Mga Tanda ng mga Huling Araw: Ang Pagpapakita ng Flower Blood Moon Lunar Eclipse Ngayong 2022

Mayo 1, 2022

Tala ng Patnugot: Sa mga nakaraang taon, ang makalangit na kababalaghan na “blood moon” ay madalas na nagpakita. Ang iba’t ibang sakuna tulad ng pandemya, lindol, at taggutom ay mas palala nang palala. Ang mga propesiya ng Biblia tungkol sa mga huling araw ay natupad na, at ang dakila at kahila-hilakbot na araw ni Jehova ay nalalapit na. Ang mga malalaking sakuna ay nararanasan na natin ngayon, kaya paano dapat natin salubungin ang pagbabalik ng Panginoon? Ang artikulong ito ay may sagot.

Tulad ng inasahan ng mga kinauukulang eksperto, sa ika-16 ng Mayo, 2022, isang flower blood moon lunar eclipse ang makikita sa himpapawid. Sa katunayan, ang mga kahanga-hangang tanawin gaya ng mga blood moon, supermoon, at super blood moon ay patuloy na lumilitaw sa mga nakaraang taon, halimbawa ang mga blood moon ng 2011 at 2013, ang serye ng apat na blood moon na lumitaw ng 2014 at 2015, ang super blue blood moon ng 2018, na naganap din 152 taon na ang nakalipas, at ang super blood wolf moon na lumitaw noong ika-21 ng Enero 2019 kung saan perpektong pinagsama ang tatlong tanawin sa astronomiya ng isang supermoon, isang blood moon at isang wolf moon, at tinawag ito bilang pinaka-kahanga-hangang kababalaghan sa astronomiya. Bukod pa rito, isang pambihirang tanawin ang naganap noong Mayo 26, 2021—isang super blood moon ang nakita sa panahon ng total lunar eclipse.

Marami ng propeta ang nagpropesiya na ang paglitaw ng mga blood moon ay nagpapahiwatig ng pagdating ng hindi karaniwan at dakilang mga pangyayari. Marami ring mga eksperto sa Biblia na matibay na naniniwala na ang paglitaw ng mga blood moon ay ang katuparan ng propesiya sa Aklat ni Joel 2:29–31: “At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos Ko sa mga araw na yaon ang Aking Espiritu. At Ako’y magpapakita ng mga kababalaghan sa langit at sa lupa, dugo, at apoy, at mga haliging usok. Ang araw ay magiging kadiliman, at ang buwan ay dugo, bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Jehova.” Gayon din, sa Pahayag 6:12, ito ay nagsasaad: “At nakita ko nang buksan Niya ang ikaanim na tatak, at nagkaroon ng malakas na lindol; at ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo.” “Ang dakila at kakilakilabot na araw” na binanggit sa propesiya sa Aklat ni Joel ay tumutukoy sa malalaking kalamidad. Nakita na nating lahat ang mga kalamidad na lalong lumalala sa nakaraang ilang taon, na may madalas na pangyayari ng ganoong mga kalamidad gaya ng mga lindol, taggutom, salot at baha na nakakatakot para ating masaksihan; ang sitwasyon ng mundo ay nasa kaguluhan at patuloy na nagbabago, mayroong mga madalas na pagsabog ng mga digmaan, mararahas na insidente at mga pagsalakay ng terorista na patuloy na nagiging malala; ang atmospera ng mundo ay patuloy ang pag-init, at ang masasamang panahon at lahat ng uri ng mga kababalaghan sa astronomiya ay nangyayari sa lahat ng oras. Ang mga palatandaan ng mga huling araw na ipinropesiya sa Biblia ay isa-isang lumitaw, at ang malalaking mga sakuna ay nagaganap na. Kaya, paano dapat natin salubungin ang Panginoon at makamit ang Kanyang kaligtasan? Sinabi ng Panginoong Jesus, “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin(Juan 10:27). “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan(Juan 16:12–13). Naipropesiya sa maraming bahagi ng kabanata 2 at 3 ng Pahayag: “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.” Mula sa mga propesiya, makikita natin na ang Diyos ay bibigkas ng mga salita at magsasagawa ng bagong yugto ng gawain sa mga huling araw upang dalisayin at iligtas ang mga tao, at dalhin ang mga tao sa kaharian ng Diyos. Tanging sa pakikinig sa tinig ng Diyos, at pag-aasam at paghahanap sa pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw ay masasalubong natin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, magkakaroon ng pagkakataong mailigtas at maperpekto ng Diyos, at makapasok sa magandang patutunguhan kasama ang Diyos. Kung hindi man, maiwawala natin ang kaligtasan ng Diyos, mahuhulog sa mga malalaking sakuna sa mga huling araw, at maaalis at mapaparusahan. Narito ang sinasabi ng Diyos tungkol doon:

Darating ang lahat ng uri ng sakuna, sunud-sunod; daranas ng mga kalamidad ang lahat ng bansa at lugar: Ang salot, taggutom, baha, tagtuyot, at mga lindol ay nasa lahat ng dako. Ang mga sakunang ito ay hindi lamang nangyayari sa isa o dalawang lugar, ni matatapos ang mga iyon sa loob ng isa o dalawang araw; bagkus, kakalat ang mga iyon sa palawak nang palawak na lugar, at titindi nang titindi. Sa loob ng panahong ito, lilitaw nang sunud-sunod ang lahat ng uri ng mga salot na insekto, at mangyayari ang kababalaghan ng kanibalismo sa lahat ng dako. Ito ang Aking paghatol sa lahat ng bansa at mga bayan.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 65

Sa kalawakan ng mundo, umaapaw ang karagatan hanggang sa kaparangan, tumatabon ang kaparangan sa karagatan, nang paulit-ulit. Maliban sa Kanya na namumuno sa bawat bagay sa lahat ng bagay, walang sinumang may kakayahang umakay at gumabay sa sangkatauhan. Walang sinumang makapangyarihang magtatrabaho o maghahanda para sa sangkatauhang ito, lalo nang walang sinumang makakaakay sa sangkatauhang ito tungo sa hantungang liwanag at magpapalaya rito mula sa mga kawalan ng katarungan sa mundo. Nananangis ang Diyos sa hinaharap ng sangkatauhan, nagdadalamhati sa pagbagsak ng sangkatauhan, at nasasaktan dahil naglalakad ang sangkatauhan, nang dahan-dahan, patungo sa pagkabulok at sa landas na wala nang balikan. Wala pang nakakaisip kung saan ang maaaring patunguhan ng gayong sangkatauhan na bumigo sa puso ng Diyos at nagtakwil sa Kanya para hanapin ang diyablo. Ito mismo ang dahilan kung bakit walang nakadarama sa galit ng Diyos, kung bakit walang naghahanap ng paraan para mapalugod Siya o nagsisikap na mapalapit sa Kanya, at bukod pa riyan, kung bakit walang naghahangad na maunawaan ang Kanyang dalamhati at pasakit. Kahit matapos marinig ang tinig ng Diyos, patuloy na tumatahak ang tao sa sarili niyang landas, pilit na lumalayo sa Diyos, umiiwas sa biyaya at kalinga ng Diyos, at lumalayo sa Kanyang katotohanan, mas ginugustong ibenta ang kanyang sarili kay Satanas, ang kaaway ng Diyos. At sino na ang nakapag-isip—dapat bang ipilit ng tao ang katigasan ng kanyang ulo—tungkol sa kung paano kikilos ang Diyos sa sangkatauhang ito na nagpaalis na sa Kanya nang hindi man lang lumilingon? Walang nakakaalam na ang dahilan ng paulit-ulit na mga paalala’t pangaral ng Diyos ay dahil inihanda na Niya sa Kanyang mga kamay ang isang walang-katulad na kalamidad, yaong hindi kakayanin ng katawan at kaluluwa ng tao. Ang kalamidad na ito ay hindi lamang isang kaparusahan sa katawan, kundi pati na rin sa kaluluwa. Kailangan mong malaman ito: Kapag nabigo ang plano ng Diyos, at kapag walang tumugon sa Kanyang mga paalala at pangaral, anong klaseng galit ang Kanyang ipamamalas? Isang bagay ito na hindi pa nararanasan o naririnig ng sinumang nilalang. Kaya sinasabi Ko, ang kalamidad na ito ay walang katulad, at hindi na mauulit kailanman. Sapagkat ang plano ng Diyos ay minsan lamang likhain ang tao, at minsan lamang iligtas ang sangkatauhan. Ito ang unang pagkakataon, at ito rin ang huli. Samakatuwid, walang makakaunawa sa matitiyagang layunin at taimtim na pag-asam ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan sa pagkakataong ito.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao

Ang gawain ng Diyos ay sumusulong tulad ng rumaragasang alon. Walang sinuman ang maaaring pumigil sa Kanya, at wala ni isang maaaring magpahinto sa Kanyang mga yapak. Tanging ang mga taong nakikinig nang mabuti sa Kanyang mga salita, at mga taong naghahanap at nauuhaw sa Kanya, ang maaaring sumunod sa Kanyang mga yapak at makatanggap ng Kanyang pangako. Ang mga tao namang hindi ay sasailalim sa napakalaking kapahamakan at karapat-dapat sa kaparusahan.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Leave a Reply