Kabanata 66

Ang Aking gawain ay nagpatuloy na hanggang sa kasalukuyang yugto, at lahat ng ito ay sumunod sa matalinong pagsasaayos ng Aking kamay, at lahat ng ito ay naging malaking tagumpay Ko. Sino sa sangkatauhan ang makagagawa ng ganoong bagay? Hindi ba’t sa halip ay ginagambala ng mga tao ang Aking pamamahala? Gayunpaman, dapat mong malaman na walang sinumang makagagawa ng Aking gawain kapalit Ko, lalo na ang hadlangan ito, sapagkat wala ni isang tao na makapagsasabi o makagagawa ng mga bagay na Aking ginagawa at sinasabi. Bagamat ganito, ang mga tao ay hindi pa rin Ako nakikilala, Ako na ang marunong na Makapangyarihang Diyos! Hindi kayo maglalakas-loob na lantarang labanan Ako sa labas, datapwat nilalabanan ninyo Ako sa inyong mga puso at sa inyong mga isipan. Mga hangal! Hindi ba ninyo alam na Ako ang Diyos na nagbabantay sa kaibuturan ng puso ng tao? Hindi mo ba alam na binabantayan Ko ang bawat salita at gawa mo? Sinasabi Ko ito sa iyo: Hindi na kailanman muling bibigkas ang Aking mga labi ng banayad na mga salita. Sa halip, ang Aking mga salita ay lahat magiging mga salita ng mabagsik na paghatol, at Aking titingnan kung kaya mong tiisin ang mga iyon o hindi. Mula ngayon, ang mga taong hindi malapit sa Akin ang puso—ibig sabihin iyong mga walang taos na pag-ibig para sa Akin—ang mga lantarang lumalaban sa Akin.

Sa kasalukuyan, ang gawain ng Banal na Espiritu ay dumating na sa puntong ang dating pamamaraan ay hindi na gagamitin; sa halip, isang bagong pamamaraan ang ginagamit. Ang mga hindi nakikipagtulungan sa Akin nang positibo at masigasig ay babagsak sa Hades, na isang bangin ng kamatayan (at ang mga taong ito ay mapapahamak magpakailanman). Ang bagong pamamaraan ay ang sumusunod: Kung ang iyong puso at isipan ay hindi tama, sasapit sa iyo ang Aking paghatol agad-agad. Kasama rito ang pagkapit sa sanlibutan, kayamanan, pamilya, asawang lalaki, asawang babae, mga anak, mga magulang, pagkain at pag-inom, mga kasuotan, at lahat ng gayong bagay na hindi kabilang sa espirituwal na dako. Ang kaliwanagan ng mga banal ay magiging lalo’t lalong kita; ibig sabihin, ang mga damdamin ng buhay ay magiging lalo’t lalong halata at magiging patuloy sa pagkilos. Sinumang nagsasanhi ng kaliit-liitan mang pagkagambala ay magdurusa ng malagim na pagbagsak, at maiiwanan nang napakalayo sa daang-takbuhan ng buhay. Ang mga walang pakialam, na hindi naghahanap nang may pag-aalay ay Aking lubusang iiwan at babalewalain Ko silang lahat nang walang pagtatangi. Sila ay gagawing manlupaypay sa mga sakuna sa loob ng isanlibong taon. Iyon namang mga marubdob na naghahanap—ibig sabihin, iyong mga laging nanggagambala—Aking aalisin ang kanilang kamangmangan at gagawin Ko silang tapat sa Akin. Bukod pa roon, magkakaroon sila ng karunungan at katalinuhan, at sa gayon ay maghahanap sila nang may higit pang pananampalataya. Aking dinodoble ang Aking mga pagpapala sa lahat ng Aking panganay na mga anak at ang Aking pagmamahal ay dumarating sa inyo sa lahat ng sandali. Binabantayan Ko kayo at pinangangalagaan kayo sa lahat ng sandali at hindi Ko kayo pababayaang mahulog sa bitag ni Satanas. Nasimulan Ko nang ilunsad ang Aking gawain sa gitna ng lahat ng tao; ibig sabihin, nagdagdag na Ako ng isa pang proyektong gawain. Ang mga ito ang maglilingkod kay Cristo sa loob ng isanlibong taon, at napakalaking bilang ng mga tao ang dadagsa sa Aking kaharian.

Aking mga anak, dapat ninyong patindihin ang inyong pagsasanay. Maraming gawain ang naghihintay sa inyo, gawain na dapat ninyong gawin at tapusin. Hinihiling Ko lamang na magmadali na kayong gumulang, upang matapos ninyo ang gawain na Aking ipinagkatiwala sa inyo. Ito ang inyong banal na pananagutan, at ito ang tungkulin na dapat gawin ninyong Aking panganay na mga anak. Pangangalagaan Ko kayo hanggang sa marating ninyo ang katapusan ng landas at pangangalagaan Ko kayo nang sa gayon ay makapagtamasa kayo ng kaligayahan kasama Ko magpakailanman! Bawat isa sa inyo ay dapat na magkaroon ng kabatiran sa katotohanang nagsaayos Ako ng maraming sakripisyo at maraming kapaligiran, lahat upang gawin kayong perpekto. Alam ninyong lahat ng ito ay Aking mga pagpapala, hindi ba? Kayong lahat ay Aking minamahal na mga anak. Hangga’t taos-puso ninyo Akong minamahal, hindi Ko iiwan ni isa man sa inyo—bagamat nakasalalay ito sa kung kaya ninyo o hindi na maayos na makipagtulungan sa Akin.

Sinundan: Kabanata 65

Sumunod: Kabanata 67

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito