Misteryo ng Pangalan ng Diyos: Bakit Ang Diyos ay Mayroong Iba't ibang Mga Pangalan sa Iba't ibang Kapanahunan?

Setyembre 13, 2021

Malinaw na sinasabi sa atin ng Diyos na si Jehova sa Lumang Tipan: “Ako, sa makatuwid baga’y Ako, si Jehova; at liban sa Akin ay walang tagapagligtas(Isaias 43:11). “Jehova ang Aking pangalan magpakailanman, at ito ang Aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi(Exodo 3:15). Ngunit sinasabi sa Bagong Tipan: “At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka’t walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas” (Mga Hebreo 4:12). “Si Jesucristo ay Siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailanman” (Mga Hebreo 13:8). Sinasabi sa Lumang Tipan na Jehova lamang ang pangalan ng Diyos at sa gayon ito ay magpakailanman. Gayunpaman, sa Bagong Tipan, sinasabi na ang isang tao ay maliligtas lamang sa pangalang Jesus. Yamang ang pangalan ng Diyos na Jehova sa Kapanahunan ng Kautusan ay dapat na maging Kanyang pangalan magpakailanman, kung gayon bakit tinawag ang Diyos na Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya? Paano natin mauunawaan ang salitang “magpakailanman” na nabanggit dito sa Biblia? Anong mga katotohanan at misteryo ang dapat nating maunawaan tungkol sa mga pangalan ng Diyos? Magbahagian tayo tungkol dito ngayon.

Bakit ang Pangalang Jehova ay Naging Jesus?

Sinasabi ng ilang mga tao, “Malinaw na nakatala sa Biblia na ang pangalang Jehova ay mananatili magpakailanman at sa lahat ng mga lahi. Ngunit nang dumating ang Panginoong Jesus upang isagawa ang Kanyang gawain ng pagtubos, ang pangalang Jehova ay hindi na binanggit pa. Lahat ay nagdasal at tumawag sa pangalan ng Panginoong Jesus, at pinabanal nila ang pangalang Jesus. Bakit ganito? Tila mayroong kontradiksyon sa loob ng iba’t ibang mga bahaging ito ng Biblia, ngunit sa katunayan walang kontradiksyon. Ito ay sapagkat ang pangalan ng Diyos ay hindi nananatiling di-nababago, ngunit nagbabago habang nagbabago ang Kanyang gawain. Ang mga salitang “sa lahat ng mga lahi” at “magpakailanman” na sinalita ng Diyos, ay sinalita na may kaugnayan sa gawain sa kapanahunang iyon. Hangga’t ang gawain ng Diyos sa kapanahunan na iyon ay hindi pa kumpleto, kung gayon ang Kanyang pangalan sa kapanahunang iyon ay hindi magbabago, at lahat ng sumusunod sa Diyos ay kailangang manatili sa pangalan ng Diyos sa kapanahunang iyon. Sa ganitong paraan lamang sila makakatamo ng gawain ng Banal na Espiritu at mabubuhay sa ilalim ng pangangalaga at proteksyon ng Diyos. Ngunit kapag nagsimula ang Diyos ng bagong kapanahunan at naglunsad ng isang bagong gawain, nagbabago rin ang pangalan ng Diyos kasabay nito. Kapag nangyari iyon, sa pamamagitan lamang ng pagtanggap ng bagong pangalan ng Diyos at pagdarasal sa bagong pangalan ng Diyos matatanggap ng mga tao ang pagsang-ayon ng Diyos at matatamo ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa Kapanahunan ng Kautusan, halimbawa, ang pangalan ng Diyos ay Jehova, at sa pamamagitan ng pagkapit sa pangalang Jehova at pagsunod sa mga batas at utos na ipinahayag ni Jehova, ang mga tao kung gayon ay maaaring makatanggap ng mga pagpapala at awa ng Diyos. Gayunpaman, nang dumating ang Panginoong Jesus upang isagawa ang Kanyang gawain, sinimulan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan, at kung ang mga tao ay nanatili pa rin sa pangalang Jehova at tumanggi na tanggapin ang pangalan ng Panginoong Jesus, sa gayon sila ay kinamuhian at tinanggihan ng Banal na Espiritu, at sila ay namuhay sa kadiliman. Ang mga tumanggap sa Panginoong Jesus bilang kanilang Tagapagligtas at nanalangin at tumawag sa pangalang Jesus, tulad nina Pedro, Mateo at ang babaeng Samaritano, ay nakatamo ng gawain ng Banal na Espiritu at nakamit ang kaligtasan ng Panginoon.

Ang “Magpakailanman” ay Nangangahulugang ang Diwa at Disposisyon ng Diyos ay Hindi Magbabago, Hindi na ang Kanyang Pangalan ay Hindi Magbabago

Marahil ang ilang mga tao ay makakaramdam pa rin ng kaunting pagkalito, nagtataka kung paano mababago ang pangalan ng Diyos, kung sinasabi rito sa Biblia “Si Jesucristo ay Siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailanman.” Paano natin dapat unawain ang mga salitang “magpakailanman” na nakasulat sa Biblia? Sa katunayan, ang “magpakailanman” ay nangangahulugang ang diwa at disposisyon ng Diyos ay di-nagbabago; hindi ito nangangahulugan na ang pangalan ng Diyos ay hindi magbabago. Sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Mayroong mga nagsasabi na ang Diyos ay hindi nagbabago. Ito ay tama, ngunit ito ay tumutukoy sa di-nagbabagong diwa at disposisyon ng Diyos. Ang mga pagbabago sa Kanyang pangalan at gawain ay hindi nagpapatunay na ang Kanyang diwa ay nagbago; sa madaling salita, ang Diyos ay palaging magiging Diyos, at hindi ito kailanman magbabago. Kung sinasabi mo na hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, matatapos ba Niya ang Kanyang anim na libong taong plano ng pamamahala? Ang alam mo lamang ay hindi nagbabago ang Diyos magpakailanman, ngunit alam mo ba na ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma? Kung hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, magagawa ba Niyang akayin ang sangkatauhan hanggang sa kasalukuyang panahon? Kung hindi nagbabago ang Diyos, bakit nagawa na Niya ang gawain sa dalawang kapanahunan? … Ang mga salitang ‘Ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma’ ay tumutukoy sa Kanyang gawain, at ang mga salitang ‘Ang Diyos ay hindi nagbabago’ ay tungkol sa likas na kung ano ang mayroon ang Diyos at kung ano Siya. Anupaman, hindi mo maaaring ibatay ang anim na libong taong gawain sa iisang punto, o limitahan ito gamit ang mga patay na salita. Ganito ang kahangalan ng tao. Ang Diyos ay hindi kasingpayak ng ipinapalagay ng mga tao, at ang Kanyang gawain ay hindi magtatagal sa isang kapanahunan lamang. Ang pangalang Jehova, halimbawa, ay hindi maaaring laging kumatawan sa pangalan ng Diyos; maaari ding gawin ng Diyos ang Kanyang gawain sa pangalan na Jesus. Isa itong tanda na ang gawain ng Diyos ay laging kumikilos nang pasulong(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3). “Ang Diyos ay palaging Diyos, at hindi kailanman magiging si Satanas; si Satanas ay palaging si Satanas, at hindi kailanman magiging Diyos. Ang karunungan ng Diyos, ang Kanyang pagiging kamangha-mangha, ang Kanyang katuwiran, at ang Kanyang kadakilaan ay hindi kailanman magbabago. Ang Kanyang diwa at kung ano ang mayroon Siya at kung ano Siya ay hindi kailanman magbabago. Subalit, ang Kanyang gawain ay palaging kumikilos nang pasulong, laging lumalalim, dahil ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma. Sa bawat kapanahunan ay nagkakaroon ng bagong pangalan ang Diyos, sa bawat kapanahunan ay gumagawa Siya ng bagong gawain, at sa bawat kapanahunan ay hinahayaan Niyang makita ng Kanyang mga nilalang ang bago Niyang kalooban at bago Niyang disposisyon. Kung hindi makikita ng mga tao ang paghahayag ng bagong disposisyon ng Diyos sa bagong kapanahunan, hindi ba nila Siya ipapako magpakailanman sa krus? At sa paggawa nito, hindi ba nila binibigyang kahulugan ang Diyos?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3).

Ang Diyos ay laging bago at hindi kailanman naluluma, ang Kanyang gawain ay palaging sumusulong, at ang Kanyang pangalan ay nagbabago habang ang Kanyang gawain ay nagbabago. Ngunit gaano man nagbabago ang gawain o pangalan ng Diyos, Ang Diyos ay magiging Diyos magpakailanman, at ang Kanyang disposisyon at diwa ay hindi magbabago. Ang pangalan ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan ay Jehova, at ang Kanyang pangalan ay Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, ngunit gaano man magbago ang Kanyang pangalan, nagbabago lamang ito alang-alang sa pagliligtas ng sangkatauhan. Ang layunin ng Diyos na pamahalaan ang sangkatauhan ay hindi nagbabago at ang Kanyang diwa ay hindi nagbabago—iisa lamang ang Diyos na gumagawa ng Kanyang gawain. Gayunpaman, ang mga Fariseo noon ay nabigong maunawaan na ang pangalan ng Diyos ay nagbago sa pagpapalit ng mga kapanahunan at pagbabago ng gawain ng Diyos, at kumapit sila sa pahayag na “Si Jehova lamang ang Diyos at walang Tagapagligtas bukod kay Jehova.” Naniwala sila na si Jehova lamang ang kanilang Diyos, kanilang Tagapagligtas, at sa huli, nang dumating ang Diyos upang isagawa ang Kanyang gawain ng pagtubos gamit ang pangalang Jesus, hindi nila hinangad na alamin kung ang mga salitang binigkas ng Panginoong Jesus ay ang pagpapahayag ng katotohanan o kung ang gawaing ginawa ng Panginoong Jesus ay gawain ng Diyos Mismo, ngunit sa halip ay umasa sila sa kanilang mga mapagmataas na kalikasan at matigas ang ulo na kumapit sa kanilang sariling mga kuru-kuro. At kaya, galit na galit nilang kinondena at nilabanan ang Panginoong Jesus, at sa huli ay ipinako Siya sa krus. Sa paggawa nito, nakagawa sila ng isang karumal-dumal na kasalanan, at sa gayon ay sinumpa at pinarusahan ng Diyos. Maaari nating makita mula sa aral ng pagkabigo ng mga Fariseo na, kung bigo tayong maunawaan ang kabuluhan ng pagbabago ng Diyos ng Kanyang pangalan sa iba’t ibang kapanahunan, at itinanggi natin ang diwa ng Diyos at itinatanggi na ang lahat ay gawa ng iisang Diyos dahil lamang sa ang Diyos ay gumagawa ng bagong gawain at mayroong isang bagong pangalan, kung gayon tayo ay magiging angkop na labanan ang Diyos at gumawa ng mga kilos na nakakasakit sa disposisyon ng Diyos.

Bakit Tinatawag ang Diyos sa Iba’t Ibang Pangalan sa Iba’t Ibang Kapanahunan, at Ano ang Kabuluhan ng Pangalan ng Diyos?

Ang pangalan ng Diyos ay talagang lumitaw dahil sa Kanyang gawain upang iligtas ang sangkatauhan. Sa pagliligtas sa sangkatauhan, ang Diyos ay nagsasagawa ng iba’t ibang mga gawain at nagpapahayag ng iba’t ibang disposisyon ayon sa mga pangangailangan ng Kanyang gawain at depende sa kapanahunan, at nagbabago ang Kanyang pangalan kasabay nito. Upang sabihin ito sa ibang paraan, ang isang pangalan ay kumakatawan sa isang kapanahunan, at kinakatawan nito ang isang yugto ng gawain ng Diyos at ang disposisyon na ipinahahayag Niya sa kapanahunang iyon; ginagamit ng Diyos ang Kanyang pangalan upang baguhin at palitan ang mga kapanahunan. Tulad ng sinabi ng mga salita ng Diyos: “Bakit kung iisa lamang si Jehova at si Jesus, Sila ay tinatawag sa magkaibang pangalan sa magkaibang kapanahunan? Hindi ba’t ito ay sa kadahilanang magkaiba ang mga kapanahunan ng Kanilang gawain? Maaari bang kumatawan sa Diyos, sa Kanyang kabuuan, ang iisang pangalan lamang? Dahil dito, nararapat na tawagin ang Diyos sa ibang pangalan sa ibang kapanahunan, at nararapat Niyang gamitin ang pangalang ito upang baguhin ang kapanahunan at katawanin ang kapanahunan. Dahil walang anumang pangalan ang maaaring ganap na kumatawan sa Diyos Mismo, at ang bawat pangalan ay maaari lamang kumatawan sa pansamantalang aspeto ng disposisyon ng Diyos sa isang tiyak na kapanahunan; ang kailangan lang nitong gawin ay kumatawan sa Kanyang gawain. Samakatuwid, maaaring mamili ang Diyos ng anumang pangalan na angkop sa Kanyang disposisyon upang kumatawan sa buong kapanahunan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3). “Ang isang partikular na salita o pangalan ay walang kakayahan na kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan, kaya sa tingin mo ba ay maaaring gawing permanente ang Kanyang pangalan? Ang Diyos ay napakadakila at napakabanal, ngunit hindi mo Siya hahayaang magpalit ng Kanyang pangalan sa bawat bagong kapanahunan? Samakatuwid, sa bawat kapanahunan na personal na isinasagawa ng Diyos ang Kanyang sariling gawain, gumagamit Siya ng isang pangalan na naaangkop sa kapanahunan upang lagumin ang gawain na Kanyang balak gawin. Ginagamit Niya ang partikular na pangalang ito, isa na nagtataglay ng pansamantalang kahalagahan, upang kumatawan sa Kanyang disposisyon sa kapanahunang iyon. Ito ang paggamit ng Diyos ng wika ng tao upang ipahayag ang Kanyang sariling disposisyon. … Dapat mong malaman na ang Diyos sa simula ay walang pangalan. Gumamit lang Siya ng isa o dalawa, o maraming pangalan dahil mayroon Siyang gawaing kailangang isagawa at kailangan Niyang pamahalaan ang sangkatauhan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3).

Tingnan natin ngayon ang kabuluhan ng pagkuha ng Diyos sa pangalang Jehova. Sinasabi ng mga salita ng Diyos: “‘Jehova’ ang pangalang ginamit Ko noong panahon ng Aking gawain sa Israel, at ang ibig sabihin nito ay ang Diyos ng mga Israelita (mga taong hinirang ng Diyos) na maaaring maawa sa tao, sumpain ang tao, at gabayan ang buhay ng tao; ang Diyos na nagtataglay ng dakilang kapangyarihan at puspos ng karunungan. … Ang pangalang Jehova ay isang partikular na pangalan para sa mga tao ng Israel na namuhay sa ilalim ng kautusan. … Ang ‘Jehova’ ay kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan at ito ang pamimitagan na ipinantawag ng mga tao ng Israel sa Diyos na kanilang sinamba(“Nakabalik na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang ‘Puting Ulap’”). “Jehova” ang pangalang kinuha ng Diyos nang isagawa Niya ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan, at kinakatawan nito ang kamahalan, pagkapoot, pagsumpa at maawaing disposisyon ng Diyos. Ang mga tao sa panahong iyon ay hindi alam kung paano sumamba sa Diyos, ni hindi nila alam kung paano pamahalaan ang kanilang buhay sa mundo. Kahit na gumawa sila ng mga bagay na masama sa paningin ng Diyos, ganap nilang hindi ito namamalayan, at sa gayon ang Diyos, sa pamamagitan ni Moises, ay nagproklama ng mga batas at utos upang gabayan ang sangkatauhan sa kanilang buhay sa mundo. Hiningi Niya sa tao na mahigpit na sumunod sa mga batas at utos, at tinulutan Niya sila na malaman kung paano sumamba sa Diyos, at malaman kung ano ang mabuti at kung ano ang makasalanan. Kung sinunod ng mga tao ang mga batas at utos, kung gayon matatamo nila ang biyaya at mga pagpapala ni Jehova; kung nilabag nila ang mga batas at utos, sa gayon sila ay sinunog ng makalangit na apoy o binato hanggang sa mamatay. Sa ilalim ng patnubay ni Jehova, pinarangalan ng karaniwang mamamayan ng Israel ang mga batas at dinakila ang pangalan ni Jehova, at sila ay patuloy na pinagpala at ginabayan ng Diyos sa libu-libong taon.

Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang pangalan ng Diyos ay binago sa Jesus, at dito rin nakasalalay ang malalim na kabuluhan. Sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Si ‘Jesus’ ay si Emmanuel, na ang ibig sabihin ay ang handog dahil sa kasalanan na puspos ng pagmamahal, puspos ng habag, at tumutubos sa tao. Ginawa Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, at kumakatawan Siya sa Kapanahunan ng Biyaya…. Ang pangalan ni Jesus ay umiral upang tulutan ang mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya na muling maisilang at maligtas, at isang partikular na pangalan para sa pagtubos sa buong sangkatauhan(“Nakabalik na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang ‘Puting Ulap’”). Sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan, ang sangkatauhan ay nagiging higit pang nagawang tiwali ni Satanas. Hindi na nila sinunod ang mga batas, wala na silang maibigay na sapat na handog para sa kasalanan upang matubos ang kanilang mga kasalanan at hinarap nila ang panganib na maparusahan at mahatulan ng kamatayan ng mga batas sa anumang oras. Upang mapatawad ang mga kasalanan ng tao at tulutang patuloy na mabuhay ang tao, ang Diyos ay nagkatawang-tao sa mundo bilang Anak ng tao, at kinuha Niya ang pangalang Jesus upang isagawa ang isang yugto ng gawaing pagtubos at upang ipahayag ang isang disposisyon na inuuna ang pagmamahal at awa. Ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus alang-alang sa sangkatauhan, kaya’t dinala sa Kanyang sarili ang mga kasalanan ng sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan para sa sangkatauhan. Hangga’t tinatanggap natin ang Panginoong Jesus bilang ating Tagapagligtas, at nananalangin, nagtatapat at nagsisisi sa pangalan ng Panginoong Jesus, sa gayon ay napapatawad ang ating mga kasalanan, ang ating mga espiritu ay nagiging payapa at maginhawa, at nagagawa nating tamasahin ang biyaya at mga pagpapalang ipinagkaloob sa atin ng Panginoon.

Mula rito, makikita natin na ang bawat pangalan ng Diyos ay kumakatawan sa gawaing ginagawa ng Diyos at sa disposisyon na ipinahahayag Niya sa partikular na kapanahunang iyon. Kapag ang Diyos ay nagsasagawa ng bagong gawain alinsunod sa mga pangangailangan ng sangkatauhan, ang pangalan ng Diyos ay nagbabago kasama nito at, sa pamamagitan lamang ng pagtanggap ng Kanyang bagong pangalan ay makakamtan natin ang karagdagang kaligtasan ng Diyos. Halimbawa, sa Kapanahunan ng Biyaya, kung ang Diyos ay dumating na may pangalang Jehova at hindi Jesus, kung gayon ang gawain ng Diyos ay mananatiling natigil sa Kapanahunan ng Kautusan. Tayo bilang mga tiwaling tao ay hindi maaaring tanggapin ang pagtubos ng Panginoong Jesus, at maaaring nahatulan at naparusahan ng Diyos dahil sa paglabag sa mga batas.

Ngayon sa katapusan ng mga huling araw, at ang mga kapatid ay lahat sabik na umaasam para sa ikalawang pagparito ng Panginoong Jesus, at naghihintay sila sa Panginoon upang itaas at salubungin sila sa kaharian ng langit. Malinaw na sinabi sa atin ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi Siya magsasalita ng mula sa Kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na Kaniyang marinig, ang mga ito ang Kaniyang sasalitain: at Kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12–13). At sa mga kabanata 2 at 3 ng Pahayag, iprinopesiya ito nang maraming beses na: “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.” At sinasabi ng kabanata 1, bersikulo 5 ng Unang Sulat ni Pedro: “Na sa kapangyarihan ng Diyos ay iniingatan sa pamamagitan ng pananampalataya sa ikaliligtas na nahanda upang ihayag sa huling panahon.” Mula sa mga bersikulong ito, nakikita natin na ang Panginoon ay may marami pang sasabihin sa Kanyang pagbabalik sa mga huling araw, at na tutulutan Niya tayong maunawaan ang lahat ng katotohanan at makamit ang kaligtasan ng Diyos sa mga huling araw. Kaya, sa pagbabalik at pagpapakita ng Panginoong Jesus sa mga huling araw upang isagawa ang Kanyang gawain, magbabago ang Kanyang gawain, ngunit magbabago rin ba ang Kanyang pangalan? Tatawagin pa ba Siyang Jesus sa Kanyang pagbabalik? Iprinopesiya sa Pahayag na: “Ang magtagumpay, ay gagawin Kong haligi sa templo ng Aking Diyos, at hindi na siya’y lalabas pa doon: at isusulat Ko sa kaniya ang pangalan ng Aking Diyos, at ang pangalan ng bayan ng Aking Diyos, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa Aking Diyos, at ang Aking sariling bagong pangalan(Pahayag 3:12). Sinasabi ng sipi ng kasulatan na ito na ang Diyos ay magkakaroon ng isang bagong pangalan kapag Siya ay bumalik sa mga huling araw at, nakikita na Siya ay magkakaroon ng isang bagong pangalan, kung gayon hindi na Siya tatawaging Jesus. Hinihingi nito sa atin na magkaroon ng isang pusong may takot sa Diyos, at kapag dumating ang Diyos upang gawin ang Kanyang bagong gawain at Siya ay may isang bagong pangalan, dapat tayong maghanap nang may bukas na pag-iisip at pag-aralang mabuti, at huwag limitahan ang pangalan ng Diyos gamit ang ating sariling mga kuru-kuro at imahinasyon. Sa ganitong paraan lamang tayo magkakaroon ng pagkakataong salubungin ang pagbabalik ng Panginoon.

Magpasalamat tayo sa kaliwanagan at patnubay ng Diyos, at nawa ang lahat ng mga kapatid na naghahangad at naghahanap sa pagpapakita ng Diyos sa lalong madaling panahon ay muling makapiling ang Panginoon!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Paliwanag sa Mateo 4:17—Ano ang tunay na Pagsisisi?

Tanging kapag mayroon tayong tunay na pagsisisi sa Diyos natin maaaring matamo ang Kanyang pangangalaga sa gitna ng mga sakuna. Kung gayon ano ang tunay na pagsisisi? At paano natin makakamit ang tunay na pagsisisi? Sasabihin sa iyo ng artikulong ito ang mga kasagutan.