Dapat ba Tayong Mamuhay Ayon sa Tradisyunal na Kabutihan?

Disyembre 11, 2024

Ni Edwige, France

Noong nasa elementarya ako, may teksto na nag-iwan ng malalim na impresyon sa akin—ang kuwento ng pagbibigay ni Kong Rong ng mga peras. Ibinigay ni Kong Rong ang pinakamalalaking peras sa kanyang mga nakatatanda at nakababatang kapatid, habang kinuha niya ang pinakamaliit, na umani ng papuri ng kanyang ama. Ang kuwento niya ay nakatala sa Three Character Classic. Noong panahong iyon, talagang hinangaan ko ang mabuti niyang pag-uugali, at sinabi ko sa sarili ko na dapat maging ganoon din akong bata. Kaya, mula pagkabata, kapag mayroon akong anumang bagay na talagang masarap o nakatutuwa, kahit na gustung-gusto ko ito para sa sarili ko, ginagaya ko si Kong Rong at ibinibigay ito sa aking mga nakatatanda at nakababatang kapatid na babae, at hindi kailanman nakikipag-away para dito. Dahil dito, gustung-gusto ako ng mga kapatid ko, at lalo pa akong pinupuri ng mga nakatatanda sa akin, at sinasabi sa ibang mga bata na matuto sa akin. Dahil dito, naisip ko na ito ang uri ng pagkatao at karakter na dapat taglayin ng mga tao. Pagkatapos manalig sa Diyos, ganito ko rin nakasundo ang aking mga kapatid. Sa aking tungkulin at buhay, hindi ako kailanman nakipag-away para sa mga bagay-bagay. Sa lahat ng bagay, palagi kong inuuna ang iba. Kaya naman, maayos ang pagtanggap sa akin ng mga kapatid, at sinabi ng lahat na madali akong pakisamahan, hindi makasarili, at maalalahanin sa iba. Ipinagmamalaki ko talaga ang aking sarili sa pag-uugaling ito, at palagi kong iniisip na mabuti ang sarili kong pagkatao. Kalaunan, pagkatapos maibunyag ng ilang katunayan, nagkamit ako sa wakas ng kaunting pagkaunawa sa aking maling pananaw.

Noong Enero ng 2022, dahil sa mga pangangailangan ng gawain ng ebanghelyo, kinailangang maghanap ng maraming bagong manggagawa ng ebanghelyo at pagdidilig, kaya kinailangan kong patuloy na maghanap ng mga tagapagdilig na angkop linangin. Minsan, kapag nakakikita ako ng mga kapatid na angkop sa pagdidilig, nauunahan na ako sa kanila ng mga manggagawa sa ebanghelyo. Hindi ko talaga ito ikinatutuwa, pero nahihiya akong sabihin, dahil inakala ko na iisipin ng lahat na makasarili ako at nakikipagpaligsahan. Kaya, nakaisip ako ng isang pamamaraan. Sinadya kong magpadala ng mensahe sa diyakono ng pagdidilig, sinasabi sa kanya na ang mga taong angkop sa pagdidilig ay kinukuha ng mga manggagawa ng ebanghelyo. Dahil dito nagkaroon ng masamang palagay ang diyakono ng pagdidilig laban sa mga manggagawa sa ebanghelyo at naging imposible ang maayos na pagtutulungan sa pagitan nila. Nang malaman ito ng isang nakatataas na lider, mahigpit niya akong pinungusan at inilantad ako sa pagsasabi ng mga bagay para maghasik ng hidwaan at sa paggambala sa gawain ng iglesia. Nalungkot ako nang mapungusan, pero hindi ko pinagnilayan o kinilala ang sarili ko sa anumang paraan.

Kalaunan, isang araw, nabalitaan ko na ang isang kapatid na nagngangalang Lyse ay may mahusay na kakayahan at pang-unawa, kaya angkop na angkop siya para sa gawain ng pagdidilig. Pinuntahan ko ang lider ng iglesia para hilingin na ilipat ang kapatid na ito para magdilig ng mga baguhan. Pero dahil agad na nangangailangan ng mga taong mangangaral ng ebanghelyo, ipinadala ng lider ng iglesia si Lyse para gampanan ang tungkuling iyon. Nang mabalitaan ko ito, pakiramdam ko ay masyado akong naagrabyado, at gusto kong kausapin ang lider ng iglesia tungkol dito, pero naisip ko, kung gagawin ko ito, tiyak na iisipin ng mga kapatid na makasarili ako at mahilig makipag-away para sa bagay-bagay. Sabi ko sa sarili ko, “Hindi, hindi ko ito gagawin. Sa ganoong paraan, magmumukha akong may magandang kalooban at mabait.” Kaya, pinigilan ko ang aking sama ng loob, paimbabaw kong sinabi na masaya ako para kay Lyse, at na ang gawain ng pagdidilig at gawain ng ebanghelyo ay kapwa gawain ng iglesia. Hindi nagtagal, narinig kong sinabi ng lider ng iglesia, “May mahusay na kakayahan si Brother Jerome at dalisay na pagkaunawa.” Gusto kong pumunta ang kapatid na ito para magdilig ng mga baguhan, pero sa hindi inaasahan, sinabi ng lider ng iglesia na ipinadala na niya si Brother Jerome para maging manggagawa ng ebanghelyo. Hindi ko na ito matanggap. Nung huling beses, hiniling niyang mangaral ng ebanghelyo si Lyse. Bakit niya itinalaga rin si Jerome sa gawain ng ebanghelyo? Kailangan namin ng mga tao na gagawa ng gawain ng pagdidilig. Kaya, sinabi ko sa lider ng iglesia ang tungkol sa sitwasyon. Pagkatapos makinig sa akin, sinabi niya, “Dahil mas kailangan siya sa gawain ng pagdidilig, ipauubaya ko na sa iyo si Jerome.” Pero napagtanto ko na dahil ipinadala na siya ng lider ng iglesia para gumawa ng gawain ng ebanghelyo, kung magpupumilit akong kunin siya, baka sabihin ng mga manggagawa ng ebanghelyo na makasarili ako at pinipilit kong kunin ang magagaling na tao. Kaya, nagpasya akong hayaan na lang siyang mangaral ng ebanghelyo. Maipakikita nito na mayroon akong mabuting pagkatao, na hindi ako makasarili, at kaya kong isaalang-alang ang iba. Sa grupo, nagmensahe ako na magiging isang mabuting manggagawa ng ebanghelyo si Jerome at nagpadala ng maraming masasaya at nagdiriwang na emoji. Sa totoo lang, pagpapanggap ang lahat ng iyon. Masama ang loob ko at puno ako ng reklamo. Paano naisip ng lider na ang gawain ng ebanghelyo lang ang nangangailangan ng mabubuting tauhan? Hindi niya nakita ang mga aktuwal na paghihirap namin. Habang mas iniisip ko ito, mas lalo kong nararamdamang naagrabyado ako.

