Pagbukas ng Pinto sa Aking Puso at Pagtanggap sa Pagbabalik ng Panginoon
Noong Nobyembre ng 1982, lumipat ang buong pamilya namin sa USA. Lahat kami ay may pananampalataya sa Panginoon simula sa henerasyon ng lolo ko, kaya nakahanap kami kaagad ng isang iglesia ng mga Chinese sa Chinatown ng New York pagkatapos dumating sa Estados Unidos para makadalo kami sa misa. Hindi kami pumalya sa pagdalo ng misa, at matiyaga ang aking ina at kapatid na babae lalo na tungkol sa pagbabasa ng mga banal na kasulatan sa tuwing may oras sila upang hingin ang pagpapala at pangangalaga ng Diyos. Madalas sabihin ng pari: “Kapag dumating ang Panginoon, hahatulan Niya ang mga tao nang hayagan at hahatiin sila ayon sa mga kategorya: Yaong mga tunay na nagsisisi at nangungumpisal at nagsasagawa ng kanilang pananampalataya ay mapupunta sa langit; yaong mga nakagagawa ng maliliit na kasalanan ngunit hindi mabibigat na kasalanan ay daranas ng pagdurusa sa purgatoryo, ngunit maliligtas pa rin sila at aakyat sa langit; yaong mga hindi naniniwala sa Diyos o nakagagawa ng napakabigat na mga kasalanan ay daranas ng kaparusahan ng impiyerno.” Nag-iwan ng malalim na impresyon sa aking puso ang mga salitang iyon, na para bang ang mga ito ay nakaukit doon. Nahikayat ako ng mga ito na masigasig na manampalataya sa Diyos, at gaano man ako kaabala, hindi ako pumalya kailanman sa pagdalo sa misa.
Sa tila napakabilis na panahon, dumating ang taong 2014. Isang araw, biglang sinabi sa akin ng isang miyembro ng parokya, “Ang kapatid mong babae ay nananampalataya na ngayon sa Makapangyarihang Diyos….” At marami pa siyang sinabi, sinisiraang-puri at kinukundena ang Makapangyarihang Diyos at Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Pagkarinig sa di-inaasahang balitang ito, nakadama ako ng labis na pag-aalala, at nabalisa nang husto na nalihis na ang aking kapatid na babae. Ang balita tungkol sa pagtanggap ng aking kapatid na babae sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay mabilis na kumalat sa buong iglesia. Hinikayat ako ng pari na layuan siya, at may ilang iba pang mga miyembro ng iglesia na nagsabi nang harap-harapan sa akin ng ilang bagay na naninirang-puri at kumukundena sa Makapangyarihang Diyos. Matapos akong “tulungan” ng padre at iba pang miyembro ng parokya ng ilang beses, nagsimula akong maniwala sa kanilang mga salita at naisip na nalihis na nga ang aking kapatid na babae. Sinabi ko sa padre at sa mga miyembro ng parokya na hindi na ako kailanman makikinig sa aking kapatid na babae, at na kung bibigyan ng pagkakataon, susubukan kong ibalik siya sa kawan para makapagsisi siya sa Panginoon. Tinawag ko ang aking mga kapatid na lalaki pagkauwi ko, at pumanig sila sa akin. Magkakasama naming sinubukan lahat na himukin ang aking kapatid na babae, ngunit hindi lamang siya matatag sa kanyang pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos, kundi nagpatotoo rin siya sa amin na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoon. Sinubukan niyang himukin kami na tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw para hindi mawala sa amin ang pagkakataon na matamo ang pagliligtas ng Diyos. Ngunit ang aking puso ay puno na ng mga negatibong ideya na itinimo sa akin ng padre at ng mga miyembro ng parokya. Gaano man kasigasig magbahagi ang aking kapatid na babae sa akin o gaano man siya kasigasig magpatotoo, hindi na lang ako makikinig.
Kalaunan, nagkaroon kami ng ilang pagtatalo ng aking ina tungkol sa aking kapatid na babae dahil sa kanyang pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos, ngunit kahit anupaman ang sabihin niya, patuloy kong pinaniwalaan ang padre at ang mga kasinungalingang nabasa ko sa Internet, hindi nangahas na hanapin o saliksikin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos. Hindi nagkaroon kailanman ng anumang resolusyon sa aming mga pagtatalo, ngunit natanto ko na unti-unting nagsisimulang sumang-ayon ang aking ina sa ibinabahagi at patotoo ng aking kapatid na babae. “Nagkampihan” pa ang aking ina at ang aking kapatid at kalaunan ay tinanggap ng aking ina ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Nang makita ito, nagsimula akong mag-alala. Kung talagang totoo ang mga sinabi ng padre at ng mga miyembro ng parokya, paano kung may mangyari sa aking pamilya? Desperado, umalis ako para puntahan si Sister Qianhe na pareho naming kasundo ng kapatid kong babae, at hinimok siya na subukan at hikayatin ang aking ina at kapatid na babae. Ngunit hindi lamang siya nabigong hikayatin sila, kundi siya mismo ay nanampalataya na rin sa Makapangyarihang Diyos. Nakakagulat ito para sa akin: Ang kapatid na babae na ito ay napakahusay at siya ay masigasig na naghahanap, kaya paanong nangyari na hindi niya sila nahikayat, kundi siya mismo ay nanampalataya na rin sa Makapangyarihang Diyos? Talaga bang nagtataglay ang salita ng Makapangyarihang Diyos ng napakalakas na kapangyarihan? Talaga kayang makapagbibigay ng panustos ang salita ng Makapangyarihang Diyos sa buhay ng tao? Gayunman, nang agad kong maisip ang mga sinabi ng padre at ng mga miyembro ng parokya na tumutuligsa sa Makapangyarihang Diyos gayon din ang nakita ko sa online na sumasalungat at kumukundena sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, muli akong nakadama ng takot sa aking puso at hindi na nakipag-ugnayan pa kailanman sa kanila. Pagkatapos niyan, madalang na akong makipagkita sa aking ina. Paminsan-minsan akong nagpupunta para bumisita lang at pagkatapos ay aalis nang nagmamadali, at tumanggi akong makinig sa pagbabahagi ng aking ina at kapatid na babae. Ang “malamig na pakikitungo” na ito sa aking ina at kapatid na babae ay nagpatuloy sa loob ng isa at kalahating taon.
Isang araw noong Marso ng 2016, nabalitaan ko na pumunta rin ang ilang kilalang miyembro ng iglesia para hikayatin ang aking kapatid na babae, kaya ninais kong pumunta para makita kung nagkaroon o hindi ng pagbabago sa kanyang puso. Nang makita ko siya, tinanong ko siya tungkol sa kung ano ang iniisip niya. Sinabi niya sa akin, “Nasundan ko na ang mga yapak ng Cordero at napatunayan na ang daan ng Makapangyarihang Diyos ay ang tunay na daan. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoon at talagang hindi ako lalayo sa Kanya.” Ang matiim na titig at malakas at mariing sagot ng aking kapatid ay tila nagpaatubili sa aking puso at umantig sa aking kuryusidad. Naisip ko: Sa mga mananampalataya sa aming pamilya, ang aking kapatid na babae ang pinakamasigasig na naghahanap, at sa loob ng iglesia si Sister Qianhe ay isa ring taong naghahanap at nagtataglay ng kakayahang makahiwatig. Ang aking ina, gayon din, ay may matibay na pananampalataya sa tuwina sa Panginoon. Ngayon, silang lahat ay mananampalataya sa Makapangyarihang Diyos, at lalo pang lumakas ang kanilang pananampalataya pagkatapos nilang sumunod sa Kanya. Nagsasalita sila nang may maraming kabatiran at walang sinuman ang makakapagpatinag sa kanila o mapapabulaanan sila. Ano ang kapangyarihang ito na nagtutulot sa kanila na mapanatili ang gayong kalaking pananampalataya sa harap ng napakaraming oposisyon? Talaga kayang ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ang tunay na daan? Talaga kayang ang Makapangyarihang Diyos ang ikalawang pagparito ng Panginoon? Halos dalawang taon na ang nakalipas mula ng tanggapin ng aking kapatid na babae, ni Sister Qianhe, at ng aking ina ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, ngunit nang makita ko na maayos ang lahat sa kanila, nakita ko na ang pagbibigay ng babala at pananakot ng padre at ang nabasa ko sa online ay hindi nangyari sa kanila…. Nang matanto ito, bahagyang lumambot ang aking puso at nais ko ring siyasatin ang salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos. Sinabi ko ang mga naisip ko sa aking kapatid na babae. Sumang-ayon siya nang napakasaya at niyaya ako sa bahay ng aking ina para makapagbahagi sa akin ang isang kapatid na babae mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at makapagpatotoo sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw.
Nagpunta ako sa bahay ng aking ina sa katapusan ng linggong iyon. Naroon ang aking kapatid na babae, si Sister Qianhe, at si Zhang Xiao, isang kapatid na babae mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Masayang-masaya si Sister Qianhe nang mabalitaan niya na gusto kong maghanap at magsaliksik. Nagbahagi siya sa akin: “Ang pangunahing dahilan ng pagdating ng Diyos sa mga huling araw ay ang ipahayag ang salita at gawin ang gawain ng paghatol at paglinis sa mga tao upang mailigtas tayo mula sa mga gapos ng kasalanan. Sa kasalukuyan, yaong nasa Kapanahunan ng Biyaya ay namumuhay sa paulit-ulit na paggawa at pagkukumpisal ng kasalanan. Bagama’t masigasig tayo sa pagdalo sa misa at pagbabasa ng mga banal na kasulatan, gayon din ang pagkukumpisal ng kasalanan sa padre, patuloy pa rin tayong nagsisinungaling at nanlilinlang, at namumuhay sa ating mga tiwaling disposisyon gaya ng kayabangan, pagkaganid, at kasakiman. Bagama’t hindi natin gustong gawin, nagkakasala tayo at tinatanggihan ang Diyos, at walang sino man ang makakalaya sa gapos ng makasalanang kalikasang ito, o walang sinuman ang magtatamo ng kadalisayan at kabanalan sa pag-asa sa pagkukumpisal at pagsisisi. Iyan ang dahilan kung bakit kinakailangan pa rin nating tanggapin ang gawain na ginagawa ng Diyos sa mga huling araw na paghatol at paglilinis sa mga tao. Tanging sa paggawa nito lubos tayong makakalaya mula sa gapos ng kasalanan, maging malinis at mabago, at matamo ang pagliligtas mula sa Diyos.” Pagkarinig ko nito, nalilitong itinanong ko: “Madalas sinasabi ng padre: ‘Kung nakagawa ng maliliit na kasalanan ang mga tao, kung gayon kapag bumalik ang Panginoon para hayagang hatulan ang mga tao, sa sandaling matapos nila ang pagdurusa sa purgatoryo sila ay makakaakyat sa langit. Yaong mga nakagawa ng malalaking kasalanan ay diretsong pupunta sa impiyerno para maparusahan.’ Paano mo masasabi na ang gawain ng paghatol na gagawin ng Diyos sa Kanyang pagbabalik ay ang linisin at iligtas ang mga tao?” Sinabi ni Sister Qianhe: “Ako rin ay naniwala noon sa mga salita ng padre. Pareho tayo ng pagkaunawa tungkol sa paraan kung paano babalik ang Panginoon para gawin ang gawain ng paghatol, ngunit kung iisipin ito ngayon, ang sinasabi ba ng padre ay talagang nakaayon sa Biblia? Nakabatay ba ito sa salita ng Diyos? Sinabi ba ng Panginoong Jesus na mayroong purgatoryo? May sinabi ba Siyang anuman tungkol sa mga taong nakagawa ng maliliit na kasalanan na makakaakyat sa langit pagkatapos ng pagdurusa nila sa purgatoryo, at na yaon lamang nakagawa ng malalaking kasalanan ang pupunta sa impiyerno? Siyempre hindi! Kaya saan nanggagaling ang mga salitang ito? Malinaw na nanggagaling ang mga ito sa pagkaunawa at imahinasyon ng mga tao, at mga haka-haka at opinyon lamang ng tao. Hindi naaayon ang mga ito sa anuman sa mga salita ng Diyos, ni naaayon ang mga ito sa realidad ng gawain ng Diyos. Ano ang kapakinabangan nito para panindigan natin ito?” Sa pakikinig sa kanyang pagbabahagi, tahimik akong napatango. Patuloy pa niyang sinabi: “Sa kasalukuyan, lahat tayo ay puno ng kasalanan, at walang sinuman ang dalisay. Batay sa sinabi ng padre, kapag bumalik ang Panginoon para hayagang hatulan ang lahat ng tao, yaong nakagawa ng maliliit na kasalanan ay pupunta sa purgatoryo samantalang ang mga yaong nakagawa ng malalaking kasalanan ay pupunta sa impiyerno. Sa ganyang sitwasyon, hindi ba’t lahat tayo ay makukundena at daranas ng kaparusahan na pagpunta sa impiyerno? Hindi ba’t mababale-wala lahat ang gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan? Mayroon pa kayang anumang kabuluhan ang pagdating ng Panginoon?” Umantig sa puso ko ang ibinahagi ng kapatid na babae. Totoo—kahit nananampalataya tayo sa Diyos, kung ang ginagawa lang natin ay magkasala at pagkatapos ay ikukumpisal ang mga ito, walang sinuman ang malilinis. Katunayan, walang sinuman ang magiging karapat-dapat na makita ang Diyos, at kung darating ang Diyos para hayagang humatol, kumundena, at magparusa sa mga tao, kung gayon lahat ng tao ay mapupunta sa impiyerno. Walang sinuman ang magtatamo ng pagliligtas…. Sa sandaling iyon ko lamang natanto na walang katotohanan ang mga salitang “kapag muling dumating ang Panginoon para hayagang hatulan ang lahat ng tao, yaong nakagawa ng malalaking kasalanan ay diretsong pupunta sa impiyerno samantalang yaong nakagawa ng maliliit na kasalanan ay pupunta sa purgatoryo, at pagkatapos ng pagdurusa nila roon ay aakyat sa langit.” Hindi naaayon ang lahat ng ito sa kalooban ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan. Pagkatapos ay sinabi ni Sister Qianhe: “Tungkol sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, tingnan nating lahat kung paano ito inilarawan sa salita ng Makapangyarihang Diyos! Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: ‘Ang Diyos ay hindi naparito upang pumatay o manira, kundi upang humatol, sumumpa, kumastigo, at magligtas. Hanggang sa matapos ang Kanyang 6,000 taong plano ng pamamahala—bago Niya ihayag ang kalalabasan ng bawat kategorya ng tao—ang gawain ng Diyos sa lupa ay para sa pagliligtas, ang layunin nito ay para lamang gawing ganap—nang lubusan—yaong mga nagmamahal sa Kanya at mapasakop sila sa Kanyang kapamahalaan. Paano man inililigtas ng Diyos ang mga tao, ginagawang lahat iyon sa pamamagitan ng paghiwalay sa kanila sa dati nilang satanikong kalikasan; ibig sabihin, inililigtas Niya sila sa pamamagitan ng paghikayat sa kanila na hangarin ang buhay. Kung hindi nila gagawin iyon, walang paraan upang matanggap nila ang pagliligtas ng Diyos’ (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Isantabi ang mga Pagpapala ng Katayuan at Unawain ang Kalooban ng Diyos na Maghatid ng Kaligtasan sa Tao). ‘Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos’ (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan).”
Matapos basahin ang salita ng Diyos, nagbahagi si Sister Zhang Xiao, sinasabing, “Lubos na nilinaw sa salita ng Makapangyarihang Diyos ang kahalagahan ng gawain ng paghatol sa mga huling araw, ang eksaktong uri ng paghatol, at ang mga kalalabasan ng gawain ng paghatol sa mga tao. Ang gawain ng paghatol ng Diyos ay hindi ang patayin o parusahan ang mga tao gaya ng mga pagkaunawa at imahinasyon natin. Sa halip, ginagamit ng gawaing ito ang salita upang ilantad ang mga isipan, pananalita, at gawa ng mga tao, upang alisin ang ating napakasamang kalikasan at tiwaling mga disposisyon na kumakalaban sa Diyos. Itinutulot nito na maunawaan natin ang katotohanan tungkol sa kung paano tayo nagawang tiwali ni Satanas habang tinutulutan din tayo na malaman ang pagkamatuwid at banal na disposisyon ng Diyos. Kapag naunawaan natin ang mga bagay na ito, nagsisimulang kamuhian natin ang ating mga sarili, at nagbubunga ito ng tunay na pagsisisi at tapat na pusong nagpipitagan sa Diyos. Sa pamamagitan ng paghatol ng salita ng Diyos mas mauunawaan natin at mas malalaman ang katotohanan, at likas na mamumuhay na umaasa sa katotohanan. Sa paraang ito, anumang masasamang bagay ang nasa ating puso ay unti-unting maiwawaksi, at magagawa nating makasunod sa Diyos. Pagkatapos mula riyan hindi na tayo maghihimagsik o lalaban sa Diyos, kundi talagang tapat natin Siyang susundin—sa ganitong paraan lamang natin matatamo ang pagliligtas. Pagkatapos magawang tiwali ni Satanas, hindi na natin kawangis ang isang tao at naglaho na sa atin ang konsiyensya at katuwiran na dapat tinataglay ng isang mabuting tao. Sa halip, puno tayo ng kayabangan, tiwala sa sarili, kasakiman, at iba pang mga aspeto ng napakasamang disposisyon. Hindi na rin naaayon sa Diyos ang ating mga saloobin at pagkaunawa sa mga bagay-bagay. Halimbawa: Kapag naharap sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, lahat tayo ay mayroong iba-ibang bagay na tanggap natin at pinanghahawakan nating lahat ang ating sariling pagkaunawa nakabatay man ito o hindi sa salita ng Diyos. Hindi natin hinahangad ang kalooban ng Diyos, sa halip ay nagbubulag-bulagan sa paniniwala na tama ang sariling iniisip natin. Kapag ang gawain ng Diyos ay hindi umaaayon sa pagkaunawa at imahinasyon natin, hinuhusgahan natin mismo ang tungkol sa Diyos, at ipinagkakaila, kinakalaban at kinukundena Siya. Ito ang bunga ng mayabang nating disposisyon. Sa gayong kasamang kalikasan maaari din nating lahat na kalabanin ang Diyos, kaya kailangang-kailangan natin ang pagdating ng Diyos para isagawa ang yugto ng gawain ng paghatol, at ang Kanyang paglilinis at pagpapabago sa ating masamang disposisyon. Kung wala iyan, walang sinuman ang makakalaya sa katiwalian at makakatamo ng pagliligtas.”
Pagkatapos makinig sa salita ng Makapangyarihang Diyos at sa pagbabahagi ng kapatid na babae na ito, ang aking puso kapagdaka ay nakaunawa at nabuksan, at nadama ko na nailahad ito nang mabuti. Bagama’t may ilang bagay na hindi ko gaanong naunawaan, naipaunawa pa rin nito sa akin ang karunungan na nakapaloob sa gawain ng Diyos gayon din kung gaano ang pagmamahal ng Diyos sa tao. Noon, kapag tungkol sa pagdating ng Diyos para hatulan ang sangkatauhan, inakala ko na mapupunta ang mga tao sa impiyerno o kaya ay magdaranas ng pagdurusa sa purgatoryo. Sa katunayan, ang gawain ng paghatol ng Diyos ay hindi talaga yaong inakala natin, sa halip, ito ay ang pagkakatawang-tao ng Diyos para praktikal na maipahayag ang katotohanan at isagawa ang gawain ng paghatol. Ganito ang paraan ng Kanyang paglilinis at pagliligtas sa mga tao. Punung-puno ng kahulugan ang gawain ng paghatol ng Diyos. Talagang ito ang yaong kinakailangan ng tiwaling mga tao na tulad natin.
Habang nakikinig ako nang mabuti sa lahat ng ito, biglang tumawag ang aking asawa para sabihing gusto niyang gamitin ang sasakyan. Natantong sa sandaling ito ay napakinggan ko na ang lahat ng ito, nang papaalis na ako binigyan ako ng aking ina ng isang aklat na may pamagat na Ang Balumbon na Binuksan ng Cordero at sinabing ang mga salitang nakapaloob dito ay tinig ng Diyos Mismo. Pinakabilin-bilin niya sa akin na basahin ang salita ng Makapangyarihang Diyos. Kapag nakauwi na ako, babasahin ko ang aklat na iyan sa tuwing may oras ako. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng salita ng Makapangyarihang Diyos, naunawaan ko ang maraming katotohanan at nagkaroon ng maraming kaalaman. Kasabay nito, talagang naranasan ko rin ang masusing pagsisiyasat ng Diyos sa kaibuturan ng mga kaluluwa ng mga tao. Bawat salita ng Makapangyarihang Diyos ay tumagos sa kaibuturan ng aking puso, inihahayag ang tiwaling kalikasan sa aking loob. Minsan nang makita ko kung paano inihahayag ng salita ng Diyos ang ating katiwalian, nadama ko kung gaano Niya ito lalong kinamumuhian. Tila ipinahahayag ng Diyos ang Kanyang poot sa atin, at ang aking manhid at matigas na puso ay dagling naantig. Nagkaroon ako ng pagpipitagan sa Diyos sa aking puso, at hindi na ako tulad noon, kapag nakagawa ako ng mga kasalanan nang walang takot. Sa pamamagitan ng maraming karanasan at kaliwanagan at patnubay ng mga salita ng Diyos, nakita ko na ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos ay talagang magliligtas sa mga tao at magtutulot na mapalaya sila mula sa kasalanan. Napakapraktikal ng gawain at mga salita ng Diyos! Nakadama ako ng matinding pagsisisi nang maisip ko kung paano ko kinalaban noon ang gawain ng Diyos sa mga huling araw sa nakalipas na dalawang taon. Namuhi ako sa aking sarili dahil sa pagiging hangal at mangmang, hindi naghahangad na unawain o siyasatin ang isang bagay na kasing dakila ng ikalawang pagparito ng Panginoon. Hindi lang iyan, nagbulag-bulagan ako sa pakikinig sa mga kasinungaling iyon, tinalikuran ko ang Diyos, kinundena ko ang Diyos, at kinalaban ko ang Diyos. Muntik ko nang hindi makamtan ang pagliligtas ng Panginoon sa mga huling araw. Talagang nagbulag-bulagan ako. Malinaw kong naunawaan na ang paninirang-puri, mga panghuhusga, at paglapastangan laban sa Makapangyarihang Diyos at paninira sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay pawang mga kasinungalingan lamang ni Satanas. Ang mga iyon ay mga panlilinlang na ginamit ni Satanas para lalong lituhin at bitagin ang mga tao, at hadlangan sila sa pagtanggap ng gawain ng Diyos sa mga huling araw. Hindi na ako kailanman maniniwala sa mga kasinungalingan ni Satanas. Anuman ang makaharap ko o marinig sa hinaharap, palagi kong aalamin ang mabuti sa masama ayon sa salita ng Diyos at sa katotohanan. Hindi na ako kailanman makikinig pa sa mga kasinungalingan at panloloko ni Satanas—sa paggawa lamang nito makakaayon ang isang tao sa kalooban ng Diyos. Nasasaisip ito, taos-puso akong nagpasalamat sa Makapangyarihang Diyos para sa pagkahabag at pagliligtas na inilaan Niya sa akin. Hindi sumuko ang Diyos sa pagliligtas sa akin dahil sa aking paghihimagsik at pagtanggi, bagkus patuloy na nagsaaayos para maipalaganap ng mga tao ang ebanghelyo sa akin at maibalik ako sa bahay ng Diyos. Napakadakila ng pagmamahal ng Diyos! Sa tuwing maririnig ko ang mga titik sa music video na Awit ng Taos-pusong Pagkapit, na nagsasabing: “Narito ang Isa, Siya ay Diyos sa katawang-tao. Wikait gawa Niya, lahat katotohanan. Dunong Niya at pagkamatiwid ay aking mahal. Nakita’t nakamtan ko Siya kaya ako’y mapalad,” lalong naaantig at nahihikayat ang aking puso. Nadama ko na napakapalad ko na matanggap ang pagbabalik ng Panginoon at direktang mapakinggan ang salita ng Diyos. Napakalaking pagpapala nito!
Kalaunan ay nagsimula na akong makibahagi sa mga gawain ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ang mga kapatid na lalaki at babae ay magkakasamang kumakanta ng mga himno, sumasayaw, at nagbibigay-papuri sa Diyos. Nagbabasa sila ng salita ng Diyos, at kung may anumang katiwaliang inihahayag ay binubuksan ang kanilang puso at nagbabahagi tungkol dito. Tinatalakay ng lahat ang kanilang kaalaman at karanasan sa salita ng Makapangyarihang Diyos at naghahanap ng daan ng pagsasagawa at pagpasok dito. Ang ganitong uri ng buhay sa iglesia ay lalong nagpapalaya at napalakas ako nang husto nito. Talagang natanto ko na ang gayong iglesia lamang kung saan gumagawa ang Banal na Espiritu ang maituturing na bahay ng Diyos. Dito ako nabibilang. Lubos na akong nakatitiyak ngayon na ang Makapangyarihang Diyos ay ang ikalawang pagparito ng Panginoon, at determinado akong sundin ang Makapangyarihang Diyos hanggang wakas!
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.