Ang mga Nakamit Ko Mula sa Isang Halalan

Marso 15, 2025

Ni Kailey, Hapon

Kamakailan ay nagdaos ng espesyal na halalan ang iglesia para punan ang isang tungkulin ng pamumuno. Nang malaman ko na isa si Sister Sheena sa mga kandidato, hindi ko maiwasang pagdudahan ang desisyon: Si Sheena? Bilang isang lider, naghasik siya ng inggit at hidwaan at sinupil at pinarusahan ang iba, ipinapahamak ang mga kapatid at ginagambala at inaabala ang gawain ng iglesia. Maraming beses siyang inilantad ng mga kapatid pero hindi niya kailanman tinanggap ang alinman dito at kalaunan ay pinalitan siya. Nakapagnilay ba siya at nakilala ang sarili niya? Nagsisi ba siya at nakagawa ng pagbabago? Pero naisip ko, “Dahil maaari siyang maging kandidato, tiyak na sinuri ito ayon sa prinsipyo. Tiyak na nakapagsisi siya at nagbago nang kaunti. At, kung tutuusin, ang halalan ng pamumuno ay isang usapin para sa nakatataas na pamunuan at wala naman itong masyadong kinalaman sa akin. Hindi ako dapat mag-alala sa maliit na bagay na ‘to.” Makalipas ang ilang araw, nagdaos ng pagtitipon ang mga lider kung saan tinalakay nila ang mga prinsipyo ng pagpili ng mga lider sa iglesia at binasa ang mga pagsusuri sa mga kandidato mula sa mga taong may alam. Mula sa mga pagsusuri, nalaman ko na kapag iwinawasto si Sheena, madalas siyang nagagalit at nakikipagtalo, at nahihirapang tanggapin ang katotohanan. Higit pa rito, hindi binanggit ng mga pagsusuring ito kung ano ang tingin niya sa mga nakaraan niyang paglabag. Naisip ko sa sarili ko: “Kung hindi nakapagnilay-nilay si Sheena at hindi nakilala ang kanyang sarili, kung gayon, tiyak na hindi niya hinahanap o tinatanggap ang katotohanan. Kung muli siyang nahalal na maging lider, hindi kaya magpapatuloy siyang maghasik ng inggit at hidwaan, at susupilin ang mga kapatid?” Pero naisip ko, “Hindi ko na siya gaanong nakikita nitong nagdaang dalawang taon at hindi ako nakakasiguro sa kanyang kasalukuyang sitwasyon. Nahalal siya bilang isang lider, kaya malamang ay nasuri siya ng iba batay sa prinsipyo, at marahil ay nagpakita siya ng ilang pagsisisi at pagbabago. At bukod pa, kung sino man ang nahalal bilang lider ay alalahanin na ng nakatataas na pamunuan. Wala itong masyadong kinalaman sa akin. Hindi ako mag-aalala tungkol dito—ang pinakamahalaga ay ang pagtutuon sa sarili kong gawain. Wala naman sigurong pagkakaiba kung sino ang nagsisilbing lider?” Nagulat ako na pagkaraan ng ilang araw, muling nagdaos ng pagtitipon ang mga lider. Sinabi nilang may mga kapatid na tutol sa pagiging lider ni Sheena dahil hindi siya nagnilay-nilay at nagkaroon ng pagkaunawa sa kanyang mga nakaraang paglabag at hindi nagsisi at nagbago, at na hindi siya karapat-dapat na maging lider. Gumawa ng masusing pagsisiyasat ang mga lider sa sitwasyon ni Sheena, tinitiyak na ang mga paratang na ginawa ay totoo, at sa wakas ay gumawa ng paghatol batay sa prinsipyo na si Sheena ay talagang hindi karapat-dapat na maging lider. Nang malaman ko ang lahat ng ito, napahiya ako: Bakit nagagawa ng iba na mag-ulat ng mga isyu kapag nakikita nila ang mga ito at pinangangalagaan ang halalan ng iglesia samantalang hindi ko sineseryoso ang bagay na iyon kahit na alam ko na ang problema? Medyo nalungkot ako, kaya nanalangin ako sa Diyos, nagsisikap na malaman kung anong mga aral ang dapat kong matutunan mula sa sitwasyong ito.

