Sino ang 144,000 na mga Mananagumpay na Binanggit sa Aklat ng Pahayag?
Yaong mga alam ang Biblia ay nalalaman lahat na ang Aklat ng Pahayag ay iprinopropesiya na 144,000 mga mananagumpay ay babangon sa mga huling araw, at itong mga mananagumpay ay makakatanggap ng proteksyon mula Diyos sa panahon ng mga malaking sakuna. Ang Pahayag 14:1 ay iprinopropesiya na, “At tumingin ako, at narito, ang Cordero ay nakatayo sa bundok ng Sion, at ang kasama Niya’y isang daan at apat na pu’t apat na libong may pangalan Niya, at pangalan ng Kaniyang Ama, na nasusulat sa kanikaniyang noo.” Pahayag 7:14 nakasaad sa propesiya na, “Ang mga ito’y ang nanggaling sa malaking kapighatian, at nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero.” Ang “isang daan at apat na pu’t apat na libo” na sinasabi sa Banal na Kasulatan ay ang mga mananagumpay na gagawin ng Diyos. Silang lahat ay yaong sumailalim sa malaking pagdurusa at tumayong saksi, at sila ang mga yaong pinuri ng Diyos na makakapasok sa kaharian ng langit. Maraming tao ang naniniwala na ang mga mabuting pag-uugali tulad ng paggawa at paggugol ng kanilang mga sarili para sa Panginoon, pagdurusa at pagbabayad ng halaga, at pagtangging ikaila ang pangalan ng Panginoon kahit na nasa gitna ng pag-uusig, mga kapighatian, o nasa kulungan, ibig sabihin na maaari silang maging mananagumpay, at sa pagdating ng Panginoon sila ay mararapture sa harapan ng trono ng Diyos. Ngunit naisaalang-alang na ba natin kung ito ba ay tamang pananaw? Hindi sinabi ng Panginoon sa Bibliya na ang mga mananagumpay ay maaaring mabuo lamang mula sa gayong pagtataguyod, kaya ano nga ba ang 144,000 na mga mananagumpay na binanggit sa Pahayag? Pagbabahaginan natin ito ngayon.
Ano ang isang Mananagumpay
Pahayag 14:4–5 sinasabi na, “Ang mga ito’y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka’t sila’y mga malilinis. At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saan man Siya pumaroon. Ang mga ito’y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero. At sa kanikaniyang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan: sila’y mga walang dungis.” Sa Pahayag 7:14 sinasabi na, “Ang mga ito’y ang nanggaling sa malaking kapighatian, at nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero.” Sinasabi ng Diyos na, “Yaong mga tinutukoy ng Diyos na mga ‘mananagumpay’ ay yaong mga nagagawa pang tumayong saksi at mapanatili ang kanilang tiwala at katapatan sa Diyos kapag nasa ilalim sila ng impluwensya ni Satanas at nilulusob ni Satanas, ibig sabihin, kapag nasa gitna sila ng mga puwersa ng kadiliman. Kung nagagawa mo pa ring magpanatili ng isang dalisay na puso sa harap ng Diyos at ng tunay na pagmamahal para sa Diyos anuman ang mangyari, ikaw ay tumatayong saksi sa harap ng Diyos, at ito ang tinutukoy ng Diyos na pagiging isang ‘mananagumpay’” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Panatilihin ang Iyong Katapatan sa Diyos). “Yaong mga ginagawang ganap bago ang sakuna ay nagpapasakop sa Diyos. Nabubuhay silang umaasa kay Cristo, sumasaksi kay Cristo, at dinadakila Siya. Sila ang matagumpay na mga anak na lalaki at mabubuting mga kawal ni Cristo” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 13). Makikita natin mula sa mga propesiya sa Biblia at mula sa mga salita ng Diyos na ang mga mananagumpay ay yaong mga sumusunod sa mga yapak ng Kordero. Ang mga taong ito ay natamo ang katotohanan bilang kanilang pinaka-buhay, ang kanilang mga tiwaling disposisyon ay nadalisay at nabago na, at hindi na sila gumagawa ng mga kasalanan o lumalaban sa Diyos. Sila ay palaging matapat at totoo sa Diyos, hindi sila nagsisinungaling, at sila’y mga walang dungis. Gumagawa sila at ginugugol ang kanilang sarili nang may dalisay na puso para sa Diyos, wala nang kahit anong uri ng kasunduan o karumihan. Hindi sila humihingi ng kahit anumang pangangailangan sa Diyos at hindi humihingi ng anumang kapalit; lahat ng ginagawa nila ay upang bayaran ang pagmamahal ng Diyos. Sa pagganap ng kanilang mga tungkulin, nagagawa nilang dakilain ang Diyos at magpatotoo sa Kanya, maging kaayon sa Kanya, at madala ang iba sa harapan Niya. Kahit ano pa’ng mga pagsubok at mga paghihirap na kanilang kinakaharap, nagagawa nilang manatiling matatag sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos at ginagawa ang tungkulin bilang isang nilikha. Sila’y walang reklamo, sila’y sumusunod sa Diyos hanggang sa kamatayan, at nagbibigay sila ng maganda at masidhing patotoo para sa Diyos. Tanging ang ganitong mga tao ang mananagumpay sa mata ng Diyos.
Kapag sinuri natin ang ating mga sarili taliwas sa mga pangangailangan ng Diyos para maging mga mananagumpay, kahit na naipapakita natin sa ngayon na naghihirap ng kaunti sa panlabas at mayroong mangilan-ngilang mabubuting kaugalian, at kahit na hindi natin ipinagkakanulo ang Panginoon sa ilalim ng mga malupit na pagpapasakit na ginagawa sa atin ng CCP, ang hindi natin maitatanggi ay ang ating mga tiwaling disposisyon na hindi pa nalinis at nabago. Hindi pa rin natin mapagtagumpayan ang napakaraming mga tukso ni Satanas, ni wala tayong mga puso ng pagsuko at paggalang sa Diyos. Halimbawa, kahit na maaari nating ilaan ang ating mga sarili ng buong-buo at ipangaral ang ebanghelyo sa kung saan tayo magpunta, ang ating pagganyak ay para lang na magkaroon tayo ng tahimik na buhay tahanan, para makatanggap ng mga biyaya na makapasok sa kaharian ng langit at matamo ang walang hanggang buhay bilang kapalit. Ang pangalawa ay ang ating mga hinahangad na hindi natutupad o ang ilan sa mga sakuna ay bumagsak sa ating pamilya, sinisisi natin ang Diyos, tayo ay nanghihinayang kung ano man ang iginugol natin para sa Diyos, at mangyari pa ay iniiwanan ang Diyos sa kabuuhan. Sa kabila ng pagtanggi nating ibenta ang iglesia matapos maaresto at makulong, ang ilang mga tao kalaunan ay sasamatalahin ito, itinataas ang kanilang mga sarili sa harapan ng iba at kumukuha ng karangalan para sa mga nagawa sa harapan ng Diyos. Bukod dito, sa ating pakikipagsalamuha sa iba, sa oras na mayroong ilang bagay na nagsimulang lumabag sa ating mga pansariling interes, hindi natin maiwasan na magsinungaling at linlangin ang iba. Ilan lamang ito sa mga halimbawa. Nang walang paglilinis sa ating satanikong disposisyon, may kakayahan pa rin tayong pagtaksilan ang Diyos at labanan Siya sa lahat ng panahon at lugar, kaya paano tayo magiging mananagumpay? Sa katunayan, kung basta na lamang tayo umaasa sa ating sariling kakayahan para gumawa at maghirap, ang ating pagtanggi na ipagkanulo ang pangalan ng Panginoon kapag tayo ay inaresto at ikinulong, at magawang tumayong saksi ng dahil sa pag-uusig ng pamahalaang ateyistika, ito ay matatawag lamang na pagkakaroon ng ilang tunay na pananampalataya sa Diyos. Gayunpaman, ang ating mga tiwaling disposisyon ay hindi pa nabago, kulang tayo sa tunay na pagkaunawa sa ating sariling tiwaling kalikasan at kakanyahan, na hindi pa tayo ang mga tao na tumatalima sa Diyos, yaong may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan. Hindi tayo umabot sa pamantayan ng 144,000 na mga mananagumpay na sinasabi sa Biblia. Kaya paano tayo magpupursigi para maging mananagumpay ng Diyos bago ang mga malaking sakuna.
Paano Tayo Magiging mga Mananagumpay Bago ang mga Sakuna?
Mahalagang malaman ito na ang 144,000 na mga mananagumpay ay lilitaw habang ang Diyos ay isinasagawa ang Kanyang gawain sa mga huling araw. Ipinropesiya ng Diyos na Siya ay gagawa ng panibagong yugto ng gawain sa mga huling araw at gagawa ng grupo ng mga mananagumpay. Tingnan natin ang Banal na Kasulatan: “At sa anghel ng iglesia sa Filadelfia ay isulat mo…. Sapagka’t tinupad mo ang salita ng Aking pagtitiis, ikaw naman ay Aking iingatan sa panahon ng pagsubok, na darating sa buong sanglibutan, upang subukin ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa. Ako’y dumarating na madali: panghawakan mong matibay ang nasa iyo, upang huwag kunin ng sinoman ang iyong putong. Ang magtagumpay, ay gagawin Kong haligi sa templo ng Aking Dios, at hindi na siya’y lalabas pa doon: at isusulat Ko sa kaniya ang pangalan ng Aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng Aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa Aking Dios, at ang Aking sariling bagong pangalan. Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 3:7–13). “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi Siya magsasalita ng mula sa Kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na Kaniyang marinig, ang mga ito ang Kaniyang sasalitain: at Kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13). “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17). Ang mga talatang ito ay tumutukoy sa rapture ng Iglesia ng Filadelfia, kung ano ang sinasabi ng Espiritu sa mga Iglesia, at ang paghatol ay magsisimula sa bahay ng Diyos, at iba pa. Ang lahat ng ito ay mga gawain ng Panginoong Jesus na gagawin Niya sa Kanyang pagbabalik. Na ang ibig sabihin ay, bago ang mga sakuna, ang Diyos ay gagamit ng bagong pangalan, ibabahagi ang Kanyang mga pagbigkas sa mga Iglesia, ipahahayag ang lahat ng mga katotohanan, at hahatol at dadalisayin ang lahat ng yaong bumalik sa harapan ng Diyos. Mula sa mga iyon, gagawin Niya ang grupo ng mga mananagumpay. Kung nais natin na maging isa sa mga 144,000 na mananagumpay tulad ng ipinropesiya sa Biblia bago ang mga sakuna, kailangan muna natin saliksikin kung ano ang sinasabi ng Banal na Espiritu sa mga iglesia at tanggapin ang gawain ng Diyos upang hatulan at dalisayin ang tao sa mga huling araw.
Sa buong mundo, tanging Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na ngayon ay bukas na nagpapatotoo sa lahat ng mga bansa na ang Diyos ay nagkatawang-tao at dumating ng lihim sa mga huling araw. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagpapatotoo na ang Diyos ay ipinapahayag kung ano ang sinasabi ng Banal na Espiritu sa mga iglesia, na, sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos, inihayag Niya ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos, at na Siya ay nagdadalisay at nagliligtas ng mga tao sa mga sandaling ito. At saka, ang Makapangyarihang Diyos ay nakagawa na ng isang grupo ng mananagumpay sa Tsina at itong gawain ng ebanghelyo ay kasalukuyang kumakalat sa lahat ng panig ng mundo. Kaya paano eksaktong ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain na paggawa ng mga mananagumpay?
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Dati Ko nang nasabi na ang isang grupo ng mga mananagumpay ay natatamo mula sa Silangan, mga mananagumpay na nagmumula sa gitna ng malaking kapighatian. Ano ang ibig sabihin ng ganoong mga salita? Ang ibig sabihin ng mga iyon ay ang mga taong ito na natamo na ay tunay lamang na sumunod matapos dumaan sa paghatol at pagkastigo, at pakikitungo at pagtatabas at lahat ng uri ng pagpipino. Ang paniniwala ng mga ganoong tao ay hindi malabo at mahirap unawain, ngunit tunay. Hindi pa sila nakakakita ng anumang mga tanda at kababalaghan, o anumang mga himala; hindi sila nagsasalita ng malabong mga titik at mga doktrina, o malalalim na kabatiran; sa halip mayroon silang realidad, at mga salita ng Diyos, at isang tunay na kaalaman sa realidad ng Diyos. Ang ganoon bang grupo ay walang mas higit na kakayahang gawing malinaw ang kapangyarihan ng Diyos?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos). “Sa mga huling araw, si Cristo ay gumagamit ng sari-saring katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat mabuhay nang normal ang tao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. … Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan).
Sa mga huling araw, ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng mga katotohanan na maaaring magdalisay sa mga tao at matamo ang kaligtasan. Sa pamamagitan ng mga katotohanan na ito ay hinahatulan ng Diyos ang ating katiwalian, at isinasaayos ang lahat ng uri ng mga tao, pangyayari, at mga bagay-bagay para subukin tayo, para ilantad tayo, at para pinuhin tayo. Ito ay kung paano ang katotohanan ay isinagawa sa atin. Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ibinunyag kung paano ginawang tiwali ni Satanas ang tao at sumusuway sa Diyos, at ang diwa at ang katotohanan sa kung paano ang sangkatauhan ay nagawang tiwali ni Satanas. Sinasabi ng mga ito kung paano magkaroon ng pagkilala ang mga piniling tao ng Diyos kay Satanas, paano nila makikilala ang kanilang mga sarili, paano nila isasagawa ang mga salita ng Diyos, paano sila maaaring maging matapat na tao, paano nila malulutas ang sarili nilang mga pagkakasala at gumawa ng sapat na mabubuting gawa, paano sila gumalang, sumunod, at mahalin ang Diyos, paano sila magiging katugma kay Cristo, at marami pa. Ang mga nagmamahal sa katotohanan ay nakatuon sa pagninilay sa mga salita ng Diyos, nakikilala nila ang kanilang sarili sa pamamagitan ng mga iba’t ibang mga pagsubok na isinaayos ng Diyos para ilantad sila, at nakikita nila ito sa pamamagitan ng paghatol ng mga salita ng Diyos na sila mismo ay mga supling ni Satanas. Nakikita nila na sila ay mapagmataas, palalo, makasarili, mapanlinlang. Nakikita nila na ayaw nila ang katotohanan at sinasamba nila ang katanyagan at kayamanan; palagi nilang ninanais na maging kapantay ang Diyos; ginagawa nila ang kanilang tungkulin na humihiling sa Diyos ng ilang bagay bilang kapalit, at kapag nahaharap sila sa mga pangyayari na hindi nila gusto, agad-agaran sila kung humatol, lumaban, at ipinagkanulo ang Diyos. Sa panlabas nakikita na sumusunod sila sa Diyos, ngunit sa katotohanan sila ay nabubuhay pa rin sa ilalim ng impluwensya ni Satanas, at hindi pa lubusang natamo ng Diyos. Sa pamamagitan nang pagdanas ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, nakikilala nila ang kabanalan at ang katuwiran ng Diyos; nakikita nila na kinamumuhian at isinusumpa ng Diyos ang masasamang bagay, habang pinagpapala Niya at kinahahabagan ang mga yaong nagtataguyod ng katotohanan at nananabik sa katuwiran. Kung gayon ang pagkakaroon ng pusong may takot sa Diyos ay sumisibol sa kaloob-looban nila. Nagiging handa silang ipagkanulo ang sarili nilang makasatanas na kalikasan, at ninanais na sumunod sa Diyos at mamuhay sa Kanyang mga salita. Sa walang tigil nilang pagsasagawa ng mga salita ng Diyos at pagtalikod sa sarili nilang tiwaling kalikasan, ang kanilang satanikong disposisyon ay nababago sa paglipas ng panahon. Nagagawa nilang igalang ang Diyos sa lahat ng bagay, ginagamit nila ang mga salita ng Diyos at ang katotohanan bilang kanilang prinsipyo ng pagsasagawa, at nakakamit nila ang katotohanan bilang kanilang buhay.
Nakagawa na ngayon ang Diyos ng isang grupo ng mga mananagumpay sa Tsina. Maraming mga kapatid ang naghirap sa hindi mapigilang pagsugpo at pag-aresto ng gobyernong CCP, sila ay tinanggihan, siniraang-puri, at pinabulaanan ng mga tao sa mundo, gayon pa man sila ay nanatiling matatag sa pagpapalaganap ng ebanghelyo at matapat na ginagawa ang kanilang tungkulin. Hindi nila binibigyang pansin kung ano man ang haharapin nila o kapalaran, o ang anumang epekto sa kanilang reputasyon o katayuan. Ang ilan ay malupit na sinasaktan ng pamahalaang CCP, at sa harap ng kamatayan nananatili pa rin silang tapat sa Diyos, nagpasakop sa mga orkestrasyon at pagsasaayos ng Diyos, at tumayong saksi. Marami rin sa mga kapatid na nakaranas ng paghatol, pagkastigo, pagsubok at pagpipino, at nagagawang itakwil ang kanilang sariling tiwaling disposisyon. Sila ngayon ay namumuhay na katulad ng isang may normal na pagkatao at nagkakaroon sila ng iba’t-ibang uri ng mga karanasan ng patotoo. Ang mga patotoo ng mga mananagumpay na ito ay ang paglilinaw sa gawaing paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, kung gayon ito ay ang tumpak na pagsasakatuparan ng Pahayag 7:14, “Ang mga ito’y ang nanggaling sa malaking kapighatian, at nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero” at sa Pahayag 14:4, “At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saan man Siya pumaroon. Ang mga ito’y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero.”
Ang mga karanasang patotoo ng mga mananagumpay na ito ay mayroon na online. Ang mga ito’y nakapagbibigay ng inspirasyon sa maraming tao; talagang nararamdaman nila na, kung hindi dahil sa pagpapakita at gawain ng Diyos, walang tao ang maaaring mamuno sa grupo ng mga taong ito na malalim na natiwali para itakwil ang madilim na impluwensiya ni Satanas at magkaroon ng mga matagumpay na patotoo. Ang mga patotoong ito ay nagpapatunay para sa mga tao na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoon Jesus at, isa-isa, tinanggap nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay natatanggap at ibinabahagi pa ng mas maraming tao, at ang gawain upang magpatotoo sa Makapangyarihang Diyos ay umabot sa bagong tayog nito. Ang kaharian ng Diyos ay matagal ng dumating sa lupa, ang mga malaking sakuna ay malapit nang dumating sa atin, at ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay malapit nang magtapos. Ang oras ay nasa sa atin—kailangan natin na hanapin at siyasatin ang tunay na daan. Ang lahat ng yaong nakakakilala sa tinig ng Diyos at nakabalik sa harapan ng trono ng Makapangyarihang Diyos ay ang mga matatalinong dalaga na nakadalo sa piging ng kasalan ng Kordero, at may pagkakataon sila na maging isa sa mga 144,000 na mananagumpay na sinasabi sa Bibliya bago dumating ang mga malaking sakuna. Kung hindi man, kapag ang mga malaking sakuna ay tuluyan ng dumating sa mundo, ang pagkakataon na magawang mananagumpay ng Diyos ay mawawala, at magkakaroon ng walang katapusang pagsisisi ang mga tao.
Tala ng Editor: Pagkatapos itong basahin, nauunawaan mo na ba kung ano ang ibig sabihin ng mga 144,000 na mananagumpay na nakapropesiya sa Bibliya? Nahanap mo na ba ang landas para maging isa sa mga mananagumpay ng Diyos? Kung ninanais mong maunawaan ang marami pang aspeto ng katotohanan, mangyaring huwag mag-atubiling I-click ang ating chatting box sa ibaba para makipag-ugnayan. Gustong-gusto namin na makipagbahaginan at siyasatin ito ng sama-sama!
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.