Ang Malupit na Pag-uusig ng Pamahalaang CCP ay Pinatitibay Lamang ang Aking Pagmamahal sa Diyos

Disyembre 5, 2019

Ni Li Zhi, Lalawigan ng Liaoning

Noong taong 2000, lubos akong pinalad na marinig ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos. Sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko ang misteryo ng mga pangalan ng Diyos, ang misteryo ng mga pagkakatawang-tao ng Diyos, at ang mga katotohanan hinggil sa mga bagay na tulad ng kung paano iniligtas ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos ang sangkatauhan, at kung paano sila lubos na nagbabago, nadadalisay at nagiging perpektong tao. Nakatitiyak ako na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, at masaya kong tinanggap ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos. Pagkatapos niyan, aktibo akong nakibahagi sa mga gawain sa iglesia, at sa pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagpapatotoo para sa Diyos. Noong 2002, nakilala ako sa buong lugar namin dahil sa pangangaral ng ebanghelyo at palaging nanganganib na madakip ng mga pulis ng CCP. Wala akong nagawa kundi lisanin ang aking tahanan upang maaari akong magpatuloy na magampanan ang aking tungkulin.

Ang pamahalaang CCP ay palaging gumagamit ng mga telepono bilang paraan para matunton at madakip ang mga Kristiyano, kaya hindi ako naglakas-loob na tawagan ang aking pamilya pagkaalis ko sa aming tahanan. Noong mga unang buwan ng 2003 halos isang taon na akong nahiwalay sa aking pamilya, kaya nagpunta ako sa tahanan ng aking biyenang babae upang makita ang aking asawa dahil labis akong nangungulila sa kanila. Nang makita niya na bumalik ako, ang nakababatang kapatid na lalaki ng aking asawa ay tumawag sa aking ina at sinabi sa kanya na naroon ako sa bahay ng aking biyenang babae. Laking gulat ko, nang makalipas ang tatlong oras, apat na pulis mula sa Municipal Public Security Bureau ang dumating sakay ng sasakyan ng pulis sa bahay ng aking biyenang babae. Sa sandaling nakapasok sila sa bahay, mabagsik nilang sinabi, “Mula kami sa Municipal Public Security Bureau. Ikaw si Li Zhi, di ba? Nasa listahan ka ng mga taong dadakpin namin nang halos isang taon na, at sa wakas nahuli ka namin ngayon! Sumama ka sa amin!” Takot na takot ako; at nanalangin ako sa Diyos sa aking puso nang walang humpay: “Oh Makapangyarihang Diyos! Dinarakip po ako ngayon ng pamahalaang CCP sa Iyong pahintulot. Ngunit napakaliit ng pangangatawan ko, at naduduwag ako at natatakot. Nawa’y gabayan at ingatan ako, at pagkalooban ako ng pananampalataya at lakas. Anuman ang gawin nilang pagtrato sa akin, nais kong umasa sa Iyo at tumayong saksi. Pipiliin ko pong mabilanggo kaysa maging isang Judas at ipagkanulo Ka!” Pagkatapos manalangin, naisip ko ang mga salitang ito mula sa Diyos: “Ang disposisyon Niya ay ang sagisag ng awtoridad, ang sagisag ng lahat ng matuwid, ang sagisag ng lahat ng marikit at mabuti. Higit pa riyan, isa itong sagisag Niya na hindi maaaring madaig o masalakay ng kadiliman at ng anumang puwersa ng kaaway …(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Napakahalagang Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos). “Tama,” naisip ko sa aking sarili. “Taglay ng Diyos ang dakilang kapangyarihan at namamahala sa lahat ng bagay. Sa nakalipas na ilang taon, ginawa ng pamahalaang CCP ang lahat ng makakaya nito para guluhin at hadlangan ang paglaganap ng ebanghelyo ng kaharian ng Diyos, at magkagayunman ang mga yaong kabilang sa lahat ng relihiyon at denominasyon na tapat na naniniwala sa Diyos at nakikinig sa tinig ng Diyos ay nakabalik na sa harapan ng Kanyang trono upang tanggapin ang Kanyang pagliligtas sa mga huling araw. Malinaw dito na walang puwersang makapipigil sa gawain ng Diyos, at walang taong makahaharang sa daraanan nito. Bagama’t ako ngayon ay bumagsak sa mga kamay ng mga pulis ng CCP, sila mismo ay nasa mga kamay ng Diyos, at dahil nariyan ang Diyos sa tabi ko wala akong dapat ikatakot!” Nagbigay ng pananampalataya at lakas sa akin ang mga salita ng Diyos, at nagsimula akong unti-unting mapanatag.

Dinala ako sa isang silid ng interogasyon pagkadating namin sa Municipal Public Security Bureau. Inalis ng pulis ang sinturon ko, hinubad ang aking damit, mga sapatos at mga medyas, at kinapkapan ako. Pagkatapos niyon, isa sa mga pulis ang sumigaw, “Bilisan mo lang at sabihin mo sa amin ang lahat ng nalalaman mo. Ilang taon ka nang naging mananampalataya? Sino ang nangaral sa iyo nito? Sino ang mga lider ng iglesia ninyo? Ilang tao na ang naturuan ninyo nito? Ano ang ginagawa ninyo sa iglesia?” Hindi ko sinagot ang kanyang mga tanong, na agad niyang ikinapahiya at nagalit siya, at sumigaw siya ng, “Kung hindi ka magsasalita ngayon, marami kaming paraan para mapasalita ka!” Habang sinasabi ito walang awa niya akong hinatak mula sa upuan hanggang malugmok ako sa sahig. Tinapakan ng dalawang opisyal ang aking mga binti samantalang ang dalawang iba pa ay mariing tinapakan ang aking likod. Halos humampas ang ulo ko sa sahig at nahirapan akong huminga. Isa sa mga pulis ang kumuha ng isang lapis at marahang iginuhit ito nang pabalik-balik sa talampakan ng aking mga paa, kapwa nasasaktan at nakikiliti ako. Hindi ko iyon matiis; napakahirap huminga na halos habulin ko ang aking paghinga, at nakadama ako ng takot na mamatay. Isa sa kanila ang patuloy na nagbanta sa akin: “Magsasalita ka ba o hindi? Kung hindi, pahihirapan ka namin hanggang sa mamatay ka!” Talagang natakot ako sa harap ng pagpapahirap at pananakot ng grupong ito ng mga pulis: natakot ako na pahihirapan nila ako hanggang sa mamatay. Ang magagawa ko na lamang ay patuloy na manalangin sa Diyos, hinihiling sa Kanya na pagkalooban ako ng pananampalataya at lakas, at ingatan ako upang maaaring makatayo akong saksi at hindi kailanman maging Judas at ipagkanulo Siya. Pagkatapos manalangin, pumasok sa isipan ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Ang pananampalataya ay parang isang trosong tulay: Yaong mga nakakapit nang mahigpit sa buhay ay mahihirapang tumawid dito, ngunit yaong mga handang isakripisyo ang kanilang sarili ay makakatawid, nang hindi nahuhulog at walang pangamba. Kung ang tao ay nagkikimkim ng mga mahiyain at matatakuting saloobin, iyon ay dahil naloko siya ni Satanas, natatakot na tatawirin natin ang tulay ng pananampalataya upang makapasok sa Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 6). Nabigyang-inspirasyon ng mga salita ng Diyos, kaagad kong nadama ang pagdaloy ng lakas sa loob ko, at natanto ko na ang karuwagan at takot ko na mamatay ang dahilan kung bakit ako napaglalaruan ni Satanas. Umaasa sa wala ang pamahalaang CCP na mapaamin ako sa malupit na pagpapahirap sa akin bilang paraan nila para mapilitan akong sumuko sa mapaniil na kapangyarihan nito, na ipagkanulo ang iglesia at maging Judas na nagkanulo sa Diyos dahil takot akong mamatay o ayaw kong makaranas ng anumang sakit. Hindi ko mahahayaang magtagumpay ang tusong balak ni Satanas, at nagpasiya ako na tatayong saksi para sa Diyos kahit ibuwis ko pa ang sarili kong buhay. Patuloy akong pinahirapan ng pulis sa gayong paraan, pero hindi na ako nakadama ng sobrang takot. Alam ko sa sandaling iyon na ang Diyos yaong nagpapakita ng Kanyang awa at pangangalaga sa akin, at lubos akong nagpapasalamat sa Kanya.

Pinosasan ako ng dalawang pulis at ibinalik sa upuan at mabalasik na itinanong muli sa akin ang gayon ding mga bagay. Nakitang hindi pa rin ako sumasagot, pinatindi pa nila ang pagpapahirap sa akin. Hinila nila ang aking mga braso nang tuwid at pwersahang binatak nang pabalik-balik sa likuran ko. Kapagdaka, parang mapipigtas ang mga ito at pinagpawisan ang buong katawan ko dahil sa matinding sakit na dulot nito; wala akong magagawa kundi ang mapasigaw nang malakas. Hinila nila ang aking mga binti para mapunta sa ulunan ko ang aking mga paa, at pagkatapos ay binatak sa magkasalungat na direksyon ang aking mga hita. Dahil sa matinding sakit ng pagbatak sa mga hita ko halos mawalan ako ng malay. Sa aking puso, patuloy lang akong nanalangin sa Diyos: “Oh Makapangyarihang Diyos! Mangyaring pagkalooban ako ng pananampalataya at lakas at ng determinasyon na matiis ang sakit na ito. Nawa’y Ikaw ang aking maging matibay na suporta na nagbibigay ng lakas sa aking espiritu. Anumang malupit na mga paraan ang ginagamit sa akin ng grupong ito ng mga demonyo, ako po ay palaging magtitiwala sa Iyo at tatayong saksi.” Matapos akong manalangin, isang himno ng mga salita ng Diyos ang sumagi sa aking isipan: “Habang sumasailalim sa mga pagsubok, normal sa mga tao ang manghina, o maging negatibo ang kalooban, o hindi malinawan ang kalooban ng Diyos o ang landas ng kanilang pagsasagawa. Ngunit ano’t anuman, kailangan mong magkaroon ng pananampalataya sa gawain ng Diyos, at huwag itanggi ang Diyos, gaya ni Job. … Ang Kanyang ginagawang perpekto sa pamamagitan ng paggawa sa ganitong paraan ay ang pananampalataya, pagmamahal, at mga hangarin ng mga tao. Ginagawa ng Diyos ang gawain ng pagpeperpekto sa mga tao, at hindi nila ito nakikita, hindi ito nadarama; sa gayong mga sitwasyon, kinakailangan ang iyong pananampalataya. Kinakailangan ang pananampalataya ng mga tao kapag may isang bagay na hindi nakikita ng mata lamang, at kinakailangan ang iyong pananampalataya kapag hindi mo mapakawalan ang iyong sariling mga kuru-kuro. Kapag hindi malinaw sa iyo ang gawain ng Diyos, ang kinakailangan mong gawin ay manampalataya at manindigan at tumayong saksi. Nang umabot si Job sa puntong ito, nagpakita sa kanya ang Diyos at nangusap sa kanya. Ibig sabihin, sa pananampalataya mo lamang makikita ang Diyos, at kapag mayroon kang pananampalataya gagawin kang perpekto ng Diyos(“Kailangan ang Pananampalataya sa mga Pagsubok” sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Ang mga salita ng Diyos ay nagbigay sa akin ng malaking pananampalataya at lakas. Inisip ko ang pinagdaanang matitinding pagsubok ni Job, nang ang kanyang buong katawan ay napuno ng mahahapding bukol at nagdanas ng napakatinding sakit. At magkagayunman, sa kabila ng kanyang nadamang sakit, nagawa pa niyang hangarin ang kalooban ng Diyos; hindi siya nagkasala sa kanyang mga salita o ikinaila ang Diyos; ngunit sa halip sinunod niya ang Diyos at pinuri ang banal na pangalan ng Diyos. Taglay ni Job ang tunay na pananampalataya at pagpipitagan sa Diyos, at dahil diyan nagawa niyang tumayong saksi para sa Diyos at lubusang ipinahiya at dinaig si Satanas—sa wakas, nagpakita ang Diyos at nangusap sa kanya. Ang nangyaring paghihirap at pagsubok sa akin ngayon ay ipinahintulot din ng Diyos. Bagama’t hindi ko lubusang naunawaan ang kalooban ng Diyos at napakatindi ng sakit na naranasan ng aking katawan, gayunpaman ang Diyos pa rin ang makapagsasabi sa huli kung ako ay mabubuhay o mamamatay, at nang walang pahintulot Niya, hindi kailanman makukuha ng mga pulis ang buhay ko gaano man nila ako pahirapan. Mababagsik kung tingnan ang mga pulis na ito, ngunit sa harapan ng Diyos sila ay mga tigreng papel lamang, mga kasangkapan lamang sa mga kamay ng Diyos. Ginagamit ng Diyos ang kanilang kalupitan at pagpapahirap para gawing perpekto ang aking pananampalataya, at hangad ko na manatiling tapat sa Diyos, ibigay ang aking sarili nang lubos sa Kanyang mga kamay, at magtiwala sa Diyos para madaig si Satanas at hindi na matakot pa sa mga pulis.

Paulit-ulit akong pinahirapan ng mga pulis. Nakikitang hindi pa rin ako nagsasalita, dinampot ng isa sa mga pulis ang isang puting bakal na ruler na mga 50 cm ang haba at sinimulan akong hampas-hampasin nang buong lupit sa aking mukha gamit ito. Hindi ko alam kung ilang beses niya akong hinampas; namaga ang mukha ko at sobrang sakit nito. Umikot ang aking paningin at tila nakakita ako ng mga bituin at sumakit ang ulo ko. Tinadyakan ako sa mga hita ng dalawa sa mga pulis gamit ang takong ng kanilang balat na sapatos. Nalugmok ako sa napakatinding sakit sa bawat pagtadyak. Sa aking pagdurusa, ang tanging magagawa ko ay taimtim na manalangin sa Diyos sa aking puso, hinihiling sa Kanya na ingatan ako nang sa gayon ay maaaring makaya ko ang malupit na pagpapahirap na ginawa sa akin ng mga pulis ng CCP.

Noong alas-8 ng kinaumagahan, pumasok ang pinuno ng Criminal Police Brigade sa silid ng interogasyon. Nang malaman na wala pang nakukuhang anumang impormasyon sa akin ang mga pulis, mabalasik niyang sinabi, “Ayaw mong magsalita, ha? Hmph! Sige, tingnan natin!” At pagkatapos ay umalis siya. Nang hapong iyon, isang matabang opisyal na may dalang ID card sa kanyang kamay ang lumapit sa akin at nagtanong, “Kilala mo ba ang taong ito?” Nakita ko agad na iyon ay isang kapatid sa iglesia mula sa nayon kung saan din ako nagmula. Sinabi ko sa sarili ko: “Anuman ang mangyari, hindi ko dapat isuplong ang aking kapatid.” At kaya nga, sumagot ako, “Hindi, hindi ko siya kilala.” Naningkit ang kanyang mga mata, at kinuha niya ang isang electroshock baton na nakalagay sa ibabaw ng mesa. Iwinawasiwas ito sa harap ng aking mukha, nagbabantang sinabi niya, “Matigas ang ulo mo. Alam ko na isa kang lider sa iglesia, kaya umamin ka na! Ilan ang mga miyembro ninyo sa inyong iglesia? Nasaan ang pera ng iglesia? Kung hindi mo sasabihin sa akin, ipatitikim ko sa iyo ang electroshock baton na ito!” Nang tingnan ko ang masamang mukha ng pulis, nakadama ako ng matinding takot at dali-daling tahimik na umusal ng panalangin sa Diyos. Sa sandaling iyon, sumagi sa isipan ko ang mga salita ng Diyos: “Huwag matakot, ang Makapangyarihang Diyos ng maraming hukbo ay tiyak na sasaiyo; Siya ay nasa inyong likuran at Siya ang inyong sanggalang(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 26). Nagtataglay ng awtoridadad nagbigay ng pananampalataya at lakas sa akin ang mga salita ng Diyos at kagyat kong nadama na tila mayroon akong masasandigan. Naisip ko sa aking sarili: “Makapangyarihan sa lahat ang Diyos, at kahit napakalupit pa ni Satanas at ng mga demonyo, hindi ba’t nasa kamay rin sila ng Diyos? Kasama ang Makapangyarihang Diyos bilang matibay kong suporta, wala akong dapat ikatakot!” kaya simple akong tumugon, “Wala akong nalalamang anuman.” Mabalasik na sinabi ng matabang pulis, “Ito ang mapapala mo dahil wala kang kahit anong alam!” Nang sabihin niya ito, idinaiti niya ang electroshock baton sa posas ko at isang malakas na daloy ng kuryente ang nanuot sa buong katawan ko na napakasakit—hindi ko mailarawan ang sakit. Patuloy akong kinuryente ng pulis gamit ang baton, at nang halos hindi ko na ito makayanan, isang himala ang nangyari: Naubos ang baterya nito! Nasaksihan ko ang pagka-makapangyarihan sa lahat at dakilang kapangyarihan ng Diyos, at higit pa riyan naranasan ko ang katotohanang nariyan palagi ang Diyos sa aking tabi, binabantayan ako, iniingatan ako, at isinasaalang-alang ang aking kahinaan. Nadagdagan ang aking pananampalataya at napatibay ang aking determinasyon na tumayong saksi para sa Diyos.

Natanto kalaunan ng pulis na hindi pa rin talaga ako magsasalita, at kaya dala-dalawang nagsalitan sila sa pagbabantay sa akin. Hindi nila ako pahihintulutang kumain, uminom ng tubig o kahit matulog. Sa sandaling mapapapikit ako, hahampasin at sisipain nila ako, sa pag-asang bibigay din ako. Gayunpaman, ginabayan ako ng Diyos na makita ang kanilang tusong balak, at tahimik akong nanalangin sa Diyos, kumanta ng mga himno sa aking isipan at pinagnilayan ang mga salita ng Diyos at, bago ko namalayan, sumigla ang aking espiritu. Sa kabilang banda, patuloy sa pag-inom ng kape ang mga pulis na ito at gayunman dahil sa sobrang pagod ay palagi silang naghihikab. Nagtatakang sinabi ng isa sa kanila, “Siguro mayroon siyang kakaibang kapangyarihan kaya nakakatagal siya, kung hindi paano pa siya nagkakaroon ng ganoong lakas?” Nang marinig ko na sinabi ito ng pulis, paulit-ulit kong pinapurihan ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, dahil lubos kong nalalaman sa aking puso na nangyari ang lahat ng ito dahil sa paggabay ng mga salita ng Diyos, at dahil ito sa sariling kapangyarihan ng Diyos sa buhay na nagpapalakas sa akin at nagkakaloob sa akin ng pananampalataya at lakas. Bagama’t hindi ko alam noon kung ano pang mga uri ng malupit na pagpapahirap ang gagawin sa akin ng mga pulis, mayroon akong pananampalataya na umasa sa Diyos para maharap ang mga mangyayari pang mga interogasyon, at matibay kong ipinasiya na: Hindi ako kailanman susuko sa mabagsik na kapangyarihan ng pamahalaang CCP, kundi tatayong saksi para sa Diyos!

