Nakauwi na Ako

Disyembre 20, 2019

Ni Chu Keen Pong, Malaysia

Mahigit isang dekada akong nanalig sa Panginoon at naglingkod sa iglesia nang dalawang taon, at pagkatapos ay nilisan ko ang aking iglesia para magtrabaho sa ibang bansa. Mangilan-ngilan na rin ang napuntahan kong lugar, kabilang na ang Singapore, at kumita nang sapat na pera, ngunit sa pamumuhay rito sa modernong lipunan kung saan lakas at kapangyarihan ang naghahari, lahat ay nagbabalak ng masama laban sa isa’t isa, at may pandaraya kahit saan. Sa harap ng lahat ng klase ng kumplikadong pakikisama, lagi akong nag-iingat sa pakikitungo sa iba. Lagi rin silang nag-iingat sa pakikitungo sa akin, kaya pakiramdam ko wala talaga akong matagpuang matatag na sandigan. Pagod ang katawan at espiritu ko sa gayong klase ng buhay. Ang tanging nag-alay sa akin ng aliw ay ang diary na dala-dala ko kung saan nakopya ko ang ilang sipi ng Banal na Kasulatan. Kung minsan babasahin ko ang mga ito at pupunuin nito ang kahungkagan sa aking kaluluwa. Ilang taon na akong hindi nakadalo sa isang pagtitipon sa iglesia ngunit nitong nakalipas na taon ay iisa lamang ang nasa isipan ko: ang makakita ng isang iglesia kung saan maaari akong maglingkod nang taimtim sa Panginoon. Kalaunan ay sinamantala ko ang ilang libreng panahon para magpunta sa ilang iglesia sa Malaysia, kapwa malaki at maliit, ngunit sa bawat pagkakataon ay masaya akong tumakbo at naiwang nalulungkot. Palagi kong nadama na may kulang, ngunit hindi ko kailanman maipaliwanag kung ano talaga iyon. Naharap sa pagtatalong ito ng kalooban mas malala pa ang ginawa ko, naglaro lang ako ng mga video game at nanood ng mga pelikula online, at kung minsan ay umaabot ako hanggang madaling araw o sunud-sunod ang mga pelikulang pinanonood ko. Magulung-magulo ang oras ng pagtulog ko. Nang una kong simulang gawin ito medyo alam ko ang mangyayari, na nadarama na hindi masisiyahan ang Panginoon, ngunit unti-unti akong naging manhid. Sa panahong ito nawala ang cell phone ko. Noon, talagang napikon ako—nawala ang cell phone ko at maraming datos doon ang kasamang nawala, at hindi rin ako maka-log in sa Facebook. Sa tingin, masama ito, ngunit hindi ko inasahan kailanman na magiging daan iyon para magbago ang buhay ko. Katulad lang iyon ng lumang kasabihan na, “ang inaakala kong makakasama, makakabuti pala.”

Bumili ako ng bagong cell phone noong mga unang bahagi ng 2017. Isang araw noong mga huling araw ng Pebrero, nag-log in ako sa Facebook at pagkatapos ay di-sinasadyang na-klik ko ang timeline ng isang profile sa wikang Ingles, at nakita ko na may banal na kasulatan sa mga post. Nakita ko rin ang mga sipi na hindi nagmula sa Biblia, subalit talagang nakapagbibigay-inspirasyon para sa akin, at talagang naakit nito ang damdamin ko. Lagi ko nang binubuksan ang Facebook account na iyon nang sumunod na ilang araw, at gumugol pa ako ng kaunting oras sa pagtingin sa ilang salita. Sa huli, natapos kong basahin ang post na nakawilihan ko. Nang matapos ko itong basahin, saka ko lamang natanto na ang pangunahing nilalaman ng post na ito ay isang interpretasyon ng sipi sa Banal na Kasulatan kung saan sinasabi ng Panginoong Jesus na: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit(Mateo 7:21). Pakiramdam ko medyo kakaibang interpretasyon iyon, at na puno iyon ng inspirasyon at liwanag. Hindi ko pa naidagdag ang taong iyon bilang kaibigan, kaya kahit gusto kong makita ang iba pang mga post sa kanilang timeline, hindi ko iyon nagawa. Gayunman, ang nakita ko sa kanilang timeline ay na ang Facebook user na ito ay taga-South Korea at isang sister na Susan ang pangalan. Pinadalhan ko siya ng friend request, ngunit hindi siguro siya online noon kaya hindi niya tinanggap kaagad ang friend request ko. Makalipas ang dalawang araw, idinagdag ko ang isa pang taong nagsasalita ng Chinese sa Facebook na Qi Fei ang pangalan, isa pang Kristiyano na taga-South Korea. Nag-chat kami tungkol sa ilan sa kanyang mga karanasan sa kanyang pananampalataya, at talagang gusto ko ang sinabi niya. Laking gulat ko nang makita kong kaibigan din pala ni Sister Qi Fei si Sister Susan, kaya sa pagkakataong ito ay idinagdag namin ang isa’t isa bilang kaibigan. Sa pagbabasa ng kanilang mga Facebook post at sa pamamagitan ng paminsan-minsan naming mga chat, nadama ko na marami silang naunawaan tungkol sa pananampalataya sa Diyos.

Pagkaraan ng ilang panahon ng pagtalakay sa Biblia at pag-uusap sa chat tungkol sa mga bagay sa aming buhay, talagang nadama ko na ang kanilang paraan ng pagtulong sa akin na malutas ang ilan sa aking mga kinaiinisan ay talagang kakaiba, at na maraming dahilan at kabatiran sa sinabi nila. Personal kong nakikita na naiiba sila sa ibang mga tao. Mas tumatag ako at mas napayapa ang puso ko sa pamamagitan ng pagkontak ko sa kanila, at kahit hindi ko sila gaanong kilala, bago ko pa natanto, nagsimula na akong ituring sila bilang matatalik na kaibigan dahil sa kanilang kasimplihan at katapatan. Gusto kong buksan ang nilalaman ng puso ko sa kanila. Unti-unti, nagsimula akong gumawa ng ilang pagbabago sa aking pamumuhay.

Makalipas ang mga isang linggo noong gabi ng Marso 11, nagbukas ako ng Facebook at nakita ko na online si Susan. Nag-chat muna kami tungkol sa ilang gawain, pagkatapos ay sinabi ko sa kanya ang naisin ng puso ko, na makakita ng isang iglesia kung saan ako makapaglilingkod, at na nais kong marinig ang kanyang mga mungkahi. Sinabi ni Sister Susan na lahat ay ipinaplano at pinamamahalaan ng Diyos, at na dapat akong higit na magdasal sa Diyos at maging abala sa pagsasaliksik tungkol sa isyung ito. Sinabi niya na may takdang oras ang Diyos sa lahat ng bagay, at dapat tayong matutong lahat na maghintay at magpasakop. Pagkatapos ay binanggit niya ang kasalukuyang sitwasyon sa marami sa mga iglesia: Wala nang maipangaral ang mga mangangaral, wala nang dumadalo sa mga pagtitipon ng ilang iglesia, at sa iba, kahit may ilang tao roon, ang pinag-uusapan lang nila ay tungkol sa pagkita ng pera, pagkakaroon ng mga koneksyon sa mga negosyante, at iba pang mga bagay na lubos na walang kinalaman sa pananampalataya. Sinabi niya na ang mga bagay na ito ay talagang puro mga pagpapakita na wala na sa mga iglesia ang gawain ng Banal na Espiritu, at nagiging mapanglaw na ang mga iyon. Talagang nakakaugnay ako sa lahat ng nasabi niya. Noong naglilingkod ako dati sa iglesia, nagkukumahog ang mga kapwa-manggagawa na kilalanin sila at kumita ng kaunting pera para sa kanilang sarili, nagbabalak ng masama laban sa isa’t isa, naninirang-puri sa isa’t isa, at sinusubukang maghari sa sarili nilang maliliit na teritoryo. Mayroon pang mahahalay na pag-uugali. Nakikitang sunud-sunod na nangyayari ang mga bagay na ito, nadama ko pareho ang lungkot at ngitngit. Noon, tinanong ko ang pastor at ang ilan sa mga katrabaho ko kung paano ko dapat tingnan ang lahat ng ito, ngunit wala silang maibigay na malinaw na paliwanag. Laking gulat ko nang si Sister Susan ang nakalutas sa pagkalitong ito na nakainis sa akin nang napakatagal. Hindi ko maipaliwanag ang kaligayahang nadama ko sa puso ko.

Sinisiyasat din namin ang paksa ng iba’t ibang kalamidad at digmaang nagaganap sa panahong iyon, at ayon sa mga palatandaan ng mga kalamidad sa buong paligid at ng napipintong mga digmaan, kung tutuusin ay natupad nang lahat ang mga propesiya sa Biblia tungkol sa ikalawang pagparito ng Panginoon, at malapit nang bumalik ang Panginoon. Ipinaalala niyan sa akin ang isang mananampalataya na nakilala ko online mga bandang tanghali na nagsabi na nagbalik na ang Panginoon noong 1991, ngunit talagang may mga duda ako tungkol doon. Kinailangan ko talagang tanungin si Susan tungkol dito. Nang tanungin niya ako kung ano ang iniisip ko tungkol doon, sabi ko: “Hindi maaari. Kapag nagbalik ang Panginoon talagang bababa Siya sa ibabaw ng ulap at makikita ng lahat. Ngunit hindi pa natin nakikitang bumaba ang Panginoon sa ulap, kaya paano masasabi ng sinuman na nagbalik na ang Panginoon?”

Sumagot si Susan, “Brother, maalam ka sa Biblia. Kung sisiyasatin mong mabuti ang mga salita sa Biblia, natitiyak ko na matatagpuan mo ang sagot mo. Sa katunayan, maraming iba’t ibang propesiya tungkol sa ikalawang pagparito ng Panginoon. Nakikita nating lahat mula sa mga propesiya sa Biblia na nahahati ang mga ito sa dalawang kategorya. Ang isa ay ayon sa kalalarawan mo lang, na nagpopropesiya na hayagang bababa ang Panginoon sa ulap at makikita ng lahat. Ang isa naman ay ipinopropesiya na lihim na darating ang Panginoon, na isang grupo lamang ang tanging makakaalam. Naayon ito sa sinabi ng Panginoon: ‘Narito, Ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw(Pahayag 16:15). ‘Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalaki! Magsilabas kayo upang salubungin Siya(Mateo 25:6). Ang ibig sabihin ng ‘Gaya ng magnanakaw’ at ‘pagkahating gabi ay may sumigaw’ ay magiging tahimik at walang kagalaw-galaw, walang nakakaalam. Hindi iingay ang kalangitan at hindi mayayanig ang daigdig—hindi iyon isang bagay na makikita ng lahat. Isang maliit na grupo lamang ng mga tao ang nakakarinig sa tinig ng Panginoon, na magagawang salubungin Siya. Ito ang mga propesiya ng lihim na pagdating ng Panginoon. Kung kakapit lang tayo sa mga propesiya ng hayagang pagbaba ng Panginoon sa ulap ngunit kaliligtaan natin ang mga propesiya ng lihim na pagdating ng Panginoon, tama ba iyon? Hindi ba tayo mabibigong marinig ang tinig ng Panginoon, at malalagpasan ng pagkakataong salubungin ang Panginoon at maitaas sa kaharian sa langit?”

Hindi ako nakasagot sa tanong ni Susan. Paulit-ulit kong binasa ang dalawang siping ito, at naisip ko: “May mga salungatan ba sa loob ng Biblia? Wala, wala, wala! Paano nangyari iyon? Ngunit ang totoo, may dalawang magkaibang kategorya ng mga propesiya sa Biblia tungkol sa kung paano babalik ang Panginoon! Paano ito maipapaliwanag?” Nalilito, hiniling kong ituloy niya ang kanyang pagbabahagi. Sabi ni Susan: “Makikita natin mula sa mga propesiya sa Biblia na ang ikalawang pagparito ng Panginoon ay magaganap sa dalawang magkaibang paraan. Ang isa ay tagong pagdating, at ang isa ay hayagang pagpapakita. Sa mga huling araw, magkakatawang-tao ang Diyos sa mundo bilang Anak ng tao, at sa tingin ay magmumukhang ordinaryo at karaniwang tao si Cristo katulad ng Panginoong Jesus sa katawang-tao. Magtataglay Siya ng pagkatao, at kakain, mananamit, mabubuhay, at kikilos na parang ordinaryong tao. Mamumuhay Siya sa piling ng tao, kaya nga itinuturing itong tago mula sa ating pananaw dahil walang makakakita na Siya ang Diyos, at walang makakaalam sa Kanyang tunay na pagkakakilanlan. Kapag nagsimulang gumawa at magsalita ang Anak ng tao, makikita ng mga nakakarinig sa tinig ng Diyos ang pagpapahayag ng disposisyon ng Diyos sa pamamagitan ng mga salita at gawain ng Anak ng tao. Makikita nila ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, at kikilalanin na dumating na ang Panginoon. Tutuparin nito ang propesiya ng Panginoong Jesus na: ‘Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin(Juan 10:27). Yaong mga hindi makahiwatig sa tinig ng Diyos ay siguradong tatratuhin ang Diyos na nagkatawang-tao bilang isang ordinaryong tao batay sa Kanyang panlabas na anyo. Tatanggihan at itatakwil, at lalabanan, tutuligsain, at lalapastanganin pa nila ang Cristo ng mga huling araw. Katulad lang ito noong pumarito ang Panginoong Jesus upang gawin ang Kanyang gawain—sa tingin, mukha Siyang ordinaryo at karaniwang Anak ng tao, na naghihikayat sa karamihan ng mga tao na Siya ay tanggihan, labanan, at tuligsain. Isang maliit na grupo lamang ng mga tao ang nakapansin sa pamamagitan ng Kanyang mga salita at gawain na ang Panginoong Jesus ay si Cristo na nagkatawang-tao, na Siya ang pagpapakita ng Diyos, at sa gayon ay sumunod ang Panginoong Jesus at nagtamo ng Kanyang pagtubos.” Nang marinig ang pagbabahagi ng sister, nadama ko na napaka-makabuluhan niyon dahil totoong nangyari ang lahat ng iyon—ganoon talaga ang nangyari nang pumarito ang Panginoong Jesus para gampanan ang Kanyang gawain. Ngunit pagkatapos ay naisip ko: Sabi sa Pahayag, kapag nagbalik ang Panginoon hayagan Siyang bababa sa ulap, at iyan din ang sinasabi ng lahat ng pastor at elder. Nasasaisip ito, agad kong tinanong si Susan, na puno ng pananalig: “Sinabi ng Panginoong Jesus Mismo na ang Kanyang ikalawang pagparito ay sa ibabaw ng ulap. Paano iyon magiging pagkakatawang-tao? Paano mo mapapasinungalingan ang mga salitang iyon sa Biblia?” Sabi ni Sister Susan: “Kailangan mo lang siyasating mabuti ang Biblia at matutuklasan mo na marami doon na malinaw na nagpopropesiya na babalik ang Panginoon na nagkatawang-tao.” Dahil sa sinabi ni Sister Susan, natagpuan ko ang ilang sipi ng Banal na Kasulatan at sinimulan kong basahin iyon: “Kayo rin naman ay magsipaghanda: sapagkat sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating(Lucas 12:40). “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito(Lucas 17:24–25).

Matapos kong basahin ang mga siping iyon sa banal na kasulatan, sinabi ni Sister Susan: “Binabanggit sa mga propesiyang ito na ‘dumarating ang Anak ng tao’ at ‘gayon din ang Anak ng tao.’ Ang ‘Anak ng tao’ ay isinilang sa isang tao at nagtataglay ng normal na pagkatao. Kung nagpakita Siya sa espirituwal na katawan, hindi Siya matutukoy bilang Anak ng tao, tulad ng Diyos na si Jehova ay Espiritu at hindi matatawag na Anak ng tao. Ang mga tao ay nakakita na rin ng mga anghel, na mga espirituwal na nilalang kaya hindi rin matatawag na Anak ng tao. Lahat ng may anyo ng tao ngunit espirituwal na mga nilalang ay hindi matatawag na Anak ng tao. Ang Panginoong Jesus na nagkatawang-tao ay tinatawag na Anak ng tao at Cristo dahil Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos, at ang pagsasakatuparan ng Espiritu sa laman. Siya ay naging ordinaryo at karaniwang tao, at namuhay sa piling ng tao. Ang Panginoong Jesus ang Anak ng tao, ang pagkakatawang-tao ng Diyos, kaya nang sabihin ng Panginoong Jesus na babalik Siyang muli bilang Anak ng tao, ang ibig Niyang sabihin ay paparito Siyang muli sa pisikal na katawan bilang Anak ng tao, at hindi sa espirituwal na anyo. Samakatuwid, nang sabihin ng Panginoong Jesus na paparito Siyang muli, ang ibig Niyang sabihin ay babalik Siya sa anyo ng isang nagkatawang-tao. Bukod pa riyan, sinasabi sa Banal na Kasulatan na: ‘Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito.’ Nagpapatunay pa ito na kapag muling pumarito ang Panginoon iyon ay sa paraan ng pagkakatawang-tao. Pag-isipan mo ito: Kung nagpakita ang Panginoon sa atin nang bumalik Siya sa espirituwal na katawan sa halip na sa pisikal na katawan, hindi Siya magdurusa nang gayon katindi, ni hindi Siya itatakwil ng henerasyong ito. Sino ang mangangahas na itakwil ang Espiritu ng Diyos? Sino ang magsasanhi na magdusa ang Espiritu ng Diyos? Samakatuwid, tungkol sa kung babalik ang Panginoon na nagkatawang-tao o darating Siya sa espirituwal na katawan, hindi ba hindi na kailangang sabihin iyan?”

Nabigla ako nang mabasa ko ang mga salitang “Anak ng tao.” Napag-isipan ko na noong araw ang tanong tungkol sa “Anak ng tao,” ngunit hindi iyon naging malinaw sa akin kailanman. Ang paliwanag ni Sister Susan ay lubos na pumalis sa lahat ng pagdududa ko, at nadaig ako ng aking damdamin nang marinig ko iyon. Gabi na, kaya nagpaalam na kami sa isa’t isa at nag-log out. Tuwang-tuwa ako noong gabing iyon kaya hindi ako nakatulog hanggang maghatinggabi na. Inisip ko kung paano ako naniwala sa Panginoon nang napakaraming taon, ngunit hindi ko narinig kailanman ang gayon kagandang pagbabahagi. Natigilan ako, at may isang uri ng napakasayang kaliwanagan sa puso ko na hindi ko maipaliwanag sa mga salita.

Kinabukasan, Marso 12, nakadama ako ng malabong uri ng pag-asa at di-mailarawang katuwaan. Ito ay dahil halos lahat ng napag-usapan namin ni Susan noong nakaraang gabi ay tungkol sa Anak ng tao at sa pagkakatawang-tao. Kahit maaari kong pag-ugnayin ang Anak ng tao at ang pagkakatawang-tao, at alam ko sa teorya na ang Panginoong Jesus ay walang iba kundi ang Cristong nagkatawang-tao, gusto ko pa rin talagang malaman ang mga sagot sa mga tanong na tulad ng ano ba talaga ang pagkakatawang-tao, ano ang Cristo, ano ang batayan para masabi ng isang tao nang may katiyakan na ang Diyos ay nagkatawang-tao na, at iba pa. Ngunit dahil kami ni Susan ay kapwa may trabaho sa araw at libre lang kami sa gabi, inasahan ko na lang na mas bibilis ang panahon.

Sa huli, sumapit ang gabi at pareho kaming online. Matapos mag-log on, ang unang itinanong ko kay Sister Susan ay tungkol sa pagkakatawang-tao. Pinadalhan niya ako ng ilang sipi mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at sinabihan niya akong basahin ang mga iyon. Kaya nga nagsimula akong magbasa: “Ang ‘pagkakatawang-tao’ ay ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao; gumagawa ang Diyos sa gitna ng nilikhang sangkatauhan sa larawan ng katawang-tao. Kaya para magkatawang-tao ang Diyos, kailangan muna Siyang magkaroon ng katawang-tao, katawang-taong may normal na pagkatao; ito ang pinakapangunahing kinakailangan. Sa katunayan, ang implikasyon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay na ang Diyos ay buhay at gumagawa sa katawang-tao, na ang Diyos sa Kanyang pinakadiwa ay nagkatawang-tao, naging isang tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos). “Tinatawag na Cristo ang Diyos na nagkatawang-tao, at si Cristo ay ang katawang-taong isinuot ng Espiritu ng Diyos. Hindi katulad ng sinumang tao sa laman ang katawang-taong ito. Ang kaibhang ito ay dahil hindi sa laman at dugo si Cristo; Siya ay ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay kapwa may normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Hindi taglay ng sinumang tao ang pagka-Diyos Niya. Ang normal na pagkatao Niya ang nagpapanatili sa lahat ng normal na gawain Niya sa katawang-tao, habang isinasakatuparan ng pagka-Diyos Niya ang gawain ng Diyos Mismo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay ang Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Langit). “Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng diwa ng Diyos, at Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng pahayag ng Diyos. Dahil ang Diyos ay naging tao, ilalahad Niya ang gawaing layon Niyang gawin, at dahil ang Diyos ay naging tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at magagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban siya ng buhay, at ituro ang daan para sa kanya. Ang katawang-tao na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. Kung layon ng tao na magsiyasat kung ito ang katawang-tao ng Diyos, kailangan niyang patunayan ito mula sa disposisyon na Kanyang ipinapahayag at sa mga salitang Kanyang sinasambit. Ibig sabihin, patunayan kung ito nga ang katawang-tao ng Diyos o hindi, at kung ito nga ang tunay na daan o hindi, kailangan itong matukoy batay sa Kanyang diwa. Kaya nga, sa pagtukoy kung ito ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, ang sagot ay nasa Kanyang diwa (Kanyang gawain, Kanyang mga pagbigkas, Kanyang disposisyon, at maraming iba pang aspeto), sa halip na sa panlabas na anyo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Pagkatapos kong magbasa, nadama ko na ipinaliwanag nang malinaw ng mga salitang ito ang hiwaga ng pagkakatawang-tao, lalo na ang tungkol sa kahulugan ng Cristo: “Tinatawag na Cristo ang Diyos na nagkatawang-tao.” Napakalinaw, napakasimple, at napakaliwanag nito! Kahit nanalig ako sa Panginoon nang mahigit isang dekada at alam ko na si Jesus ang Cristo, hindi ko naunawaan kailanman ang mga hiwaga ng katotohanan tulad ng bakit natin sinasabi na ang Panginoong Jesus ang Cristo. Noong araw na iyon, natutuhan ko mula sa mga sipi ng mga salita ng Diyos na naipadala sa akin ni Susan na ang Diyos na nagkatawang-tao talaga ang tinatawag nating Cristo, at ang Cristo ay Siyang Diyos na nagkatawang-tao. Pinagnilayan kong maigi ang mga salitang ito, at nang lalo kong pagnilayan ang mga ito, lalong sumaya ang puso ko.

Pagkatapos ay sinabi sa akin ni Sister Susan na ito ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos; sinabi rin niya na ang salita ng Diyos ang katotohanan, at na ang Diyos lamang Mismo ang nakakapagpahayag ng katotohanan. Nang banggitin niya ang mga salitang “Makapangyarihang Diyos,” sandali akong hindi nakaimik, bagama’t hindi ako lubos na nagulat doon dahil nahulaan ko na maaaring kabilang siya sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nabasa ko rin ang ilang tsismis online tungkol sa iglesiang ito. Kaya lang naisip ko na Kristiyano ako, at kailangan kong taos na magpitagan sa Diyos, kaya ayaw kong magsalita nang tapos bago ko maunawaan ang katotohanan niyon. Ito ay para maiwasan kong magkasala sa aking mga salita at masaktan ang Diyos. Bukod pa riyan, napag-isip-isip ko nitong huling ilang araw: nakapag-usap kami ni Sister Susan nang ilang beses, at kahit hindi ko makita kung sino ang kausap ko, nalunasan pa rin ng katotohanang ibinahagi niya sa akin ang aking pagkalito. Sa pamamagitan ng aming mga talakayan at sa pagbabasa ng kanyang mga post sa kanyang timeline, nadama ko na pareho sila ni Qi Fei na tapat, magiliw, at mabuting mga tao. Ang nilalaman ng kanilang pagbabahagi ay talagang nakapagturo at nakabuti sa akin. Nakasulat sa Biblia na malalaman mo ang isang puno mula sa bunga nito; ang mabubuting puno ay mabuti ang bunga, samantalang ang masasamang puno ay masama ang bunga. Kaya, sa pamamagitan ng kontak namin nina Sister Susan at Sister Qi Fei, unti-unti kong pinawalan ang mga pagdududa at pangamba sa puso ko, at hiniling ko kay Susan na magpatuloy sa pagbabahagi.

Sabi ni Sister Susan: “Dahil Siya ang Diyos na nagkatawang-tao, nasa Kanya ang mga pagpapahayag ng Diyos—ibig sabihin, bumibigkas Siya ng mga salita. Ang pangunahing dahilan kaya naparito ang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw upang ipahayag ang katotohanan ay para hatulan, linisin, at iligtas ang mga tao. Lahat ng nakaririnig sa tinig ng nagbalik na Panginoon, at yaong maghahanap at tatanggap dito, ay matatalinong dalaga na dumadalo sa piging na kasama ng Panginoon, at tinutupad nito ang propesiyang binigkas ng Panginoong Jesus: ‘Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalaki! Magsilabas kayo upang salubungin Siya(Mateo 25:6). Naririnig ng matatalinong dalaga ang tinig ng Diyos at lumalabas upang salubungin Siya. Ang hindi nila alam, itinaas sila sa harap ng luklukan ng Diyos upang makaharap ang Panginoon; tinatanggap nila ang paghatol at paglilinis ng Diyos sa mga huling araw. Sa pamamagitan ng paghatol ng mga salita ng Diyos, binabago at dinadalisay ang kanilang mga tiwaling disposisyon, at naging mga mananagumpay ng Diyos bago sumapit ang mga kalamidad. Ito ang kasalukuyang bahagi kung saan lihim na gumagawa ang Makapangyarihang Diyos upang iligtas at gawing perpekto ang tao. Kapag nakagawa na ng isang grupo ng mga mananagumpay, magwawakas na ang tagong gawain ng Diyos sa Kanyang katawang-tao, at sasapit ang mga kalamidad sa mundo. Sisimulang gantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at parusahan ang masasama, pagkatapos ay magpapakilala Siya Mismo sa lahat ng bansa at tao ng mundo. Sa panahong iyon, ang propesiya ng pagbaba ng Panginoon sa ulap sa Pahayag 1:7 ay matutupad: ‘Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya.’ Maaaring makatwirang sabihin ng isang tao na kapag nakita ng mga tao ang pagbaba ng Panginoon sa ulap, na ipinapakita ang Kanyang sarili sa lahat ng tao, dapat silang magwalang lahat sa galak. Ngunit sinasabi sa mga Banal na Kasulatan na lahat ng kaanak sa mundo ay mananangis. Bakit kaya? Iyon ay dahil kapag nagpakita ang Diyos Mismo sa publiko, nagwakas na ang tagong gawain ng pagliligtas ng Diyos sa Kanyang katawang-tao at sisimulan Niya ang gawain ng paggantimpala sa mabubuti at pagpaparusa sa masasama. Sa panahong iyon, lahat ng tumanggi sa tagong gawain ng Diyo ay lubos na mawawalan ng pagkakataon nilang magtamo ng kaligtasan, at yaong mga sumasaksak sa Kanya—yaong mga lumalaban at tumutuligsa sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw—ay makikita na ang Makapangyarihang Diyos, na kanilang nilabanan at tinuligsa, ay walang iba kundi ang nagbalik na Panginoong Jesus. Isipin lang ninyo ito, paanong hindi nila mababayo ang kanilang dibdib, at mananangis at magngangalit ang kanilang mga ngipin? Ito ang konteksto ng mga salitang ‘ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya.’”

Nang marinig ko ang ibinahaging iyon ni Sister Susan, nagbalik ang nadama kong katiwasayan at katuwaan. Hindi ko talaga naunawaan ang mga siping ito noong miyembro ako ng dati kong iglesia, ngunit ang naunawaan ko lang ay ang literal na kahulugan ng mga ito, iniisip na ang pagbalik ng Panginoon ay sa ulap at malalaman ng lahat. Noon ko lamang naunawaan sa wakas na darating muna nang lihim ang Diyos upang gawin ang yugto ng gawain ng paghatol at pagliligtas sa tao. Kapag nakagawa na ng isang grupo ng mga mananagumpay, noon lamang Niya hayagang ipapakita ang Kanyang Sarili sa lahat ng bansa at tao sa mundo. Kung pikit-mata tayong kakapit sa ideya na bababa ang Panginoon sa ulap kapag bumalik Siya, kung tatanggi tayong tanggapin ang tagong gawain ng Diyos sa Kanyang katawang-tao at maghihintay hanggang sa hayagang bumaba ang Panginoon sa ulap, iyon ang panahon na diretso tayong babagsak sa impiyerno, dahil nagwakas na noon ang gawain ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan. Salamat sa Panginoon sa Kanyang patnubay. Naunawaan ko na nang husto sa loob ng maikling panahon ang matagal nang ibinabahagi sa akin ni Sister Susan.

Pagkatapos ay tinanong ako ni Sister Susan kung gusto kong tanggapin ang Makapangyarihang Diyos bilang aking Tagapagligtas. Nang una niya akong tanungin, hindi ako sumagot, at nang magtanong siyang muli, isang di-maipaliwanag na damdamin ng katuwaan ang nag-umapaw sa aking kalooban, at nagsimula akong umiyak. Taimtim akong sumagot: “Gusto … ko!” Nang bigkasin ko ang mga salitang ito, pakiramdam ko ay isa akong alibughang anak na matagal na nagpagala-gala sa ilang, na sa wakas ay nagbalik sa magiliw na tahanan. Sa puso ko, lubos akong nagalak at naginhawahan.

Matapos kong tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nag-repost ako ng ilan sa sariling mga post ni Sister Susan. Hindi naglaon pagkatapos niyon, pinadalhan ako ng mga mensahe ng lima o anim na kaibigan ko sa Facebook na sinasabi sa akin na “gumising” at pinadalhan ako ng ilang link sa mga site na puno ng mga pag-atake, paratang, at paninirang-puri sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Alam ko na paggambala ito ni Satanas, at hindi ko ito tinulutang makaapekto sa akin. Kinabukasan, natagpuan ako ng isang pastor online, at pagkaraan ng kaunting walang-katuturang pakikipag-chat, tinanong niya ako, “Talaga bang naniniwala ka sa Makapangyarihang Diyos? Bakit gusto mong maniwala sa Makapangyarihang Diyos?” Nainis ako talaga rito, kaya tinanong ko rin siya: “Nakikinig ang mga tupa ng Diyos sa tinig ng Diyos. Nalaman ko na sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos na lahat ng ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay katotohanan, na ito ang tinig ng Diyos, kaya bakit hindi ako dapat maniwala sa Makapangyarihang Diyos? Bakit?” Hindi siguro niya inasahan na tatanungin ko siya nang ganoon at hindi siya sumagot sandali. Kaya, tinanong ko siyang muli, “Pastor, nasiyasat mo na ba ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw? Nabasa mo na ba ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos? Bilang isang pastor, paano mo maaatim na tumangging maghanap at magsiyasat, kundi basta nanghuhusga at nagpaparatang ka na lang?” Sa gulat ko, tumikhim at saglit na huminto siya nang hindi nagbibigay ng makabuluhang sagot, pagkatapos ay bigla siyang nag-log out. Nang makita ko na nataranta siya nang husto, nakadama ako ng di-maipaliwanag na kaligayahan, at kasiyahan na para bang nagtagumpay ako laban sa isa sa mga pagsubok ni Satanas. Sa katunayan, ang ginawa ko lang ay gamitin ang isa sa mga tanong na madalas mabanggit sa mga pag-uusap namin nina Sister Susan at Sister Qi Fei; may nasabi lang akong isang bagay mula sa pagkaunawa ko mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Hindi ko inasahan kailanman ang gayon katapang na pastor na matigilan sa aking mga tanong. Ang munting karanasang ito ay nagbigay sa akin ng malaking kumpiyansa. Salamat sa Diyos!

Mahigit limang buwan ang nagdaan sa isang kurap. Sa pagdalo sa mga pagtitipon at pagbabasa ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko kung ano ang pagkakatawang-tao, kung anong uri ng mga tao ang makakapasok sa kaharian ng langit, at iba pang mga aspeto ng katotohanan. Sa buong panahong ito, nagdanas ako ng mga panggugulo mula sa lahat ng uri ng tsismis na ikinalat ng mga pastor at elder. Paminsan-minsan ay naging negatibo ako at mahina dahil hindi ko makita ang panloloko ni Satanas, ngunit hindi ako pinabayaan ng Diyos. Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos na binasa sa akin ng mga sister gayundin sa kanilang matiyagang pagbabahagi tungkol sa katotohanan, nagkaroon ako ng kaunting paghiwatig tungkol sa likas na kasamaan ng mga elder at pastor at ng diwa ng kanilang pagkapoot sa katotohanan, at paglaban sa Diyos. Nagsimula rin akong magkaroon ng paghiwatig sa kanilang kasuklam-suklam na hilig na gawin ang lahat upang pigilan ang mga mananampalataya na hanapin at siyasatin ang tunay na daan. Hindi na nila ako maililigaw o makokontrol kailanman. Ang makawala sa maitim na impluwensya ni Satanas at maitaas sa harap ng luklukan ng Diyos ay biyaya at pagpapala ng Diyos sa akin. Salamat sa Makapangyarihang Diyos! Ang makabaling sa Diyos ay matagal nang itinakda at ipinlano ng Diyos. Aasa ako sa Diyos at susulong nang walang pag-aalinlangan! Nang makapasok ako sa bahay ng Diyos, ang unang himnong natutuhan ko ay “Paglalakad sa Tamang Landas sa Buhay”: “Lahat ng mayroon ako ay mula sa Diyos at lubos na sa pamamagitan ng kanyang biyaya. Binigyan ako ng buhay ng Diyos at inaruga ako; naniniwala akong wastong magbayad. Hawak ng Diyos lahat ng kapangyarihan, kapalaran ng aking pag-iral. Nasa Kanyang mga kamay ang buhay o kamatayan. Ang tunay na buhay ng tao ay para magsikap mabuti, mabuhay para bigyang-kasiyahan ang Diyos. Alam ko ang katotohanan, pinalaya ako nito. Mabuhay sa halaga ng buhay ng tao. Alam ko ang katotohanan, pinalaya ako nito. Mabuhay sa halaga ng buhay ng tao. Alam ko ang katotohanan, pinalaya ako nito. Mabuhay sa halaga ng buhay ng tao. Alam ko ang katotohanan, pinalaya ako nito. Alam ko ang ugat ng buhay ng tao” (Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). At ngayon, ipinapangaral ko ang ebanghelyo at nagpapatotoo ako sa Diyos sa aking mga kapatid sa iglesia. Nais kong abalahin ang aking sarili sa aking tungkulin at suklian ang pagmamahal ng Diyos!

Sinundan: Pag-uwi

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman