Sino ang Humahadlang sa Akin sa Landas Patungo sa Kaharian ng Langit?

Setyembre 18, 2023

Ni Hosea, Vietnam

Noong Agosto ng 2020, inimbitahan ako ng isang sister sa online na pagtitipon ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Sa pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, paghahanap, at pagsisiyasat, nakasiguro ako na ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang tinig ng Diyos, at na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Labis akong naantig, at sabik na sabik. Pinananabikan din ng mga kapatid kong lalaki ang pagbabalik ng Panginoon. Alam kong kailangan kong sabihin agad sa kanila ang magandang balita para matanggap din nila ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Kaya, ipinangaral ko ang ebanghelyo sa aking ikatlong kapatid, at sinabi niya sa aming panganay na kapatid, na lider ng simbahan, ang tungkol sa balita ng pagparito ng Panginoon. Sa hindi inaasahan, pagkatapos malaman ng aking panganay na kapatid, nagmamadali siyang pumunta sa bahay ko nung gabing iyon … “Hosea, sinabi mong nagbalik na ang Panginoong Jesus at gumagawa ng bagong yugto ng gawain? Paano ito naging posible? Pinatawad na ng Panginoong Jesus ang mga kasalanan natin. Sa pagbabalik Niya, deretso Niya tayong iaakyat sa kaharian ng langit. Paano kaya Siya makakagawa ng bagong gawain?” “Kapatid, ‘wag kang magalit sa’kin. Bagamat pinapatawad ng Panginoong Jesus ang ating mga kasalanan, nagkakasala pa rin tayo, at naroon pa rin ang ating makasalanang kalikasan. Sabi ng Diyos, ‘Kayo nga’y magpakabanal, sapagkat Ako’y banal(Levitico 11:45). Kapatid, hindi natin makikita ang Panginoon kung hindi tayo banal, at hindi tayo makapapasok sa kaharian ng langit kung hindi pa tayo nalinis sa kasalanan. Kailangan pa rin natin na gumawa ang Diyos ng gawain ng paghatol para alisin ang ating makasalanang kalikasan at lutasin ang ugat ng problema ng kasalanan—” “Ipinako sa krus ang Panginoong Jesus para pasanin ang lahat ng ating kasalanan. Hindi na tayo itinuturing ng Panginoon na makasalanan. Sabi mo hindi pa tayo nalinis, pero sariling ideya mo lang ‘yan. Hindi iyan sinasabi ng Bibliya. Hindi mo ba alam kung ano ang sinasabi ng Bibliya? ‘Sapagkat sa puso’y nananampalataya ang tao sa ikatutuwid; at ang ginagawang pagpapahayag sa bibig ay sa ikaliligtas’ (Roma 10:10). Hindi ba’t naligtas na tayo sa pamamagitan ng pananalig sa Panginoon? Bakit kailangan pang gumawa ng bagong gawain ang Panginoon?” “Kapatid, ang sinabi mo ay mga salita ni Pablo, hindi mga salita ng Panginoong Jesus. Hindi kailanman sinabi ng Panginoong Jesus na ang mga naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya ay makakapasok sa kaharian ng langit. Napakalinaw na sinasabi ng Panginoong Jesus kung sino ang makakapasok sa kaharian ng langit. ‘Hindi ang bawat nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit(Mateo 7:21). Kapatid, kailangan nating gawin ang kalooban ng Diyos at kumilos ayon sa mga salita ng Diyos para makapasok sa kaharian ng langit. Natutugunan ba natin ang pamantayang ito? Madalas pa rin tayong nagkakasala, at hindi natin naisasakatuparan ang mga salita ng Panginoon. Hinihiling ng Panginoong Jesus na mahalin natin ang ating kapwa gaya ng ating sarili. Nagagawa ba natin ‘yun? Bukod sa hindi natin sila kayang mahalin, naiinggit pa tayo, napopoot sa kanila, at madalas tayong namumuhay sa kasalanan. Hindi tayo karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit. Ito ang dahilan kung bakit nagbabalik ang Diyos sa mga huling araw para magsalita at gawin ang gawain ng paghatol. Ginagawa Niya ito para maalis ang makasalanang kalikasan ng mga tao, malutas ang ugat ng problema ng ating kasalanan, at lubusang linisin at iligtas ang mga tao. Mismong ang Panginoong Jesus ay nagpropesiya, ‘Siya na nagtatakwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga salita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:48). At ang sabi ng Bibliya, ‘Sapagkat dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos(1 Pedro 4:17).” “Tama na! Sinasabi mong may isa pang yugto ng gawain pagbalik ng Panginoon. Hindi ba’t nangangahulugan ‘yon na walang kabuluhan ang gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus? Hindi ba ito mauuwi sa wala?” Nang marinig ko ang sinabi ng kapatid ko, medyo nabahala ako. Paano ako makakapagbahagi para maunawaan niya ang gawain ng Diyos at maalis ang kanyang mga kuru-kuro? Noon ko naisip ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. “Bagama’t maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Nalinawan at naliwanagan ang puso ko sa mga salita ng Diyos. Sinabi ko sa kapatid ko, “Ang pagbabalik ng Diyos sa mga huling araw para gawin ang gawain ng paghatol ay hindi nangangahulugan na ang gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus ay walang kabuluhan. Pinatawad ng Panginoong Jesus ang mga kasalanan ng mga tao para hindi na sila kondenahin at patayin ng batas, pero ang ginawa ng Panginoong Jesus ay gawain lamang ng pagtubos, hindi ang gawain ng pagdadalisay at pagliligtas ng mga tao. Lahat tayo ay nabubuhay pa rin sa kasalanan. Kung wala ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, hindi tayo makakatakas mula sa kasalanan at makakapasok sa kaharian ng Diyos.” Nang makita niyang hindi niya ako mapabulaanan, nagalit siya nang husto at sinabing, “Sandali ka pa lang nananalig sa Makapangyarihang Diyos, pero marami ka nang natutunan. Anuman ang sabihin ko, may nasasabi ka para pabulaanan ako, kaya wala na akong masasabi pa sa’yo!” Pagkatapos nun, galit na galit siyang umalis. Naisip ko, “Nananalig siya sa Panginoon at araw-araw na nananabik sa pagparito ng Panginoon, kaya bakit, pagkatapos marinig ang pagbabalik ng Panginoon, bukod sa hindi niya ito siniyasat, nagalit pa nga siya? Siguro, sa sobrang dami niyang kuru-kurong panrelihiyon, hindi niya ito agad matanggap. Kailangan kong humanap ng isa pang pagkakataon para makapagbahagi sa kanya.”

