Pagiging Isang Makabagong-Panahong Pariseo

Hunyo 1, 2022

Ni Lizhi, Tsina

Nagsimula akong sumunod sa Panginoong Jesus noong 1989. Sa pagdalo sa mga service at pagbabasa ng Biblia, nalaman ko na ang kalangitan, ang lupa, at lahat ng bagay ay nilikha ng Diyos, na personal na naging tao ang Panginoong Jesus at namatay sa krus para iligtas ang sangkatauhan mula sa mga kamay ni Satanas, nagdadala sa atin ng kamangha-manghang biyaya, kapayapaan, at kagalakan. Labis-labis ang pasasalamat ko sa Panginoon. Matapos iyon, nagsimula akong magbahagi ng ebanghelyo habang nagtatrabaho, at ang pagpunta sa simbahan at pagbabasa ng Kasulatan ang halos naging buhay ko. Sa loob ng ilang taon, talagang mabilis na lumaganap ang ebanghelyo, at hindi nagtagal, nagtatag kami ng maraming bagong simbahan. Nahalal ako sa isang posisyon sa pamumuno, responsable para sa gawain ng dalawang probinsya. Iniwan ko ang trabaho ko at ibinigay ang lahat sa gawain ng mga simbahan. Talagang siyang-siya ako araw-araw.

Tapos simula noong 1997, nagsimulang maglitawan ang lahat ng uri ng problema na hindi ko malutas. Hindi maganda ang takbo ng aming pangangaral ng ebanghelyo, hindi nagagamot ng dasal ang mga karamdaman, at hindi namin magawang magpalayas ng mga demonyo. Ang pinakahalata, hindi nakakapukaw ang mga sermon ko at walang malalim na pagkaunawa. Naalala ko nang tanungin ako ng mga kasamahan ko kung ano ang dapat nilang ipangaral, at sasabihin kong, “Basahin niyo lang ang Biblia kapag wala na talaga kayong maisip.” Alam kong hindi iyon solusyon, na kaya ng mga kapatid na basahin ang Biblia nang sila lang, kaya hindi nila kami kailangan para basahin iyon. Walang nakukuhang espirituwal na panustos ang mga miyembro ng simbahan at nanghihina sila. Hindi lang kami hindi nagkakaroon ng mga bagong miyembro, kundi umaalis pa sa simbahan ang mga miyembro na. Ang ilan ay ganap nang binitawan ang kanilang pananampalataya at ang ilang kasamahan ay bumalik pa nga sa mundo. Ako at ang mga kasamahan ay laging nag-ayuno at nagdasal, tumatawag sa Panginoon, at humingi rin kami ng tulong sa lider ng simbahan ng Probinsya ng Henan. Pero anuman ang ginawa namin, hindi namin mabago ang mapanglaw na kalagayan ng simbahan. Labis akong nag-alala, at nahirapan akong kumain o matulog. Inisip ko na kung magpapatuloy na ganoon ang mga bagay-bagay, maaari kayang mabuwag nang ganoon lang ang lahat ng simbahang iyon na pinaghirapan namin? Kung magkagayon, ano ang maipapakita ko sa Panginoon pagbalik Niya? Hindi ba ako magiging isang makasalanan dahil doon? Hindi, napagtanto kong kailangan kong maglibot at tingnan ang ibang mga simbahan.

Una binisita ko si Elder Wu, ang pinakaprestihiyosong elder sa lugar namin, pero mga dati pa ring bagay-bagay ang ipinapangaral niya. Tapos pumunta ako sa Beijing para makita si Elder Yuan, batay sa rekomendasyon ni Elder Wu. Isa rin siyang iginagalang na elder. Naisip kong siguradong mayroon siyang maibabahaging nakapagbibigay-liwanag na makapagpapasigla sa simbahan, pero sa tatlong araw ng pagbabahaginan kasama siya, sariling buhay lang niya ang ikinuwento niya, kung paano siya nagsakripisyo para sa Panginoon, kung paano siya inapi ng Partido Komunista. Hindi talaga iyon nakapagbigay-liwanag. Nasayang lang ang naging biyahe ko sa Beijing. Kalaunan, ipinakilala ako ng isang sister sa dalawang mangangaral ng ebanghelyo mula sa South Korea. Naisip ko na dahil nahuli ang pagdating ng ebanghelyo sa China, malamang may maibabahagi silang mas mataas, kaya may pag-asa para sa aming mga simbahan. Mga dating bagay-bagay lang rin iyon, walang nakapagbigay-liwanag. Lubos akong nalungkot sa puntong iyon. Tumawag ako sa Panginoon, “Panginoon ko, ano ang dapat kong gawin? Nagawa ko na ang lahat ng alam kong gawin, hinanap ang lahat ng mahahanap ko. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko—hindi ko na alam kung saan pa ako pupunta.”

Sa huling bahagi iyon ng 1998. Noong nagbigay sa amin ng service ang isang nakatataas na lider mula sa Henan, nabanggit niya ang isang iglesiang tinatawag na Kidlat ng Silanganan na nagsabing nagbalik na ang Panginoon. Nabigla at nasabik ako nang marinig iyon. Maraming taon ko nang inaasam ang pagbabalik ng Panginoon, at dumating na sa wakas ang araw na iyon! Pero nang natutuwa na ako, narinig kong sinabi niya, “Sinasabi ng Kidlat ng Silanganan na nagbalik na ang Panginoon, na gumagawa Siya ng bagong gawain at bumibigkas ng mga bagong salita. Ni hindi na sila nagbabasa ng Biblia, at sinasabing nagbalik ang Panginoon bilang isang babae.” Sa sandaling lumabas sa bibig niya ang mga salitang iyon, nagkaroon ng magulong talakayan ang lahat. May ilang nagsabing, “Ano? Nagbalik ang Panginoon? Paanong hindi natin nalaman? Paano Siya nagbalik bilang isang babae? Isang lalaki ang Panginoong Jesus, kaya dapat Siyang bumalik bilang isang lalaki!” At sinabi ng ilan, “Wala sa Biblia ang tungkol sa pagbigkas ng Panginoon ng mga bagong salita at paggawa ng bagong gawain sa Kanyang pagbabalik. Imposible talaga ang sinasabi ng Kidlat ng Silanganan.” Inisip ko na ang pahayag na nagbalik na ang Panginoon at gumagawa ng bagong gawain, at nagkatawang-tao sa anyo ng babae, ay hindi kailanman binanggit sa Biblia. Kaya kung walang anumang batayan sa Biblia, hindi iyon maaaring maging gawain ng Diyos. Bilang mga mananampalataya, kailangan nating sumunod sa Biblia, at sinumang lumilihis doon ay hindi isang Kristiyano. At saka, sinasabi sa panalangin ng Panginoon “Ama namin na nasa langit(Mateo 6:9). Hindi ba isang lalaki ang tinutukoy na “Ama”? Paanong nagkatawang-tao ang Diyos bilang isang babae? Habang pinagninilayan ko ang lahat ng ito, narinig kong sumigaw ang nakatataas na lider, “Huwag na huwag kayong maniniwala sa Kidlat ng Silanganan! Hindi naaayon sa Biblia ang sinasabi nila. Kailangan nating manatiling alerto sa lahat ng oras para hindi tayo maligaw. Mula sa sandaling ito, kailangan niyong maging maingat at sumunod sa ‘Tatlong Huwag’. Huwag makinig, magbasa, o mag-host. Huwag na huwag niyo silang hahayaang agawin ang ating tupa.” Nakipag-usap ako sandali sa lider na iyon matapos ang pulong. Sinabi niya na maraming matatagal nang mananampalataya at kasamahan na mahuhusay maghanap ang tumanggap na sa Kidlat ng Silanganan. Medyo nalito ako, kaya tinanong ko siya kung bakit ang mga taong alam na alam ang Kasulatan at masigasig sa kanilang pananampalataya ay pupunta sa Kidlat ng Silanganan. Ano ba ang itinuturo nila? Hindi niya ako nabigyan ng malinaw na sagot. Sinabi niya lang na hindi iyon naaayon sa Biblia, na ang pananalig sa Panginoon ay pananalig sa Biblia, at hindi namin puwedeng paniwalaan ang anumang walang batayan sa kasulatan. At talagang binigyang-diin niyang, “Isa kang lider ng simbahan, kaya nasa mga kamay mo ang buhay ng mga kapatid. Hinding-hindi ka maaaring malito ngayon, kundi kailangan mong sumunod sa Biblia. Ipinagkatiwala sa iyo ng Panginoon ang Kanyang mga tupa at kailangan mo silang protektahan. Hindi mo mapapangatwiranan iyon sa Panginoon kung hahayaan mo silang agawin kahit isang tupa.”

Pagkaalis niya, ibinahagi ko ang lahat ng sinabi niya sa ibang mga kapatid, sinasabi sa kanilang huwag mag-host sa sinumang hindi kakilala o magdala ng mga kamag-anak sa simbahan nang walang pahintulot. Anumang espesyal na sitwasyon ay kailangan munang makakuha ng pagsang-ayon ko. Talagang walang mga pagtatangi, at ang sinumang hindi sumunod dito ay ititiwalag. Sinabi ko rin sa kanilang para iyon sa sarili nilang kabutihan, dahil wala pa sila sa kahustuhan sa buhay at walang pagkakilala, kaya madali silang maloloko. Pagkatapos noon, para takutin ang mga tao palayo sa Kidlat ng Silanganan, gumawa ako ng mga tsismis kagaya ng sinabi sa akin ng lider na iyon. Wala talagang nakapigil sa akin sa mga pagtatangka kong pigilin ang mga kapatid na siyasatin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Pero sa gulat ko, marami pa rin sa kanila ang pumunta sa Kidlat ng Silanganan. Mas lalo akong naging mapagbantay, at kung may sinumang hindi kakilala ang nagsalita tungkol sa mga usapin ng pananampalataya, paghihinalaan ko siya na taga-Kidlat ng Silanganan. Talagang naging sensitibo ako noong panahong iyon, nag-aalalang kahit sino ay maaaring maging isang mangangaral ng Kidlat ng Silanganan.

Naalala ko minsan, isang kasamahan ang nakatagpo ng isang mangangaral ng Kidlat ng Silanganan sa isang pagtitipon. Nakinig siya roon nang isang buong araw at talagang nagustuhan niya ang narinig niya, tapos bigla niyang naalala ang sinabi ko tungkol sa pagpapatalsik sa sinumang nakipag-ugnayan sa Kidlat ng Silanganan. Labis siyang natakot para patuloy na makinig, kaya nagmadali siyang bumalik para iulat iyon sa akin. Sinabi niyang maghapon siyang nakinig at talagang nagustuhan niya iyon, pero hindi siya nangahas na tanggapin iyon, takot na patatalsikin ko siya. Nang marinig ko iyon, galit ko siyang tinitigan at pinagalitan ko siya, “Paulit-ulit kong sinabi sa iyo na huwag makikipag-ugnayan sa kanila, kaya paano mo iyon nagawa? Alam nating lalaki ang Panginoong Jesus, pero sinasabi nilang nagbalik na ang Panginoon bilang isang babae. Malinaw na hindi iyon maaaring maging tama! At matagal kang nakinig—hindi ka ba natakot na patalsikin kita?” Nagmadali siyang ipaliwanag ang kanyang sarili, pero hindi ko tinanggap ang mga iyon. Sinabi ko sa kanyang hindi na siya dapat dumalo sa mga pagtitipong iyon, kundi ako mismo ang pupunta. Kalaunan, nakaengkuwentro ko nga ang mga taong taga-Kidlat ng Silanganan sa lugar na pagtitipon na iyon. Nagbahagi sila ng patotoo sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Naisip kong puwede kaming magdebate tungkol doon, pero naalala kong sinabi ng lider ng simbahan sa Henan na hindi maaaring maging isang mabuting tao ang sinumang taga-Kidlat ng Silanganan, kaya tumayo ako para umalis. Hiniling ng sister na nagho-host na manatili ako at pakinggan sila, pero sa sobrang pagkaligalig ko, pinangaralan ko rin siya. Bumalik ako at sinabi sa ibang mga kasamahan na ilang tao sa lugar ng pagtitipon na iyon ay tiyak na tinanggap ang Kidlat ng Silanganan, at kailangan namin silang patalsikin. At sinabi ko rin sa mga kasamahan ko na kung hindi namin sila patatalsikin at napagbalik-loob nila ang ibang mga kapatid, mas lalaki ang kasalanan namin, at hindi namin iyon mapapangatwiranan sa Panginoon kailanman.

Tapos isang araw sa huling bahagi ng Marso 1999, pumunta sa bahay ko ang isa kong kaibigan, na kapwa mananampalataya, at binanggit na talagang maayos ang takbo ng simbahan nila. Hindi ko alam ang iisipin ko. Sobrang hindi maganda ang takbo ng simbahan namin at halos wala nang pumupunta, pero maayos ang sitwasyon nila. Kasali rin ba sila sa Kidlat ng Silanganan? Sa pagnanais na malaman ang sagot sa lahat ng ito, tinawagan ko si Sister Xing, isang lider ng iglesia nila. Sinabi ni Sister Xing na hindi na sila nagbabasa ng Biblia, iyong balumbon lang na binanggit sa Pahayag. Nadismaya ako nang marinig kong sabihin niya iyon. Napagtanto kong naniniwala rin siya sa Kidlat ng Silanganan. Isa siyang mabuting tao, bihasa sa Biblia, at may magandang reputasyon sa mga mananampalataya. Kung pumunta siya sa Kidlat ng Silanganan, siguradong susunod din sa kanya ang iba. Hindi puwedeng panoorin ko na lang na sundan siya ng iba sa pananampalatayang iyon. Sumakay ako sa tren palabas ng bayan kinabukasan. Pagdating ko roon, napagtanto ko na mahigit dalawampung kapatid ang tumanggap sa Kidlat ng Silanganan kasama siya. Hinimok ko siyang bumalik, pero kahit anong sabihin ko, determinado siyang ipagpatuloy iyon. Pagbalik ko sa bayan, inabisuhan ko ang lahat ng simbahan na si Sister Xing at ang iba pa ay tumanggap na sa Kidlat ng Silanganan. Pero ang ilan sa mga kapatid, nang makita ang gayong masigasig na naghahanap na may matatag na mga pananaw ay sumali sa kanila, ay nabawasan ang disgusto sa Kidlat ng Silanganan at nagsimulang mag-isip na marahil iyon nga ang tunay na daan. Ang ilan pa nga sa kanila ay nagsimulang palihim na mag-host sa mga miyembro ng Kidlat ng Silanganan. May narinig din ako tungkol sa isang simbahan sa Shandong kung saan mahigit sa isandaang miyembro nila ang sumali, pati na ang ilang kasamahang alam kong talagang tapat.

Nakita kong umuunlad iyon at patuloy na lumago nang lumago, at hindi ko lang maintindihan kung bakit napakaraming tao ang tumatanggap doon, pati na ang napakaraming kasamahang bihasa sa Biblia at mga tapat na naghahanap. Ilang kapatid at ibang mga kasamahan ang nagtatanong kung bakit, dahil ayaw ko silang payagang siyasatin iyon, parami nang parami ang taong sumasali sa lahat ng oras, at walang makapagpabalik sa kanila. Talagang lubos akong walang maisagot sa mga tanong nila. Kung ganoon, ano ang ipinangaral ng Kidlat ng Silanganan, at ano ang dahilan ng pagiging kaakit-akit nito? Totoo kaya na nagbalik na ang Panginoon? Pero naisip kong imposibleng bumalik ang Panginoon bilang isang babae, at hindi puwedeng maging tama ang pagkakaroon ng pananalig pero hindi nagbabasa ng Biblia! Marahil pansamantala lang ang pag-unlad ng iglesia nila sa ganoong paraan—hindi iyon maaaring magtagal. Kaya ayokong siyasatin iyon o hayaan ang ibang miyembro ng simbahan na tanggapin iyon. Nagsimula akong mas bantayan ang simbahan matapos iyon, determinadong ilayo ang mga kapatid sa Kidlat ng Silanganan.

Pero hindi inaasahang, noong Hulyong iyon, nagsimulang mamaga ang buong katawan ko. Noong lumala iyon, kapag umii-squat ako, ni hindi ko magawang tumayo ulit. Nag-ayuno at nagdasal ang mga miyembro ng simbahan para sa akin, pero walang naging pagbuti. Sinabi sa akin ng isang doktor na mayroon akong isang tumor sa matris ko na kasing-laki ng itlog. Nagulat ako nang marinig iyon, at umuwi na lang ako na nagpipigil ng luha. Nagsimula akong magsagawa ng kaunting personal na pagninilay. Naisip ko kung pagpaparusa ba ng Diyos ang pagkakaroon ko ng malalang sakit. Naisip ko rin ang bersikulong ito: “Huwag maging makakalimutin sa pagpapatuloy sa mga estranghero: sapagkat sa pamamagitan nito ang iba’y walang malay na nakapagpatuloy ng mga anghel” (Mga Hebreo 13:2). Pero sa simula pa lang, isinarado ko na ang simbahan, tumatangging tanggapin ang mga taga-Kidlat ng Silanganan at kahit ano pang sabihin nila tungkol sa pagbabalik ng Panginoon, ayaw ko silang pakinggan o makipag-ugnayan sa kanila o hayaan ang mga miyembro ng simbahan na siyasatin ang sinabi nila. Sa pagkilos sa ganoong paraan, malinaw na nilalabanan ko ang Biblia. Sa totoo lang, wala akong ideya kung ano ang ipinangaral ng Kidlat ng Silanganan, pero naging mapagbantay lang ako laban sa sinumang kasali sa kanila. Siguro talagang naging padalus-dalos ako tungkol dito. Napakasama ng lagay ko na nawalan ako ng gana, ng enerhiya para patuloy na labanan ang Kidlat ng Silanganan. Sa loob ng ilang panahon, nakaramdam ako ng kalungkutan at kawalang-magawa, at palayo nang palayo sa Diyos. Umiyak ako at nagdasal sa Panginoon, “Panginoon, masyado akong nanghihina ngayon. Talaga po bang iniiwan Mo na ako? Panginoon, paano po ako makakabalik sa dati, na nasa tabi Kita? Panginoon, nasaan Ka? Pakiusap, ipakita Mo po ang Iyong sarili at iligtas ako!”

Ginugol ko ang bawat araw sa kakila-kilabot na pagdurusa, pero nakikita ko ang mga miyembro ng Kidlat ng Silanganan na puno ng pananalig at talagang espirituwal na masigla. At naalala ko ang ina ng isang kasamahan na labis na nalungkot at nanghina, ayaw niya nang ipagpatuloy ang kanyang pananampalataya, pero matapos tanggapin ang Kidlat ng Silanganan, para bang muli siyang nabuhay—parang napakasigla niya. Nagsimula siyang bumangon nang alas-singko nang umaga araw-araw, umaalis nang alas-siyete nang umaga para magbahagi ng ebanghelyo, at gabi na siya umuuwi. Napakalakas ng pananalig niya. Para na siyang ibang tao. Pero kung titingnan ang mga miyembro ng aming simbahan, ang ilan sa amin ay may sakit, ang ilan ay nagkakawatak-watak na. Patay at mapanglaw ang pakiramdam niyon, walang anumang uri ng sigla.

Hindi ko iyon maintindihan. Sinabi ng lider ng simbahan namin na hindi mabuti ang Kidlat ng Silanganan, na nagmula iyon sa isang tao, hindi sa Diyos, na hindi iyon magtatagal. Pero sa katunayan, mas lalo lang iyong lumalago sa lahat ng oras. Dahil doon, naisip ko ang mga bersikulo ng Biblia: “Sapagkat kung ang pasyang ito o ang gawaing ito ay sa mga tao, mawawasak ito: Datapuwat kung sa Diyos, hindi ninyo ito mawawasak; baka pa kayo’y masumpungang lumalaban sa Diyos” (Mga Gawa 5:38–39). Kung wala sa kanila ang gawain ng Banal na Espiritu, paano sila nagkaroon ng napakalakas na pananampalataya at lumago nang ganoon gamit lang ang pagsisikap ng tao? Talaga kayang nagmumula iyon sa Diyos? Kung ganoon nga, sa paglaban sa Kidlat ng Silanganan, nilalabanan ko ang Diyos.

Hiniling pa sa akin ng ilang kasamahan na maghanap ng isang tao na magbabahagi sa amin ng isang sermon na espirituwal na nakakapagpanumbalik. Labis akong nailang nang marinig ko ito. Maraming taon na akong mananampalataya at inakala kong matapat akong naghahanap. Hindi ko kailanman inakalang hahantong ako sa pag-akay sa iba patungo sa isang landas na wala nang labasan. Paano ko iyon maipapaliwanag sa Panginoon? Minsan gusto ko talagang kausapin ang mga taong kasali sa Kidlat ng Silanganan para makita kung ano talaga ang ipinangangaral nila at kung bakit napakasigla ng mga miyembro ng kanilang iglesia.

Isang araw noong Agosto, nagsama si Sister Su ng dalawang kapatid para manatili sa bahay ko, at mainit ko silang sinalubong. Habang nag-uusap, tinanong ako ni Brother Wang kung ano sa tingin ko ang rason kung bakit naniniwala ang mga tao sa Diyos. Sinabi ko sa kanya, “Para mapunta sa langit, para magkamit ng buhay na walang hanggan.” Tapos tinanong niya, “Kung hindi sila makakapunta sa langit, sa tingin mo ba dapat pa rin silang magkaroon ng pananampalataya?” “Kung gayon, sino ang magkakaroon ng pananampalataya?” ang biglang lumabas sa bibig ko. Ngumiti siya at sumagot, “Siyempre bilang mga nilalang, dapat nating sambahin ang Lumikha. Ang paniniwala at pagmamahal sa Diyos ang dapat nating gawin, hindi lang alang-alang sa pagpunta sa langit.” Gamit lang ang kaunting maiiksing pangungusap, nagsalita siya nang tagos sa puso ko at sabik akong tumango sa pagsang-ayon. Sa lahat ng taon ko sa pananampalataya, hindi pa ako kailanman nakarinig ng ganoon dati. Hindi mula sa mga lider ng simbahan, mga kasamahan mula sa ibang mga denominasyon, o kahit sa mga mangangaral mula sa ibang bansa. Nagsalita silang lahat tungkol sa paghahanap nang husto para pagpalain tayo at makapasok sa langit, pero walang sinumang nangaral ng anumang napakataas tungkol sa pananalig, ng ganoon kadalisay na pag-unawa. Bigla kong naramdman na parang nakakita ako ng kaunting pag-asa. Tinanong ko sila agad kung paano lutasin ang kapanglawan sa simbahan.

Sinabi muna sa akin ni Brother Wang kung bakit naging napakapanglaw ng templo sa huling bahagi ng Kapanahunan ng Kautusan. Sabi niya na sa unang bahagi ng Kapanahunan ng Kautusan, puno iyon ng kaluwalhatian ni Jehova, at walang nangahas na magtangkang kumilos nang may masamang balak doon. Pero sa bandang katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan, iyon ay naging isang lugar para magpapalit ng pera, para magtinda ng mga hayop. Nawalan iyon ng luwalhati ng Diyos nang napakahabang panahon, naging isang lungga ng mga magnanakaw, isang lupang tigang. Sinabi niyang nakikita natin mula sa mga salita ng Panginoong Jesus na sumasaway sa mga Fariseo na ang mga punong saserdote, eskriba at Fariseo na naglilingkod sa templo ay pinamunuan lang ang mga tao na magsagawa ng mga ritwal at sumunod sa mga alituntunin, pero hindi nila isinagawa ang mga salita ng Diyos. Lumihis sila sa landas ng Diyos. Kaya hindi gumawa sa templo ang Panginoong Jesus nang pumarito Siya, kundi nagsagawa ng bagong gawain sa labas ng templo. Ang lahat ng umalis sa templo at sumunod sa bagong gawain ng Panginoon ay nakapagkamit ng panustos sa buhay at gawain ng Banal na Espiritu. Sinundan sila ng biyaya ng Panginoon. Pero ang mga kumapit sa batas at tumangging tanggapin ang bagong gawain ng Panginoon ay nasadlak sa kadiliman at mas lalong naging ubod ng sama. Gaya ng sinasabi ng Biblia, “Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoong si Jehova, na Ako’y magpapasapit ng taggutom sa lupain, hindi taggutom sa tinapay, o kauhawan man dahil sa tubig, kundi sa pagkarinig ng mga salita ni Jehova(Amos 8:11). Tapos sinabi niya na ang relihiyosong mundo ngayon ay gaya lang ng templo sa huling bahagi ng Kapanahunan ng Kautusan. Mapanglaw iyon at madilim, at mas lalong walang kaayusan. Nawawalan ng pananalig ang mga mananampalataya at kulang sa pagmamahal dahil ang mga lider ng simbahan na nangunguna sa kanila ay hindi nagsasagawa ng mga salita ng Panginoon, saka umusad ng isang hakbang ang gawain ng Diyos at lumipat ang gawain ng Banal na Espiritu. Kailangan nating hanapin ang bagong gawain ng Diyos para makahanap ng daan palabas! Tinulungan akong makita ng pagbabahagi ni Brother Wang na hindi ganoon kapanglaw ang simbahan dahil tinalikuran kami ng Panginoon, kundi dahil gumagawa Siya ng bagong gawain na hindi namin sinusundan. Kailangan lang naming hanapin ang bago Niyang gawain at sumabay sa mga yapak ng Diyos para makamit ang presensya ng Panginoon at ang gawain ng Banal na Espiritu. Nang makitang nagsisimula ko nang maunawaan ang mga bagay-bagay, binasahan niya ako ng dalawang sipi ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Gagawin ng Diyos ang katotohanang ito: Gagawin Niyang pumunta sa harapan Niya ang lahat ng mga tao sa buong sansinukob at sambahin ang Diyos sa lupa, at titigil ang gawain Niya sa ibang mga lugar, at mapipilitan ang mga tao na hangarin ang tunay na daan. Magiging katulad ito ni Jose: Lumapit ang lahat sa kanya para sa pagkain, at yumukod pababa sa kanya, sapagkat mayroon siyang mga bagay na makakain. Upang maiwasan ang taggutom, mapipilitan ang mga tao na hangarin ang tunay na daan. Magdurusa ng matinding taggutom ang buong relihiyosong pamayanan, at tanging ang Diyos ng ngayon ang bukal ng buhay na tubig, na nagtataglay ng walang-hanggang umaagos na bukal na inilaan para sa pagtatamasa ng tao, at darating ang mga tao at aasa sa Kanya(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dumating Na ang Milenyong Kaharian). “Walang sinuman ang may pananampalataya na makikita nila ang Aking kaluwalhatian, at hindi Ko sila pinipilit, kundi sa halip ay inaalis Ko ang Aking kaluwalhatian mula sa sangkatauhan at dinadala ito sa ibang mundo. Kapag muling nagsisi ang mga tao, kukunin Ko ang Aking kaluwalhatian at mas ipapakita ito sa mga may pananampalataya. Ito ang prinsipyong batayan ng Aking paggawa. Sapagkat may isang panahon na iniiwan ng Aking kaluwalhatian ang Canaan, at may isang panahon din na iniiwan ng Aking kaluwalhatian ang mga taong hinirang. Bukod pa rito, may isang panahon na iniiwan ng Aking kaluwalhatian ang buong mundo, kaya kumukulimlim ito at lumulubog sa kadiliman. Kahit ang lupain ng Canaan ay hindi makikita ang sikat ng araw; lahat ng tao ay mawawalan ng pananampalataya, ngunit walang makakatiis na iwan ang halimuyak ng lupain ng Canaan. Kapag nakapasok Ako sa bagong langit at lupa ay saka Ko kukunin ang isa pang bahagi ng Aking kaluwalhatian at ihahayag muna ito sa lupain ng Canaan, na magiging sanhi ng pagkislap ng liwanag sa buong mundo, na nakalubog sa napakadilim na gabi, upang maaaring lumapit sa liwanag ang buong mundo; upang maaaring humugot ng lakas mula sa kapangyarihan ng liwanag ang lahat ng tao sa buong mundo, na nagpapaibayo at muling nagpapakita ng Aking kaluwalhatian sa bawat bansa; at upang maaaring matanto ng buong sangkatauhan na matagal na Akong naparito sa mundo ng mga tao at matagal Ko nang dinala ang Aking kaluwalhatian mula sa Israel patungong Silangan; sapagkat ang Aking kaluwalhatian ay sumisikat mula sa Silangan at ito ay dinala mula sa Kapanahunan ng Biyaya hanggang sa araw na ito. Ngunit sa Israel Ako lumisan at doon Ako nagmula nang dumating Ako sa Silangan. Kapag unti-unti nang pumuputi ang liwanag ng Silangan ay saka lamang magsisimulang magliwanag ang kadiliman sa buong mundo, at saka lamang matutuklasan ng tao na matagal Ko nang nilisan ang Israel at muli Akong bumabangon sa Silangan. Dahil minsan na Akong bumaba sa Israel at kalaunan ay nilisan Ko ito, hindi na Ako maaaring isilang na muli sa Israel, dahil namumuno ang Aking gawain sa buong sansinukob at, bukod pa rito, kumikidlat mula sa Silangan patungong Kanluran. Dahil dito bumaba na Ako sa Silangan at dinala Ko ang Canaan sa mga tao ng Silangan. Dadalhin Ko sa lupain ng Canaan ang mga tao mula sa buong mundo, kaya nga patuloy Akong bumibigkas ng mga salita sa lupain ng Canaan upang kontrolin ang buong sansinukob. Sa pagkakataong ito, walang liwanag sa buong mundo maliban sa Canaan, at nanganganib na magutom at ginawin ang lahat ng tao. Ibinigay Ko ang Aking kaluwalhatian sa Israel at pagkatapos ay binawi Ko ito, sa paraang ito ay dinadala ang mga Israelita sa Silangan at ang buong sangkatauhan sa Silangan. Dinala Ko na silang lahat sa liwanag para muli nila itong makasama, at makasalamuha, at hindi na nila kailangan pang hanapin ito. Ipapakita Kong muli ang liwanag sa mga naghahanap dito at ang kaluwalhatiang tinaglay Ko sa Israel; ipapakita Ko sa kanila na matagal na Akong bumaba sakay ng puting ulap sa gitna ng sangkatauhan, ipapakita Ko sa kanila ang napakaraming puting ulap at kumpul-kumpol na saganang mga bunga, at, bukod pa rito, ipapakita Ko sa kanila ang Diyos na si Jehova ng Israel. Ipapakita Ko sa kanila ang Guro ng mga Hudyo, ang pinakahihintay na Mesiyas, at ang buong anyo Ko na pinag-uusig ng mga hari sa lahat ng panahon. Gagawa Ako sa buong sansinukob at magsasagawa Ako ng dakilang gawain, na inihahayag ang Aking buong kaluwalhatian at ang lahat ng Aking gawa sa tao sa mga huling araw. Ipapakita Ko ang kabuuan ng Aking maluwalhating mukha sa mga naghintay nang maraming taon para sa Akin, sa mga nanabik na pumarito Ako sakay ng puting ulap, sa Israel na nanabik na muli Akong magpakita, at sa buong sangkatauhan na umuusig sa Akin, para malaman ng lahat na matagal Ko nang binawi ang Aking kaluwalhatian at dinala ito sa Silangan, at wala na ito sa Judea. Sapagkat sumapit na ang mga huling araw!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nagpopropesiya na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob). Talagang nagulat ako nang marinig ko iyon. Napakamaawtoridad niyon. Alam kong hindi iyon maaaring magmula sa sinumang tao. Tapos ipinapatuloy niya ang kanyang pagbabahagi, sinasabing nagbalik na ang Panginoon at gumagawa ng bagong gawain, dinadala ang Kanyang kaluwalhatian mula sa Israel patungo sa Silangan. Ibig sabihin, umuusad ang gawain ng Banal na Epiritu, at ang mga sumasabay lang sa bagong gawain ng Diyos at tumatanggap sa mga kasalukuyan Niyang salita ang nakakapagkamit ng gawain ng Banal na Espiritu, ng walang katapusang bukal ng panustos sa buhay.

