Ipinakita ng Karamdaman at Paghihirap ang Aking Tunay na Kulay

Enero 16, 2022

Ni Tingting, Tsina

Madaling sumakit ang ulo ko mula noong bata pa, at minsan, sobra ang pagsakit nito na nagpapa-ikot-ikot na lang ako sa kama. Noong ako’y teenager ay nagpunta ako sa doktor tungkol dito, na siyang nagsabing ang sanhi nito ay cerebral vasospasms at kailangan ng paggagamot, pero nang makita ko ang lahat ng mga ’di magandang epekto ng gamot na inireseta niya, sobra akong natakot na inumin iyon. Tiniis ko na lang ang sakit. Matapos tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, bigla na lang bumuti ang aking kondisyon. Binigyan ko ang Diyos ng taos-pusong pasasalamat. Matapos n’on, ibinuhos ko ang aking sarili sa pagdalo sa mga pagtitipon at paggawa ng aking tungkulin, iniisip na dahil ako’y isang mananampalataya, tiyak na babantayan ako ng Diyos, gagawa siya ng paraan sa tuwing mayroon akong mga paghihirap, pinananatiling ligtas at maayos ang pamilya ko, at poprotektahan ako mula sa anumang problema sa kalusugan. Kalaunan, nagbitiw ako sa trabaho at umalis ng bahay para gawin nang buong oras ang aking tungkulin. Mabilis na lumipas ang ilang taon sa ganoong paraan habang ginagampanan ko ang aking tungkulin nang walang kapaguran. Subalit nagsimulang sumama ang aking kalusugan ilang taon na ang nakararaan, at madalas akong nakararamdam ng pagkahapo, pagsisikip sa aking dibdib, at pagkapos ng paghinga. May mga umaga na ni hindi ko tinatangkang buksan ang aking bibig, dahil ang pagsasalita lang ng ilang kataga ay lubos nang magpapapagod sa akin at buong umaga na akong patang-pata. Hindi ko ito masyadong binigyang pansin noong una, iniisip na, “Ang aking kondisyon ay nasa mga kamay ng Diyos. Kailangan kong patuloy na gawin ang aking tungkulin at darating din ang punto na bubuti ako.” Pero dalawang taon ang lumipas at ang kalusugan ko ay patuloy lang lumala nang lumala. Bukod sa pagkahapo, minsan magsisimulang kumabog ang puso ko, o kaya’y pagpapawisan ako ng malamig, at hindi mapakali, at kinakailangang humiga agad. Ni hindi ako makapagsalita. Ang masaklap na bahagi, ay bumalik na naman ang mga sakit ng ulo, at may mga pagkakataon na pakiramdam ko’y parang puputok ang mga ugat ko. Uminom ako ng ilang Chinese medicine pero walang nakatulong. Ipinasuri ko ito at sinabi ng doktor na ito’y isang malalang myocardial ischemia at cerebral vasospasm. Sabi n’ya na kung puputok ang aking mga ugat, nasa panganib akong mamatay anumang oras. Sa pagkakarinig nito, naalala ko ang lolo ko, na namatay matapos magkaroon ng cerebral blood clot, dagdag pa ang tatay ko na nagkaroon ng cerebral hemorrhage nang siya ay apatnapung taong gulang, at pumanaw makalipas ang tatlong araw. Ngayon lagi akong nagkakaroon ng matitinding pagsakit ng ulo. Puputok din kaya ang ugat ko isang araw, gaya ng tatay ko? Iniwanan ko ang aking pamilya at ang aking trabaho para gawin ang tungkulin ko sa loob ng mga taon, kaya bakit lumalala ang aking kalusugan? Pakiramdam ko na dapat pinoprotektahan ako ng Diyos. Sa mga sumunod na araw, ginagawa ko pa rin ang aking tungkulin, pero lagi akong nagmumukmok dahil sa aking kondisyon. Kahit na ako’y nanalangin at hinanap ang kalooban ng Diyos at nagbasa ng Kanyang mga salita kung paano makalalagpas sa karamdaman, nawala ang gana ko na manalangin at maghanap noong wala akong nakitang anumang pagbuti. Bumalik ako sa aking pamilya para humingi ng tulong sa pagbabayad ng pagpapagamot, pero sinabi ng biyenan kong babae na ang pabrika kung saan nagtatrabaho ang asawa ko ay nalugi at hindi siya napasahod. Sumama ang loob ko nang marinig ko ito. Sobrang hindi maayos ang kalusugan ko, nawalan ng trabaho ang asawa ko, at ni hindi siya pinasahod. Kalimutan na ang pagpapagamot—ano ang ikabubuhay namin? Sa mga araw na iyon, ang pag-iisip sa lumalala kong kalusugan at sa kawalan ng trabaho ng asawa ko ang nagbigay sa akin ng di-makayanang pasakit. Naisip ko, “Napakarami kong isinuko para sa aking tungkulin. Bakit hindi ako binabantayan ng Diyos?” Pero naisip ko, “Hindi ko puwedeng sisihin ang Diyos, dapat akong magpasakop. Sinong nakakaalam, baka makahanap ng magandang trabaho ang asawa ko at pupuno sa mga pasahod na hindi niya natanggap.” Kaya nanalangin ako, “Diyos ko, nasa sa Iyo kung makahahanap o hindi ng trabaho ang asawa ko. Inilalagay ko ang pagkakaroon niya ng trabaho sa Iyong mga kamay….” May katiting akong pag-asa habang nananalangin, at inasam ko na makahanap siya ng trabaho kaagad. Pero ilang buwan pa ang nakalipas at wala pa rin siyang makitang anuman. Labis akong nadismayaat lubos na nawalan ng lakas. Mistulang ginagawa ko ang aking tungkulin, pero kapag naisip ko ang tungkol sa kalusugan o pamilya ko, sumasama talaga ang loob ko. May mga pagkakataon na mas nagawa ko sana nang maayos ang tungkulin ko kung mas pinagsikapan ko ito, pero maiisip ko, “Puwede na ’yan. Anong buti ang maidudulot nito kung mas pagsusumikapan ko ito?” Kung kaya, nawala ang sigasig ko sa aking tungkulin na mayroon ako dati. Mabagal ang pag-unlad sa trabahong pinamamahalaan ko, at wala akong motibasyon na tulad ng nakasanayan. Kapag nakikita ko ang mga kapatid na nagkakaproblema sa kanilang mga tungkulin, hindi ko naramdamang parang gusto kong mangialam at tumulong. Ang aking negatibo, at pabayang pamamaraan ay lubhang nakaapekto sa gawain ng iglesia, pero sa puntong iyon sobrang manhid na ako kaya hindi ko ito pinagtuunan ng pansin. Naging napakamiserable ko sa nangyayari sa aking pamilya, kaya nanalangin ako sa Diyos, “Diyos ko, matagal-tagal na akong miserable. Lagi akong humihingi sa Iyo at ang puso ko’y wala sa aking tungkulin. Alam kong dapat akong magpasakop, pero hindi lang ako makabitiw at hindi ko alam kung paano malalampasan ang lahat ng ito. Pakiusap gabayan mo ako na maunawaan ang Iyong kalooban.”

Isang araw, hindi nagtagal matapos ang panalanging iyon, isang sipi ng mga salita ng Diyos ang sumagi sa isip ko: “Sa kabuuan ng gawain ng Diyos, mula pa sa simula, nagtakda na ng mga pagsubok ang Diyos para sa bawat tao—o maaari ninyong sabihing, bawat taong sumusunod sa Kanya—at iba-iba ang bigat ng mga pagsubok na ito. May mga taong nakaranas ng pagsubok na maitakwil ng kanilang pamilya, may mga nakaranas ng pagsubok na masasamang kapaligiran, may mga nakaranas ng pagsubok na maaresto at mapahirapan, may mga nakaranas ng pagsubok na maharap sa mga pagpipilian, at may mga naharap sa mga pagsubok na pera at katayuan. Sa pangkalahatan, bawat isa sa inyo ay naharap na sa lahat ng uri ng mga pagsubok. Bakit ganito kung gumawa ang Diyos? Bakit Niya tinatrato ang lahat sa ganitong paraan? Anong klaseng resulta ang hinahanap Niya? Narito ang puntong nais Kong iparating sa inyo: Nais makita ng Diyos kung ang taong ito ang uri na may takot sa Kanya at umiiwas sa kasamaan. Ang ibig sabihin nito ay na kapag binibigyan ka ng Diyos ng isang pagsubok, at inihaharap ka sa ilang sitwasyon, layon Niyang suriin kung isa kang taong may takot sa Kanya at umiiwas sa kasamaan o hindi(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang mga Resultang Makakamtan ng Kanyang Gawain). Napagtanto ko na ang Diyos ay gumagawa ng iba’t-ibang gawain at nagbabalangkas ng iba’t-ibang sitwasyon para sa lahat. Nais Niyang makita ang kanilang mga saloobin sa iba’t-ibang sitwasyon, at kung matatakot ba sila sa Diyos at iiwas sa kasamaan. Naging panggising ito sa akin. Patuloy na lumalala ang sakit ko, ang asawa ko ay nawalan ng trabaho at walang pinagkakakitaan. Ang lahat ng ito ay nangyari nang may pahintulot ng Diyos. Dapat akong magpasakop, hanapin ang katotohanan at matuto ng isang aral. Pero hindi ko hinahanap ang kalooban ng Diyos o iniisip kung paano magpapatotoo. Sa halip, ako ay nalumbay at dumaing. Hindi ba’t pagrerebelde at paglaban iyon sa Diyos? Naisip ko si Job na may napakaraming alagang hayop at mga kayamanan na nanakaw lahat, at pagkatapos ang buo niyang katawan ay nabalot ng mga pigsa. Gayunman, hindi niya kailanman sinisi ang Diyos, kundi dumapa siya, sinasabing, “Si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nagalis; purihin ang pangalan ni Jehova” (Job 1:21). Ang pananampalataya ni Job ay tunay na pananampalataya. Habang iniisip ang karanasan ni Job ay nakaramdam ako ng kahihiyan. Hindi siya nakapagbasa ng gano’n karaming mga salita ng Diyos, at sa harap ng isang napakalaking pagsubok, napanatili niya pa rin ang pananampalataya niya at tumayong saksi sa Diyos. Pero tinatamasa ko ang patnubay at pagtustos ng mga salita ng Diyos kada araw, at wala pa rin akong tunay na pananampalataya o pagpapasakop sa Diyos. Ang pagharap sa karamdaman at kawalan ng trabaho ng asawa ko ay iniwan akong nalulumbay at nagmamaktol. Napakasuwail ko!

Noon din, nanalangin ako sa Diyos nang may pagpapasakop, handang magsisi, at hiniling ko sa Kanya na bigyan ako ng kaliwanagan para makilala ko ang sarili ko. May dalawang sipi ng mga salita ng Diyos ang nabasa ko pagkatapos noon, Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang iyong hinahabol ay ang matamo ang kapayapaan pagkatapos na maniwala sa Diyos, upang ang iyong mga anak ay mailayo sa sakit, upang ang iyong asawang lalaki ay magkaroon ng magandang trabaho, upang ang iyong anak na lalaki ay magkaroon ng mabuting asawang babae, upang ang iyong anak na babae ay makatagpo ng disenteng asawang lalaki, upang ang iyong mga baka at mga kabayo ay makapag-araro nang mahusay, upang magkaroon ng isang taon ng magandang panahon para sa iyong mga tanim. Ito ang iyong hinahanap. Ang iyong hinahabol ay para mabuhay lamang nang maginhawa, upang walang mga aksidenteng dumating sa iyong pamilya, upang ang hangin ay lampasan ka lamang, upang ang iyong mukha ay hindi mabahiran ng dumi, upang ang mga tanim ng iyong pamilya ay hindi bahain, upang ikaw ay hindi maapektuhan ng anumang sakuna, upang mabuhay sa pag-iingat ng Diyos, upang mabuhay sa isang maginhawang tirahan. Ang duwag na kagaya mo, na palaging naghahabol sa laman—mayroon ka bang puso, mayroon ka bang espiritu? Hindi ka ba isang hayop? Ibinibigay Ko sa iyo ang tamang daan nang hindi humihingi ng anumang kapalit, gayunman ay hindi ka nagsisikap. Isa ka ba sa mga naniniwala sa Diyos?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol). “Alin sa paniniwala mo sa Diyos? Talaga bang inihandog mo na ang iyong buhay? Kung dinanas ninyo ang mga pagsubok na kagaya ng kay Job, wala ni isa man sa inyong sumusunod sa Diyos sa kasalukuyan ang makapaninindigan, lahat kayo ay babagsak. At mayroon, sa simpleng pananalita, na isang gamundong pagkakaiba sa pagitan ninyo at ni Job. Sa kasalukuyan, kung kalahati sa inyong mga ari-arian ang sinamsam mangangahas kayong ikaila ang pag-iral ng Diyos; kung ang inyong anak na lalaki o babae ay kinuha mula sa inyo, magtatatakbo kayo sa mga lansangan na sumisigaw nang napakasama; kung ang iyong tanging paraan para kumita ay wala nang patutunguhan, makikipagtalo ka sa Diyos; itatanong mo kung bakit Ako nagsabi ng napakaraming salita sa simula upang takutin ka. Walang bagay na hindi ninyo pangangahasang gawin sa gayong mga pagkakataon. Ipinakikita nito na hindi kayo nakatamo ng anumang tunay na pagkaunawa, at walang totoong tayog(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 3). Inihayag ng mga salita ng Diyos ang eksakto kong kalagayan. Wala akong bahid ng pag-aalinlangan. Mistulang ginagawa ko ang tungkulin ko araw-araw, pero kinikimkim ko ang mga nakamumuhing motibo sa loob ng puso ko, iniisip na dahil ginagawa ko ang tungkulin ko sa iglesia, dapat ingatan ng Diyos ang kalusugan at pamilya ko, at dapat maging maayos ang takbo ng lahat. Nang hindi naibigay ang mga hinihiling at ninanasa ko, nang ang mga interes ko ay napanghimasukan, nagsimula akong sisihin ang Diyos para sa kalusugan ko na hindi bumubuti, para sa asawa ko na hindi makahanap ng trabaho. Paano ito naiba mula sa pagnanais na “makipagtalo sa Diyos”? Sa puntong iyon napagtanto ko na simula’t sapul ang pananampalataya ko ay bunsod ng pagnanasa sa mga pagpapala. Nanampalataya lang ako para sa mga pagpapala. “Huwag kailanman gumawa nang walang gantimpala,” “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba,” ay mga satanikong lason na ipinamuhay ko. Ginamit ko sa Diyos ang isang makamundong transaksyunal na pananaw, ginamit Siya at ginamit ang tungkulin ko para makamit ang nakamumuhi kong layunin na makakuha ng mga pagpapala. Nakikipagtawaran ako sa Diyos, dinaraya Siya at nilalabanan Siya! Dinala ako ng Diyos sa Kanyang sambahayan, lagi akong dinidilig at tinutustusan ng Kanyang mga salita, upang makamit ko ang katotohanan at mapalaya mula sa aking mga satanikong disposisyon at mailigtas ng Diyos. Pero sa halip na pag-isipan kung paano hahanapin ang katotohanan at gagawin ang tungkulin ko nang maayos para suklian ang Kanyang pag-ibig, nagiging mapagkalkula ako at dinadaya ang Diyos. Sinubukan kong mangatwiran sa Diyos at sinisi ko Siya nang hindi ko nakamit ang mga ninanasa ko. Nakapanghihilakbot ako at kasuklam-suklam, at hindi karapat-dapat mamuhay sa harap Niya. Mula sa puso, kinamuhian ko talaga ang sarili ko at nagtaka kung bakit napakawalang konsiyensiya at katwiran ko. Naisip ko ang mga Israelita na dumadaing noong nasa kaparangan sila. Hindi nila pinasasalamatan ang Diyos sa pagliligtas sa kanila mula sa kamay ng taga-Ehiptong Faraon, kundi sinisi ang Diyos dahil wala silang makaing karne sa kaparangan, na hinimok ang Diyos na pawalan ang Kanyang galit, at sabihing, “Sila’y hindi magsisipasok sa Aking kapahingahan(Awit 95:11). Sa katapusan namatay sila sa kaparangan. Batay sa matuwid na disposisyon ng Diyos, ang mga karaingan ko ay dapat umani ng kaparusahan ng Diyos sa akin. Pero hindi binawi ng Diyos ang buhay ko. Sa halip, hinatulan, inilantad, binigyang kaliwanagan, at ginabayan Niya ako sa pamamagitan ng mga salita para makita ko ang mga maling pananaw ko tungkol sa pananampalataya, at ang nakapangingilabot kong pagsisikap na makamit ang Kanyang mga pagpapala. Binigyan Niya ako ng pagkakataon na magsisi at magbago. Ito ang pag-ibig at pagliligtas ng Diyos para sa akin!

Lalo pa akong nagbasa ng mga salita ng Diyos kalaunan na nakatulong sa akin na magkaroon ng mas malalim na pagkakilala sa sarili. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Hindi man sabihin ng kanilang bibig, sa panahong unang magsimulang maniwala ang mga tao sa Diyos, maaaring iniisip nila sa kanilang puso na, ‘Gusto kong mapunta sa langit, hindi sa impiyerno. Gusto ko hindi lamang ako ang mapagpala, kundi ang buong pamilya ko. Gusto kong kumain ng masasarap na pagkain, magsuot ng magagandang damit, magtamasa ng magagandang bagay. Gusto ko ng isang mabuting pamilya, isang mabuting asawa at mabubuting anak. Sa huli, gusto kong mamuno bilang hari.’ Lahat ay tungkol sa gusto nila. Ang disposisyon nilang ito, ang mga bagay na iniisip nila sa kanilang puso, ang labis-labis na mga hangaring ito—lahat ng ito ay kumakatawan sa kayabangan ng tao. Paano Ko ito nasasabi? Lahat ay nakasalalay sa katayuan ng mga tao. Ang tao ay isang nilalang na nagmula sa alabok; binuo ng Diyos ang tao mula sa luwad, at hiningahan siya ng hininga ng buhay. Gayon ang abang katayuan ng tao, subalit humaharap pa rin ang mga tao sa Diyos at humihingi ng ganito at ganoon. Napakawalang-dangal ng katayuan ng tao, hindi siya dapat magbuka ng bibig at humingi ng anuman sa Diyos. Kaya ano ang dapat gawin ng mga tao? Dapat silang makipagtunggali, nang hindi tinatablan ng mga hinaing ng iba, seryosong gumawa, at masayang sumunod. Hindi ito kung masaya ba silang nagpapakumbaba; ito ang katayuan ng mga tao na likas sa kanila; dapat silang maging likas na masunurin at mapagpakumbaba, sapagkat ang kanilang katayuan ay aba, kaya nga hindi sila dapat humingi ng mga bagay mula sa Diyos, ni hindi sila dapat magkaroon ng labis-labis na mga hangarin sa Diyos(“Likas na Kayabangan ang Ugat ng Pagkontra ng Tao sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Lubos akong inilantad ng paghatol ng Diyos. Totoo ’yon—ang Diyos ang Panginoon ng paglikha, ang Namumuno sa lahat. Napakamarangal Niya, napakadakila, pero isa lang akong nilalang na ginawa ng kamay ng Diyos mula sa alabok. Sa diwa, ako’y aba at walang halaga, idagdag pa na labis akong ginawang tiwali ni Satanas at puno ng mga satanikong disposisyon na wala ni katiting na pagkatao. Hindi ako karapat-dapat na humingi ng mga bagay-bagay mula sa Diyos. Ang pagiging buhay ngayon, hinihinga ang hininga na ibinigay ng Diyos sa’kin ay biyaya na mula sa sa Diyos. Pero mapagmataas ako, walang katwiran at patuloy na namimilit humingi sa Diyos, iniisip na dahil sa pananampalataya ko, dapat akong pagpalain at ingatan ng Diyos sa lahat ng pagkakataon para mapanatili ko ang kalusugan ko, maging malaya sa kapahamakan, at makahanap ng magandang trabaho ang asawa ko, para walang maging sagabal sa lahat. Kung hindi, dadaing at sisisihin ko lang ang Diyos. Talagang wala akong kamalayan sa sarili, at lubos na walang katwiran o kahihiyan! Talagang kinamuhian ko ang sarili ko nang sandaling iyon. Naisip ko ito sa mga salita ng Diyos: “Kung palagi ka nang naging napakatapat, nang may malaking pagmamahal sa Akin, nguni’t nagdurusa ka ng pagpapahirap ng sakit, ng kasalatan sa buhay, at ng pang-iiwan ng iyong mga kaibigan at kamag-anak, o kung nagtitiis ka ng anumang iba pang mga kasawian sa buhay, magpapatuloy pa rin ba ang iyong katapatan at pagmamahal sa Akin?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Napakaseryosong Problema: Pagtataksil 2). Nagbasa rin ako ng isa pang sipi: “Sa kanyang paniniwala sa Diyos, hinangad ni Pedro na bigyang-kasiyahan ang Diyos sa lahat ng bagay, at hinangad na sundin ang lahat ng nagmula sa Diyos. Wala ni katiting na reklamo, nagawa niyang tanggapin ang pagkastigo at paghatol, gayundin ang pagpipino, kapighatian at kakulangan sa kanyang buhay, at walang isa man dito na maaaring magpabago sa kanyang pagmamahal sa Diyos. Hindi ba ito ang sukdulang pagmamahal sa Diyos? Hindi ba ito ang katuparan ng tungkulin ng isang nilalang ng Diyos? Sa pagkastigo man, paghatol, o kapighatian, lagi kang may kakayahang maging masunurin hanggang kamatayan, at ito ang dapat makamit ng isang nilalang ng Diyos, ito ang kadalisayan ng pagmamahal sa Diyos. Kung makakamtan ng tao ang ganito, siya ay isang angkop na nilalang ng Diyos, at wala nang ibang mas nagbibigay-kasiyahan sa naisin ng Lumikha(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao). Talagang nagbigay-inspirasyon ang mga salitang ito, at pakiramdam ko ay parang nasa harap ko mismo ang Diyos, at tinatanong ako, “Kung ang karamdamang ito’y mananatili sa’yo sa nalalabi mong mga araw at mahaharap ka sa higit pang problemang pampinansyal, mataman mo pa rin bang gagawin ang iyong tungkulin?” Pakiramdam ko sa oras na iyon, hinihintay ng Diyos ang sagot ko. Naisip ko si Pedro, na isang mangingisda. Minsan, magtatrabaho siya maghapon pero wala man lang ni isang huli, pero ni minsan hindi siya dumaing sa Diyos para sa kanyang kawalan, dahil hindi siya naghahanap ng mga materyal na kayamanan, kundi ang hangad niya ay ang makilala at mahalin ang Diyos. Sa huli, siya’y ginawang perpekto ng Diyos. Pero mga kaginhawahan ng laman nang walang karamdaman o paghihirap ang gusto ko, at kahit pa pisikal akong nasiyahan, hindi ko naman nakamit ang katotohanan. Hindi ko natanggap ang pagsang-ayon ng Diyos. Kung gayon, hindi ba’t mawawalan ito ng kabuluhan? Halimbawa na lang ang mga hindi mananampalataya. Hinahabol nila ang salapi at mga pisikal na kasiyahan, at kahit nasa kanila na ang lahat ng gusto nila, wala silang pananampalataya o katotohanan, ang buhay nila ay walang kabuluhan at puno ng pasakit. Kapag dumating ang malaking kalamidad, susuko sila rito, na tumatangis at nagngangalit ang mga ngipin. Kahit na nagkukulang ako ng ilang materyal na bagay sa buhay ko, kasama ko ang Diyos, at ang mga salita Niya ang gumagabay at nagtataguyod sa akin. Kung mauunawaan ko ang katotohanan, maisasabuhay ang wangis ng isang tao, at makukuha ang pagsang-ayon ng Diyos sa huli, mabibigyan ako noon ng higit na kaligayahan kaysa sa anumang halaga ng salapi. Kaya tahimik akong nanalangin sa Diyos: “Diyos ko, gumaling man ako o hindi, dumating man sa buhay ko ang isang daan palabas dito, handa ako na magpasakop sa Iyong pamumuno at mga pagsasaayos at gawin ang aking tungkulin. Hindi na ako makikipagpalitan pa sa Iyo. Diyos ko, pakiusap bigyan Mo ako ng lakas para makatayo akong saksi para sa Iyo.” Pakiramdam ng puso ko ay napuno ito ng liwanag at galak matapos ang panalangin ko at nararamdaman kong napakalapit sa’kin ng Diyos.

Pagkatapos ay may nabasa akong isa pang sipi ng salita ng Diyos na nagbigay sa’kin ng landas ng pagsasagawa. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Anumang pagsubok ang sumapit sa iyo, kailangan mong ituring ito bilang isang pasaning bigay sa iyo ng Diyos. Sabihin nang ang ilang tao ay may matinding karamdaman at hindi matiis na pagdurusa, ang ilan ay nahaharap pa sa kamatayan. Paano nila dapat harapin ang ganitong uri ng sitwasyon? Sa maraming pagkakataon, ang mga pagsubok ng Diyos ay mga pasaning ibinibigay Niya sa mga tao. Gaano man kabigat ang pasaning ipinagkaloob sa iyo ng Diyos, iyon ang bigat ng pasaning dapat mong isagawa, sapagkat nauunawaan ka ng Diyos, at alam Niya na kakayanin mo iyon. Ang pasaning bigay sa iyo ng Diyos ay hindi hihigit sa iyong tayog o sa mga limitasyon ng iyong pagtitiis, kaya walang duda na makakayanan mong tiisin iyon. Anumang uri ng pasanin ang ibinibigay sa iyo ng Diyos, anumang uri ng pagsubok, tandaan mo ang isang bagay: Nauunawaan mo man o hindi ang kalooban ng Diyos at binibigyang-liwanag at tinatanglawan ka man o hindi ng Banal na Espiritu pagkatapos mong manalangin, dinidisiplina o binabalaan ka man ng Diyos sa pagsubok na ito o hindi, hindi mahalaga kung hindi mo ito nauunawaan. Basta’t hindi ka tumitigil sa pagganap sa tungkuling dapat mong gampanan at tapat mong natutupad ang iyong tungkulin, malulugod ang Diyos, at maninindigan ka sa iyong patotoo. … Kung, sa iyong pananampalataya sa Diyos at paghahanap sa katotohanan, nasasabi mong, ‘Anumang karamdaman o kasuklam-suklam na pangyayari ang itulot ng Diyos na sumapit sa akin—anuman ang gawin ng Diyos—kailangan kong sumunod, at manatili sa aking lugar bilang isang nilalang. Bago ang lahat, kailangan kong isagawa ang aspetong ito ng katotohanan—ang pagsunod—ipinatutupad ko ito, at isinasabuhay ang realidad ng pagsunod sa Diyos. Bukod pa rito, hindi ko dapat isantabi ang inatas sa akin ng Diyos at ang tungkuling dapat kong gampanan. Kahit sa aking huling hininga, kailangan kong manatiling tapat sa aking tungkulin.’ Hindi ba ito pagpapatotoo? Kapag mayroon kang ganitong uri ng pagpapasiya at ganitong uri ng kalagayan, nagagawa mo pa bang magreklamo tungkol sa Diyos? Hindi, hindi mo nagagawa(“Nagmumula ang Landas sa Madalas na Pagninilay-Nilay sa Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Ang pagmumuni-muni rito ay nakatulong sa aking makita na ang karamdaman ko at ang masasamang pangyayari sa tahanan namin ay mga bagay kung saan dapat akong magpasakop. Bumuti man ang kalusugan ko, o gaano man ito lumala, dapat patuloy kong gawin ang tungkulin ko at magpatotoo para sa Diyos.

Matapos no’n, nakikibaka pa rin ako sa kalusugan ko at walang nagbago sa tahanan namin, pero wala na akong naramdamang sama ng loob. Minsan kapag lumalala iyon, nagsisikip ang dibdib ko, nahihirapan akong huminga, at tumitindi ang sakit ng ulo ko, nananalangin ako sa Diyos. “O Diyos ko, anuman ang mangyari sa kalusugan ko, handa akong magpasakop. Ito man ay maging huli kong hininga, gagawin ko ang tungkulin ko at tatayong saksi para malugod Ka.” Matapos manalangin, makararamdam ako ng lakas sa puso at maiibsan ang sakit ko. Kamangha-mangha, matapos kong matutuhan ang aral, makalipas ang ilang panahon ay unti-unti nang bumuti ang kalusugan ko at ang mga ganoong insidente ay nabawasan nang nabawasan. Nakahanap na rin ng trabaho ang asawa ko. Ang karanasang ito ay nagturo sa akin na umaayon man o hindi ang ginagawa ng Diyos sa mga haka-haka natin, ang lahat ay para sa kapakanan ng paglilinis at pagdadalisay sa’tin. Ang pagkakasakit ay nangahulugang naghirap ako sa pisikal, pero tunay na naging kapaki-pakinabang ito sa buhay ko. Nagawa kong itama ang maling pananaw na ito sa hangarin ko. Nagpapasalamat ako sa pagliligtas ng Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Muling Pagsilang

Lubos na bunga ito ng paghatol at pagkastigo ng Diyos kung saan nagawa kong magkaroon ngayon ng pag-unawa at pagbabago. Bagaman ang pagsasailalim sa paghatol at pagkastigo ng Diyos ay nangailangan sa aking sumailalim sa sakit ng kapinuhan, nakakuha ako ng pag-unawa sa praktikal na gawain ng Diyos, sa Kanyang mabait na diwa, at sa Kanyang disposisyon ng katuwiran at kabanalan.