Paano Umasa sa Diyos at Magpatotoo Kapag Tinukso ni Satanas

Agosto 30, 2019

Ni Hu Yang, France

Noong Mayo 2018, masuwerte akong na rinig ang huling pamamahayag ng ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos. Sa pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at sa pakikinig sa pagbabahagi ng mga kapatid, nalaman ko ang katotohanan ng pagtitiwali sa sangkatauhan ni Satanas, anim-na-libong taong plano ng pamamahala ng Diyos upang maligtas ang sangkatauhan at ang layunin ng Diyos sa tatlong yugto ng gawain. Natutunan ko rin kung paano makapasok sa kaharian ng langit ang isang tao at ang patutunguhan sa hinaharap at ang wakas ng sangkatauhan, gayundin ang ibang mga katotohanan. Matapos ang isang panahon ng paghahanap at pagsasaliksik, lubos akong nakatiyak na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, matapos iyon ay aktibo akong dumalo sa mga pagtitipon sa iglesia. Habang dumarami ang nababasa kong mga salita ng Diyos, naintindihan ko ang mga paghihirap na ginagawa ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan, at gusto kong ibahagi ang ebanghelyo sa aking asawa upang sa lalong madaling panahon ay matanggap din niya ang pagliligtas ng Diyos ng mga huling araw. Hindi inaasahan, sa hapon kung saan nakipagkasundo ako sa mga kapatid kong babae sa iglesia na ipangaral ang ebanghelyo sa aking asawa, may nangyari na hindi ko mahuhulaan ...

Ang Aking Asawa ay Naloko ng mga Kasinungalingan at Sinubukan Niya Akong Pigilan sa Paniniwala sa Diyos

Nang hapong iyon, nakaupo ang asawa ko sa sopa habang nanunuod ng isang bidyo sa kanyang telepono gaya ng kanyang palaging ginagawa, nang madaanan niya ang mga kwento ng pamahalaang Komunistang Tsino tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos: “Kapag nagsimulang manampalataya sa Makapangyarihang Diyos ang isang tao, humahayo sila at namamahayag ng ebanghelyo, at iniiwan nila ang kanilang pamilya…” Agad na nagalit ang asawa ko, at kanyang sinabi na hindi na niya ako pahihintulutan na maniwala sa Makapangyarihang Diyos. Ako’y sumagot ng mahinahon sa kanya, at aking sinabi, “Iyan ay pawang mga kasinungalingan lamang na ipinakalat ng CCP. Ang mga kapatid na nangangaral ng ebanghelyo at nagpapatotoo sa Diyos ay hindi inaabandona ang kanilang pamilya….” Subalit ang aking asawa ay tuluyan nang nahulog sa mga kasinungalingan at ayaw nang makinig. Galit na sinabi sa akin ng aking asawa, “Wala akong pakialam! Maari kang maniwala sa Diyos na Jehova kung gusto mo, o maaari kang maniwala sa Panginoong Jesus, at susuportahan kita. Hangga’t hindi ka naniniwala sa Makapangyarihang Diyos, gagawin ko kung ano ang iyong gusto!” Ako’y mahinahong nagsalita, “Kahit na ang Diyos na Jehova, ang Panginoong Jesus at ang Makapangyarihang Diyos ay magkakaiba ng pangalan, Sila ay iisang Diyos lamang. Tatlong magkakaibang pangalan lamang sila na ginamit ng Diyos sa Kanyang Gawain sa magkakaibang panahon. Upang maligtas ang sangkatauhan, nagsasagawa ang Diyos ng tatlong yugto ng gawain. Ang unang yugto ay ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan na isinagawa ng Diyos na Jehova. Ang ikalawang yugto ay ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya na isinagawa ng Panginoong Jesus. At ang ikatlong yugto ay ang gawain ng Kapanahunan ng Kaharian na isinagawa ng Makapangyarihang Diyos. Matapos makumpleto ng Panginoong Jesus ang ikalawang yugto ng gawain, iyon ay ang gawain ng pagtubos, Kanyang sinabi, ‘Ako’y madaling pumaparito(Pahayag 22:12). Ngayong ang Panginoong Jesus ay nagbalik bilang Makapangyarihang Diyos, Kristo ng mga huling araw. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagpahayag ng milyun-milyong salita at isinasagawa Niya ang gawain ng paghuhukom na nagsisimula sa bahay ng Diyos upang linisin at mabago ang tao, upang ganap na maligtas ang tao sa kamay ni Satanas at sa huli ay mapunta ang tao sa kaharian Niya. Dahil dumaan sa panahon ng paghahanap at pagsasaliksik, nakita ko na ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay totoo at isiniwalat ang lahat ng ito sa Biblia. Nakasisiguro ako na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, at ang aking paniniwala sa Makapangyarihang Diyos ay nagbibigay sa akin ng daan upang makasabay sa mga yapak ng Kordero. Hindi mo hinanap o sinaliksik ang gawa ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw at hindi mo nabasa ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, kaya paanong agad kang naniwala sa mga kasinungalingang iyon at tututulan mo ang paniniwala ko sa Diyos?”

Hindi makasagot sa akin ang asawa ko at, sa galit ay itinapon niya ang kanyang telepono sa mesa, tumayo, at mababa ang tinig na sinabi sa akin, “Sabihin mo kung anong gusto, pero hindi kita pinapayagang maniwala sa Makapangyarihang Diyos!” Nabigla akong makita ang ganitong asal ng aking asawa. Sampung taon na kaming kasal at siya ay naging mabuting asawa sa akin. Kahit minsan hindi niya ako tinutulan sa mga bagay na nais ko o sa mga bagay na gusto kong gawin, mas lalo na ang magalit tulad ngayong araw na ito. Hindi ko inasahan ang masamang gawi niya sa akin matapos siyang maloko ng mga kasinungalingan ng CCP o na tututol siya ng husto sa paniniwala ko sa Diyos—hindi ako makapaniwala. Naisip kong malapit nang dumating ang mga kapatid kong babae sa iglesia para mangaral ng ebanghelyo sa aking asawa. Ngayong matigas na tumututol ang aking asawa sa pananampalataya ko sa Diyos, wala akong magawa kundi tahimik na kunin ang aking telepono at magpadala ng mensahe sa aking mga kapatid na babae na huwag nang tumuloy. Hindi nagtagal matapos kong maipadala ang mensahe sa aking mga kapatid na babae sa iglesia ay agad na hinablot ng aking asawa ang aking telepono at tinanggal app ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos kasama na rin ang mga software na aking ginagamit upang makipag-ugnayan sa aking mga kapatid na babae sa iglesia, at minsan pang binalaan niya ako na huwag nang manampalataya sa Makapangyarihang Diyos kahit kailan.

Ang Aking Asawa ay Naloko ng mga Kasinungalingan at Sinubukan Niya Akong Pigilan sa Paniniwala sa Diyos

Nakikita kung paano nalinlang nang husto ng mga kasinungalingan ng CCP ang aking asawa, labis akong nabalisa. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya sa susunod upang puwersahin akong itigil ang aking pananampalataya, o kung magagawa ko pa bang dumalo sa pagtitipon ng aking mga kapatid kahit kailan…. Labis akong nakaramdam ako ng takot at kawalan ng pag-asa, at tanging nagawa ko lamang ay tawagin ang Diyos nang paulit-ulit sa aking puso: “O Makapangyarihang Diyos! Ako ay nakakaramdam nang panghihina ngayon at hindi ko alam kung ano ang pinakamagandang gawin. Maliit lamang ang aking tayog at kakaunti lamang ang katotohanang nauunawaan ko. Mangyaring tulungan mo ako at magbukas ng daan para sa akin. O Diyos! Kahit ano pa man ang itrato sa akin ng aking asawa, ako ay maniniwala pa rin sa Iyo at susunod sa Iyo. Hindi kita ipagkakanulo kahit anong mangyari. Ang aking hiling ay bigyan mo ako ng pananampalataya at lakas. Magpapatotoo ako para sa Iyo. Mangyaring paliwanagin mo ako at gabayan upang maunawaan ko ang Iyong kalooban. Salamat sa Iyo Diyos ko!” Pagkatapos manalangin, agad akong nakaramdam ng kapayapaan sa loob ko, at hindi na ako nakaramdam ng anumang takot. Sinulyapan ko ang aking asawa na hindi na gaanong nakakatakot kumpara kanina, sa pagkabigla ko, natulog na lamang siya. Noon at noon din ay nalaman ko na na rinig ng Diyos ang aking panalangin. Sa panahon na ako’y walang magawa, binigyan ako ng Diyos ng pananampalataya at lakas ng loob at nagbukas Siya ng daan para sa akin. Ang Diyos ay tunay at buhay na Makapangyarihang Diyos, at mula sa aking puso, iniaalay ko ang aking pasasalamat at papuri sa Diyos. Natulog lamang buong maghapon ang aking asawa, ngunit nakakaramdam pa rin ako ng alinlangan, alinlangang baka magalit siya sa akin kapag nagising siya, kaya naman tahimik akong nanalangin sa Diyos sa aking puso.

Sa pagkabigla ko, nang magising ang aking asawa, nakita niya akong nakaupo pa rin sa sopa at nauna siyang nagsalita kahit na wala akong sinasabing kahit ano, “Mali ako kanina. Binalik ko na ang software sa iyong sa telepono. Maaari ka nang manampalataya sa Diyos kung nais mo. Hindi na kita hahadlangan kahit kalian.” Tuwang-tuwa ako nang marinig ko ang sinabi niya at alam ko na ang lahat ng nangyari ay ayon sa pagsasaayos ng Diyos. Noon ko lamang tunay na napahalagahan ang kapangyarihan at soberanya ng Diyos, at naisip ko ang mga salita sa Diyos na sinasabing: “Ang puso’t espiritu ng tao ay nasa kamay ng Diyos, lahat ng tungkol sa buhay niya ay namamasdan ng mga mata ng Diyos. Naniniwala ka man dito o hindi, anuman at lahat ng bagay, buhay man o patay, ay lilipat, magbabago, mapapanibago, at maglalaho alinsunod sa mga iniisip ng Diyos. Ganito pinamumunuan ng Diyos ang lahat ng bagay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao). “Oo,” naisip ko. “Buhay man o patay, lahat ng mga bagay ay hawak ng kamay ng Diyos. Ang bawat iniisip at ideya natin ay nagbabago sa ilalim ng soberanya at pagsasaayos ng Diyos. Gawain ng Diyos ang nagpabago sa ugali ng aking asawa, at iyon ay pakikinig ng Diyos sa aking mga panalangin. Alam ng Diyos na maliit lamang ang aking tayog at, sa panahong ako ay walang magawa, binigyan Niya ako ng pananampalataya at lakas ng loob at nagbukas Siya ng daan para sa akin.” Patuloy akong nagpapasalamat sa Makapangyarihang Diyos mula sa kaibuturan ng aking puso.

Ang Lahat ng Ito ay Labanan Pala sa Daigdig ng Espiritu

Sa isang pagtitipon sa iglesia nang sumunod na araw, ikinuwento ko sa aking mga kapatid kung ano ang nangyari kahapon. Matapos nilang makinig sa akin, napuno ng emsosyon si Sister Feng at sinabing, “Salamat sa Diyos! Ang nangyari sa iyo ay nagpapahintulot sa ating makita na ang Diyos ay nasa tabi natin at Siya ang ating suporta sa pangangailangan. Hangga’t tumatawag tayo sa Kanya ng matapat, kung ganoon ay palagi Siyang makikinig sa ating mga panalangin at magbubukas ng daan para sa atin. Gayunpaman, kasabay nito ay dapat nating malaman na nang sinubukan kang pigilan ng asawa mo sa pananampalataya mo sa Diyos, kahit na tila lamang iyon isang miyembro ng iyong pamilya na sinusubukan kang guluhin, ang totoo talaga ay isa itong matinding labanan ng espiritu! Hindi natin nakikita at naiintindihan ang mga bagay gamit ang ating pisikal na mata, ngunit sa halip ay dapat nating matutunang makita ang mga bagay mula sa pananaw ng mga salita ng Diyos at katotohanan!” Gulat na napatingin ako kay Sister Feng, “Labanan ng espiritu?” naisip ko, “Ano kayang ibig sabihin noon?”

Noon din, binasa ng kapatid ang isang sipi ng mga salita ng Diyos sa akin: “Ang Diyos ay gumagawa, ang Diyos ay nagmamalasakit sa isang tao, nagmamasid sa isang tao, at binubuntutan ni Satanas ang Kanyang bawat hakbang. Sinumang pinapaboran ng Diyos, binabantayan din ni Satanas, nakabuntot sa likod. Kung nais ng Diyos ang taong ito, gagawin lahat ni Satanas ang makakaya nito upang hadlangan ang Diyos, gagamitin ang iba’t ibang masasamang kaparaanan upang tuksuhin, guluhin at wasakin ang gawain ng Diyos upang kamtin ang natatagong layunin nito. Ano ang layunin nito? ... Si Satanas ay nakikipagdigma sa Diyos, sumusunud-sunod sa likuran Niya. Ang layunin nito ay ang buwagin ang lahat ng gawain na nais gawin ng Diyos, sakupin at kontrolin ang mga nais ng Diyos, ganap na puksain ang mga nais ng Diyos. Kung hindi sila mapupuksa sila kung gayon ay maaangkin ni Satanas upang magamit nito—ito ang layunin nito(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV).

Noon nagbahagi ang kapatid, sinasabing, “Mula sa mga salita ng Diyos, nagawa nating makita ang katotohanan ng labanan sa daigdig ng espiritu, at nakikita natin ang masamang diwa ni Satanas. Nilikha ng Diyos ng sangkatauhan, at umaasa Siya na maririnig natin ang Kanyang mga salita at susunod sa Kanya. Gayunman, mula pa nang tayo ay tiniwali ni Satanas, napalayo sa Diyos at tayo ay nahulog sa masamang impluwensya ni Satanas. Tayo ay iginapos at inalipin ni Satanas, at nabubuhay tayo ng mga buhay ng matinding sakit. Hindi nakakaya ng Diyos na tayo ay makita Niyang winawasak at sinisira ni Satanas, kung kaya’t sinimulan Niya ang Kanyang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala upang sagipin ang sangkatauhan sa mga kamay ni Satanas. Upang sa wakas ay magawa nating iwaksi ang mga gapos, ang mga kontrol at pamiminsala ni Satanas, upang matamo ang totoong pagliligtas ng Diyos, upang maakay sa kaharian ng Diyos at tamasahin ang mga biyaya at pangako ng Diyos. Gayunpaman, ayaw ni Satanas na makamit natin ang totoong pagliligtas ng Diyos, kung kaya’t ginagawa nito ang lahat ng paraan at ginagawa ang makakaya linlangin at hadlangan tayo sa pagsunod sa Diyos at pagsamba sa Diyos. Ginagawa nito ang lahat ng ito sa pagtatangka na gawin tayong negatibo at mahina at mawalan ng pananampalataya sa Diyos sa puntong lumalayo tayo sa Diyos at ipinagkakanulo Siya, at nawawala sa atin ang pagliligtas ng Diyos ng mga huling araw.

“Halimbawa, may ilang mga kapatid na, matapos nilang tanggapin ang paggawa ng Diyos ng mga huling araw, ay nakatagpo ng patutol sa kanilang pananampalataya sa Diyos mula sa mga miyembro ng kanilang pamilya dahil nakita nila ang mga sabi-sabing ipinapakalat online ng CCP. Kapag dumadalo sa mga pagtitipon ang ilan sa mga kapatid at nagbabasa ng mga salita ng Diyos, sila ay bahagyang tulog at ang kanilang puso ay naguguluhan, at ang ilan sa ating mga kapatid o sa kanilang pamilya ay nagkakasakit. Ilan lamang ito sa mga halimbawa ng hindi kanais-nais na pamamaraang ginagamit ni Satanas upang istorbuhin at tuksuhin ang mga tao. Hu Yang, nais mong ipamahayag sa iyong asawa ang ebanghelyo upang matanggap rin niya ang pagliligtas ng Diyos, ngunit nang gagawin mo na iyon, ginamit ni Satanas ang mga kasinungalingan nito upang linlangin ang iyong asawa, upang labanan niya ang gawain ng Diyos ng mga huling araw at upang mag-ingat ito. Hindi lamang sa hindi niya hinanap o sinaliksik ang tamang daan, ngunit sinubukan ka rin niyang pigilan sa pananamapalataya sa Diyos sa Diyos. Sa ibabaw nito, tila sinusubukan kang pigilan ng iyong asawa, ngunit sa likod ng lahat ng ito, si Satanas ang nagpapakilos sa mga mapanlinlang nitong gawain. Ginagamit ni Satanas ang iba’t-ibang uri ng kasinungalingan upang malinlang ang ating pamilya na hindi nananampalataya sa Diyos upang sila hadlangan at pilitin nila tayo, sa sa pagsubok na gawin tayong negatibo at maging mahina at isuko natin ang tamang daan, upang sa wakas ay mawala sa atin ang pagliligtas ng Diyos at sa huli ay lalamunin ni Satanas. Sister, kapag sinusubukan tayong hadlangan ng mga miyembro ng ating pamilya, dapat nating makita ang mga bagay mula sa pananaw ng mundo ng espiritu, dahil sa likod ng mga ikinikilos ng mga miyembro ng ating pamilya ay nagtatago ang kasuklam-suklam na mga layunin ni Satanas!”

Matapos makinig sa pagbabahagi ng kapatid sa paraang ito, biglang napuno ng kaliwanagan ang aking puso. Kung ganoon, sa umpisa pa lang ay hinaharap ko ang matinding paglalaban sa daigdig ng espiritu! Naisip ko kung paanong ang aking asawa ay nagsimulang subukan akong isuko ang paniniwala ko sa Diyos matapos niyang makita ang mga kasinungalingan sa CCP, at alam ko na ang lahat ng ito ay dala ng panlilinlang ni Satanas. Tunay ngang kasukla-suklam at kapoot-poot si Satanas!

Nahantad ang Kasinungalingan ng CCP at Matatag Kong Sinunod ang Landas ng Pananampalataya sa Diyos

Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos at sa pakikinig sa pagbabahagi ni Sister Feng, nagkaroon ako ng ilang pag-unawa tungkol sa mga panlilinlang na pakana ni Satanas na nagkubli sa likod ng pagsubok ng aking asawa na pigilan ako sa pananampalataya ko sa Diyos. Noon sinabi sa akin ni Sister Feng, “Sister, kahit nangako ang iyong asawa na hindi na niya muling susubukang pilitin kang isuko ang paniniwala mo sa Diyos kahit kailan, hindi ibig sabihin nito hindi ka na niya tututulan sa paniniwala mo sa Diyos sa hinaharap. Dahil hindi niya maunawaan ang diwa ng mga kasinungalingang ito, dapat mo siyang tulungan nang may pag-ibig upang maunawaan niya ang mga ito, ipakita mo sa sa kanya ang masamang hangarin sa likod ng mga kasinungalingan ng CCP at hayaan mong makita niya ang mga kasuklam-suklam na pakana ni Satanas!”

Pagkatapos ng malalim na pag-iisip, ako ay tumango, at nagsalita, “Sister, nag-aalala na ako dito! Alam ko na dahil lamang sa prinotektahan ako ng Diyos sa pagkakataong ito kung kaya’t hindi ako nalinlang ng mga kasinungalingan ng CCP at hindi napigilan ng aking asawa. Ngunit alam ko lang kung anong sinasabi ng CCP, na ‘Kapag may nagsimulang manampalataya sa Makapangyarihang Diyos, sila ay humahayo upang ipangaral ang ebanghelyo, at iniiwan ang kanilang pamilya’ ay isang kasinungalingan, at hindi ko alam kung anong mga katotohanan ang aking gagamiting paraan upang makilala at pabulaanan ang mga kasinungalingang ito. Sister, maaari bang magbahagi ka sa akin tungkol sa kasinungalingang ito at himayin para sa akin?”

Sinabi ni Sister Feng, “Nalalaman natin na ang pahayag na, ‘Kapag may nagsimulang manampalataya sa Makapangyarihang Diyos, sila ay humahayo upang ipangaral ang ebanghelyo, at iniiwan ang kanilang pamilya,’ ay isang kasinungalingang ipinakalat ng CCP tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at ang Diyos ang nagturo sa atin at gumabay sa atin sa pagkaunawang ito! Salamat sa Diyos! Kasabay nito, napakahalaga na hanapin natin ang katotohanan nang sa gayon ay makita natin ang mga kasinungalingan at maunawaan nang lubos ang mga motibo at layunin sa likod ng CCP na gumagawa ng mgaa kasinungalingang ito patungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Dahil kung hindi natin nauunawaan ang katotohanan at hindi nakikilala ang mga kasinungalingan, madali tayong maloloko, at maaaring mawala sa atin ang pagkakataon na matanggap ang tunay na pagliligtas ng Diyos! Kaya’t kung nais nating maunawaan nang lubos ang isyung ito, nararapat lamang dapat muna nating maunawaan na ang pangangaral sa ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos sa ating pananampalataya ay isang batas ng langit at isang prinsipyo sa mundo, at sa paggawa ng mga bagay na ito ay natutupad natin ang mga komisyon ng Diyos, at ito ang pinakamatuwid na bagay na maaaring magawa ng sangkatauhan.

“Tulad ng ating nalalaman, sa Panahon ng Biyaya, inutusan ng Panginoong Jesus ang Kanyang mga alagad at sinabi: ‘Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal(Marcos 16:15). ‘Kaya nga sinoman sa inyo na hindi tumanggi sa lahat niyang tinatangkilik, ay di maaaring maging alagad ko(Lucas 14:33). Ang Kristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos ay sinabi rin, ‘Bilang mga miyembro ng sangkatauhan at tapat na mga Kristiyano, pananagutan at obligasyon nating lahat na ialay ang ating isipan at katawan para sa katuparan ng tagubilin ng Diyos, dahil ang ating buong pagkatao ay nagmula sa Diyos, at ito ay umiiral salamat sa kapangyarihan ng Diyos. Kung ang mga isipan at katawan natin ay hindi para sa tagubilin ng Diyos at hindi para sa matuwid na dahilan ng sangkatauhan, sa gayon ang ating mga kaluluwa’y hindi magiging karapat-dapat sa mga taong naging martir para sa tagubilin ng Diyos, mas hindi karapat-dapat sa Diyos, na naglaan sa atin ng lahat ng bagay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan). Mula sa mga salita ng Diyos, makikita natin na ang langit at lupa at ang lahat ng mga bagay na ay nilikha ng Diyos, at nilikha Niya ang sangkatauhan. Higit pa rito, ibinibigay Niya sa atin ang lahat ng bagay na ating kailangan para mabuhay, at ang paniniwala sa Diyos at pagsamba sa Diyos ay isang batas sa langit at prinsipyo sa lupa. Sa pamamagitan ng pagpapalaganap at pagpapatotoo sa ebanghelyo ng Diyos, ginagabayan natin ang maraming tao sa harap ng Diyos upang matanggap nila ang pagliligtas ng Diyos. Ito ay isang komisyon na bigay sa atin ng Diyos, ang ating takdang tungkulin, ang pinakadakilang gawa ng kabutihan at katuwiran, at ito ay higit na naaayon sa kalooban ng Diyos. Halimbawa na lamang ang mga alangad at mga apostol ng Panginoong Jesus. Upang magawa ang kalooban ng Diyos, ipinakalat nila ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus. Handa silang iwan ang kanilang pamilya, kasal at mga pisikal na kisayahan, tiisin ang mga paninirang-puri at pangungutya ng mga makamundong tao, at ang iba sa mga ito ay nagiging martir sa huli. Ngunit walang sinumang nakasira o humatol sa kanila. Bagkus, sila ay pinuri at ginawang halimbawa na dapat tularan, at sinabi ng mga tao na ang kanilang ginawa ay ang pinakamatuwid na magagawa ng sangkatauhan. Ngayon, ang Panginoong Jesus na matagal na nating pinakahihintay ay nagbalik na bilang Makapangyarihang Diyos. Upang sa wakas ay mailigtas tayo sa mga gapos ng kasalanan, ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang mga salita at isinasagawa ang paghatol umpisa sa bahay ng Diyos. Ginagawa Niya ang lahat ng mga ito upang tayo ay baguhin at dalisayin mula sa ating mga tiwaling disposisyon, at sa wakas ay gabayan ang sangkatauhan papasok sa Kanyang kaharian. Mula sa mga salita ng Diyos, mauunawaan ng mga kapatid na ang kagyat na hangarin ng Diyos ay ang maligtas ang tao, at maging handa tayong iwan ang ating mga pisikal na kasiyahan, upang harapin ang panganib na mahuli at usigin ng CCP, at gawin ang lahat nang ating makakaya upang ipalaganap at magpatotoo sa ebanghelyo ng kaharian ng Diyos, upang mas maraming tao ang makatanggap ng pagliligtas ng Diyos ng mga huling araw at sa wakas ay makamit ang tunay na pagliligtas ng Diyos at maiwan. Ito ay isang matuwid na gawain, at ito ay kalooban ng Diyos itong isinasagawa! Gayunpaman, ang CCP, ay alam ng pagkakaiba sa pagitan ng mabuti at masama ngunit gumagawa pa rin sila ng kasamaan, at kanilang ipinipilit na ang mga Kristiyano na nagpapalaganap ng ebanghelyo at nagpapatotoo sa Diyos ay iniiwanan ang kanilang tahanan at inaabandona ang kanilang mga pamilya. Maliwanag na ito ay maling akusasyon at pagbabaluktot sa katotohanan, at ang CCP ang nagpapakalat ng mga mapanlinlang na sabi-sabi at mga kamalian!”

Habang nakikinig ako sa pagbabahagi ni sister, nagnilay ako, at naisip ang mga banyagang misyonaryo ng nakaraan. Iniwan nila ang kanilang mga pamilya at isinuko ang kanilang pisikal na kaligayahan upang ipangaral ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus sa atin. Kung hindi nila iniwan ang kanilang pamilya para mangaral ng ebanghelyo sa Tsina, paano pa natin mapakikinggan ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus? Noon ko naunawaan na, bilang isang Kristiyano, ang kakayahang isuko ang lahat at maging handa sa pagdurusa upang ipangaral ang ebanghelyo ay isang mabuting gawa—ito ay paggawa ng kalooban ng Diyos, at ito ay isang bagay na kapuwa naaayon sa kalooban ng Diyos at nakakatanggap ng pagpapala mula sa Diyos.

Noon din nagpatuloy sa pagbabahagi si Sister Feng, sinasabing, “Ang pangangaral ng ebanghelyo ay isang bagay na palaging kapuri-puri at naaalala ng Diyos, at ang pinakadakilang gawain ng kabutihan at katuwiran ba magagawa ng isang tao. Gayunman ay nakakatanggap pa rin iyon ng paghatol at paninirang-puri ng CCP. Bakit ganoon? Tulad ng nalalaman ng lahat, ang CCP ay isang samahan ng mga hindi naniniwala sa Diyos, at ito ay isang satanikong rehimen na kinamumuhian at lumalaban sa Diyos. Kaya paano nito hahayaang maniniwala ang mga Tsino sa Diyos at sumunod sa tamang landas? Mula nang magkaroon ng kapangyarihan ang CCP, hayagan nilang binansagang mga kulto ang Kristiyanismo at Katolisismo, tinawag nitong libro ng mga kulto ang Bibliya, at inalis ang maraming kopya ng Bibliya at sinunog ang mga ito. Binansagan din nito ang maraming mga bahay-iglesia bilang samahan ng mga kulto at inusig, pinigilan at pinagbawalan ang mga ito. Marami na sa mga dayuhang misyonaryo ang pinaalis nila sa bansang Tsina, at walang-habas na inaresto, ikinulong, pilit binago at paulit-ulit na sinaktan ang hindi mabilang na mga Kristiyano at mga Katoliko.

pang-uusig ng gobyerno ng CCP sa mga Kristiyano

“Dahil ang Kristo ng mga huling araw—Ang Makapangyarihang Diyos—ay nagpakita at sinimulan ang Kanyang gawain sa Tsina noong 1991, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay mabilis na lumago. Hindi lamang naitatag sa bawat probinsiya ng Tsina Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos kundi pati na rin ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos ay mabilis ring kumalat maging sa ibang bansa. Parami nang parami sa mga taong naghahangad ng pagpapakita ng Diyos ang nagsasaliksik sa gawain ng Diyos ng mga huling araw, at nagiging matatag na rin ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa iba’t ibang bansa, paisa-isang bansa. Samakatuwid, Ang CCP, ay galit na galit na pinipigilan at inusig ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kung may mga kapatid na Tsino sa kabisera ang naniniwala sa Diyos o nangangaral ng ebanghelyo, kung gayon ay nanganganib silang maaresto, usigin at pagmalupitan ng CCP. Hanggang ngayon, maraming mga kapatid sa kabisera ng Tsina ang napilitang tumakas sa kanilang mga tahanan. Ilan sa mga naaresto ng CCP ay isinailalim sa malupit na pagpapahirap, ang iba ay hinatulan at ikinulong, at ang ilan ay nalumpo o namatay bilang resulta ng pambubugbog sa kanila. Libu-libong mga Kristiyano ang hindi na makauwi sa kanilang tanahan, at ang kanilang pamilya ay nagkalat at nawasak. Hindi lamang iyon, walang habas na gumagawa ng mga kuwento ang CCP upang magkaroon ng alitan sa pagitan ng mga Kristiyano at kanilang pamilya. Binabantaan at tinatakot pa ng CCP ang mga miyembro ng pamilya ng mga Kristiyano at ipinagkakait sa kanila ang kanilang karapatang mabuhay upang usigin nila ang mga Kristiyano sa kanilang pamilya, kaya naman maraming pamilya ang nawasak. Ipinakikita lamang ng mga katotohanang ito na ang CCP ay masamang pinuno na nagdudulot ng pagkawasak ng pamilya ng mga Kristiyano!

“Hindi lamang inaaresto at inuusig ng CCP ang mga Kristiyano, ngunit ginagamit din nito ang internet at media upang ipahayag ang lahat ng uri ng kasinungalingang para siraan, alipustahin, at dungisan ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. At ano ang kanilang layunin at intensiyon sa paggawa nito? Ang nais ng CCP ay lokohin ang lahat ng mga tao sa mundo, upang dayain at linlangin ang lahat ng mga hindi nakakaintindi sa katotohanan na lumaban, matakot at mag-ingat laban sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa pagtatangkang patigilin ang mga tao mula sa pagsasaliksik at pagtanggap sa tunay na landas, upang mawala sa mga tao ang pagkakataon na makamit ang tunay na pagliligtas ng Diyos! Bukod dito, alam din ng CCP na Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, na ipinahayag ng Kristo ng mga huling araw—ang Makapangyarihang Diyos—ay naglalaman ng katotohanan, at na sinuman ang makabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, ay mauunawaan nila ang masamang diwa nilang lumalaban sa Diyos at napopoot sa katotohanan, at kanilang tutuligsahin at tatanggihan ang CCP. At kapag nangyari iyon, ang mabangis nitong ambisyon, ang pagnanais nito na malinlang at maloko ang mga tao sa mundo at kontrolin ang buong mundo ay mawawasak. Ang lahat ng klase ng kasamaang ginagawa ng CCP ay nagpapakita lamang sa atin na ang diwa nito ay diwa ni Satanas, at ito ay ang mapang-aping lumalaban sa Diyos at nilalamon ang tao, kung saan nagpapatunay lamang sa propesiya mula sa Biblia na sinasabing ‘At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan(Pahayag 12:9). Sa simula pa lang nagsalita na ng mga kasinungalingan ang Demonyo upang linlangin ang tao at upang itakwil ng tao ang Diyos at sa halip ay sumunod dito. Kailangan nating maunawaan ang diwa ng CCP, dahil noon lamang tayo nito hindi malilinlang!”

Dahil sa pagbabahagi ng kapatid ay nakita ko ang liwanag. Hindi iniiwan ng mga Kristiyano ang kanilang pamilya. Sa halip, ang galit na pag-aresto at pang-uusig ng gobyerno ng CCP sa mga Kristiyano ang siyang dahilan ng kanilang sapilitang paglisan sa kanilang mga tahanan, hindi nagagawang makabalik. Ang CCP ang masamang pinuno na siyang sumisira sa mga pamilya, ngunit binabaligtad nila ang mga bagay at sinasabi na ang mga Kristiyano ang nag-aabandona sa kanilang pamilya. Tunay na masama ang CCP! Naintindihan ko rin na ang CCP ay hindi lamang pumipigil at nang-uusig sa mga kapatid na Tsino sa kabisera sa kanilang pananampalataya sa Diyos at pagsunod sa Diyos, kundi ginagamit din nila ang internet sa pagpapalaganap ng mga sabi-sabi at iba’t ibang uri ng maling pananampalataya at mga kamalian nang sa gayon ay malinlang ang lahat ng mga tao sa mundo, dahil noon ay walang magtatangkang maghanap o magsaliksik ng tunay na landas. Ang mga miyembro ng pamilya na hindi nauunawaan ang katotohanan ay hinihimok din ng CCP upang hadlangan ang mga Kristiyano sa pananampalataya sa Diyos, at ginagawa ito ng CCP upang subukang ilayo sila at ipagkanulo ang Diyos at mawalan sila ng pagkakataong matanggap ang totoong pagliligtas ng Diyos. Noon ko lamang naunawaan na ang CCP ay hadlang at sagabal sa ating landas ng pananampalataya sa Diyos! Naisip ko na sa sampung taon at higit pa na pagmamahalan naming mag-asawa, ngunit ngayon, dahil nalinlang siya ng mga kasinungalingan ng CCP, sinubukan niya akong pilitin na isuko ang aking pananampalataya sa Diyos at naghatid ng alitan sa aming pamilya. Kung hindi ko nakita ang diwa ng mga kasinungalingang iyon, kung gayon ay mapipigilan ako ng aking asawa at tuluyang mawawala ang pagliligtas ng Diyos! Noon din ay nagpasya ako, na kahit ano mang gawin ng aking asawa para ako ay hadlangan sa pananampalataya sa Diyos sa hinaharap, mananatili pa rin akong nananampalataya at sumusunod sa Diyos!

Nagbalik ang Temptasyon at ang Aking Asawa ay Nagbanta ng Diborsyo

Pagkatapos, kahit na ang aking asawa ay hindi humadlang sa aking paniniwala sa Makapangyarihang Diyos sa hayagang paraan, paminsan-minsan ay pinagsasabihan niya ako sa pamamagitan ng pagpapahiwatig. Sa tuwing nakikita niya akong dumadalo sa mga partikular na pagtitipon, naiinis siya sa akin at hindi niya ako kikibuin. Maghahanap siya ng mga mali upang kami ay mag-away, at sinabi lalo naming hindi nauunawaan ang isa’t isa, at lalo naming hindi nauunawaan ang sinasabi ng isa’t isa. Sinabi rin niya na kung ipagpapatuloy ko ang pananampalataya ko sa Diyos, hihiwalayan niya ako. Noong marinig ko ang sinabi niya, sumama nang husto ang loob ko. Naisip ko kung gaano pa kabata ang aming anak, at kung paanong tumatanda na ang aking mga magulang at hindi na maganda ang kanilang kalusugan. Kung hiniwalayan talaga ako ng aking asawa, paano ko sila maaalagaan nang mag-isa? Ngunit kung hindi man kami naghiwalay, patuloy pa rin akong hadlangan ng aking asawa at hindi ako papayagang manampalataya sa Diyos. Naiipit ako at ang aking puso ay nalito at mahina.

Wala akong ibang magagawa kundi ang manalangin muli sa Diyos: “O Diyos! Nais ngayon ng aking asawa na makipaghiwalay sa akin dahil sa paniniwala ko sa Iyo. Kakaunti ang aking pananampalataya at ako ay mahina, gayunman ay hindi ko nais na gumawa ng anumang bagay na magiging sanhi ng Iyong kalungkutan. Humihingi ako sa Iyo ng tulong, bigyan mo ako ng pananampalataya at lakas, at gabayan mo ako sa sitwasyong ito.” Pagkatapos kong manalangin, Naisip ko noong si Job ay makatagpo ang mga panunukso ni Satanas. Ang lahat ng kayamanan at pag-aari ng kanyang pamilya ay kinuha ng mga magnanakaw, ang buhay ng kanyang mga anak ay kinuha, ang buong katawan niya ay nabalot ng masasakit na bukol, at kahit ang kanyang asawa ay sinalakay siya, ang sabi sa Job 2:9 “Namamalagi ka pa ba sa iyong pagtatapat? itakuwil mo ang Dios, at mamatay ka.” Nang makatagpo si Job ng mga tukso ni Satanas, hindi lamang siya hindi nahulog sa mga pakanang panlilinlang ni Satanas, ngunit sinaway din niya ang kanyang asawa, sinasabing “Ikaw ay nagsasalita na gaya ng pagsasalita ng hangal na babae. Ano? tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Dios? at hindi tayo tatanggap ng masama?” (Job 2:10). Nawala man ang lahat kay Job, patuloy pa rin siyang naniwala na ang lahat nang bagay ay nasa kamay ng Diyos, at kahit anumang pagsubok ang ibigay sa kanya ng Diyos, mananatili siyang isang nilikhang nilalang at pinupuri ang Lumikha. Hindi nawala ang kanyang pananampalataya sa Diyos, ngunit naghatid ng pumapailanlang at magandang patotoo, kaya naman napahiya at natalo si Satanas. Ang sitwasyon ko ngayon ay katulad ng panunukso ni Satanas; ginagamit lamang ni Satanas ang aking asawa upang magbanta sa akin ng hiwalayan nang sa gayon ay mapilitan akong isuko ang tunay na landas, at nahulog ako sa pagiging negatibo at kahinaan—hindi nga ba ako tiyak na nahulog sa mga panlilinlang na pakana ni Satanas? Wala ba akong tunay na pananampalataya sa Diyos? “Ang Diyos ang Lumikha at ako ay isang nilikhang nilalang,” Naisip ko. “Ang maniwala sa Diyos at sumamba sa Diyos ay kautusan ng langit at isang prinsipyo sa lupa, at ito ang totoong landas sa buhay. Susunod Ako sa Diyos ano man ang mangyari!” Iniisip ito, nagpasya ako na tularan si Job, at nagpasya akong paluguran ang Diyos. Pagkatapos ay naisip ko kung paano pinangangasiwaan ng Diyos ang langit at lupa at ang lahat ng mga bagay at ang buong pagkatao ko ay nasa mga kamay ng Diyos, kasama na ang aming kasal. Ano pa man ang kalabasan ko sa akin sa huli, nais kong magpasakop sa soberanya at pagsasaayos ng Diyos, na hindi maloko ni Satanas, at magpatotoo para sa Diyos!

Nagdesisyon Akong Paluguran ang Diyos at Nasaksihan Ko ang mga Gawain ng Diyos

Nang maintindihan ko ang kalooban ng Diyos, natagpuan ko ang pananampalataya at ang lakas ng loob na magpatotoo at paluguran ang Diyos. Kung pilit akong papipiliin ng aking asawa na mamili sa pagitan ng aking pamilya at sa pananampalataya ko sa Diyos, kung gayo’y mas pipiliin ko na kami ay maghiwalay at manatiling sumusunod sa Diyos. Nang maglaon, mahinahon kong sinabi sa aking asawa, “Mahal ko ang pamilyang ito, ngunit hindi ko maaaring isuko ang pananampalataya ko sa Diyos. Gusto mong isuko ko iyon ngunit hindi ko kaya. Kung talagang nais mo akong hiwalayan, kung gayon ay handa akong ibigay iyon sa iyo. Kahit ayaw ko talagang makipaghiwalay, nalinlang ka ng mga kasinungalingan ng CCP at hindi mo malaman kung ano ang totoo at kung ano ang hindi, at ginagamit mo ang diborsyo para pilitin ako, kaya wala akong mapagpipilian.” Matapos kong magsalita, napaka-kalmado at payapa ng aking pakiramdam.

Kinabukasan, nagpasa ako ng papeles para sa diborsyo. Sa gulat ko, nagpakumbaba ang aking asawa at mahinanon akong kinausap. “Hindi ko inasahan na ikaw ipipilit mo ang pananampalataya mo sa Makapangyarihang Diyos, kaya ngayon ay talagang nakumbinsi mo ako. Maaari kang manampalataya sa Makapangyarihang Diyos, hindi na kita hahadlangan muli.” Naririnig siyang sinasabi ito, alam ko na ito ay gawa ng Diyos at nagpasalamat ako sa Kanya ng tahimik sa aking puso. Nakita ko na, nang magkusa akong nanalig sa Diyos at nagpatotoo, napahiya si Satanas. Kung kaya’t, minsan pang nagpatotoo ako sa aking asawa sa intensyon ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan, at ibinahagi ko sa kanya ang mga diwa ng mga bulung-bulungan ng CCP at ang bunga ng paniniwala sa ganoong uri ng kasinungalingan. Hindi inaasahan, sa pagkakataong ito, hindi pinabulaanan ang aking asawa ang aking sinasabi, kundi tahimik lamang na nakinig. Matapos ang araw na iyon, hindi na nabanggit muli sa akin ng aking asawa ang tungkol sa diborsyo, at hindi na siya nakikipag-away sa’kin kapag nakikita niya akong dumadalo sa mga pagtitipon sa iglesia.

Isang araw, makalipas ang tatlong buwan, nag-uusap kaming mag-asawa tungkol sa pananampalataya, bigla niyang sinabi sa akin, “Mula nang sabihin mo sa akin ang tungkol sa pahayag na ‘Ang taong naniniwala sa Makapangyarihang Diyos ay iniiwan ang kanilang pamilya’ ay isang kasinungalingan lamang na pinalabas ng CCP, inoobserbahan ko ang inyong iglesia at palihim na nanuod ako ng mga pelikula ng iyong iglesia, lalo na iyong mga pelikula tungkol sa kung paano inuusig ng CCP ang mga Kristiyano. Matapos ko lamang mapanuod ang pelikulang iyon ay saka ko naintindihan na kayong mga mananampalataya sa Makapangyarihang Diyos ay hindi inaabandona ang inyong mga pamilya, ngunit sa halip ay ang pag-aresto at pag-uusig sa inyo ng CCP ay naging dahilan upang ang maraming tao sa inyong iglesia ay umalis sa kanilang tahanan upang makatakas sa pang-aaresto. At upang maitago ang mga masasamang gawaing ito ng pag-uusig sa mga relihiyosong paniniwala at pagkait sa mga tao ng kanilang karapatang pantao, ipinipilit ng CCP na ang mga nananalig sa Makapangyarihang Diyos ang nangiiwan sa kanilang pamilya. Ito ay bulung-bulungan at paninirang-puri, ganoon ka-simple! Sa tingin ko naiintindihan ko na ngayon na hindi nararapat na basta na lamang maniwala ang isang tao sa sinasabi ng Partido ng Komunistang Tsino, at nagpasya ako na pumunta sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at saliksikin iyon mismo.” Sa mga salita ng aking asawa, minsan ko pang nasaksihan ang kamangha-manghang mga gawa ng Diyos. Ang aking puso ay naantig sa sobrang init ng pag-ibig sa akin ng Diyos, at wala akong masabi kung gaano ka saya ang aking kalooban. Pagkatapos noon, sa pamamagitan ng panahon ng paghahanap at pagsasaliksik, natanggap rin ng aking asawa ang gawain ng Diyos ng mga huling araw at nagsimula na rin siyang dumalo ng mga pagtitipon.

Nang maglaon, nabasa ko sa salita ng Diyos: “Sa Aking plano, si Satanas ay laging nakasunod sa bawat hakbang, at, bilang kalaban ng Aking karunungan, ay laging nasubok na maghanap ng mga daan at paraan upang gambalain ang Aking orihinal na plano. Ngunit makasusuko ba Ako sa mapanlinlang na pamamaraan nito? Ang lahat ng sa langit at ng sa lupa ay naglilingkod sa Akin—maaari bang ang mapanlinlang na pamamaraan ni Satanas ay may anumang pagkakaiba? Ito mismo ang pinagsangahan ng Aking karunungan, at ito mismo ang kamangha-mangha sa Aking mga gawa, at ito ang prinsipyo kung saan ang Aking buong plano ng pamamahala ay isinasakatuparan. Sa panahon ng pagtatayo ng kaharian, hindi Ko pa rin iniiwasan ang mapanlinlang na pamamaraan ni Satanas, ngunit patuloy pa rin sa gawain na dapat Kong gawin. Sa lahat ng bagay sa sanlibutan, napili Ko na ang mga gawa ni Satanas bilang Aking hambingan. Hindi Ko ba ito karunungan? Hindi ba ito mismo ang kamangha-mangha tungkol sa Aking gawain?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 8).

Naantig muli ang aking puso sa mga salita ng Diyos, at ipinaunawa nila sa akin na ang mga salita ng Diyos ay ginagawa batay sa mga panlilinlang ni Satanas. Ginagamit ng Diyos si Satanas bilang isang palara, at sa pamamagitan ng paggambala na dulot ni Satanas, hinahayaan ng Diyos na magkaroon tayo ng pagkaunawa, gayundin ang paglago sa ating buhay. Iniisip ang panahong iyon, noon sinubukan akong pigilan ng aking asawa sa pananampalataya ko sa Diyos dahil siya ay nalinlang ng mga kasinungalingan ng CCP, bagaman nagdusa ako ng kaunti dahil sa sitwasyong iyon at nakaranas ng panghihina at pagiging negatibo, dahil sa pagbabahagi sa mga salita ng Diyos ng aking mga kapatid, naunawaan ko ang tunay na diwa ng CCP; ito ay isang sagabal sa landas para na tinatahak natin habang nagbabalik-loob tayo sa Diyos, at higit pa doon ay isa itong mitsa na nagpapasiklab ng away sa pamilya, at hindi ko mapigilang mamuhi doon. Sa buong labanang ito ng espiritu, nakakaramdam ako ng pagiging negatibo at kahinaan, tanging sa pamamagitan ng pagtawag sa Diyos at sa kaliwanagan at sa gabay ng mga salita Diyos ay nakaya kong malampasan ang mga tukso ni Satanas at tumindig para magpatotoo sa Diyos. Dahil nakaligtas sa labanang ito, aking napahalagahan ang katapatan ng Diyos, at tunay kong naramdaman na ang Diyos ay nasa tabi natin at sumusuporta sa tuwing kailangan natin Siya. Hangga’t nananalig tayo at masigasig nating hinahanap ang Diyos, kung gayon ay kasama natin ang Diyos. Lalo pang lumaki ang pananampalataya kong sumunod sa Diyos, at naging mas handa pa akong ilaan ang kung ano pa mang natitirang oras sa buhay ko sa pagsunod sa katotohanan at pagsunod sa Diyos hanggang sa huli! Salamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Nawala at Natagpuang Muli

Ni Xieli, Estados Unidos Nagpunta ako sa U.S.A. upang magtrabaho nang husto hanggang sa abot ng makakaya ko sa paghahangad ng isang...

Bilanggo ng Sarili Kong Pamilya

Ni Jingxun, Thailand Tinanggap ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw noong 2019. Sa pagbabasa ng salita ng Diyos, nakita ko kung paano...