Maaari bang Katawanin ng Biblia ang Panginoon?

Marso 8, 2021

Ni Xiangwang, Malaysia

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang Diyos Mismo ang buhay, at ang katotohanan, at sabay na umiiral ang Kanyang buhay at katotohanan. Ang mga walang kakayahang magkamit ng katotohanan ay hindi kailanman magkakamit ang buhay. Kung wala ang patnubay, pag-alalay, at pagtustos ng katotohanan, ang tanging makakamit mo lamang ay mga titik, mga doktrina, at, higit sa lahat, kamatayan. Laging naririyan ang buhay ng Diyos, at umiiral nang sabay ang Kanyang katotohanan at buhay. Kung hindi mo matatagpuan ang pinagmulan ng katotohanan, kung gayon ay hindi mo makakamit ang pampalusog ng buhay; kung hindi mo makakamit ang panustos ng buhay, kung gayon tiyak na hindi ka magkakaroon ng katotohanan, kaya bukod sa mga guni-guni at mga kuru-kuro, ang kabuuan ng katawan mo ay magiging walang iba kundi ang laman mo—ang umaalingasaw mong laman. Dapat mong malaman na hindi itinuturing na buhay ang mga salita ng mga aklat, hindi maaaring sambahin na katotohanan ang mga talaan ng kasaysayan, at hindi maaaring magsilbing isang ulat ng mga salitang sinasabi ng Diyos sa kasalukuyan ang mga tuntunin ng nakalipas. Tanging ang mga inihahayag lamang ng Diyos kapag pumaparito Siya sa lupa at namumuhay kasama ng tao ang katotohanan, ang buhay, ang kalooban ng Diyos, at ang Kanyang kasalukuyang paraan ng paggawa(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan). Sa pananampalataya ko noon, sa literal na kahulugan ng Biblia lang ako nakatuon, dahil iniisip ko na kinakatawan nito ang Panginoon at ito lang ang tanging paraan para magtamo ng buhay. Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos na iyon ay mga kuru-kuro at imahinasyon ko lamang. Ang Diyos lamang ang katotohanan at ang pinagmumulan ng buhay ng tao. Ang Biblia ay talaan lang ng gawain ng Diyos, at hindi ito maaaring ipalit sa Kanyang kasalukuyang gawain at mga salita. Kung tayo bilang mananampalataya ay susunod lang sa mga salita ng Biblia, ngunit hindi sumusunod sa mga yapak ng Diyos o tinatanggap ang mga katotohanang ipinapahayag ng Diyos ng mga huling araw, maniniwala tayo hanggang wakas nang hindi natatamo ang katotohanan at ang buhay.

Isang araw sa tag-init noong 2017, isang kasamahan ko sa trabaho ang mariing nagsabi sa akin nito, “Sa tingin ko ay nakikipag-ugnayan ang nanay mo sa Kidlat ng Silanganan. Mag-ingat kayo. Narinig ko na hindi naaayon sa Biblia ang paraan nila—lagpas ito sa Biblia.” Hindi ko ito mapaniwalaan. Diyakonesa sa simbahan ang aking ina na matibay na nakasalig sa Biblia. Paano siya magkaroon ng ugnayan sa Kidlat ng Silanganan? Nakaramdam ako ng labis na pagkabalisa, kaya nagpasya akong magmadaling umuwi sa bahay para ako mismo ang makaalam.

Pagdating ko ng bahay, sinabi sa akin ng nanay ko na nagbalik na ang Panginoong Jesus, na Siya ay maraming inihahayag na mga salita at gumagawa ng paghatol simula sa bahay ng Diyos. Pinayuhan niya akong alamin ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Sumagot ko, “Laging sinasabi ng pastor na kinasihan ng Diyos ang Biblia, na ang lahat ng nasa Biblia ay salita ng Diyos. Naniniwala kami sa Panginoon, at ang ibig sabihin nito ay naniniwala kami sa Biblia. Ang lahat ng wala sa Biblia ay hindi pananampalataya sa Panginoon. Ang pamamaraan ng Kidlat ng Silanganan ay wala sa Biblia at lihis sa pamamaraan ng Panginoon. Huwag na kayong makipag-ugnayan sa kanila kahit kailan.” Pero mahinahong sumagot ang aking ina, “Ilang araw na akong sumasama sa mga pagtitipon ng mga miyembro ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at may nalaman ako na mga katotohanan. Maraming bagay na malabo sa pananampalataya ko noon ang naging malinaw na ngayon. Ang kanilang pagbabahagian ay may kaliwanagan. May gabay at kaliwanagan ito ng Banal na Espiritu. Hindi kailanman binabanggit ng pastor ang mga iyon. Sumasaya at sumisigla ako kapag kasama ko silang nagtitipon. Ang pagsalubong sa pagdating ng Panginoon ay napakahalaga. Basahin mo muna ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pakinggan ang pagbabahagian ng mga kapatid.” Nang makita ko na iginigiit niya talaga ito, hindi na ako nagsalita. Pumasok ako sa aking silid at mahinahong pinag-isipan ang sinabi niya. Tama siya. Hinuhusgahan ko na ang Kidlat ng Silanganan nang hindi muna sila pinapakinggan. Hindi makatwiran iyon. Pero naisip ko pagkatapos, “Laging sinasabi ng pastor na kinasihan ng Diyos ang lahat ng nasa Biblia, na ito ang pundasyon ng ating pananampalataya. Tama rin iyon.” Litung-lito ako at hindi ko alam kung sino ang pakikinggan. Nagdasal ako sa Panginoon at hiniling sa Kanya na gabayan ako na malaman kung ano ang tama at ang mali.

Kinabukasan, binanggit ulit sa akin ng nanay ko na dapat kong malaman ang gawain ng Makapangyarihang Diyos. Sinabi rin niya na kung palalampasin ko ang pagkakataong ito na malugod na tanggapin ang Panginoon, baka magsisi ako sa huli. Naisip ko, “Pumunta na lang ako siguro at tingnan kung ano ang ipinapangaral nila para malaman ko kung ang Makapangyarihang Diyos talaga ang nagbalik na Panginoong Jesus.” Pumayag akong makinig sa kanilang ibinabahagi. Sa isang pulong, nagsalita si Brother Yang ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos tungkol sa anim na libong taong plano ng pamamahala ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan, kung paano ginagawang tiwali ni Satanas ang mga tao, at kung paano kumikilos ang Diyos nang paisa-isang hakbang para sa kaligtasan ng tao. Hindi pa ako nakarinig ng gayong kaliwanag na pagbabahagi noon. Lalo akong naging interesado. Nagpasya akong saliksikin ang Kidlat ng Silanganan.

Minsan ay tinanong ko si Brother Yang sa isang pagtitipon, “Laging sinasabi ng pastor na ang Biblia ay kinasihan ng Diyos at lahat ng nilalaman nito ay Kanyang salita, kaya bakit ninyo sinasabi na hindi salita ng Diyos ang lahat ng ito, ngunit naglalaman din ito ng mga salita ng tao?” Matiyaga siyang sumagot, “Maraming relihiyosong tao ang nagsasabing, kinasihan ng Diyos ang Biblia, na ang buong Biblia ay kinasihan ng Diyos, na ang kabuuan ito ay salita ng Diyos. Ngunit walang nagsiyasat kung talaga bang batay ito sa salita ng Diyos. Ang totoo, hindi iyan sinabi kailanman ng Banal na Espiritu, at hindi rin sinabi ng Panginoong Jesus, at hindi rin ito nakasulat sa mga aklat tungkol sa propesiya. ‘Ang lahat ng mga kasulatan ay kinasihan ng Dios’ ang sabi ni Pablo. Si Pablo ay isang karaniwang tao lamang, kaya ang mga salita niya ay hindi ang katotohanan. Kung hindi natin sisiyasatin ang totoo, at basta na lang tayo magpapasya na lahat ng nasa Biblia ay salita ng Diyos batay sa pahayag na iyan, hindi ba magiging makatwiran iyan? Ang totoo ay may iilan lamang na aklat tungkol sa propesiya ang kinasihan ng Diyos, iyon ay ang Kanyang mga salita. Malinaw na binanggit ito sa pamamagitan ng ‘ganito ang sabi ni Jehova,’ ‘Nangusap sa akin si Jehova, nagsasabing,’ o ‘ang pangitain ni Isaias’ at iba pa. Ang iba pa ay mga salita na ng tao, at karamihan nito ay gawain ng Diyos na itinala ng tao. Hindi ba’t nakalilito at nakaliligaw kung sasabihin natin nang walang anumang batayan na ang mga salita ng tao sa Biblia ay kinasihan ng Diyos, na ang mga ito ay salita ng Diyos? Maliban pa sa mga salita ng Panginoong Jesus at mga propesiya sa Apocalipsis o Pahayag, karamihan sa Bagong Tipan ay mga sulat halos ng mga disipulo at apostol, na karanasan at kaalaman ng tao. May kaliwanagan ang mga ito mula sa Banal na Espiritu at nakaayon sa katotohanan. Nagbibigay-aral ang mga ito, ngunit mga salita pa rin ng tao. Paano matatawag na salita ng Diyos ang mga ito, o kinasihan ng Diyos? Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Siya lamang ang makapaghahayag ng katotohanan. Walang tao ang may kakayahang ipahayag ang salita ng Diyos o ang katotohanan. Ang Diyos, ay Diyos, at ang tao ay tao. Ang mga salita ng tao at ang mga salita ng Diyos ay hindi kailanman magkakapantay. Kung ang mga salita ng tao, ni Pablo, sa Biblia ay ituturing na sa Diyos, iyan ay kalapastanganan! Kaya ang ideya na ang Biblia ay kinasihan ng Diyos, at ang kabuuan nito ay Kanyang salita ay isang kakatwang interpretasyon lang ng tao. Ito ay hindi batay sa mga katotohanan.”

Sang-ayon ako sa ibinahagi ni Brother Yang. Ang mga salita ng tao ay talagang nasa Biblia, hindi lang ang mga salita ng Diyos, pero hindi ko ito lubusang matangap kaagad. Naisip ko, “Naniniwala ang buong mundo ng relihiyon na kinasihan ng Diyos ang buong Biblia. Maaari kayang nagkamali ang lahat?” Tahimik akong nagdasal sa Panginoon: “O Panginoon, kung totoo na hindi lahat ng nasa Biblia ay mula sa Iyo, nawa’y liwanagan at gabayan Mo ako upang maunawaan ko ito.”

Patuloy ni Brother Yang: “Kung ang buong Biblia ay kinasihan ng Diyos, wala dapat ni katiting na pagkakamali rito. Pero ang totoo, ang Biblia ay naglalaman ng ilang pagkakamali. Halimbawa na lang ay sa pagiging hari ni Joachin. Sinabi sa 2 Mga Cronica 36:9, ‘Si Joachin ay may walong taong gulang nang siya’y magpasimulang maghari: at siya’y nagharing tatlong buwan at sangpung araw sa Jerusalem.’ At sinasabi sa 2 Mga Hari 24:8, ‘Si Joachin ay may labing walong taon nang siya’y magpasimulang maghari; at siya’y naghari sa Jerusalem na tatlong buwan.’ Kapwa nakatala sa mga bersikulong ito na namuno si Joachin bilang hari, pero sa isang bahagi, sinasabi na ‘walo’ samantalang sa isa pa ay ‘labing walo.’ Sinasabi ng isa na namuno siya nang tatlong buwan at sampung araw, samantalang sinasabi ng isa pa na tatlong buwan siya namuno. Nariyan din ang tala ng pagtatwa ni Pedro sa Panginoon sa Apat na Ebanghelyo. Sa Mateo 26:75 ay nasusulat, ‘Bago tumilaok ang manok, ay ikakaila mo akong makaitlo.’ Pero sa Marcos 14:72 ay sinasabi, ‘Bago tumilaok ang manok ng makalawa, ay ikakaila mo akong makaitlo.’ Pareho ng pangyayari pero maliwanag na may pagkakaiba sa tiyempo. Maliwanag na, may ilang bahagi ng Biblia na itinala ng mga tao, hindi inspirasyon ng Diyos.”

Wala akong nasabi sa ibinahagi ni Brother Yang. Napaisip ako. “Totoo nga! Maliwanag na may mga pagkakaiba sa iba’t ibang bersikulo na nagtala sa parehong pangyayari. Kung talagang nagmula ito sa Banal na Espirito, walang magiging pagkakaiba.” Hindi ko napansin ang mga isyung ito noon. Akala ko’y kinasihan ng Diyos ang buong Biblia at ang lahat ay Kanyang salita, pero nakita kong may mali sa ganoong pagkaunawa.

Pinag-isipan ko nang mabuti ang ibinahagi ni Brother Yang pagkatapos ng pagtitipon at binasang muli ang ilan sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos na tiningnan namin. “Ngayon, naniniwala ang mga tao na ang Biblia ay Diyos, at na ang Diyos ay ang Biblia. Kaya, naniniwala rin sila na lahat ng salita sa Biblia ay tanging mga salita na binigkas ng Diyos, at lahat ng ito ay sinabi ng Diyos. Iniisip pa ng mga naniniwala sa Diyos na bagama’t lahat ng animnapu’t anim na aklat ng Luma at Bagong Tipan ay isinulat ng mga tao, lahat ng ito ay ipinagkaloob sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos, at isang talaan ng mga pagbigkas ng Banal na Espiritu. Ito ang maling pagkaunawa ng tao, at hindi ito lubos na naaayon sa mga totoong nangyari. Sa katunayan, maliban sa mga aklat ng propesiya, karamihan sa Lumang Tipan ay talaan ng kasaysayan. Ang ilan sa mga sulat sa Bagong Tipan ay nagmula sa mga karanasan ng mga tao, at ang ilan ay nagmula sa kaliwanagan ng Banal na Espiritu; ang mga sulat ni Pablo, halimbawa, ay nagmula sa gawain ng isang tao, resulta ang lahat ng ito ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu, at isinulat para sa mga iglesia, at mga salitang nagpapayo at naghihikayat sa mga kapatid sa mga iglesia. Hindi ito mga salitang sinabi ng Banal na Espiritu—hindi makapagsasalita si Pablo sa ngalan ng Banal na Espiritu, at hindi rin siya isang propeta, at lalong hindi siya nakakita ng mga pangitain na nakita ni Juan. Ang kanyang mga sulat ay isinulat para sa mga iglesia ng Efeso, Filadelfia, Galacia, at iba pang mga iglesia. … Kung ituturing ng mga tao ang mga sulat o salita na katulad ng kay Pablo bilang mga pagbigkas ng Banal na Espiritu, at sinasamba ang mga ito bilang Diyos, masasabi lamang na masyado silang hindi maselan. Sa mas masakit na pananalita, hindi ba ito’y wala nang iba kundi paglapastangan sa Diyos? Paano makapagsasalita ang isang tao sa ngalan ng Diyos? At paanong nakayuyukod ang mga tao sa mga talaan ng kanyang mga sulat at ng mga salitang kanyang sinabi na para bang ang mga ito ay isang banal na aklat, o isang makalangit na aklat? Maaari bang kaswal na bigkasin ng tao ang mga salita ng Diyos? Paano makapagsasalita ang isang tao sa ngalan ng Diyos?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 3). Nilinaw ng Makapangyarihang Diyos kung alin sa Biblia ang salita ng Diyos, at kung alin ang mga salita, karanasan, at pagkaunawa ng tao. Natiyak ko na hindi lahat ng nasa Biblia ay salita ng Diyos. Ang mga salita mula sa Diyos na si Jehova, ang Panginoong Jesus, at mga propetang kinasihan ng Diyos, at ang mga propesiya sa Pahayag ay salita ng Diyos. Karamihan sa natira ay mga salita at mga talaan ng tao.