Makalipas ang ilang araw, may isa pang nangyari—hiniling sa amin ng lider na mag-ulat tungkol sa mga nilinang na tauhan kamakailan. Nakita ko na ang mga manggagawa ng ebanghelyo ay naglilinang ng mas maraming tao kaysa sa aming mga manggagawa ng pagdidilig, at hindi ko na ito matiis. Agad na napuno ng kawalang-kasiyahan at hinaing ang isipan ko. Hindi ko akalain na napakarami nilang nililinang na tao. Hinayaan ko pa nga sila na kunin sina Lyse at Jerome. Masyadong hindi patas iyon! Ngayon, mas marami nang manggagawa ng ebanghelyo kaysa sa mga manggagawa ng pagdidilig. Nang maisip ko ang napakalaking bilang ng mga baguhan sa hinaharap, at kung gaano kakaunti ang mga tauhan ng pagdidilig na mayroon kami, nakaramdam ako ng labis na kagipitan, pati na rin ng prehuwisyo laban sa lider ko. Parang gawain ng ebanghelyo lang ang iniisip niya, at na walang nag-iisip sa gawain ng pagdidilig. Habang mas iniisip ko iyon, mas lalo akong nalungkot, at hindi ko napigilang umiyak. Habang pinapanood ang diyakono ng ebanghelyo at lider ng iglesia na masiglang nag-uusap tungkol sa mga baguhan sa grupo, pakiramdam ko ay isa akong tagalabas. Sobra akong nadismaya na ginusto ko pa ngang umalis sa grupo. Sa tanghali nung araw na iyon, napakamiserable ko na hindi ako makakain. Nakahiga ako sa kama nang mag-isa at humihikbi; pakiramdam ko, kapag nagpatuloy ako nang ganito, tiyak na magkakasakit ako. Nang makita ng isang kapatid ang aking kalagayan, sinabi niya na hindi ako direktang nagsalita at nagkunwari ako para isipin ng iba na mapagbigay ako at tingalain nila ako. Pagkatapos ng paalala ng kapatid ko, sa wakas ay sinimulan kong pagnilayan ang sarili ko. Sa salita ng Diyos, binasa ko ang mga siping ito: “Alam ba ninyo kung ano talaga ang isang Pariseo? Mayroon bang mga Pariseo sa paligid ninyo? Bakit tinatawag na ‘mga Pariseo’ ang mga taong ito? Paano inilalarawan ang mga Pariseo? Sila ay mga taong ipokrito, ganap na huwad, at nagpapanggap sa lahat ng kanilang ginagawa. Anong pagpapanggap ang ginagawa nila? Nagkukunwari silang mabuti, mabait, at positibo. Ganito ba sila talaga? Hinding-hindi. Dahil mga ipokrito sila, lahat ng nakikita at nalalantad sa kanila ay huwad; lahat ito’y pagkukunwari—hindi ito ang kanilang tunay na mukha. Saan nakatago ang tunay nilang mukha? Nakatago ito sa kaibuturan ng kanilang puso, hindi makikita ng iba kahit kailan. Ang lahat ng nakikita ay isang palabas, lahat ng ito ay hindi totoo, ngunit maaari lamang nilang maloko ang mga tao; hindi nila maloloko ang Diyos. … Para sa iba, ang mga ganoong tao ay tila napakataimtim at mapagpakumbaba, pero hindi talaga ito totoo; tila mapagparaya, matiisin, at mapagmahal sila, pero pagkukunwari talaga ito; sinasabi nilang mahal nila ang Diyos, ngunit ang totoo ay palabas lamang ito. Iniisip ng iba na ang mga ganoong tao ay banal, pero huwad talaga ito. Saan matatagpuan ang isang taong tunay na banal? Ang kabanalan ng tao ay pawang huwad. Palabas lang ang lahat, isang pagpapanggap. Sa tingin, mukha siyang matapat sa Diyos, ngunit ang totoo ay gumagawa lamang siya para makita ng iba. Kapag walang nakatingin, hindi siya matapat ni katiting, at lahat ng ginagawa niya ay hindi pinag-isipan. Sa panlabas, ginugugol niya ang kanyang sarili para sa Diyos at tinalikuran na niya ang kanyang pamilya at propesyon. Pero ano ang ginagawa niya nang palihim? Nagsasagawa siya ng sarili niyang gawain at nagpapatakbo ng sarili niyang operasyon sa iglesia, kumikita mula sa iglesia at palihim na nagnanakaw ng mga handog sa pagkukunwaring gumagawa para sa Diyos…. Ang mga taong ito ang makabagong-panahong mga mapagpaimbabaw na Pariseo(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Anim na Pahiwatig ng Paglago sa Buhay). “Kung ang hinahangad mo ay ang katotohanan, at ang isinasagawa mo ay ang katotohanan, at ang batayan ng iyong mga pananalita at kilos ay ang mga salita ng Diyos, ang mga katotohanang prinsipyo, at kung makikinabang at magkakamit ang iba mula sa iyo, hindi ba’t pareho kayong makikinabang doon? Kung sa pamumuhay na napipigilan ng pag-iisip sa tradisyunal na kultura, nagpapanggap ka habang gayon din ang ginagawa ng iba, at nagpapakita ka ng magagandang pag-uugali habang yumuyukod sila at tumatango, bawat isa ay nagpapanggap sa isa pa, walang sinuman sa inyo ang mabuti. Buong araw kayong yumuyukod at tumatango at nagpapakitaan ng magagandang pag-uugali, nang walang sinasabing katotohanan, mabubuting pag-uugali lamang ang kinakatawan sa buhay gaya ng itinataguyod ng tradisyunal na kultura. Bagama’t nakasanayan na ang gayong pag-uugali kung titingnan, puro pagpapaimbabaw iyon, pag-uugaling nanlalansi at nanlilihis sa iba, pag-uugaling nililinlang at nilalansi ang mga tao, nang walang taos-pusong salitang maririnig. Kung makikipagkaibigan ka sa gayong tao, malamang na malilinlang at malalansi ka sa huli. Walang makakamit na anumang magpapasigla sa iyo mula sa kanyang mabuting pag-uugali. Ang maituturo lang nito sa iyo ay kasinungalingan at panlalansi: Nilalansi mo sila, nilalansi ka nila. Ang madarama mo sa huli ay matinding pagkainsulto ng iyong integridad at dignidad, na kakailanganin mo na lang tiisin. Kakailanganin mo pa ring ipresenta ang iyong sarili nang may paggalang, sa may pinag-aralan at matinong paraan, nang hindi nakikipagtalo sa iba o humihingi ng sobra-sobra sa kanila. Kakailanganin mo pa ring magpasensya at magparaya, nagkukunwaring kalmado at mapagbigay nang may maningning na ngiti. Gaano karaming taon ng pagsisikap ang kailangan para makamtan ang gayong kondisyon! Kung pipilitin mo ang sarili mo na mamuhay nang ganito sa harap ng iba, hindi ka ba mapapagod sa buhay mo? Ang magkunwaring napakalaki ng iyong pagmamahal, kahit alam na alam mo namang wala ka noon—hindi madali ang gayong pagpapaimbabaw! Lalo mong madarama ang kapaguran ng pag-asal sa ganitong paraan bilang isang tao; mas gugustuhin mo pang maisilang bilang isang baka o kabayo, isang baboy o aso sa susunod mong buhay kaysa bilang isang tao. Magiging masyado silang huwad at masama para sa iyo(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 3). Ibinubunyag ng Diyos na ang mga tao ay namumuhay sa pagpapaimbabaw batay sa mga ideya ng tradisyunal na kultura, na nagdudulot lang ng pasakit, depresyon, at pagsasarili. Labis itong nakaaantig, dahil napahamak ako nang husto ng mga ideyang ito. Lalo na nang mabasa ko ang: “Ang magkunwaring napakalaki ng iyong pagmamahal, kahit alam na alam mo namang wala ka noon—hindi madali ang gayong pagpapaimbabaw!” Sobra akong napahiya—inilarawan ako ng mga salitang ito. Malinaw na hindi gaanong mapagbigay, pero nagpanggap ako na mapagbigay, at hindi ko isinasaalang-alang ang gawain ng iglesia, pero nagkunwari pa rin akong isinasaalang-alang ko iyon. Nang hilingin kina Lyse at Jerome na ipangaral ang ebanghelyo, halatang nag-aatubili talaga ako, pero pinilit kong ngumiti, at nagpadala pa nga ng mensahe na nagsasabing masaya ako na ipinangangaral nila ang ebanghelyo. Naging napakahuwad at mapagkunwari ako! Inihahayag ng salita ng Diyos na ang mga Pariseo ay mga mapagpaimbabaw na palaging nagpapanggap. Sa panlabas, may mabuti silang pagkatao, at mapagparaya at mapagpasensya, mapagpakumbaba, at maka-Diyos. Ang totoo, ginagamit nila ang mga pamamaraang ito para ilihis at siluin ang mga tao, para protektahan ang kanilang katayuan at mga posisyon. Ang diwa nila ay pagkamuhi sa katotohanan at sa Diyos, kaya naman kinondena sila ng Panginoong Jesus bilang mga ahas at nagpahayag ng kapahamakan sa kanila. Habang pinagninilayan ko ang mga bagay na ito, natakot ako. Ang aking mga pagpapanggap ay katulad mismo nang sa mga Pariseo. Sa ilang pagtatalaga ng mga tauhan, ipinakita ko na hindi ako nakikipag-away sa iba, at gusto kong kasangkapanin ito para sa magandang pagtingin ng iba. Sinabi ko na dapat kong unahin ang mga interes ng iglesia sa lahat ng bagay, pero ang talagang isinasaalang-alang ko ay ang sarili kong imahe. Nag-alala ako na sasabihin ng mga manggagawa ng ebanghelyo na makasarili ako, may masamang pagkatao, at hindi isinasaalang-alang ang gawain ng iglesia, kaya kinailangan kong pigilan ang sarili ko. Bagaman sa panlabas ay mukha akong may mapagbigay at may mabuting kalooban, nakaramdam ako ng matinding sakit at labis na sama ng loob, at nagkaroon pa nga ako ng prehuwisyo laban sa lider ng iglesia at diyakono ng ebanghelyo. Pero itinago ko ang mga saloobing ito kung saan hindi nila makita, para isipin ng mga kapatid ko na may mabuti akong pagkatao at kaya kong itaguyod ang gawain ng iglesia. Pinagnilayan ko ang aking mga layunin at kung ano ang ibinunyag ko, at nasuklam ako sa aking pag-uugali. Nilihis at inakit ko ang mga tao gamit ang aking panlabas na mabubuting gawa at bumuo ako ng sarili kong imahe—ang lahat ng sinabi at ginawa ko ay kasuklam-suklam at kamuhi-muhi sa Diyos.