Nang sinabi ni Brother Wang na nagbalik na ang Panginoon, naisip ko na sa buong mundo ng relihiyon, tanging ang Kidlat ng Silanganan ang nagpapatotoo rito, kaya siguradong kasapi sila roon. Medyo nagtalo ang loob ko. Naalala ko ang sinabi ng lider ng simbahan na hindi mabubuti ang mga miyembro ng Kidlat ng Silanganan, pero ayon sa nakikita ko, talagang marangal at matuwid ang dalawang brother na iyon, at may mapagmahal na ugali. Ang mensaheng ibinahagi nila ay talagang naiiba at praktikal—malinaw na mayroon silang gawain ng Banal na Espiritu. Nilinaw rin nila ang dahilan ng pagiging mapanglaw ng simbahan, isang bagay na lumito sa akin nang maraming taon. Lubos akong nakumbinsi. Naisip kong ang makatagpo sila noong araw na iyon ay dahil sa mabuting kalooban ng Panginoon. Naisip kong mas mabuting pakinggan ko na sila at tanungin sila para makita ko kung bakit punung-puno ng pananalig ang mga miyembro ng Kidlat ng Silanganan at ayaw nang bumalik matapos tanggapin iyon. Kaya itinuloy ko na at tahasan silang tinanong, “Alam kong kasali kayo sa Kidlat ng Silanganan. Mayroon bang anumang batayan sa Biblia para sa pahayag na ito na nagbalik na ang Panginoon at gumagawa ng bagong gawain? Nasa Biblia ang lahat ng mga gawain at salita ng Diyos, at kailangan nating sumunod sa Biblia sa ating pananampalataya. Labas sa Biblia ang sinasabi niyo, kaya hindi ko iyon matatanggap.” Ngumiti si Brother Wang at sinabing, “Sinasabi mong kailangang sumunod sa Biblia ang ating pananampalataya. Kung ganoon sinasabi mong hindi makakagawa ang Panginoon ng anumang gawain na walang batayan sa Biblia?” Buong kumpiyansa kong sinabing, “Tama iyan.” Tapos tinanong niya ako, “Ano sa tingin mo ang nauna: Ang Diyos, o ang Biblia?” Ikinagulat ko ito. Maraming taon na akong mananampalataya, pero hindi ko naisip kailanman ang tungkol doon. Pinag-isipan ko iyon nang kaunti at sinabing siyempre ang Diyos ang nauna. Sabi ni Brother Wang, “Oo. Ang Biblia ay isang talaan ng kasaysayan ng gawain ng Diyos. Patotoo iyon sa gawain Niya sa Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya. Itinatala ng Lumang Tipan ang gawain ng Diyos sa Israel, at itinatala ng Bagong Tipan ang gawain ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya. Kaya nauna ang gawain ng Diyos, at pagkatapos ay sumunod ang Kasulatan. Hindi batay sa Biblia ang gawain ng Diyos, kundi sa Kanyang plano ng pamamahala.”

Tapos nagbasa siya ng isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. “Noong panahon ni Jesus, pinamunuan Niya ang mga Hudyo at ang lahat ng sumunod sa Kanya ayon sa gawain ng Banal na Espiritu sa Kanya noong panahong iyon. Hindi Niya ginamit ang Bibliya bilang basehan ng Kanyang ginawa, kundi nagsalita Siya ayon sa Kanyang gawain; hindi Niya binigyang-pansin kung ano ang sinabi ng Bibliya, o kaya ay naghanap sa Bibliya ng landas upang pamunuan ang Kanyang mga tagasunod. Mula noong nagsimula Siyang gumawa, ipinalaganap Niya ang daan ng pagsisisi—ni isang salita tungkol dito ay hinding-hindi nabanggit sa mga propesiya sa Lumang Tipan. Hindi lamang Siya hindi kumilos ayon sa Bibliya, kundi Siya ay namuno rin sa isang bagong daan, at gumawa ng bagong gawain. Kahit kailanman ay hindi Siya sumangguni sa Bibliya kapag Siya ay nangangaral. Noong Kapanahunan ng Kautusan, walang sinuman ang nakagawa ng Kanyang mga himala ng pagpapagaling sa maysakit at pagpapalayas ng mga demonyo. Gayundin, ang Kanyang gawain, ang Kanyang mga turo at ang awtoridad at kapangyarihan ng Kanyang mga salita ay lampas sa sinumang tao noong Kapanahunan ng Kautusan. Basta lamang ginawa ni Jesus ang Kanyang mas bagong gawain, at kahit na maraming tao ang kumondena sa Kanya gamit ang Bibliya—at ginamit pa nga ang Lumang Tipan upang ipapako Siya sa krus—nahigitan ng Kanyang gawain ang Lumang Tipan; kung hindi, bakit ipinako Siya ng mga tao sa krus? Hindi ba ito dahil sa walang binanggit ang Lumang Tipan sa Kanyang turo, at sa Kanyang kakayahan na magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo? Ang Kanyang gawain ay ginawa upang umakay sa bagong daan, hindi ito para sadyang maghamon ng away laban sa Bibliya, o kaya ay sadyang iwaksi ang Lumang Tipan. Pumarito lamang upang gampanan ang Kanyang ministeryo, upang dalhin ang bagong gawain sa mga naghahangad at naghahanap sa Kanya. Hindi Siya dumating upang ipaliwanag ang Lumang Tipan o itaguyod ang gawain nito. Ang Kanyang gawain ay hindi para pahintulutan ang Kapanahunan ng Kautusan na magpatuloy sa pagyabong, dahil hindi isinaalang-alang ng Kanyang gawain kung pagbabatayan ba nito ang Bibliya; Si Jesus ay pumarito lamang upang gawin ang gawain na dapat Niyang gawin. Kaya hindi Siya nagpaliwanag ng mga propesiya ng Lumang Tipan, ni hindi Siya gumawa nang ayon sa mga salita ng Kapanahunan ng Kautusan ng Lumang Tipan. Hindi Niya pinansin ang sinabi ng Lumang Tipan, hindi mahalaga sa Kanya kung ang Kanyang gawain ay umaayon dito o hindi, at hindi mahalaga kung ano ang alam ng iba sa Kanyang gawain, o kung paano nila kinondena ito. Ipinagpatuloy lamang Niya ang gawain na dapat Niyang gawin, kahit na maraming tao ang gumamit ng mga propesiya ng mga propeta ng Lumang Tipan upang kondenahin Siya. Sa mga tao, lumitaw na parang ang Kanyang gawain ay walang batayan, at marami rito ang salungat sa mga talaan sa Lumang Tipan. Hindi ba ito kamalian ng tao? Ang doktrina ba ay kailangang iangkop sa gawain ng Diyos? At Diyos ba ay dapat na gumawa ayon sa mga propesiya ng mga propeta? Kung tutuusin, alin ang mas dakila: ang Diyos o ang Bibliya? Bakit kailangang gumawa ang Diyos nang naaayon sa Bibliya? Maaari kaya na walang karapatan ang Diyos na higitan ang Bibliya? Hindi ba maaaring lumihis ang Diyos sa Bibliya at gumawa ng ibang gawain? Bakit hindi ipinangilin ni Jesus at ng Kanyang mga disipulo ang araw ng Sabbath? Kung magsasagawa Siya nang isinasaalang-alang ang araw ng Sabbath at nang ayon sa mga utos ng Lumang Tipan, bakit hindi nangilin si Jesus sa Sabbath nang dumating Siya, at sa halip ay naghugas ng mga paa, nagtaklob ng ulo, naghati-hati ng tinapay, at uminom ng alak? Hindi ba wala itong lahat sa mga utos ng Lumang Tipan? Kung iginalang ni Jesus ang Lumang Tipan, bakit Niya hindi isinagawa ang mga doktrinang ito? Dapat mong malaman kung alin ang nauna, ang Diyos o ang Bibliya! Bilang Panginoon ng Sabbath, hindi ba Siya maaaring maging Panginoon din ng Bibliya?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 1). Matapos basahin ang siping ito, ibinahagi ni Brother Wang, “Nang pumarito ang Panginoong Jesus para gumawa, lumagpas Siya sa kautusan ng Lumang Tipan para gawin ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya. May mga bago siyang hiningi at bagong pagsasagawa para sa sangkatauhan, gaya ng hindi pagdaraos ng Sabbath, pagpapatawad sa mga tao nang makapitongpung pitong beses. Hindi naaayon sa batas ng Lumang Tipan ang tingin ng mga tao rito, ganap na labas sa kanilang Kasulatan. Ipinapakita nito sa atin na hindi mapipigil ng Kasulatan ang gawain ng Diyos. Nang makita ng mga disipulo ng Panginoong Jesus kung gaano kamakapangyarihan at kamaawtoridad ang gawain at mga salita Niya, na walang taong makakapagkamit niyon, kaya tiyak na nagmula iyon sa Diyos, sumunod sila sa Panginoon. Hindi sila napigilan ng literal na Kasulatan, kundi hinanap nila ang gawain ng Banal na Espiritu at sumunod sa mga yapak ng Diyos. Kaya sa ating pananalig, hindi natin puwedeng hatulan ang gawain ng Diyos batay sa Kasulatan, kundi kailangan nating makilala ang Diyos sa pamamagitan ng mga salita Niya at gawain Niya.”

Nang marinig ko ang pagbabahagi niya, nakikita kong ang Biblia ay isa lang talaan ng kasaysayan ng gawain ng Diyos, pero hindi isang batayan para roon. Naging mangangaral ako nang maraming taon, kaya bakit hindi ko naunawaan ang kaugnayan ng Diyos at ng Biblia? Kung saan-saan na rin ako nagpunta sa pakikinig sa mga sermon, at kahit kailan ay wala pa akong narinig na sinumang nagsabi ng gaya noon. Lagi kong inisip na nasa Biblia ang gawain at mga salita ng Diyos, at ang paglihis mula roon ay hindi pagkakaroon ng pananalig. Talagang ang hangal ko. Tapos nagbasa si Brother Shi ng dalawa pang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. “Sa loob ng maraming taon, ang kinaugaliang paraan para maniwala ang mga tao (sa Kristiyanismo, isa sa tatlong pangunahing relihiyon sa mundo) ay ang basahin ang Bibliya. Ang paglihis mula sa Bibliya ay hindi paniniwala sa Panginoon, ang paglihis mula sa Bibliya ay paglihis sa mga panuntunan sa pananampalataya, at maling paniniwala, at kahit na magbasa pa ang mga tao ng ibang mga libro, ang paliwanag sa Bibliya ang dapat na pundasyon ng mga librong ito. Ibig sabihin, kung naniniwala ka sa Panginoon, dapat mong basahin ang Bibliya, at maliban sa Bibliya, hindi ka dapat sumamba sa anumang aklat na walang kinalaman sa Bibliya. Kung ginagawa mo iyon, pinagtataksilan mo ang Diyos. Mula sa panahon ng pagkakaroon ng Bibliya, ang pananalig ng mga tao sa Panginoon ay ang pananalig sa Bibliya. Sa halip na sabihing ang mga tao ay naniniwala sa Panginoon, mas mabuting sabihin na naniniwala sila sa Bibliya; sa halip na sabihing nagsimula na silang magbasa ng Bibliya, mas mabuting sabihing nagsimula na silang maniwala sa Bibliya; at sa halip na sabihing nagbalik na sila sa Panginoon, mas mabuti pang sabihing nagbalik na sila sa Bibliya. Sa ganitong paraan, sinasamba ng mga tao ang Bibliya na para bang ito ang Diyos, na para bang ito ang dugong bumubuhay sa kanila, at ang mawalan nito ay kapareho ng mawalan ng kanilang buhay. Itinuturing ng mga tao ang Bibliya na kasintaas ng Diyos, at mayroon pang ang turing dito ay mas mataas kaysa sa Diyos. Kung wala sa mga tao ang gawain ng Banal na Espiritu, kung hindi nila nadarama ang Diyos, maaari pa rin silang patuloy na mabuhay—ngunit sa sandaling mawala sa kanila ang Bibliya, o mawala ang mga kilalang kabanata at kasabihan mula sa Bibliya, parang nawalan na rin sila ng buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 1). “Naniniwala sila sa pag-iral Ko sa loob lamang ng saklaw ng Bibliya, at ipinapantay nila Ako sa Bibliya; kung wala ang Bibliya wala Ako, at kung wala Ako wala ang Bibliya. Hindi nila binibigyang-pansin ang pag-iral o mga kilos Ko, kundi sa halip ay nag-uukol sila ng sukdulan at espesyal na pansin sa bawat salita ng Banal na Kasulatan. Mas marami ang naniniwala pa nga na hindi Ko dapat gawin ang anumang nais Kong gawin maliban na lamang kung ito ay inihula ng Banal na Kasulatan. Binibigyan nila ng sobrang pagpapahalaga ang Banal na Kasulatan. Masasabing nakikita nilang napakahalaga ang mga salita at mga pagpapahayag, hanggang sa puntong ginagamit nila ang mga talata mula sa Bibliya upang sukatin ang bawat salitang sinasabi Ko at upang kondenahin Ako. Ang hinahangad nila ay hindi ang daan ng pagiging kaayon Ko o ang daan ng pagiging kaayon ng katotohanan, kundi ang daan ng pagiging kaayon ng mga salita ng Bibliya, at naniniwala silang ang anumang hindi umaayon sa Bibliya ay, walang pagtatanging, hindi Ko gawain. Hindi ba’t ang ganitong mga tao ay ang masunuring mga inapo ng mga Pariseo? Ginamit ng mga Pariseong Hudyo ang batas ni Moises upang parusahan si Jesus. Hindi nila hinangad na maging kaayon ng Jesus ng panahong iyon, kundi masigasig na sinunod ang eksaktong sinabi ng batas, hanggang sa puntong—matapos Siyang kasuhan ng hindi pagsunod sa batas ng Lumang Tipan at hindi pagiging ang Mesiyas—sa huli ipinako nila sa krus ang walang-salang si Jesus. Ano ang diwa nila? Hindi ba’t na hindi nila hinangad ang daan ng pagiging kaayon ng katotohanan?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Hangarin ang Daan ng Pagiging Kaayon ni Cristo). Ibinahagi ni Brother Shi, “Maraming tao ang taos-pusong sumusumpa na naniniwala sila sa Diyos, pero ang totoo, naniniwala sila sa Biblia. Ikinukulong nila ang Diyos sa loob ng saklaw ng Kasulatan at ikinukumpara ang gawain ng Diyos sa literal na mga salita ng Biblia. Itinatanggi at kinokondena nila ang anumang hindi tumutugma roon. Ano ang kaibahan niyon sa mga Fariseo? Ikinumpara ng mga Fariseo ang gawain ng Panginoong Jesus sa kautusan ng Lumang Tipan, at nang nakita nilang lumagpas ito sa mga hangganang iyon, kinondena nila Siya at ipinapako sa krus sa huli. Napakasakit na leksyon na dapat matutunan. Sa ating pananampalataya, dapat nating hanapin ang katotohanan at ang mga yapak ng Diyos. Sa mga huling araw, nagpahayag ang Makapangyarihang Diyos ng napakaraming katotohanan para gawin ang gawain ng paghatol, para lubusan tayong linisin sa kasalanan at dalhin tayo sa kaharian ng langit. Ang yugtong ito ng gawain ay mas malalim at mas mataas kaysa sa gawain ng pagtubos ng Panginoon at ganap itong labas sa saklaw ng Biblia. Kung hahatulan natin iyon batay sa literal na mga salita ng Biblia, nililimitahan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, hindi ba paggawa iyon ng parehong pagkakamali gaya ng sa mga Fariseo?”

Lagi kong inisip na hindi maaaring lumampas sa Biblia ang gawain ng Diyos, na ang anumang hindi nakatala sa Biblia ay hindi maaaring maging gawain ng Diyos. Matapos ang lahat ng mga taong iyon ng pananampalataya, paano ko naisip na ang Diyos ay limitado sa Biblia? Hindi ko kailanman napagtanto na hindi iyon ang tamang uri ng pananampalataya. May magandang sipi mula sa Makapangyarihang Diyos: “Ipinapantay nila Ako sa Bibliya; kung wala ang Bibliya wala Ako, at kung wala Ako wala ang Bibliya. Hindi nila binibigyang-pansin ang pag-iral o mga kilos Ko, kundi sa halip ay nag-uukol sila ng sukdulan at espesyal na pansin sa bawat salita ng Banal na Kasulatan. Mas marami ang naniniwala pa nga na hindi Ko dapat gawin ang anumang nais Kong gawin maliban na lamang kung ito ay inihula ng Banal na Kasulatan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Hangarin ang Daan ng Pagiging Kaayon ni Cristo). Ang bawat salita’y labis na nakaantig sa akin. Paano ko nagawang tratuhin ang Biblia na parang iyon ang Diyos Mismo? Pag-una ba iyon sa Diyos? Ang Biblia ang pinahalagahan ko, hindi ang Diyos!

Hindi ko napagtanto kung gaano kakahanga-hanga ang pangaral ng Kidlat ng Silanganan, pero marami pa rin akong mga tanong na hindi pa nasasagot. Naisip ko na tutal nakikinig ako sa kanila, mabuti pang kumuha na rin ako ng ilang sagot. Hindi ako puwedeng manatiling napakagulo sa aking pananampalataya. Ginusto ko ring mas makarinig pa ng tungkol sa ibang mga pananaw sa pananampalataya ng dalawang brother na iyon. Kaya tinanong ko sila tungkol sa Pahayag 22:18: “Aking pinapatotohanan sa bawat taong nakikinig sa mga salita ng propesiya ng aklat na ito, kung ang sinuman ay magdagdag sa mga bagay na ito, Idadagdag sa kanya ng Diyos ang mga salot na nakasulat sa aklat na ito.” Dahil sinabi nilang pumarito ang Diyos at nagsalita ng mga bagong salita, gumawa ng bagong gawain, paano maipapaliwanag ang bersikulong iyon? Sabi ni Brother Wang, “Ang ‘magdagdag’ sa bersikulong iyon ay nangangahulugang hindi pagdagdag ng anuman sa mga propesiya sa Pahayag, hindi sa hindi babalik ang Diyos at magsasalita ng mas marami sa mga huling araw. Kung susunod tayo sa ideya mong hindi babalik ang Diyos at magsasalita ng mas marami sa mga huling araw, kung gayon isipin mo ang sinabi ng Panginoon ‘Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan(Juan 16:12–13). Paano iyon matutupad? At pitong beses na binabanggit sa Pahayag ang ‘Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia(Pahayag Mga Kabanata 2, 3). Paano iyon maipapaliwanag? Hindi ba’t itinatanggi at kinokondena mo ang mga salita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia sa mga huling araw, ang mga katotohanang Kanyang ipinapahayag? Alam nating lahat na ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay, ang tuloy-tuloy na dumadaloy na bukal ng buhay na tubig ng buhay. Kaya ang paglilimita sa gawain at mga salita ng Diyos sa Biblia ay parang pagsasabi na ang masasabi lang ng Diyos ay ang kung ano ang nakatala sa Biblia at ang magagawa lang ay ang gawaing ginawa Niya noon. Hindi ba iyon paglapastangan at pagkukulong sa Diyos? Milyun-milyong salita na ngayon ang nasabi ng Makapangyarihang Diyos, at ginagawa Niya ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos. Tinutupad nito ang propesiya ng Panginoong Jesus, ‘Siya na nagtatakwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga salita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:48). At sa 1 Pedro, sinasabing, ‘Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos(1 Pedro 4:17). Tanging sa pagtanggap sa mga katotohanan ng Diyos sa mga huling araw at sa paghatol ng Kanyang mga salita natin mauunawaan ang ugat ng ating kasalanan, mapapalaya mula sa mga gapos ng katiwalian, at matitigil sa pagkakasala at paglaban sa Diyos. Saka natin tunay na masusunod at masasamba ang Diyos, at sa huli ay madadala ng Diyos sa Kanyang kaharian at magkakamit ng isang magandang destinasyon.” Nang marinig ko ito, napagtanto ko na ang pagsasalita ng Panginoon ng mga bagong salita at paggawa ng bagong gawain sa mga huling araw ay talagang ipinropesiya sa Biblia. Dati, lagi kong inisip na bihasa ako sa Biblia, pero nakita kong hindi ko naunawaan ni bahagya ang panloob na kuwento at hindi ko alam kung paano harapin nang tama ang Biblia.

Napakarami pang ibinahagi ng dalawang brother na iyon matapos iyon tungkol sa tamang pagharap sa Biblia. Nawalan ako ng anumang mga pagdududa. Pero talagang nakakalungkot din iyon para sa akin. Hindi ko alam kung bakit masyado akong naligaw matapos ang lahat ng mga taong iyon ng pananampalataya. Lagi kong inisip na ang pananalig sa Diyos ay nangangahulugang pananalig sa Biblia, at ang anumang iba pa ay hindi pananalig sa Diyos. Akala ko ang gawain at mga salita ng Diyos ay limitadong lahat sa Biblia, kaya itinuring ko ang Biblia na mas dakila pa sa Diyos. Nilabanan at kinondena ko ang pahayag ninuman na gumagawa ang Diyos ng bagong gawain at nagsasalita ng mga bagong salita at wala akong anumang pagnanais na maghanap. Matigas lang akong kumapit sa sarili kong mga kuru-kuro at ikinintal din iyon sa mga kapatid, inililigaw ang iba. Pakiramdam ko ang pangangaral na ginawa ko sa lahat ng mga taong iyon ay isang paraan ng panlilinlang sa mga miyembro ng simbahan, na nakasakit iyon sa kanila. Tapos nakita ko na isa lang akong mangmang, hangal na mangangaral. Nakipag-ugnayan ako sa napakaraming mangangaral noon, at tinalakay ang Kasulatan kasama nila, pero ang mga brother na iyon ang may pinakalinaw na pagbabahagi. Talagang isa akong mapagmataas na tao na hindi madaling makumbinsi, pero sa pagkakataong ito, wala akong mga pagdududa!

Sabik na sabik ako na ipaliwanag nila sa akin ang lahat para malinawan ang lahat ng pagkalito ko. Sinabi ko sa kanila, “Nauunawaan ko ang lahat ng pagbabahagi niyo, pero mayroon pa rin akong isang mahalagang tanong. Sinabi niyo na nagbalik na sa katawang-tao ang Panginoon bilang isang babae, na isang bagay na hindi ko matanggap. Ang Panginoong Jesus ay isang lalaki, kaya dapat din Siyang bumalik bilang isang lalaki!” Sabi ni Brother Wang, “Ang Diyos ay isang Espiritu, isang Espiritung walang pisikal na anyo o kasarian. Pumarito Siya para gumawa sa katawang-tao dahil sa kinakailangan sa Kanyang gawain, at iyon lang ang dahilan kaya Siya nagkaroon ng kasarian. Kung lalaki man Siya o babae, kaya Niyang gawin ang gawain ng Diyos. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang nagkatawang-taong Diyos ay ipinako sa krus, nagsisilbi bilang handog para sa kasalanan ng sangkatauhan. Ang Panginoong Jesus ay isang lalaki at kaya Niyang tubusin ang sangkatauhan sa pamamagitan ng pagkakapako sa krus. Kung pumarito ang Panginoong Jesus bilang isang babae, maaari pa rin Siyang ipako sa krus. Kapag tapos na ang gawain Niya sa katawang-tao, ang Diyos ay magiging espirituwal na anyo, kaya hindi na Siya magiging lalaki o babae. Sinasabi sa Biblia, ‘At nilalang ng Diyos ang tao ayon sa Kanyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Diyos siya’y nilalang; nilalang Niya sila na lalaki at babae’ (Genesis 1:27). Sinasabi sa atin ng Biblia na nilikha ng Diyos ang lalaki at babae sa Kanyang larawan. Ang pagkakatawang-tao ng Diyos bilang isang lalaki ay maaaring kumatawan sa Diyos, kaya hindi ba maaari ring kumatawan sa Diyos ang Kanyang pagkakatawang-tao bilang isang babae? Lalaki man o babae, isa itong pagkakatawang-tao sa laman ng Espiritu ng Diyos at sa alinmang kaso, ginagawa ng Diyos ang sarili Niyang gawain. Isa itong katotohanan na hindi natin nalaman noon, kaya mula sa unang pagkakatawang-tao ng Diyos bilang isang lalaki, maraming tao ang naglimita sa Kanya, iniisip na ang nagkatawang-taong Diyos ay maaari lang maging isang lalaki, at hindi kailanman isang babae.” Tapos nagbasa si Brother Wang ng dalawang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. “Bawat yugto ng gawaing ginawa ng Diyos ay may sariling praktikal na kabuluhan. Noon, nang pumarito si Jesus, dumating Siya sa anyong lalaki, at nang dumating ang Diyos sa pagkakataong ito, ang anyo Niya ay babae. Mula rito, makikita mo na ang paglikha ng Diyos sa kapwa lalaki at babae ay magagamit sa Kanyang gawain, at para sa Kanya ay walang pagkakaiba ng kasarian. Kapag dumarating ang Kanyang Espiritu, maaari Siyang magbihis ng anumang katawang-taong gusto Niya, at maaari Siyang katawanin ng katawang-taong iyon; lalaki man o babae, maaari nitong katawanin ang Diyos basta’t ito ang Kanyang nagkatawang-taong laman. Kung nagpakita si Jesus bilang isang babae nang Siya ay dumating, sa madaling salita, kung isang sanggol na babae, at hindi isang lalaki, naipaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, makukumpleto pa rin ang yugtong iyon ng gawain. Kung nagkagayon, kakailanganing kumpletuhin ng isang lalaki ang kasalukuyang yugto ng gawain, ngunit makukumpleto pa rin ang gawain. Ang gawaing ginagawa sa bawat yugto ay mayroong sarili nitong kabuluhan; hindi naulit ang alinmang yugto ng gawain, ni hindi ito magkasalungat. Sa panahong iyon, si Jesus, sa paggawa ng Kanyang gawain, ay tinawag na bugtong na Anak, at ang ‘Anak’ ay nagpapahiwatig ng kasariang lalaki. Bakit hindi binanggit ang bugtong na Anak sa kasalukuyang yugtong ito? Dahil ang mga kinakailangan ng gawain ay nangailangan ng pagbabago ng kasarian na naiiba sa kay Jesus. Para sa Diyos walang pagkakaiba ang kasarian. Ginagawa Niya ang Kanyang gawain ayon sa Kanyang kagustuhan, at sa paggawa ng Kanyang gawain ay hindi Siya sumasailalim sa anumang mga paghihigpit, kundi malayang-malaya. Subalit bawat yugto ng gawain ay may sariling praktikal na kabuluhan. Dalawang beses na naging tao ang Diyos, at maliwanag na ang Kanyang pagkakatawang-tao sa mga huling araw ang huling pagkakataon. Naparito Siya upang ipahayag ang lahat ng Kanyang gawa. Kung hindi Siya naging tao sa yugtong ito upang personal na gumawa para masaksihan ng tao, kumapit sana ang tao magpakailanman sa kuru-kuro na ang Diyos ay lalaki lamang, hindi babae(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawang Ganap ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao). “Kung ang yugtong ito ng gawain ay hindi ginawa sa huling kapanahunan, ang buong sangkatauhan ay malalambungan ng madilim na anino pagdating sa Diyos. Kung nagkagayon, iisipin ng lalaki na mas mataas siya kaysa sa babae, at hindi makapagtataas-noo ang mga babae kailanman, at pagkatapos ay wala ni isang babaeng maliligtas. Palaging naniniwala ang mga tao na lalaki ang Diyos, at bukod pa riyan ay lagi Niyang hinahamak ang babae at hindi siya pinagkakalooban ng kaligtasan. Kung nagkagayon, hindi ba magiging totoo na lahat ng babae, na nilikha ni Jehova at nagawa ring tiwali, ay hindi kailanman magkakaroon ng pagkakataong maligtas? Kung gayon ay hindi ba mawawalan ng kabuluhan na likhain ni Jehova ang babae, ibig sabihin, na nalikha si Eba? At hindi ba mapapahamak ang babae magpasawalang-hanggan? Dahil dito, isinasakatuparan ang yugto ng gawain sa mga huling araw upang mailigtas ang buong sangkatauhan, hindi lamang ang babae. Kung iisipin ng sinuman na kung magkakatawang-tao ang Diyos bilang babae, para lamang iyon sa kapakanan ng pagliligtas sa babae, sa gayon ay talagang magiging hangal ang taong iyon!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawang Ganap ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao). Tapos sabi niya, “May kahulugan sa kung nagkakatawang-tao ang Diyos bilang isang lalaki o bilang isang babae, at may katotohanan na dapat nating hanapin. Kung dalawang beses nagkatawang-tao ang Diyos bilang isang lalaki, iisipin ng mga tao na maaari lang maging isang lalaki ang Diyos, hindi kailanman bilang isang babae. Hindi ba iyon paglilimita sa Diyos? Ipinapakita sa atin ng pagkakatawang-tao ng Diyos bilang isang babae sa mga huling araw na kung gumagamit man Siya ng katawan ng isang lalaki o babae, hindi kailanman nagbabago ang Kanyang diwa—Siya ang Diyos Mismo at kaya Niyang magpahayag lagi ng mga katotohanan at gumawa ng gawain ng Diyos. Binibigyan tayo nito ng mas tumpak na pag-unawa sa Diyos. At saka, tinutulungan tayo ng pagkakatawang-tao ng Diyos na makita na hindi lang Siya Diyos para sa kalalakihan, kundi Diyos din Siya para sa kababaihan. Kung nagkatawang-tao Siyang muli bilang isang lalaki sa mga huling araw, magkakaroon ng pagkiling laban sa kababaihan magpakailanman, at maaari pa ngang isipin ng mga tao na kinasusuklaman ng Diyos ang kababaihan, na hindi sila maaaring maligtas. Hindi ba iyon magiging maling pagkaunawa? Ang pagkakatawang-tao ng Diyos bilang isang babae sa mga huling araw ay hindi tugma sa mga kuru-kuro ng mga tao, pero makabuluhan iyon, at kapaki-pakinabang para sa kaligtasan ng mga tao at pag-unawa sa Diyos. Nasa loob nito ang pagmamahal ng Diyos.”

Inilantad ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang aking mga haka-haka. Ang paglikha ng Diyos sa lalaki at babae ay isang bagay na tinanggap ko lang sa salita. Inisip ko kung bakit inakala kong imposibleng gamitin Niya ang anyo ng babae. Paano ako naging ganoon kaignorante? Tapos nagbasa pa si Brother Wang ng mas maraming salita ng Makapangyarihang Diyos para sa akin. “Ang Diyos ay hindi lamang ang Banal na Espiritu, ang Espiritung iyon, ang Espiritung pinatindi nang pitong beses, o ang Espiritung sumasaklaw sa lahat, kundi isang tao rin—isang ordinaryong tao, isang lubhang karaniwang tao. Hindi lamang Siya lalaki, kundi babae rin. Magkapareho sila dahil kapwa Sila isinilang sa mga tao, at magkaiba dahil ipinaglihi ang isa sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at ang isa naman ay isinilang sa isang tao, bagama’t nagmula mismo sa Espiritu. Magkatulad Sila dahil pareho Silang Diyos na nagkatawang-tao na nagsasagawa ng gawain ng Diyos Ama, at magkaiba dahil ginagawa ng isa ang gawain ng pagtubos samantalang ang isa naman ay ang gawain ng panlulupig. Parehong kumakatawan sa Diyos Ama, ngunit ang isa ay ang Manunubos, na puno ng kagandahang-loob at awa, at ang isa naman ay ang Diyos ng katuwiran, na puno ng poot at paghatol. Ang isa ay ang Kataas-taasang Pinuno na naglunsad ng gawain ng pagtubos, samantalang ang isa naman ay ang matuwid na Diyos na nagsasakatuparan ng gawain ng panlulupig. Ang isa ay ang Simula, at ang isa naman ay ang Wakas. Ang isa ay walang-kasalanang katawan, samantalang ang isa naman ay katawan na tumatapos sa pagtubos, nagpapatuloy ng gawain, at hindi nagkakasala kailanman. Pareho Silang iisang Espiritu, ngunit nananahan Sila sa magkaibang katawang-tao at isinilang sa magkaibang lugar, at magkahiwalay Sila nang ilang libong taon. Gayunman, lahat ng Kanilang gawain ay nagpupuno sa isa’t isa, hindi kailanman nagkakasalungat, at maaaring banggitin nang sabay. Pareho Silang tao, ngunit ang isa ay isang batang lalaki at ang isa naman ay isang batang babae. Sa loob ng maraming taon na ito, ang nakita ng mga tao ay hindi lamang ang Espiritu at hindi lamang isang tao, isang lalaki, kundi maraming bagay rin na hindi tugma sa mga kuru-kuro ng tao; sa gayon, hindi Ako lubos na naaarok ng mga tao kailanman. Patuloy silang naniniwala at nagdududa sa Akin—na para bang umiiral nga Ako, subalit isa rin Akong ilusyong panaginip—kaya nga, hanggang sa araw na ito, hindi pa rin alam ng mga tao kung ano ang Diyos. Talaga bang maibubuod mo Ako sa isang simpleng pangungusap? Talaga bang nangangahas kang sabihing, ‘Si Jesus ay walang iba kundi ang Diyos, at ang Diyos ay walang iba kundi si Jesus’? Napakatapang mo ba talaga para sabihing, ‘Ang Diyos ay walang iba kundi ang Espiritu, at ang Espiritu ay walang iba kundi ang Diyos’? Komportable ka bang sabihing, ‘Ang Diyos ay isang tao lamang na may katawang-tao’? May tapang ka ba talagang igiit na, ‘Ang larawan ni Jesus ay walang iba kundi ang dakilang larawan ng Diyos’? Nagagawa mo bang gamitin ang iyong kahusayan sa pagsasalita para ipaliwanag nang lubusan ang disposisyon at larawan ng Diyos? Nangangahas ka ba talagang sabihing, ‘Mga lalaki lamang ang nilikha ng Diyos, hindi mga babae, ayon sa Kanyang sariling larawan’? Kung sasabihin mo ito, walang babaeng mapapabilang sa Aking mga pinili, lalo nang hindi magiging isang klase ng katauhan ang mga babae. Ngayon talaga bang alam mo kung ano ang Diyos? Tao ba ang Diyos? Espiritu ba ang Diyos? Lalaki ba talaga ang Diyos? Si Jesus lamang ba ang maaaring kumumpleto sa gawaing Aking gagawin? Kung isa lamang ang pipiliin mo sa nasa itaas para ibuod ang Aking pinakadiwa, isa kang napakamangmang na tapat na mananampalataya. Kung gumawa Akong minsan bilang katawang-tao, at minsan lamang, lilimitahan kaya ninyo Ako? Nauunawaan ba ninyo talaga Ako nang lubusan sa isang sulyap lamang? Maibubuod mo ba talaga Ako nang ganap batay sa kung ano ang nalantad sa iyo sa buong buhay mo? Kung pareho ang gawaing ginawa Ko sa Aking dalawang pagkakatawang-tao, ano ang magiging tingin mo sa Akin? Hahayaan mo bang nakapako Ako sa krus magpakailanman? Maaari bang maging kasing-simple ng sinasabi mo ang Diyos?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Pagkaunawa Mo sa Diyos?). Naantig ako ng mga salitang ito sa sandaling narinig ko ang mga ito. Lagi kong sinabing ang Diyos ay ang Espiritung pumupuno sa lahat ng bagay, makapangyarihan sa lahat at nasa lahat ng dako, kaya paano ko Siya nagagawang limitahan? Nagkatawang-tao Siya bilang isang lalaki sa unang beses, kaya hindi ba ganap na normal para sa Kanya na pumarito bilang isang babae sa pagkakataong ito? Kapag nagkakatawang-tao Siya bilang isang lalaki o isang babae, kinakatawan Niya ang Diyos—kaya Niyang magpahayag ng mga katotohanan at magligtas sa sangkatauhan. Ang totoo’y napakasimple nito, kaya bakit ko ito nakita bilang isang malaking misteryo? Habang lalo ko itong isinasaalang-alang, lalo kong nakikita na mali ako. Talagang hindi ko kilala ang Diyos, kundi palagi ko Siyang nililimitahan at pinipigil. Lubos iyong di-makatwiran.

Tapos ibinahagi ni Brother Shi, “Para matukoy kung pagkakatawang-tao iyon ng Diyos, ang susi ay makita kung mayroon Siyang banal na diwa at kayang magpahayag ng mga katotohanan, hindi ibatay iyon sa kasarian o panlabas na anyo. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, ‘Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng diwa ng Diyos, at Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng pahayag ng Diyos. Dahil ang Diyos ay naging tao, ilalahad Niya ang gawaing layon Niyang gawin, at dahil ang Diyos ay naging tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at magagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban siya ng buhay, at ituro ang daan para sa kanya. Ang katawang-tao na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. Kung layon ng tao na magsiyasat kung ito ang katawang-tao ng Diyos, kailangan niyang patunayan ito mula sa disposisyon na Kanyang ipinapahayag at sa mga salitang Kanyang sinasambit. Ibig sabihin, patunayan kung ito nga ang katawang-tao ng Diyos o hindi, at kung ito nga ang tunay na daan o hindi, kailangan itong matukoy batay sa Kanyang diwa. Kaya nga, sa pagtukoy kung ito ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, ang sagot ay nasa Kanyang diwa (Kanyang gawain, Kanyang mga pagbigkas, Kanyang disposisyon, at maraming iba pang aspeto), sa halip na sa panlabas na anyo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Napakalinaw ng mga salita ng Diyos. Siyang nagpapahayag ng katotohanan, nagpapakita sa atin ng daan, at nagbibigay sa atin ng buhay ay ang Diyos sa katawang-tao. Nang pumarito ang Panginoong Jesus para gumawa sa katawang-tao, mukha lang Siyang isang karaniwang tao—anak Siya ng isang karpintero. Maraming tao ang hindi Siya kinilala na Diyos dahil doon. Kung ganoon, bakit napakaraming tao ang sumunod sa Panginoong Jesus? Iyon ay dahil ang Kanyang gawain at mga salita ay hindi matatamo ng sinumang tao. Kaya Niyang ipahayag ang katotohanan at bigyan tayo ng daan ng pagsisisi. Siya’y pagmamahal, awa at pagkatubos para sa sangkatauhan. Walang taong nagtataglay ng mga bagay na iyon o nakakagawa ng lahat ng iyon. Kaya, ang Panginoong Jesus ang Diyos na nagkatawang-tao. At ngayo’y pumarito na ang Makapangyarihang Diyos, mukha Siyang isang karaniwang tao sa panlabas, pero nagpahayag Siya ng napakaraming katotohanan at gumagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw. Nakalupig na Siya at nakabuo ng isang grupo ng mga mananagumpay. Gumawa ang Makapangyarihang Diyos ng napakalaking gawain at ginulat ang buong mundo, inihahayag ang matuwid na disposisyon ng Diyos sa sangkatauhan at dinadala sa atin ang daan ng buhay na walang hanggan. Ito’y mga bagay na hindi magagawa ng tao. Kung ang isinasaalang-alang lang natin ay ang kasarian ng pagkakatawang-tao, pero hindi ang mga katotohanang ipinapahayag ng Diyos, napakahangal noon, at paggawa iyon ng pagkakamali ng mga Fariseo na paglaban sa Diyos.”

Inisip ko kung paanong maraming simbahan ang nagsasalita sa loob ng maraming taon tungkol sa pagbabantay laban sa mga huwad na Cristo, pero walang malinaw na makapagpaliwanag kung paano masasabi kung ang isang tao’y ang Diyos sa katawang-tao. Ang Makapangyarihang Diyos lang ang nakakapaglinaw ng aspetong ito ng katotohanan. Lubos akong nakumbinsi. Labis din akong nakonsiyensya. Naging mananampalataya ako sa lahat ng mga taong iyon at binasa nang husto ang Biblia, pero ni hindi ko alam kung paano makikilala ang Panginoon. Para lang akong isang sekular na tao, humahatol ng isang libro batay sa pabalat, ipinapalagay na ang nagkatawang-taong Diyos ay imposibleng maging isang babae. Kung isinilang ako sa Kapanahunan ng Biyaya kokondenahin ko ang Panginoong Jesus, kagaya ng mga Fariseo. Marami pa kaming pinagbahaginan matapos iyon, pati na ang mga misteryo ng plano ng pamamahala ng Diyos, ang tatlong yugto ng Kanyang gawain, paano Niya ginagawa ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw para linisin at iligtas ang tao, at marami pang iba. Naging mas tiyak akong ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan, na Siya ang nagbalik na Panginoong Jesus. Wala nang iba maliban sa Diyos ang makapaghahayag ng mga misteryong ito ng katotohanan. Walang makakapaglinis at makakapagligtas ng ibang tao, at walang makakatukoy ng kahihinatnan at destinasyon ng mga tao. Iminulat talaga nito ang mga mata ko. Kaya pala ayaw nang bumalik ng mga kapatid na iyon matapos tanggapin ang Kidlat ng Silanganan. Nakita nila ang katotohanan sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at narinig ang tinig ng Diyos. Nasalubong nila ang pagbabalik ng Panginoon. Sinong gugustuhing lumayo matapos mahanap ang mga yapak ng Diyos at dumalo sa piging ng kasal ng Cordero? Isang kahangalan iyon. Lumipas ang lahat ng mga taong iyon. Kung siniyasat ko iyon nang mas maaga at nakinig sa sasabihin ng Kidlat ng Silanganan, mas maaga sana akong nakalaya sa pasakit, at nagtamasa ng buhay na tubig ng buhay. Masyado akong bulag at hangal, hindi nag-iisip na nakinig lang sa kahibangan ng lider ng simbahan. Talagang mapagmataas ako, matigas akong kumapit sa Biblia, at tinuruan ko ng mga maling paniniwala ang mga kapatid gamit ang mali kong mga haka-haka, nahimok silang itanggi at kondenahin ang bagong gawain ng Diyos kasama ko. Pinigil ko ang iba na salubungin ang pagbabalik ng Panginoon. Ipinaalala nito sa akin ang isang bagay na sinabi ng Panginoong Jesus para sawayin ang mga Fariseo: “Sapagka’t sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagka’t kayo’y hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok(Mateo 23:13). Kumilos ako nang kagaya ng ginawa ng mga Fariseo, isinara ang kaharian ng langit, hindi pumapasok o pinapayagang pumasok ang iba. Ipinahamak ko ang mga kapatid—isa iyong malaking kasamaan.

Nang maisip ko ang lahat ng kakila-kilabot na bagay na ginawa ko laban sa Makapangyarihang Diyos, talagang kinamuhian ko ang sarili ko, at hindi ko napigilang tumakbo sa kusina at umiyak. Nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos matapos iyon. “Yamang naniniwala ka sa Diyos, dapat kang manampalataya sa lahat ng mga salita ng Diyos at sa lahat ng gawain Niya. Ibig sabihin, yamang naniniwala ka sa Diyos, dapat kang sumunod sa Kanya. Kung hindi mo kayang gawin ito, kung gayon ay hindi mahalaga kung naniniwala ka sa Diyos o hindi. Kung naniniwala ka sa Diyos sa loob ng maraming taon, subalit hindi mo Siya kailanman sinunod, at hindi mo tinatanggap ang kabuuan ng mga salita Niya, at sa halip ay hinihingi mo sa Diyos na magpasakop Siya sa iyo at kumilos Siya ayon sa mga kuru-kuro mo, kung gayon ay ikaw ang pinakamapanghimagsik sa lahat, isa kang hindi mananampalataya. Paano makasusunod ang ganitong mga tao sa gawain at mga salita ng Diyos na hindi umaayon sa mga kuru-kuro ng tao? Ang pinakamapaghimagsik sa lahat ay ang mga sadyang lumalabag at lumalaban sa Diyos. Sila ang mga kaaway ng Diyos, ang mga anticristo. Palaging may poot ang saloobin nila sa bagong gawain ng Diyos; hindi sila kailanman nagkaroon ng ni katiting na kagustuhang magpasakop, ni hindi sila kailanman nagalak na magpasakop o magpakumbaba ng sarili nila. Dinadakila nila ang mga sarili nila bago ang iba at hindi kailanman nagpapasakop sa sinuman. Sa harap ng Diyos, itinuturing nila ang mga sarili nilang pinakamahusay sa pangangaral ng salita, at ang pinakabihasa sa paggawa sa iba. Hindi nila kailanman itinatapon ang mga ‘kayamanang’ nasa pag-aari nila, kundi itinuturing ang mga ito bilang mga pamana ng pamilya para sambahin, para ipangaral sa iba ang tungkol dito, at ginagamit nila ang mga ito para magsermon sa mga hangal na umiidolo sa kanila. Tunay ngang may ilang taong tulad nito sa loob ng iglesia. Masasabing sila ay mga ‘hindi palulupig na mga bayani,’ na bawat salinlahi ay pansamantalang nananahan sa tahanan ng Diyos. Ipinapalagay nila ang pangangaral ng salita (doktrina) bilang pinakamataas nilang tungkulin. Bawat taon, bawat salinlahi, masigasig nilang ipinatutupad ang ‘sagrado at hindi malalabag’ na tungkulin nila. Walang nangangahas na salingin sila; wala kahit isang tao ang nangangahas na lantarang sawayin sila. Nagiging ‘mga hari’ sila sa tahanan ng Diyos, nagwawala habang sinisiil nila ang iba sa bawat kapanahunan. Naghahangad ang pangkat ng mga demonyong ito na makipagsanib at gibain ang gawain Ko; paano Ko mapahihintulutang umiral ang mga buhay na diyablong ito sa harap ng mga mata Ko? Kahit ang mga medyo masunurin lamang ay hindi makapagpapatuloy hanggang sa katapusan, lalong hindi itong mga maniniil na wala ni katiting na pagsunod sa mga puso nila!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos). Parang isang kutsilyong tumagos sa puso ko ang mababagsik na salita ng Diyos. Pakiramdam ko bawat salita ay paghatol sa akin. Sa lahat ng mga taong iyon, akala ko walang pananampalataya ng sinuman ang nakahigit sa pananampalataya ko sa simbahan, na ako ang pinakatapat na mananampalataya. Itinuring kong parang personal na kapital ang mga ginawa kong sakripisyo, na para bang may awtoridad ako ng isang hari sa simbahan. Ako ang may huling salita sa lahat ng bagay, malaki at maliit. Naniwala sa Panginoon ang mga kapatid at nagbasa ng Biblia, pero ako lang ang pinakinggan nila. Talagang naging mahigpit ako sa pagpapanatili ng aking mga kuru-kuro tungkol sa pagsalubong sa Panginoon, at tinakot ko ang mga kapatid para mapigilan sila na siyasatin iyon. Ganap kong sinarhan ang simbahan. Masyadong takot ang mga miyembro ng simbahan na tumanggap ng sinumang kasali sa Kidlat ng Silanganan at hindi naglakas-loob na pakinggan sila. May ilang talagang nagustuhan ang sinabi nila, pero masyadong takot para hayaan silang makatapos, takot na ititiwalag ko sila. Nakita kong isa akong masamang lingkod na pumipigil sa mga tao na salubungin ang Panginoon. Isa akong makabagong-panahong Fariseo! Nalabag ko ang disposisyon ng Diyos at dinisiplina Niya ako, pinahintulutan akong magkasakit. Pero hindi pa rin ako bumaligtad, patuloy lang na kumapit sa aking mga haka-haka na para bang ang mga iyon ang katotohanan, sa halip na magsumikap na siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Masyado akong mapagmataas! Pinilit ko ang lahat sa simbahan na makinig sa akin, na ituring ang aking mga ideya na parang katotohanan. Sinubukan kong tumayo sa puwesto ng Diyos. Hindi ba iyon parang pagiging isang anticristo, gaya ng arkanghel? Matapos ang lahat ng mga taon ko ng pagiging mananampalataya, hindi ko pa rin kilala ang Diyos, at nilabanan ko Siya. Pero sa halip na direkta akong parusahan, pinatigil Niya ako sa aking kasamaan gamit ang isang problema sa kalusugan, at pagkatapos ay pinagbahagi sa akin ang dalawang brother na iyon ng ebanghelyo. Hindi talaga ako karapat-dapat sa awa at pagliligtas ng Diyos. Puno ako ng pasasalamat at pakiramdam ko napakalaki ng utang ko sa Diyos nang mapagtanto ko iyon. Nagpatirapa ako sa harap ng Diyos, umiiyak, at nagdasal, “Makapangyarihang Diyos! Ang mga kilos ko’y karapat-dapat sa Iyong pagkondena, sa Iyong pagsumpa. Hindi ako nararapat na mabuhay sa mundong ito. Iniligtas Mo po ako at biniyayaan ako na marinig ang Iyong tinig. Diyos ko, napakarami kong ginawang kasamaan at hindi ako karapat-dapat na humingi ng Iyong awa. Hinihiling ko lang pong bigyan Mo ako ng pagkakataong makapagsisi sa aking mga kasalanan, na makabawi sa aking mga paglabag. Nakahanda akong magbayad ng anumang halaga para ibahagi ang ebanghelyo para matulungan ang Iyong mga naliligaw na tupa na makabalik sa Iyong sambahayan at makatanggap ng Iyong pagliligtas.”

Sa maiksing panahon, sabik kong kinain ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos na parang isang nagugutom na tao at natuto ng napakaraming katotohanang hindi ko alam noon, gaya ng kung ano ang pagkakatawang-tao, ano ang pananalig sa Diyos, ano ang kahulugan ng tunay na paglilingkod sa Diyos, at saka natutunan ko ang tungkol sa pagbabago ng disposisyon, paano talaga mahalin at palugurin ang Diyos, at maraming pang iba. Pakiramdam ko napakarami kong nakamit mula sa lahat ng pagdidilig at pagtustos ng mga salita ng Diyos. Talagang dumadalo ako sa piging ng kasal ng Cordero. Nakatiyak ako na ito ang pagpapakita at gawain ng Diyos, ang landas na personal Niyang ipinapakita sa atin. At saka, nawala na lang nang walang bakas ang problema ko sa kalusugan. Sa pamamagitan ng paggawa kasama ang mga kapatid, naakay ko ang aming siyam na pangunahing kasamahan at mahigit tatlumpung lider ng grupo na lumapit sa Diyos. Tapos sinimulan ko ang pagpapalaganap ng ebanghelyo at paggawa ng aking tungkulin para mas maraming tunay na mananampalataya ang mas maagang makapagkamit ng pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw. Salamat sa Makapangyarihang Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Natagpuan Ko ang Tunay na Liwanag

Naniniwala ang mga Protestante at Katoliko sa iisang Diyos. Pareho silang naniniwala sa Panginoong Jesus. Bilang resulta, tinanggap ko ang imbitasyon ng pinuno ng maliit na grupo na sumama sa kanya sa iglesia. Matapos pakinggan ang pangangaral ng mga pastor at marinig ang pananalita tungkol sa Biblia ng ilang kapatid, nagkaroon ako ng ilang pagkaunawa tungkol sa buhay ng Panginoong Jesus. Ginawa nitong magkaroon ako ng higit na pananampalataya sa Panginoon.