Nakita ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Lahat ng nagkukunwaring espirituwal samantalang hindi naman nila nauunawaan ang mga espirituwal na bagay ay mga huwad, at walang mahalaga sa kanila kundi ang gugulin ang buong araw sa mahigpit na pagsunod sa mga tuntunin o sa pag-uulit ng mga salita ng mga doktrina; katulad ito ng ginawa ng mga sinaunang iskolar, ‘tutok sa pag-aaral ng mga klasiko at binabalewala kung ano ang nangyayari sa labas ng malapit na kapaligiran nila.’ Sa tingin ng mga taong nagkukunwaring espirituwal ay walang kinalaman sa kanila ang anumang ginagawa ng ibang mga tao, at kahit ano pa ang isipin ng iba, itinuturing nila ito bilang personal na usapin ng mga taong ito, at tumatanggi silang matuto kung paano makilala ang pagkakaiba ng mga tao, na tumingin nang malalim sa mga bagay-bagay, at unawain ang kalooban ng Diyos alinsunod sa mga salita ng Diyos. Ganito ang karamihan sa mga tao. Kapag tapos na silang makinig sa isang sermon o magbasa ng salita ng Diyos, itinatala nila ito sa papel o itinatanim sa kanilang mga puso at itinuturing ito bilang mga doktrina o tuntunin, na pakitang-tao nilang sinusunod at pagkatapos ay wala na. Tungkol naman sa kung anong kaugnayan sa katotohanan ng mga bagay na nangyayari sa paligid nila, o kung anong koneksyon sa katotohanan ng iba't ibang pag-uugali at pagpapamalas na nakikita nila sa mga taong nasa paligid nila, hindi nila ito kailanman pinagninilayan o sinusubukang arukin sa kanilang mga puso, ni hindi sila nananalangin o naghahanap. Nasa ganitong uri ng kondisyon ang buhay-espirituwal ng karamihan sa mga tao. Sa kadahilanang ito, pagdating sa pagpasok sa katotohanan, mabagal at mababaw ang karamihan sa mga tao; lubhang walang kabuhay-buhay ang kanilang buhay-espirituwal, sumusunod lang sila sa mga tuntunin, walang prinsipyo sa kung paano nila ginagawa ang mga bagay-bagay. Masasabi natin na, sa kaso ng karamihan sa mga tao, hungkag ang buhay-espirituwal nila at hindi konektado sa totoong buhay. Sa kadahilanang ito, kahit pagdating sa tahasang asal at mga pag-uugali ng masasamang tao at mga anticristo, wala silang kakonse-konsepto, lalo namang walang anumang pakahulugan, ni wala silang anumang ideya o hindi sila gumagawa ng anumang pagkakaiba(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikalimang Bahagi)). Sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, naramdaman kong inilalarawan ng mga ito ang sarili kong pagsasagawa ng pananampalataya. Kumilos ako sa paraang inilantad ng mga salita ng Diyos: “tutok sa pag-aaral ng mga klasiko at binabalewala kung ano ang nangyayari sa labas ng malapit na kapaligiran nila.” Naniwala ako na sapat na ang tuparin lamang ang mga tungkulin ko at asikasuhin ang parte ko sa gawain. Ang anumang labas doon ay wala nang kinalaman sa ‘kin. Naisip ko na ang pananampalataya sa Diyos ay binubuo lamang ng pagdarasal sa Diyos, pagbabasa ng mga salita ng Diyos, pagtupad sa mga tungkulin ng isang tao at hindi paggawa ng anumang malalaking pagkakamali. Sa paggawa ng mga bagay na ito, makukuha ng isang tao ang papuri ng Diyos. Saka ko lang napagtanto kung gaano kakatwa ang kuru-kurong ito matapos kong mabasa ang mga salita ng Diyos. Napakapraktikal ng gawain ng Diyos at napakalinaw—walang aspeto nito ang nakahiwalay sa mga realidad. Kasabay ng pagtutustos Niya sa atin ng mga katotohanan, gumagawa rin Siya ng lahat ng uri ng sitwasyon sa ating pang-araw-araw na buhay para tulungan tayong maranasan ang Kanyang mga salita at masanay na tingnan ang mga bagay sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, upang unti-unti nating maunawaan at makamit ang katotohanan. Sa pagbabalik-tanaw sa halalan ng lider na iyon, nagawa ng ilan na hanapin ang katotohanan at makakilala batay sa mga salita ng Diyos. Nang mapagtanto nilang hindi naaangkop ang lider ayon sa prinsipyo, nagawa nilang tumayo sa tamang oras para mamagitan at protektahan ang gawain ng iglesia. Sa pamamagitan ng sitwasyong ito, natuto silang makilala ang mga tao at bagay-bagay at nagtamo ng mga praktikal na pakinabang. Samantalang ako, hinarap ko ang parehong sitwasyon tulad ng isang tagalabas, umaalis pagkatapos na pagkatapos ng halalan at hindi naghahangad na maunawaan kung anong mga aral ang pwedeng matutunan kahit kaunti. At dahil do’n, wala akong napala. Ang pagsasagawa ko ng pananampalataya ay ganap na nahiwalay sa totoo kong buhay. Hindi ko pinahalagahan ang pagdanas sa mga salita at gawain ng Diyos, lalong hindi ko binigyang-diin ang paghahanap ng katotohanan sa mga sitwasyong isinaayos ng Diyos. Anuman ang nangyayari, palagi kong inaalis ang sarili ko sa sitwasyon, gaya ng isang walang pananampalataya. Dahil dito, maraming bagay ang hindi ko na lang napapansin, at sa sampung taon ng pananampalataya, wala akong napala, hindi nagkamit ng anumang pagkakilala sa mga tao at bagay-bagay. Napakakaawa-awa at kahabag-habag! Nang napagtanto kong may problema akong ganito, medyo nalungkot ako, pero handa akong baguhin ang kalagayan ko at matuto ng aral mula sa halalan na ‘yun. Sa pagninilay-nilay, napagtanto ko na ang dahilan kung bakit hindi ako nagpakita ng anumang malasakit sa halalan ng lider sa iglesia ay dahil lagi kong pinanghahawakan ang maling ideya na kung sino ang nahalal na lider ay walang kinalaman sa akin. Ipinagpapatuloy ko ang pagsasagawa ng pananampalataya sa Diyos at pagtupad sa mga tungkulin ko gaya ng dati, kahit sino pa man ang nahalal. Kalaunan nang makakita ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos, saka ko lang naunawaan sa wakas ang kahulugan ng halalan ng lider sa iglesia. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ano ang sanhi ng paglitaw ng kategorya ng mga tao na mga pinuno at manggagawa, at paano sila lumitaw? Sa malaking antas, kailangan sila para sa gawain ng Diyos; sa mas maliit na antas, kailangan sila para sa gawain ng iglesia, kailangan sila ng hinirang na mga tao ng Diyos. … Ang kaibahan sa pagitan ng mga lider at manggagawa at ng iba pang mga taong hinirang ng Diyos ay ang isang natatanging katangian lamang sa mga tungkuling ginagampanan nila. Pangunahing nakikita ang natatanging katangiang ito sa kanilang mga tungkulin ng pamumuno. Halimbawa, gaano man karami ang mga tao na nasa isang iglesia, ang lider ang pinuno. Ano ang ginagampanang papel ng lider na ito sa mga miyembro? Pinamumunuan niya ang lahat ng hinirang sa iglesia. Ano ang epekto niya sa buong iglesia? Kung tumahak ang lider na ito sa maling landas, susundan ng mga taong hinirang ng Diyos sa iglesia ang lider tungo sa maling landas, na magkakaroon ng malaking epekto sa kanilang lahat. Halimbawa si Pablo. Pinamunuan niya ang marami sa mga iglesiang itinatag niya at ang mga taong hinirang ng Diyos. Noong naligaw si Pablo, naligaw rin ang mga iglesia at ang mga taong hinirang ng Diyos na pinamunuan niya. Kaya, kapag naliligaw ang mga lider, hindi lang sila ang naaapektuhan, kundi ang mga iglesia at ang mga taong hinirang ng Diyos na pinamumunuan nila ay naaapektuhan din. Kung ang isang lider ay isang tamang tao, na lumalakad sa tamang landas at hinahangad at isinasagawa ang katotohanan, ang mga taong pinamumunuan niya ay maayos na kakain at iinom ng mga salita ng Diyos at maayos na hahangarin ang katotohanan, at, kasabay nito, ang karanasan sa buhay at pagsulong ng lider ay makikita ng iba, at makakaapekto sa iba. Kaya, ano ang tamang landas na dapat lakaran ng isang lider? Ito ang kakayahang pangunahan ang iba tungo sa pagkaunawa ng katotohanan at sa pagpasok sa katotohanan, at akayin ang iba sa harapan ng Diyos. Ano ang maling landas? Ito ay ang paghahangad sa katayuan, kasikatan, at pakinabang, ang madalas na pagtataas sa sarili at pagpapatotoo sa sarili, hindi kailanman nagpapatotoo sa Diyos. Ano ang epekto nito sa mga taong hinirang ng Diyos? Maliligaw sila papalayo sa Diyos at hahantong sa ilalim ng kontrol ng lider na ito. Kung pinangungunahan mo ang mga tao upang lumapit sa harapan mo, kung gayon pinangungunahan mo sila upang lumapit sa harapan ng tiwaling sangkatauhan, at pinapangunahan mo sila upang lumapit sa harapan ni Satanas, hindi sa Diyos. Tanging ang pangunguna sa mga tao upang humarap sa katotohanan ang siyang pangunguna sa kanila upang lumapit sa harapan ng Diyos. Ang mga lider at manggagawa, kung tumatahak man sila sa tamang landas o sa maling landas, ay may direktang impluwensiya sa hinirang na mga tao ng Diyos. Kapag hindi pa nila nauunawaan ang katotohanan, karamihan sa mga taong hinirang ng Diyos ay bulag na sumusunod. Maaaring isang mabuting tao ang lider, at susundin nila siya; maaari namang isang masamang tao ang lider, at susundin pa rin nila siya—hindi nila nakikita ang pagkakaiba. Sumusunod sila ayon sa pamumuno sa kanila, kahit sino pa man ang lider. Kaya nga napakahalaga na ang mga iglesia ay pumili ng mabubuting tao para maging mga lider nila. Aling landas ang tinatahak ng matatapat ay direktang may kaugnayan sa landas na tinatahak ng mga lider at manggagawa, at maaaring sa iba’t ibang antas ay maimpluwensiyahan ng mga lider at manggagawa na iyon(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Unang Aytem: Sinisikap Nilang Kumbinsihin ang mga Tao). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, natanto ko na tamang tao man o hindi ang lider, hinahanap man niya ang katotohanan at kung anong landas man ang kanyang tinatahak ay may direktang epekto sa kalidad ng buhay-iglesia at pagpasok sa buhay ng mga hinirang ng Diyos. Kayang gamitin ng isang mahusay na lider ang kanilang karanasan sa totoong buhay upang lutasin ang mga isyu ng mga kapatid at tulungan silang maunawaan ang katotohanan at mas mabilis na makapasok sa realidad ng katotohanan. Makakakuha ng ilang benepisyo ang mga kapatid mula sa lider. Kung ang isang lider ay hindi tumatahak sa landas ng paghahanap sa katotohanan, at gumagawa lamang para mapanatili ang kanyang katayuan, at nagsasalita lamang ng doktrina nang hindi dinadakila at pinatotohanan ang Diyos, nabibigong gumawa ng praktikal na gawain at hindi nilulutas ang mga aktuwal na isyu ng mga tao, tapos, paglipas ng panahon, tuturuan lang nila ang mga tao na unawain ang mga titik at doktrina, kumapit sa mga alituntunin, maging mataas ang tingin sa kanila at sambahin sila. Dadalhin lamang nila ang iba sa harap nila at, sa huli, ipapahamak lamang ang mga tao at pipinsalain ang mga ito. Habang pinagninilayan ang ugali ni Sheena, kapag tinatabasan at iwinawasto, nagagalit siya, nakikipagtalo at nabibigong pagnilayan ang sarili at matuto. Hindi niya napagnilayan at nakilala ang kanyang mga nakaraang paglabag, lalo na kung nagsisi ba talaga siya. Mula rito, makikita ng isang tao na hindi hinanap ni Sheena ang katotohanan at hindi taglay ang mga katangian ng isang lider. Kung mahalal siya sa isang tungkulin ng pamumuno, magsasalita lamang siya ng doktrina at hindi talaga makakatulong sa mga tao. Paano niya kami magagabayan para maunawaan ang katotohanan at makapasok sa realidad ng katotohanan? Pero pinanghawakan ko ang kakatwang paniniwala na kahit sino pa ang mahalal na lider, magbabasa pa rin tayo ng mga salita ng Diyos, tutuparin ang ating mga tungkulin at magpapatuloy sa buhay-iglesia gaya ng dati at hindi ito masyadong makakaapekto. Talagang kahangalan ang kuru-kurong ito!

Isang araw, nakakita ako ng isa pang sipi ng mga salita ng Diyos na tumalakay sa uri ng saloobin na dapat taglayin ng mga tao sa panahon ng halalan at kung ano ang mga maling layunin at kuru-kuro nila. Noon lang ako nagkaroon ng kaunting pagkaunawa sa sarili ko. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Sa tuwing may halalan sa iglesia, ito man ay para sa mga lider at manggagawa o para sa mga hinirang ng Diyos, may pananagutan at obligasyon ang lahat na pangalagaan ang gawain sa halalan. … Ang ilang tao ay umuupo lang at nanonood, sinasabing, ‘Hindi rin naman ako puwedeng maging lider ng iglesia. Kahit sino pa ang maglingkod, pareho lang din naman. Sinumang may abilidad ay puwedeng maglingkod. Kung gusto ng isang anticristo na maglingkod, wala itong kinalaman sa akin, at basta’t hindi nila ako alisin, ayos na iyon.’ Iyan ang sinasabi ng mga pinakanegatibong tao. Hindi nila maisip kung ano ang magiging kahihinatnan kung maglingkod bilang lider ang isang anticristo, at kung ano ang epektong maidudulot nito sa kanilang pananalig sa Diyos. Tanging ang mga taong nakauunawa sa katotohanan ang makakakita sa kung ano talaga ito. Sasabihin nila: ‘Kung isang anticristo ang magiging lider ng iglesia, ang mga hinirang ng Diyos ang siyang magdurusa, lalo na ang mga taong naghahangad ng katotohanan, may pagpapahalaga sa katarungan, at handang gumawa ng kanilang tungkulin, lahat sila ay masusupil at maibubukod. Tanging ang mga taong magugulo ang isip at ang mga taong oo lang nang oo ang makikinabang, at mabibihag sila ng anticristo, nasa kanyang mga palad.’ Pero hindi isinasaalang-alang ng mga negatibong taong iyon ang mga bagay na ito. Iniisip nila na: ‘Nananalig sa Diyos ang isang tao para maligtas. Ang pananalig ay isang indibidwal na landas. Kahit isang anticristo pa ang maging lider, wala itong magiging epekto sa akin. Hangga’t hindi ako gumagawa ng masasamang bagay, hindi ako masusupil o maibubukod, o mapapaalis sa iglesia ng isang anticristo.’ Ito ba ang tamang pananaw? Kung walang kahit sino sa mga hinirang ng Diyos ang nagmamalasakit sa mga halalan sa iglesia, sa sandaling hayaan nila ang isang anticristo na humawak ng kapangyarihan, ano ang magiging kahihinatnan nito? Talaga nga bang magiging kasingsimple ito ng inaakala ng mga tao? Anong uri ng mga pagbabago ang pagdaraanan ng buhay-iglesia? May direktang kinalaman ito sa pagpasok sa buhay ng mga hinirang ng Diyos. Kung isang anticristo ang may hawak ng kapangyarihan sa isang iglesia, walang kapangyarihan ang katotohanan doon, at walang kapangyarihan doon ang mga salita ng Diyos. Isa itong iglesia kung saan si Satanas at ang mga walang pananampalataya ang may kapangyarihan. Bagama’t maaaring nababasa pa rin ang mga salita ng Diyos sa mga pagtitipon, kontrolado ng anticristo ang karapatang magsalita. Maibabahagi ba nang malinaw ng anticristo ang tungkol sa katotohanan? Mapapayagan ba ng anticristo na malaya at hayagang makapagbahaginan ang mga hinirang ng Diyos tungkol sa katotohanan? Imposible iyon. Kapag humahawak ng kapangyarihan ang isang anticristo, mas marami ang pagkagambala at kaguluhan, at siguradong mababawasan ang bisa ng buhay-iglesia. Kung mangyari iyon, walang gaanong mapapala ang mga hinirang ng Diyos kapag nagtitipon sila, at maaaring magdulot pa ito ng kaguluhan sa kanilang mga pagtitipon. Hindi malulutas ang mga problema ng mga hinirang ng Diyos, magagambala rin ang pagsasagawa ng katotohanan, at ganap na magbabago ang takbo ng buhay-iglesia. Kapag lumilitaw ang maiitim na ulap at tinatabingan ang araw, nananatili ba ang kasiyahan sa buhay-iglesia? Tiyak na makokompromiso ito nang husto(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsibilidad ng mga Lider at Manggagawa). Inilantad ng mga salita ng Diyos ang lahat ng ideya at walang pakialam na mga saloobin ng mga tao kapag nahaharap sila sa halalan sa iglesia. Ang pag-uugali ko ay ang mismong inilantad ng Kanyang mga salita. Sa eleksyong ‘yun, napagtanto ko na si Sheena ay tila hindi naghahanap sa katotohanan, pero hindi ko hinanap ang mga prinsipyo ng paghalal ng lider sa iglesia, nabigo akong isaalang-alang kung ano ang mga ibubunga ng pagkahalal sa kanya, at talagang hindi ko binanggit ang mga pagdududa ko tungkol sa mga resulta ng halalan sa pamunuan, sa halip ay pinili kong maghintay nang walang interes. Naniwala akong walang ipinagkaiba kung sino ang maninilbihang lider, gagampanan nila ang kanilang mga tungkulin at gagawin ko ang akin, walang makikialam sa isa’t isa. Naisip ko rin na kahit may mga isyu sa halalan, iyon ay usapin sa nakatataas na pamunuan at hindi ko na problema. Kaya noong halalang iyon, wala akong sariling pananaw o posisyon. Alam ko na ang napiling tao ay hindi angkop at gayon pa man ay bulag kong sinunod ang desisyon. Nang may ganitong uri ng pananampalataya, wala akong pinagkaiba sa mga nasa relihiyosong mundo na naghahanap ng tinapay para mabusog at nagsisisunod nang nalilito. Sinunod ko ang mga satanikong pilosopiya tulad ng“Hayaan lang ang mga bagay-bagay kung hindi naman personal na nakakaapekto ang mga ito sa iyo,” at “Sinuman ang nagbibigay sa akin ng pera ay aking ama, at sinuman ang nagpapakain sa akin ay aking ina” Wala akong malasakit sa halalan; ang nasa isip ko ay makikinig at susunod lang ako sa sinumang lider, nang walang anumang pagkakilatis. Isa talaga akong lito! Ang halalan ng mga lider ay isang mahalagang isyu, na direktang nauugnay sa pagpasok sa buhay ng mga taong hinirang ng Diyos, pero gumawi ako sa gayong makasarili, walang pakialam at iresponsableng paraan.Naisip ko ang mga salita ng Diyos, na nagsasabing: “Kung hindi mo tunay na inilalaan ang sarili mo sa iyong pananampalataya sa Diyos at sa pagganap sa iyong tungkulin; kung palagi kang kumikilos nang walang pagsisikap at walang interes sa iyong mga kilos, tulad sa isang hindi naniniwala na gumagawa para sa kanilang amo; kung gumagawa ka lamang ng isang walang-katuturang pagsisikap, hindi ginagamit ang iyong isip, iniraraos lang ang bawat araw na dumarating, hindi iniuulat ang mga problema kapag nakikita mo ang mga ito, nakikita ang isang ligwak at hindi ito nililinis, at walang patumanggang iwinawaksi ang lahat-lahat na hindi na mapakikinabangan—hindi ba ito kaguluhan? Paanong magiging kasapi ng sambahayan ng Diyos ang isang tao na katulad nito? Hindi mananampalataya ang gayong mga tao; hindi sila nabibilang sa sambahayan ng Diyos. Wala ni isa sa kanila ang kinikilala ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Para Magampanan nang Maayos ng Isang Tao ang Kanyang Tungkulin, Dapat Magtaglay man Lang Siya ng Konsensya at Katwiran). Batay sa mga salita ng Diyos, nakita ko na Matagal na akong nananalig sa Diyos, at malayang nagbabasa ng Kanyang mga salita, tinatamasa ang Kanyang biyaya at mga pagpapala, pero hindi ko pinrotektahan ang gawain ng iglesia. Kahit anong uri ng pagkaabala o pagkagambala ang naganap sa iglesia, o kung gaano kalaking pinsala ang nagawa sa gawain ng iglesia, pikit-mata ko lang hinarap ito, ayaw kong mag-alala tungkol dito. Napakamakasarili ko at kasuklam-suklam—hindi ako nabibilang sa sambahayan ng Diyos. Sa kasong ito, ang taong ‘yon ay hindi angkop para sa trabaho at kumilos ako nang walang malasakit. Kung ang isang anticristo o masamang tao ay kokontrolin ang iglesia, magmamanipula at gagambalain ang halalan, at kailangan ng isang taong tumayo at lumaban sa anticristo o masamang tao, siguradong uurong ako at maghihintay lang nang walang pakialam. Hindi ako tatayo at poprotektahan ang gawain ng iglesia. Habang mas iniisip ko ‘to, lalo kong napagtanto kung paano kinamumuhian ng Diyos ang aking walang pakialam na saloobin sa gawain ng iglesia. Kung patuloy akong kumikilos nang gano’n, sa huli ay mapapalayas ako.

Sa pagninilay-nilay, napagtanto ko rin na nagkamali akong isipin na pinamamahalaan at pinangangasiwaan ng nakatataas na pamunuan ang halalan ng mga lider kaya lahat ng desisyon na gagawin nila ay dapat naaayon sa prinsipyo at walang dapat itanong o pag-aalinlanganan. Kalaunan, sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, natanto ko na ang pananaw na ito ay hindi naaayon sa katotohanan. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Kapag itinaas ng ranggo at nilinang ang isang tao sa iglesia para maging lider, itinataas lamang siya ng ranggo at nililinang sa literal na paraan; hindi ito nangangahulugan na karapat-dapat na siyang lider, o mahusay na lider, na kaya na niyang gawin ang gawain ng isang lider, at kayang gawin ang tunay na gawain—hindi ganoon. Hindi malinaw na nakikita ng karamihan sa mga tao ang tungkol sa mga bagay na ito, at tinitingala nila ang mga itinaas ng ranggong ito na umaasa sa kanilang mga imahinasyon, pero isa itong pagkakamali. Kahit ilang taon pa silang maaaring nanalig, taglay nga ba talaga ng mga itinaas ng ranggo ang realidad ng katotohanan? Maaaring hindi. Nagawa ba nilang isakatuparan ang mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos? Maaaring hindi. Alam ba nila ang kanilang responsibilidad? Taglay ba nila ang pananagutan? Kaya ba nilang magpasakop sa Diyos? Kapag may nakaharap silang isang isyu, nagagawa ba nilang hanapin ang katotohanan? Walang nakakaalam sa lahat ng ito. Mayroon bang pusong may takot sa Diyos ang mga taong ito? At gaano kalaki ang takot nila sa Diyos? Malamang bang sundin nila ang sarili nilang kalooban kapag gumagawa sila ng mga bagay-bagay? Magagawa ba nilang hanapin ang Diyos? Sa panahon na ginagampanan nila ang gawain ng mga lider, regular at madalas ba silang humaharap sa Diyos para alamin ang kalooban ng Diyos? Nagagabayan ba nila ang mga tao sa pagpasok sa realidad ng katotohanan? Tiyak na wala silang kakayahan sa gayong mga bagay agad-agad. Hindi pa sila nakatanggap ng pagsasanay at napakakaunti ng kanilang karanasan, kaya wala silang kakayahan sa mga bagay na ito. Ito ang dahilan kung bakit ang pagtataas ng ranggo at paglinang sa isang tao ay hindi nangangahulugang nauunawaan na niya ang katotohanan, ni hindi nito sinasabi na kaya na niyang gampanan ang kanyang tungkulin nang maayos. … Hindi dapat umasang masyado ang mga tao o humingi ng mga bagay na hindi makatotohanan sa mga itinataas ang ranggo at nililinang; hindi makatwiran iyan, at hindi patas sa kanila. Maaari ninyong subaybayan ang kanilang gawain, at kung may madiskubre kayong mga problema o bagay na labag sa mga prinsipyo habang nagtatrabaho sila, maaari ninyong ipaalam ang isyu at hanapin ang katotohanan para lutasin ang mga bagay na ito. Ang hindi ninyo dapat gawin ay hatulan, kondenahin, batikusin, o ihiwalay sila, dahil nasa panahon sila ng paglinang, at hindi sila dapat ituring na mga taong nagawa nang perpekto, lalo nang hindi mga taong perpekto, o bilang mga taong nagtataglay ng realidad ng katotohanan. Sila ay katulad ninyo: Ito ang panahon na sinasanay sila. Ang pagkakaiba ay na mas marami silang gawaing ginagawa at responsibilidad kaysa mga ordinaryong tao. May responsibilidad at obligasyon silang gumawa ng mas maraming gawain; mas malaki ang halagang kanilang binabayaran, mas marami silang hirap, mas maraming pasakit, mas maraming problemang nilulutas, nagpaparaya sa pamimintas ng mas maraming tao, at siyempre pa ay mas malaki ang kanilang pagsisikap, mas kakaunti ang tulog, kakaunti ang kinakain, at di-gaanong nakikipaghuntahan, kaysa normal na mga tao. Ito ang espesyal sa kanila; maliban dito, katulad sila ng sinumang iba pa. Ano ang saysay ng pagsasabi Ko nito? Para sabihin sa lahat na dapat nilang harapin nang tama ang pagtataas ng ranggo at paglilinang ng iba’t ibang uri ng mga taong may talento sa sambahayan ng Diyos, at hindi sila dapat maging malupit sa kanilang mga hinihingi sa mga taong ito. Natural, dapat ay maging makatotohanan din ang mga tao sa kanilang opinyon tungkol sa kanila. Kahangalan ang magbigay ng sobrang pagpapahalaga o pagpipitagan sa kanila, ni hindi makatao o makatotohanan ang maging lubhang mabagsik sa inyong mga hinihingi sa kanila(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsibilidad ng mga Lider at Manggagawa). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang mga lider ay walang ipinagkaiba sa mga kapatid; sila rin ay nililinang at sinasanay. Gayunpaman, hindi iyon nangangahulugan na sila ay kwalipikadong lider o manggagawa, o na mayroon silang realidad ng katotohanan. Dapat kong tingnan ang mga ito sa liwanag ng mga salita ng Diyos at harapin ito sa makatarungan at obhektibong paraan. Hindi ako dapat magkaroon ng sobrang taas na mga inaasam o hinihingi sa kanila at hindi ako dapat maging labis na mapagpuna. Bilang miyembro ng iglesia, may responsibilidad akong subaybayan ang gawain ng mga lider at manggagawa at makipag-ugnayan sa kanila para protektahan ang gawain ng iglesia. Kapag kumikilos ang mga lider ayon sa katotohanan, dapat akong magpasakop at tanggapin ito, pero kung nakikita ko na ang mga lider ay nagkakaroon ng mga isyu o paglihis, dapat ko silang ilantad at itama kaagad at tulungan silang gumawa ng pagbabago, dahil ang paggawa nito ang pinakamabuti para sa gawain ng iglesia. Kung ang mga huwad na lider o anticristo ay lumitaw sa iglesia, dapat ko silang isumbong sa kanilang mga nakatataas. Ito ay pagiging responsable sa gawain ng iglesia at responsable sa aking sarili at, higit pa rito, pagtupad ito sa mga responsibilidad at tungkulin ko. Nang matanto ko ang mga prinsipyo tungkol sa kung paano tratuhin ang mga lider at manggagawa, mas nalinawan ako at nagkaroon ako ng landas ng pagsasagawa.

Makalipas ang ilang panahon, napansin kong hindi nakikisabay si Sister Kellie sa gawain ng pagdidilig, sinasabing masyado siyang abala para asikasuhin ito. Minsan, kapag lumalapit sa kanya ang mga kapatid na may mga isyu, nagagalit pa nga siya na dumarami ang ipinapagawa nila sa kanya. Naisip ko sa sarili ko: Ang mga lider ay responsable sa maraming gawain, pero pwede silang gumawa ng priyoridad. Hindi nila kailangang gawin nang personal ang lahat ng gawain, pwede silang magtalaga ng isang tao para masabayan ang ilang gawain, at pagkatapos ay suriin at pangasiwaan pagkatapos nito. Kung palaging ginagawang dahilan ng isang lider ang pagiging abala, at hindi pinangangasiwaan ang gawaing responsable siya o iniraraos lang ang gawain, ito ay seryosong kapabayaan, hindi praktikal na gawain at dapat kong iulat ang isyung ito sa kanilang superiyor. Pero naisip ko na hindi ako dapat mag-alala sa kung paano ginagampanan ng lider ang kanyang trabaho, at dapat ko lang siguraduhing tinutupad ko ang sarili kong mga tungkulin. Noon ko naisip ang mga salita ng Diyos, na nagsasabing: “Responsibilidad ng lahat na subaybayan kung gumagawa ba ang mga lider at manggagawa ng totoong gawain, kung ginagamit ba nila ang katotohanan upang lumutas ng mga problema(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsibilidad ng mga Lider at Manggagawa). Napagtanto ko na mali ang ideyang mayro’n ako. Dapat kong paalalahanan ang lider at tulungan siyang itama ang kanyang isyu kaagad. Kaya’t naglakas-loob ako at binanggit ang isyu tungkol sa kanya. Sinabi ng lider: “Hmn. Tama ka, problema nga ito. Pag-iisipan ko talaga ‘to at pagninilayan.” Pagkatapos n’on, nakita ko na nagsimulang aktibong sumasabay sa gawain ng pagdidilig ang lider, at nilulutas ang ilang praktikal na isyung kinakaharap ng gawaing iyon. Tinulungan ako ng karanasang ito na mapagtanto na sa tuwing may natutuklasan tayong isang bagay na sumasalungat sa katotohanan o nakapipinsala sa mga interes ng iglesia, dapat ay sumunod tayong lahat sa mga prinsipyo ng katotohanan, agad itong ilantad at pigilan ito, at pangalagaan ang gawain ng iglesia. Ito ay responsibilidad at tungkulin ng bawat isa.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Isang Huling Pagkamulat

Ni Lin Min, Tsina Noong 2013, tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Napakasigasig ko noong panahong ‘yon....

Liitan ang Font Size
Lakihan ang Font Size
Pumasok sa Full Screen
Lumabas sa Full Screen