Kalaunan, ilang beses akong nakinig sa pagbabahagi ng Diyos na sumusuri sa tradisyonal na kultura at kabutihan, at nagsimula akong pagnilayan ang sarili ko at ang uri ng tradisyonal na mga ideyang pangkultura na kumokontrol sa akin para mamuhay ako nang napakapaimbabaw at napakahirap. Nabasa ko ang ilang salita ng Diyos: “May isang kuwento sa tradisyunal na kultura tungkol sa pagpapaubaya ni Kong Rong sa mas malalaking peras. Ano sa palagay ninyo: Hindi ba mabuting tao ang sinumang hindi kayang maging katulad ni Kong Rong? Dati-rati ay iniisip ng mga tao na sinumang kayang maging katulad ni Kong Rong ay marangal ang karakter at matibay ang integridad, isinasakripisyo ang sarili niyang mga interes alang-alang sa iba—isang mabuting tao. Isa bang huwaran si Kong Rong ng makasaysayang kuwentong ito na tinularan ng lahat ng tao? May partikular na puwang ba ang taong ito sa puso ng mga tao? (Oo.) Hindi ang kanyang pangalan, kundi ang kanyang mga kaisipan at gawi, kanyang moralidad at pag-uugali, ang may puwang sa puso ng mga tao. Hinahangaan ng mga tao ang gayong mga gawi at sinasang-ayunan ang mga iyon, at sa loob nila ay hinahangaan nila ang wastong asal ni Kong Rong(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 10). “Ang impluwensiya ng tradisyonal na kultura sa mga intelektuwal ay napakalalim. Bukod sa tinatanggap nila ang tradisyonal na kultura, tinatanggap din nila sa kanilang puso ang maraming ideya at pananaw na mula sa tradisyonal na kultura at itinuturing na mga positibong bagay ang mga ito, kahit hanggang sa puntong itinuturing nila ang ilang sikat na kasabihan bilang mga salawikain, at sa paggawa nito, sila ay nasasadlak sa maling landas ng buhay. Ang tradisyonal na kultura ay kinakatawan ng doktrinang Confucianista. Ang doktrinang Confucianista ay mayroong kabuuang hanay ng mga ideolohikang teorya, pangunahin nitong isinusulong ang tradisyonal na kulturang moral, at ito ay iginagalang ng mga naghaharing uri ng mga dinastiya sa buong kasaysayan, na nagbigay-galang kina Confucius at Mencius bilang mga santo. Isinusulong ng doktrinang Confucianista na ang isang tao ay dapat magtaguyod sa mga prinsipyo ng kabutihan, katuwiran, kagandahang-asal, karunungan, at pagiging mapagkakatiwalaan, matuto muna na maging kalmado, mahinahon at mapagpasensiya sa tuwing nangyayari ang mga bagay-bagay, maging kalmado at pag-usapan ang mga bagay-bagay, huwag makipag-away o makipag-agawan sa mga bagay-bagay, at matutong maging magalang na nagpapaunlak, at magkamit ng respeto mula sa lahat—ito ay kagandahang-asal. Inilalagay ng mga intelektuwal na ito ang kanilang sarili sa mas mataas na posisyon kaysa sa mga karaniwang tao, at sa mga mata nila, ang lahat ng tao ay mga pakay ng kanilang pagtitiis at pagpaparaya. Ang mga ‘mga epekto’ ng kaalaman ay napakaganda! Ang mga taong ito ay lubos na nahahawig sa mga huwad na maginoo, hindi ba? Ang mga taong nakakakuha ng napakaraming kaalaman ay nagiging mga huwad na ginoo. Kung ilalarawan sa isang parirala ang grupong ito ng mga pinong-kumilos na iskolar, ito ay tatawaging pinong kagandahan ng pagiging iskolar. … Nagpapakadalubhasa sila sa pag-aaral at paggaya sa pinong tikas na ipinapakita ng mga maginoo. Sa anong tono at paraan sila nakikipag-usap at nakikipagtalakayan? Ang mga ekspresyon sa kanilang mukha ay napakabanayad, at nagsasalita sila nang magalang at may pagtitimpi. Ipinapahayag lang nila ang kanilang sariling mga pananaw at kahit na alam nila na mali ang mga pananaw ng iba, wala silang anumang sinasabi. Walang nananakit ng damdamin ng sinuman, at ang mga salita nila ay napakabanayad, na parang binalot sa bulak para hindi makasakit o makairita kaninuman, na nakakapagdulot sa isang tao na makaramdam ng pagkasuklam, pagkabalisa, o pagkagalit sa pakikinig pa lang sa mga ito. Ang totoo ay walang malinaw na pananaw ang sinuman, at walang nagpapaunlak kaninuman. Ang mga ganitong uri ng tao ay napakahusay magpanggap. Kapag nahaharap sa kahit na pinakamaliit na bagay, magpapanggap sila at pagtatakpan ang kanilang sarili, at wala sa kanila ang magbibigay ng malinaw na paliwanag. Sa harap ng mga ordinaryong tao, anong klaseng tindig ang nais nilang ipakita, at anong uri ng imahe ang nais nilang ipalabas? Ibig sabihin, para ipakita sa ordinaryong tao na sila ay mga disenteng maginoo. Ang mga maginoo ay mas angat kaysa sa iba at iginagalang sila ng mga tao. Iniisip ng mga tao na mayroon silang mas malalim na kabatiran kaysa sa mga karaniwang tao, at na mayroon silang mas mainam na pagkaunawa sa mga bagay-bagay kumpara sa mga karaniwang tao, kaya, kumokonsulta sa kanila ang lahat sa tuwing may isyu ang mga ito. Ito mismo ang kalalabasan na nais ng mga intelektuwal na ito, lahat sila ay umaasam na igalang sila bilang mga santo(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Unang Bahagi)). Tumpak na inilarawan ng salita ng Diyos ang problema ko. Bakit ko tiningnan bilang mga positibong bagay na dapat tularan ang mga paimbabaw na mabubuting gawa na ito? Ito ay dahil naimpluwensyahan ako ng tradisyonal na ideyang pangkultura ng pagbibigay ni Kong Rong ng mas malalaking peras. Namuhay ako ayon sa ideyang ito mula pa noong bata ako. Para isipin ng mga tao na isa akong mabuting bata, ibinigay ko sa mga kapatid ko ang marami sa mga paborito kong laruan at meryenda. Nang lumaki ako, nagpakita rin ako ng pagiging mapagbigay sa lahat ng bagay. Bagaman ginawa ko ito nang may pag-aatubili, naisip ko na tanging ang ganitong tao ang nagtataglay ng mabuting pagkatao at nakauunawa ng tamang asal, at na ito ang tanging paraan para makuha ko ang paghanga at paggalang ng iba, kaya mabigat sa loob akong nagtiis. Pagkatapos kong manalig sa Diyos, isinagawa ko pa rin ang tradisyunal na ideyang ito bilang katotohanan. Sa usapin ng pagtatalaga sa dalawang tauhan na ito, nagtiis na lang ako. Malinaw na may kakulangan ng mga tauhan sa pagdidilig, pero nagkunwari akong hindi makasarili at hinayaan ang dalawang taong angkop sa pagdidilig na mangaral ng ebanghelyo. Pinagmukha ako nitong napakarangal at mapagbigay, pero sa totoo lang, sa sobrang negatibo ko ay ilang beses akong umiyak nang patago dahil sa kakulangan ng tauhan. Nagkimkim ako ng masamang palagay laban sa lider ng iglesia, at sa huli, naantala ang gawain ng pagdidilig. Ano ang silbi ng “pagbibigay” nang ganoon? Alang-alang sa aking magandang imahe, umasta akong marangal katulad ni Kong Rong, at binalewala ko kung maaantala nito ang gawain ng iglesia. Isa akong tunay na mapagpaimbabaw. Kung talagang inalala ko ang gawain ng iglesia, sinuri ko sana ang pangangailangan namin sa mga tauhan batay sa aktuwal na mga pangangailangan ng gawain ng pagdidilig, pero para protektahan ang imahe ko, hindi ko talagang sinunod ang mga prinsipyo. Kahit nang maapektuhan ang gawain ng pagdidilig dahil sa kakulangan ng mga tauhan, ipinilit ko pa ring “mapagbigay” na ipaubaya ang mga tao. Nakuha ko ang papuri ng iba kapalit ng pagkaantala ng gawain ng pagdidilig. Hindi kataka-takang sinabi ng Diyos na ang gayong mga tao ay mapagpaimbabaw. Napagtanto kong naging huwad talaga ang pag-uugali ko.

Kalaunan, nabasa ko ang ilang salita ng Diyos na nakaantig sa akin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kailangan ay malinaw ninyong malaman na ang anumang uri ng kasabihan tungkol sa wastong asal ay hindi ang katotohanan, lalo nang hindi ito maaaring humalili sa katotohanan. Ni hindi mga positibong bagay ang mga ito. Kaya ano ba mismo ang mga iyon? Masasabi nang may katiyakan na ang mga kasabihang ito tungkol sa wastong asal ay mga heretikong maling paniniwala na ginagamit ni Satanas para ilihis ang mga tao. Hindi ang mga ito ang katotohanang realidad na dapat taglayin ng mga tao, ni hindi ito mga positibong bagay na dapat isabuhay ng normal na pagkatao. Ang mga kasabihang ito tungkol sa wastong asal ay binubuo ng mga panghuhuwad, pagkukunwari, palsipikasyon, at panlalansi—ito ay mga huwad na pag-uugali, at hindi talaga nagmumula sa konsensiya at katwiran ng tao o sa kanyang normal na pag-iisip. Samakatuwid, lahat ng kasabihan ng tradisyonal na kultura hinggil sa wastong asal ay mga kalokohan at kakatwang erehiya at maling paniniwala. Sa iilang pagbabahaging ito, ang mga kasabihang ipinapanukala ni Satanas tungkol sa wastong asal ay nakondena na mula sa araw na ito, nang buong-buo, hanggang kamatayan. Kung ni hindi positibo ang mga bagay na ito, paano ito natatanggap ng mga tao? Paano nakakapamuhay ang mga tao ayon sa mga ideya at pananaw na ito? Ito ay dahil ang mga kasabihang ito tungkol sa wastong asal ay nakaayon nang husto sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao. Pumupukaw ang mga ito ng paghanga at pagsang-ayon, kaya tinatanggap ng mga tao sa kanilang puso ang mga kasabihang ito tungkol sa wastong asal, at kahit hindi nila maisagawa ang mga ito, sa kanilang kalooban, tinatanggap at sinasamba nila ang mga ito nang buong kasiyahan. Kaya naman, gumagamit si Satanas ng iba’t ibang kasabihan tungkol sa wastong asal para ilihis ang mga tao, para kontrolin ang puso at pag-uugali nila, sapagkat sa puso nila, sinasamba at pikit-matang pinaniniwalaan ng mga tao ang lahat ng uri ng kasabihan tungkol sa wastong asal, at gusto nilang lahat na gamitin ang mga pahayag na ito para magkunwaring nakadarama sila ng mas higit na dignidad, karangalan, at kabaitan, sa gayon ay nakakamtan nila ang kanilang mithiin na lubos na maigalang at mapuri. Sa madaling salita, hinihingi ng lahat ng iba’t ibang kasabihan tungkol sa wastong asal na kapag may partikular na ginagawa ang mga tao, dapat silang magpakita ng kung anong uri ng pag-uugali o katangian ng tao na saklaw ng wastong asal. Ang mga pag-uugali at katangiang ito ng tao ay tila medyo marangal, at iginagalang, kaya lahat ng tao, sa puso nila, ay labis na hinahangad ang mga ito. Ngunit ang hindi nila naisaalang-alang ay na ang mga kasabihang ito tungkol sa wastong asal ay hindi talaga mga prinsipyo ng pag-asal na dapat sundin ng isang normal na tao; sa halip, ang mga ito ay iba-ibang mapagpaimbabaw na mga pag-uugali na maaaring ipakita ng isang tao. Ito ay mga paglihis sa mga pamantayan ng konsensiya at katwiran, mga paglayo mula sa kagustuhan ng normal na pagkatao. Gumagamit si Satanas ng mga hindi totoo at pakunwaring kasabihan tungkol sa wastong asal para ilihis ang mga tao, para sambahin nila ito at ang mga mapagpaimbabaw na tinatawag na marurunong, na nagiging sanhi para ituring ng mga tao ang normal na pagkatao at ang mga pamantayan para sa pag-asal ng tao bilang ordinaryo, simple, at mababang mga bagay. Kinasusuklaman ng mga tao ang mga bagay na iyon at iniisip na lubos na walang silbi ang mga iyon. Ito ay dahil ang mga kasabihan tungkol sa wastong asal na sinusuportahan ni Satanas ay lubos na kawili-wili sa paningin at lubos na nakaayon sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao. Gayunman, ang totoo, walang kasabihan tungkol sa wastong asal, kahit anupaman iyon, ang dapat sundin ng mga tao bilang isang prinsipyo sa kanilang pag-asal o sa kanilang mga pakikitungo sa mundo. Pag-isipan ninyo ito—hindi ba ganito nga? Sa diwa, ang mga kasabihan tungkol sa wastong asal ay mga utos lamang na mababaw na mamuhay ang mga tao nang mas may dignidad at marangal na buhay, para sambahin at purihin sila ng iba, sa halip na hamakin sila. Ang diwa ng mga kasabihang ito ay nagpapakitang mga utos lamang ito na magpakita ang mga tao ng mabuting wastong asal sa pamamagitan ng mabuting pag-uugali, sa gayon ay mapagtakpan at mapigilan ang mga ambisyon at matitinding hangarin ng tiwaling sangkatauhan, mapagtakpan ang masama at kasuklam-suklam na kalikasang diwa ng tao, pati na ang mga pagpapamalas ng iba’t ibang tiwaling disposisyon. Ang layon ng mga ito ay pagandahin ang personalidad ng isang tao sa pamamagitan ng paimbabaw na mabuting pag-uugali at mga gawi, para mapaganda ang tingin ng iba sa kanila at ang pagtingin ng mas malawak na mundo sa kanila. Ipinapakita ng mga puntong ito na ang mga kasabihan ukol sa wastong asal ay tungkol sa pagtatakip sa mga panloob na kaisipan, pananaw, mithiin, at layunin ng tao, sa kanilang kasuklam-suklam na mukha, at sa kanilang kalikasang diwa gamit ang paimbabaw na pag-uugali at mga gawi. Matagumpay bang mapagtatakpan ang mga bagay na ito? Hindi ba mas nagiging halata ang mga ito kapag pinagsisikapang pagtakpan ang mga ito? Ngunit walang pakialam si Satanas tungkol diyan. Ang pakay nito ay pagtakpan ang kasuklam-suklam na mukha ng tiwaling sangkatauhan, pagtakpan ang katotohanan ng katiwalian ng tao. Kaya, hinihikayat ni Satanas ang mga tao na gamitin ang mga pagpapamalas sa pag-uugali ng wastong asal para magpanggap, na nangangahulugang gumagamit ito ng mga tuntunin at pag-uugali ng wastong asal para gawing malinis ang buong anyo ng tao, na nagpapaganda sa mga katangian at personalidad ng isang tao upang igalang at purihin siya ng iba. Sa madaling salita, tinutukoy ng mga kasabihang ito tungkol sa wastong asal kung ang isang tao ay marangal o mababa batay sa mga pagpapamalas ng kanyang pag-uugali at mga moral na pamantayan(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 10). Matapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, saka ko lang naunawaan na palagi akong may maling pananaw, ito ay na tinrato ko ang kabutihan ng tradisyunal na kultura bilang pamantayan para masukat kung mabuti o masama ang pagkatao ng isang tao. Mali kong itinuring na ang kabutihan ay katotohanan, iniisip na ang mga taong may kabutihan ay may mabuting pagkatao. Sa totoo lang, ang kabutihan ay hindi ang prinsipyo ng buhay na dapat sundin ng mga tao. Isa itong pagpapaimbabaw, at sa diwa ito ay isang taktika at pamamaraang ginagamit ni Satanas upang ilihis at gawing tiwali ang mga tao. Ginagamit ni Satanas ang tradisyunal na kultura para itanim ang mga moral na pamantayan na susundin ng mga tao. Sa gayon ay makagagamit sila ng panlabas na mabubuting gawa para magpanggap at itago ang kanilang panloob na katiwalian at kapangitan bilang paraan para makuha ang mataas na pagtingin ng iba—dahil dito, lalong nagiging mapagpaimbabaw at mapanlinlang ang mga tao. Nakita kong naging ganoon din ako. Itinuring ko ang mga kabutihan ng tradisyunal na kultura bilang pamantayan para sa mga kilos ko. Bagaman mukhang hindi ako nakikipagpaligsahan sa iba, at nakakasundo ko sila, ang totoo, pinipilit ko lang ang sarili ko na gumawa ng mabubuti para sabihin ng mga tao na mabait ako, at para mapanatili ang imahe ko sa kanilang puso. Pero sinabi ko na isinasaalang-alang ko ang gawain ng iglesia. Masyado akong mapanlinlang!

Kalaunan, nabasa ko sa salita ng Diyos: “Dapat himayin ng isang taong nakakaunawa sa katotohanan ang iba’t ibang pahayag at hinihingi ng tradisyunal na kultura hinggil sa wastong asal. Dapat mong suriin kung alin sa mga iyon ang pinakapinahahalagahan mo, at laging kinakapitan, na palaging nagiging batayan at pamantayan mo sa paraan mo ng pagtingin sa mga tao at bagay-bagay, at sa paraan mo ng pag-asal at pagkilos. Pagkatapos, dapat mong ikumpara ang mga bagay na iyong kinakapitan sa mga salita at hinihingi ng Diyos, at tingnan kung ang mga aspektong ito ng tradisyunal na kultura ay sumasalungat o tumutunggali ba sa mga katotohanang ipinapahayag ng Diyos. Kung tunay ka ngang makakita ng problema, kailangan mong himayin kaagad kung nasaan mismo, ang mali at kakatwa sa mga aspektong ito ng tradisyonal na kultura. Kapag malinaw na sa iyo ang mga isyung ito, malalaman mo na kung ano ang katotohanan at ano ang maling paniniwala; magkakaroon ka ng landas ng pagsasagawa, at mapipili mo ang landas na dapat mong tahakin. Hanapin ang katotohanan sa ganitong paraan, at magagawa mong itama ang iyong pag-uugali(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 5). Mula sa salita ng Diyos, naunawaan ko na kung ayaw mong mamuhay ayon sa mga tradisyonal na ideyang ito, kailangan mo munang kilalanin at suriin ang mga bagay na ito, ilantad kung ano ang mga mali at kakatwa tungkol dito, kung paano nito nilalabag ang katotohanan, at kung ano ang mga kahihinatnan na idudulot ng pamumuhay ayon sa mga ito. Kapag malinaw mo nang nakita ang mga bagay na ito, saka mo lang mabibitawan ang mga ito at matatanggap ang katotohanan. Nagsimula akong mapaisip: Ang “pagbibigay” ba sa pagbibigay ni Kong Rong ng mas malalaking peras ay umaayon sa mga katotohanang prinsipyo? Ang “pagbibigay” bang ito ay isa sa mga hinihingi ng Diyos para sa normal na pagkatao? Mabubuting tao ba talaga ang mga nagtitiis sa lahat ng bagay? Ang sarili kong pikit-matang pagtitiis ay nagsanhi ng malubhang kakulangan ng tauhan sa gawain ng pagdidilig. Para maipakita ang pagiging mapagbigay at magtiis sa lahat ng bagay, marami akong sinambit na paimbabaw na kasinungalingan. Ang pagiging edukado sa mga tradisyunal na ideyang ito, sa halip na gawin akong isang mabuting tao, ay ginawa akong mapagpaimbabaw at mapanlinlang. Nang natamo ko ang mataas na pagtingin ng iba, hindi ako naging masaya—sa halip ay mas lalo akong nanlumo at naging miserable. Ito ang mga kinahinatnan ng pagsamba sa tradisyonal na kultura. Kung wala ang Diyos para ibunyag ang diwa ng tradisyunal na kultura, magiging bulag sana ako sa buong buhay ko. Hindi ko mapigilang magpasalamat sa Diyos sa pagpapahayag ng katotohanan at paghimay sa mga tradisyonal na ideyang ito, na nagbibigay-daan sa akin para mamulat.

Pagkatapos niyon, naisip ko, “Dahil ang kabutihan ng pagbibigay ni Kong Rong ng mas malalaking peras ay isang panlabas na mabuting pag-uugali lang, at hindi ibig sabihin na mayroon siyang mabuting pagkatao, ano ang tunay na mabuting pagkatao?” Nabasa ko sa salita ng Diyos: “Kailangang may pamantayan para sa pagkakaroon ng mabuting pagkatao. Hindi kasama rito ang pagtahak sa landas ng pagtitimpi, hindi pagkapit sa mga prinsipyo, pagsisikap na huwag makasakit ng sinuman, pagsipsip kahit saan ka magpunta, pagiging matatas at wais sa lahat ng iyong nakakasalamuha, at panghihikayat sa lahat na magsabi nang maganda tungkol sa iyo. Hindi ito ang pamantayan. Ano kung gayon ang pamantayan? Ito ay ang magawang magpasakop sa Diyos at sa katotohanan. Ito ay ang pagharap sa tungkulin at iba’t ibang uri ng tao, pangyayari, at mga bagay nang may mga prinsipyo at pagpapahalaga sa responsabilidad. Ito ay malinaw na nakikita ng lahat; ang lahat ay maliwanag tungkol dito sa kanilang puso. Bukod doon, sinisiyasat ng Diyos ang mga puso ng mga tao at inaalam ang kanilang sitwasyon, bawat isa sa kanila; kahit sino pa sila, walang makakaloko sa Diyos. Palaging ipinagyayabang ng ilang tao na nagtataglay sila ng mabuting pagkatao, na hindi sila kailanman nagsasabi nang masama tungkol sa iba, hindi kailanman pinipinsala ang mga interes ng sinuman, at sinasabi nilang hindi sila kailanman naghangad ng mga pag-aari ng ibang tao. Kapag mayroong pagtatalo sa mga interes, pinipili pa nga nilang dumanas ng kawalan kaysa samantalahin ang iba, at iniisip ng lahat ng iba na mabubuti silang tao. Gayunpaman, kapag ginagampanan ang kanilang mga tungkulin sa sambahayan ng Diyos, tuso at madaya sila, palaging nagbabalak para sa kanilang sarili. Hindi nila kailanman iniisip ang kapakanan ng sambahayan ng Diyos, hindi nila kailanman tinatrato na madalian ang mga bagay na tinatrato ng Diyos na madalian o nag-iisip gaya ng pag-iisip ng Diyos, at hindi nila kailanman kayang isantabi ang sarili nilang mga kapakanan upang magampanan ang kanilang mga tungkulin. Hindi nila kailanman tinalikdan ang sarili nilang mga kapakanan. Kahit na nakikita nilang gumagawa ng kasamaan ang masasamang tao, hindi nila inilalantad ang mga ito; wala silang mga prinsipyo o kung anuman. Anong uri ng pagkatao ito? Hindi ito mabuting pagkatao. Huwag ninyong pansinin ang sinasabi ng gayong mga tao; dapat ninyong tingnan ang kanilang ipinamumuhay, ang kanilang ibinubunyag, at ang kanilang saloobin kapag ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin, pati na ang kanilang kalagayang panloob at ang kanilang minamahal. Kung ang pagmamahal nila sa sarili nilang katanyagan at pakinabang ay nakahihigit sa kanilang katapatan sa Diyos, kung ang pagmamahal nila sa kanilang sariling katanyagan at pakinabang ay nakahihigit sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, o kung ang kanilang pagmamahal sa sarili nilang katanyagan at pakinabang ay nakahihigit sa konsiderasyong ipinapakita nila para sa Diyos, nagtataglay ba ang gayong mga tao ng pagkatao? Hindi sila mga taong may pagkatao. Nakikita ng iba at ng Diyos ang kanilang paggawi. Napakahirap para sa gayong mga tao na matamo ang katotohanan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagbibigay ng Isang Tao ng Puso Niya sa Diyos, Makakamit Niya ang Katotohanan). Mula sa salita ng Diyos, naunawaan ko na ang isang taong may tunay na mabuting pagkatao ay nagmamahal sa katotohanan at mga positibong bagay, responsable sa kanyang mga tungkulin, sumusunod sa mga katotohanang prinsipyo, at nagtataguyod sa gawain ng iglesia. Iyong mga taong mukhang walang napapasama ng loob, pikit-matang nagtitiis at walang prinsipyo, at mas pinipiling sila mismo ang magdusa ng kawalan kaysa samantalahin ang iba, bagaman mukha silang may mabuting karakter, sa kanilang mga tungkulin, palagi nilang hinahangad na protektahan ang sarili nilang mga interes, hindi kailanman isinasagawa ang katotohanan, at hindi kailanman isinasaalang-alang ang gawain ng iglesia. Ang ganitong mga tao ay wala ni katiting na mabuting pagkatao. Ayaw ko nang mamuhay ayon sa tradisyunal na kultura at maging isang paimbabaw na mabuting tao. Gusto kong isabuhay ang wangis ng tao ayon sa mga hinihingi ng Diyos.