Sa pagtitipon kinabukasan, sinabi ko kay Brother Yang, “Nauunawaan ko na ngayon, na ang sinabi ni Pablo na ‘Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios’ ay hindi tumpak, pero may isa pang bagay na nakakalito sa akin. Sinasabi ng pastor namin na ang Biblia ang pundasyon ng pananampalatayang Kristiyano, na kinakatawan nito ang Diyos, at ang pagsunod sa Biblia ang tanging paraan para maniwala sa Diyos. Iyan din ang iniisip ko, pero hindi ko alam kung tama iyon.”

Sinabi ni Brother Yang, “Maraming tao sa relihiyon na ganyan din ang pananaw. Ipinapantay nila ang Biblia sa Diyos, o mas pinapahalagahan pa nga ito kaysa sa Diyos. Sang-ayon ba iyan sa kalooban ng Panginoon? Ang Diyos ang Lumikha, ang pinagmumulan ng buhay. Siya ang tubig na buhay na hindi kailanman natutuyo. Ang kasaganaan ng Diyos ay hindi nauubos. Pero ang Biblia ay talaan lamang ng gawain ng Diyos. Ito ay aklat na pangkasaysayan. Ang mga talaan nito ng gawain at salita ng Diyos at napakalimitado. Paano ito makakapantay sa Diyos? Paano nito kakatawanin ang Diyos?” Pinapanood niya rin ako ng dalawang video ng mga pagbabasa ng mga salita ng Diyos para sa akin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Mula sa panahon ng pagkakaroon ng Biblia, ang pananalig ng mga tao sa Panginoon ay ang pananalig sa Biblia. Sa halip na sabihing ang mga tao ay naniniwala sa Panginoon, mas mabuting sabihin na naniniwala sila sa Biblia; sa halip na sabihing nagsimula na silang magbasa ng Biblia, mas mabuting sabihing nagsimula na silang maniwala sa Biblia; at sa halip na sabihing nagbalik na sila sa Panginoon, mas mabuti pang sabihing nagbalik na sila sa Biblia. Sa ganitong paraan, sinasamba ng mga tao ang Biblia na para bang ito ang Diyos, na para bang ito ang dugong bumubuhay sa kanila, at ang mawalan nito ay kapareho ng mawalan ng kanilang buhay. Itinuturing ng mga tao ang Biblia na kasintaas ng Diyos, at mayroon pang ang turing dito ay mas mataas kaysa sa Diyos. Kung wala sa mga tao ang gawain ng Banal na Espiritu, kung hindi nila nadarama ang Diyos, maaari pa rin silang patuloy na mabuhay—ngunit sa sandaling mawala sa kanila ang Biblia, o mawala ang mga kilalang kabanata at kasabihan mula sa Biblia, parang nawalan na rin sila ng buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 1). “Naniniwala sila sa pag-iral Ko sa loob lamang ng saklaw ng Biblia, at ipinapantay nila Ako sa Biblia; kung wala ang Biblia wala Ako, at kung wala Ako wala ang Biblia. Hindi nila binibigyang-pansin ang pag-iral o mga kilos Ko, kundi sa halip ay nag-uukol sila ng sukdulan at espesyal na pansin sa bawat salita ng Banal na Kasulatan. Mas marami ang naniniwala pa nga na hindi Ko dapat gawin ang anumang nais Kong gawin maliban na lamang kung ito ay inihula ng Banal na Kasulatan. Binibigyan nila ng sobrang pagpapahalaga ang Banal na Kasulatan. Masasabing nakikita nilang napakahalaga ang mga salita at mga pagpapahayag, hanggang sa puntong ginagamit nila ang mga talata mula sa Biblia upang sukatin ang bawat salitang sinasabi Ko at upang kondenahin Ako. Ang hinahangad nila ay hindi ang daan ng pagiging kaayon Ko o ang daan ng pagiging kaayon ng katotohanan, kundi ang daan ng pagiging kaayon ng mga salita ng Biblia, at naniniwala silang ang anumang hindi umaayon sa Biblia ay, walang pagtatanging, hindi Ko gawain. Hindi ba’t ang ganitong mga tao ay ang masunuring mga inapo ng mga Fariseo? Ginamit ng mga Fariseong Judio ang batas ni Moises upang parusahan si Jesus. Hindi nila hinangad na maging kaayon ng Jesus ng panahong iyon, kundi masigasig na sinunod ang eksaktong sinabi ng batas, hanggang sa puntong—matapos Siyang kasuhan ng hindi pagsunod sa batas ng Lumang Tipan at hindi pagiging ang Mesiyas—sa huli ipinako nila sa krus ang walang-salang si Jesus. Ano ang diwa nila? Hindi ba’t na hindi nila hinangad ang daan ng pagiging kaayon ng katotohanan? Nahumaling sila sa bawat salita ng Banal na Kasulatan habang hindi binibigyang pansin ang kalooban Ko o ang mga hakbang at mga kaparaanan ng gawain Ko. Hindi sila mga taong naghangad ng katotohanan, kundi mga taong mahigpit na kumapit sa mga salita; hindi sila mga taong nanalig sa Diyos, kundi mga taong nanalig sa Biblia. Sa diwa, mga tagapagbantay sila ng Biblia. Upang mapangalagaan ang kapakanan ng Biblia, upang mapanatili ang dangal ng Biblia, at upang maprotektahan ang reputasyon ng Biblia, humantong sila sa pagpako sa krus sa mahabaging si Jesus. Ginawa nila ito alang-alang lamang sa pagtatanggol sa Biblia, at alang-alang sa pagpapanatili ng katayuan ng bawat salita ng Biblia sa puso ng mga tao. Kaya ginusto nilang talikdan ang kinabukasan nila at ang handog para sa kasalanan upang hatulan ng kamatayan si Jesus, na hindi umayon sa doktrina ng Banal na Kasulatan. Hindi ba’t silang lahat ay mga sunud-sunuran sa bawat salita ng Banal na Kasulatan?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Hangarin ang Daan ng Pagiging Kaayon ni Cristo).

Pagkatapos ay ibinahagi niya ito: “Kung basta na lang natin iniidolo ang Biblia, o ginagamit pa ito upang palitan ang Panginoon at ang Kanyang gawain, iyan ay malinaw na paniniwala sa Biblia at hindi sa Panginoon. Ang pagkapit sa Biblia nang hindi hinahangad ang gawain ng Banal na Espiritu o sinusunod ang mga yapak ng Diyos ay pagsalungat sa Panginoon. Pinahalagahan ng mga Fariseo ang mga Banal na Kasulatan nang higit sa lahat at kumapit sila sa eksaktong mga salita ng mga ito. Nang nagpakita at gumawa ang Panginoong Jesus, nalaman nila na may awtoridad ang Kanyang gawain at mga salita, pero hindi nila ito sinaliksik o siniyasat. Tinangka lang nilang maghanap ng mali, at sinabing labas sa mga Kasulatan ang Kanyang gawain at mga salita, kaya Siya’y kinondena nila at nakipagsabwatan silang maipako Siya sa Krus. Ito’y labag sa disposisyon ng Diyos at sila ay pinarusahan. Basta na lamang sinasamba ng maraming relihiyosong tao ang Biblia sa mga huling araw, at mas pinahahalagahan pa ito kaysa sa Diyos Mismo. Kapag naririnig nila ang Diyos na naghahayag ng mga katotohanan upang gumawa ng paghatol sa mga huling araw, hindi nila ito pinapansin. Marahas nilang sinasalungat at kinukondena ang gawain at mga salita ng Makapangyarihang Diyos dahil wala ito sa Biblia. Ano ang ipinagkaiba niyan sa mga Fariseo na kumakapit sa Banal na Kasulatan at sinasalungat ang Panginoon? Malinaw na ang pagsamba sa Biblia nang hindi hinahangad ang gawain ng Banal na Espiritu o sinusunod ang mga yapak ng Diyos ay talagang mali, at lubos na salungat sa pamamaraan ng Panginoon.”

Nang marinig ko ang lahat ng ito, hiyang-hiya ako at ganap na nakumbinsi. Nakita ko na matagal na akong naniniwala sa Biblia, sa halip na sa Panginoon. Hindi ko hinahangad ang kalooban ng Panginoon sa aking pananampalataya, kundi basta na lang naniwala sa sinabi ng pastor at mga elder. Akala ko, lahat ng gawain at mga salita ng Diyos ay nasa Biblia, na kinakatawan nito ang Panginoon, at anumang liban dito ay hindi na pagsampalataya sa Kanya. Di ba’t parang ginagawa ko na rin ang pagkakamali ng mga Fariseo? Marubdob ang aking paghanga sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Naisip ko, “Ipinaliwanag nang maigi ng Kanyang mga salita ang katotohanan tungkol sa Biblia at tumpak pa nga nitong inilantad ang saloobin rito ng sangkatauhan. Totoo kayang mga salita ito ng Diyos?”

Ipinagpatuloy ni Brother Yang ang kanyang pagbabahagi. “Hindi ito pagtatatwa sa kahalagahan ng Biblia, kundi pagtatama sa dapat na pagturing natin dito. Sabi ng Panginoong Jesus, ‘Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa Akin. At ayaw ninyong magsilapit sa Akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay(Juan 5:39–40). Ang mga salita ng Panginoong Jesus ay napakalinaw. Pinapatotohanan lamang ng Biblia ang Diyos, at ito ay talaan lamang ng gawain ng Diyos sa mga Kapanahunan ng Kautusan at Biyaya. Kung kakapit lang tayo sa Biblia nang hindi sumusunod kay Cristo o nagpapasakop sa kasalukuyang gawain ng Diyos, kahit sa buong buhay natin ay hindi natin matatamo ang katotohanan, lalo na ang buhay na walang hanggan. Matatamo lamang natin ang buhay na walang hanggan sa pagsunod kay Cristo. Ang Panginoong Jesus ay ipinako sa Kapanahunan ng Biyaya upang tubusin ang buong sangkatauhan, at ibigay sa atin ang daan tungo sa pagsisisi. Bagama’t ang ating mga kasalanan ay maaaring mapatawad sa pamamagitan ng paniniwala sa Panginoon, ang ating pagiging likas na makasalanan ay mananatili. Patuloy tayong namumuhay sa kalagayan ng pagkakasala at pagtatapat. Hindi pa tayo nakakatakas sa kasalanan, hindi pa tayo nalilinis. Ang Panginoon ay banal, kaya paano Niya tutulutang makapasok sa Kanyang kaharian ang mga taong patuloy na nagkakasala at sumasalungat sa Kanya? Kaya ipinropesiya ng Panginoong Jesus na Siya ay babalik na muli upang magsalita at isakatuparan ang gawain ng paghatol upang lubusang linisin at iligtas ang sangkatauhan at dalhin tayo sa kaharian ng Diyos. Tulad lamang ito ng ipinropesiya ng Panginoong Jesus: ‘Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan(Juan 16:12–13). ‘Siya na nagtatakwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga salita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:48). Sinasabi rin sa 1 Pedro: ‘Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos(1 Pedro 4:17). Ang Panginoong Jesus ay nagbalik. Siya ang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw. Isinasagawa Niya ang gawain ng paghatol, at inihahayag ang lahat ng katotohanan upang linisin at lubos na iligtas ang sangkatauhan, tulad ng kung paano makilala ang Diyos at ang Kanyang gawain, ang tatlong yugto ng pagliligtas ng Diyos at ang bungang dulot nito, kung paano ginagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, kung paano inililigtas ng Diyos ang sangkatauhan, kung paano inuunawa ang katotohanan ng sarili nating katiwalian dahil kay Satanas, at kung paano malinis sa ating mga tiwaling disposisyon. Kasama rin diyan ang kahulugan ng tunay na matakot, magmahal, at magpasakop sa Diyos at marami pang iba. Ang gawain at mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay lubos na nagsasakatuparan ng mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon. Tanging sa mahigpit na pagsunod sa mga yapak ng Kordero, pagtanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos, at pagdanas ng paghatol at paglilinis ng Diyos tayo makatatamo ng katotohanan at ng buhay at makakapasok sa Kanyang kaharian.”

