Ang Matikman ang Tamis ng Pagsasagawa ng Katotohanan

Nobyembre 28, 2022

Ni Zhao Lu, Netherlands

Noong Marso ng 2021, isinaayos ng lider ko na pangasiwaan ko ang gawain ng ebanghelyo sa isang iglesia. Pagkatapos kong marinig ang balita, naisip ko, “Palagi nang naging mahina ang gawain ng ebanghelyo sa iglesiang ito. Ilang superbisor na ang sinubukan doon, pero kahit kailan, hindi nagawa nang maayos ang gawain. Gusto ng lider na ako, na isang baguhan na hindi pa kailanman namahala sa gawain ng ebanghelyo, ang mangasiwa. Hindi ba nito mapapalala lang ang mga bagay-bagay? Kung tatanggapin ko ang trabahong ito at hindi ako makagagawa nang mabuti, hindi lang ito magpapakita na wala akong abilidad magtrabaho, baka sabihin din ng iba na wala akong kamalayan at pagkakilala sa sarili ko. Mas mabuti sigurong huwag na lang kunin ang trabaho.” Nang maisip ito, tumanggi ako sa mga pagsasaayos ng lider.

Kalaunan, dumating ang lider para makipagbahaginan sa akin, sinasabing walang angkop na kandidato, at na umaasa siyang pwede kong isaalang-alang ang kalooban ng Diyos at dalhin ang pasanin na ito. Nang marinig ko ang sinabi ng lider, natanto ko na ang pagtanggi sa tungkulin na ito ay hindi kalooban ng Diyos. Naisip ko ang salita ng Diyos, “Lahat kayo’y nagsasabi na isinasaalang-alang ninyo ang pasanin ng Diyos at ipagtatanggol ang patotoo ng iglesia, ngunit sino ba sa inyo ang talagang nagsaalang-alang sa pasanin ng Diyos? Itanong sa iyong sarili: Ikaw ba’y isang tao na nagpakita ng pagsasaalang-alang para sa pasanin Niya? … Mapapahintulutan mo ba ang Aking mga layunin na matupad sa iyo? Naihandog mo na ba ang iyong puso sa pinakamahahalagang sandali? Ikaw ba’y taong gumagawa sa Aking kalooban? Itanong mo sa iyong sarili ang mga katanungang ito at madalas mong isipin ang mga ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 13). Nang maharap sa mga katanungan ng Diyos, napahiya ako nang husto. Nahihirapan kami sa gawain ng ebanghelyo, at sa kritikal na sandaling ito, kailangan kong isaalang-alang ang kalooban ng Diyos. Pero natakot akong mabunyag at maliitin, kaya tinanggihan ko ang tungkulin at umiwas sa responsibilidad. Lubha akong makasarili at walang silbi! Naalala ko na sinabi rin ng Diyos, “Habang nasa daan patungong Jerusalem, si Jesus ay nagdurusa, na para bang isang kutsilyo ang pinipilipit sa Kanyang puso, subalit wala Siya ni bahagya mang intensyon na hindi tuparin ang Kanyang salita; palaging mayroong isang makapangyarihang puwersang humihimok sa Kanya pasulong sa kung saan Siya ipapako sa krus. Sa huli, Siya ay ipinako sa krus at naging wangis ng makasalanang laman, tinatapos ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan. Nakawala Siya sa mga gapos ng kamatayan at ng Hades. Sa harap Niya, ang mortalidad, impiyerno, at Hades ay nawalan ng kapangyarihan, at nalupig Niya. Siya ay nabuhay sa loob ng tatlumpu’t tatlong taon, sa kabuuan nito ay palagi Niyang ginawa ang Kanyang makakaya upang tuparin ang kalooban ng Diyos ayon sa gawain ng Diyos sa panahong iyon, hindi kailanman isinaalang-alang ang Kanyang pansariling pakinabang o kawalan, at palaging inisip ang kalooban ng Diyos Ama. Kaya, matapos na Siya ay nabautismuhan, sinabi ng Diyos: ‘Ito ang sinisinta Kong Anak, na lubos Kong kinalulugdan.’ Dahil sa Kanyang serbisyo sa harap ng Diyos na kaayon ng kalooban ng Diyos, inilagay ng Diyos ang mabigat na pasanin ng pagtubos sa buong sangkatauhan sa Kanyang mga balikat at ipinasakatuparan iyon sa Kanya, at Siya ay kuwalipikado at nararapat na tumapos sa mahalagang gawaing ito. Sa kabuuan ng Kanyang buhay, tiniis Niya ang di-masusukat na pagdurusa para sa Diyos, at Siya ay tinukso ni Satanas nang di-mabilang na beses, ngunit hindi Siya kailanman pinanghinaan ng loob. Binigyan Siya ng Diyos ng gayong napakalaking gawain dahil may tiwala ang Diyos sa Kanya, at minamahal Siya, kaya nga personal na sinabi ng Diyos: ‘Ito ang sinisinta Kong Anak, na lubos Kong kinalulugdan’(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Maglingkod na Kaayon ng Kalooban ng Diyos). “Kung, katulad ni Jesus, nagagawa ninyong masusing pangalagaan ang pasanin ng Diyos, at talikuran ang inyong laman, ipagkakatiwala sa inyo ng Diyos ang Kanyang mahahalagang gawain, upang inyong matugunan ang mga kondisyong kinakailangan sa paglilingkod sa Diyos. Sa gayong mga kalagayan lamang kayo mangangahas magsabi na ginagawa ninyo ang kalooban ng Diyos at tinatapos ang Kanyang atas, at saka lamang kayo mangangahas magsabi na kayo ay tunay na naglilingkod sa Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Maglingkod na Kaayon ng Kalooban ng Diyos). Habang pinagninilayan ko ang mga salita ng Diyos, labis akong naantig. Ang Panginoong Jesus ay dumating na nagkatawang-tao para gumawa sa lupa, ginagawa ang lahat ng Kanyang makakaya para sa kalooban ng Ama. Nang maharap sa sakit ng pagkapako sa krus, bagamat nanghihina Siya, wala siyang balak umurong o umatras, hindi Niya kailanman isinaalang-alang ang Kanyang mga personal na pakinabang at kawalan, at sa huli ay natapos Niya ang gawain ng pagtubos para sa buong sangkatauhan. Bilang isang taong ginawang tiwali ni Satanas, karangalan ko na nagagawa kong makibahagi sa gawain ng ebanghelyo. Kung tatanggihan ko ang tungkuling ito dahil sa takot kong maibunyag, ito ay magiging napakasakit para sa Diyos! Sa pag-iisip nito, lalo akong sumigla. Ang tungkulin ko ay ang walang pag-aalinlangan na tanggapin ang tungkuling ito, gawin ang mga bagay-bagay sa abot ng aking makakaya, at nagtiwala ako na aakayin ako ng Diyos. Kaya, tinanggap ko ang pagsasaayos ng lider at nagsimulang mangasiwa sa gawain ng ebanghelyo. Nung panahong iyon, hindi ko alam kung paano gawin nang maayos ang trabaho, kaya madalas akong lumalapit sa Diyos para magdasal at tumatawag sa Diyos. Para magawa nang maayos ang isang trabaho, dapat mayroong mabubuting tao na nagtutulungan, kaya naghanap ako ng ilang kapatid na kayang magdala ng pasanin at may mahusay na kakayahan sa trabaho, at madalas din kaming ginagabayan ng lider namin sa aming gawain. Dagdag pa rito, ibinahagi rin ng mga kapatid namin mula sa ibang mga iglesia kung paano nila ginagawa ang gawain ng ebanghelyo. Pagsapit ng Setyembre, ang gawain ng ebanghelyo ng iglesiang pinangangasiwaan ko ay halos sampung beses na mas epektibo! Pinuri din ako ng lider ko, “Ang gawain ng ebanghelyo sa iglesiang pinangangasiwaan mo ay naging napakaepektibo kamakailan.” Sabi ng isa pang superbisor, “Huwag mo nang isipin na isa kang baguhan.” Labis akong nasiyahan nang marinig ang mga sinabi nila. Sa wakas ay nakuha ko ang pagsang-ayon ng aking mga kapatid na isa akong kuwalipikadong superbisor. Sa hinaharap, hangga’t patuloy kong ginagawa ang aking tungkulin at nasisigurong epektibo ang gawain ng ebanghelyo, hindi ko na kailangang mag-alala na mailipat o matanggal.

Hindi nagtagal, isinaayos ng lider na pumunta sa aming iglesia ang ilang tagapag-ebanghelyo. Nang marinig ko ito, medyo natigilan ako, at nakaramdam ako ng kaunting pagtutol, “Naglilipat ng napakaraming tao ang lider. Hindi ba ito mangangahulugan na ang aming gawain ng ebanghelyo ay kailangang maging ilang ulit na mas epektibo? Masyadong mahirap ito para sa akin. Mahusay na nangaral ng ebanghelyo ang mga kapatid na ito sa dati nilang mga iglesia. Kung ang kanilang mga resulta sa gawain ng ebanghelyo ay hindi maging maganda sa iglesiang pinangangasiwaan ko, hindi ba’t magmumukhang mahina ang kakayahan ko sa trabaho at mas mababa ako sa iba? Kung hindi bubuti ang pagiging epektibo ng aming gawain, baka matanggal ako, malalaman ng mga kapatid ko ang tunay kong kapasidad, tiyak na madidismaya sa akin ang lider, at kailanma’y hindi na ako mapo-promote o malilinang muli! Sa ngayon, pamilyar ako sa sitwasyon sa iglesia. Alam kong makakagawa ako ng mahusay na trabaho, lumalaki nang kaunti ang nagagawa naming pag-usad kada buwan, at matibay ang katayuan ko bilang superbisor. Pero ngayong napakaraming nadagdag na tao, paano kung hindi maging maayos ang mga bagay-bagay sa hinaharap? Mas mabuting panatilihin na lang ang kasalukuyang kalagayan. Kung hindi ko tatanggapin ang mga pagsasaayos na ito, mahahadlangan ko ang gawain ng ebanghelyo, at tiyak na tatanggalin ako ng lider. Pero hindi ako ganap na nasisiyahan na tanggapin ang mga pagsasaayos na ito.” Umupo ako sa harap ng aking computer, tinitingnan ang listahan ng mga taong ipapadala, at labis akong nadismaya. Naalala ko ang sinabi ko sa lider noon, “Ang gawain ng ebanghelyo ay magiging mas epektibo kung mas marami tayong tauhan sa iglesia,” at pinagsisihan ko ito. Nakinig siguro ang lider sa sinabi ko bago nagpasyang magpadala ng dagdag na tauhan. Kung hindi kami makakapagbigay ng mga resulta, papanagutin ba ako ng lider? Dahil iniisip ito, naging mabagal ako sa pagsasaayos ng gawain para sa mga bagong tauhan na ito. Nakita ng lider ang kalagayan ko at tinukoy na pinoprotektahan ko ang sarili ko. Pinadalhan din niya ako ng isang sipi ng salita ng Diyos. “Kung pakiramdam mo ay kaya mong tuparin ang isang partikular na tungkulin, ngunit kasabay nito ay takot ka ring magkamali at mapalayas, kaya naman ikaw ay kimi, hindi umuusad, at hindi umuunlad, isa ba iyang mapagpasakop na saloobin? Halimbawa, kung hinirang ka ng iyong mga kapatid na maging lider nila, maaari mong madama na obligado kang gampanan ang tungkuling ito dahil ikaw ang hinirang, ngunit hindi mo tinitingnan ang tungkuling ito nang may maagap na saloobin. Bakit hindi ka maagap? Dahil may mga iniisip ka tungkol dito, at pakiramdam mo ay, ‘Ni hindi man lang magandang bagay ang maging isang lider. Para kang namumuhay sa bingit ng alanganin o naglalakad sa manipis na yelo. Kung maganda ang naging trabaho ko, walang espesyal na gantimpala, ngunit kung hindi maganda ang trabaho ko, iwawasto at tatabasan ako. At ang maiwasto ay hindi pa ang pinakamalala. Paano kung palitan ako o palayasin? Kung mangyayari iyon, hindi ba’t katapusan na ng lahat para sa akin?’ Sa puntong iyon, nagsisimula kang malito. Ano ang saloobing ito? Ito ay pagiging mapagbantay at maling pagkaunawa. Hindi ito ang saloobing dapat taglayin ng mga tao sa kanilang tungkulin. Ito ay isang demoralisado at negatibong saloobin. … Paano mo talaga malulutas ang problemang ito? Dapat aktibo mong hanapin ang katotohanan at magkaroon ka ng isang nagpapasakop at nakikipagtulungang saloobin. Ganap na malulutas niyon ang problema. Ang pagkakimi, pagkatakot, at pag-aalala ay walang silbi. Mayroon bang anumang kaugnayan sa pagitan ng kung mabubunyag ka ba at mapapalayas at ng pagiging isang lider? Kung hindi ka isang lider, maglalaho ba ang tiwali mong disposisyon? Sa malao’t madali, dapat mong lutasin ang problema ng iyong tiwaling disposisyon. Dagdag pa rito, kung hindi ka isang lider, hindi ka magkakaroon ng mas marami pang oportunidad para magsagawa at babagal ang pag-usad mo sa buhay, nang may kakaunting pagkakataon para magawang perpekto. Bagama’t higit na may pagdurusa sa pagiging isang lider o manggagawa, marami rin namang gantimpala, at kung matatahak mo ang landas ng paghahangad sa katotohanan, maaari kang maperpekto. Napakagandang pagpapala niyon! Kaya dapat kang magpasakop at aktibong makipagtulungan. Ito ang iyong tungkulin at iyong responsibilidad. Anuman ang hinaharap, dapat ay mayroon kang isang pusong sumusunod. Ito dapat ang saloobin mo sa pagharap sa iyong tungkulin(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ano ang Sapat na Pagtupad ng Tungkulin?). Inihayag ng salita ng Diyos ang kalagayan ko. Matapos madagdagan ang mga tagapag-ebanghelyo, ang una kong isinaalang-alang ay ang sarili kong kinabukasan at kapalaran. Natakot ako na pagkatapos magdagdag ng napakaraming tao nang sabay-sabay ang lider, kung hindi magiging mas epektibo ang gawain ng ebanghelyo, mabubunyag at tatanggalin ako, malalaman ng lahat ng kapatid ko ang tunay kong kapasidad, mahahalata ako ng lider, at pagkatapos ay hindi na niya ako muling ipopromote o lilinangin kailanman. Natakot ako nito, kaya naging mapagbantay ako, nagkaroon ng mga maling pagkaunawa, at ginusto kong makatakas sa kapaligirang ito. Sa mga salita ng Diyos, nakahanap ako ng landas ng pagsasagawa. Dapat lagi akong sumunod sa mga pagsasaayos ng Diyos sa aking tungkulin. Responsibilidad ko ito at ang saloobin na dapat kong taglayin sa aking tungkulin. Pagkatapos kong pagnilayan ang mga salita ng Diyos, unti-unti kong napakalma ang sarili ko. Nagdasal ako sa Diyos na susunod ako at hiniling ko sa Kanya na gabayan ako sa kapaligirang ito. Pagkatapos manalangin, naisip ko ang isang linya ng salita ng Diyos, “Ang awtoridad ng Diyos at ang katotohanan ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng tao ay hindi umaasa sa kalooban ng tao, at hindi nagbabago ayon sa mga kagustuhan at mga pinipili ng tao(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). Ang mga salita ng Diyos ay isang paalalang nasa oras. Kung kailan mismo kakalat ang ebanghelyo sa isang partikular na lugar ay ganap na nakasalalay sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Na napakaraming tao sa lugar ko ang tumanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw sa nakalipas na kalahating taon ay patunay na masidhing gumagawa ang Banal na Espiritu sa kanila. Nais ng Diyos na magkamit ng mas maraming tao sa kanila, at ang kalooban ng Diyos ang nasa likod nito. Dahil diyan, ang hilingin sa mas maraming kapatid na magtulungan para mas malawak pang maipalaganap ang ebanghelyo ng Diyos ay parehong hindi maiiwasang kalakaran at isang napakamakatwirang pagsasaayos. Ang ebanghelyo ng kaharian ay tiyak na lumaganap sa rehiyong ito. Sa isiping ito, nagkaroon ako ng kaunting tiwala sa puso ko. Hindi ko mahahayaang humadlang sa gawain ng ebanghelyo ang aking pagiging mapagbantay at mga maling pagkaunawa. Kailangan kong magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos, pangasiwaang mabuti ang gawain ng ebanghelyo, at gawin ang aking tungkulin. Kaya, maaga kinabukasan, nagtalaga ako ng mga tungkulin sa lahat ng bagong kapatid.

Pagkatapos, nagnilay ako kung bakit lagi akong natatakot umako ng responsibilidad, at kung bakit lagi akong nag-aalala tungkol sa aking reputasyon at katayuan. Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, nagkaroon ako ng kaunting pagkaunawa sa sarili ko. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Tuso talaga ang mga anticristo, hindi ba? Sa anumang ginagawa nila, nagsasabwatan sila at kinakalkula ito nang walo o sampung beses, o baka higit pa. Punung-puno ang kanilang isip ng mga saloobing tungkol sa kung paano sila magkakaroon ng mas matatatag na posisyon sa karamihan, kung paano magkakaroon ng mas magagandang reputasyon at mas higit na katanyagan, kung paano magpapalakas sa Itaas, kung paano nila mahihikayat ang mga kapatid na suportahan, mahalin at irespeto sila, at ginagawa nila ang lahat para makuha ang mga resultang ito. Anong landas ang tinatahak nila? Para sa kanila, ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, ang mga interes ng iglesia, at ang gawain ng sambahayan ng Diyos ay hindi ang pangunahing isinasaalang-alang nila, lalong hindi ito mga bagay na iniintindi nila. Ano ang iniisip nila? ‘Walang kinalaman sa akin ang mga bagay na ito. Ang bawat tao ay para sa kanyang sarili, at bahala na ang iba; kailangang mabuhay ang mga tao para sa kanilang sarili at para sa sarili nilang reputasyon at katayuan. Iyon ang pinakamataas na mithiin. Kung hindi alam ng isang tao na kailangan niyang mabuhay para sa kanyang sarili at protektahan ang kanyang sarili, hangal siya. Kung hihilingan akong magsagawa ayon sa mga prinsipyo ng katotohanan at magpasakop sa Diyos at sa mga pagsasaayos ng Kanyang sambahayan, dedepende ito sa kung may anumang pakinabang ba ito para sa akin o wala, at kung may anumang mga kalamangan ba kung gagawin ko ito. Kung ang hindi pagpapasakop sa mga pagsasaayos ng sambahayan ng Diyos ay posibleng maging dahilan para patalsikin ako at mawalan ng oportunidad na magkamit ng mga pagpapala, kung gayon ay magpapasakop ako.’ Kaya, para maprotektahan ang sarili nilang reputasyon at katayuan, kadalasan ay pinipili ng mga anticristo na makipagkompromiso. Masasabi mo na alang-alang sa katayuan, magagawa ng mga anticristo na magtiis ng anumang uri ng pagdurusa, at alang-alang sa pagkakaroon ng magandang reputasyon, makakaya nilang magbayad ng anumang uri ng halaga. Ang kasabihang, ‘Alam ng isang mahusay na tao kung kailan susuko at kung kailan hindi,’ ay totoong-totoo sa kanila. Ganito ang lohika ni Satanas, hindi ba? Ito ang pilosopiya ni Satanas para sa pamumuhay sa mundo, at ito rin ang prinsipyo ni Satanas para manatiling buhay. Ito ay talagang karima-rimarim!(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem: Ginagawa Nila ang Kanilang Tungkulin para Lamang Maging Tanyag Sila at Maisakatuparan ang Kanilang Sariling mga Interes at Ambisyon; Hindi Nila Iniisip Kailanman ang mga Interes ng Sambahayan ng Diyos, at Ipinagpapalit pa ang mga Interes na Iyon para sa Kanilang Personal na Kaluwalhatian (Ikalawang Bahagi)). Inihahayag ng Diyos na ang mga anticristo ay napakatuso. Sa anumang ginagawa nila, may plano sila sa puso nila. Lagi nilang iniisip kung mabuti ba para sa kanilang katanyagan at katayuan ang kanilang ginagawa at kung paano magkamit ng mas mataas na reputasyon at katayuan sa karamihan, pero ang gawain ng sambahayan ng Diyos ay walang halaga sa puso ng mga anticristo. Hindi man lang nila ito isinasaalang-alang. Hindi ba’t ang ugali ko ay katulad ng sa isang anticristo? Nung ginawa akong superbisor ng lider, ang una kong isinaalang-alang ay na hindi ako magaling sa tungkuling ito, na napakahirap nito, at na kung hindi ako magiging mahusay, malamang na maibubunyag ako na walang kakayahan o abilidad sa gawain, at kung gaano nakakahiya ang matanggal dahil doon, kaya pakiramdam ko’y hindi ko matatanggap ang gano’n kahirap na tungkulin. Nang bigyan ng lider ang iglesia namin ng dagdag na tauhan, pakiramdam ko’y ang pagkakaroon ng mas maraming tao ay nangangahulugang mas matinding pressure, na magkakaroon ako ng mas malaking responsibilidad, at na kung ang gawain ng ebanghelyo ay hindi kasing epektibo ng inaasahan pagkatapos mailipat ang mga tauhang ito, mabubunyag ang tunay kong kapasidad, at maaari itong humantong sa pagkawala ng aking posisyon, na magiging sobrang nakakahiya. Para mapanatili ang aking katanyagan at katayuan, handa akong maantala ang gawain ng iglesia sa halip na dagdagan ang mga tauhan. Napakamakasarili ko at kasuklam-suklam! Hindi ba’t gaya lang ng sa anticristo ang ginagawa ko? Habang pinagninilayan ko ito, nagsimula akong matakot sa ipinapakita ko sa aking pag-uugali, lalo na nang makita kong inihahayag ng Diyos na ang mga anticristo ay mukhang masunurin, pero ang totoo, ito’y para protektahan ang kanilang katanyagan at katayuan; sumusunod sila bilang kompromiso para linlangin ang ibang tao. Naisip ko kung paanong, nang bigyan ng lider ang iglesia namin ng dagdag na mga tagapag-ebanghelyo, nagkaroon ako ng ilang kompromisong iyon. Alam kong tiyak nang mangyayari ‘yun, kaya kung hindi ko tatanggapin ang pagsasaayos, makahahadlang ito sa gawain ng ebanghelyo. Ang pinakamaganda nang pwedeng mangyari ay masisira nito ang imahe ko sa puso ng mga tao. at kung lubhang hindi maganda ang mangyari, maaari akong ilipat o matanggal. Sa mga kadahilanang ito, kailangan kong sumunod. Hindi ba’t ang ipinakita at ginawa ko ay katulad ng sa mga anticristo na ibinunyag ng Diyos? Kaya kong tiisin ang kahit ano alang-alang sa katanyagan at katayuan, at naisip ko na “Alam ng isang dakilang tao kung kailan dapat sumuko at kung kailan hindi.” Ang uri ng pagsunod ko ay kasuklam-suklam at kamuhi-muhi para sa Diyos.

Pagkatapos nun, nabasa ko ang isa pang sipi ng salita ng Diyos. “Kung sabihin ng isang tao na mahal niya ang katotohanan at hinahanap niya ang katotohanan, subalit sa diwa, ang mithiing hinahangad niya ay gawing tanyag ang sarili, magpakitang-gilas, gawing mataas ang tingin ng mga tao sa kanya, makamit ang kanyang sariling mga interes, at ang pagganap ng kanyang tungkulin ay hindi upang sundin o bigyang-kaluguran ang Diyos, at sa halip ay upang magtamo ng katanyagan at katayuan, kung gayon ay hindi lehitimo ang kanyang paghahangad. At kung ganoon ang kaso, pagdating sa gawain ng iglesia, balakid ba ang kanilang mga kilos, o nakakatulong ba sila upang maisulong ito? Malinaw na hadlang sila; hindi nila ito napapasulong. Ang ilang tao ay nagkukunwaring gumagawa ng gawain ng iglesia subalit naghahangad naman ng sarili nilang katanyagan at katayuan, nagpapatakbo ng sarili nilang operasyon, bumubuo ng sarili nilang maliit na grupo, ng sarili nilang munting kaharian—ginagampanan ba ng ganitong uri ng tao ang kanyang tungkulin? Lahat ng gawaing ginagawa nila, sa totoo lang, ay nakakagambala, nakakaantala, at nakakapinsala sa gawain ng iglesia. Ano ang kahihinatnan ng paghahangad nila ng katayuan at katanyagan? Una, naaapektuhan nito kung paano kinakain at iniinom ng mga taong hinirang ng Diyos ang salita ng Diyos at paano nila nauunawaan ang katotohanan, hinahadlangan nito ang pagpasok nila sa buhay, pinipigilan sila nitong pumasok sa tamang landas ng pananampalataya sa Diyos, at inaakay sila patungo sa maling landas—na nakakapinsala sa mga taong hinirang, at dinadala sila sa kapahamakan. At ano ang ginagawa nito sa gawain ng iglesia sa huli? Ito ay pagbuwag, paggambala at pagpinsala. Ito ang kahihinatnang idinudulot ng paghahangad ng mga tao sa katanyagan at katayuan. Kapag ginagampanan nila ang kanilang tungkulin sa ganitong paraan, hindi ba ito masasabing pagtahak sa landas ng isang anticristo? Kapag hinihingi ng Diyos na isantabi ng mga tao ang katayuan at katanyagan, hindi naman sa pinagkakaitan Niya ang mga tao ng karapatang mamili; bagkus, ito ay dahil habang hinahangad ang katanyagan at katayuan, nagagambala at nagugulo ng mga tao ang gawain ng iglesia at ang pagpasok sa buhay ng mga taong hinirang ng Diyos, at maaari pa ngang makaimpluwensiya sa pagkain at pag-inom ng iba ng mga salita ng Diyos, sa pag-unawa nila sa katotohanan, at sa pagkamit nila ng kaligtasan ng Diyos. Ito ay isang katunayang hindi mapag-aalinlanganan. Kapag hinahangad ng mga tao ang sarili nilang katanyagan at katayuan, siguradong hindi nila hahangarin ang katotohanan at hindi nila matapat na gagampanan ang kanilang tungkulin. Magsasalita at kikilos lamang sila alang-alang sa katanyagan at katayuan, at lahat ng gawaing ginagawa nila, na wala ni katiting na eksepsyon, ay alang-alang sa mga bagay na iyon. Ang umasal at kumilos sa gayong paraan ay walang pagdududang pagtahak sa landas ng mga anticristo; ito ay isang paggambala at panggugulo sa gawain ng Diyos, at lahat ng iba’t ibang kahihinatnan nito ay nakakahadlang sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian at sa malayang pagdaloy ng kalooban ng Diyos sa loob ng iglesia. Kaya, maaaring sabihin ng isang tao nang may katiyakan na ang landas na tinatahak ng mga naghahangad ng katanyagan at katayuan ay ang landas ng paglaban sa Diyos. Ito ay sadyang paglaban sa Kanya, pagkontra sa Kanya—ito ay ang makipagtulungan kay Satanas sa paglaban sa Diyos at pagsalungat sa Kanya. Ito ang likas na katangian ng paghahangad ng mga tao sa katayuan at katanyagan. Ang problema sa mga taong naghahangad ng pansarili nilang mga interes ay ang hinahangad nila ang mga hangarin ni Satanas—ang mga ito ay mga hangarin na masasama at hindi makatarungan. Kapag hinahangad ng mga tao ang mga personal na interes gaya ng katanyagan at katayuan, hindi nila namamalayang nagiging kasangkapan na pala sila ni Satanas, nagiging daluyan na sila ni Satanas, at, higit pa rito, nagiging kinatawan sila ni Satanas. Isang negatibong papel ang ginagampanan nila sa iglesia; sa gawain ng iglesia, at sa normal na buhay-iglesia at normal na paghahangad ng mga taong hinirang ng Diyos, ang epekto nila ay mang-abala at maminsala; mayroon silang masama at negatibong epekto(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem: Ginagawa Nila ang Kanilang Tungkulin para Lamang Maging Tanyag Sila at Maisakatuparan ang Kanilang Sariling mga Interes at Ambisyon; Hindi Nila Iniisip Kailanman ang mga Interes ng Sambahayan ng Diyos, at Ipinagpapalit pa ang mga Interes na Iyon para sa Kanilang Personal na Kaluwalhatian (Unang Bahagi)). Nang dagdagan ng lider ang mga tagapag-ebanghelyo, alam na alam kong napakakaunti ng aming tagapag-ebanghelyo, at na talagang hindi namin ipinapalaganap ang ebanghelyo nang kasingbilis ng kung mas marami sana kaming tauhan. Pero pagdating sa gawain ko nung panahong iyon, pamilyar ako rito. Nagkaroon ako ng kaunting pag-usad matapos ang ilang panahon, epektibo ako sa aking tungkulin, at iginagalang ako ng mga kapatid. Para hindi mawala ang aking katayuan no’ng panahong ‘yon, mas pinili kong maging mas mabagal ang pagpapalawak ng gawain ng ebanghelyo kaysa madagdagan ang mga tagapag-ebanghelyo. Hindi ba’t hinahadlangan ko lang ang gawain ng iglesia? Napakamakasarili ko at kasuklam-suklam! Sa pag-iisip nito, lalo akong natakot, at pinagsisihan ko ang ginawa ko. Gusto kong magsisi at magbago, at ayokong magpatuloy na maghangad nang ganito. Kalaunan, nabasa ko sa salita ng Diyos kung paano tinrato ni Noe ang atas ng Diyos, at labis na napalakas ang loob ko. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Matapos tanggapin ang atas na ito, kung uunawaing mabuti ang mga salita ng Diyos, kung huhusgahan mula sa lahat ng sinabi ng Diyos, nalaman ni Noe na hindi ito simpleng bagay, hindi ito madaling gawin. … Bagama’t natanto at naunawaan ni Noe ang malaking hirap sa ipinagkatiwala sa kanya ng Diyos, at kung gaano katindi ang mga pagsubok na kakaharapin niya, hindi niya binalak na tumanggi, kundi sa halip ay labis siyang nagpasalamat sa Diyos na si Jehova. Bakit nagpasalamat si Noe? Dahil hindi niya inasahan na ipagkakatiwala sa kanya ng Diyos ang isang bagay na napakahalaga, at personal na sinabi at ipinaliwanag sa kanya ang lahat ng detalye. Ang mas mahalaga pa, sinabi rin ng Diyos kay Noe ang buong kuwento, mula simula hanggang wakas, kung bakit kailangang buuin ang arka. May kinalaman ito sa sariling plano ng pamamahala ng Diyos, ito ay sariling gawain ng Diyos, at, dahil sinabi sa kanya ng Diyos ang bagay na ito, nadama ni Noe ang kahalagahan nito. Sa kabuuan, batay sa iba’t ibang palatandaang ito, batay sa tono ng pananalita ng Diyos, at sa iba’t ibang aspeto ng ipinabatid ng Diyos kay Noe, nadama ni Noe ang kahalagahan ng pagtitiwala sa kanya ng Diyos sa pagbubuo ng arka, napahalagahan niya ito sa kanyang puso, at hindi siya nangahas na balewalain ito, ni hindi siya nangahas na kalimutan ang anumang detalye(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikatlong Ekskorsus: Kung Paano Nakinig sina Noe at Abraham sa mga Salita ng Diyos at Sumunod sa Kanya (Ikalawang Bahagi)). “Naharap sa lahat ng uri ng problema, paghihirap, at mga hamon, hindi umurong si Noe. Nang madalas na nabigo at nasira ang ilan sa kanyang mas mahihirap na gawaing pang-inhinyero, kahit naguluhan at nabahala si Noe sa kanyang puso, nang maisip niya ang mga salita ng Diyos, nang maalala niya ang bawat salitang iniutos sa kanya ng Diyos, at ang pagtataas sa kanya ng Diyos, madalas siyang nakadama na labis siyang nagaganyak: ‘Hindi ako maaaring sumuko, hindi ko maaaring tanggihan ang iniutos at ipinagkatiwala ng Diyos na gawin ko; atas ito ng Diyos, at dahil tinanggap ko ito, dahil narinig ko ang mga salitang sinambit ng Diyos at ang tinig ng Diyos, at dahil tinanggap ko ito mula sa Diyos, dapat akong ganap na sumunod, na siyang dapat gawin ng isang tao.’ Kaya, anumang uri ng mga hirap ang nakaharap niya, anumang uri ng pangungutya o pag-aalipusta ang naranasan niya, gaano man kapagod ang kanyang katawan, gaano man kahina, hindi niya tinalikuran ang ipinagkatiwala sa kanya ng Diyos, at patuloy niyang isinaisip ang bawat isang salita na sinabi at iniutos ng Diyos. Paano man nagbago ang kanyang paligid, gaano man kalaking hirap ang kanyang nakaharap, nagtiwala siya na walang anuman dito ang magpapatuloy magpakailanman, na ang mga salita lamang ng Diyos ang hinding-hindi lilipas, at iyon lamang iniutos ng Diyos na gawin ang kailangang isakatuparan. May tunay na pananampalataya si Noe sa Diyos, at pagkamasunurin na nararapat niyang taglayin, at patuloy niyang binuo ang arka na hiningi ng Diyos na buuin niya. Araw-araw, taun-taon, tumanda si Noe, ngunit hindi nabawasan ang kanyang pananampalataya, at hindi nagbago ang kanyang saloobin at determinasyon na maisakatuparan ang atas ng Diyos. Bagama’t may mga pagkakataon na pagod at mahina ang kanyang katawan, at nagkasakit siya, at sa kanyang puso ay mahina siya, hindi nabawasan ang kanyang determinasyon at tiyaga na tapusin ang atas ng Diyos at sundin ang mga salita ng Diyos. Sa mga taon na binuo ni Noe ang arka, nakinig at sumunod si Noe sa mga salitang sinabi ng Diyos, at isinagawa ang isa sa mahahalagang katotohanan ng isang nilalang ng Diyos at ang pagkumpleto ng isang ordinaryong tao ng atas ng Diyos(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikatlong Ekskorsus: Kung Paano Nakinig sina Noe at Abraham sa mga Salita ng Diyos at Sumunod sa Kanya (Ikalawang Bahagi)). Pinagnilayan ko ang mga salita ng Diyos at nakita ko na si Noe ay puno ng pasasalamat sa atas ng Diyos. Pinasalamatan niya ang Diyos sa Kanyang pagtataas at pagtitiwala. Alam ni Noe na ang paggawa ng arko ay isang malaking proyekto, na magiging matagal ito, at na mahaharap siya sa di-mabilang na paghihirap sa hinaharap. Sa kabila nito, hindi nag-atubili si Noe na tanggapin ang atas ng Diyos, at hindi nagpakatamad kahit saglit. Sinimulan lang niyang ihanda ang iba’t ibang materyales at bagay na kakailanganin sa paggawa ng arko. No’ng panahong ‘yon, kailangan niyang harapin ang lahat ng uri ng paghihirap, at ang hindi pagkakaunawaan ng kanyang pamilya at ang paninira ng kanyang mga kamag-anak at kaibigan. Napakabigat ng emosyonal na paghihirap na dinanas niya, at tiyak na naging napakahirap ng proseso, pero kahit anong paghihirap ang kanyang kinaharap, hindi sumuko si Noe, at taglay ang tunay na pananampalataya at pagsunod sa Diyos, ipinagpatuloy niya ang paggawa ng arko. Sabi ng Diyos, “Nakinig at sumunod si Noe sa mga salitang sinabi ng Diyos, at isinagawa ang isa sa mahahalagang katotohanan ng isang nilalang ng Diyos at ang pagkumpleto ng isang ordinaryong tao ng atas ng Diyos.” Ang saloobin ni Noe sa atas ng Diyos ay nagpahiya at nagbigay-inspirasyon sa’kin. Nakakain at nakainom na ako ng mas maraming salita ng Diyos kaysa kay Noe, pero no’ng kinailangan ang aking pakikipagtulungan sa pagpapalawak ng gawain ng ebanghelyo ng Diyos, ginusto ko lamang protektahan ang aking katanyagan at katayuan, at hindi ko man lang isinaalang-alang ang kalooban ng Diyos. Talagang naging makasarili at kasuklam-suklam ako, at napakalaki ng pagkakautang ko sa Diyos! Ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian ay ang agarang ninanais ng Diyos, at anuman ang mga paghihirap na ating kaharapin, aakayin at gagabayan tayo ng Diyos. Higit pa riyan, napakaraming kapatid na pwede nating makausap. Madalas din tayong binibigyan ng mga lider natin ng pagbabahagi at patnubay. Pinagnilayan kong mabuti at napagtanto ko na ang mga paghihirap ko ay hindi maikukumpara sa kay Noe. Alam kong dapat kong tularan si Noe, sa pamamagitan ng paggawa nang mabuti sa aking tungkulin nang may pananalig at pagsunod sa Diyos at pagsandal sa Diyos para palawakin ang gawain ng ebanghelyo sa komunidad. Kalaunan, naghanap ako ng mga kapatid na nangangasiwa sa gawain ng ebanghelyo sa ibang mga iglesia, at tinalakay ko sa kanila kung paano gawing mas epektibo ang gawain ng ebanghelyo. Binigyan nila ako ng ilang payo at ideya, at hakbang-hakbang kong ipinatupad ang mga mungkahing ito.

Makalipas ang ilang panahon, nakatanggap kami ng maraming tao na nagsisiyasat sa tunay na daan. Araw-araw, maraming tao ang tumatanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Gayunpaman, kulang pa rin kami sa mga tagapagdilig. Kung hindi makakapagtatag ng pundasyon sa tunay na daan ang mga baguhang ito dahil sa kakulangan ng pagdidilig, maaari silang magulo ng masasamang puwersa ng mga anticristo. Labis akong nakonsensya nang maisip ko ito, at pakiramdam ko’y malaki ang pagkakautang ko sa mga baguhang ito. No’ng panahong ‘yon, hindi ko alam kung ano ang gagawin. Sa sobrang pagkabalisa ko, nagsimula akong umiyak, pero habang pakiramdam ko’y wala akong magagawa, naisip ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Kapag may mga bagay na nangyayari, dapat mas lalong sama-samang manalangin ang lahat at magkaroon ng pusong may paggalang sa Diyos. Hinding-hindi dapat umasa ang mga tao sa sarili nilang mga ideya para kumilos nang pabasta-basta. Hangga’t nagkakaisa sa isip at puso ang mga tao sa pananalangin sa Diyos at sa paghahanap ng katotohanan, matatamo nila ang kaliwanagan at pagtanglaw ng gawain ng Banal na Espiritu, at magagawa nilang matamo ang mga pagpapala ng Diyos. Ano nga ang sinabi ng Panginoong Jesus? (‘Kung pagkasunduan ng dalawa sa inyo sa lupa ang nauukol sa anomang bagay na kanilang hihingin, ay gagawin sa kanila ng aking Ama na nasa langit. Sapagkat kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking pangalan, ay naroroon ako sa gitna nila’) [Mateo 18:19–20].) Anong isyu ang inilalarawan nito? Ipinapakita nito na hindi maaaring humiwalay ang tao sa Diyos, na dapat umasa ang tao sa Diyos, na hindi kaya ng tao nang mag-isa, at na ang pagsunod sa kung ano ang gusto mo ay hindi katanggap-tanggap. Ano ang ibig sabihin kapag sinasabi nating hindi kaya ng tao nang mag-isa? Ibig sabihin nito ay dapat magtulungan kayo nang maayos, gawin ang mga bagay-bagay nang nagkakaisa ang puso at isip, at magkaroon kayo ng iisang layunin. Wika nga nila, ‘Hindi mababali ang isang bigkis ng mga patpat.’ Kaya paano kayo magiging gaya ng isang bigkis ng mga patpat? Dapat ay nagkakasundo kayo, at kung magkagayon, gagawa ang Banal na Espiritu(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Binigyan ako ng salita ng Diyos ng landas at direksyon. Kaya, dinala ko ang suliraning ito at tinalakay ito sa mga superbisor ng bawat grupo, at magkakasama kaming naghanap ng mga solusyon. Isa itong pasanin na pinagtulung-tulungan naming lahat, at nagboluntaryo kaming magpadala ng ilang kapatid mula sa aming mga grupo para diligan ang mga baguhan, na nagpagaan sa problema sa mga iglesia. Sa bandang katapusan ng Disyembre, ang mga resulta ng gawain ng ebanghelyo ng aming iglesia ay sampung ulit ng mga resulta namin kumpara nung kalahating taon na ang nakalilipas. Nung panahong iyon, naiyak ang mga kapatid ko sa sobrang tuwa, at tuwang-tuwa rin ako. Nagpasalamat ako sa Diyos mula sa kaibuturan ng aking puso para sa Kanyang patnubay! Ang gawain ng Diyos ay ginagawa ng Diyos Mismo, at ang mga tao ay nakikipagtulungan lamang. Labis din akong nakonsensya at napahiya dahil ang pagnanais kong mapanatili ang aking katanyagan at katayuan ay muntik nang humadlang sa gawain ng ebanghelyo.

Pagkaraan ng maikling panahon, nakita ko na medyo masyadong abala ang partner kong sister na nangangasiwa sa gawain ng iglesia. Gusto kong tumulong na medyo mapagaan ang kanyang pasanin, at masaya siyang pumayag. Pero pagkatapos kong simulan ang gawain, nalaman ko na mas kumplikado pala ito kaysa sa inaakala ko. Kulang ako sa karanasan sa gawain, at mas mababa ang kakayahan ko kaysa sa kanya. Nag-alala ako kung ano ang iisipin ng iba sa akin kung hindi ko magagawa nang maayos ang gawain. Iisipin ba nila na wala akong mga realidad ng katotohanan, at wala akong silbi? Sa ganoong paraan, bilang superbisor, wala akong paraan para mapatunayan ang sarili ko sa kanila. Habang mas pinag-iisipan ko ito, mas nararamdaman kong delikado ang trabahong ito, at hindi ko ito dapat tanggapin. Pinagsisihan kong inakala kong simple ang mga bagay-bagay, at gusto kong maghanap ng dahilan para mapaako sa partner kong sister ang pagsubaybay sa gawain. Noon ko naalala ang pagdanas ko ng kabiguan dati. Napagtanto ko na muli ko na namang iniingatan ang aking reputasyon, at naalala ko ang isang sipi ng salita ng Diyos. “Para sa lahat ng tumutupad ng kanilang tungkulin, gaano man kalalim o kababaw ang kanilang pagkaunawa sa katotohanan, ang pinakasimpleng paraan ng pagsasagawa upang makapasok sa realidad ng katotohanan ay ang isipin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos sa lahat ng bagay, at bitiwan ang mga makasariling pagnanasa, mga personal na layunin, mga motibo, pagmamalaki, at katayuan. Unahin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos—ito man lang ay dapat gawin ng isang tao. Kung hindi ito magawa ng isang taong gumaganap sa kanyang tungkulin, paano masasabi na ginagampanan niya ang kanyang tungkulin? Hindi ito pagganap ng isang tao sa tungkulin(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). Ang salita ng Diyos ay nagpaalala sa akin sa oras na dapat kong bitawan ang aking katayuan at unahin ang gawain ng iglesia. Napakaraming gawain ng iglesia, at masyadong abala ang partner kong sister, pero mayroon pa akong kaunting oras at lakas, kaya dapat akong makihati sa pasanin. Kung susubukan kong ipagawa sa partner ko ang gawaing ito para mapanatili ang aking reputasyon, magiging makasarili at kasuklam-suklam lang ‘yon. Kaya, tinalikdan ko ang ideya. Gusto kong gawin ang aking makakaya para magawa nang mabuti ang trabahong ito.

Na ako ay malaya na mula sa gapos ng katanyagan at katayuan, kayang taos-pusong isaalang-alang ang pasanin ng Diyos, at gawin ang aking tungkulin sa abot ng aking makakaya ay ganap na mga resultang natamo sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Salamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Pamumuhay sa Harap ng Diyos

Ni Yongsui, South KoreaSabi ng Makapangyarihang Diyos, “Upang makapasok sa realidad, kailangang ibaling ng isang tao ang lahat sa tunay na...