920 Lahat ng Bagay ay Magpapasakop sa Ilalim ng Kapamahalaan ng Diyos
Ⅰ
Panaho’y lumilipas, lipunan ay lumalago
at nagbabago ang kalikasan
sa tatlong yugto ng gawain.
Tao’y nag-iiba kasama ang gawain ng Diyos,
‘di lumalago sa kanyang sarili.
Tatlong yugto ng gawain ng Diyos
nagdadala sa lahat ng nilalang at tao
sa ilalim ng kapamahalaan ng isang Diyos.
Anumang relihiyon, magpapasakop ka
sa kapamahalaan ng isang Diyos.
Diyos lang ang makakagawa nito,
‘di ang sinumang relihiyosong pinuno.
Siyang ‘di kayang lumikha ng mundo’y
‘di makakayang tapusin ito.
Siyang lumikha ng mundo ay tiyak tatapusin ito.
Siyang tumutulong lang upang
linangin ang isipan ng tao,
‘di siya magiging Diyos.
‘Di niya makakayang gawin gano’ng dakilang gawain;
may Isa lang na kayang magsagawa ng gawain.
Lahat ng ‘di kayang gawin ang gawaing ito’y
kaaway bukod sa Diyos.
Sila’y kulto, ‘di kaayon sa Diyos
at kaya, kaaway ng Diyos.
Tanging Diyos ang Kataas-taasan sa lahat,
pinakamataas na pinuno sa lahat ng mga nilalang,
silang lahat babalik sa ilalim
ng Kanyang kapamahalaan.
Ⅱ
Lahat ng gawain ay ginagawa nitong
isang tunay na Diyos,
ang buong sansinukob
ay inuutusan nitong isang Diyos.
Lahat sa sansinukob umiiral
sa gabay ng isang Diyos,
pag-iral nila’y ‘di gabay ng relihiyosong pinuno.
Sila’y pinunong ‘di magiging katumbas ng Diyos.
Lahat ay nasa kamay ng Lumikha,
sa kamay Niya sila’y babalik sa huli.
Tao ay ginawa ng Diyos
at bawat tao’y babalik sa ilalim
ng kapamahalaan Niya,
anumang relihiyon, ito’y ‘di maiiwasan.
Tanging Diyos ang Kataas-taasan sa lahat,
pinakamataas na pinuno sa lahat ng mga nilalang,
silang lahat babalik sa ilalim
ng Kanyang kapamahalaan.
Ⅲ
Kahit ga’no man kataas ang katayuan ng tao,
‘di niya madadala ang tao sa angkop na hantungan,
at ‘di niya maiuri ang lahat ayon sa isang klase.
Si Jehova’ng lumikha ng tao
at inuri ang bawat isa ayon sa klase,
at pagdating ng huling oras
gagawin Niya pa rin ang gawain,
inuuri ang lahat ng bagay ayon sa klase.
Walang makagagawa nito ‘liban sa Diyos.
Gawain Niya’y sa Israel man o Tsina,
gawain ay magagawa ng Espiritu o ng laman.
Lahat ay ginagawa Niya mismo,
walang ibang makakagawa.
Dahil Siya ang Diyos ng lahat ng tao
malaya Siyang gumagawa, walang pamimilit.
Ito ang pinakadakila sa lahat ng pangitain.
Tanging Diyos ang Kataas-taasan sa lahat,
pinakamataas na pinuno sa lahat ng mga nilalang,
sila’y babalik sa Kanyang kapamahalaan.
Ito ang pinakadakila sa lahat ng pangitain.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas Tungo sa Pagkilala sa Diyos