Gusto kong panoorin natin ang dalawa pang video ng mga salita ng Diyos na ipinakita ni Brother Yang bilang buod ng aming pagbabahagi. “Ang Diyos Mismo ang buhay, at ang katotohanan, at sabay na umiiral ang Kanyang buhay at katotohanan. Ang mga walang kakayahang magkamit ng katotohanan ay hindi kailanman magkakamit ang buhay. Kung wala ang patnubay, pag-alalay, at pagtustos ng katotohanan, ang tanging makakamit mo lamang ay mga titik, mga doktrina, at, higit sa lahat, kamatayan. Laging naririyan ang buhay ng Diyos, at umiiral nang sabay ang Kanyang katotohanan at buhay. Kung hindi mo matatagpuan ang pinagmulan ng katotohanan, kung gayon ay hindi mo makakamit ang pampalusog ng buhay; kung hindi mo makakamit ang panustos ng buhay, kung gayon tiyak na hindi ka magkakaroon ng katotohanan, kaya bukod sa mga guni-guni at mga kuru-kuro, ang kabuuan ng katawan mo ay magiging walang iba kundi ang laman mo—ang umaalingasaw mong laman. Dapat mong malaman na hindi itinuturing na buhay ang mga salita ng mga aklat, hindi maaaring sambahin na katotohanan ang mga talaan ng kasaysayan, at hindi maaaring magsilbing isang ulat ng mga salitang sinasabi ng Diyos sa kasalukuyan ang mga tuntunin ng nakalipas. Tanging ang mga inihahayag lamang ng Diyos kapag pumaparito Siya sa lupa at namumuhay kasama ng tao ang katotohanan, ang buhay, ang kalooban ng Diyos, at ang Kanyang kasalukuyang paraan ng paggawa(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan). “Naghahatid ng buhay si Cristo ng mga huling araw, at naghahatid ng walang maliw at walang katapusang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ang landas kung saan makakamit ng tao ang buhay, at ito lamang ang tanging landas kung saan makikilala ng Diyos at masasang-ayunan ng Diyos ang tao. Kung hindi mo hinahanap ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon ay hindi mo kailanman makakamit ang pagsang-ayon ni Jesus, at hindi ka kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagkat kapwa ka bulag na tagasunod at bilanggo ng kasaysayan. Ang mga kontrolado ng mga tuntunin, ng mga titik, at iginapos ng kasaysayan ay hindi kailanman makakamit ang buhay ni makakamit ang walang-hanggang daan ng buhay. Ito ay sapagkat ang mayroon lamang sila ay malabong tubig na kinapitan ng libu-libong taon sa halip na tubig ng buhay na dumadaloy mula sa trono(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan).

Talagang pinasaya ng pakikinig nito ang puso ko. Natanto ko na kahit na ang Biblia ay talaan ng mga nakaraang gawain ng Diyos, hindi ito ang pinagmumulan ng buhay. Ang Diyos lamang ang pinagmumulan ng ating buhay. Hindi tayo dapat mapako lamang sa Biblia. Ang pinakamahalaga ay ang pagsunod sa kasalukuyang gawain at mga salita ng Diyos. Alam ko nang walang pagdududa na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay mga salita ng Diyos para sa panahon ngayon. Ipinaliwanag nang lubos ng ng mga ito ang ating mga kuru-kuro at ang kuwento sa likod ng Biblia. Sino pa ang makapagsasabi ng lahat ng iyan kung hindi ang Diyos? Pagkalipas ng ilang araw sinamantala ko ang anumang pagkakataon na makipagbahagian ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa mga kapatid. Nagkaroon ako ng bahagyang pagkaunawa tungkol sa pagkakatawang-tao ng Diyos, kung paano hinahatulan ng Diyos ang tao sa mga huling araw, kung anong uri ng pananampalataya ang tunay na umaayon sa kalooban ng Diyos, mga kalalabasan at hantungan ng mga tao, at ng iba pang mga katotohanan. Naging sigurado akong ang Makapangyariahang Diyos ay ang Panginoong Jesus na nagbalik at tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Salamat sa Makapangyarihang Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Pagsunod sa mga Yapak ng Cordero

Ni Li Zhong, Tsina “Yamang naniniwala ang tao sa Diyos, dapat niyang sundang mabuti ang mga yapak ng Diyos, isa-isang hakbang; dapat siyang...