Hindi nagtagal, ang dalawa kong hipag ay dumating sa bahay ko matapos malaman na nananalig ako sa Makapangyarihang Diyos … “Hosea, nananalig ka sa Makapangyarihang Diyos, nananalangin ka sa pangalang iyon, hindi sa pangalan ng Panginoon. Pagtataksil ito sa Panginoon at pagiging isang apostata.” “Hmm, sinasabi mo ‘yan dahil hindi mo pa nauunawaan. Hindi mo pa nabasa ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at hindi mo alam na Siya ang nagbalik na Panginoong Jesus. Ang Makapangyarihang Diyos at ang Panginoong Jesus ay iisang Espiritu at iisang Diyos. Gumagamit lang ang Diyos ng iba’t ibang pangalan sa iba’t ibang kapanahunan. Nung Kapanahunan ng Kautusan, ang pangalan ng Diyos ay Jehova, pero sa Kapanahunan ng Biyaya, ang pangalan ng Diyos ay Jesus. Nagbago ang pangalan ng Diyos, pero masasabi mo ba na ang Panginoong Jesus at si Jehova ay hindi iisang Diyos? Masasabi mo ba na ang pananalig sa Panginoong Jesus ay pagtataksil sa Diyos na si Jehova? Ang Makapangyarihang Diyos, ang Panginoong Jesus, at si Jehova ay iisang Diyos. Heto, ipapakita ko sa inyo ang isang video, at maiintindihan niyo.” Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Minsan na Akong nakilala bilang Jehova. Tinawag din Akong ang Mesiyas, at tinawag Akong minsan ng mga tao na Jesus na Tagapagligtas nang may pagmamahal at paggalang. Gayunman, ngayon ay hindi na Ako ang Jehova o Jesus na nakilala ng mga tao noong araw; Ako ang Diyos na bumalik na sa mga huling araw, ang Diyos na magbibigay-wakas sa kapanahunan. Ako ang Diyos Mismo na nagbabangon mula sa dulo ng daigdig, puno ng Aking buong disposisyon, at puspos ng awtoridad, karangalan, at kaluwalhatian. Hindi nakipag-ugnayan sa Akin ang mga tao kailanman, hindi Ako nakilala kailanman, at palagi nang walang-alam tungkol sa Aking disposisyon. Mula sa paglikha ng mundo hanggang ngayon, wala ni isa mang tao na nakakita sa Akin. Ito ang Diyos na nagpapakita sa tao sa mga huling araw ngunit nakatago sa tao. Nananahan Siya sa piling ng tao, tunay at totoo, tulad ng nagniningas na araw at naglalagablab na apoy, puspos ng kapangyarihan at nag-uumapaw sa awtoridad. Wala ni isa mang tao o bagay na hindi hahatulan ng Aking mga salita, at wala ni isa mang tao o bagay na hindi padadalisayin sa pamamagitan ng pagliliyab ng apoy. Sa huli, lahat ng bansa ay pagpapalain dahil sa Aking mga salita, at dudurugin din nang pira-piraso dahil sa Aking mga salita. Sa ganitong paraan, makikita ng lahat ng tao sa mga huling araw na Ako ang Tagapagligtas na nagbalik, at na Ako ang Makapangyarihang Diyos na lumulupig sa buong sangkatauhan. At makikita ng lahat na minsan na Akong naging handog dahil sa kasalanan para sa tao, ngunit na sa mga huling araw ay nagiging mga ningas din Ako ng araw na tumutupok sa lahat ng bagay, gayundin ang Araw ng katuwiran na nagbubunyag sa lahat ng bagay. Ito ang Aking gawain sa mga huling araw. Ginamit Ko ang pangalang ito at taglay Ko ang disposisyong ito upang makita ng lahat ng tao na Ako ay isang matuwid na Diyos, ang nagliliyab na araw, ang nagniningas na apoy, at upang lahat ay sambahin Ako, ang iisang tunay na Diyos, at upang makita nila ang Aking tunay na mukha: Hindi lamang Ako ang Diyos ng mga Israelita, at hindi lamang Ako ang Manunubos; Ako ang Diyos ng lahat ng nilalang sa buong kalangitan at sa lupa at sa karagatan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Nakabalik Na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang “Puting Ulap”). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, nagbahagi ako sa mga hipag ko, “Nagbabago ang pangalan ng Diyos batay sa kapanahunan at yugto ng gawain ng Diyos. Ang Diyos ay may iba’t ibang pangalan sa iba’t ibang kapanahunan, isang pangalan para sa bawat kapanahunan, at ang bawat pangalan ay kumakatawan sa gawain ng Diyos sa bawat kapanahunan. Nung Kapanahunan ng Kautusan, itinakda ng Diyos ang mga batas sa ilalim ng pangalang ‘Jehova’ at tinuruan ang sangkatauhan na mamuhay sa lupa. Nung Kapanahunan ng Biyaya, ang Espiritu ng Diyos ay nagkatawang-tao bilang ang Panginoong Jesus at ginawa ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan. Sa mga huling araw, nagkakatawang-tao ang Diyos bilang ang Makapangyarihang Diyos para ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol at pagdadalisay ng mga tao. Sa panlabas, ang pangalan at gawain ng Diyos ay nagbago, pero ang diwa ng Diyos ay hindi nababago. Ito ay palaging ang parehong Diyos na gumagawa para iligtas ang sangkatauhan.” Binigyan ko rin sila ng halimbawa. Maaaring ang isang tao ay nagtatrabaho sa isang ospital, at lahat ay tinatawag siyang “doktor,” pero isang araw, nagpasya siyang magturo, at tinatawag siya ng lahat na “guro,” at kalaunan, nangangaral siya sa isang iglesia, at tinatawag siya ng iba na “pastor.” Nakikita niyo na ba? Nagbago ang kanyang trabaho, at nagbago kung ano ang tawag sa kanya ng iba, pero siya pa rin ang parehong tao. Siya pa rin ‘yon. Kagaya nun, ang Diyos ay gumagamit ng iba’t ibang pangalan sa iba’t ibang kapanahunan, pero ang diwa at identidad ng Diyos ay hindi nagbago, at Siya pa rin ang parehong Diyos. Kapag nananalangin kami sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos, hindi namin ipinagkakanulo ang Panginoon at hindi kami nagiging apostata, sinasalubong natin ang Panginoon at sinusundan ang Kanyang mga yapak. Habang nagsasalita ako, biglang dumating ang panganay at pangatlo kong kapatid. Galit na sumabad ang panganay kong kapatid. “Huwag niyo na siyang kausapin. Hindi niyo siya makukumbinsi. Kahit anong sabihin niyo, may sagot siya, kaya bakit pa kayo mag-aabala?” “Hosea, nananalig ka sa maling bagay. Oras na para huminto.” “Sinasabi mong ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Mangaral