Habang binabasa ko ang salita ng Diyos, nakahanap ako ng landas ng pagsasagawa. Sabi ng Diyos: “Dapat mong hanapin ang katotohanan upang malutas ang anumang problemang lumilitaw, anuman iyon, at huwag magbalatkayo o magkunwari para sa iba sa anumang paraan. Ang iyong mga kamalian, iyong mga kakulangan, iyong mga kasalanan, iyong mga tiwaling disposisyon—maging ganap na bukas tungkol sa lahat ng ito, at magbahagi tungkol sa lahat ng ito. Huwag mong itago ang mga ito. Ang pagkatutong buksan ang iyong sarili ang unang hakbang tungo sa buhay pagpasok, at ito ang unang sagabal, na siyang pinakamahirap daigin. Kapag nalampasan mo na ito, madali nang pumasok sa katotohanan. Ano ang ipinahihiwatig ng paggawa sa hakbang na ito? Nangangahulugan ito na binubuksan mo ang puso mo at ipinapakita ang lahat ng nasa loob mo, mabuti o masama, positibo o negatibo; inilalantad ang iyong sarili para makita ng iba at ng Diyos; walang itinatago sa Diyos, walang pinagtatakpan, walang ikinukubling anuman, walang panlilinlang at panloloko, at bukas at tapat din maging sa ibang mga tao. Sa ganitong paraan, nabubuhay ka sa liwanag, at hindi ka lamang susuriing mabuti ng Diyos, kundi makikita rin ng ibang mga tao na kumikilos ka nang may prinsipyo at may antas ng kalinawan. Hindi mo kailangang gumamit ng anumang mga pamamaraan para protektahan ang iyong reputasyon, imahe, at katayuan, ni hindi mo kailangang pagtakpan o ikubli ang iyong mga pagkakamali. Hindi mo kailangang makisangkot sa mga walang saysay na pagsisikap na ito. Kung mapapalagpas mo ang mga bagay na ito, labis kang mapapahinga, mamumuhay ka nang hindi napipigilan o walang pasakit, at mamumuhay ka nang lubusan sa liwanag(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Mula sa salita ng Diyos, naunawaan ko na hindi ako dapat magpanggap para magbigay ng huwad na imahe sa iba. Sa halip, dapat akong maging matapat, simple, at bukas na tao, at dapat akong magtapat at makipag-usap tungkol sa anumang problema o paghihirap na mayroon ako, para mas matulungan ako ng mga kapatid. Nang hindi ako magsalita, nang pikit-mata kong pinasan ang mga bagay-bagay at nagpanggap, naniwala ang lahat na walang kakulangan sa mga tauhan ng pagdidilig at inisip na maayos ang takbo ng gawain. Pero ang totoo, nagdurusa ako, at napipinsala ang gawain ng iglesia. Kaya, sadya na akong nagsagawa ayon sa salita ng Diyos at malinaw na ipinahayag sa mga kapatid ang mga paghihirap. Pagkatapos niyon, nagbigay silang lahat ng ilang tauhang kayang gumawa ng gawain ng pagdidilig. Dahil dito, nakita ko kung gaano kadali at kasiya-siya ang pagsasagawa ayon sa salita ng Diyos. Sa pamumuhay ayon sa tradisyunal na kultura, mas lalo lang tayong nagiging tiwali, mas lalong nagiging huwad at mapanlinlang, at mas lalong nagiging miserable. Ang pagsasagawa lang ng katotohanan ang nagtutulot sa ating maisabuhay ang wangis ng tao, maging tunay na mabubuting tao, at maranasan ang tunay na kapayapaan at kagalakan. Salamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Paglaya ng Puso

Ni Zheng Xin, USA Noong Oktubre ng 2016, nasa ibang bansa kami ng asawa ko noong tinanggap namin ang gawain. Makalipas ang ilang buwan, si...

Ang Mga Gapos ng Katiwalian

Ni Wushi, Tsina Marso 2020 nagpunta ako para magsagawa ng halalan sa isang iglesia na pinamamahalaan ko, at si Sister Chen ay nahalal...

Liitan ang Font Size
Lakihan ang Font Size
Pumasok sa Full Screen
Lumabas sa Full Screen