Kaya Bang Magbukas ng Pinto ng Kaharian ng Langit ang Masigasig na Gawa?

Setyembre 28, 2020

Ni Sheila, Kenya

Ipinanganak ako sa isang relihiyosong Katolikong pamilya. Palaging sinasabi noon ng pari namin dapat naming sundin ang 10 utos ng Diyos, dumalo sa Misa, mahalin ang isa’t isa at gumawa ng mabuti. Sinabi niyang tanging ang mga taong gumawa ng mga ganitong bagay ang mga tunay na deboto. at ‘pag dumating ang Panginoon, dadalhin Niya sila sa kaharian ng langit. Madalas inuulit ko sa sarili ko: “Kailangang lagi kong sundin ang anumang sabihin ng Diyos, aktibong sumali sa mga gawaing mabuti, sundin ang lahat ng panuntunan ng simbahan, para mahalin at paboran ako ng Panginoon nang sa gayon sa Kanyang pagbabalik, pagpapalain Niya ako at dadalhin sa Kanyang kaharian.”

Noong nasa kolehiyo ako, tumigil ako sa pag-aaral para magkaroon ng mas marami pang oras upang magboluntaryo ng serbisyo sa simbahan. Mukhang mga banal ‘yung ibang mga nagsisimba kapag nasa loob ng simbahan, nagdarasal at dumadalo sa Misa, ngunit sa labas ng simbahan, naninigarilyo, umiinom, at pumupunta sila sa mga makamundong kasiyahan. Nainis ako, at inisip ko, “Itinuturo ng Panginoon sa atin na mahalin Siya, na tulungan ang mga nangangailangan, at umiwas sa mga makamundong tukso. Mukhang masigasig na naniniwala sa Panginoon ang mga taong ito ngunit ang totoo, wala talaga silang ginagawang ano man para sa Kanya. Nagnanasa sila at naghahangad ng makamundong kasiyahan. Hindi ba ito taliwas sa mga katuruan ng Panginoon? Hindi ko hahayaang maging katulad nila. Gagawa ako ng mas maraming mabubuting gawain para sa Panginoon upang makapasok sa kaharian ng langit pagdating ng panahon.”

Ngunit sa paglipas ng panahon, napagtanto kong hindi ko rin kayang sundin sa pang-araw araw na buhay ang 10 utos ng Diyos. Sa tuwing makikita kong namumuhay nang masaya at malaya iyong mga mapaghanap ng kasiyahan na mga miyembro ng simbahan samantalang nakikibaka ako sa mga kahirapan, di ko mapigilan ang sariling sisihin ang Diyos. Itinuturo ng Panginoong mahalin ang iba tulad ng pagmamahal natin sa ating mga sarili, ngunit lagi akong naiinggit at nangmamaliit ng mga tao. Napagalitan ako ng pamilya ko sa mga pagkakamali ko, ngunit magdadahilan lang ako, iiwas, at magagalit sa kanila. Tinuturo ng Panginoon na mahalagang maging mapagpakumbaba at mapagpatawad tayo, ngunit hindi ko nasunod alinman dito. Sobra kong naramdaman ang pagiging makasalanan, natakot akong isang deboto ako sa pangalan lang. Nagsimula akong mag-isip: “Bakit hindi ko kailanman mapagtagumpayan ang mga kasalanan ko? Kahit na nangungumpisal ako sa pari tuwing ako’y magkakasala, at gumagawa ng mga kabutihan para mapagtakpan ito, sa huli ginagawa ko pa rin ang parehong kasalanan. Paano pagpapalain ng Diyos ang isang pananampalatayang gaya ng sa akin?” Ngunit naiisip ko naman kung paanong madalas sabihin ng pari sa amin na, kapag nangumpisal kami sa kanya pagkatapos naming magkasala, mapapatawad kami, at hangga’t gumagawa kami para sa Panginoon at patuloy na gumagawa ng mga kabutihan kaaawaan at pagpapalain Niya kami at papapasukin sa Kanyang kaharian. Nakasulat sa Biblia: “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran” (2 Timoteo 4:7–8). Napanatag ako nang mabasa ko ito, Inisip ko na hangga’t dumadalo ako sa Misa, nangungumpisal, at patuloy na gumagawa para sa Panginoon, makakapasok ako sa kaharian ng Diyos. Kaya’t naging abala ako sa paggawa ng mga kabutihan. Bumibisita ako sa mga maysakit at nakakulong, at nagboluntaryo ako sa tahanan ng mga ulila.

Isang araw noong 2017, katulad ng nakagawian ko, nagbukas ako ng Facebook para maghanap ng balita, dito isang talata ang nadiskubre kong isinulat ng isang sister na nagngangalang Betty. “Bagama’t maraming taong naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang kailangan nilang gawin upang makaayon sa kalooban ng Diyos. … Ang ‘paniniwala sa Diyos’ ay nangangahulugan ng paniniwala na mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng konsepto patungkol sa paniniwala sa Diyos. Bukod pa riyan, ang paniniwala na mayroong Diyos ay hindi kapareho ng tunay na paniniwala sa Diyos; sa halip, ito ay isang uri ng simpleng pananampalataya na may matitinding kahulugang pangrelihiyon. Ang ibig sabihin ng tunay na pananampalataya sa Diyos ay ang mga sumusunod: Batay sa paniniwala na ang Diyos ang may kapangyarihan sa lahat ng bagay, dinaranas ng isang tao ang Kanyang mga salita at Kanyang gawain, inaalis ang tiwaling disposisyon ng isang tao, pinalulugod ang kalooban ng Diyos, at nakikilala ang Diyos. Ganitong uri lamang ng paglalakbay sa buhay ang matatawag na ‘pananampalataya sa Diyos.’ Subalit madalas ituring ng mga tao ang paniniwala sa Diyos bilang isang simple at walang-kabuluhang bagay. Nawala na sa mga taong naniniwala sa Diyos sa ganitong paraan ang kahulugan ng maniwala sa Diyos, at bagama’t maaari silang patuloy na maniwala hanggang sa kahuli-hulihan, hindi nila kailanman matatamo ang pagsang-ayon ng Diyos, dahil tumatahak sila sa maling landas. Mayroon pa ring mga naniniwala sa Diyos ngayon ayon sa mga titik at sa hungkag na doktrina. Hindi nila alam na wala silang diwa ng paniniwala sa Diyos, at hindi nila matatanggap ang pagsang-ayon ng Diyos. Nagdarasal pa rin sila sa Diyos para mapagpala ng kapayapaan at sapat na biyaya. Huminto tayo, patahimikin natin ang ating puso, at itanong sa ating sarili: Maaari kaya na ang paniniwala sa Diyos talaga ang pinakamadaling bagay sa lupa? Maaari kaya na ang paniniwala sa Diyos ay nangangahulugan lamang ng pagtanggap ng maraming biyaya mula sa Diyos? Talaga bang ang mga taong naniniwala sa Diyos nang hindi Siya nakikilala o naniniwala sa Diyos subalit kinakalaban Siya ay napapalugod ang kalooban ng Diyos?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Nagbigay ng sariwa at bagong damdamin ang mga salitang ito. Agad akong nabighani. Higit sa lahat hindi ko man lang naisip noon ang mga katanungang nakasulat sa huling bahagi nito. Inisip ko: “Kamangha-mangha! Kaninong mga salita ang mga ‘to? Napakaiksing talata na lubusang nagbunyag sa kahulugan ng pananampalataya sa Diyos at ng kung ano ang hinahangad nating makamit mula sa ating pananampalataya.” Pinag-isipan ko ang mga salitang ito, sa unang pagkakataon, masigasig kong pinag-isipan ang pananampalataya ko. Binalikan ko ang maraming taon ko na pagiging deboto Sumali ako sa maraming aktibidad at mga seremonya ng simbahan, naging aktibo sa ministeryo ng simbahan at gumawa ng mga kabutihan sa komunidad, at nagdusa nang konti at nagbayad para dito. Ngunit ginawa ko ang mga bagay na ‘yun, para biyayaan ako at ang aking pamilya, at para maprotektahan kami ng Diyos, at higit sa lahat para makapasok ako sa kaharian ng Diyos. Inisip ko lagi noon na tama ako sa paghahangad sa mga bagay na iyon, na matutuwa ang Diyos sa pananampalataya ko, at matatanggap ko ang Kanyang mga pangako at mga pagpapala. Ngunit pagkabasa ko sa mga salitang iyon, naliwanagan ako nang konti sa mas malalim na kahulugan ng pananampalataya ko. Gumawa ako ng mga kabutihan at pinagkaitan ang sarili ko para makamit ang kapalit na mga biyaya ng kaharian, at hindi ito tunay na pag-ibig para sa Diyos. Paano kikilalanin ng Diyos ang ganyang uri ng pananampalataya? Ngunit naisip ko kung paano ako naniwala sa Panginoon sa loob ng mahigit sa dalawampung taon, palaging gumagawa ng ministeryong pang-simbahan. Hindi kaya na lahat ng mga paghihirap at sakripisyo ko, ay mauuwi sa wala? Habang lalo kong pinag-iisipan ang mga salitang ito, lalo ko pang mas gustong makita kung ano pa ang nakasulat sa Facebook timeline ni Sister Betty para matulungan akong malinawan sa isipan ko. Nakipag-ugnayan ako sa kanya at nagkita kami online. Sobra akong naliwanagan.

Kinuwento ko sa kanya kung anong naramdaman ko nung mabasa ko ang mga salitang iyon: “Betty, kahanga-hanga ang isinulat mo online. Ipinakita nito sa akin na, naniniwala ako sa Panginoon para lang makatanggap ng mga biyaya, na hindi iyon ang tunay na pagmamahal sa Panginoon. Ngunit may isang bagay na hindi ko maintindihan. Sinasabi ng Biblia, ‘Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran’ (2 Timoteo 4:7–8). Palaging sinasabi ng pari sa amin na hanggat patuloy naming ginagampanan nang mabuti ang mga gawain namin ganun din ang paggawa ng kabutihan, bibiyayaan kami ng Panginoon, at makakapasok kami sa Kanyang kaharian. Sa lahat ng taon na pagiging deboto ko, ganito mismo ang ginawa ko. Makakalimot ba ang Panginoon? Talaga bang hindi ako makakapasok sa Kanyang kaharian?”

Ibinahagi ni Sister Betty ang kabatirang ito: “Ang palaging paghihirap at pagsasakripisyo, maging ang paggawa ng mga kabutihan para sa Panginoon ay kalugod-lugod sa Panginoon, at sa pagbabalik Niya, dadalhin Niya tayo sa Kanyang kaharian. Sa katunayan, ito ang sinabi ni Pablo. Walang ganyang sinabi ang Panginoong Jesus, ganun din ang Banal na Espiritu. Mga personal na pananaw lang ni Pablo ang mga salitang ito, at hindi iyon ang intensyon ng Panginoon. Hindi katotohanan ang mga salita ng tao. Tanging ang salita lamang ng Diyos ang katotohanan. Pagdating sa usapin ng pagpasok sa kaharian ng Diyos, ang mga salita ng Diyos ang dapat na manguna. Kapag sumunod tayo sa mga salita lang ng tao, malamang na maligaw tayo palayo sa daan ng Panginoon! Kung gayon sino ang makakapasok sa kaharian ng langit? Malinaw na sinasabi ng Panginoong Jesus: ‘Hindi ang bawa’t nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit(Mateo 7:21). Ipinapakita sa atin nito na, hindi tinitingnan ng Diyos kung gaano ang sakripisyo natin pagdating sa desisyon kung sino ang makakapasok sa kaharian. Sa halip tinitingnan lang Niya kung gagawin natin o hindi ang kalooban Niya. Iyon ay, upang makapasok sa kaharian, kailangang iwaksi ng mga tao ang kanilang likas na pagiging makasalanan at maging malinis, gayun din na sundin ang mga salita ng Diyos, at dapat tunay nilang sundin ang Diyos at mahalin at sambahin Siya. Kapag nagpakahirap tayo at nagsakripisyo, ngunit ‘di sinusunod ang mga salita ng Diyos, at madalas tayong magkasala at lumaban sa Diyos, kung gayon tayo’y masamang tao. Ang ganyang uri ng tao’y hindi makakapasok sa kaharian. Yaong mga Hudyong Pariseo na lumaban sa Panginoon, na nagsilbi sa Panginoon taun-taon sa templo, na nagpangaral sa maraming lugar. Nagdusa sila nang labis at nagbayad ng mahal. Sa panlabas tila mga masugid silang tagasunod ng Diyos, ngunit para sa kanila ang pagdaos ng mga relihiyosong ritwal lang ang mahalaga. Nangaral sila ng mga tradisyon at mga doktrina