaran ay ang sambahin ang Diyos. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa pagliligtas sa akin—isang taong malalim na nalinlang ni Satanas at malapit na sa kamatayan—mula sa impluwensya ni Satanas. Binuhay akong muli ng Diyos at dinala akong muli sa harap Niya, ang Lumikha ng lahat ng bagay. Naglalakad na ako ngayon sa maningning na landas ng buhay!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Ganitong Uri ng Paglilingkod ay Tunay na Napakasama

Ang mga salita ng Diyos ang muling nagdala sa akin ng kabatiran kung paano na ang paglilingkod ko sa Diyos ay isa talagang pagsasaksi sa aking sarili at pagtataas sa aking sarili at tinulungan akong makita ang malubhang kahihinatnan ng pag-uugaling ito. Tinulungan ako ng mga salita ng Diyos na makita na yaong kalikasan ko, na tulad ng sa arkanghel, ay magdudulot upang ako ay maging isang malupit na bandido, at magsasanhi ng isang malaking kapahamakan.