Lumaya Mula sa Pagkaalipin ng Katayuan

Enero 11, 2022

Lumaya Mula sa Pagkaalipin ng Katayuan

Ni Vladhia, France

Noong nakaraang taon, ang lider ng iglesia namin, si Sister Laura, ay napalitan dahil hindi siya gumagawa ng anumang praktikal na gawain. Matapos itong talakayin ng lahat, ako sa halip ang naitaas bilang lider ng iglesia. Sa sandali na napili ako, nagsimula akong makaramdam ng sobrang paghihirap dahil alam kong isa itong bagong pangkat ng mga tungkulin, pero kasabay nito, natuwa talaga ako dahil natupad ang pagnanasa ko sa katayuan. Naisip ko na hinirang ako na lider ng iglesia dahil sa aking kakayahan at abilidad na gawin ang trabaho. Ibinigay ko ang lahat ko sa pagtupad ng mga tungkulin ko. Anumang hindi ko naunawaan, maagap akong humanap ng tulong at pinag-aralan ito. Madalas din akong magpunta para suriin ang aking mga kapatid at nakahanap ng mga salita ng Diyos para bigyan sila ng pagbabahagi. Para sa mga kapatid na kamakailan lang sumapi sa iglesia, madalas akong magpunta para diligan sila. Nagustuhan ko nang ngumiti sila at sinabi sa aking: “Salamat, Sister.” Noong panahong iyon, ayokong magpahinga kahit sandali lang, gusto kong gawin ang lahat ng gawain nang mag-isa.

Nang lumaon, nagkaroon ako ng pagsusulit sa unibersidad, kaya kinailangan kong gumawa ng mas kaunting trabaho. Nang matapos ko ang pagsusulit at bumalik para magtipon, napansin ko na ang mga kapatid ay nagkaroon ng kaunting pag-unlad. May dalawang sister na nakakahanap ng mga salita ng Diyos para matulungang malutas ang ilang problema ng mga kapatid sa mga grupo namin. Magandang bagay ito, pero sa totoo lang ay medyo nakaramdam ako ng pagkasiphayo. Akala ko ay hindi na ako kailangan ng mga kapatid at hindi na lalapit pa sa akin. Minsan, nagpunta ako sa isang pagtitipon ng grupo. Ang mga kapatid sa grupong iyon ay hindi nagagawang magbahagi nang husto dati, pero sa pagkakataong ito, nakita ko na si Sister Evelyn ay nakikipag-ugnayan nang mabuti sa lahat. Siya ay mapagmahal at matiyaga, hinihikayat ang iba pang kapatid na talakayin ang kanilang pagkaunawa sa mga salita ng Diyos. Sa ilalim ng kanyang panghihimok at patnubay, aktibong nakikipag-usap ang lahat at para bang napakalapit nila sa kanya. Nang makita iyon, medyo nakaramdam ako ng pagkadismaya, na baka isang araw ay pumalit sa puwesto ko si Sister Evelyn. Nagsimula itong maging parang totoong krisis. Hindi nagtagal pagkatapos noon, nakita kong nagpadala ng mensahe ang isang kapatid sa aming grupo na humihingi ng payo. Tinanong niya: “Paano napapayapa ng isang tao ang puso niya sa harap ng Diyos?” Naghahanda na akong sumagot nang magpadala si Sister Evelyn ng ilang sipi ng mga salita ng Diyos kasama ang ilan sa kanyang sariling mga pagkaunawa. Naisip ko na ang mga sipi na nahanap niya ay lubos na naaangkop at ang kanyang mga pagkaunawa ay napakapraktikal. Malinaw din niyang inilatag ang landas ng pagsasagawa na susundan. Wala akong anumang maidagdag at medyo nalungkot ako. Responsibilidad ko dati ang grupo. Ako dati ang nakahahanap ng mga salita ng Diyos para makatulong na malutas ang mga problema ng mga kapatid. Nagsimula kong isipin, kung masyado siyang maagap tungkol sa pagsagot sa mga katanungan ng lahat, ano na lang ang iisipin ng lahat sa akin? Iisipin ba nila na hindi kayang sagutin ng lider nila ang mga tanong nila? Na hindi ako kasing husay na tulad ni Sister Evelyn? Kung lagi siyang napakasigasig na tulungan sila, iisipin ba nila na wala akong silbi bilang isang lider? Paulit-ulit ko itong inisip at nagsimulang makaramdam ng pagkainggit sa kanya. Naisip ko pa nga: “Hindi ito maaari. Kailangan kong magtrabaho nang mas maigi kaysa sa iyo. ’Di ko puwedeng hayaang talunin mo ako.” Pero pagkatapos no’n, nagsimula akong magkamali sa lahat ng oras. Nagkakamali ako sa paggawa ng kahit na pinakasimpleng mga gawain. Minsan, nagsulat ako ng isang mensahe na balak kong ipadala para ipaalala sa iba pang lider at diyakono ang oras ng aming pagtitipon. Hindi sinasadyang naipadala ko ang mensahe sa grupo ng baguhan. Napagtanto ko lang na naipadala ko ito sa maling grupo matapos akong tawagan ng isang kapatid at sabihin ito sa akin. Medyo nakakahiya ito, kaya’t mabilis kong tinanggal ang mensahe. Kahit na ’di ito isang malaking bagay, medyo sumama pa rin ang pakiramdam ko tungkol dito. Sa oras na iyon ay naisip ko, paano ko naipagkamali ang grupo ng baguhan sa grupo ng lider? Sa sandaling iyon pakiramdaman ko wala akong silbi, na para bang wala akong magawang tama. Nagkaroon din ako ng mga pagsusulit sa unibersidad kaya hindi ko lubos na mailaan ang sarili ko sa aking mga tungkulin. Naisip ko sa sarili ko: “Tapos na. Kakailanganing iakma ang papel ko. Mapapalitan ako ni Sister Evelyn.” Nalungkot talaga ako pagkatapos noon. Nagsimula akong gawin nang walang sigla ang mga tungkulin ko, ayaw gumawa ng kahit ano. Pakiramdam ko ang haba ng oras sa mga pagtitipon, at minsan ay nag-iiscroll pa ako sa Facebook. Nagsimula pa nga akong manood ng ilang nakakatawang video na ganap na walang silbi para sa buhay ko. Dati-rati ay palagi akong naghahanda bago ang mga pagtitipon, nagdadala ng pasanin habang masusing pinagmumuni-munihan ang mga salita ng Diyos at pinag-iisipan ang alinman sa mga hindi nalutas na problema ng mga kapatid ko, at kung paano ako dapat magbahagi sa kanila. Pero tumigil ako sa pagdala ng pasaning iyon at tumigil na pagmuni-munihan ang mga salita ng Diyos. Minsan bago ang isang pang-gabing pagtitipon, lumabas pa ako upang bumili ng mga damit. Hindi ako umuwi hanggang ilang minuto bago dapat magsimula ang pagtitipon. Tuwing umaga hindi ko binabasa nang mabuti ang mga salita ng Diyos at hindi ko ipinapadala ang mga ito sa mga grupo para pagmuni-munihan ng mga kapatid. Sa panahong iyon, pakiramdam ko parang ang layo ng puso ko sa Diyos. Kaya, nagdasal ako sa Diyos. Sinabi ko sa Kanya: “Makapangyarihang Diyos, alam kong napalayo ako sa Iyo. Alam ko rin na ang saloobin ko sa aking mga tungkulin ay hindi naging maganda. Gusto kong magsisi, pero napakahina ng puso ko. Tulungan Mo sana ako.”

Kalaunan, binasa ko ang ilang salita ng Diyos na talagang nakatulong sa akin. Sabi ng Diyos, “Sa kaibuturan, ang mga tao ay nagkikimkim ng ilang masasamang kalagayan—pagkanegatibo, kahinaan, at lumbay o karupukan; o isang paulit-ulit na batayang layunin; o laging inaalipin ng pag-aalala tungkol sa katanyagan, ng mga makasariling pagnanasa, at ng mga pansariling kapakinabangan; o iniisip nila na sila ay may mahinang kakayahan at nagtataglay ng ilang negatibong kalagayan. Kung lagi kang nabubuhay sa ganitong mga kalagayan, napakahirap para sa iyong makamtan ang gawain ng Banal na Espiritu. Kung nahihirapan kang makamtan ang gawain ng Banal na Espiritu, kakaunting positibong bagay ang tataglayin mo, at magiging mahirap para sa iyo na makamtan ang katotohanan(“Ipagkaloob ang Iyong Tunay na Puso sa Diyos, at Makakamit Mo ang Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Nang mabasa ko ang sipi na iyan, talagang naantig ako. Perpektong inilatag ng Diyos ang mga problema ko. Namumuhay ako sa pagiging negatibo, hindi nagagawang tuparin ang mga tungkulin ko dahil akala ko kukunin ng iba ang posisyon ko. Natakot ako na naisapanganib ang katayuan ko, na nagpahina sa akin at naglayo sa akin sa Diyos at sa mga kapatid.

Nakita ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos sa “Sa Pamamagitan Lamang ng Paglutas ng mga Kuru-kuro ng Isang Tao Siya Makapapasok sa Tamang Landas ng Paniniwala sa Diyos (3).” Sabi ng Diyos, “Dumaraan ang mga tao sa maraming kalagayan bago sila hatulan at kastiguhin ng Diyos. Halimbawa, mayroong negatibong kalagayan na madalas nakikita sa mga tao: Negatibo sila kapag ginagampanan ng iba ang kanilang tungkulin nang mas mabunga kaysa sa kanila; negatibo sila kapag mas nagkakaisa ang pamilya ng iba kaysa sa kanila; negatibo sila kapag mas maayos ang mga kalagayan ng iba kaysa sa kanila, o may mas mataas silang kakayahan; at negatibo sila kapag pinapagising sila nang medyo mas maaga, kapag nakakapagod ang kanilang mga tungkulin, at kahit na hindi. Anuman ang mangyari, sila ay negatibo. … Ang pagiging negatibo ay nangangahulugang mayroong problema sa kalooban ng mga tao: Hindi nila matanggap ang katotohanan, at patuloy na hindi nasisiyahan sa lahat ng ginagawa ng Diyos; bukod dito, hindi man lamang nila hinahanap ang katotohanan o isinasabuhay ito. Bakit nananatiling tumutugon ang Diyos sa mga taong tulad nito? Hindi ba sila bingi sa katwiran? Ano ang saloobin ng Diyos sa mga bingi sa katwiran? Pinapalayas Niya sila at hindi pinapansin. Maaari kang kumilos ayon sa iyong kagustuhan, at maaari kang maniwala kung nais mong gawin ito; kung naniniwala ka at naghahanap, maaari kang makakuha. Itinatrato ng Diyos ang bawat tao nang patas. Kung ang saloobin mo ay hindi tumatanggap sa katotohanan at hindi nagpapasakop, at kung hindi ka umaayon sa mga hinihingi ng Diyos, kung gayon ay maniwala ka sa gusto mong paniwalaan; gayundin, kung mas gugustuhin mong umalis, maaari mo itong gawin kaagad. Kung hindi mo nais na gawin ang iyong tungkulin, kung gayon, kahit ano ang gawin mo, huwag kang gumawa ng kahiya-hiyang eksena o magmataas, kundi umalis kaagad, patungo sa kung saan mo nais. Hindi hinihimok ng Diyos ang gayong mga tao na manatili. Iyon ang Kaniyang ugali. Kung ikaw—na malinaw na isang nilikha—ay hindi kailanman nagnanais na kumilos nang ganito, at sa halip ay laging nais na maging isang arkanghel, kung gayon ay papansinin ka ba ng Diyos? Kung ikaw—na malinaw na isang karaniwang tao—ay laging naghahangad ng espesyal at may pagkiling na pagtrato, at na maging isang taong may katayuan at kalagayan na higit sa iba sa lahat ng bagay, ikaw kung gayon ay hindi makatwiran at kulang sa pag-unawa. Paano nakikita ng Diyos ang mga taong kulang sa pag-unawa? Ano ang Kanyang pagsusuri sa kanila? Ang ganitong mga tao ay bingi sa katwiran!(Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Malinaw na ipinahayag ng Diyos na ang pinagmulan ng aking pagiging negatibo at kahinaan ay na nagmalasakit ako nang labis sa papel ko bilang lider. Natakot akong mawala ito. Mas nagustuhan ko ang katayuan kaysa sa pagtupad ng tungkulin ko. Ang lahat ng ginawa ko ay dahil sa pagnanasang mapanatili ang katayuan ko sa pamumuno. Ginunita ko noong nagsisimula pa lang ako sa papel ko bilang lider. Pinagsikapan kong tuparin ang tungkulin ko, hanggang sa puntong hindi ako nagpapahinga kahit sandali. Natakot akong hindi magiging mahusay ang gagawin ko at mapalitan ako. Nang makita ko ang naging pag-unlad ng dalawa sa mga sister, dapat ay naging masaya ako. Pero nag-alala ako na hindi na ako kakailanganin pa ng mga kapatid, tapos ang papel ko bilang isang lider ay mawawalan ng kabuluhan at wala nang hahanga pa sa akin. Lalo’t nakikita ko kung gaano kahusay ang ginagawa ni Sister Evelyn, na nakakasagot siya sa mga katanungan ng mga kapatid, at ang lahat ay malapit sa kanya, lalo pa akong nag-alala na hindi ako makakakapit sa katayuan ko at naging negatibo at mahina ang pakiramdam ko hanggang sa puntong nagsimula akong gawin na lang nang walang sigla ang pagtupad sa mga tungkulin ko. Sinasabi ng Diyos na ang mga ganitong uri ng tao ay hindi makatwiran. Hindi sila pinapansin ng Diyos at mahirap para sa kanila na makamit ang gawain ng Banal na Espiritu. Nakaramdam ako ng takot nang mapagtanto kong nasa katulad na mapanganib na kalagayan ako. Sinasabi din ng Diyos na hindi Niya gusto ang mga taong madalas na negatibo dahil hindi nila kayang tanggapin ang katotohanan. Namumuhay sila nang may mga maling layunin at hindi kayang salungatin o talikuran ang mga ito. Kung ang isang tao ay laging namumuhay sa ganoong mga negatibong kalagayan, siya ay isasantabi at aalisin sa huli. Napagtanto ko rin ang mga bagay na ito noon. Kaya, lumapit ako sa Diyos at nagtapat at nagdasal para sa pagsisisi. Sinabi ko sa Diyos: “Diyos ko, alam kong nasa mali ako. Sana matulungan Mo akong maunawaan ang sarili ko at mailabas ako sa pagiging negatibo ko.”

Kalaunan, nagbasa ang isang sister mula sa mga salita ng Diyos sa isang pagtitipon. Ang mga salita ay nagbigay sa akin ng ilang pagkaunawa sa kung bakit hinahanap natin ang katanyagan, pakinabang, at katayuan. sa ikaapat na talaga ng “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI” Sabi ng Diyos, “Ano ang ginagamit ni Satanas upang mapanatili ang tao sa mahigpit nitong kontrol? (Katanyagan at pakinabang.) Kaya, ginagamit ni Satanas ang katanyagan at pakinabang upang kontrolin ang mga iniisip ng tao, hanggang sa ang naiisip ng mga tao ay pawang katanyagan at pakinabang na lamang. Nagsusumikap sila para sa katanyagan at pakinabang, nagtitiis ng mga paghihirap para sa katanyagan at pakinabang, nagbabata ng kahihiyan para sa katanyagan at pakinabang, isinasakripisyo ang lahat ng mayroon sila para sa katanyagan at pakinabang, at gagawa sila ng anumang paghatol o pagpapasiya para sa katanyagan at pakinabang. Sa ganitong paraan, iginagapos ni Satanas ang tao gamit ang kadenang hindi nakikita, at wala silang lakas ni tapang na iwaksi ang mga ito. Walang kaalam-alam nilang dinadala ang mga kadenang ito at lumalakad nang may matinding paghihirap. Para sa kapakanan ng katanyagan at pakinabang na ito, ang sangkatauhan ay lumalayo sa Diyos at pinagtataksilan Siya at mas lalo silang nagiging masama. Sa ganitong paraan, samakatuwid, nasisira ang sali’t salinlahi sa katanyagan at pakinabang ni Satanas. Kung titingnan ngayon ang mga pagkilos ni Satanas, hindi ba kasuklam-suklam ang masasamang motibo nito? Marahil hindi pa rin ninyo nakikita ngayon nang malinaw ang masasamang motibo ni Satanas sapagka’t iniisip ninyo na hindi maaaring mabuhay kung walang katanyagan at pakinabang. Iniisip ninyo na kapag iniwan ng mga tao ang katanyagan at pakinabang, hindi na nila makikita ang daan sa hinaharap, hindi na makikita ang kanilang mga layunin, na ang kanilang hinaharap ay magiging madilim, malamlam at mapanglaw. Subali’t, dahan-dahan, isang araw ay makikilala ninyong lahat na ang katanyagan at pakinabang ay parang halimaw na mga kadena na ginagamit ni Satanas upang igapos ang tao. Hanggang sa sumapit ang araw na iyon, lubusan mong lalabanan ang pagkontrol ni Satanas at lubusang lalabanan ang mga kadena na ginagamit ni Satanas upang igapos ka. Kapag dumating ang oras na nanaisin mong iwaksi ang lahat ng bagay na ikinintal sa iyo ni Satanas, ikaw sa gayon ay ganap na hihiwalay kay Satanas at tunay mong kamumuhian ang lahat ng idinulot sa iyo ni Satanas. Sa gayon lamang magkakaroon ng isang totoong pag-ibig at pananabik sa Diyos ang sangkatauhan(Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, Napagtanto ko na ginagamit ni Satanas ang katanyagan, pakinabang, at katayuan para linlangin at gawing tiwali ang tao. Ito ang mga hindi nakikitang pagkaalipin na ginagamit ni Satanas para siluin ang mga tao. Ako ay nabitag ng pagkaalipin ng katanyagan, pakinabang, at katayuan simula noong bata pa ako. Noong nag-aaral ako, upang makamit ang paghanga ng iba at maging lider ng klase, nag-aral talaga ako nang mabuti dahil sa takot na mahigitan ng aking mga kaklase. Nang nagsimula akong manampalataya sa Diyos at naging isang lider, nagsikap ako nang husto upang tuparin ang tungkulin ko upang mapanatili ang aking katayuan at hindi mapalitan. Nakaramdam ako ng inggit sa mga kapatid na mas mahusay kaysa sa akin. Nag-alala ako na mahihigitan nila ako at hindi ako magkakaroon ng katayuan sa isip ng mga tao. At ang pinakanakakalungkot? Nang napagtanto ko na hindi ako kasing ’di-mapapalitan sa mga kapatid na tulad ng akala ko, pakiramdam ko hindi natupad ang pagnanasa ko sa katayuan, at nagsimula akong gawin na lang nang walang sigla ang mga tungkulin ko, dahil lang hindi ko nakuha ang gusto ko. Napagtanto ko na, para sa akin, ang mga hinihingi ng Diyos, ang tungkulin at mga responsibilidad ko, ang buhay-iglesia, lahat ng bagay na ito ay hindi mahalaga. Ang lahat ng ginawa ko ay para mapalugod ang pagnanasa ko sa katayuan na walang paggalang sa Diyos. Kasabay nito, napagtanto ko na gusto ni Satanas na hanapin natin ang katanyagan, pakinabang, at katayuan. Gusto niyang labanan natin ang isa’t-isa para makuha natin ang mga bagay na ito. Gusto niyang talikuran natin ang mga kahilingan ng Diyos, pagtaksilan ang Diyos, at lumihis mula sa Diyos. Ito ang plano ni Satanas. Nang napagtanto ko iyon, nagsimula akong mamuhi sa aking sarili. Gusto kong mapalaya ang sarili ko mula sa paghahanap ng katanyagan, pakinabang at katayuan upang tunay akong makalapit sa harap ng Diyos. Kalaunan, nakarinig ako ng himno na pinamagatang “Isa Lamang Akong Napakaliit na Nilikha” na talagang nakaantig sa akin. “Diyos ko! May katayuan man ako o wala, nauunawaan ko na ngayon ang aking sarili. Kung mataas ang katayuan ko iyon ay dahil sa Iyong pagtataas, at kung ito ay mababa iyon ay dahil sa Iyong pagtatalaga. Lahat ay nasa Iyong mga kamay. Wala akong anumang mga pagpipilian, ni anumang mga reklamo. Itinalaga Mo na maisilang ako sa bansang ito at sa piling ng mga taong ito, at ang dapat ko lamang gawin ay maging ganap na masunurin sa ilalim ng Iyong kapamahalaan dahil lahat ay nakapaloob sa Iyong naitalaga. Hindi ko iniisip ang katayuan; matapos ang lahat, isa lamang akong nilalang. Kung ilalagay Mo ako sa walang-hanggang kalaliman, sa lawa ng apoy at asupre, isa lamang akong nilalang. Kung kakasangkapanin Mo ako, isa lamang akong nilalang. Kung gagawin Mo akong perpekto, isa pa rin akong nilalang. Kung hindi Mo ako gagawing perpekto, mamahalin pa rin Kita dahil isa lamang akong nilalang. Isa lamang akong napakaliit na nilalang na nilikha ng Panginoon ng paglikha, isa lamang sa lahat ng taong nilikha. Ikaw ang lumikha sa akin, at muli Mo ako ngayong inilagay sa Iyong mga kamay upang gawin sa akin ang gusto Mo. Handa akong maging Iyong kasangkapan at Iyong hambingan dahil lahat ay kung ano ang Iyong naitalaga. Walang sinuman na maaaring baguhin ito. Lahat ng bagay at lahat ng pangyayari ay nasa Iyong mga kamay(Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Noon ko naunawaan na anuman ang tungkulin na ginagampanan ko sa sambahayan ng Diyos ngayon, ito ay ordinasyon ng Diyos at pagtataas Niya. Anuman ang katayuan, bilang isang nilikha, dapat kong gawin ko ang tungkulin ko nang matapat. Iyon lang ang makatuwirang paraan. Kasabay nito, napagtanto ko na walang pagkakaiba sa pagitan ng mataas at mababang katayuan sa loob ng sambahayan ng Diyos—ang importante lang ay ang pagtupad ng isang tao sa kanyang mga tungkulin. Nang napagtanto ko iyon, pakiramdam ko ay napalaya ako. Anuman ang aking katayuan sa hinaharap, gagawin ko ang aking makakaya upang tuparin ang aking tungkulin at mapalugod ang Diyos.

Pagkatapos no’n, nakita ko ang dalawang sipi mula sa mga salita ng Diyos na nag-iwan sa akin ng malalim na impresyon. Sabi ng Diyos, “Ang pagtutulungan ng magkakapatid ay isang proseso mismo ng pagbabalanse ng mga kahinaan ng isa sa pamamagitan ng lakas ng iba. Ginagamit mo ang iyong mga lakas upang punan ang mga pagkukulang ng iba, at ginagamit ng iba ang kanilang mga lakas upang punan ang sa iyo. Ito ang ibig sabihin na pagbalanse ng mga kahinaan ng isa sa pamamagitan ng lakas ng iba, at upang makapagtulungan sa pagkakaisa. Tanging sa pagtutulungan sa pagkakaisa pagpapalain ang mga tao sa harap ng Diyos, at, kapag mas nararanasan ang ganito ng isang tao, mas nagtatamo sila ng praktikalidad, ang landas ay nagiging mas maliwanag, at nagiging mas panatag sila(“Tungkol sa Matiwasay na Pakikipag-ugnayan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). “Hindi magkapareho ang mga tungkulin. May isang katawan. Bawat isa’y ginagawa ang kanyang tungkulin, bawat isa’y nasa kanyang lugar at ginagawa ang kanyang buong makakaya—para sa bawat siklab may isang kislap ng liwanag—at naghahangad na lumago sa buhay. Sa gayon Ako ay masisiyahan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 21). Nang mabasa ko ang dalawang sipi na iyon ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko ang mga layunin ng Diyos. Umaasa ang Diyos na habang tinutupad natin ang ating mga tungkulin ay maaari tayong matuto mula sa isa’t-isa at mapunan ang kahinaan ng isa’t-isa. Dapat nating gawin ang lahat ng ating makakaya sa anumang posisyon na mayroon tayo at gumawa nang magkakasama nang magkakasundo upang tuparin ang ating tungkulin. Pagkatapos kong maunawaan ang mga layunin ng Diyos, nagdasal ako sa Kanya. Nagsimula kong matutunan kung paano pakawalan ang aking katayuan at tumigil sa pag-iisip na baka mapalitan ako ng iba. Natutunan ko rin na ilagay ang puso ko sa lahat ng ginagawa ko at isipin kung paano ko matutupad nang mabuti ang tungkulin ko. Sa mga pagtitipon, naging maagap ako tungkol sa pagbabahagi kasama ang iba. Kapag nagbabahagi ang iba, maingat kong pinagmumunihan ang mga salita nila at mabilis na isinusulat ang anumang punto ng kaliwanagan. Napagtanto ko na marami akong maaaring matutunan mula sa mga kapatid. Unti-unti, hindi na ako gaanong naiinggit sa mga kapatid na mas mabilis umunlad kaysa sa akin o sa may mas mahusay na kakayahan. Nagawa ko ring bitawan ang aking sarili at matuto lang mula sa iba. Matapos magsagawa nang ganito nang maiksing panahon, nadama kong lubos akong mapayapa at maginhawa, nadama kong mas malapit ako sa Diyos. Nagpapasalamat din ako sa Diyos sa paggamit ng Kanyang mga salita upang hatulan at ilantad ako. Tinulungan Niya akong magsimulang maunawaan ang aking tiwaling disposisyon. Salamat sa Diyos para sa Kanyang pagmamahal at sa pagliligtas sa akin!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagsubok ng Isang Hambingan

Ni Xingdao, South Korea“Diyos ko! May katayuan man ako o wala, nauunawaan ko na ngayon ang aking sarili. Kung mataas ang katayuan ko iyon...

Leave a Reply