Sinira Ako ng Pagpapanggap

Pebrero 25, 2025

Ni Zheng Xinjing, Tsina

Minamahal kong Sister,

umaasa akong nasa mabuti kang kalagayan sa pagtanggap ng liham na ito!

Noong nakaraan ay sumulat ka upang magtanong tungkol sa mga natamo ko mula sa ginagawa kong mga tungkulin na malayo sa tahanan ko sa nakalipas na taon. May ilang bagay na talagang naranasan ko at nagtamo ako ng kaunting pagkaunawa sa tiwali kong disposisyon. Ngayon, gusto kong ibahagi ang isang karanasang napagdaanan ko noong nakaraang tag-araw.

Noong panahong iyon, nagtutulungan kami ni Mali sa tungkulin ng pagdidilig. Bagama’t kasisimula pa lamang ni Mali sa tungkuling ito, siya ay masigasig, sabik na matuto, at bukas lang na humihingi ng tulong kapag nakatagpo siya ng mga problemang hindi niya maunawaan. Sa una, medyo simple lang ang mga tanong ni Mali, at aktibo at handa kong sinagot ang mga ito. Hinangaan ako ni Mali, sinasabi niya na mayroon akong mahusay na pag-arok sa mga prinsipyo, na lubos kong ikinatuwa. Kalaunan, nang mas naging pamilyar na si Mali sa mga prinsipyo, nagtatanong siya ng mga tanong na hindi ko lubos na nauunawaan, at kahit na nagkaroon ako ng ilang opinyon, hindi ako sigurado kung tama ang mga ito. Natakot ako na kung mali ang maisagot ko, baka hamakin ako ni Mali, at isipin na hindi ko man lamang malinaw na makita ang ganoong mga isyu, at na hindi ko naunawaan ang katotohanan o ang mga prinsipyo, na ikinababahala ko sa tuwing nagtatanong siya. Mayroong ilang tanong na hindi malinaw sa akin, kaya nagpapanggap akong hindi ko naririnig dahil naka-headphones ako, sinasadyang tumutok sa computer ko at iginagalaw ang mouse na para bang abala ako sa gawain ko. Ang ibang mga sister, na nag-iisip na hindi ko iyon narinig o abala ako sa ibang bagay, ang siyang sumasagot sa mga tanong ni Mali. Noong panahong iyon, inakala kong napakatuso ko—sa ganitong paraan, hindi mapapansin ng iba ang mga pagkukulang ko, at hindi ko kailangang mag-alala na mapapahiya ako dahil sa pagbibigay ng maling sagot. Gayumpaman, nakaramdam din ako ng kaunting pagkakonsensiya. Noong nagtanong si Mali, totoong humihingi siya ng tulong, ngunit sinadya kong hindi siya pansinin. Hindi ba’t mapanlinlang ito? Bukod dito, kahit hindi ko nauunawaan ang isang bagay, dapat ay maging tapat ako at maghanap at makipagbahaginan sa iba tungkol sa mga solusyon, na kapwa makabubuti sa gawain at sa aking sariling pagpasok. Ngunit dahil sa takot na magkamali sa pagsasalita at mapahiya, pinili kong manatiling tahimik.

Sister, alam mo ba? Noong panahong iyon, pakiramdam ko ay napakamapagpaimbabaw ko, na araw-araw nagsusuot ng maskara at hindi nangahas na ipakita ang totoo kong sarili, natatakot na masiwalat ang mga isyu ko at maliitin ng iba.

Kalaunan, nakaranas din ako ng mga paghihirap sa tungkulin ko, at kapag may mga baguhan na nagtanong ng mga hindi ko alam kung paano lutasin, nakakaramdam ako ng pagkabalisa. Nais kong magbukas ng loob sa pakikipagbahaginan at humingi ng tulong sa mga kapatid, ngunit natakot ako na kapag ginawa ko iyon, baka isipin nilang hindi ko kayang lutasin ang ganoong mga simpleng problema at hindi ako nakaunawa ng katotohanan. Pinuri noon ni Mali ang pagkaarok ko sa mga prinsipyo, kaya baka isipin niyang nagkamali siya ng paghusga sa akin. Alam kong kung hindi ako magsasalita, ang mga isyu ng mga baguhan ay hindi malulutas, at ang kanilang buhay ay magdurusa! Ngunit nadama ko na mas mahirap ang pagbabahagi tungkol sa mga paghihirap ko. Nadama ko na ang maagap na pagbubunyag ng mga pagkukulang ko ay pagmumukhain akong mahina. Sa huli, hindi ko napilit ang sarili ko na magsalita. Dahil hindi ako nangahas na sabihin ang mga paghihirap ko, hindi nalutas ang mga problema ng mga baguhan, ang ilan ay tumigil pa nga sa pagdalo sa mga pagtitipon, at nadama kong kulang ako sa tungkulin ko. Napunta ako sa isang negatibong kalagayan, na naging labis na masakit para sa akin. Sa panahong iyon, labis kong hinangad na maipahayag nang malaya ang tungkol sa mga paghihirap at kalagayan ko nang walang anumang alalahanin. Tinanong ko ang sarili ko, “Bakit napakahirap magpahayag ng katotohanan at tungkol sa mga katunayan at kumilos sa isang tuwirang paraan?”

Minsan, pinag-uusapan namin ni Mali kung ang isang sister ay maaaring linangin upang magdilig sa mga baguhan, at ibinahagi ko ang pananaw ko. Pagkatapos, pinagnilayan ko ang mga prinsipyo at napagtanto ko na ang pananaw ko ay may kaunting pagkakamali at maaaring malito si Mali dahil dito. Medyo nataranta ako at napaisip, “Ano ang dapat kong gawin ngayon? Dapat ko bang itama ito? Kung wala akong sasabihin, hindi malalaman ni Mali na hindi tama ang pagkakaunawa ko sa mga prinsipyo, at hindi ako mapapahiya sa harap niya. Ngunit kung gagawin ko iyon, at sa huli ay nauwing nilinang namin ang isang taong hindi naman angkop, hindi ba’t pagiging iresponsable ito sa gawain at nakasasama sa mga kapatid?” Sa sandaling iyon, pakiramdam ko ay nakulong ako sa isang suliraning hindi kayang ayusin. Pagkatapos ay naisip ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Ang mapagmukhang hangal ang sarili mo ay isang mabuting bagay. Tinutulungan ka nitong makita ang sarili mong mga kakulangan at ang pagmamahal mo sa banidad. Ipinapakita nito sa iyo kung saan naroon ang iyong mga problema at ipinauunawa nito sa iyo nang malinaw na ikaw ay hindi perpektong tao. Walang perpektong tao at napakanormal lang na mapagmukhang hangal ang sarili mo. Lahat ng tao ay nagdaranas ng mga pagkakataon kung kailan pinagmumukha nilang hangal ang kanilang sarili o napapahiya sila. Lahat ng tao ay nabibigo, nagdaranas ng mga problema, at may mga kahinaan. Ang mapagmukhang hangal ang iyong sarili ay hindi masama. … Maaari kang magmukhang hangal, maaaring magmukhang hangal ang iba, lahat ay maaaring magmukhang hangal—kalaunan ay matutuklasan mong pare-pareho lang ang lahat ng tao, ang lahat ay ordinaryong mga tao lang, lahat ay mortal, at walang sinuman ang nakahihigit sa iba, at walang sinuman ang mas magaling kaysa sa iba. Lahat ay maaaring magmukhang hangal paminsan-minsan, kaya walang sinuman ang puwedeng manghamak ng iba. Kapag naranasan mo na ang maraming kabiguan, unti-unti nang lalago ang iyong pagkatao; kaya sa tuwing mararanasan mong muli ang mga bagay na ito, hindi ka na mapipigilan pa, at ang mga ito ay hindi magkakaroon ng epekto sa normal na pagganap mo sa iyong tungkulin. Ang iyong pagkatao ay magiging normal, at kapag ang iyong pagkatao ay normal, ang iyong katwiran ay magiging normal din(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 2). Dahil sa mga salita ng Diyos, natanto ko na wala ni isa sa atin ang perpekto at na ang bawat isa ay may kani-kanyang pagkukulang. Laging may mga pagkakataong lumilihis o nagmumukha tayong hangal sa mga ginagawa natin at kung paano natin tingnan ang mga problema. Sadyang normal ang mga bagay na ito. Gayumpaman, hindi ko tiningnan ang sarili ko bilang isang ordinaryong tao at hindi ko magawang harapin nang tama ang sarili kong mga kahinaan at pagkukulang. Kahit na hindi ko lubos na naarok ang mga katotohanang prinsipyo at ang mga payo ko kay Mali ay naglalaman ng ilang paglihis at nagbigay ng maling gabay sa kanya, nag-atubili akong tapat na aminin ang mga pagkukulang ko, dahil natatakot akong isipin niya na hindi ko naunawaan ang katotohanan at hamakin niya ako. Upang hindi mapahiya, sinubukan kong itago ang mga problema ko, na isang kairesponsablehan sa gawain ng iglesia at sa buhay pagpasok ng mga kapatid. Tunay na mapanlinlang ako! Sa pagkatanto ko nito, inamin ko kay Mali ang tungkol sa tiwaling disposisyon na ibinunyag ko sa bagay na ito, itinama ang mga maling pananaw na ibinahagi ko noon, at pagkatapos ay iminungkahi na pumili kami muli ng mga tao ayon sa mga prinsipyo. Sister, bagaman napahiya ako sa pagkakataong ito, sa pamamagitan ng pagkilos ayon sa mga salita ng Diyos, hindi ko pinalala ang mga sitwasyon, at naging panatag ang konsensiya ko.

Kalaunan, habang ibinubuod ang gawain, nagtipon ako ng lakas ng loob upang ibahagi ang kalagayan ko at ang mga paghihirap na naranasan ko sa aking gawain. Binasa ng mga sister ang mga salita ng Diyos upang matulungan akong lutasin ang kalagayan ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Anong klaseng disposisyon ito kapag ang mga tao ay palaging nagpapanggap, palaging pinagtatakpan ang kanilang sarili, palaging nagmamagaling upang maging mataas ang tingin sa kanila ng iba, at hindi makita ang kanilang mga pagkakamali o pagkukulang, kapag palagi nilang sinisikap na ipakita sa mga tao ang pinakamagandang aspekto nila? Ito ay kayabangan, pagkukunwari, pagpapaimbabaw, ito ang disposisyon ni Satanas, ito ay isang buktot na bagay(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang mga Prinsipyong Dapat Gumabay sa Asal ng Isang Tao). “Naniniwala ang mga anticristo na kung masyado silang magsasalita, palaging magpapahayag ng mga paniniwala nila at makikipagbahaginan sa iba, mahahalata sila ng lahat ng tao; iisipin nila na walang kalaliman ang anticristo, na isang ordinaryong tao lang ito, at hindi nila siya gagalangin. Ano ang ibig sabihin ng pagkawala ng paggalang sa anticristo? Ibig sabihin nito ay pagkawala ng kanilang iginagalang na katayuan sa puso ng iba, pagmumukhang pangkaraniwan, ignorante, at ordinaryo. Ito ang hindi nais makita ng mga anticristo. Samakatwid, kapag nakikita nila ang ibang tao sa iglesia na palaging nagtatapat at umaamin ng kanilang pagiging negatibo, paghihimagsik laban sa Diyos, mga pagkakamaling nagawa nila kahapon, o ang hindi matiis na sakit na nadarama nila sa hindi pagiging matapat ngayon, itinuturing ng anticristo ang mga taong ito na hangal at walang muwang, dahil hindi nila mismo kailanman inaamin ang mga ganitong bagay, itinatago nila ang mga kaisipan nila. Ang ilang tao ay hindi palaging nagsasalita dahil sa mahinang kakayahan o simpleng pag-iisip, dahil sa kakulangan ng mga komplikadong kaisipan, pero kapag hindi palaging nagsasalita ang mga anticristo, hindi ito para sa parehong dahilan; ito ay problema ng disposisyon. Madalang silang magsalita kapag nakikipagtagpo sa iba at hindi sila handang magpahayag ng mga pananaw nila sa mga usapin. Bakit hindi nila ipinapahayag ang mga pananaw nila? Una, tiyak na wala silang katotohanan at hindi nila makita nang malinaw ang mga bagay-bagay. Kapag nagsalita sila, puwede silang magkamali at mahalata mismo; natatakot sila na maging mababa ang pagtingin sa kanila, kaya nagpapanggap sila na tahimik at may malalim na kaunawaan, kaya nagiging mahirap para sa iba na timbangin sila, nagmumukha silang marunong at namumukod-tangi. Sa panlabas na ito, hindi nangangahas ang mga tao na maliitin ang anticristo, at dahil nakikita nilang mukhang kalmado at mahinahon ang panlabas ng mga anticristo, mas tumataas ang tingin nila sa mga ito at hindi sila nangangahas na insultuhin ang mga ito. Ito ang tuso at buktot na aspekto ng mga anticristo. Hindi sila handang ipahayag ang mga pananaw nila dahil ang karamihan sa mga pananaw nila ay hindi naaayon sa katotohanan, kundi pawang mga kuru-kuro at imahinasyon lang ng mga tao, hindi karapat-dapat na ilantad sa labas. Kaya, nananatili silang tahimik. Sa loob nila, nag-aasam silang makapagkamit ng kaunting liwanag na mailalabas nila para makapagkamit sila ng paghanga, pero dahil wala sila nito, tumatahimik sila at nagtatago tuwing ibinabahagi ang katotohanan, nagtatago sa dilim gaya ng isang multong naghihintay ng pagkakataon. Kapag nakita nila ang iba na nagsasalita ng liwanag, nag-iisip sila ng mga paraan para gawin itong kanila, ipinapahayag ito sa ibang paraan para magmayabang. Ganito katuso ang mga anticristo. Anuman ang gawin nila, nagsisikap silang mapansin at maging nakatataas, dahil doon lamang sila malulugod. Kung wala silang pagkakataon, hindi muna sila magpapapansin, at sasarilinin muna nila ang kanilang mga pananaw. Ito ang pagiging tuso ng mga anticristo(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikaanim na Aytem). Nakita ko ang pagbubunyag ng Diyos tungkol sa mga anticristo, na hindi nila nauunawaan ang katotohanan at kailanman ay hindi nila ibinunyag ang sarili nila sa pakikisalamuha sa iba, dahil natatakot silang masiwalat ang kanilang mga pagkukulang at kahinaan at mawala ang katayuan o reputasyon nila sa puso ng iba, kaya nagpapanggap silang malalim at marangal, ginagawa ang lahat upang maitago at maikubli ang kanilang sarili, kaya nagiging mahirap para sa iba na makita ang tunay na pagkatao nila. Kumikilos sila nang may panlilinlang at may isang buktot na disposisyon—ito ang kalikasang diwa ng isang anticristo. Ang aking kalagayan at asal ay katulad ng sa isang anticristo, at madalas kong ikubli ang sarili ko upang hindi mapahiya at maprotektahan ko ang aking katayuan. Sa pagbabalik-tanaw ko noong unang dumating si Mali, nagtanong siya ng mga medyo simpleng tanong, at ang pagsagot sa mga ito ay hindi nagsiwalat ng mga pagkukulang ko, kaya madali kong nasasagot at nakatatanggap ako ng papuri mula sa kanya. Habang natututuhan ni Mali ang ilang mga prinsipyo, nagsimula siyang magtanong ng mga hindi ko lubos na nauunawaan. Natakot ako na kung hindi tumpak ang mga sagot ko, makikilatis ng mga kapatid ang tunay na kalagayan ko at maiwawala ko ang pagtingin nila sa akin. Upang maiwasang mapahiya, ginamit ko ang taktika ng pag-iwas, nagkukunwaring abala o hindi narinig ang tanong upang itago ang mga pagkukulang ko, sinusubukan ko ring pagtakpan kapag may mga paglihis ang mga sagot ko. Kahit noong naharap ako sa mga paghihirap sa tungkulin ko at hindi ko malutas ang mga ito, na nagdulot ng mga pagkaantala sa gawain, at naging pasibo at mahina ako, patuloy kong iniwasan ang pagigiging bukas sa iba at paghingi ng tulong. Nabahala ako na kung malaman ng mga kapatid ang mga pagkukulang ko, maiisip nila na wala akong pagkaunawa sa katotohanan at hamakin nila ako. Ang aking hindi pagiging transparent sa gawain ko, ang patuloy na pagprotekta sa kahihiyan at reputasyon ko, at ang pagpapanggap na malalim at marangal ako, at ang pagbabalat-kayo upang iligaw ang iba—ang mga ito ay mga pagpapakita ng disposisyon ng isang anticristo! Sister, matapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, napagtanto ko kung gaano mapagpaimbabaw at mapanlinlang ang kalikasan ko, at kung gaano kalubha ang anticristo kong disposisyon. Nakaramdam ako ng takot at pagkasuklam sa tiwali kong disposisyon, at nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, patuloy kong ikinukubli ang sarili ko upang mapanatili ang reputasyon at katayuan ko sa puso ng iba, at wala akong wangis ng tao, kaya kinamumuhian Mo ako. O, Diyos, napakalalim ng katiwalian ko. Idinadalangin ko na iligtas Mo ako at tulungan akong makilala ang sarili ko at maiwaksi ko ang aking tiwaling disposisyon.”

Isang araw, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos, na nagbigay sa akin ng kaunting pagkaunawa tungkol sa ugat ng tiwaling disposisyon ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kapag madalas sabihin sa iyo ng mga nakatatanda sa pamilya na ‘Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito,’ ito ay para bigyan mo ng halaga ang pagkakaroon ng magandang reputasyon, pagkakaroon ng maipagmamalaking buhay, at hindi paggawa ng mga bagay na magdudulot sa iyo ng kahihiyan. Kung gayon, ginagabayan ba ng kasabihang ito ang mga tao sa positibo o negatibong paraan? Maaakay ka ba nito tungo sa katotohanan? Maaakay ka ba nito na maunawaan ang katotohanan? (Hindi.) May buong katiyakan mong masasabi na, ‘Hindi, hindi nito magagawa!’ Isipin mo, sinasabi ng Diyos na dapat umasal ang mga tao bilang matatapat na tao. Kapag sumalangsang ka, o may nagawa kang mali, o may nagawa kang isang bagay na naghihimagsik laban sa Diyos at sumusuway sa katotohanan, kailangan mong aminin ang iyong pagkakamali, maunawaan ang iyong sarili, at patuloy na suriin ang iyong sarili para tunay na makapagsisi, at pagkatapos ay kumilos nang naaayon sa mga salita ng Diyos. Kaya, kung aasal ang mga tao bilang matatapat na tao, sumasalungat ba iyon sa kasabihang ‘Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito’? (Oo.) Paanong sumasalungat ito? Ang layon ng kasabihang ‘Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito’ ay para bigyang-halaga ng mga tao ang pagsasabuhay ng kanilang maliwanag at makulay na parte ng pagkatao at ang paggawa ng maraming bagay na magpapamukha sa kanilang kanais-nais sila—sa halip na gumawa ng mga bagay na masama o kahiya-hiya, o magpakita ng kanilang pangit na pagkatao—at upang maiwasan na mamuhay sila nang walang pagpapahalaga sa sarili o dignidad. Para sa kapakanan ng reputasyon ng isang tao, para sa pagpapahalaga sa sarili at karangalan, hindi puwedeng siraan ng isang tao ang lahat ng tungkol sa kanya, lalo na ang sabihin sa iba ang tungkol sa madilim na parte at mga kahiya-hiyang aspekto ng isang tao, dahil ang isang tao ay dapat mamuhay nang may pagpapahalaga sa sarili at dignidad. Upang magkaroon ng dignidad, kailangan ng isang tao ng magandang reputasyon, at para magkaroon ng magandang reputasyon, kailangang magkunwari ng isang tao at pagmukhaing kanais-nais ang sarili. Hindi ba’t sumasalungat ito sa pag-asal bilang isang matapat na tao? (Oo.) Kapag umasal ka bilang isang matapat na tao, ang mga ginagawa mo ay ganap na salungat sa kasabihang ‘Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito.’ … Ngunit kapag hindi mo nauunawaan ang katotohanang ito, at hindi mo nauunawaan ang layunin ng Diyos, ang mga bagay na ikinokondisyon sa iyo ng iyong pamilya ay may tendensiyang mangibabaw. Kaya, kapag may nagagawa kang mali, pinagtatakpan mo ito at nagpapanggap ka, iniisip na, ‘Hindi ako puwedeng magsalita ng anumang tungkol dito, at hindi ko rin papayagan na may sabihing kahit ano ang sinumang nakakaalam ng tungkol dito. Kung magsasalita ang sinuman sa inyo, hindi ko kayo basta-bastang palalampasin. Ang reputasyon ko ang pangunahing priyoridad. Walang kabuluhan ang mabuhay kung hindi ito para sa sariling reputasyon, dahil mas mahalaga ito kaysa anupaman. Kung mawawalan ng reputasyon ang isang tao, mawawala ang lahat ng kanyang dignidad. Kaya’t hindi ka maaaring maging prangka, kailangan mong magpanggap, kailangan mong pagtakpan ang mga bagay-bagay, kung hindi, mawawalan ka ng reputasyon at dignidad, at mawawalan ng saysay ang buhay mo. Kung walang rumerespeto sa iyo, wala kang kuwenta at walang silbi kung gayon.’ Posible bang umasal bilang isang matapat na tao sa pamamagitan ng pagsasagawa sa ganitong paraan? Posible bang maging ganap na bukas at suriin ang iyong sarili? (Hindi.) Malinaw na sa paggawa nito, sumusunod ka sa kasabihang ‘Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito’ na ikinondisyon ng iyong pamilya sa iyo. Gayumpaman, kung bibitiwan mo ang kasabihang ito para mahangad ang katotohanan at maisagawa ang katotohanan, hindi ka na maaapektuhan nito, at hindi mo na ito magiging salawikain o prinsipyo sa paggawa ng mga bagay-bagay, at sa halip, ang gagawin mo ay ang mismong kabaligtaran ng kasabihang ito na ‘Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito.’ Hindi ka na mamumuhay para sa iyong reputasyon, o para sa iyong dignidad, kundi sa halip, mamumuhay ka para sa paghahangad sa katotohanan, at pag-asal bilang isang matapat na tao, at paghahangad na mapalugod ang Diyos at mamuhay bilang isang tunay na nilikha. Kung susundin mo ang prinsipyong ito, kakailanganin mong bitiwan ang mga epekto ng pagkokondisyon ng iyong pamilya sa iyo(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 12). Sa pamamagitan ng pagsisiwalat ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na namuhay ako ayon sa kasabihang, “Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito,” na itinuring kong gabay sa buhay ko. Mula pagkabata, itinuro sa akin ng mga magulang ko ang “Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito,” na “Ang reputasyon ay mas mahalaga pa kaysa sa ginto,” at na “Hindi dapat mawala ang reputasyon, anuman ang mangyari.” Sa mahabang panahong naimpluwensiyahan ako ng mga magulang ko ng mga maling turo at ideya, nakita ko ang reputasyon bilang pinakamahalagang bagay, naniniwalang ang pamumuhay nang may dignidad at paggalang ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng reputasyon at pagkamit ng paghanga at papuri ng mga tao. Naalala ko noong nasa paaralan ako, sa isang klase ng musika, sinabihan akong kumanta sa entablado. Sinabi ng kaklase ko na ang paraan ng pagkanta ko ay parang nagbabasa ng teksto. Naramdaman kong napahiya ako sa publiko, na para akong sinampal, at hinangad kong maglaho at lamunin ng lupa. Mula noon, hindi na ako muling umawit, upang hindi matuklasan ng iba na sintunado ako. Nang magsimula akong manampalataya sa Diyos, nalaman kong pinahahalagahan ng Diyos ang pagiging tapat, ngunit patuloy pa rin akong namuhay ayon sa satanikong pilosopiya na “Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito.” Sinukat ko ang kilos at salita ayon sa epekto nito sa reputasyon at katayuan ko. Kung ito ay magbubunyag ng mga pagkukulang ko at magdudulot ng kahihiyan, gagawin ko ang lahat upang maitago at maikubli ang sarili ko, mas pinipili pang maantala ang gawain ng iglesia at mapinsala ang mga kapatid, kaysa mapahiya. Naging tuso, mapanlinlang, at makasarili ako, at namuhay nang walang anumang tunay na wangis ng tao. Ang pagkakataong ibinigay ng Diyos sa akin upang gampanan ang mga tungkulin ko ay sinadya upang tulungan akong hanapin ang katotohanan at lutasin ang aktuwal na mga isyu. Sa kabila ng marami kong pagkukulang, kung kaya kong talikuran ang pagmamataas ko, magbukas ng sarili sa iba, at hanapin ang pagbabahaginan, magkakamit ako ang kaunting pagkaunawa at pagpasok sa katotohanan, at unti-unting mauunawaan nang lubos ang mga prinsipyo upang mahusay na magampanan ang mga tungkulin ko. Gayumpaman, labis akong nababahala sa reputasyon at katayuan ko. Kapag nahaharap sa mga paghihirap, hindi ako nagbubukas ng sarili sa iba, naghahanap, o hayagang nakikipagbahaginan tungkol sa mga maling pananaw ko, na nagreresulta sa mga hindi nalutas na isyu, kawalan ng pag-unlad sa katotohanan o mga prinsipyo, at maraming nasayang na pagkakataon upang makamit ang katotohanan. Mas pinahalagahan ko ang reputasyon ko nang higit sa anumang bagay, at hindi ko man lamang magawang magpahayag ng isang tapat na salita alang-alang sa aking reputasyon. Namuhay ako nang walang anumang dignidad, na hindi lamang nagpaantala sa buhay pagpasok ko kundi nakapinsala rin sa gawain ng iglesia. Ayaw ko nang mamuhay nang nakatali sa mga tiwaling disposisyon ko at nais kong isagawa ang katotohanan at maging isang tapat na tao.

Kalaunan, sa mga debosyonal ko, nabasa ko ang mga salita ng Diyos at natagpuan ko ang isang landas para maisagawa ito. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Dapat mong hanapin ang katotohanan upang malutas ang anumang problemang lumilitaw, anuman iyon, at huwag magbalatkayo o magkunwari para sa iba sa anumang paraan. Ang iyong mga kamalian, iyong mga kakulangan, iyong mga kasalanan, iyong mga tiwaling disposisyon—maging ganap na bukas tungkol sa lahat ng ito, at magbahagi tungkol sa lahat ng ito. Huwag mong itago ang mga ito. Ang pagkatutong buksan ang iyong sarili ang unang hakbang tungo sa buhay pagpasok, at ito ang unang sagabal, na siyang pinakamahirap daigin. Kapag nalampasan mo na ito, madali nang pumasok sa katotohanan. Ano ang ipinahihiwatig ng paggawa sa hakbang na ito? Nangangahulugan ito na binubuksan mo ang puso mo at ipinapakita ang lahat ng nasa loob mo, mabuti o masama, positibo o negatibo; inilalantad ang iyong sarili para makita ng iba at ng Diyos; walang itinatago sa Diyos, walang pinagtatakpan, walang ikinukubling anuman, walang panlilinlang at panloloko, at bukas at matapat din maging sa ibang mga tao. Sa ganitong paraan, nabubuhay ka sa liwanag, at hindi ka lamang susuriing mabuti ng Diyos, kundi makikita rin ng ibang mga tao na kumikilos ka nang may prinsipyo at may antas ng kalinawan. Hindi mo kailangang gumamit ng anumang mga pamamaraan para protektahan ang iyong reputasyon, imahe, at katayuan, ni hindi mo kailangang pagtakpan o ikubli ang iyong mga pagkakamali. Hindi mo kailangang makisangkot sa mga walang saysay na pagsisikap na ito. Kung mapapalagpas mo ang mga bagay na ito, labis kang mapapahinga, mamumuhay ka nang hindi napipigilan o walang pasakit, at mamumuhay ka nang lubusan sa liwanag(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). “Kung nais mong umasal bilang isang matapat na tao, huwag mong bigyang-importansiya ang pagpapahalaga sa sarili; ang pagpapahalaga sa sarili ng isang tao ay walang kabuluhan. Sa harap ng katotohanan, dapat ilantad ng isang tao ang sarili, hindi magkunwari o gumawa ng huwad na imahe. Dapat ihayag ng isang tao sa Diyos ang tunay niyang mga kaisipan, ang mga pagkakamaling nagawa niya, ang mga aspektong lumalabag sa mga katotohanang prinsipyo, at iba pa, at ilantad din ang mga bagay na ito sa mga kapatid. Hindi ito isang usapin ng pamumuhay para sa sariling reputasyon, sa halip, ito ay isang usapin ng pamumuhay para umasal bilang isang matapat na tao, pamumuhay para sa paghahangad sa katotohanan, pamumuhay para maging isang tunay na nilikha, at pamumuhay para palugurin ang Diyos, at para maligtas. … Hindi ka na mamumuhay para sa iyong reputasyon, o para sa iyong dignidad, kundi sa halip, mamumuhay ka para sa paghahangad sa katotohanan, at pag-asal bilang isang matapat na tao, at paghahangad na mapalugod ang Diyos at mamuhay bilang isang tunay na nilikha. Kung susundin mo ang prinsipyong ito, kakailanganin mong bitiwan ang mga epekto ng pagkokondisyon ng iyong pamilya sa iyo(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 12). Ipinaunawa sa akin ng mga salita ng Diyos ang mga prinsipyo ng pagsasagawa kung paano umasal bilang isang tao. Gusto ng Diyos ang mga tapat na tao. Sa pakikisalamuha man sa iba o sa pagtupad ng mga tungkulin natin, hindi natin dapat ikubli o pagtakpan ang mga kakulangan at kahinaan natin alang-alang sa ating reputasyon at katayuan. Kahit na magkamali tayo o hindi natin maunawaan ang katotohanan at hindi makita nang malinaw ang mga bagay, hindi natin dapat itago o pagtakpan ito. Sa halip, dapat tayong maging bukas at tapat, aminin ang hindi natin malinaw na nauunawaan, at magpahayag ayon sa abot ng ating pagkaunawa. Kung ang mga mungkahi o pananaw na ating ibinabahagi ay may mga paglihis, dapat natin itong harapin nang mahinahon at tanggapin ang paggabay ng mga kapatid, sa halip na mamuhay alang-alang sa ating reputasyon. Ang pagbabahagi tungkol sa ating mga paghihirap at pagkukulang ay hindi isang kahiya-hiyang bagay, ni hindi rin ito tanda ng kahinaan. Ito ay isang pagpapamalas ng paghahanap sa katotohanan. Ang tamang pagharap sa ating mga pagkukulang at pagtalikod sa pagmamataas natin upang isagawa ang katotohanan ay nagdudulot sa atin ng pagiging tapat at nagpapabilis ng pagpasok natin sa katotohanang realidad. Matapos basahin ang mga salitang ito mula sa Diyos, naramdaman kong mayroon akong landas na isasagawa. Nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, hindi ako isang tapat na tao. Marami na akong nagawang mapagpaimbabaw at mapanlinlang na mga bagay upang hindi mapahiya, na nagpapagalit at nagpapasuklam sa Iyo. Nais kong magsisi, hangarin ang katotohanan, at maging isang tapat na tao.”

Isang araw, habang ginagawa ko ang tungkulin ko kasama ang ilang kapatid, nagtanong si Mali, naghahanap ng pagbabahaginan. Matapos makinig, naramdaman kong medyo mahirap ang tanong at hindi ako tiyak kung angkop ang pananaw ko. Nagsimula akong makaramdam muli ng kaba, iniisip ko, “Dapat ba akong sumagot o hindi? Kung hindi ako makasagot nang maayos, hindi ba ako mapapahiya? Dapat siguro ay hintayin ko na lamang ang ibang mga kapatid na sumagot.” Ngunit naisip ko rin, “Kung patuloy akong mananatiling tahimik, iiwas, at ikukubli ang sarili ko upang hindi mapahiya, mamumuhay pa rin ako ayon sa isang tiwaling disposisyon.” Naalala ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Kumusta ang inyong karanasan sa pagiging matapat na tao ngayon? Nagkamit ba kayo ng ilang resulta? (Minsan, naisasakatuparan kong maging matapat, ngunit minsan ay nakalilimutan ko.) Makalilimutan ba ninyong isagawa ang katotohanan? Kung nakalilimutan ninyo ito, anong uri ng problema ang inilalarawan niyan? Mahal ba ninyo ang katotohanan o hindi? Kung hindi ninyo mahal ang katotohanan, mahihirapan kayong pumasok sa katotohanang realidad. Dapat ninyong seryosohin ang pagsasagawa sa katotohanan at pagsasagawa sa pagiging isang matapat na tao. Dapat madalas ninyong pag-isipan kung paano maging isang matapat na tao at kung anong katwiran ang dapat ninyong taglayin. Hinihiling ng Diyos na maging matapat ang mga tao, at dapat nilang hangarin ang pagkamatapat bilang isang napakahalagang bagay. Dapat maging malinaw sa kanila at maunawaan nila kung anong mga katotohanan ang kailangan nilang taglayin at kung anong mga realidad ang kailangan nilang pasukin upang maging matapat na mga indibidwal at maisabuhay ang wangis ni Pedro, at dapat silang makahanap ng landas ng pagsasagawa. Saka lamang sila magkakaroon ng pag-asa na maging isang matapat na tao at isang taong mahal ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Landas ng Paglutas sa Isang Tiwaling Disposisyon). Tahimik akong nanalangin sa Diyos sa aking puso, sinabi ko sa Kanya na sa pagkakataong ito, hindi na ako mapipigilan ng pagmamataas ko. Kailangan kong maging bukas at tapat. Pagkatapos, nagsalita ako at ibinahagi ang mga pananaw at opinyon ko. Pagkatapos kong magsalita, nagdagdag naman ng kanilang mga saloobin ang iba pang mga sister batay sa aking ibinahagi. Sa pamamagitan ng pagbabahaginan ng lahat, nalutas ang problema ni Mali, at isang ngiti ang sumilay sa kanyang mukha. Sa sandaling iyon, nang magsalita ako sa pagbabahaginan, nakaramdam ako ng matinding ginhawa. Pakiramdam ko ay tuluyan na akong nakalaya mula sa mga hadlang ng kapalaluan at pagmamataas at nakagawa ng isang hakbang tungo sa pagiging isang tapat na tao. Kalaunan, nang lalo pang magtanong si Mali, natatakot pa rin akong magkamali at mapahiya. Tuwing napagtatanto ko ito, nananalangin ako sa Diyos para humingi ng tulong upang makapaghimagsik ako laban sa sarili ko, isantabi ang pagmamataas ko, at aktibong sagutin ang mga tanong ng sister. Minsan ay mali ang mga pananaw ko, o may mga problemang hindi ko lubos na maunawaan at hindi tumpak ang mga sagot ko, at ang mga sister ay mag-aalok ng karagdagang pagbabahaginan. Bagaman kung minsan ay naipadama nito sa akin ang kaunting pagkapahiya, ang matamang pakikinig sa kanilang pagbabahaginan ay naglinaw at nagpaunlad sa aking pagkaunawa. Kapag nakararanas ako ng mga paghihirap o problema sa tungkulin ko, humihingi rin ako ng pagbabahaginan mula sa mga kapatid. Hindi nila ako hinamak o minaliit. Sa halip, matiyaga nilang ibinahagi ang katotohanan upang tulungan ako. Naramdaman ko ang ginhawa at gaan na nagmula sa pagsasagawa ng katapatan, at natuklasan kong mas mabuting mamuhay sa ganitong paraan. Salamat sa Diyos!

Sister, iyan lamang ang lahat tungkol sa mga karanasan ko. Umaasa ako na isusulat mo rin sa akin ang tungkol sa iyong mga karanasan at mga natamo sa nakaraang taon.

Taos-puso,

Xinjing

Hunyo 10, 2023

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Leave a Reply

Liitan ang Font Size
Lakihan ang Font Size
Pumasok sa Full Screen
Lumabas sa Full Screen