ka sa pastor. Kung sasabihin ng pastor na ito ang tunay na daan, sama-sama tayong manalig dito, pero kung hindi, bumalik ka sa simbahan at sumampalataya kasama namin. Magkakadugo kayong lahat. Hindi kayo pwedeng magkanya-kanya ng landas.” Nang makita ko kung paano sinasamba ng mga kapatid at hipag ko ang pastor, sinabi ko sa kanila, “Tayong mga mananampalataya ay dapat sundin at dakilain ang Diyos higit sa lahat. Hindi tayo pwedeng pikit-matang sumunod sa sinasabi ng mga tao. Lalo na pagdating sa pagsalubong sa Panginoon, hindi natin pwedeng hayaan na ang pastor ang magdesisyon. Sinabi ng Panginoong Jesus na naririnig ng mga tupa ng Diyos ang Kanyang tinig. Dapat tayong tumuon sa pakikinig sa tinig ng Diyos para masalubong natin ang Panginoon.” Sinabi ko rin sa kanila, “Nang dumating ang Panginoong Jesus upang gumawa, ang mga nananalig sa Judaismo ay hindi hinangad na marinig ang tinig ng Diyos. Pikit-mata nilang sinundan ang mga Pariseo sa paglaban at pagkondena sa Panginoong Jesus. Dahil dito, nawala sa kanila ang pagliligtas ng Panginoon. Isa itong aral para sa atin.” Pero kahit anong sabihin ko, hindi nakikinig ang mga kapatid at hipag ko, at iginiit nila na hindi maaaring magkamali ang pastor. Nang makita ang saloobin nila, naisip ko, “Labis nilang sinasamba ang pastor na kung tatanggapin ito ng pastor, baka tanggapin din nila ito.”

Isang araw noong Enero ng 2021, pumunta sa bahay ko ang pastor at mga lider, at sinamantala ko ang pagkakataon para ipangaral ang ebanghelyo sa kanila. “Sinasabi sa Mateo 24:37, ‘Kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.’ At sabi sa 24:44, ‘Kaya nga kayo’y magsihanda naman; sapagkat paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip.’ Sinasabi sa Lucas 17:24–25, ‘Sapagkat gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan. Datapuwat kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito.’ Binabanggit sa propesiya ang ‘ang pagparito ng Anak ng tao’ at ‘ang Anak ng tao ay darating.’ Kaya, sino ang Anak ng tao? Ang Anak ng tao ay tumutukoy sa pagkakatawang-tao ng Diyos. Ang Panginoong Jesus ang Anak ng tao dahil Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos. Ang isang espiritu ay hindi matatawag na Anak ng tao. Kaya, sinasabi sa propesiya na ang Panginoon ay magbabalik bilang ang Anak ng tao sa mga huling araw, ibig sabihin, Siya ay paparito na nagkatawang-tao. Kung ang espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus pagkatapos ng muling pagkabuhay ay bumaba sakay ng mga ulap at nagpakita sa lahat nang may dakilang kaluwalhatian, sino ang maglalakas-loob na labanan o kondenahin Siya? Pero sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito.’ Paano matutupad ang propesiyang ito? Kapag pumarito lang sa katawang-tao ang Diyos bilang ang Anak ng tao, na nagpapakita bilang isang ordinaryo at normal na tao, sa isang anyo na hindi nakikilala ng mga tao, saka Siya maaaring kondenahin at tanggihan. Kung kaya, ayon sa propesiya ng Panginoong Jesus, ang Panginoon ay magbabalik na nagkatawang-tao sa mga huling araw, at napakatiyak nito.” “Binabanggit ng mga talatang ito sa Bibliya ang ‘ang Anak ng tao,’ at ang ibig sabihin nito ay ang Panginoong Jesus.” “Brother Elian, nagsasalita nang napakalinaw ang Panginoong Jesus. Ito ay mga propesiya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon, hindi ng Panginoong Jesus.” “Malinaw na sinasabi ng Bibliya, ‘At sa gayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kaya magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at makikita nila ang Anak ng tao na napaparitong nasa mga ulap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian(Mateo 24:30). Ang Panginoon ay babalik sakay ng isang ulap, pero sinasabi mong Siya ay paparito na nagkatawang-tao. Hindi ba’t magkasalungat ang mga bagay na ito? Naghihintay kami para sa Panginoong Jesus na paparitong sakay ng ulap. Ngayon, malapit na ang oras, lahat ng uri ng mga sakuna ay lumitaw na, at ang Panginoon ay paparito na sakay ng ulap para dalhin tayo sa kaharian ng langit. Matapos ang lahat ng taong ito ng pananalig sa Panginoon, halos nandun ka na, pero ikaw, isinusuko mo lang ang lahat ng ito.” “Pastor Jaxon, totoo rin ang propesiya na binanggit mo, pero ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay hindi sumasalungat sa Kanyang pagparito sakay ng mga ulap. Hindi ko naunawaan ang tanong na ito nung una. Nang maglaon, pagkatapos kong basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, natanto ko na ang pagbabalik ng Panginoon ay nangyayari sa dalawang hakbang. Una, Siya ay lihim na paparito bilang ang Anak ng tao upang ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol, pagkatapos, kapag nabuo na ang isang grupo ng mga mananagumpay, magpapadala ang Diyos ng mga sakuna para gantimpalaan ang mabubuti at parusahan ang masasama. Pagkatapos ng mga sakuna, bababa ang Diyos sakay ng ulap at hayagang magpapakita sa lahat. Sa oras na iyon, lahat ng lumalaban at kumokondena sa Makapangyarihang Diyos ay iiyak at magngangalit ang kanilang mga ngipin, na ganap na tutupad sa propesiya ng pagparito ng Panginoon sakay ng mga ulap, ‘Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawat mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya(Pahayag 1:7).” Nung oras na iyon, nagulat ang pastor at ang iba pa, at tumahimik. Binasa ko sa kanila ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. “Kapag nakita ng sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sakay ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyon ng matinding katuwaan sa iyo, subalit dapat mong malaman na ang sandali na nasasaksihan mong bumababa si Jesus mula sa langit ay ang sandali rin ng pagbaba mo sa