ng tao, at sinantabi ang mga batas at mga utos ng Diyos. Ang serbisyo nila’y lubos na taliwas sa kalooban ng Diyos, at lumayo sila mula sa daan ng Diyos. Nang dumating ang Panginoong Jesus upang gumawa, nakipagpaligsahan ang mga Pariseo sa Kanya, sa pagsisikap na maprotektahan ang kanilang mga posisyon. Marahas nila Siyang kinondena at siniraang-puri, at sinikap na patigilin ang mga taong sumunod sa Kanya. Sa huli, nakipagsabwatan sila sa pamahalaan ng Roma para mapako sa krus ang Panginoong Jesus, sinalungat ang disposisyon ng Diyos at natanggap ang kaparusahan Niya. Nagpapatunay ito na kahit magsikap pa ang tao at magsakripisyo, hindi agad nangangahulugang ginagawa nila ang kalooban ng Diyos. Maliban na sila’y malinis mula sa kasalanan, magkakasala at lalaban sila sa Diyos kahit na pahirapan nila ang kanilang mga sarili para sa Kanya. At nandyan tayo. Kahit na tumutulong tayo sa ating kasama sa simbahan, magmukhang mabait, at tila masigasig sa paggawa, ang hangad natin ay mabiyayaan at makapasok sa kaharian ng Diyos. Kapag binibiyayaan tayo ng Diyos, pinasasalamatan at pinapupurihan natin Siya. Kapag tayo’y nagkakasakit o may masamang nangyayari sa atin, sinisisi at hindi natin Siya inuunawa, at marahil ipagkakanulo pa Siya. Karaniwang ginagawa nating puhunan ang mga sakripisyo natin at mga mabubuting gawa, pinagyayabang kung gaano tayo naghirap at gumawa para sa Diyos, para tingalain tayo ng iba at hangaan, at para makuha natin ang kasikatan, pakinabang, at katayuan. Nagagalit tayo kapag nakakatagpo tayo ng mga tao o mga bagay na ‘di natin gusto, at ‘di tayo makasunod sa mga salita ng Diyos, at iba pa. Pinapakita nito sa atin na, hindi natin ginagawa ang mga bagay na ito dahil sa pag-ibig natin sa Diyos o para masiyahan ang Diyos, sa halip ito’y pakikipagtawaran sa Diyos. Ginagamit at niloloko lang natin ang Diyos, para makuha ang sarili nating mga ambisyon. Paano tayo kung gayon magiging mga taong sumusunod sa kalooban ng Ama sa langit? Sinasabi sa Biblia: ‘Kayo’y mangagpakabanal; sapagka’t ako’y banal(1 Pedro 1:16). Alam nating banal ang Diyos, kaya’t paano maaakay kailanman ng Diyos papasok sa kaharian ng langit ang mga tulad nating marurumi? Tanging sa pagtakwil lang sa ating makasalanang kalikasan at paghinto sa paglaban sa Diyos, tayo mapupuri ng Diyos at magiging karapat-dapat na pumasok sa Kanyang kaharian.”

Naisip ko habang nakikinig sa kanya: “Dati iniisip kong makakapasok ako sa kaharian sa pamamagitan ng mabubuting gawa, pero ngayon, parang isinasagawa ko pala ang pananampalataya ko nang taliwas sa kalooban ng Diyos. Makakapasok lang ang mga tao sa kaharian kapag sila’y malinis, ngunit ang problema ko, hindi ko alam kung paanong magiging malinis.” Ibinahagi ko ang mga iniisip ko at alalahanin kay Sister Betty.

At bilang tugon, binasahan niya ako ng ilang nauugnay na talata ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang isang makasalanang tulad mo, na katutubos pa lang, at hindi pa nabago, o nagawang perpekto ng Diyos, makakaayon ka ba ng puso ng Diyos? Para sa iyo, na ang dating ikaw pa rin, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at na ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa pagliligtas ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka magiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, puno ka ng karumihan, sakim ka at masama, ngunit ninanais mo pa ring bumaba na kasama ni Jesus—hindi ka ganoon kasuwerte! Nalaktawan mo ang isang hakbang sa iyong pananalig sa Diyos: Natubos ka pa lang, ngunit hindi pa nabago. Para maging kaayon ka ng puso ng Diyos, kailangang ang Diyos Mismo ang gumawa ng gawain ng pagbabago at paglilinis sa iyo; kung ikaw ay tinubos lamang, wala kang kakayahang magtamo ng kabanalan. Dahil dito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa magagandang biyaya ng Diyos, dahil nalaktawan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pagperpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang katutubos pa lang, ay walang kakayahang direktang manahin ang pamana ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa mga Pangalan at sa Pagkakakilanlan). “Bagama’t maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Pagkatapos nun nagbahagi si Sister Betty, “Noong Kapanahunan ng Biyaya, ginawa lamang ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos. Pagkatapos nating tanggapin ang Kanyang pagliligtas, kailangan lang nating mangumpisal at magsisi sa Kanya at patatawarin na ang ating mga kasalanan, at pagkatapos, matatamasa natin ang biyaya at mga pagpapalang ibinibigay Niya sa atin. Totoong pinapatawad tayo ng Panginoong Jesus sa ating mga kasalanan ngunit Hindi Niya pinapawalang-sala ang ating makasalanang kalikasan at mga maka-demonyong disposisyon. Sa oras na gawin tayong tiwali ni Satanas, nadadaig tayo ng ating mga tiwaling disposisyon, tulad ng kayabangan panlilinlang, gayun din ng pagiging masama at kalupitan, kaya’t hindi natin maiwasang magkasala at labanan ang Diyos. Ang totoo, ang ating maka-demonyong kalikasan ang ugat ng ating kasalanan, at ‘pag hindi natin ito inalis, hindi tayo titigil sa paglaban sa Diyos, at hindi tayo magiging karapat-dapat na pumasok sa kaharian kailanman. Kaya’t sinabi ng Panginoon na babalik Siya sa mga huling araw, ipapahayag ang katotohanan upang gawin ang gawain ng paghatol na sisimulan sa tahanan ng Diyos, upang lubos na malinis at mabago ang ating mga maka-demonyong disposisyon. Pagkatapos noon, sa wakas ay makakalaya na tayo sa kasalanan at ganap nang maliligtas at makakamit ng Diyos. Kagaya sa propesiya ng Panginoon: ‘Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:48). ‘Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12–13). Tanging sa pagtanggap lang ng gawain ng paghatol ng nagbalik na Panginoon sa mga huling araw tayo magiging malinis sa lahat ng ating katiwalian. Saka lang tayo magiging karapat-dapat tumanggap ng mga pangako ng Diyos at makapasok sa Kanyang kaharian.”

Talagang iminulat ng pagbabahagi ni Sister Betty ang aking mga mata. Sa loob ng maraming taon, nagkasala ako at nangumpisal sa pari at masigasig na gumawa ng mga kabutihan, sa kabila nun, hindi ko pa rin napigil ang sarili kong magkasala. Ngayon alam ko nang gawain lang ng pagtubos ang ginawa ng Panginoong Jesus, at sa paniniwala sa Kanya, mapapatawad lang ang ating mga kasalanan, ngunit nananatili sa loob natin ang ating makasalanang kalikasan. Kaya’t nabubuhay ako sa isang malupit na pagpapaikot-ikot lang ng pagkakasala at pangungumpisal. Ang tanging paraan para maging malinis sa katiwalian ay ang tanggapin ang gawain ng paghatol ng nagbalik na Panginoon sa mga huling araw. Tanging sa gano’ng pagtanggap lang talaga natin magagawang mahalin at sundin ang Diyos at makapasok sa kaharian ng Diyos. Labis na nagpasaya sa akin ang kaisipang ‘yan. May pag-asa na ako ngayong maalisan ng kasalanan at makapasok sa kaharian!

Nang sumunod na araw, ipinarinig ni Sister Betty ang isang pagbigkas na pinamagatang Nakabalik na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang “Puting Ulap.” Sobrang nakakaantig ng damdamin. Pakiramdam ko talagang may awtoridad ang mga salitang iyon. Pagkatapos, tuwang-tuwang sinabi niya sa akin, “Ang Panginoon na inaasam natin ay nagbalik na, at Siya ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang tao. Nagpapahayag ng maraming katotohanan ang Makapangyarihang Diyos, at ginagawa Niya ang gawin ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos. Ang binasa natin kahapon, pati na ang pagbigkas na pinakinggan natin ngayon, lahat ay binigkas Mismo ng Makapangyarihang Diyos. Dumating at binuksan ng Makapangyarihang Diyos ang pitong selyo at niladlad ang maliit na balumbon. Inihayag Niya ang lahat ng misteryo na hindi natin naintindihan kailanman, at ibinigay ang lahat ng mga katotohanan na kailangan natin para ganap na maligtas at malinis. Ito ang tumupad sa propesiya sa Pahayag: ‘Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia(Pahayag 3:6). Ang kakayahan nating marinig ang tinig ng Diyos ngayon, ay dahil sa gabay ng Diyos, at lahat tayo’y pinagpala!”

Sobra akong nasiyahan at nasabik nang marinig ang balita, na ang Panginoon ay talagang nagbalik na. Lumalabas na ang pagbigkas na napakinggan ko at ang mga salitang nabasa ko noong naunang araw ay talagang mga salita ng Diyos lahat. Hindi kataka-taka na nagtataglay ito ng awtoridad! Sino pa ba ang makakapaghayag ng misteryo, tungkol sa kung paano talaga babalik ang Panginoon? Walang sino man ang makagagawa nito maliban sa Diyos. Talagang nakumbinsi ako na ang mga salitang ito ay binigkas ng Diyos, at na talagang nagbalik na ang Panginoon. Sobrang katuwaan ang naramdaman ko! Hindi ko kailanman inakala na makakasalubong ako sa pagbabalik ng Panginoon. Pakiramdam ko napakapalad ko! May isa nga lang akong tanong: “Paano ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol para malinis at ganap na maligtas ang tao?”

Binasa sa akin ni Sister Betty ang talatang ito ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos bilang sagot sa tanong ko: “Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan). Pagkatapos basahin ito, sinabi ni Sister Betty, “Sa mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos ay gumagawa para hatulan at linisin ang sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Hinahatulan Niya ang paghihimagsik at kasamaan ng tao, ibinubunyag ang ating kalikasang lumalaban sa Diyos at ang mga tiwali nating disposisyon, hinahatulan at inilalantad ang ating mga pagnanasa para sa mga biyaya, at pati na rin, ang pananampalataya nating may dungis, at mga maling pananaw, at iba’t ibang pagkaunawa tungkol sa Diyos. Ipinakikita rin Niya sa atin kung paano maging tapat, gayon din kung paano magsilbi na ayon sa Kanyang kalooban, paano tunay na sumunod sa Kanya at tunay na ibigin Siya, paano gawin ang Kanyang kalooban, at iba pa. Sa pamamagitan ng pagdanas ng pagkastigo at paghatol ng Diyos, nakikita natin kung paano tayo ginawang tiwali ni Satanas, kung paanong ang ating panlilinlang, kayabangan, at kasamaan, ay lahat nagmumula sa ating mga maka-satanas na disposisyon. Dito nakikita natin ang banal at matuwid na disposisyon ng Diyos na hindi nagpapalampas ng pagkakasala, at nagsisimula tayong mamuhi sa sarili natin, makaramdam ng pagsisisi, at isagawa ang katotohanan. Pagkatapos ang mga disposisyon natin sa buhay ay nagsisimulang magbago. Ang bawat isa nito ay natatamo sa pamamagitan ng paghatol ng mga salita ng Diyos.” Ikinuwento rin ni Sister Betty ang kanyang mga sariling karanasan. Sa pananampalataya n’ya dati, inakala niyang minahal niya ang Panginoon dahil masigasig niyang iginugol ang kanyang sarili, kaya’t madalas siyang manalangin para humingi ng biyaya sa Panginoon pati na ng mga pagpapala. Matatag ang kanyang paniniwala, na dahil nagdusa siya para sa Panginoon, tiyak na gagantimpalaan Niya siya ng pagpasok sa kaharian. Pagkatapos niyang tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at hatulan ng Kanyang mga salita, nakita n’yang mali at may dungis ang kanyang mga pananaw tungkol sa pananampalataya, at dito niya napagtanto: Hindi siya naniwala dahil sa pagmamahal para sa Diyos o para gampanan ang tungkulin ng isang nilikha, bagkus para matugunan ang sariling pagnanasa para sa mga biyaya, at para din matanggap ang mga pagpapala ng kaharian bilang kapalit. Ito’y paggamit sa Diyos, at pakikipagtawaran sa Kanya. Naisip niyang makasarili siya, wala ni katiting na pagkatao, at lubos niya itong pinagsisihan at kinamuhian ang sarili. Sinimulan n’yang hangaring matamo ang katotohanan gaya ng hinihingi ng Diyos at, ilang panahon pa, ang mga mali n’yang pananaw sa pananampalataya ay naitama. Nagsimula ring magbago ang kanyang mapanlinlang na maka-satanas na disposisyon. Nakita niya na ang tanging paraan para tunay na malinis ang kanyang katiwalian at makilala niya ang kanyang sarili ay ang tanggapin kapwa ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos.

Mula sa pagbabahagi ni Sister Betty, nakita ko kung gaano ka-praktikal sa Diyos na ipahayag ang katotohanan at gampanan ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw, at kung paano ito tunay na nakakapagpabago at nakakapaglinis ng mga tao. Nakita ko kung gaano natin kailangan ang Diyos na gampanan ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw, at na may daan na tayo ngayon para maging malaya mula sa katiwalian. Sobra akong natuwa. Sa mga pagtitipon pagkatapos nun, sinabi sa akin ni Sister Betty ang tungkol sa misteryo ng pagkakatawang-tao ng Diyos, kung paano gumagawa ng paraan si Satanas para gawing tiwali ang tao, ang proseso ng Diyos para iligtas ang tao nang paisa-isang hakbang, ang katotohanan ng Biblia, anong mga katapusan ang naghihintay sa sangkatauhan at iba pa. Sinabihan niya ako ng mga katotohanan, na hindi ko pa kailanman narinig sa mahigit dalawampung taon ko ng panininiwala sa Diyos. Sa pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, palakas nang palakas ang pakiramdam ko na tinig iyon ng Diyos. Tanging ang Diyos na nagkatawang-tao lang ang makapagpapahayag ng mga salita na may ganoon katinding awtoridad at kapangyarihan. Maliban sa Diyos, sino ang pwedeng maglantad ng katotohanan tungkol sa paggawang tiwali ni Satanas sa sangkatauhan? Sino pa ang makapagpapakita sa atin ng mga kamalian sa ating pananampalataya, at makapaghahayag sa atin ng tamang daan sa ating paniniwala? Sino ang makapaghahayag ng mga misteryo ng anim na libong plano ng Diyos, at makapagsasabi sa atin kung anong mga katapusan at hantungan ang naghihintay sa atin? Nakumbinsi talaga ako, na ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Panginoong nagbalik, tunay ngang Siya ang Cristo ng mga huling araw! Pagkatapos, masaya kong tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Nagpapasalamat ako sa Makapangyarihang Diyos sa pagpili at pagligtas sa akin.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Narinig Ko Na ang Tinig ng Diyos

Ni Mathieu, France Tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw mahigit dalawang taon na ang nakakalipas. Sa totoo...