Kaya Mo Ba Talagang Salubungin ang Panginoon Sa Pagtingin sa Langit?

Pebrero 4, 2021

Ni Jin Cheng, South Korea

Kaya Mo Ba Talagang Salubungin ang Panginoon Sa Pagtingin sa Langit?

Napakaraming naghihintay sa Panginoong Jesus na bumaba sakay ng ulap para madala sa kaharian ng Diyos bago ang kalamidad. Pero sa buong panahong ito habang pinapanood nilang dumami ang kalamidad, hindi pa rin dumarating ang Panginoong Jesus. Maraming nayanig ang pananampalataya. Sinasabi ng ilan na kung kailan darating ang Panginoon ay Siya lamang ang nakakaalam, at kailangan lamang nating maghintay. Sinasabi ng ilan na kung hindi Siya darating bago ang mga sakuna, maaari Siyang dumating sa gitna o pagkatapos ng mga iyon. Ano’ng ipinapakita ng mga pahayag na ito? Hindi ba’t napakababa ng kanilang pananampalataya? Nawalan na sila ng pananampalataya, at hindi sila nagsisiyasat, sa halip ay naghihintay lamang sa mga kalamidad. Hindi na alam ang gagawin. Ilang taon na silang nakatingin sa langit pero hindi pa rin nila sinasalubong ang Panginoon. Iyon ba talaga ang tamang paraan? Ano’ng pinakaimportante sa pagsalubong sa Panginoon? Naalala ko ang sinabi ng Panginoong Jesus: “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig(Juan 10:27). “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko(Pahayag 3:20). At maraming beses itong nahulaan sa Pahayag: “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia(Pahayag mga Kapitulo 2, 3). Ipinapakita ng mga talatang ito na ang susi sa pagsalubong sa Panginoon ay ang hanapin ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia at pakinggan ang tinig ng Diyos. Ang nakakarinig sa boses ng Diyos ay sumasalubong sa Panginoon, ang matatalinong dalaga. Hindi ko naintindihan ang katotohanan na ito noon sa halip, sinunod ko ang aking pagkaunawa, nakatingin lang sa langit. Nung narinig kong may nagpatotoo na bumalik na ang Panginoong Jesus at nagpahayag ng maraming katotohanan, hindi ko ‘to hinanap o sinuri, at muntik na akong mawalan ng pagkakataong salubungin ang Panginoon at madala.

Sa dati kong simbahan, laging ikinukwento ng pastor ang tungkol sa Mga Gawa 1:11: “Kayong mga lalaking taga-Galilea, bakit kayo’y nakatayong nakatingala sa langit? Ang kaparehong Jesus na ito, na kinuha mula sa inyo patungong langit, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon Niya sa langit.” Sabi niya, ang Panginoon ay darating sakay ng ulap sa Kanyang pagbabalik kaya kailangan nating maging alerto at magdasal para salubungin ang Panginoon. Tinitiyak kong nagbabasa ako ng Biblia at nagdadasal araw-araw, umaasa na darating ang Panginoon sakay ng ulap at iaakyat ako sa Kanyang kaharian isa sa mga araw na ‘to.