Noong gabi ng ikatlong araw, binuhusan ako ng isang tasa ng mainit na tubig ng pinuno ng Criminal Police Brigade at, pakunwaring nag-aalala, sinabing, “Huwag kang maging hangal ngayon. May nagsuplong na sa iyo, kaya’t ano pa ang silbi na tiisin ang lahat ng ito para sa ibang tao? Sabihin mo lang sa akin ang lahat ng nalalaman mo at ipinapangako ko na palalayain kita. Maliit pa ang iyong anak at nangangailangan pa ng pagmamahal ng kanyang ina. Maganda sana ang buhay mo, subalit sinayang mo ito sa paniniwala sa kung sinong Diyos! Hindi ka maililigtas ng Diyos, pero maililigtas ka namin. Matutulungan ka namin sa anumang problema mo, at matutulungan ka namin na makahanap ng magandang trabaho kapag nakalabas ka na rito….” Habang pinakikinggan ko siyang magsalita, wala akong naisip kundi ang aking bata pang anak, iniisip kung kumusta na kaya siya mula noong madakip ako. Kukutyain kaya siya ng mga kaibigan at mga kamag-anak namin na hindi naniniwala? Aapihin ba siya ng mga kaklase niya sa eskwelahan? Nang nagsimula na akong manghina, niliwanagan ng Diyos ang isipan ko sa mga siping ito ng Kanyang mga salita: “Dapat gising kayo at naghihintay sa lahat ng oras, at dapat kayong mas manalangin sa harapan Ko. Dapat ninyong makilala ang iba’t ibang balak at mga tusong pakana ni Satanas, makilala ang mga espiritu, makilala ang mga tao, at makayang makilatis ang lahat ng uri ng tao, pangyayari, at bagay …(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 17). Nabigyang inspirasyon ng mga salita ng Diyos, malinaw kong naunawaan na ginamit ni Satanas ang damdamin ko para sa aking pamilya upang akitin akong ipagkanulo ang Diyos. Alam ni Satanas na pinakamamahal ko sa lahat ang aking anak at ginamit ang mga pulis bilang tagapagsalita nito para atakihin at tuksuhin ako, at gawing dahilan ang pagmamahal ko sa aking anak para isuplong ko ang aking mga kapatid. Pagkatapos ay magiging Judas ako na nagkanulo sa Diyos na sa huli ay isusumpa at parurusahan ng Diyos—napakatuso at napakasama ni Satanas! Naisip ko bakit nga ba hindi ko makakasama ang aking anak para alagaan siya, at hindi ba’t lahat ng ito ay dahil kaaway ng Diyos ang pamahalaang CCP, at dahil galit na galit na dinadakip at inuusig nito ang mga Kristiyano? At gayon pa man sinabi ng pulis na nangyari ito dahil naniwala ako sa Diyos. Sa pagsasabi nito, hindi ba’t binabaligtad nila ang katotohanan at sinisira ang mga katotohanan? Napakawalang-hiya at napakasama ng pamahalaang CCP! At kaya, anuman ang sabihin ng pulis, hindi ko talaga siya pinansin. Nakitang hindi ako matitinag ng magandang salita o pagpapahirap, galit siyang tumalilis. Sa patnubay at pangangalaga ng Diyos, muli kong napaglabanan ang mga tukso ni Satanas.

Makalipas ang alas-8 ng gabing iyon nang bumalik ang matabang pulis na may dalang malaking electroshock baton at kasunod niya ang tatlong tauhan niya. Dinala nila ako sa gym at pinunit ang mga damit ko (damit na panloob na lamang ang suot ko), at pagkatapos ay itinali ako ng lubid sa isang gilingan na pinepedalan. Nang tumingin ako sa kanilang mga mukha, bawat isa ay mas bumalasik pa kaysa dati, na dahilan para matakot ako nang husto at panghinaan ng loob, at hindi ko alam kung anong kalupitan ang susunod na gagawin nila sa akin o gaano katagal ito. Nakadama ako nang labis na panghihina sa sandaling iyon at nagsimulang mag-isip ng tungkol sa kamatayan. Ngunit kaagad, alam ko na mali ang mga kaisipang ito, at dahil dito kaagad akong nanalangin at nagsumamo sa Diyos: “Oh Makapangyarihang Diyos! Alam Mo ang nasa puso ko, at ayaw ko pong maging Judas na nagkanulo sa Iyo at maitatala sa kasaysayan bilang isang traydor. Ngunit maliit lang ang pangangatawan ko, at nakadarama ako ng sobrang sakit at panghihina sa harap ng pagpapahirap na ito—natatakot ako na hindi ko na ito makakaya at ipagkakanulo kita. Oh Diyos! Nawa’y ingatan ako at pagkalooban ako ng pananampalataya at lakas. Mangyari pong samahan ako, gabayan at akayin ako, at bigyan ako ng lakas na makatayong saksi sa pamamagitan ng malupit na pagpapahirap na ito.” Pagkatapos manalangin, naisip ko ang mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Kaya, sa mga huling araw na ito ay kailangan ninyong magpatotoo sa Diyos. Gaano man kalaki ang inyong pagdurusa, dapat kayong magpatuloy hanggang sa kahuli-hulihan, at maging sa inyong huling hininga, kailangan pa rin kayong maging tapat sa Diyos at magpasakop sa pagsasaayos ng Diyos; ito lamang ang tunay na pagmamahal sa Diyos, at ito lamang ang malakas at matunog na patotoo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos). Ang mga salita ng Diyos ay nagdala sa akin ng kapanatagan at lakas ng loob. Ipinaunawa nito sa akin na itinulot ng Diyos na gawin sa akin ang malupit na pagpapahirap na ito nang sa gayon ay maaaring maitimo sa aking puso ang tunay na pananampalataya at pagmamahal, upang maaaring manatili akong tapat sa Diyos sa aking pagdurusa, magpasakop sa mga pagsasaayos at mga plano ng Diyos, at tumayong saksi sa pamamagitan ng pagtitiwala sa mga salita ng Diyos gaano man kalaki ang pagsubok o katindi ang sakit. Nang maunawaan ko ang kalooban ng Diyos, kaagad na nanaig sa akin ang tapang at determinasyon na labanan si Satanas hanggang sa pinakahuli gaano man ito kahirap, at ito ang matibay kong pasiya: Anumang pagpapahirap ang gagawin pa sa akin, hahangarin kong patuloy pang mabuhay, at gaano man katindi ang pagdurusang mangyayari sa akin, susundin ko ang Diyos hanggang sa aking huling hininga!

Di-nagtagal, ang matabang pulis, na nakalawit ang sigarilyo mula sa kanyang bibig, ay lumapit at nagtanong “Magsasalita ka ba o hindi?” Nang buong katatagan, sumagot ako ng, “Maaari mo akong bugbugin hanggang mamatay, pero wala pa rin akong nalalamang anuman.” Sa kanyang galit, inihagis niya ang kanyang sigarilyo sa sahig, at nagngingitngit sa poot, idinuldol niya ang electroshock baton sa aking likod at mga hita nang paulit-ulit. Dahil sa napakatinding sakit pinagpawisan nang malamig ang buong katawan ko, at namimighating nanangis na lamang. Habang idinuduldol niya ang baton sa akin, paungol niyang sinabi, “Iyan ang napala mo sa hindi pagsasalita! Pasisigawin kita, at tingnan natin kung gaano ka tatagal!” Ang iba pang mga opisyal na nasa silid at nakatayo sa tabi ay humalakhak at sinabing, “Bakit hindi dumarating ang Diyos mo para iligtas ka?” Marami pa silang mga bagay na sinabi na lumalapastangan sa Diyos. Sa pagkakita sa kanilang malademonyong mukha, taimtim akong sumamo sa Diyos na pagkalooban ako ng pananampalataya at lakas nang sa gayon ay matiis ko ang sakit at mapawi ang ngiti sa mukha ni Satanas. Pagkatapos manalangin, itinikom kong mabuti ang aking bibig at hindi gumawa ng kahit anong ingay gaano pa man nila ako pahirapan. Patuloy nila akong kinuryente. Nang maubos ang baterya ng isang batong pang-kuryente, pinalitan nila ito ng isa pa, at pinahirapan ako hanggang sa manlabo ang aking isipan at mas gugustuhin pang mamatay kaysa mabuhay. Hindi ako makakakilos at, dahil nakitang hindi ako gumagalaw, inakala nila na nawalan ako ng ulirat. Binuhusan nila ako ng malamig na tubig para gisingin ako at pagkatapos ay patuloy akong kinuryente. Sa paghihirap ko, naisip ko ang mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Ang grupong ito ng magkakasabuwat sa krimen![1] Bumababa sila sa mundo ng mga mortal upang magpakasaya at magsanhi ng kaguluhan, na ginugulo nang husto ang mga bagay-bagay kaya nagiging salawahan at pabagu-bago ang mundo at natataranta at hindi mapakali ang puso ng tao…. Bukod pa rito, nais pa nilang kunin ang pinakamataas na kapangyarihan sa lupa. Hinahadlangan nila nang husto ang gawain ng Diyos kaya hindi ito halos makasulong, at sinasarhan nila ang tao nang kasinghigpit ng mga pader na tanso at bakal. Dahil napakaraming nagawang kasalanan at nagsanhi ng napakaraming kalamidad, may inaasahan pa ba silang iba maliban sa pagkastigo? Naghuhuramentado na ang mga demonyo at masasamang espiritu sa lupa, at nasarhan na kapwa ang kalooban at matiyagang pagsisikap ng Diyos kaya hindi na sila mapasok. Totoo, mortal na kasalanan ito! Paanong hindi mababalisa ang Diyos? Paanong hindi mapopoot ang Diyos? Matindi na nilang hinadlangan at kinalaban ang gawain ng Diyos: Napakasuwail! Pati mga demonyong iyon, na malalaki at maliliit, ay kumikilos na parang mga asong-gubat sa mga sakong ng leon, at sumusunod sa daloy na kasamaan, nagbabalak na manggulo sa kanilang pagdaan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 7).

Ang kaliwanagan ng mga salita ng Diyos ay nagtulot sa akin na makita nang malinaw ang totoong mukha ng pamahalaang CCP. Lubos nitong kinasusuklaman ang katotohanan at ang Diyos, at natatakot ito sa paglaganap ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa iba’t ibang dako. Upang mapanatili ang pamamahala nito magpakailanman, ginagawa nito ang lahat ng makakaya nito para pigilan ang paglaganap ng ebanghelyo ng kaharian ng Diyos, at walang pakundangang dinakip, pinahirapan at pinagmalupitan ang mga hinirang ng Diyos. Kaming mga mananampalataya ay pinupuksa at inuusig nang ganito ng pamahalaang CCP dahil nais nitong wasakin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Ginagawa ito sa pagtatangkang lubos na puksain ang paniniwala sa relihiyon, pigilan ang mga tao sa paniniwala at pagsunod sa Diyos, at gawing bansang hindi naniniwala sa Diyos ang China, nang sa gayon ay makamit ang hangal na mithiin nito na kontrolin magpakailanman ang mga mamamayan ng China. Sa kabila ng katotohanan na inihayag ng pamahalaang CCP sa labas ng bansa na mayroong “kalayaan sa relihiyon” at ang “mga mamamayan ng China ay nagtatamasa ng karapatan ayon sa batas,” sa katunayan, lahat ng ito ay pawang kasinungalingan na naglalayong linlangin, lokohin, at bitagin ang mga tao, at balak ng mga itong itago ang masasamang gawain nito! Masama ang ikinikilos at salungat sa Langit ang ginagawa ng pamahalaang CCP, at ang pinakadiwa nito ay yaong sa diyablong si Satanas, na kaaway ng Diyos! Sa mismong sandaling iyon, talagang kailangan kong tahimik na gumawa ng matibay na pasiya: hindi ko dapat hayaang mawalan ng kabuluhan ang matinding pagdurusang ginawa ng Diyos para sa akin; kailangang magkaroon ako ng determinasyon at konsiyensya, at anumang malupit na pagpapahirap na titiisin ko pa, palagi akong tatayong saksi para sa Diyos. Kapagdaka, isang kamangha-manghang damdamin ng katarungan at katuwiran ang nangibabaw sa loob ko, at nadama kong nasa tabi ko ang Diyos, na nagbibigay sa akin ng lakas. Pagkatapos niyon, matindi man ang pagkuryente sa akin ng mga pulis, wala na akong nadamang sakit. Muli kong nasaksihan ang mga kamangha-manghang gawa ng Diyos; lubos kong nadama ang presensya ng Diyos, na ang Diyos ang siyang nag-iingat sa akin at nagbabantay sa akin. Pinahirapan ako ng mga pulis sa loob ng apat na oras pero wala pa rin silang nakuhang impormasyon mula sa akin. Wala nang pagpipilian, wala silang magagawa kundi ang kalagan ang pagkakatali ko sa gilingang pinepedalan. Wala na ako ni kaunting lakas sa aking katawan at natumba ako sa sahig. Hinila ako ng dalawang pulis pabalik sa silid ng interogasyon at iniupo ako, pagkatapos ay pinosasan ako sa tubo ng pangunahing kasangkapang nagpapainit. Nakita ang pagkadismaya nila, hindi ko mapipigilan ang aking sarili na pasalamatan at papurihan ang Diyos: “Oh, Makapangyarihang Diyos! naranasan ko ang Iyong pagka-makapangyarihan sa lahat at dakilang kapangyarihan, at nakikita kong madaraig ng Iyong kapangyarihan sa buhay ang iba pang mga puwersa. Salamat sa Diyos!”

Sa ikaapat na araw, limang pulis ang pumasok sa silid ng interogasyon. Isa sa kanila ay may dalang electroshock baton at pinakikislap ang kuryente nito. Nakadama ako ng matinding takot. Napuno ako ng sindak sa mga araw na pinahirapan ako kapag nakikita ko ang baton na iyon na naglalabas ng matingkad na kulay asul na liwanag. Isang opisyal na hindi pa nagtatanong sa akin ang lumapit at tumayo sa harapan ko, itinuon sa akin ang electroshock baton at sinabing, “Narinig kong matigas raw ang ulo mo at hindi ka mapaamin. Ngayon, makikita ko kung gaano ka katigas. Hindi ako naniniwala na hindi ka namin mapapasalita. Magsasalita ka ba o hindi? Kung hindi katapusan mo na ngayong araw na ito!” tumugon ako, na sinasabing, “Wala akong nalalamang anuman.” Napahiya siya na naging dahilan para magalit siya, at marahas akong hinila sa kinauupuan ko papunta sa sahig at doon ako pinanatili. Idinuldol ng isa pang pulis ang electroshock baton sa loob ng aking kamiseta, sumisigaw habang kinukuryente ang likod ko, “Magsasalita ka ba o hindi? Kung hindi, papatayin ka namin!” Nakita ang kabagsikan nila at kasuklam-suklam at mabagsik na mga mukha, hindi ko mapipigilang hindi matakot, at agad akong nanalangin sa Diyos: “Oh Makapangyarihang Diyos! Mangyaring gabayan ako! Mangyaring pagkalooban ako ng tunay na pananampalataya at lakas!” Patuloy akong kinuryente ng pulis habang walang tigil ang pagtaghoy ko. Nadama kong tila napunta ang lahat ng aking dugo sa aking ulo, at napakasakit nito kaya pinagpawisan ako nang husto at halos mawalan ng ulirat. Nakitang hindi pa rin ako magsasalita, nagsimulang pagmumurahin ako ng mga pulis sa matinding galit nila. Makalipas ang ilang sandali nang mawawalan na ako ng ulirat, hinatak nila ako pabalik sa upuan at muling pinosasan, pagkatapos niyon dalawa sa kanila ang nagsalitan sa pagbabantay sa akin para tiyaking hindi ako matutulog. Sa sandaling iyan, wala pa akong kinain, walang ininom na tubig, o walang tulog sa loob ng apat na araw at gabi. Dagdag pa riyan ang malupit na pagpapahirap na ginawa nila sa akin na lubos na nagpahina sa aking katawan. Gininaw ako at gutom, at ang sakit na nadama dahil sa gutom at labis na lamig na sinamahan pa ng pagkirot ng sugatan kong katawan—nadama ko na tila malapit nang magwakas ang aking buhay. Sa aking napakahinang kalagayan, isang linya sa mga salita ng Diyos ang sumagi sa aking isipan: “Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa’t salitang lumalabas sa bibig ng Diyos(Mateo 4:4). Pinagnilayan ito, naunawaan ko na tanging ang mga salita ng Diyos ang maaaring maging suporta ko para makayanan ang sitwasyong tulad nito, natanto ko rin na ang mismong sitwasyong ito ang ginamit ng Diyos para maperpekto ko ang pagpasok ko sa aspetong ito ng katotohanan. Nang paulit-ulit kong pagnilayan ito, hindi ko namalayang nalimutan ko ang lahat tungkol sa aking pagdurusa, ang aking gutom at ang lamig.

Sa ikalimang araw, nakita ng pulis na nanatili akong matatag at tahimik, at sinimulan akong pagbantaan ng masama, sinasabing, “Hintayin mo lang na masentensyahan ka. Makukulong ka ng mga pitong taon, pero may pagkakataon pa para maiwasan ito kung magsasalita ka na ngayon!” Tahimik akong umusal ng panalangin sa Diyos: “Oh Makapangyarihang Diyos! Sinabi ng pulis ng CCP na sisentensyahan nila ako ng pitong taong pagkabilanggo, ngunit nalalaman ko na hindi sila ang magpapasiya sa huli, dahil nasa Iyong mga kamay ang aking kapalaran. Oh Diyos! mas gugustuhin ko pang mabilanggo habang buhay at manatili sa totoong landas kaysa ipagkanulo kita!” Pagkatapos niyon, sinubukan ng pulis na tuksuhin ako na ipagkanulo ang Diyos sa pamamagitan ng pagdala roon sa aking asawang hindi naniniwala. Nang makita niya ako na nakaposas na may mga sugat at pasa sa buong katawan ko, awang-awang sinabi niya sa akin, “Sa TV lamang ako nakakakita ng nakaposas, at hindi ko akalain na makikita ko iyan sa iyo.” Nang marinig kong sinabi niya ito, at nakita ang malungkot niyang mukha, agad akong nanalangin sa Diyos, hinihiling na ingatan ako para hindi ako mahuhulog sa bitag ni Satanas dahil sa damdamin ko para sa aking pamilya. Matapos akong manalangin, mahinahon kong sinabi sa aking asawa, “Naniniwala ako sa Diyos, hindi ako nagnanakaw o nandarambong sa mga tao. Pumupunta lang ako sa mga pagtitipon at binabasa ang mga salita ng Diyos, at sinisikap na maging isang tapat na tao gaya ng iniuutos ng Diyos. Wala akong nagawang anumang krimen, pero gusto nila akong sentensiyahan na mabilanggo.” Sumagot ang asawa ko, “Hahanapan kita ng abugado.” Nakitang hindi ako hinihingan ng impormasyon ng asawa ko tungkol sa iglesia at sa aking mga kapatid, at bagkus ay nag-aalok pa na kukuha ng abugado para sa akin, kinaladkad siya ng mga pulis palabas sa silid. Alam ko na ito ang pag-iingat sa akin ng ng Diyos, dahil napakatindi ng pagmamahal ko sa aking pamilya, kung nagsabi ng anuman ang aking asawa na nagpapakita ng pag-aalala sa aking pisikal na kalagayan, hindi ko alam kung magiging matatag pa ako. Iyon ay paggabay at pangangalaga ng Diyos na nagbigay sa akin ng lakas na mapaglabanan ang tukso ni Satanas.

Nakita ng mga pulis na hindi nila ako mapapaamin at, nagpupuyos sa galit, sinabi nila, “Sandali na lang at tuturukan ka namin para mawalan ka ng katinuan. Pagkatapos ay palalayain ka namin, at hindi ka rin mamamatay!” Agad akong nakadama ng pagkabalisa, at muling nanaig ang takot sa akin. Naisip ko kung gaano kalupit ang pamahalaang CCP: Sa sandaling madakip nila ang isang taong namumuno sa iglesia, at kapag wala pa rin silang makuhang anumang impormasyon sa kanila tungkol sa iglesia matapos ang malupit na pambubugbog at pagpapahirap, sapilitan nilang tuturukan sila ng mga gamot para mawala ang katinuan nila at magiging dahilan para maging schizophrenic sila—ilan sa mga kapatid ang malupit na pinahirapan at inusig sa paraang ito ng pamahalaang CCP. Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang maisip ko iyon, at naisip ko: “Talaga bang pahihirapan ako ng mga tauhang ito ng CCP hanggang sa mawala sa katinuan ang pag-iisip ko at humantong na pagala-gala gaya ng isang baliw?” Habang lalo ko itong iniisip, lalo akong natakot, at hindi ko mapipigilan ang pagpawisan nang malamig ang buong katawan ko. Kaagad akong nanalangin at nagsumamo sa Diyos: “Oh Makapangyarihang Diyos! Gusto akong turukan ng mga tauhan ng CCP ng mga gamot para mawala ako sa katinuan, at natatakot akong mabaliw. Oh Diyos! Bagama’t nalalaman ko na dapat akong tumayong saksi para sa Iyo, labis na karuwagan at takot ang nadarama ko sa sandaling ito. Oh Diyos! Nawa’y ingatan ang aking puso, at pagkalooban ako ng tunay na pananampalataya nang sa gayon ay maipagkatiwala ko sa Iyo ang aking buhay at aking kamatayan, at magpasakop sa Iyong mga pagsasaayos at mga plano.” Pagkatapos niyon kaagad na sumagi sa isipan ko ang mga salita ng Panginoong Jesus: “At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapuwa’t hindi nangakakapatay sa kaluluwa: kundi bagkus ang katakutan ninyo’y Siyang makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa impiyerno(Mateo 10:28). Ang mga salita ng Panginoon ay nagbigay sa akin ng pananampalataya at lakas. “Oo,” naisip ko. “Magagawang patayin at lumpuhin ng mga demonyong ito ang aking katawan, pero hindi nila mapapatay at malulumpo ang aking kaluluwa. Nang hindi ipinahihintulot ng Diyos, hindi ako mababaliw kahit turukan nila ako ng mga gamot na iyon.” Pagkatapos ay naisip ko ang mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Kapag handang isakripisyo ng mga tao ang kanilang mga buhay, ang lahat ng bagay ay nagiging walang halaga, at walang makagagapi sa kanila. Ano ang maaaring maging higit na mahalaga kaysa buhay? Sa ganitong paraan nawawalan si Satanas ng kakayahang gumawa pa sa mga tao, walang anumang magagawa ito sa tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 36). Nang pagnilayan ko ang mga salita ng Diyos, unti-unting napawi ang takot na nadama ko sa kaibuturan ng aking puso at hindi ko na nadama ang takot na iyon. Sa halip, naging handa akong ilagay ang aking sarili sa mga kamay ng Diyos at magpasakop sa dakilang kapangyarihan ng Diyos mabuhay o mamatay man ako, at kung maging baliw o luka-luka ako. Maya-maya lang, isang pulis ang nagpasok ng karayom na pang-iniksyon at ng gamot, at pinagbantaan ako, sinasabing, “Magsasalita ka ba o hindi? Kung hindi ka magsasalita, tuturukan kita nito!” Nagsalita nang walang takot, sinabi ko, “Gawin mo ang gusto mo. Anuman ang mangyari ikaw ang mananagot.” Nakitang hindi ako takot, mabagsik niyang sinabi, “Sige kunin ninyo ang isa na may AIDS virus! Iyon ang ituturok natin sa kanya.” Dahil hindi pa rin ako kinakitaan ng takot, nagtiim-bagang siya sa galit, at sinabing, “Sira-ulo ka. Matigas ka kaysa kay Liu Hulan!” Initsa niya ang karayom na pang-iniksyon sa mesa. Natuwa ako. Dahil nasaksihan ko kung paano ako ginabayan ng mga salita ng Diyos para muling pahiyain si Satanas, wala akong magagawa kundi ang manalangin para magpasalamat sa Diyos. Sa huli, natanto ng pulis na hindi nila makukuha ang impormasyong gusto nilang makuha sa akin, kaya’t talunan silang tumalilis.

Dahil walang saysay ang lahat ng paraang ginawa nila, walang magagawa ang mga pulis kundi ang ipadala ako sa bilangguan. Nang makarating ako roon, inudyukan ng mga bantay ng bilangguan ang iba pang mga bilanggo, sinasabing, “Naniniwala siya sa Kidlat ng Silanganan. Bigyan siya ng ‘mainit na pagtanggap’!” Bago pa ako nagkaroon ng pagkakataong makatugon, ilan sa mga bilanggo ang dinaluhong ako at kinaladkad ako sa banyo at pagkatapos, matapos hubarin ang mga damit ko, sinimulan nila akong buhusan ng napakalamig na tubig. Bawat palayok ng malamig na tubig na ibinuhos sa akin ay tila isang bato na ipinupukol sa aking katawan, napakalamig at masakit, at gininaw ako nang husto kaya nanginig ang buong katawan ko. Napasalampak ako sa sahig, sapo ng aking mga kamay ang aking ulo, sumasamo sa Diyos nang paulit-ulit sa kaibuturan ng aking puso. Matapos ang ilang sandali, sinabi ng isang bilanggo, “OK, OK, tama na iyan. Ayaw natin siyang magkasakit.” Tumigil lamang ang mga bilanggo na gumawa sa akin nito nang marinig nila na sinabi ito ng bilanggong iyon. Nang malaman niya na wala akong kinaing anuman sa loob ng limang araw, ibinigay niya sa akin ang kalahati ng isang pinasingawang tinapay noong oras ng hapunan. Alam na alam ko na tulong ito ng Diyos para sa aking kahinaan, inaantig ang bilanggong ito na tulungan ako. Nakita ko na nariyan palagi ang Diyos sa akin, at mula sa kaibuturan ng aking puso nagpasalamat ako sa Diyos para sa Kanyang awa at pagliligtas.

Sa loob ng bilangguan, nakasama ko ang lahat ng uri ng iba pang mga bilanggo. Kasama sa bawat isa sa tatlong pagkain namin ang isang piraso ng pinasingawang tinapay at dalawang mahabang piraso ng maalat na singkamas, o kaya ay isang mangkok ng sopas na repolyo na may mga kulisap na nakalutang dito at walang halos nakahalong repolyo dito. Minsan sa isang linggo, binibigyan kami ng masarap na butil, na isa pa ring pinasingawang tinapay na kasinglaki ng kamao—hindi ako mabusog nito. Maliban pa sa pagbigkas sa mga patakaran ng bilangguan, araw-araw sa lugar na iyon binibigyan kami ng kota sa trabaho para sa paggawa ng maliit na mga handicraft na imposible naming magawa. Dahil napinsala ang aking mga kamay sa mahigpit na pagposas sa akin at pagkuryente hanggang sa puntong halos maparalisa na ang mga ito, at higit pa rito napakaliit ng mga handicraft na gagawin namin, hindi ko mahahawakan ang mga ito, at hindi makayang matapos ang napakarami kong trabaho. Minsan, dahil hindi ko natapos ang aking trabaho, pinabantayan ako ng mga bantay ng bilangguan sa iba pang mga bilanggo para pigilan ako sa pagtulog sa buong magdamag. Madalas din akong parusahan sa pagbibigay sa akin ng trabahong magbantay at pinapayagan lang matulog ng apat na oras sa gabi. Sa panahong ito, patuloy pa rin akong tinatanong ng mga pulis ng CCP. Pinagawa pa nila ng liham ang aking anak para sa akin, sinusubukang linlangin ako para ipagkanulo ko ang Diyos. Ngunit sa pangangalaga at patnubay ng Diyos, nahiwatigan ko ang mga tusong balak ni Satanas at tumayong saksi nang paulit-ulit. Sa kabila ng katotohanang wala silang nakuhang anumang sangkot dito, pinaratangan pa rin nila ako ng “panggugulo sa katahimikan ng publiko” at sinentensiyahan ako ng tatlong taon ng muling pag-aaral sa pamamagitan ng pagtatrabaho.

Noong Disyembre 25, 2005, nakumpleto ko ang sentensya sa akin at ako ay pinalaya. Dahil naranasan ang paghihirap na ito sa pagitan ng katarungan at kasamaan, nagdusa ako kapwa sa katawan at isipan, ngunit naunawaan ko pa rin ang maraming katotohanan, at malinaw kong nakita ang laban sa Diyos, malademonyong diwa ng pamahalaang CCP. Nagkaroon din ako ng ilang tunay na pagkaunawa sa pagka-makapangyarihan sa lahat, dakilang kapangyarihan, pagiging kamangha-mangha, at karunungan ng Diyos, at tunay na naranasan ko ang pagmamahal ng Diyos sa akin at ang Kanyang pagliligtas. Habang pinahihirapan at inuusig ako ng mga diyablong iyon, ang napapanahong kaliwanagan at paggabay ng mga salita ng Diyos ang siyang matibay kong suporta at nagbigay iyan sa akin ng determinasyon at tapang na labanan si Satanas hanggang sa pinakahuli. Nang tangkain ni Satanas ang lahat ng uri ng mga tusong plano para tuksuhin ako at akitin ako na ipagkanulo ang Diyos, ginamit ng Diyos ang Kanyang mga salita bago pa mahuli ang lahat para balaan ako at gabayan, at alisin ang alikabok sa aking mga espirituwal na mata nang sa gayon ay makita ko ang mga balak ni Satanas at matibay na manindigan sa aking patotoo; nang gawin sa akin ng mga demonyong iyon ang matinding pagpapahirap hanggang sa puntong mas mabuti pang mamatay at nasa bingit na ng kamatayan ang aking buhay, ang mga salita ng Diyos ang naging saligan ng aking kaligtasan. Nagbigay ang mga ito sa akin ng napakalaking pananampalataya at lakas, at dahil dito nagawa kong makaalpas sa pagkakahawak ng kamatayan sa akin. Tinulutan ako ng lahat ng bagay na ito na tunay na makita ang maganda at mabuting diwa ng Diyos—tanging Diyos ang lubos na nagmamahal sa sangkatauhan. Ang pamahalaang CCP, sa kabilang banda, ang pangkat na ito ni Satanas at mga demonyo, ay ang maaari lamang magtiwali, makapinsala at lumamon sa mga tao! Ngayon, sa harap ng tumitinding kabangisan sa pag-atake na ginawa ng pamahalaang CCP sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, matibay ang determinasyon ko na lubos na iwaksi ang matandang diyablong ito ang pamahalaang CCP, ibigay ang aking puso sa Diyos, at gawin ang lahat ng makakaya ko na hangarin ang katotohanan at sikaping mahalin ang Diyos. Ipalalaganap ko ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos at dadalhin pabalik sa harap ng Diyos ang lahat ng yaong tapat na naniniwala sa Diyos, na naghahangad ng katotohanan, at nalinlang nang lubos ng pamahalaang CCP, nang sa gayon ay matumbasan ko ang pagkakaloob Niya sa akin ng Kanyang pagliligtas!

Talababa:

1. Ang “magkakasabuwat sa krimen” ay kapareho ng uri ng “isang grupo ng mga butangero.”

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Pinaghahanap Ngunit Inosente

Ni Liu Yunying, TsinaNoong Mayo 2014, inimbento ng Partido Komunista ng Tsina ang Zhaoyuan Case sa Shandong para i-frame at siraan ang Ang...

Diyos ang Aking Lakas sa Buhay

Ni Xiaohe, Henan Province Sa tila isang kisap-mata, nasunod ko ang Makapangyarihang Diyos sa loob ng 14 na taon. Sa mga taong ito,...