impiyerno para maparusahan. Iyon ang magiging panahon ng pagwawakas ng plano ng pamamahala ng Diyos at ito ay kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga tanda ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga tanda, at sa gayon ay napadalisay na, ay nakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at nakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na ‘Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo’ ang sasailalim sa walang-hanggang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga tanda, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng matinding paghatol at nagpapalabas ng tunay na daan at buhay. Kaya nga maaari lamang silang harapin ni Jesus kapag hayagan Siyang nagbabalik sakay ng puting ulap. Masyado silang sutil, masyadong tiwala sa kanilang sarili, masyadong mapagmataas. Paano gagantimpalaan ni Jesus ang gayong kababang-uri? Ang pagbabalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga may kakayahang tanggapin ang katotohanan, ngunit para sa mga hindi nagagawang tanggapin ang katotohanan, ito ay isang tanda ng pagsumpa. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at tanggihan ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging mangmang at mapagmataas, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa). Natigilan ang lahat ng naroroon nang marinig nila ang maawtoridad na mga salita ng Diyos. Mayamaya, nagsalita ang pastor. “Kasasabi mo lang na ito ay mga bagong salita ng Diyos? Hindi tama ‘yon. Ang mga salita ng Diyos ay nasa Bibliya lahat, at wala sa mga salita ng Diyos ang nasa labas ng Bibliya. Kung mayroon man, mga karagdagan ito sa Bibliya. Malinaw na sinasabi ng Pahayag, ‘Aking pinapatotohanan sa bawat taong nakikinig sa mga salita ng propesiya ng aklat na ito, kung ang sinuman ay magdagdag sa mga bagay na ito, Idadagdag sa kanya ng Diyos ang mga salot na nakasulat sa aklat na ito: At kung ang sinuman ay mag-alis sa mga salita ng aklat ng hulang ito, ay aalisin ng Diyos ang kanyang bahagi sa punongkahoy ng buhay, at sa bayang banal, na nakasulat sa aklat na ito(Pahayag 22:18–19).” “Pastor Jaxon, nang sinabing walang maaaring idagdag o ibawas, nagbababala ito sa mga tao na huwag basta-basta magdagdag o magtanggal ng mga propesiya sa Aklat ng Pahayag, hindi ito nangangahulugan na ang Diyos ay hindi na magsasalita ng mga bagong salita. Ang Panginoong Jesus Mismo ang nagsabing, ‘Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan(Juan 16:12–13). Napakalinaw na sinabi ng Panginoong Jesus, sa pagbabalik Niya sa mga huling araw, magpapahayag Siya ng maraming salita para gabayan tayo sa lahat ng katotohanan. Ayon sa iyong pagkaunawa, pagbalik ng Diyos sa mga huling araw, hindi na Siya magsasalita at gagawa. Kung gayon, paano matutupad at maisasakatuparan ang mga salitang ito ng Panginoong Jesus? Ang Diyos ang katotohanan, ang pinagmulan ng buhay, ang patuloy na umaagos na bukal ng buhay na tubig. Nililimitahan mo ang mga salita at gawain ng Diyos sa mga nasa Bibliya, na para bang ang pwede lang sabihin ng Diyos ay ang mga salitang ito na nasa Bibliya. Hindi ba ito paglilimita at pagmamaliit sa Diyos?” Tumigil sa pagsasalita si Pastor Jaxon matapos marinig ang mga sinabi ko. Naisip ko, “Dati akong sumasamba sa mga pastor. Akala ko’y pamilyar sila sa Bibliya at may kaalaman sa Diyos. Sa gulat ko, hindi nila nauunawaan ang Bibliya, at nililimitahan pa nga nila ang gawain ng Diyos.” Nadismaya ako.

Pagkatapos ng ilang debate, nakita ng pastor na matatag ako sa pananalig ko, at pagkatapos ay gumamit siya ng maraming maling paniniwala para lituhin ako, na pinabulaanan ko gamit ang mga salita ng Diyos, at pinatotohanan ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, pero hindi man lang sila nakinig. Sa pagtatapos ng debate, nang makita ni Pastor Jaxon na hindi niya ako mapabulaanan, wala na siyang sinabi. Si Elian, na sumama sa kanya, ay sinabi sa akin, “Hosea, gusto naming huminto ka na sa pananalig sa Makapangyarihang Diyos dahil nagpapakaresponsable kami sa buhay mo. Ginagawa namin ito dahil sa pagmamahal. Natatakot kami na tatahakin mo ang maling landas. Ang mga taong nakakaunawa sa Bibliya na tulad mo ay dapat maging mga lider sa simbahan at makipagtulungan sa gawain namin. Magiging maganda ‘yon.” Nang marinig kong sabihin niya ‘to, naisip ko ang mga salita ng diyablo na tumukso sa Panginoong Jesus sa Bibliya, “Muling Siyang dinala ng diyablo sa isang bundok na lubhang mataas, at ipinamalas sa Kanya ang lahat ng mga kaharian sa sanlibutan, at ang kaluwalhatian nila; At sinabi nito sa Kanya, ‘Lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa Iyo, kung Ikaw ay magpapatirapa at sasambahin Mo ako’” (Mateo 4:8–9). Ang paghiling nila sa akin na maging lider sa simbahan ay panunukso ng diyablo. Akala nila, kung aakitin nila ako gamit ang katanyagan at katayuan, sasama ako sa kanila. Napakahalaga sa kanila ng katanyagan at katayuan! Narinig nila ang balita ng pagparito ng Panginoon, pero sa halip na maghanap at magsiyasat, sinubukan nila akong tuksuhin palayo sa tunay na daan. Napakatuso nun! Kaya, tinanggihan ko sila. “Hindi na ako babalik sa simbahan. Ngayon, nagbalik na ang Panginoong Jesus para gumawa ng bagong gawain. Hindi na siya gumagawa sa mga simbahan ng Kapanahunan ng Biyaya. Ano ang mabuting maidudulot sa ‘kin ng pagpunta sa simbahan? Dapat nating tanggapin ang bagong gawain ng Diyos at sundin ang Diyos, o tayo ay iiwan at palalayasin ng Panginoon. Katulad na lang nung dumating ang Panginoong Jesus para gumawa. Narinig ng mga disipulo ang mga salita ng Panginoong Jesus, nakilala ang tinig ng Panginoon, sinunod ang Panginoon, at nakamit ang pagliligtas ng Panginoon, at ang mga tumutupad sa mga batas sa templo ay iniwan at pinalayas ng Panginoon. Higit sa lahat, dapat alam mo ang katunayang ito. Nagbalik na ang Panginoon sa mga huling araw. Kung hindi tayo makikinig sa Kanyang tinig, paano natin Siya masasalubong? Sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin(Juan 10:27). Ipinropesiya rin ng Pahayag, ‘Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia(Pahayag Mga Kabanata 2, 3). ‘Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig sa Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko(Pahayag 3:20). Pastor Jaxon, sa pagsalubong sa Panginoon, ang pinakamahalagang bagay ay ang pakikinig sa tinig ng Panginoon. Kung may nagpapatotoo na Siya’y nagbalik na, dapat nating isantabi ang ating mga kuro-kuro, dapat tayong maghanap, at magsiyasat. Kung hindi, hindi tayo makasasalubong sa Panginoon at makapapasok sa kaharian ng langit.” “Hindi natin kailangang makinig sa tinig ng Diyos, kailangan lang nating maghintay sa pagparito ng Panginoon sakay ng ulap para dalhin tayo sa Kanyang kaharian. Kung dumating ang araw na ang Panginoong Jesus ay pumarito sakay ng isang ulap at kami ang umiiyak at nagngangalit ang mga ngipin, aakuin namin ang responsibilidad. Pero kailangan kong linawin ang mga bagay sa’yo. Huwag mo kaming sisihin kung magkamali ka ng pananalig at makatahak sa maling landas. Kung ngayon gusto mong baguhin ang mga bagay-bagay, pwede ka pa ring bumalik sa simbahan. Bibigyan pa kita ng ilang araw para pag-isipan ito. Pitong araw mula ngayon, pumunta ka sa simbahan at bigyan mo ako ng sagot. At binabalaan kita, bawal kang mangaral ng ebanghelyo mo sa simbahan. Kung may sinuman sa simbahan natin ang magsimulang manalig sa Makapangyarihang Diyos dahil sa ‘yo, pagbabayaran mo ito!” Pagkatapos magsalita ng pastor, sinabi niya sa pamilya ko, “Ang dami naming sinabi, pero hindi siya nakinig. Kayo ang pamilya niya, kaya subukan ninyong himukin siya.” Pagkatapos nun, galit na umalis ang pastor.

Galit na galit ang pamilya ko nang makita nilang hindi ako nakinig sa pastor, kaya lumapit silang lahat para pagsabihan ako, at nagbanta pa ng karahasan ang pangalawa kong kapatid na lalaki. “Tinawag namin ‘yung pastor, at ipinahiya mo kami. Ang daming sinabi ng pastor, pero hindi ka nakinig, at ipinipilit mo pa ring manalig sa Makapangyarihang Diyos. Kaya gugulpihin kita hanggang mamatay ka!” “Pakiusap, ano ba’ng ginawa kong mali at gusto mo akong suntukin? Pumarito na ang Panginoon. Nakinig lang ako sa tinig Niya at sinalubong Siya. Bakit mo ako ginaganito? Nananalig pa rin ba kayo sa Diyos?” “Hindi ka man lang nakikinig sa pastor. Ano bang problema mo?” “Nananalig ba kayo sa Diyos o nananalig sa pastor? Dahil lang sa pagtanggap ko sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, hinahadlangan at ginugulo ako ng pastor nang ganito. Sa tingin ko, ang pastor at ang mga lider na ‘yon ay mga mapagpaimbabaw na Pariseo. Ngayon ay nagbalik na ang Diyos, gumagawa Siya ng bagong gawain, at nagpahayag Siya ng napakaraming katotohanan, pero hindi sila naghahanap at nagsisiyasat, at hinahadlangan nila ang iba sa pagsalubong sa Panginoon. Gumagamit pa sila ng katayuan para iligaw ako palayo sa tunay na daan, sinasabing para ito sa kapakanan ng buhay ko. Hindi ba’t kasinungalingan lang ‘to? Gusto nila akong linlangin at sirain! Inilantad ng Panginoong Jesus ang mga Pariseo, sinasabing, ‘Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagkat sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagkat kayo ay hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok. … Sapagkat inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong mapagbabalik-loob; at kung siya ay magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impiyerno kaysa sa inyong sarili(Mateo 23:13, 15). Ano ang pagkakaiba ng pastor at mga lider mula sa mga Pariseo? Paano niyo nagagawang pumanig sa kanila?” “Kung ititiwalag ka ng pastor, hindi na tayo magkapatid, at hindi na mahalaga sa amin kung mabuhay ka man o mamatay. Bayaran mo ang perang inutang mo sa amin sa loob ng dalawang linggo.”

Napakalungkot ko na makitang wala silang puso. Kapag nagkakaproblema sila, sinisikap kong tulungan sila, pero ngayon ay tinatrato nila ako nang ganito. Paanong umabot sa ganito ang mabubuting kapatid na kilala ko noon? Paanong naging pamilya ko ang mga taong ito? Nung gabing ‘yon, nakahiga ako sa kama at hindi ako makatulog. Ang sakit isipin nun na hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Nagdasal ako sa Diyos, hinihiling sa Diyos na bigyan ako ng pananalig at gabayan ako sa pag-unawa sa Kanyang kalooban para malaman ko kung paano danasin ang sitwasyong ito. Naalala ko na sinabi ng Panginoong Jesus, “Huwag ninyong isiping ako’y naparito upang magdala ng kapayapaan sa lupa: hindi ako naparito upang magdala ng kapayapaan, kundi tabak. Sapagka’t ako’y naparito upang papagalitin ang lalake laban sa kaniyang ama, at ang anak na babae laban sa kaniyang ina, at ang manugang na babae laban sa kaniyang biyanang babae: At ang magiging kaaway ng tao ay ang kaniya ring sariling kasangbahay(Mateo 10:34–36). “Kung kayo’y kinapopootan ng sanlibutan, alam niyo na Ako’y unang kinapootan nito bago kayo(Juan 15:18). Totoo ang mga salita ng Panginoon, at natupad ang mga propesiya ng Panginoon. Dahil lang sa tinanggap ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, sinusubukan akong hadlangan at usigin ng pastor at mga kapatid ko. Hindi nila ako kinamumuhian, kinamumuhian nila ang Diyos. Matapos isipin ang nangyari nitong mga nakaraang araw, nagpapasalamat ako sa Diyos. Tinulungan ako ng salita ng Diyos na malampasan ang paggambala at paghadlang ng aking pastor at pamilya, at binigyan din ako nito ng kaunting pagkakilala sa kanila.

Isang araw, nalaman ng isang sister ang sitwasyon ko at nagpadala siya sa’kin ng isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. “Huwag kang masiraan ng loob, huwag manghina, at gagawin Kong malinaw ang mga bagay-bagay para sa iyo. Ang daan tungo sa kaharian ay hindi masyadong patag; walang ganyan kasimple! Nais ninyo na madaling magkamit ng mga pagpapala, hindi ba? Ngayon, ang bawat tao ay magkakaroon ng mapapait na pagsubok na haharapin. Kung wala ang mga ganitong pagsubok, ang mapagmahal na pusong taglay ninyo para sa Akin ay hindi titibay at hindi kayo magkakaroon ng tunay na pag-ibig para sa Akin. Kahit na binubuo lamang ang mga pagsubok na ito ng maliliit na bagay, dapat dumaan ang lahat ng tao sa mga iyon; magkakaiba lamang ang antas ng kahirapan ng mga pagsubok sa bawat tao. Ang mga pagsubok ay pagpapala mula sa Akin, at ilan sa inyo ang malimit na lumalapit sa Aking harapan at nakaluhod na nagmamakaawa para sa Aking mga pagpapala? Mga hangal na bata! Lagi ninyong iniisip na ang ilang mapapalad na salita ay maibibilang na Aking pagpapala, gayunman ay hindi ninyo kinikilala ang kapaitan bilang isa sa Aking mga pagpapala. Ang mga nakikibahagi sa Aking kapaitan ay tiyak na makikibahagi sa Aking katamisan. Iyan ang Aking pangako at Aking pagpapala sa inyo. Huwag kayong mag-atubiling kumain at uminom at tamasahin ang Aking mga salita. Kapag dumaraan ang kadiliman, naiipon ang liwanag. Pinakamadilim bago magbukang-liwayway; pagkatapos nito ay unti-unting nagliliwanag ang kalangitan, at sumisikat ang araw. Huwag kayong matakot o mahiya(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 41). Nagbahagi siya sa akin, “Nananalig tayo sa Makapangyarihang Diyos at sinasalubong ang Panginoon, pero ayaw ni Satanas na maligtas o makamit tayo ng Diyos, kaya gumagamit ito ng iba’t ibang paraan para hadlangan at guluhin tayo. Pero pinahihintulutan ito ng Diyos. Bakit? Gusto ng Diyos na ibunyag ang pananampalataya ng mga tao kung tunay ba o huwad. Ang isang taong may tunay na pananampalataya, na tupa ng Diyos, ay kayang malampasan ang pagsubok. Gaano man siya guluhin ni Satanas, kaya niyang magpatuloy na sumunod sa Diyos. Yaong mga hindi nabibilang sa Diyos, na huwad na nananalig, ay aatras kapag ginugulo sila ni Satanas. Ito ang karunungan ng Diyos na ginagamit batay sa mga pakana ni Satanas. Ngayon ay ginugulo at hinahadlangan ka ng pastor at pamilya mo. Isa itong pagsubok. Pagkatapos maranasan ito, mauunawaan mo ang ilang katotohanan at makikita mo nang malinaw ang ilang bagay. Malalaman mo rin kung paano makilala kung sino ang tunay at kung sino ang huwad na mananampalataya, at magkakaroon ka ng pananalig sa Diyos, na mga bagay na hindi natin matatamo sa komportableng kapaligiran. May halaga ang paghihirap na ito.” Pagkatapos kong makinig sa pagbabahagi ng sister, naunawaan ko na ang paghadlang at panggugulo ng pastor at pamilya ko ay tila ginagawa ng mga tao, pero ang totoo, lahat ito’y panggugulo ni Satanas, na sinusubukang mawala sa akin ang pagliligtas ng Diyos. Talagang nakapopoot si Satanas. Sa pangyayaring ito, nagkaroon ako ng kaunting pagkakilala sa pastor, at mas tumatag ang pagnanais kong sumunod sa Diyos. Pagkalipas ng ilang araw, nang makitang nananalig pa rin ako sa Makapangyarihang Diyos, dumating din ang tito ko para pigilan ako. “Hosea, pakinggan mo na lang ako. Bumalik ka na. Ano ang gagawin mo kung ititiwalag ka ng pastor? Kung magkakaproblema ka sa hinaharap o magkakasakit ka, sino ang tutulong sa iyo?” “Nasalubong ko na sa wakas ang Panginoon, kaya anupaman, susundin ko ang Makapangyarihang Diyos. Hindi na ako babalik sa simbahan.” “Mas maraming alam kaysa sa iyo ang pastor. Sa usapin ng pananalig sa Diyos, kailangan nating makinig sa pastor.” “Nang dumating ang Panginoong Jesus para gumawa, inakala rin ng mga mananampalataya sa Judaismo na mas nakakaalam ang mga Pariseo at sumunod sila sa mga ito sa paglaban at pagkondena sa Panginoon. Dahil dito, isinumpa at pinarusahan nila. Bilang mga mananampalataya sa Diyos, dapat tayong makinig sa mga salita ng Diyos. Kung ang mga salita at kilos ng pastor ay hindi naaayon sa mga salita ng Diyos, hindi tayo pwedeng makinig sa kanya. Sinabi ko sa pastor na ang Diyos ay nagbabalik sa mga huling araw para ipahayag ang maraming katotohanan, na napatunayan sa Bibliya at sa mga propesiya ng Panginoong Jesus, at wala silang magawa para pabulaanan ito, pero wala talaga silang pagnanais na maghanap, sinubukan nila akong pigilan sa pagsalubong sa Panginoon, at hindi ako pinapayagang ibahagi ito sa sinuman sa aking mga kapatid. Sa palagay mo ba’y naaayon sa mga salita ng Diyos ang ginawa nila? Tito, hindi ka naghahanap at hindi mo sinisiyasat ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Nakikinig ka sa anumang sabihin ng pastor. Hindi mo pa nabasa kahit kailan ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, kaya paano mo malalaman kung totoo o hindi ang mga ito? Para itong pagtawid sa ilog. Kung sinasabi ng isang tao na malalim ang tubig at sinasabi ng isa pa na mababaw ito, sino ang paniniwalaan mo? Hindi ba’t malalaman mo ang totoo kung ikaw mismo ang tatawid? Kung nananalig ka sa Panginoon, pero hindi nakikinig sa Kanya, at ipinipilit mong makinig sa pastor, sa huli, kung mapupunta sa impiyerno ang pastor, hindi ba’t mapupunta ka rin sa impiyerno? Hindi ba’t ito’y pag-akay ng bulag sa kapwa bulag papunta sa hukay?” “Hindi ka ba natatakot na isumbong ka ng pastor sa gobyerno at ipahuli ka?” “Kahit na isumbong nila ako sa gobyerno, kahit anong gawin sa akin ng gobyerno, kahit usigin pa ako, kailangan kong sundin ang Makapangyarihang Diyos.” Nung araw na ‘yon, patuloy akong sinubukang kumbinsihin ng tito ko, pero hindi ko siya pinakinggan. Makalipas ang isang linggo, para hindi na ako abalahin ng pastor, pumunta ako sa pastor at mga lider, sinabi ko sa kanila na determinado akong manalig sa Makapangyarihang Diyos at hindi na ako babalik sa simbahan, at hiniling ko sa kanilang ‘wag na akong kausapin pa. Hindi inaasahang tumanggi ang pastor na sumuko, at sinabi niya sa akin, “Itong Kidlat ng Silanganan na sinasampalatayaan mo ay hindi ang pagbabalik ng Panginoon. Kung patuloy kang mananalig, pagtataksilan mo ang Panginoon.” Sabi ko sa kanya, “Ipinropesiya ng Panginoong Jesus ang pagbabalik Niya, sinasabing, ‘Sapagkat gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao(Mateo 24:27). Hindi ba’t ang paglitaw ng Kidlat ng Silanganan ay tumutupad sa Kanyang propesiya?” Nang makita ni Pastor Jaxon na hindi niya ako mapabulaanan, nagalit siya at nagsimulang husgahan at kondenahin ang gawain ng Diyos. Nagalit ako nang husto sa sinabi niya. Naalala ko na sinabi ng Panginoong Jesus, “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin(Juan 10:27). Naririnig ng mga tupa ng Diyos ang Kanyang tinig. Hindi nauunawaan ng pastor at ng mga lider ang tinig ng Diyos, at hinuhusgahan nila ang Diyos. Hindi sila mga tupa ng Diyos. Sila ay sa diyablo. Sinabi ko sa kanila, “Noon, hinusgahan at kinondena ng mga Pariseo ang Panginoong Jesus. Ngayong narinig ninyong nagbalik na ang Panginoon, hindi kayo naghahanap o nagsisiyasat. Kahit na nakikita niyong binibigkas nang napakahusay ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, kumokondena at lumalaban pa rin kayo. Hindi ba’t mga makabagong Pariseo lang kayo?” Galit na galit ang pastor at mga lider nang sabihin ko ito, kaya gumawa sila ng ibang paraan para pilitin ako. “Dahil masyado kang siguradong gusto mong manalig sa Makapangyarihang Diyos, magsulat tayo ng isang deklarasyon na pipirmahan mo para sabihing hindi ka nananalig sa Panginoong Jesus.” “Bakit ko pipirmahan ‘yon? Ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, at nananalig ako sa Makapangyarihang Diyos, na pagsalubong sa Panginoon. Paano mo nasasabing hindi ako nananalig sa Panginoong Jesus? Hindi ba’t binabaluktot nun ang mga katunayan? Ayon sa iyo, nang dumating ang Panginoong Jesus upang gumawa, lahat ng disipulo ng Panginoon tulad nina Pedro at Juan ay umalis sa templo at sumunod sa Panginoong Jesus. Masasabi mo bang ipinagkanulo nila ang Diyos na si Jehova? Tiyak na hindi. Nakisabay sila sa bagong gawain ng Diyos. Sa parehong paraan, ngayon ay nagbalik na ang Panginoong Jesus para gumawa ng bagong gawain, at ang pananalig ko sa Makapangyarihang Diyos ay pagsunod sa mga yapak ng Kordero. Paano ito naging pagtataksil sa Panginoong Jesus? Hindi ako pipirma sa anumang ganyan!” “Kailangan mong lagdaan ang deklarasyon na ito, at kailangan ding pumirma ang mga kapatid at magulang mo, para patunayan na ikaw mismo ang umalis sa simbahan, hindi na itiniwalag ka namin.” Sa sandaling ‘yon, nakita ko ang pakay ng pastor. Kung ipapahayag kong hindi ako nananalig sa Panginoong Jesus at sa halip ay nananalig sa Makapangyarihang Diyos, hindi ba’t mangangahulugan itong itinatanggi ko na ang Makapangyarihang Diyos at ang Panginoong Jesus ay iisang Diyos? Kung pipirma ako, magiging katibayan ito para sa kanila na itatwa at kondenahin ang Makapangyarihang Diyos. Napakasama at napakalupit nila! Kung dadalhin nila ang deklarasyong ito sa gobyerno ng Vietnam, uusigin ako. Ito ang kanilang kasuklam-suklam na pakay. Nung gabing ‘yon, nagdebate kami hanggang pasado alas-diyes, pero kahit anong sabihin ko, para bang hindi makaunawa ang pastor, at naging walang galang siya at di-makatwiran, kaya wala na akong masabi sa kanila. Kinabukasan, nang marinig ng pamilya ko ang balita, pumunta sila sa bahay ko para akusahan ako. “Nagsumikap kami ng ama mo para palakihin ka, tapos ngayon ay iiwan mo na kami? Wala ka talagang konsensya!” “Nay, hindi kita iniwan. Ipinangaral ko sa inyo ang ebanghelyo nang maraming beses, pero hindi kayo naniniwala rito. Hindi kayo nakikinig sa mga salita ng Diyos, sa pastor lang. Sarili niyong pasya ito.” “Simula ngayon, hindi na kita anak!” “Simula ngayon, maghiwalay na tayo ng landas. Hindi na tayo magkapatid. Anuman ang mga problemang kakaharapin mo, hindi ka namin tutulungan.” “Kung ganun, kayo ang bahala. Nananalig lang ako sa Diyos, at inuusig niyo ako nang ganito, pinapapili ako sa pagitan ninyo at ng Diyos, kaya syempre pipiliin ko ang Diyos. Pero hindi ko kailanman sinabing hindi ko na kayo mga magulang at kapatid. Kayo ang nagsabi niyan.”

Pagkatapos nun, hindi na ako nagsisimba. Akala ko’y hindi na ako guguluhin ng pastor at mga lider. Sa hindi inaasahang pagkakataon, isang araw noong Abril, lumapit sa akin ang katrabaho sa simbahan na namamahala sa pananalapi at iginiit na pumunta ako sa simbahan para pumirma sa isang deklarasyon ng hindi pananalig sa Panginoong Jesus. Galit na galit ako. Hindi ako tinatantanan ng mga taong ito. Bakit sobra silang napopoot? Pagkatapos ko siyang paalisin, pinakalma ko ang sarili ko at nagdasal ako sa Diyos, at naisip ko ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. “Kapag ang Diyos ay gumagawa, nagmamalasakit sa isang tao, at nagmamasid sa taong ito, at kapag pinapaboran at sinasang-ayunan Niya ang taong ito, nakabuntot din nang malapitan si Satanas, tinatangkang linlangin ang taong ito at ilagay sa kapahamakan. Kung nais ng Diyos na makamit ang taong ito, gagawin ni Satanas ang lahat ng makakaya nito upang hadlangan ang Diyos, gamit ang iba’t ibang masasamang kaparaanan upang tuksuhin, guluhin at pinsalain ang gawain ng Diyos, upang makamit ang natatagong layon nito. Ano ang layon nito? Ayaw nito na makamit ng Diyos ang sinuman; nais nitong agawin ang pagmamay-ari sa mga taong nais makamit ng Diyos, gusto nitong kontrolin sila, ang pangasiwaan sila upang sambahin nila ito nang sa gayon ay samahan nila ito sa paggawa ng mga kasamaan, at labanan ang Diyos. Hindi ba ito ang masamang layunin ni Satanas? Madalas ninyong sabihin na si Satanas ay napakabuktot, napakasama, subalit nakita na ba ninyo ito? Nakikita ninyo kung gaano kasama ang sangkatauhan; hindi pa ninyo nakikita kung gaano kasama ang totoong Satanas. Subalit sa usapin tungkol kay Job, malinaw ninyong naobserbahan kung gaano talaga kasama si Satanas. Ginawang napakaliwanag ng usaping ito ang nakasusuklam na mukha ni Satanas at ang diwa nito. Sa pakikipagdigma sa Diyos at pagsunud-sunod sa likuran Niya, ang layunin ni Satanas ay ang buwagin ang lahat ng gawain na nais gawin ng Diyos, ang sakupin at kontrolin ang mga nais na makuha ng Diyos, ang ganap na puksain ang mga nais na makuha ng Diyos. Kung hindi sila mapupuksa, sila kung gayon ay aangkinin ni Satanas upang magamit nito—ito ang layunin nito(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV). Pagkatapos pagnilayan ang mga salita ng Diyos, mas malinaw kong nakita ang mga panlilinlang ni Satanas. Nakita ko na nabibilang kay Satanas ang mga pastor at elder na ito. Mga kasabwat sila ni Satanas. Ginawa nila ang lahat para hadlangan at guluhin ang pananalig ko sa Makapangyarihang Diyos, para ilayo ako sa Diyos. Hiniling nila sa’kin na pumirma sa isang liham na nagtatatwa sa Panginoong Jesus para bigyan sila ng dahilan na kondenahin ako. Napakalupit ng mga puso nila! Mula simula hanggang wakas, ginampanan nila ang papel ng mga Satanas. Kalaunan, nahalata rin ng pamilya ko ang mga layunin ng pastor, napagtantong gusto niyang pirmahan ko ang sulat para maiulat niya ako sa gobyerno, at sinabi sa’kin ng aking ina, “Hosea, huwag mong pirmahan ang sulat na ‘yan. Ang sama ng pastor. Wala kang ginawang mali sa pananalig mo sa Diyos, pero tinatrato ka niya nang ganito. Kung daranas ka ng anumang pang-uusig, hindi ko siya hahayaang makalusot.” Sinasamba ko noon ang mga pastor. Akala ko’y naglilingkod sila sa Panginoon at ang pagtulong sa kanila ay pagmamahal sa Panginoon, kaya madalas akong magbigay ng mga handog, parehong pera at mga kalakal. Kapag nasisira ang mga sasakyan nila, lagi kong kinukumpuni ang mga ito, magkano man ang halaga. Sa karanasang ito, nakikita ko na ngayon ang tunay na mukha ng mga pastor. Alang-alang sa pagprotekta sa kawan, hinahadlangan nila ang mga tao sa pagsisiyasat sa tunay na daan, at pinipigilan ang iba sa pagsalubong sa Panginoon at pagpasok sa kaharian ng langit. Gusto lang nilang panatilihin tayong lahat sa ilalim ng kontrol nila, para magbigay tayo ng mas maraming pera sa kanila at suportahan sila. Sila ay mga balakid na humahadlang sa mga tao na makapasok sa kaharian ng langit.

Gaya ito ng sinasabi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. “Mayroong mga nagbabasa ng Bibliya sa mga malalaking iglesia at nagsasalaysay nito nang buong araw, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakauunawa sa layon ng gawain ng Diyos. Wala ni isa sa kanila ang nakakilala sa Diyos, lalong wala ni isa sa kanila ang nakaayon sa kalooban ng Diyos. Lahat sila ay walang halaga, masasamang tao, bawat isa ay nagpapakataas upang pangaralan ang Diyos. Sadya nilang sinasalungat ang Diyos kahit na dala-dala nila ang Kanyang bandila. Sinasabi nilang sila ay nananampalataya sa Diyos, subalit kumakain pa rin sila ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng ganitong tao ay mga diyablong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong demonyo na sadyang humahadlang sa mga sumusubok na tumapak sa tamang landas, at mga balakid na nakasasagabal sa mga naghahanap sa Diyos. Sila ay tila may ‘magagandang konstitusyon,’ ngunit paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay walang iba kundi mga anticristo na umaakay sa mga tao na manindigan laban sa Diyos? Paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay mga nabubuhay na diyablo na nakatuon sa paglamon ng mga kaluluwa ng tao?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Lahat ng Taong Hindi Nakakakilala sa Diyos ay mga Taong Sumasalungat sa Diyos). Nagpapasalamat ako sa proteksyon ng Diyos. Ang salita ng Makapangyarihang Diyos ang umakay at gumabay sa akin nang hakbang-hakbang, ang nagbigay-daan sa aking makita ang mga panlilinlang ni Satanas, malinaw na makita kung paano kinamumuhian ng mga pastor ang katotohanan at nilalabanan ang Diyos, ganap na mapalaya ang sarili ko mula sa gapos ng masasamang lingkod at mga anticristo, at makabalik sa sambahayan ng Diyos. Puno ng pasasalamat sa Diyos ang puso ko! Ngayon, tinatamasa ko ang pagtustos ng salita ng Diyos araw-araw, ipinangangaral ko ang ebanghelyo at pinatototohanan ko ang Diyos kasama ng aking mga kapatid, at nasisiyahan at natutuwa ako! Salamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Isang Pambihirang Tagumpay

Ni Fangfang, Tsina Nananalig ang buong pamilya namin sa Panginoong Jesus, at samantalang isa lang akong karaniwang mananampalataya sa...