Isang araw, pumunta ako sa bahay ng isang kaibigan habang nasa gitna siya ng isang Chinese medicine physiotherapy treatment. Sa aming pag-uusap, nalaman ko na ang physiotherapist niyang si Mr. Zhang ay Kristiyano, kaya napunta ang pag-uusap namin sa Biblia. May nabanggit si Brother Zhang tungkol sa gawain ng Diyos ng mga huling araw at binanggit ang talata sa Biblia: “Sapagka’t ang Ama’y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob Niya sa Anak ang buong paghatol(Juan 5:22). At sinabi niya sa akin, “Ang Panginoong Jesus ay nagbalik na bilang Makapangyarihang Diyos. Dumating Siya sa katawang-tao at nagpapahayag ng mga katotohanan para sa gawain ng paghatol.” Nung narinig ko na bumalik na ang Panginoon, nasabik at nabigla ako, inisip ko, “Kamangha-mangha na ang Panginoong Jesus ay bumalik na! Araw-araw kong hinihintay ang araw na ito sa loob ng maraming taon—sa wakas ay bumalik na Siya!” Pero nung masaya na ako bigla kong naalala na “sa katawang-tao” ang sinabi ni Brother Zhang. Biglang lumakas ang kabog ng puso ko dahil palaging sinasabi ng mga pastor na ang Panginoon ay paparito sakay ng ulap, na anumang balita tungkol sa Kanyang pagdating nang nasa katawang-tao ay hindi totoo, at hindi dapat kami magpadala. Naging maingat ako kay Brother Zhang. Matagal na akong mananampalataya at maraming beses nang nabasa ang Biblia pero wala pa akong nakita na kahit anong tungkol sa pagbabalik ng Panginoon sa katawang-tao. Kaya sabi ko sa kanya, “Paanong naging posible na bumalik ang Panginoon sa katawang-tao? Sinasabi sa Mga Gawa1:11: ‘Kayong mga lalaking taga-Galilea, bakit kayo’y nakatayong nakatingala sa langit? Ang kaparehong Jesus na ito, na kinuha mula sa inyo patungong langit, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon Niya sa langit.’ At sinasabi ng Pahayag 1:7: ‘Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya.’ Makikita natin sa mga talatang ito na umalis ang Panginoon sakay ng ulap, kaya pagparito Niya, darating din Siyang nasa ulap. Ang pagsasabi mo na bumalik ang Panginoon sa anyong katawang-tao ay sumasalungat sa mga propesiya ng Biblia.”

Ngumiti siya at sinabi sa akin, “Kapatid, binabanggit nga sa Biblia na ang Panginoon ay paparito nang nasa ulap, pero hindi lamang iisa ang propesiya tungkol sa kung papaano paparito ang Panginoon. Marami ring mga propesiya tungkol sa sikretong pagparito Niya nang nasa katawang-tao bilang Anak ng tao sa mga huling araw.” Nagbanggit siya ng iba pang mga talata: “Paririyan Akong gaya ng magnanakaw(Pahayag 3:3). “Nguni’t tungkol sa araw o oras na iyon ay walang taong nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama(Marcos 13:32). “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalaki! Magsilabas kayo upang salubungin Siya(Mateo 25:6). Meron ding “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito(Lucas 17:24–25). Pagkatapos ay nagbahagi siya sa mga talatang ito ng Biblia, “sinasabing ang mga propesiya na nagbabanggit ng ‘gaya ng magnanakaw’ at ‘walang nakakaalam’ ay nangangahulugan na palihim na darating ang Panginoon nang walang nakakaalam tungkol dito, walang makakakilala sa Kanya kahit na makita nila Siya. Binabanggit din ng mga propesiya ‘ang Anak ng tao’ at ang pagparito ng Anak ng tao. Anumang pagtukoy sa ‘Anak ng tao’ ay nangangahulugan na Siya’y ipinanganak ng tao, may laman at dugo at nagtataglay ng normal na katauhan. Ang Panginoong Jesus ay tinatawag na Cristo, ang Anak ng tao. Mula sa panlabas ay kamukha lang siya ng kahit sino. Namuhay Siya gaya ng isang ordinaryong tao kasama ang ibang tao. Kung ito ang Espiritu ng Diyos o ang espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus, di Siya tatawaging ‘ang Anak ng tao.’ Kaya ang pagbabanggit sa pagparito ng Anak ng tao ay nangangahulugan na ang Panginoon ay bumabalik sa katawang-tao. Ang pagdating ng Panginoon nang nasa ulap ay magiging kahanga-hangang pagpapakita na gigimbal sa mundo. Ang lahat ay luluhod sa lupa’t walang magtatangkang kumalaban sa kanya. ang propesiya ng Panginoon: ‘Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito.’ Pa’no matutupad iyon? Ang Diyos ay maaari lamang magdusa’t itakwil ng henerasyong ito kung magpapakita’t gagawa Siya sa katawang-tao bilang Anak ng tao. Tulad na lang nung nagpakita’t gumawa ang Panginoong Jesus. Ang mga hindi nakarinig sa tinig ng Diyos at hindi nakakilala sa banal na diwa ng Panginoong Jesus ay kumapit sa kanilang mga pagkaunawa, kinukundena Siya. Sa huli ay ipinapako nila Siya sa krus. Kaya kapag binabanggit ng mga propesiyang ito ang pagdating ng Anak ng tao, ‘gaya ng magnanakaw,’ at ‘matanggihan ng henerasyong ito,’ lahat iyo’y tumutukoy sa pagbabalik ng Panginoon sa katawang-tao, nang palihim bilang Anak ng tao.” Talagang kagulat-gulat para sa akin ang pagbabahaging ito. Hindi ko naisip na napakaraming propesiya sa Biblia tungkol sa pagbabalik ng Panginoon upang gumawa bilang Anak ng tao. Naisip ko, “Pa’nong ‘di ko ito nakita matapos basahin ang Biblia nang maraming beses? Bakit ‘di ito nabanggit ng mga pastor sa kahit na anong usapang Biblia nila?” Hindi nila iyon pinag-uusapan kailanman. Inaamin ko na ang ipinangaral ni Brother Zhang ay marangal at mayro’n siyang kakaibang pagkakaunawa sa Biblia na ‘di mapapabulaanan. Pero naisip ko kung paanong sinasabi nga sa Biblia ang tungkol sa pagparito ng Panginoon nang nasa ulap at kung pa’nong palaging sinasabi ng mga pastor na anumang naiiba rito ay hindi totoo. Naisip kong alam na alam nila ang Biblia, kaya imposibleng magkamali sila ng pagkakaintindi. Gayunpaman, ang pagbabahagi ni Brother Zhang ay alinsunod sa Biblia. Hindi ko talaga alam kung anong iisipin. Hindi ko talaga maintindihan iyon at habang iniisip ko iyon ay lalo akong naguguluhan. Huminto ako sa lubusang pakikinig sa kanyang pagbabahagi at nakahanap ako ng dahilan para umalis.

Umuwi ako pero hindi pa rin ako mapalagay. Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ko ang pagbabahagi ni Brother Zhang. Nag-alala ako: “Kung talagang bumalik na ang Panginoon at hindi ko ito siniyasat, hindi ba’t mapapalagpas ko ang pagkakataon na salubungin Siya?” Pero naisip ko ang tungkol sa sinasabi ng Biblia na paparito Siya nang nasa ulap at sinasabi rin ito ng mga pastor. Natatakot akong maligaw sa aking pananampalataya. Alam kong ‘di ito maliit na bagay. Ilang beses akong inimbita ni Brother Zhang sa kanyang simbahan pagkatapos noon. Naguguluhan ako at hindi makapagpasya. Nauwi ako sa pagdadahilan na may kung anong dumating sa bahay, pero pakiramdam ko’y hindi iyon alinsunod sa kalooban ng Panginoon at hindi ako panatag. Nagdasal ako sa Panginoon, hinihingi sa Kanya na bigyan ako ng pang-unawa at gabayan ako. Sa gulat ko, pumunta si Brother Zhang sa bahay ko maka-ilang araw para makita ako. Nakonsensya ako tungkol sa ginawa kong pagtanggi at pagdadahilan kay Brother Zhang nang ilang beses, kaya sinabi ko sa kanya ang aking problema. Sabi ko, “Brother Zhang, ‘yung sinabi mo nung nakaraan tungkol sa lihim na pagbabalik ng Panginoon sa katawang-tao bilang Anak ng tao ay mukhang sumasang-ayon sa Biblia, pero meron akong hindi maintindihan. Malinaw na sinasabi ng Biblia na ang Panginoon ay babalik sakay ng ulap. Sinasabi sa Pahayag ‘Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya(Pahayag 1:7). Kung bumalik ang Panginoon sa katawang-tao gaya ng sinasabi mo, papa’no matutupad itong propesiyang tungkol sa pagparito Niya nang nasa ulap at nakikita Siya ng lahat? Hindi ba’t magkasalungat iyon?”

Ngumiti si Brother Zhang at sinabi bilang tugon, “Ang lahat ng mga propesiya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon ay matutupad. Walang magkasalungat. May pagkakasunod-sunod lamang ng mga pangyayari. Palihim munang nagkakatawang-tao ang Diyos bilang Anak ng tao at pagkatapos ay hayagang nagpapakita nang nasa ulap. Habang ang Diyos ay lihim na gumagawa nang nasa katawang tao nagpapahayag Siya ng katotohanan para gawin ang paghatol simula sa bahay ng Diyos. Yung mga nakakarinig sa tinig Niya’t tinatanggap ang Kanyang gawain ay ang mga matatalinong dalaga na itinataas sa harap ng Kanyang trono. Tinatanggap nila ang paghatol at ginagawa silang mananagumpay ng Diyos bago ang mga kalamidad. gagantimpalaan Niya ang mabuti at parurusahan ang masama sa gitna ng sakuna. Matapos ang sakuna, hayagan Siyang magpapakita nang nasa ulap pagkatapos ay makikita ng lahat ng kumundena kay Cristo ng mga huling araw na ang Makapangyarihang Diyos na kanilang kinondena ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Hahampasin nila’ng kanilang dibdib, tatangis, at pagngangalitin ang ngipin. Isasakatuparan noon ang propesiya sa Pahayag: ‘Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya(Pahayag 1:7).” At binasa niya ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. “Maraming taong walang pakialam sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ng sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sakay ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyon ng matinding katuwaan sa iyo, subalit dapat mong malaman na ang sandali na nasasaksihan mong bumababa si Jesus mula sa langit ay ang sandali rin ng pagbaba mo sa impiyerno para maparusahan. Iyon ang magiging panahon ng pagwawakas ng plano ng pamamahala ng Diyos at ito ay kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga tanda ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga tanda, at sa gayon ay napadalisay na, ay nakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at nakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na ‘Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo’ ang sasailalim sa walang-hanggang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga tanda, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng matinding paghatol at nagpapalabas ng tunay na daan at buhay. Kaya nga maaari lamang silang harapin ni Jesus kapag hayagan Siyang nagbabalik sakay ng puting ulap. … Ang pagbabalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga may kakayahang tanggapin ang katotohanan, ngunit para sa mga hindi nagagawang tanggapin ang katotohanan ito ay isang tanda ng pagsumpa. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at tanggihan ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging mangmang at mapagmataas, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa). Pagkabasa ng ang mga salita ng Diyos, sinabi ni Brother Zhang, “Kapag naghihintay sa pagdating ng Panginoon, kailangan nating maging mga matatalinong dalaga at makinig sa tinig ng Diyos. Ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol at ipinapahayag lahat ng katotohanang nagliligtas sa sangkatauhan. Kailangan nating hanapin at siyasatin ito, at basahin ang mga salita Niya para malaman kung iyon ang totoo, kung iyon nga ba ang tinig ng Diyos. Di pwedeng basta na lang umasa sa ‘ting pagkaunawa rito. Ang mga Pariseong Hudyo ay umasa sa kanilang mga pagkaunawa bulag na naghihintay para sa Mesias at hindi naghanap ng mga katotohanang ipinahayag ng Panginoong Jesus. Kinakalaban at kinukundena nila Siya at ipinapako sa Krus. Nagkasala sila sa disposisyon ng Diyos at isinumpa Niya. Kung susundin natin ang ating pagkaunawa kapag sinisiyasat ang pagbabalik ng Panginoon, ipinipilit na dapat sakay Siya ng ulap, at ‘di totoo pag naiba at sumusunod sa ministro para kundenahin ang gawain ng Diyos mauulit natin ang pagkakamali ng mga Fariseo’t makakagawa ng kasalanan. Maaari tayong tumangis pero magiging huli na ang lahat.”

Naunawaan ko na ang pagdating ng Panginoon ay nagaganap sa mga yugto. Ginagawa muna Niya ang gawain ng paghatol sa katawang-tao at gumagawa ng mga mananagumpay, pagkatapos ay hayagan Siyang darating sakay ng ulap. Ang mga propesiya ng pagdating ng Panginoon ay matutupad lahat, sunod-sunod. Sa puntong iyon, pakiramdam ko’y naging hangal at bulag ako. ‘Di ko naintindihan ang Biblia sa tagal ng aking pananampalataya kundi sinunod lamang ang pastor at ang aking mga pagkaunawa. ‘Di ko hinangad na marinig ang tinig ng Panginoon at salubungin Siya, buti’t pinakilos ng Diyos si Brother Zhang para paulit-ulit na magbahagi sa akin. Kung hindi, mapapalagpas ko ang pagbabalik Niya dahil sa pagkapit sa aking mga imahinasyon. Maaalis ako sa huli. Sinabi ko kay Brother Zhang, “Ipinakita sa akin ng iyong pagbabahagi kung gaano karunong at kapraktikal ang gawain ng Diyos. Ang pagparito ng Diyos na nagkatawang tao upang palihim na gumawa ay ang tunay nating kaligtasan. Pero meron pa rin talaga akong hindi maintindihan. Pinatototohanan mo na ang Panginoon ay bumalik nang nagkatawang-tao. Ano ba talaga ang pagkakatawang-tao? Papaano ka makasisiguro na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Diyos sa katawang-tao?”

Binasa sa akin ni Brother Zhang ang ilang sipi ng mga salita ng Diyos. “Ang ‘pagkakatawang-tao’ ay ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao; gumagawa ang Diyos sa gitna ng nilikhang sangkatauhan sa larawan ng katawang-tao. Kaya para magkatawang-tao ang Diyos, kailangan muna Siyang magkaroon ng katawang-tao, katawang-taong may normal na pagkatao; ito ang pinakapangunahing kinakailangan. Sa katunayan, ang implikasyon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay na ang Diyos ay buhay at gumagawa sa katawang-tao, na ang Diyos sa Kanyang pinakadiwa ay nagkatawang-tao, naging isang tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos). “Ang Cristong may normal na pagkatao ay isang katawang-tao kung saan naging totoo ang Espiritu, at nagtataglay ng normal na pagkatao, normal na diwa, at pag-iisip ng tao. Ang ‘maging totoo’ ay nangangahulugan na ang Diyos ay nagiging tao, ang Espiritu ay nagiging tao; para mas malinaw, ito ay kapag nanahan ang Diyos Mismo sa isang katawang may normal na pagkatao, at sa pamamagitan nito ay ipinapahayag Niya ang Kanyang banal na gawain—ito ang ibig sabihin ng maging totoo, o magkatawang-tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos). “Tinatawag na Cristo ang Diyos na nagkatawang-tao, at si Cristo ay ang katawang-taong isinuot ng Espiritu ng Diyos. Hindi katulad ng sinumang tao sa laman ang katawang-taong ito. Ang kaibhang ito ay dahil hindi sa laman at dugo si Cristo; Siya ay ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay kapwa may normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Hindi taglay ng sinumang tao ang pagka-Diyos Niya. Ang normal na pagkatao Niya ang nagpapanatili sa lahat ng normal na gawain Niya sa katawang-tao, habang isinasakatuparan ng pagka-Diyos Niya ang gawain ng Diyos Mismo. Pagkatao man o pagka-Diyos man Niya ito, kapwa nagpapasakop ang mga ito sa kalooban ng Ama sa langit. Ang Espiritu ang diwa ni Cristo, ibig sabihin ay ang pagka-Diyos. Samakatuwid, ang diwa Niya ay ang sa Diyos Mismo; hindi gagambalain ng diwang ito ang sarili Niyang gawain, at hindi Siya posibleng makagawa ng anumang bagay na sisira sa sarili Niyang gawain, ni hindi rin Siya bibigkas ng anumang mga salita na sumasalungat sa sarili Niyang kalooban(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay ang Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Langit).

Pagkatapos ay sinabi ni Brother Zhang, “Bilang mananampalataya, alam nating lahat na ang Panginoong Jesus ay ang Diyos na nagkatawang-tao pero walang tunay na nakakaintindi ng katotohanan tungkol sa pagkakatawang-tao. Ngayon, sa mga huling araw, ibinunyag sa atin ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan at misteryo ng pagkakatawang-tao. Makikita natin mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos na ang pagkakatawang-tao ay Espiritu ng Diyos na nababalutan ng isang karaniwang katawan ng tao dumarating para gumawa kasama ang sangkatuhan. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tulad lamang ng ordinaryong tao. Hindi Siya mukhang kakaiba, kumakain at nabubuhay Siya na tulad ng lahat. May iba’t ibang emosyon din siya tulad ng ordinaryong tao at maaari Siyang lapitan ng mga tao, pero banal ang diwa ng Diyos na nagkatawang-tao. Kaya’t kayang ipahayag ni Cristo ang katotohanan kahit kailan, kahit saan. Ipinapahayag Niya ang disposisyon ng Diyos, karunungan, at kung anong mayroon at kung ano Siya, at ginagawa Niya ang sariling gawain ng Diyos. Ito’y isang bagay na hindi kayang makamit ninuman. Tulad lang ito ng Panginoong Jesus na mukhang lubusang ordinaryo sa panglabas at namuhay Siya ng totoong buhay kasama ang sangkatauhan. Maraming katotohanang ipinahayag ang Panginoong Jesus at binigyan Niya ang tao ng paraan ng pagsisisi. Pinatawad Niya ang mga kasalanan ng tao’t ipinahayag ang disposisyon ng Diyos na kabaitan at habag. Nagpakita rin Siya ng maraming tanda’t kababalaghan, tulad ng pagpapakain ng 5,000 gamit ang limang tinapay at dalawang isda, pagpapakalma ng mga hangin at dagat, pagbuhay ng patay, at marami pa. Lubusang ibinunyag nito ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos. Sa huli, ang Panginoong Jesus ay ipinako para kumpletuhin ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan. Ipinapakita nito na ang gawain at mga salita ng Panginoong Jesus ay gawain at mga salita ng Diyos, na Siya ay Diyos na nasa katawang-tao. Kaya hindi tayo pwedeng tumingin sa anyo para kilalanin ang Diyos na nagkatawang-tao, sa halip ay makinig sa tinig ng Diyos. Kayang ipakita sa atin ng gawain at salita ni Cristo ang katotohanan, ang disposisyon, karunungan, at pagkamakapangyarihan sa lahat ng Diyos, at kung ano ang mayroon at kung ano Siya. Ganyan tayo makasisiguro na ito’y gawai’t salita ng Diyos na nasa katawang-tao.”

Bahagyang nilinaw ng kanyang pagbabahagi ang mga bagay para sa akin. Napagtanto ko na mukhang ordinaryong tao si Cristo, hindi dakila o higit sa karaniwan, pero nasa Kanya ang diwa ng Diyos. Siya’y ang Espiritu ng Diyos na nababalutan ng pangkaraniwang laman. ‘Di ko naintindihan ang mga misteryong ‘to matapos ang mga taon ng pananampalataya.

Ipinagpatuloy ni Brother Zhang ang pagbabahagi: “Ibinubunyag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanan ng pagkakatawang-tao. Kung ‘di sinabi ng Makapangyarihang Diyos ang mga salitang ito sa mga huling araw, maaaring ang tiwaling sangkatauhan ay habang-buhay na naniwala sa Panginoon nang hindi naiintindihan ang katotohanan sa likod ng pagkakatawang tao at walang makakaisip noon. Ang Makapangyarihang Diyos at ang Panginoong Jesus ay iisa. Sa panglabas, pareho silang mukhang karaniwan, parang hindi kakaiba, pero ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos lahat ng katotohanang nagliligtas sa tao at ginagawa Niya ang gawain ng paghatol. Ibinunyag Niya ang mga misteryo ng 6,000-taong plano ng pamamahala ng Diyos ang mga layunin at kabuluhan ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos para iligtas ang tao at ang mga misteryo ng pagkakatawang-tao at mga pangalan ng Diyos, ang kwento sa likod ng Biblia, kung pa’no ginagawang tiwali ni Satanas ang tao, ang katotohanan ng paggawang tiwali ni Satanas sa tao ang pinagmumulan ng mga taong kumakalaban sa Diyos paano ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol para lubusang linisin at iligtas ang sangkatauhan, paano inaayos ng Diyos ang mga tao ayon sa kanilang uri, paano Niya pinagpapasyahan ang hantungan at kalalabasan ng lahat Sa paghatol ng Diyos sa mga huling araw, ibinubunyag Niya ang Kanyang matuwid na disposisyon na walang pinapalampas na pagkakasala.” Sa puntong ito, tinanong ako ni Brother Zhang, “Maliban sa Diyos, sino ang makapagbubunyag ng mga misteryo ng Kanyang plano? Sinong makakapagpahayag ng katotohanan at matuwid na disposisyon ng Diyos? Sinong makakagawa ng paghatol para iligtas ang sangkatauhan una at higit sa lahat?” Sabi ko, “Malinaw na Diyos lamang ang makakagawa noon.” At sumang-ayon siya sa akin, “Diyos lang na nasa katawang-tao ang makakagawa upang iligtas ang tao sa ganoon kapratikal na paraan! Ang gawaing ito ay ginawa ng Diyos na nasa anyo ng katawang-tao bilang ang Anak ng tao. Mas nagbabasa tayo ng mga salita Niya at mas nararanasan natin ang gawain Niya, lalo tayong makasisigurong lahat ng ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay katotohanan at tinig ng Diyos. Ang mga pahayag ng Makapangyarihang Diyos ay sapat na patunay na Siya’y si Cristo ng mga huling araw, ang pagpapakita ng nag-iisang tunay na Diyos!”

Talaga namang nasasabik na ako sa puntong ito. Sabi ko, “Kapatid, ngayon ay naiintindihan ko na na ang pagkakatawang-tao ng Diyos ang pinakamalaking misteryo ng katotohanan! Pangunahing ipinapahayag ng Diyos na nasa katawang-tao ang lahat ng katotohanan at ginagawa Niya ang gawain ng Diyos, kaya importante na makinig tayo sa tinig ng Diyos para salubungin ang Panginoon. Ang sinumang kayang ipahayag ang katotohanan ay ang Diyos na nasa katawang tao. Sa pagkakarinig ng tinig ng Diyos at pagtanggap sa Kanyang bagong gawain, sinasalubong natin ang Panginoon at iniaakyat tayo sa harap ng Panginoon.” Sabi niya, “Ang iyong napagtanto ay lubusang dahil sa kaliwanagan ng Banal na Espiritu.” Binalikan ko ang mga panahon na hindi ko tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos at kinamuhian ko ang sarili ko dahil sa pagiging bulag at hangal ko. Matagal akong naniwala pero ‘di ko pa rin kilala ang Panginoon. Hangal akong naghintay na dumating ang Panginoon sakay ng isang ulap nang hindi sinusubukang pakinggan ang tinig ng Panginoon. Nung may narinig akong nagpatotoo na nagbalik na Siya at ginagawa ang paghatol sa mga huling araw, hindi ko ito pinagtuunan ng pansin. Muntik ko nang pagsarhan ng pinto ang Panginoon. Pagkatapos ay lubusan akong naging sigurado na ang Makapangyarihang Diyos na nagbunyag ng lahat ng mga katotohanang ito ang nagbalik na Panginoong Jesus—Siya ang Diyos na nasa katawang-tao. Talagang nagpapasalamat ako sa Diyos. Hindi sumuko sa akin ang Diyos dahil sa aking pagkasuwail sa halip ay pinakilos niya si Brother Zhang para ibahagi ang ebanghelyo sa ‘kin, para marinig ko ang tinig ng Diyos at sabayan ang mga hakbang ng Cordero. Ito talaga ang walang-hanggang pagmamahal ng Diyos. Salamat sa Makapangyarihang Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman