Kaya Bang Mapatawad ng mga Obispo at Pari ang mga Kasalanan sa Ngalan ng Diyos?
Nang maging Katoliko, nakikita ko ang mga obispo at pari sa kanilang mga puting roba sa lahat ng oras, nag-aalay ng Misa para sa kongregasyon. Matapos magkasala, luluhod kami sa harap ng pari, ikukumpisal ang aming mga kasalanan, at pagkatapos ay bibigkasin ang panalangin ng pagpapawalang-sala sa pangalan ng Diyos, at kami ay napatawad na. Hindi ko maiwasang magpitagan sa mga obispo at pari, sa tuwing nagkakasala ako, magmamadali akong hanapin ang pari para magkumpisal, inilalagay ang aking inaasam-asam na pagpasok sa kaharian ng langit sa kanyang mga balikat. Minsan, nang mayroong pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay na ginaganap sa katedral, nasasaksihan ang tagpo ng halos 6,000 parokyano na pawang nakaluhod sa harap ng mga pari, na humihingi sa kanila ng mga pagpapala, lalo akong nakaramdam ng paggalang sa kanila. Naisip ko na ang pagpasok sa kaharian ng langit ay tiyak na nangangahulugang pagsandig sa pari, at sila ang aking mga gabay.
Isang araw nakasalubong ko ang isang brother na nagngangalang Cheng, na nanggaling sa bayan para magtrabaho nang ilang panahon. Nagulat ako ng marinig kong sinabi niya na hindi kayang mapatawad ng mga obispo at pari ang aming mga kasalanan sa ngalan ng Diyos. Sa sandaling sinabi niya ito ay tumayo ako at galit na sinabi, “Ano? Hindi nila mapapatawad ang ating mga kasalanan sa ngalan ng Diyos? Paano iyon naging posible? Iyon ang aming pananampalataya bilang mga Katoliko sa loob ng libu-libong taon!”
Hindi man lang nagalit si Brother Cheng tungkol sa pagiging hindi ko makatwiran, bagkus ay ngumiti siya at sinabi, “Brother, huminahon ka. Naniniwala tayo sa Diyos, kaya’t tingnan natin kung ano ang sinasabi ng Diyos. Pag-isipan mo—mayroon bang batayan sa Biblia na ang pari ay kayang magpatawad sa atin sa ngalan ng Diyos? Sinabi ba iyan kailanman ng Panginoong Jesus? Sinabi ba iyan ng Banal na Espiritu? Nasa Biblia ba iyan? Sinong propeta, tagakita, obispo, o pari ang maaaring palitan ang Diyos upang patawarin ang ating mga kasalanan? ”
“Paanong walang naging batayan sa Biblia?” Sa pagsasabi nito, tinapik ko ang aking Biblia at nagbasa ako nang buong kumpiyansa, “Sinasabi sa Mateo 16: 15–19, ‘Sinabi sa kanila ni Jesus: Ngunit sino ang sinasabi ninyong Ako? Sumagot si Simon Pedro: Ikaw ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buhay. At sumagot si Jesus: Pinagpala ka, Simon Bar-Jonas: dahil hindi laman at dugo ang naghayag nito sa iyo, kundi ang Aking Ama na nasa langit. At sinasabi Ko sa iyo: Na ikaw ay Pedro; at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo Ko ang Aking iglesia, at ang mga pintuan ng impiyerno ay hindi magtatagumpay laban dito. At ibibigay Ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit. At anumang igagapos mo sa lupa, ay igagapos sa langit: at anumang pakakawalan mo sa lupa, ay pakakawalan din sa langit.’ Ipinapakita sa atin dito ng Kasulatan na si Pedro ay hinirang at itinatag ng Diyos, at inilagay ng Panginoong Jesus ang mga susi sa kaharian ng langit sa mga kamay ni Pedro kasama ang awtoridad na patawarin ang mga kasalanan ng tao. At ang Simbahang Katoliko ay nagkaroon ng herarkiya nito sa napakaraming henerasyon. Ang Santo Papa ay nanggaling sa mga henerasyon mula kay Pedro—sa puntong ito mayroon na tayong higit sa 260. Ang Santo Papa, ang mga kardinal, ang mga obispo, at ang mga pari ay pawang napili at itinatag ng Diyos. Lahat sila ay may awtoridad na patawarin tayo sa ating mga kasalanan. Kapag nagkasala ako, maaari akong lumuhod sa harap ng isang obispo o pari upang magtapat. Mapapatawad nila ang aking mga kasalanan sa ngalan ng Diyos. Napraktis na namin ito sa halos 2000 taon—paano mo masasabi na mali ito?”
“Ang mga talatang ito sa Biblia na iyong binanggit ay mga salita ng Diyos nang piliin Niya si Pedro, at si Pedro ay tunay na hinirang ng Diyos. Nanawagan din ang Diyos sa kanya na akayin ang mga iglesia. Ngunit hindi kailanman sinabi ng Diyos ang anuman tungkol sa pagpasa sa awtoridad ni Pedro sa Santo Papa. Nang sabihin ito ng Panginoong Jesus, walang Santo Papa, at walang mga kardinal, obispo, o pari. Ang mga kasanayan na ito ay itinatag lahat ng mga sumunod na henerasyon, hindi ng Diyos. Hindi kailanman nagsalita ng ganyan ang Panginoong Jesus, hindi kailanman nagsalita ng ganyan ang Banal na Espiritu, at hindi iyan kailanman inihula ng mga propeta. Angkop ba talaga na ilapat ang isang bagay na ito na dinetermina ng Diyos para kay Pedro sa lahat ng mga obispo at pari? Naaayon ba iyan sa kalooban ng Diyos? At kung hindi, hindi ba iyan lumalabag sa disposisyon ng Diyos?”
Talagang nabigla ako nang sabihin ito ni Brother Cheng. Natanto ko na nang sabihin ito ni Jesus, mayroon lamang 12 mga disipulo na sumusunod sa Kanya, kaya’t wala talagang anumang mga obispo o pari. Paano kung ang pagbigay ng Panginoong Jesus ng mga susi ng kaharian ng langit kay Pedro ay hindi nangangahulugang ibinibigay Niya ang mga ito sa ating mga obispo at pari? Ngunit ito ang aming paniniwala bilang mga Katoliko sa loob ng 2,000 taon—paano ito magiging mali?
Nang makita na wala akong anumang sinasabi, nagpatuloy si Brother Cheng sa kanyang pagbabahagi. “Sa totoo lang, personal na nagpapatotoo ang Diyos at itinatalaga ang isang tao na gagamitin ng Banal na Espiritu para sa Kanyang gawain sa bawat kapanahunan. Bukod kay Pedro, na personal na pinili ng Panginoong Jesus tulad ng napag-usapan lamang natin, sa kapanahunan ng Lumang Tipan ay pinili ng Diyos si Moises. Sa Exodo 3: 7–10, personal na sinabi ng Diyos kay Moises na akayin ang mga Israelita palabas ng Ehipto. Si Pedro at Moises ay personal na itinalaga ng Diyos at mayroong mga salita ng Diyos bilang patunay. Ngunit ang pari ng Katoliko ay wala nito, at wala sila ng Banal na Espiritu bilang saksi. Nangangahulugan ito na hindi sila personal na hinirang ng Diyos, kaya hindi natin masasabi na sila ay itinalaga ng Diyos.”
Hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin dito, ngunit iniisip ko sa sarili ko na naitala yan sa Kasulatan, na talagang may mga salita mula sa Diyos na magpapatunay na hinirang Niya sina Pedro at Moises, kaya paano kung ang aking mga paniniwala ay hindi totoo?
Nagpatuloy si Brother Cheng. “Brother, may isang sipi na maaari nating basahin upang higit na maunawaan kung ang mga obispo at pari ay talagang hinirang ng Diyos.” Ang kanyang mga salita ay gumambala sa aking pagbubulay-bulay, at nakita ko siya na kinukuha ang isang laptop mula sa kanyang bag. Pagkatapos ay binasa niya ito nang taimtim: “Ang gawain na ginagampanan niyang ginagamit ng Diyos ay ang makipagtulungan sa gawain ni Cristo o ng Banal na Espiritu. Ang taong ito ay itinataas ng Diyos sa gitna ng mga tao, siya ay naroon upang pangunahan ang lahat ng hinirang ng Diyos, at siya ay itinataas din ng Diyos upang gampanan ang gawain ng pagtutulungan ng tao. Kasama ang isang gaya nito, na nagagawang gampanan ang pagtutulungan ng tao, mas marami pa sa mga kinakailangan ng Diyos mula sa tao at sa gawaing kailangang gampanan ng Banal na Espiritu sa gitna ng tao ay matatamo sa pamamagitan niya. Ang isa pang paraan ng pagsasabi nito ay kagaya nito: Ang layunin ng Diyos sa paggamit sa taong ito ay upang lalong maunawaan ng lahat yaong mga sumusunod sa Diyos ang kalooban ng Diyos, at makamit ang higit pa sa mga kinakailangan ng Diyos. Sapagkat ang mga tao ay walang kakayahan na tuwirang maunawaan ang mga salita ng Diyos o ang kalooban ng Diyos, itinaas ng Diyos ang isang tao na sanay nang gumanap sa gayong gawain. Ang taong ito na ginagamit ng Diyos ay maaari ring ilarawan bilang isang paraan kung saan ginagabayan ng Diyos ang mga tao, o bilang ‘tagasalin’ na nakikipagtalastasan sa pagitan ng Diyos at ng tao. Kaya’t ang gayong tao ay hindi kagaya ninuman sa kanila na gumagawa sa sambahayan ng Diyos o na Kanyang mga apostol. Kagaya nila, maaaring sabihin na siya ay naglilingkod sa Diyos, ngunit sa diwa ng kanyang gawain at sa likod ng paggamit sa kanya ng Diyos ay malaki ang pagkakaiba niya mula sa ibang mga manggagawa at mga apostol. Kung ang pag-uusapan ay ang diwa ng kanyang gawain at ang nasa likod ng paggamit sa kanya, ang tao na ginagamit ng Diyos ay itinataas Niya, inihahanda ng Diyos para sa gawain ng Diyos, at siya ay nakikipagtulungan sa gawain ng Diyos Mismo. Walang sinumang tao ang maaaring gumawa ng kanyang gawain para sa kanya—ito ay pakikipagtulungan ng tao na kailangang-kailangang kaagapay ng banal na gawain. Samantala, ang gawaing ginagampanan ng ibang mga manggagawa o mga apostol ay paghahatid at pagsasakatuparan lamang ng maraming aspeto ng mga pagsasaayos para sa mga iglesia sa bawat panahon, o kaya nama’y gawain ng ilang payak na pantustos ng buhay upang mapanatili ang buhay-iglesia. Ang mga manggagawa at mga apostol na ito ay hindi hinirang ng Diyos, lalong hindi sila matatawag na mga ginagamit ng Banal na Espiritu. Sila ay pinipili mula sa mga iglesia at, pagkatapos silang sanayin at linangin sa loob ng ilang panahon, silang mga angkop ay pinananatili, habang iyong mga hindi angkop ay pinababalik kung saan sila nanggaling” (“Tungkol sa Pagkasangkapan ng Diyos sa Tao”).
Nagpatuloy siya sa pagbabahagi. “Makikita natin dito na habang gumagawa ang Diyos, mayroong maraming taong nakikipagtulungan sa Kanyang gawain, at nahahati ang mga ito sa dalawang kategorya. Ang una ay ang mga ginagamit ng Banal na Espiritu—iyon ang mga personal na pinili at hinirang ng Diyos. Hindi magagawa ng sinu-sino lang ang gawain ng mga ginagamit ng Banal na Espiritu, sapagkat ang kanilang gawain ay nangangailangan ng proteksyon at patnubay ng Banal na Espiritu. Iyon ang dahilan kung bakit nagagawa nilang gabayan tayo upang maunawaan ang kalooban ng Diyos, at upang magsanay at makapasok sa mga salita ng Diyos. Sa oras na tinanggap natin ang kanilang patnubay at pagdidilig, nakakasiguro tayong mapupunan tayo sa espirituwal at makapagpapatuloy tayong lumago sa buhay. Magagawa nating maunawaan ang mas maraming katotohanan, maging mas malapit sa Diyos, at makilala Siya nang mas mabuti at mas mahusay. Ang pangalawang uri ng tao na nakikipagtulungan sa gawain ng Diyos ay ang mga manggagawa at disipulo, at kasama rito ang mga obispo at pari, ngunit hindi sila matatawag na mga taong ginamit ng Banal na Espiritu. Iyon ay dahil ang karamihan sa kanila ay nag-aral sa isang seminaryo sa loob ng ilang taon o pinili para sa pagtatalaga ng isang nakatataas. Ang kanilang mga sermon at pagbabahagi ay kadalasang teolohiya lamang at biblikal na kaalaman—wala talaga silang gaanong kaliwanagan at pagtanglaw ng Banal na Espiritu. Ginagawa lamang nila ang mga simpleng gawain upang mapanatili ang buhay iglesia. Walang anumang paghahambing dito sa kalikasan at mga nakamit ng gawain nina Moises at Pedro. Kaya’t nakikita natin na tiyak na hindi sila personal na hinirang ng Diyos.”
Tapos bigla itong nagpamulat sa akin. Tama siya! Walang mga salita ng Diyos na nagkukumpirma sa mga obispo at pari. Napili silang lahat mula sa loob ng simbahan, o nagtapos sila mula sa isang seminaryo. Paano sila naging hinirang ng Diyos? Sa pag-iisip na ito, sinabi ko kay Brother Cheng, “Ibig mong sabihin, kahit na pinangungunahan ng mga pari ang mga parokyano na sundan ang Diyos, hindi sila inilagay ng Diyos at hindi nila kayang mapatawad ang mga kasalanan ng mga tao sa ngalan ng Diyos?”
Tumango siya at masayang sinabi, “Tama iyan. Ang Diyos lamang ang banal at may kakayahang magpatawad ng mga kasalanan. Ngunit bilang mga tao, bawat isa sa atin ay natiwali ni Satanas, at tayo ay puno ng mga satanikong disposisyon. Tayo ay mayabang at tiwala sa sarili, hindi tayo nakikinig sa sinuman, at palagi nating gusto na magkaroon ng panghuling salita. Ang mga satanikong disposisyon na ipinamumuhay natin ay kumakatawan kay Satanas, kaya paano natin kakatawanin ang Diyos? Tingnan natin ang ilan pang sipi at mas magiging malinaw ito.” Inabot niya sa akin ang kanyang laptop, at binasa ko ito: “Ang isang pinuno ng relihiyon ay isang pinuno lamang, at hindi makakapantay sa Diyos (ang Lumikha). Lahat ng bagay ay nasa mga kamay ng Lumikha, at sa katapusan ay babalik silang lahat sa mga kamay ng Lumikha. Ang sangkatauhan ay ginawa ng Diyos, at anuman ang relihiyon, bawat tao ay babalik sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos—hindi ito maiiwasan. Diyos lamang ang Kataas-taasan sa lahat ng bagay, at ang pinakamataas na pinuno sa lahat ng nilalang ay kailangan ding bumalik sa ilalim ng Kanyang kapamahalaan. Gaano man kataas ang katayuan ng isang tao, hindi niya madadala ang sangkatauhan sa isang angkop na hantungan, at walang sinumang nagagawang ibukod ang lahat ng bagay ayon sa uri. Si Jehova Mismo ang lumikha sa sangkatauhan at ibinukod ang bawat isa ayon sa uri, at pagdating ng mga huling araw ay gagawin pa rin Niya Mismo ang Kanyang sariling gawain, na ibinubukod ang lahat ng bagay ayon sa uri—ang gawaing ito ay hindi magagawa ng sinuman maliban sa Diyos” (Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas tungo sa Pagkilala sa Diyos). “Ang lahat ng kilos at gawa ni Satanas ay nakikita sa tao. Ngayon, ang lahat ng kilos at gawa ng tao ay pagpapahayag ni Satanas at samakatuwid ay hindi kayang kumatawan sa Diyos. Ang tao ang pagsasakatawan ni Satanas, at ang disposisyon ng tao ay hindi kayang kumatawan sa disposisyon ng Diyos. Ang ilang tao ay may mabuting karakter; ang Diyos ay maaaring gumawa ng ilang gawain sa pamamagitan ng karakter ng mga naturang tao at ang gawain na kanilang ginagawa ay ginagabayan ng Banal na Espiritu. Nguni’t ang kanilang disposisyon ay hindi kayang kumatawan sa Diyos. Ang gawain na ginagawa ng Diyos sa kanila ay paggawa lamang at pagpapalawak ng kung ano na ang umiiral sa loob. Mga propeta man mula sa mga nakaraang kapanahunan o mga taong ginagamit ng Diyos, walang sinuman ang kayang direktang kumatawan sa Kanya. … Tanging ang pag-ibig, ang kahandaan na magdusa, ang katuwiran, pagpapasakop, at pagpapakumbaba at pagkatago ng nagkatawang-taong Diyos ang direktang kumakatawan sa Diyos. Ito ay dahil noong Siya ay pumarito, Siya ay dumating nang walang makasalanang kalikasan at direktang dumating mula sa Diyos, nang hindi naproseso ni Satanas. Si Jesus ay kawangis lamang ng makasalanang laman at hindi kumakatawan sa kasalanan; samakatuwid, ang Kanyang mga kilos, gawa, at salita, hanggang sa panahon bago ang Kanyang pagtupad ng gawain sa pamamagitan ng pagpapapako sa krus (kabilang ang sandali ng Kanyang pagpapapako sa krus), ay lahat direktang kumakatawan sa Diyos. Ang halimbawa ni Jesus ay sapat na upang patunayan na ang sinumang tao na may makasalanang kalikasan ay hindi kayang kumatawan sa Diyos, at na ang kasalanan ng tao ay kumakatawan kay Satanas. Ang ibig sabihin nito, ang kasalanan ay hindi kumakatawan sa Diyos at ang Diyos ay walang kasalanan” (“Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayahang Kumatawan sa Diyos”).
Ipinagpatuloy ni Brother Cheng ang pagbabahagi. “Ang dalawang sipi na binasa pa lamang natin ay nagpapakita sa atin na ang mga pari at obispo ay nandiyan lamang upang gabayan tayo sa ilang yugto ng panahon. Sila ay mga tiwaling tao na hindi maaaring kumatawan sa Diyos ni kaunti, at hindi nila kayang mapatawad ang mga kasalanan ng mga tao sa ngalan ng Diyos. Ang Diyos lamang, ang Manlilikha, ang maaaring magpatawad sa ating mga kasalanan. Sa kapanahunan ng Bagong Tipan, ang Panginoong Jesus ay si Cristo—Siya ay hindi kailanman natiwali ni Satanas at ang Kanyang diwa ay banal, kaya’t nagawa Niya ang gawain ng pagtubos bilang Diyos. Ngunit lahat tayong mga tao ay natiwali ni Satanas. Nabubuhay tayo gamit ang ating tiwaling disposisyon ng laman—namumuhay tayo sa kasalanan. Puno tayo ng kayabangan, tiwala sa sarili, kabuktutan, at pagpapahalaga sa sarili. Ang lahat ng ating ipinamumuhay ay kumakatawan kay Satanas, at kahit na sino ang magsabi na ang kanilang disposisyon ay maaaring kumatawan sa Diyos, kayabangan ang pagsasabi niyon, at ito ay nakakainsulto at kalapastanganan sa Diyos. At sa gayon, si Cristo lamang sa katawang-tao ang kumakatawan sa Diyos, sapagkat si Cristo ay hindi nagkakasala. Ngunit walang makasalanang tao ang maaaring kumatawan sa Diyos, kaya’t nangangahulugang si Cristo lamang ang makakagawa ng gawaing pagpapatawad sa mga kasalanan. Ang mga pari at obispo ay hindi kayang magpatawad sa mga kasalanan ng mga tao sa ngalan ng Diyos.”
Nang sinabi niya ito, isang kamakailan lamang na pangyayari ang naisip ko, noong talagang abala kami sa trabaho para sa simbahan. Sinabihan namin ang isang pari sa malapit na pumunta at tumulong sa dami ng gawain, ngunit sa aming pagkagulat, ang pari ng aming simbahan ay ni hindi man lamang nagpasalamat nang malaman niya ito, ngunit nais pa niyang itaboy ang ibang pari, na sinasabing ang iba ay nais na agawin ang kanyang lugar sa simbahan. Ang isa pang pari ay ayaw ring umatras, bagkus nais na kunin ang lahat ng mga handog na ibinigay ng mga miyembro ng kongregasyon para sa gawaing nais niyang gawin doon at sa mga Misa na ginampanan niya. Talagang nagtatagisan ang dalawang pari na iyon. Hindi ba pinaglalabanan lang nila ang pulpito? Hindi ba nais lang nila na sakupin ang kapangyarihan at maging mas nakatataas? Napagtanto ko na ang mga pari ay hindi pa nakatakas mula sa kasalanan, kundi mayroon pa rin silang mga tiwaling satanikong disposisyon, kaya paano sila kikilos sa ngalan ng Diyos? Kalapastanganan talaga ito! Nakita ko na ang talagang sinusubaybayan ko ay hindi katiwa-tiwala.
Medyo nahihiya, sinabi ko, “Brother Cheng, ang pagbabahagi ngayon ay ipinakita sa akin na ang mga obispo at pari ay talagang hindi pinili at hinirang ng Diyos, kundi sila rin ay mga taong natiwali ni Satanas na nagkakasala pa rin. Nakita ko silang nakikipagtagisan sa maliliit na bagay at nakikipag-agawan din sila para sa pulpito. Kapag nagkasala sila, hinahanap din nila ang iba pang mga pari para magkumpisal. Paano nila maaaring patawarin ang ating mga kasalanan sa ngalan ng Diyos? Si Cristo lamang ang maaaring magpatawad sa mga kasalanan ng tao bilang Diyos!”
Tumugon si Brother Cheng, “Salamat sa Diyos! Napakaganda na nauunawaan mo ang katotohanan.”
“Salamat sa Diyos,” masaya akong sumang-ayon.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.