Isang Awit ng Buhay sa Gitna ng Pagkawasak
Noong 1999, nagkapalad akong tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, nakita ko ang awtoridad at kapangyarihang hawak ng mga ito, at nadama na ang mga salitang ito ang tinig ng Diyos. Sa pagkarinig sa mga salitang ipinahayag ng Lumikha sa sangkatauhan ay naantig ako na lampas sa kakayahan kong maipaliwanag, at sa unang pagkakataon, naramdaman ko ang diwa ng kapayapaan at kagalakan sa kailaliman ng aking espiritu na dinadala sa tao ng gawain ng Banal na Espiritu. Mula sa sandaling iyon, ako ay lalong naging masugid na mambabasa ng mga salita ng Diyos. Pagkaraan kong sumapi sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nakita ko na ang iglesia ay isang ganap na bagong mundo, lubos na naiiba sa lipunan. Lahat ng kapatid na lalaki at babae ay simple at mabait, dalisay at puno ng buhay. Bagama’t hindi kami magkakamag-anak sa dugo, at bawat isa sa amin ay mayroong iba’t ibang mga pinagmulan at mayroon kaming mga sari-sariling pagkakakilanlan, lahat kami ay tulad ng mga kaanak sa espiritu na mahal ang isa’t isa, suportado ang isa’t isa, at sama-samang nagkaisa sa kagalakan. Sa nakikitang ito ay talagang naramdaman ko kung gaano kaligaya at kasaya, kung gaano kaganda at katamis ang isang buhay na ginugol sa pagsamba sa Diyos. Kalaunan, nakita ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Bilang mga miyembro ng sangkatauhan at tapat na mga Kristiyano, pananagutan at obligasyon nating lahat na ialay ang ating isipan at katawan para sa katuparan ng tagubilin ng Diyos, dahil ang ating buong pagkatao ay nagmula sa Diyos, at ito ay umiiral salamat sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Kung ang mga isipan at katawan natin ay hindi para sa tagubilin ng Diyos at hindi para sa matuwid na kapakanan ng sangkatauhan, ang ating mga kaluluwa’y makakaramdam ng pagiging hindi karapat-dapat sa mga taong naging martir para sa tagubilin ng Diyos, at mas hindi karapat-dapat sa Diyos, na naglaan sa atin ng lahat ng bagay” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan). Tinulutan ako ng mga salita ng Diyos na maunawaan na, bilang isang nilalang, dapat akong mabuhay para sa Lumikha, at dapat akong maglaan at gumugol nang lahat ng nasa akin upang magpalaganap at magpatotoo ng ebanghelyo ng Diyos ng mga huling araw—ito lamang ang buhay na pinakamahalaga at pinamakabuluhan. At kaya, kapag narinig kong maraming tao ang nabubuhay sa malalayo, liblib na lugar na hindi pa napakinggan ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, disidido akong nagpaalam sa mga kapatid sa aking bayan at nagtungo sa aking paglalakbay upang ipalaganap ang ebanghelyo ng kaharian.
Noong 2002, dumating ako sa isang liblib. hindi maunlad na bulubunduking lugar ng Lalawigan ng Guizhou upang mangaral ng ebanghelyo. Sa pagpapalaganap ng ebanghelyo roon ay kinailangan kong maglakad ng maraming milya sa kahabaan ng mga daan sa bundok sa bawat araw, at madalas na sinusuong ko ang hangin at niyebe. Kasama ang Diyos sa tabi ko, gayunman, hindi ko kailanman naramdaman ang pagod, o na ito ay isang paghihirap. Sa ilalim ng patnubay ng gawain ng Banal na Espiritu, hindi nagtagal ay nakapagsimula ang gawain ng ebanghelyo roon, na parami nang parami ang mga tao na tumatanggap ng gawain ng Diyos ng mga huling araw at ang buhay sa iglesia ay umaapaw sa sigla. Ginabayan ng mga salita ng Diyos, ginugol ko ang anim na taon ng kaligayahan at kasiyahan sa lugar na iyon. Iyan ay, hanggang 2008, nang isang pangyayaring pambihira at di-inaasahan, isang pangyayari na sisira sa kagalakan at katahimikan ng aking buhay …
Nangyari ito ng bandang alas onse ng umaga ng Marso 15, 2008. Ako at ang dalawang kapatid na lalaki ay nasa pagtitipon nang biglang apat na pulis ang biglang sumugod sa pintuan at mabilis kaming pinadapa sa sahig. Pinosasan kami nang walang salitang sinabi, pagkatapos ay pinagtulakan at kinaladkad kami sa sasakyan ng pulisya. Sa loob ng sasakyan, lahat sila ay buhong na nakangisi, winawagayway ang kanilang mga baton na pangkuryente sa amin at paminsan-minsan ay pinansusundot nila sa aming mga ulo o mga katawan. Walang-awa nilang pinagmumura kami, na sinasabing, “Mga anak kayo ng mga lintek! Napakabata pa ninyo at makakagawa ng kahit ano, pero oh hindi, kailangan ninyong pumunta at maniwala sa Diyos! Wala ba talaga kayong mas mabuting magagawa?” Ang pagka-aresto nang bigla-bigla ay nag-iwan sa akin ng damdamin ng sobrang pagkanerbiyos, at wala akong kaalam-alam kung ano ang mangyayari sa amin. Ang magagawa ko lamang ay tahimik na tumawag sa Diyos sa aking puso, paulit-ulit: “O Diyos! Ang sitwasyong ito na sumapit sa amin ngayon ay nasa Iyong pahintulot. Hinihiling ko lamang na igawad Mo sa amin ang pananampalataya at pangalagaan kami upang maaari kaming tumayong saksi para sa Iyo.” Pagkaraan kong nanalangin, isang hanay ng mga salita ng Diyos ang sumagi sa isip ko: “Maging tapat sa Akin anuman ang mangyari, at sumulong nang may katapangan; Ako ang iyong matibay na sandigan, kaya manalig sa Akin!” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 10). “Oo!” naisip ko. “Ang Diyos ang aking suporta at Siya ang aking malakas at makapangyarihang tulong. Kahit ano pang sitwasyon na kaharapin ko, hangga’t mananatili akong tapat sa Diyos at maninindigan sa Kanya, kung gayon tiyak na madadaig ko si Satanas at magdadala ng kahihiyan nito.” Ang kaliwanagan ng mga salita ng Diyos ang nagbigay-daan sa aking mahanap ang lakas at pananampalataya, at tahimik akong nanindigan: Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa sa iwanan ang tunay na daan at hindi tumayong saksi para sa Diyos!
Sa sandaling dumating kami sa istasyon ng pulisya, marahas kaming kinaladkad ng mga pulis palabas ng sasakyan, pagkatapos ay isinalya at pinagtulakan kami sa istasyon. Lubusan nilang pinagkakapkapan kami at natagpuan ang ilang materyales ng ebanghelyo at isang cellphone sa mga bag na pag-aari ng aking dalawang kapatid na lalaki sa iglesia. Sa pagkakita na walang natagpuang anumang pera, ang isa sa masasamang pulis ay kinaladkad ang isa sa kapatid na lalaki at sinipa at binugbog siya hanggang bumagsak siya sa lupa. Pagkatapos iyon, dinala kami sa iba’t ibang silid upang hiwa-hiwalay na tanungin. Tinanong nila ako sa buong maghapong iyon, ngunit wala silang nakuha kahit isang salita mula sa akin. Mga bandang alas otso na iyon ng gabi nang itala nila kami bilang tatlong di-kilalang tao na pinigil bago pinadala kaming lahat sa lokal na himpilan ng detensiyon.
Pagdating na pagdating sa himpilan ng detensiyon, ang dalawang babaeng opisyal ng piitan ay hinubaran ako ng lahat ng damit ko. Ginupit nila ang anumang bagay na may metal sa aking mga damit at kinuha ang sintas ng sapatos ko at sinturon ko. Nakayapak at hawak pataas ang mga damit ko habang takot na takot papunta sa aking selda. Nang nakita nila akong pumasok, ang mga babaeng bilanggo ay sumugod sa akin na parang mga baliw at lubos na pinaligiran ako, lahat sila ay nagtatanong tungkol sa akin nang sabay-sabay. Napakadilim ng mga ilaw doon na mukhang ang kanilang mga mata ay kasinglaki ng mga platito; nanlilisik ang kanilang mga mata sa akin at mausisang tinitingnan mula taas at baba, habang ang ilan ay hinatak ang aking mga braso, humihipo rito at kumukurot doon. Natigagal, nakatayo lang ako sa kinaroroonan ko, masyadong natatakot at hindi nangahas na magsalita. Inisip na kakailanganin kong manirahan sa parang impiyernong lugar na ito kasama ng mga babaeng ito, ramdam ko na parang bigla akong mapapaiyak sa lahat ng kawalan ng katarungang ito. Katatapos lang noon, isang bilanggo na nakaupo sa higaang yari sa ladrilyo na walang sinasabi, ang biglang sumigaw, “Tama na nga iyan! Kararating lang niya at hindi pa alam ang kung ano ang ano. Huwag siyang takutin.” Pagkatapos ay inabot niya sa akin ang isang kubrekama para ibalabal ko sa aking sarili. Nakaramdam ako ng bugso ng init sa sandaling iyon, at alam kong hindi ang bilanggong ito ang naging mabait sa akin, kundi ang Diyos na ginamit ang mga tao sa paligid ko na tumulong at mag-alaga sa akin. Ang Diyos ay kasama ko sa buong panahon, at hindi talaga ako nag-iisa. Ang pagkakaroon ng pag-ibig ng Diyos upang samahan ako sa loob nitong madilim, mala-bangungot na impiyerno sa lupa, naramdaman ko ang labis na ginhawa. Sa kalaliman ng gabi pagkatapos na ang lahat ng iba pang bilanggo ay nakatulog na, anupaman hindi pa rin ako makatulog. Naisip ko ang tungkol sa kung paano, na kaninang umaga lang, masaya kong ginagampanan ang tungkulin ko kasama ng aking mga kapatid sa iglesia, ngunit sa gabing iyon nakahiga ako sa mala-nitsong parang impiyernong lugar na ito, walang ideya kung kailan ako mapapakawalan pa—ramdam ko ang hindi maipahayag na lungkot at pagkabalisa. Habang nalilibang sa mga sarili kong iniisip, isang malamig na malamig na hangin ang humampas na mula kung saan at kusang nanginig ako sa lamig. Itinaas ko ang aking ulo at tumingin sa paligid at noon ko lamang napagtanto na ang selda ay bukas na bukas sa mga elemento. Maliban sa bubong sa bandang lugar ng tulugan, ang ibang bahagi ng selda ay may bubong na butas-butas gawa ng makapal na baras na bakal na pinagdugtong, at doon agad tumagos ang malamig na hangin. Paminsan-minsan, makakarinig din ako ng mga yabag ng mga pulis na nagpapatrolyang lumalakad sa bubong. Ang mararamdaman ko lamang ay ang nakakapanginig sa buto na takot, at ang aking takot, ang kawalan ko ng pag-asa, at ang aking mga damdamin ng ginawan nang masama ay lahat umapaw sa puso ko; tumulo ang di-inaasahang mga luha mula sa aking mga mata. Sa sandali lang na iyon, isang sipi ng mga salita ng Diyos ang malinaw na sumasagi sa isip ko: “Alam mong ang lahat ng bagay sa iyong kapaligiran ay naroon dahil sa Aking pahintulot, Ako ang nagsasaayos nitong lahat. Tingnan ito nang malinaw at bigyang-kasiyahan ang Aking puso sa kapaligirang ibinigay Ko na sa iyo. Huwag matakot, ang Makapangyarihang Diyos ng maraming hukbo ay tiyak na sasaiyo; Siya ay nasa inyong likuran at Siya ang inyong sanggalang” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 26). “Oo,” naisip ko. “Pinahintulutan ng Diyos ang gobyerno ng CCP upang hulihin ako. Bagama’t ang lugar na ito ay madilim at nakakatakot at wala akong kaalam-alam kung ano ang mangyayari laban sa akin sa susunod, ang Diyos ang aking tulong kaya’t walang dapat ikatakot! Walang pagpipilian, at inilalagay ko ang lahat sa mga kamay ng Diyos.” Sa pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, nadama ko ang higit na ginhawa, kaya’t tahimik akong nanalangin sa Diyos: “O Diyos! Salamat sa Iyong kaliwanagan at pagpapalinaw na nagawa kong maunawaan na ang lahat ng ito ay nangyayari sa Iyong pahintulot. Nais kong magpasakop sa Iyong mga pagsasaayos at paghahanda, upang hangarin ang Iyong kalooban sa mahirap na kalagayang ito, at magtamo ng mga katotohanang nais Mong ipagkaloob sa akin. O Diyos! Ito ay dahil lang sa ako ay may maliit na tayog, kaya hinihingi ko sa Iyo na ipagkaloob Mo sa akin ang pananampalataya at lakas at pangalagaan ako upang, anupamang mga pagpapahirap ang maaaring isagawa sa akin, hindi kita kailanman ipagkakanulo.” Pagkatapos magdasal, pinahiran ko ang aking mga luha at nagnilay sa mga salita ng Diyos, habang tahimik kong hinintay ang pagsapit ng bagong araw.
Maaga pa nang sumunod na araw, may kumalampag na tunog at nabuksan ang pinto ng selda. Ang isa sa mga opisyal ng piitan ang sumigaw, “Labas, Jane Doe!” Patayung-tayong pa ako sandali bago ko napagtanto na ako ang tinawag niya. Sa silid ng interogasyon, ang mga pulis ay muli na namang hiningi sa akin na ibigay ang aking pangalan at tirahan, at sabihin sa kanila ang tungkol sa iglesia. Wala akong sinabi, kundi umupo lang sa silya na nakatungo ang ulo ko. Tinanong nila ako sa bawat araw sa isang linggo, hanggang sa wakas ang isa sa kanila ay sinundot ako ng daliri niya at sumigaw, “Lintek ka! Nagugol na namin ang ilang araw sa iyo at wala ka pa ring nasabi kahit isang salita. Sige, hintay ka lang diyan. May isang bagay kaming ipapakita sa iyo!” Pagkasabi nito, sumugod ang dalawang pulis, malakas na isinara ang pinto sa likod nila. Isang araw habang pagabi na, muling dumating ang pulis upang ipatawag ako. Pinosasan nila ako at isinakay ako sa sasakyan ng pulisya. Habang nakaupo sa likod ng sasakyang iyon, wala akong magagawa kundi maramdaman ang takot na nagsisimulang umusbong sa loob ko, at inisip ko: “Saan ba nila ako dadalhin? Baka kaya dadalhin nila ako sa labas sa gitna ng kung saan upang pagsamantalahan ako? Ipapasok ba nila ako sa isang sako at itatapon ako sa ilog para ipakain sa mga isda?” Labis ang aking takot, ngunit pagkatapos ay ilang linya ng himno ng iglesia na tinawag na “Ang Kaharian” ang nagsimulang umalingawngaw sa aking mga tainga: “Diyos ang suporta ko, ano ang sukat ikatakot? Dapat kong labanan si Satanas hanggang dulo. Binubuhat tayo ng Diyos at kailangan nating iwanan ang lahat at bumahagi sa pagdurusa ni Cristo. Ihahanda ko ang aking pag-ibig at iaalay lahat ito sa Diyos, at tatagpuin ang Diyos sa luwalhati” (Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Sa isang sandali, ang isang di-mauubos na lakas ang gumising sa loob ko. itinaas ko ang aking ulo upang tumingin sa bintana habang tahimik kong pinagnilayan ang mga titik ng himno. Ang isa sa mga pulis ay napansin na nakatitig ako sa labas ng bintana at kaagad hinila ang kurtina para takpan ang bintana, bago mabagsik na sinigawan ako, “Anong tinitingin-tingin mo riyan? Ibaba mo nga ang ulo mo!” Sa bigla-biglang pagsigaw ay nanginig ako sa takot, at kaagad kong ibinaba ang ulo ko. Lahat ng apat na pulis ay naninigarilyo sa loob ng sasakyan, palaging nagbubuga ng mga usok, at di-kalaunan ang hangin sa loob ng sasakyan ay nagkaroon ng di-matitiis na mabahong amoy; nagsimula akong umubo. Ang isa sa mga pulis na nakaupo sa harap ko ay bumaling at kinurot ng kanyang daliri ang bandang baba ng panga ko bago nagbuga ng usok sa harap ng mukha ko. Saka niya malisyosong sinabi, “Alam mo, kailangan mo lang sabihin sa amin ang lahat ng alam mo, at hindi mo na kakailanganing magdusa pa; maaari ka nang umuwi. Bata ka pang babae, at napakaganda pa….” Habang sinabi niya ito, isinayad ang kanyang mga daliri sa mukha ko at mapang-akit na kumindat sa akin, saka tumawa nang masama at sinabi, “Siguro hahanap kami ng isang kasintahan para sa iyo.” Inilayo ko ang aking mukha at itinaas ang nakaposas kong kamay upang iwaksi ang kamay niya. Napahiyang galit na galit, sinabi niya, “Oh, napakalakas mo. Hintay lang hanggang makarating tayo sa ating pupuntahan, at pagkatapos ay titino iyang sarili mo.” Patuloy ang pagtakbo ng sasakyan. Wala akong kaalam-alam kung ano ang haharapin ko, kaya’t ang magagawa ko lamang ay manawagan sa Diyos nang tahimik sa puso ko: “O Diyos! Handa kong ipagsapalaran ang lahat ngayon. Anupaman ang mga taktikang gamitin laban sa akin ng kakila-kilabot na mga opisyal, hangga’t mayroong isang hiningang naiwan sa aking katawan, matibay at umaalingawngaw na magpapatotoo ako para sa Iyo sa harap ni Satanas!”
Pagkaraan ng mahigit sa kalahating oras, huminto ang sasakyan. Kinaladkad ako palabas ng mga pulis; pasuray-suray ang aking mga paa at tumingin sa paligid. Ganap nang madilim, at mayroon lamang iilang bakanteng gusali na nasa paligid na walang kahit isang ilaw na nakasindi—napakadilim at nakakatakot. Sinamahan ako sa isa sa mga gusali. Sa loob, mayroong isang mesa at isang sopa, na may bombilyang de-kuryente na nakabitin mula sa kisame na nagdudulot ng nakakakilabot na maputlang ilaw sa buong paligid. Mayroong mga lubid at mga kadenang bakal na nasa sahig, at sa kabila ng silid ay mayroong isang silya na yari sa makapal na baras na bakal. Kaharap nitong nakakatakot na tagpo, wala akong magagawa kundi magsimulang mataranta sa takot. Naging parang halaya ang aking mga binti at kinailangan kong maupo sa sopa para mapahinahon. Pagkatapos ay ilang lalaki ang dumating sa silid, at malakas akong pinagalitan ng isa sa kanila. “Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo, na nakaupo riyan? Sa iyo ba iyan para makaupo riyan? Tayo!” Habang nagsasalita ay sinugod niya ako at sinipa nang ilang beses, saka sinunggaban ang harap ng pantaas ko, hinila mula sa sopa at kinaladkad ako papunta sa bakal na silya. Sinabi sa akin ng isa pang pulis, “Alam mo, ito ay isang magandang bagay, itong silya. Kailangan mo lang umupo dito sandali at makukuha mo ang pakinabang sa buong buhay mo. Ang silyang ito ay natatanging inihanda para sa inyong mga mananampalataya sa Makapangyarihan Diyos. Hindi namin basta-basta pinapaupo dito ang kahit sino. Maging mabuti ka lang na babae, gawin kung ano ang aming sinasabi, at sagutin nang tapat ang aming mga tanong, at pagkatapos ay hindi mo na kailangang upuan ito. Kaya sabihin mo sa amin, bakit ka pumunta sa Guizhou? Para ba mangaral ng inyong ebanghelyo?” Wala akong sinabi. Isang mukhang matapang na pulis na nakatayo sa isang tabi na itinuro ang mukha ako at minumura ako, sinasabing, “Itigil ang pagtanga-tangahan, buwisit! Kung hindi ka magsasalita, matitikman mo ang silya!” Nanatili pa rin akong tahimik.
Katatapos lang noon, isang babaeng nakadamit ng kaakit-akit ang dumating sa silid, at lumabas na hiniling sa kanya nitong pulutong ng mga pulis na pumunta at hikayatin akong magkumpisal. Pinayuhan niya ako ng mga huwad na kabaitan, na sinasabing, “Tingnan, isa kang dayuhan dito, at wala kang sinumang mga kamag-anak o mga kaibigan. Sabihin sa amin kung ano ang gusto naming malaman, OK? Sa sandaling nasabi mo na sa amin kung ano ang gusto naming malaman, hahanapan kita ng isang trabaho, at hahanapan ka ng isang asawa rito sa Guizhou. Ipinapangako ko sa iyo na hahanapan din kita ng isang mabuting lalaki. Ngunit kung hindi mo gusto iyon, kung gayon ay maaari kang magtrabaho para sa akin bilang aking yaya. Babayaran kita buwan-buwan. Sa ganoong paraan, maaari ka nang manirahan dito at magkaroon ng ugat na pinagmulan.” Itinaas ko ang aking ulo at sinulyapan siya, ngunit hindi ako sumagot. Sa sarili ko, naisip ko: “Ang mga demonyo ay mga demonyo. Hindi nila kinikilala ang pag-iral ng Diyos, kundi ginagawa lang ang lahat ng paraan ng masasamang bagay alang-alang sa pera at pakinabang. Ngayon sinusubukan nilang gamitin ang pakinabang upang suhulan ako at magawa kong ipagkanulo ang Diyos. Paano ako posibleng magiging biktima ng kanilang tusong mga pakana at maging isang nakakahiyang Judas?” Nakita niya na ang kanyang “mabait” na mga salita ay walang naging kahit anong epekto sa akin at nadamang napahiya siya sa harap ng ibang pulis, kaya kaagad niyang inalis ang pagkukunwari at ipinakita ang kanyang tunay na kulay. Inalis niya ang tali mula sa kanyang backpack at malupit na hinagupit ako ng ilang beses, pagkatapos ay mabagsik na hinagis ang kanyang backpack sa sopa. Iniiling ang kanyang ulo sa sobrang galit, pumunta siya at tumayo sa isang tabi. Pagkakita kung ano ang nangyari, ang isang mataba, masamang pulis ang sumugod sa akin, nasunggaban ako sa buhok, at hinampas ang ulo ko sa pader nang ilang beses, sumisigaw sa akin sa nagngangalit na ngipin, “Hindi mo ba alam kapag may isang tao na sinusubukang gawan ka ng pabor? Eh? Alam mo ba? Magsasalita ka ba o hindi?” Ang ulo ko ay hinampas sa pader nang napakaraming beses na nakakita ako ng mga bituin, umugong ang ulo ko, umikot ang silid, at bumagsak ako sa sahig. Pagkatapos ay kinaladkad niya ako pataas at inihagis sa bakal na silya na tila walang anuman kundi isa lang maliit na ibon. Pagkaraan lamang na nakabawi ako nang kaunti na sinimulan kong idilat ang mga mata ko nang bahagya—nakita ko ang kanyang mga kamay na mahigpit na hawak pa ang isang hibla ng nahablot na buhok ko. Nakagapos ako sa silya mula sa aking ulo hanggang sa aking mga paa, at isang makapal na piraso ng bakal ang nakadagan sa dibdib ko. Ang mga posas ko ay nakadikit sa silya, at ang mga kadenang may bigat na sampu-sampung libra ay nakadikit sa mga paa ko, at nakakadena rin ang mga ito sa silya. Ramdam ko na para akong isang rebulto, hindi magawang igalaw ang kalamnan. Ang lamig at mabibigat na kadena, kandado at posas ang pumigil sa akin sa bakal na silya—ang aking pagdurusa ay hindi kayang ipaliwanag ng mga salita. Sa nakikitang dinanas kong sakit, nasiyahan ang masasamang pulis sa kanilang mga sarili at sinimulang kutyain ako, na sinasabing, “Hindi ba ang Diyos na pinaniniwalaan mo ay makapangyarihan sa lahat? Bakit hindi Siya dumating para iligtas ka? Bakit hindi ka Niya inililigtas sa tigreng silyang ito? Mas mabuti pang magsimula ka nang magsalita. Hindi ka kayang iligtas ng Diyos mo, kami lamang ang makagagawa niyan. Sabihin sa amin kung ano ang gusto naming malaman, at hahayaan ka naming umalis. Maaari kang magkaroon ng magandang buhay. Sayang lang ang paniniwala mo sa isang Diyos!” Hinarap ko nang napakahinahon ang nanlilibak na mga pangungusap ng masamang pulis, dahil sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Sa mga huling araw, gumagamit ang Diyos ng mga salita, hindi ng mga tanda at kababalaghan, para gawing perpekto ang tao. Ginagamit Niya ang Kanyang mga salita para ilantad ang tao, hatulan ang tao, kastiguhin ang tao, at gawing perpekto ang tao, upang sa mga salita ng Diyos, makikita ng tao ang karunungan at pagiging kaibig-ibig ng Diyos, at mauunawaan ang disposisyon ng Diyos, at upang sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, mapagmamasdan ng tao ang mga gawa ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Gawain ng Diyos Ngayon). Ang gawaing ginagawa ng Diyos ngayon ay isang praktikal na gawain, hindi mahiwagang gawain. Ginagamit ng Diyos ang Kanyang mga salita upang maperpekto ang tao at tinutulutan ng mga salita Niya na maging ang ating pananampalataya at ating buhay. Ginagamit Niya ang praktikal na mga sitwasyon upang baguhin ang ating mga disposisyon sa buhay, at ito ang uri ng praktikal na gawain na mas makakabuting magbunyag ng dakilang kapangyarihan at karunungan ng Diyos, at mas mainam na tumalo kay Satanas sa wakas. Naaresto ako at napasailalim sa malupit na pagpapahirap ng gobyerno ng CCP dahil nais ng Diyos na subukin ang aking pananampalataya sa Kanya at makita na kaya ko o hindi ang mabuhay sa Kanyang mga salita at tumayong saksi para sa Kanya. Sa pagkaalam nito, nais kong magpasakop sa anumang sitwasyong pinahintulutan ng Diyos na sumapit sa akin. Ang katahimikan ko ay nagpagalit sa pulutong ng masasamang pulis at sumugod sila sa akin na para bang nabaliw na silang lahat. Pinaligiran nila ako at marahas akong binugbog. Ang ilan ay sinuntok ako nang malakas sa ulo gamit ang kanilang mga kamao, ang ilan ay nagwawalang sinipa ako sa aking mga binti, habang ang iba ay pinunit ang mga damit ko at kinapa-kapa ang mukha ko. Kumulo ang galit ko sa harap ng kanilang malulupit na pambubugbog at karahasan. Kung hindi lang ako napigilan ng tigreng silyang iyon, makikipaglaban ako nang todo! Tungkol sa gobyerno ng CCP, iyong pangunahing organisasyon ng mga kriminal, wala akong naramdaman kundi pagkamuhing sagad sa mismong mga buto ko, at kailangan ko lang na makagawa ng tahinik na kapasiyahan: Habang mas inuusig ako nito, lalong lalago ang aking pananampalataya, at maniniwala ako sa Diyos hanggang sa aking huling hininga! Habang mas inuusig ako nito, lalong pinapatunayan nito na ang Makapangyarihang Diyos ang isa, tunay na Diyos, at mas pinapatunayan nito na sumusunod ako sa tunay na daan! Kaharap ang mga katunayang ito, napagtanto ko nang napakalinaw na ito ang digmaan sa pagitan ng mabuti at masama, isang paligsahan sa pagitan ng buhay at kamatayan, at na ang dapat kong gawin ay sumumpa na panghawakan ang pangalan ng Diyos at patotoo ng Diyos, upang mapahiya si Satanas sa praktikal na pagkilos, sa ganyan nagagawa ng Diyos na matamo ang kaluwalhatian. Ang masasamang pulis na iyan ay sinubukan akong paaminin nang ilang araw ng pagpapahirap at interogasyon, ngunit wala akong sinabi sa kanila tungkol sa iglesia. Sa huli, nawalan na sila ng mga pagpipilian, at sinabi, “Isa siyang matigas na biskuwit, ang isang ito. Ilang araw na natin siyang tinatanong, pero hindi siya nagsabi kahit isang salita.” Habang pinakinggan ko ang kanilang pag-uusap tungkol sa akin, batid ko na ang mga salita ng Diyos ang tumulong sa aking malampasan ang bawat parang impiyernong pintuan na inilagay ng mga demonyong ito sa harap ko, at napangalagaan ako ng Diyos upang maaari akong tumayong saksi para sa Kanya. Mula sa kaibuturan ng aking puso, tahimik akong nagpasalamat at nagpuri sa Makapangyarihang Diyos!
Sa mahigit na sampung araw ng interogasyon, nakaupo ako sa napakalamig na tigreng silya sa buong araw at gabi, at naramdaman ng buong katawan ko na parang nabagsak ako sa nagyeyelong kuweba. Ang lamig ay tumagos sa mismong utak ng buto ko, at bawat kasukasuan sa katawan ko ay naramdaman na parang nagkapunit-punit ang mga ito. Ang isa sa masasamang pulis na medyo bata pa ay nakita akong nanginginig dahil sa lamig, at kaya sinamantala ang sitwasyon na sabihin sa akin, “Mas mabuting simulan mo nang magsalita! Kahit na ang pinakamatatag na mga tao ay hindi makakatagal sa silyang ito. Kung patuloy kang ganito, gugugulin mo ang buong buhay mo na baldado.” Nang narinig ko siyang sinabi ito, nagsimula akong manghina at mabalisa, ngunit pagkatapos ay tahimik akong tumawag sa Diyos, hinihingi sa Kanyang ipagkaloob sa akin ang lakas na tiisin itong hindi makataong pagpapahirap at walang gawing anuman na maaaring magkanulo sa Diyos. Pagkaraang manalangin, niliwanagan ako ng Diyos sa himno ng iglesia na isang palagi kong paboritong awitin: “Wala akong pakialam kung mahirap ang landas ng pananalig sa Diyos, Isinasagawa ko lang ang Kanyang kalooban bilang bokasyon ko; lalong wala akong pakialam kung tumanggap man ako ng mga pagpapala o magdanas ng kasawian sa hinaharap. Ngayong nagpasiya na ako na mahalin ang Diyos, magiging tapat ako hanggang wakas. Anumang mga panganib o paghihirap ang nakakubli sa likod ko, anuman ang kahinatnan ko, para masalubong ang araw ng kaluwalhatian ng Diyos, Sinusundan ko nang husto ang mga yapak ng Diyos at patuloy na nagpupunyagi” (“Naglalakad sa Landas ng Pagmamahal sa Diyos” sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Bawat huling salita ng himnong iyon ay nagbigay ng inspirasyon sa akin, at inawit ko ito nang paulit-ulit sa aking isip. Wala akong magagawa kundi isipin ang nakaraang pangakong sinabi ko sa harap ng Diyos, na gaano man ang pagdurusa at mga kahirapang kailangang danasin ko, gugugulin ko pa rin ang aking buhay para sa Diyos at mamamalaging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan. Ngunit nagsimula akong manghina at mangimi pagkatapos magdusa ng kaunti lang na sakit—paano ito naging tapat? Hindi ba ako naging biktima sa tusong pakana ni Satanas? Nais ni Satanas na isipin ko ang aking laman at ipagkanulo ang Diyos, ngunit alam ko na hindi ako dapat malinlang nito. Na nagawa kong magdusa dahil sa paniniwala ko sa Diyos ay ang pinakamakabuluhan, pinakamahalagang bagay, ito ang maluwalhating bagay, at gaano man karami ang napagdusahan ko, hindi ko mapapahintulutan ang sarili kong maging isang kaawa-awang hamak na tao na tinalikuran ko ang aking pananampalataya at ipinagkanulo ang Diyos. Sa sandaling ginawa ko ang kapasiyahang ito upang bigyang-kasiyahan ang Diyos, unti-unti akong tumigil sa nararamdamang napakalamig at naglaho ang sakit sa aking puso. Muli na naman, nasaksihan ko ang kamangha-manghang mga gawa ng Diyos at naranasan ang pag-ibig ng Diyos. Bagama’t ang mga pulis ay hindi nagtagumpay sa kanilang layunin, hindi pa rin sila tapos sa akin. Nagsimula silang maghalinhinan sa pagpapahirap sa akin, at pinanatili nila akong gising sa buong araw at buong gabi. Kung bahagyang ipikit ko ang aking mga mata kahit isang sandali, hahagupitin nila ako ng isang pamalong yari sa kahoy, o kung hindi man ay susundutin nila ako nang madiin gamit ang baton na de-kuryente. Sa tuwing ginawa nila ito ay mararamdaman ko ang kuryenteng dumadaloy sa akin at ang buong katawan ko ay mapipilipit sa kombulsyon. Napakalala ng sakit na nais ko nang mamatay. Habang binubugbog nila ako, sila ay sumigaw, “Hindi mo pa rin sasabihin ang lahat, buwisit, at gusto mo pang matulog! Tingnan natin kung mapapahirapan ka namin hanggang sa kamatayan ngayon!” Ang kanilang pambubugbog ay naging patindi nang patindi, pasama nang pasama, at ang aking kaawa-awang paghiyaw ay umalingawngaw sa paligid ng silid. Dahil masyadong mahigpit akong nakagapos sa tigreng silya at hindi ko kayang igalaw ang kalamnan, wala akong magagawa kundi magpasakop sa kanilang kabangisan. Ang masasamang pulis na iyan ay lalo pang nasiyahan sa kanilang mga sarili at paminsan-minsan ay sasabog sa magugulo at maiingay na tawanan. Napasailalim ako sa mga paghahagupit at pagkuryente sa napakatagal na panahon na natakpan ako ng mga latay at mga hiwa, ang aking mukha, leeg, mga braso at mga kamay ay natakpan ng mga lilang pasa, at namaga ang buong katawan ko. Ang aking katawan ay parang namanhid na, gayunman, hindi ko na naramdaman ang sobrang sakit. Batid ko na ang Diyos ang nag-aalaga sa akin at pinapaginhawa ang aking sakit, at sa aking puso ay paulit-ulit akong nagpasalamat sa Diyos.
Tiniis ko ito ng halos isang buwan hanggang hindi ko na talagang makakaya ito. Gustung-gusto ko nang matulog, kahit na sa kaunting sandali lang. Ang mga demonyong iyan, gayunman, kulang sa kahit pinaka-katiting na bahid ng pagkatao. Sa sandaling nakita nila akong ipinikit ang mga mata ay agad nila akong hahagisan sa mukha ko ng isang basong puno ng tubig upang magulat ako at magising, at muling mapipilitan akong idilat ang mga mata ko. Ang lakas ko ay lubos na ginugol—ramdam ko na parang ang aking buhay ay naabot na ang katapusan. Ngunit palaging pinangalagaan ako ng Diyos, pinanatili ang aking isip nang napakalinaw at maliksi at ang pananampalataya ko ay napakatatag upang hindi ko Siya ipagkakanulo. Sa pagkakita na wala talaga silang nakuhang anumang impormasyon mula sa akin at takot na maaari ako talagang mamatay, ang magagawa na lamang nila ay ibalik ako sa himpilan ng detensiyon. Lima o anim na araw ang nakalipas at hindi pa rin ako gumaling mula sa kanilang pagpapahirap, ngunit muli na naman nila akong kinaladkad palabas at kinadena akong muli sa tigreng silya. Ikinabit nilang muli ang mabibigat na kadena sa mga paa ko, at muli na namang nagpatuloy na subuking mapaamin ako sa pamamagitan ng mga pambubugbog, pagpapahirap at pagmamalupit. Pinahirapan ako roon ng sampung araw pa, at nang tanging hindi ko na talaga matatagalan ito na sa wakas ay ibinalik nila ako sa himpilan ng detensiyon. Lima o anim na araw pa ang nakalipas at muli na naman nilang ginawa ang buong kaganapan nang paulit-ulit. Anim na buwan ang nagdaan sa ganitong paraan, at hindi ko na alam kung ilang beses nila akong inilagay sa ganoon—ito ang parehong paulit-ulit na pagpapahirap. Pinahirapan ako hanggang sa punto ng lubusan at ganap na kapaguran, at mula sa kaibuturan ng puso ko ay isinuko ko na ang lahat ng pag-asa ng buhay sa hinaharap. Nagsimula akong tumanggi sa pagkain at sa ilang araw tumanggi akong uminom kahit isang patak ng tubig. Sa gayon sinimulan nila ang pagpilit ng tubig sa aking bibig; ang isa sa kanila ay hawak ang ulo ko samantalang hawak ng isa pa ang aking mukha, binuka ang bibig ko at binuhos ang tubig dito. Umagos ang tubig sa paligid ng bibig ko, pababa sa aking leeg at binasa ang damit ko. Ang buong katawan ko ay naramdaman ang sobrang lamig at sinubukan kong pumalag, ngunit wala man lang akong lakas na igalaw ang aking ulo. Sa pagkakitang ang pagtanggi sa pagkain ay isa ring walang-saysay na pagsisikap, nagpasya akong samantalahin ang pagkakataong ibinigay sa pamamagitan ng pagpunta sa palikuran upang ihampas ang ulo ko sa pader at magpakamatay. Kinakaladkad ang aking napakabigat na mga kadena, pasuray-suray akong humakbang paisa-isa patungo sa palikuran, kumakapit sa pader sa lahat ng dinaraanan. Dahil matagal na akong hindi kumain, nanlalabo ang aking mga mata at hindi ko masyadong makikita kung saan ako papunta; maraming beses akong bumagsak sa dinaraanan. Sa bahagyang pagkahilo ay nakita ko ang aking mga bukung-bukong na gulong-gulo ang nagdurugong laman dahil sa bakal na mga kadena, at ang mga ito at nagdugo nang labis-labis. Nang narating ko ang bintana, itinaas ko ang aking ulo at tumingin sa labas. Nakita ko ang mga tao sa malayo na naglalakad paroo’t parito, abala sa kani-kanilang sariling gawain, at biglang-bigla kong nadama ang isang kamangha-manghang pumupukaw sa kaloob-looban ko, at inisip ko: “Sa lahat ng milyon-milyong tao, ilan ang naniniwala sa Makapangyarihang Diyos? Isa ako sa mapapalad, dahil napili ako ng Diyos—isang karaniwang tao—sa karamihan ng tao, at nagamit ang Kanyang mga salita upang diligin at tustusan ako, inaakay ako sa bawat hakbang ng daan hanggang ngayon. Lubos akong pinagpala ng Diyos, kaya bakit ko hinahangad ang kamatayan? Hindi ba sasaktan ko talaga ang Diyos sa paggawa niyon?” Noon lang, sumagi sa isip ko ang mga salita ng Diyos: “Sa mga huling araw na ito ay kailangan ninyong magpatotoo sa Diyos. Gaano man kalaki ang inyong pagdurusa, dapat kayong magpatuloy hanggang sa kahuli-hulihan, at maging sa inyong huling hininga, kailangan pa rin kayong maging tapat sa Diyos at magpasakop sa pagsasaayos ng Diyos; ito lamang ang tunay na pagmamahal sa Diyos, at ito lamang ang malakas at matunog na patotoo” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos). Bawat salita, saganang-sagana sa pampalakas ng loob at pag-asam, magiliw at nagbigay ng inspirasyon sa puso ko, at nadama ko ang dobleng pagkapukaw—natagpuan ko na ang tapang para magpatuloy. Binigyan ko ang sarili ko sa loob ng masiglang pananalita: “Ang mga demonyo ay maaari lamang wasakin ang katawan ko, ngunit hindi nila mawawasak ang aking pagnanais na bigyang-kasiyahan ng Diyos. Ang puso ko ay magpakailanmang pag-aari ng Diyos. Magiging malakas ako; hindi ako kailanman susuko!” Kinaya kong bumalik, isa-isang hakbang, kinakaladkad ang aking mabibigat na kadena. Sa aking tulirong kalagayan, inisip ko ang Panginoong Jesus, lubusang natatakpan ng mga sugat, tinatahak ang Kanyang paliku-likong daan sa Golgotha, lubos na pagod na pagod at pinapasan ang mabigat na krus sa Kanyang likod, at pagkatapos ay naisip ko ang mga salitang ito mula sa Makapangyarihang Diyos: “Habang nasa daan patungong Jerusalem, si Jesus ay nagdurusa, na para bang isang kutsilyo ang pinipilipit sa Kanyang puso, subalit wala Siya ni bahagya mang intensyon na hindi tuparin ang Kanyang salita; palaging mayroong isang makapangyarihang puwersang humihimok sa Kanya pasulong sa kung saan Siya ipapako sa krus” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Maglingkod na Kaayon ng Kalooban ng Diyos). Sa sandaling iyon, hindi ko na kayang mapigilan ang aking mga luha, at malayang dumaloy ang mga ito sa aking mga pisngi. Nanalangin ako sa Diyos mula sa aking puso: “O Diyos! Napakabanal Mo, at Ikaw ang kataas-taasan, ngunit upang iligtas kami personal Kang naging tao. Nagdusa Ka ng malaking kahihiyan at sakit at ipinako sa krus alang-alang sa amin. O Diyos! Sino ang nakaalam kailanman sa Iyong kalungkutan at sa Iyong sakit? Sino ang kailanman nakaunawa o nagpahalaga sa pagtitiyaga Mong bayaran ang halaga alang-alang sa amin? Nagdurusa ako ng paghihirap na ito ngayon upang maaari kong makamit ang kaligtasan. Bukod dito, nagdurusa ako upang malinaw na makita ang masamang kakanyahan ng gobyerno ng CCP habang nagdurusa ako nang malupit sa mga kamay ng mga demonyo, nang hindi na kailanman muling nalilinlang o naloloko nito, upang maaaring sa ganyan maalis ang madilim na impluwensya nito. At gayunman ay hindi ko naipakita ang anumang pagsasaalang-alang sa Iyong kalooban, ngunit naiisip lamang ang aking sariling laman at nagnanais na mamatay upang ang mga paghihirap sa sakit na ito ay maaaring matapos. Ako ay talagang duwag at masyadong kasuklam-suklam! O Diyos! Ginugugol Mo ang Iyong sarili at nagdurusa para sa amin sa lahat ng oras, at inilalaan Mo ang lahat ng Iyong pag-ibig sa amin. O Diyos! Wala na akong magagawa ngayon, ngunit ninanais lamang na italaga ang buong puso ko sa Iyo, sumunod sa Iyo hanggang sa katapusan gaano man karami ang maaari kong pagdusahan, at tumayong saksi upang bigyang-kasiyahan Ka!” Hindi ako lumuha kahit isang luha sa ilang buwan na malulupit na pambubugbog at pagpapahirap sa akin, kaya nang bumalik ako sa silid ng interogasyon nakita ng masasamang pulis na basa ang mukha ko ng mga luha at inisip na handa na akong sumuko. Ang isang mataba sa kanila ay masyadong nasiyahan sa kanyang sarili at ngumiti sa akin, na sinasabing, “Naisip mo na ba ito nang husto? Makikipag-tulungan ka na ba?” Lubusan ko siyang hindi pinansin at agad naging kulay lila ang mukha niya. Bigla, itinaas niya ang isang braso at nagpatuloy na pinagsasampal ako sa mukha nang maraming beses na hindi ko kayang bilangin. Naiwan ang mukha kong nag-aalab sa sakit habang tumulo ang dugo mula sa mga sulok ng aking bibig at pumatak sa sahig. Ang isa pa sa masasamang pulis ay hinagis sa mukha ko ang isang basong puno ng tubig at sumigaw na nagngangalit ang ngipin, “Wala kaming pakialam kung hindi ka makikipag-tulungan. Ang mundong ito ay pag-aari ng Partido Komunista ngayon, at kung hindi ka magsasalita, maaari pa rin naming sentensiyahan ka ng pagkabilanggo!” Ngunit kahit gaano pa nila sinubukang pagbantaan at takutin ako, hindi pa rin ako nagsalita.
Bagama’t ang pulisya ay hindi makakahanap ng anumang ebidensiya upang suportahan ang pagsakdal sa akin ng isang krimen, hindi pa rin sila susuko, kundi nagpatuloy na subukang pahirapan ako para umamin. Nang bandang malalim na ang isang gabi, ilan sa kanila ay nalasing at pasuray-suray sa silid ng interogasyon. Ang isa sa kanila, na may pagnanasang nakatingin sa akin, ay tila nagkaroon ng ideya at sinabing, “Hubaran siya at ibitin siya. Saka natin titingnan kung makikipagtulungan siya.” Sa pagkarinig nang kanyang sabihin ito ay kinilabutan ako, at sa aking puso ay halos wala nang pag-asang nanawagan ako sa Diyos para sumpain Niya ang mga hayop na ito at hadlangan ang kanilang mga sakim na pakana. Pinakawalan nila ako sa tigreng silya, ngunit hindi ako halos makakatayo dahil doon sa mabibigat na kadena sa paligid ng aking mga bukung-bukong. Pinaligiran nila ako at sinimulang pagsisipain gaya ng bola ng saker, idinudura ang balat ng mga buto ng melon sa mukha ko at paulit-ulit na sumisigaw, “Makikipagtulungan ka ba sa amin? Kung hindi ka mabait sa amin, titiyakin namin kung gayon na hindi ka nararapat mabuhay! Nasaan ang Diyos mo ngayon? Hindi ba Siya ang makapangyarihan sa lahat? Hayaan Siyang hampasin kami!” Sinabi ng isa pa, “Kailangan ni Wang ng asawa, ibigay na lang kaya natin siya kay Wang? Haha …” Pagkakita sa kanilang malademonyong mga mukha, ang pagkamuhi ko sa kanila ay nag-alab nang labis na lahat ng aking mga luha ay natuyo na. Ang magagawa ko lamang ay manalangin sa Diyos at hilingin sa Kanya na pangalagaan ang puso ko upang hindi ko Siya ipagkanulo, at upang maaari akong magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos mabuhay man ako o mamatay. Sa huli, nagawa na ng mga pulis ang lahat ng kanilang paraan ngunit wala pa rin silang nakuha kahit isang salita mula sa akin. Wala nang pagpipilian, wala na silang magagawa kundi tumawag sa telepono at mag-ulat sa kanilang mga amo. “Ang babaeng ito ay napakatibay. Siya ang makabagong Liu Hulan. Maaari nating bugbugin siya hanggang kamatayan at hindi pa rin siya magsasalita. Wala na tayong magagawa pa!” Sa pagkakita sa kanilang walang pag-asang hitsura, nagpasalamat ako sa Diyos nang paulit-ulit sa aking puso. Ito ang patnubay ng mga salita ng Diyos na nagawa kong mapagtagumpayan ang kanilang malupit na pagpapahirap nang paulit-ulit sa bawat pagkakataon. Nawa ang lahat ay kaluwalhatian sa Makapangyarihang Diyos!
Sa kabila ng katunayang walang naibunga ang kanilang di-mabilang na mga interogasyon, pinaratangan ako ng gobyerno ng CCP ng pagharang sa pagpapatupad ng batas at pinatawan ako ng nakapirming sentensiyang pitong taon sa bilangguan. Ang dalawang kapatid na lalaki na naarestong kasama ko ay pinaratangan at binigyan din ng sentensiyang pagkabilanggo ng limang taon. Pagkaraang napasailalim ng walong buwang hindi makataong pagpapahirap, itong parusang pitong taon sa bilangguan ay hindi lamang sa nagsanhi sa akin ng walang sakit o pagkabalisa, ngunit sa kabaligtaran, napanatag ako at, lalo pa, ramdam ko ang karangalan. Ito ay dahil sa nakaraang walong buwan, naranasan ko ang patnubay ng Diyos sa bawat hakbang sa daan at natamasa ang walang-hangganang pag-ibig at pangangalaga ng Diyos. Nagawa ako nitong mahimalang mabuhay sa malupit na pagkawasak na kung hindi man lampas sa hangganan ng aking pagtitiis, at nakaya kong tumayong saksi. Ito ang pinakamalaking ginhawang mabibigay ng Diyos sa akin, at inialay ko ang aking pasasalamat at pagpupuri sa Diyos mula sa kaibuturan ng puso ko!
Noong Nobyemre 3, 2008, pinadala ako sa Unang Kababaihang Bilangguan upang magsilbi ng aking sentensiya, at sa gayon nagsimula ang aking mahabang buhay bilang bilanggo. Mayroong napakahigpit na rehimen ng mga alituntunin sa bilangguan; nagising kami ng alas sais ng umaga at nagsimulang magtrabaho, at pagkatapos ay nagtrabaho sa buong araw hanggang sa gumabi. Ang mga oras ng pahinga para sa pagkain at pagpunta sa banyo ay hindi katanggap-tanggap na para bang lagi kaming nasa larangan ng digmaan, at ang mga bilanggo ay hindi pinayagan kahit katiting na kaluwagan. Ang mga bantay sa bilangguan ay binigyan kami ng sobra-sobrang gawain upang maaari silang tumubo pa nang mas malaki mula sa aming paggawa, at lalo silang walang-awa sa mga naniwala sa Diyos. Sa pamumuhay sa ganoong kapaligiran, palagi akong takot na naghihintay na may mangyayari—ramdam ko ang bawat araw na kasinghaba ng isang taon. Ibinigay sa akin ang pinakamahirap at pinakamabigat na mga gawain sa bilangguan, at ang pagkaing ibinigay sa akin para kainin ay hindi man lang nababagay sa mga aso—isang halos hilaw, maitim, maliit na tinapay at ilang naninilaw, tuyong lumang mga dahon ng repolyo. Sa pagsisikap na mabawasan ang sentensiya ko para sa mabuting asal, madalas akong nagpakahirap sa trabaho hangga’t kaya ko mula madaling-araw hanggang takipsilim, at magtatrabaho kahit hanggang magdamag upang tugunan ang kota ng produksiyon na lampas sa aking pisikal na kakayahan. Nakatayo ako sa bawat araw sa loob ng 15 o 16 na oras sa pagawaan, palaging iniikot ang hawakan ng semi-awtomatikong makinang gumagawa ng suweter. Ang parehong binti ko ay namaga at madalas kikirot at manghihina ang mga ito. Gayon man, hindi ako kailanman nangahas na maging mabagal, dahil sa mga bantay ng bilangguan na naroon na armado ng baton na pangkuryente na palaging nagpapatrolya sa pagawaan, at parurusahan nila ang sinumang kanilang nakitang hindi nagtatrabaho nang husto at mabilis, at hindi bibigyan ng mga puntos ng mabuting asal para sa mga bilanggo. Ang walang tigil, walang humpay na paggawa ay iniwan akong pagod na pagod sa katawan at isipan. Bagama’t bata pa ako, namumuti ang karamihan sa buhok ko, at halos mahimatay ako sa makina sa maraming pagkakataon. Kung hindi dahil sa pagsubaybay sa akin ng Diyos, maaaring hindi ako nanatiling buhay. Sa wakas, sa ilalim ng pangangalaga ng Diyos, nakakuha ako ng dalawang pagkakataon na mapababa ang aking sentensiya, at nakalaya ako sa impiyernong iyon sa lupa nang maagang dalawang taon.
Matapos sumailalim nang hanggang sa walong buwan ng makahayop na pagpapahirap at limang taon ng pagkabilanggo sa mga kamay ng gobyerno ng CCP, kapwa ang katawan at isip ko ay malubhang napinsala. Takot akong makakita ng di-kilalang tao sa mahabang panahon pagkaraan ng aking paglaya. Sa partikular, kapag naroon ako sa isang abalang lugar na maraming tao na lahat nagmamadali, ang mga tagpo ng pagpapahirap ng masasamang pulis ay rumaragasang babalik, at di-sinasadyang mararamdaman ko ang isang malalim na diwa ng matinding pagkatakot at pagkabalisa sa loob. Ang pagdating ng aking regla ay gulong-gulo dahil sa pagkagapos nang napakatagal sa bakal na silyang iyon, at lubusan akong napinsala ng lahat ng uri ng mga karamdaman. Sa pagbabalik-tanaw ngayon sa napakatagal, masakit na mga buwan, bagama’t naranasan ko ang napakatinding sakit at pagdurusa, nakita ko nang malinaw na ang “kalayaan sa paniniwala sa relihiyon” at ang “ang mga karapatan sa batas at mga interes ng mga mamamayan ay protektado ng batas” na madalas na ipinagmalaki ng gobyerno ng CCP ay pawang mga pakana lamang upang ikubli ang kanilang mga kasalanan at kanilang masasamang kakanyahan. Kasabay nito, tunay ko ring naranasan at pinahalagahan ang pagka-makapangyarihan sa lahat, ang dakilang kapangyarihan, ang awtoridad at ang kapangyarihan ng Diyos, at maaari kong maramdaman ang pagmamalasakit at awa ng Diyos sa akin. Lahat ng bagay na ito ay ang mahahalaga at masasaganang yaman ng buhay na ipinagkaloob sa akin ng Diyos. Ang gawain ng Diyos ay praktikal at normal, at pinapahintulutan Niyang sumapit sa atin ang pag-uusig ni Satanas at ng mga demonyo. Ngunit habang ang mga demonyo ay galit na galit silang namiminsala sa atin, palaging naroroon ang Diyos, tahimik na binabantayan tayo at pinangangalagaan tayo, gamit ang Kanyang mga salita ng awtoridad at kapangyarihan upang liwanagan at gabayan tayo. Ipinagkakaloob ng Diyos sa atin ang pananampalataya at pag-ibig, at Kanyang nilulupig at tinatalo ang kaaway na si Satanas, sa gayon ay natatamo ang kaluwalhatian. Pinupuri ko ang karunungan at pagiging kaibig-ibig ng Diyos mula sa kaibuturan ng aking puso!
Bumalik na ako ngayon sa iglesia at nakabalik na sa aking mga kapatid. Sa ilalim ng patnubay ng pag-ibig ng Diyos, nabubuhay ako ng buhay sa iglesia, at kasama ng aking mga kapatid, nang may pagkakaisa, ipinapalaganap namin ang ebanghelyo ng kaharian. Ang buhay ko ay umaapaw sa lakas at sigla. Puno na ako ngayon ng pananampalataya para sa gawain ng Diyos. Praktikal ko nang makikita ang magandang tanawin sa kaharian ng Diyos na ipinapakita sa lupa, at wala akong magagawa kundi ang umawit ng mga papuri sa Diyos! “Ang Milenyong Kaharia’y dumating na sa lupa. Nilupig ng salita ng Diyos ang mundo, binuo’t itinatag ang lahat. Salita ng Diyos naghahari sa buong lupa, nakikita natin ‘to sa sariling mata. Nagbubunyi kami, nagpupuri kami, nagdiriwang kami, Milenyong Kaharia’y nasa lupa! Nagbubunyi kami, nagpupuri kami, nagdiriwang kami, bagong Jerusalem bumababa. Namumuhay sa’ting kalagitnaan salita ng Diyos, sa lahat ng ating iniisip at pagkilos. … Hinaharap ng kaharian, napakaliwanag. Bayan ng Diyos nagliliwanag! Matagal na pangarap natupad; bigyang luwalhati ang Diyos at magalak. Nagbubunyi kami, nagpupuri kami, nagdiriwang kami na Diyos ay makapangyarihan. Nagbubunyi kami, nagpupuri kami, nagdiriwang kami na Kanyang gawai’y nasakatuparan. Nagbubunyi kami, nagpupuri kami! Makapangyarihang Diyos dinadala kami sa lupang Canaan. Nagbubunyi kami, nagpupuri kami sa Diyos at dala Niyang kasaganaan. Ngayo’y wiling-wili kami sa Kanya. Ngayo’y wiling-wili kami sa Kanya” (“Ang Kaharian ni Cristo ay Bumaba sa Lupa” sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin).
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.