Kabanata 67

Ang Aking mga anak ay humaharap nang hayagan at sa lahat ng tao. Marahas Kong kakastiguhin ang sinumang maghahamong salungatin sila nang hayagan; tinitiyak Ko iyan. Ngayon, lahat ng yaong nakakabangon at nakakapagpastol sa iglesia ay naabot na ang katayuan ng mga panganay na anak, at kasama Ko na ngayon sa kaluwalhatian—ang lahat ng Akin ay sa inyo rin. Masaganang biyaya ang ipinagkakaloob Ko sa lahat ng sumusunod sa Akin nang tapat, nang maaari kang maging malakas, higit pa sa lakas ng ibang tao. Ang Aking kalooban sa kabuuan nito ay nasa inyo, mga panganay na anak, at nais Ko lamang na kayo ay gumulang pa sa lalong madaling panahon at matapos na ninyo yaong Aking ipinagkatiwala sa inyo. Alamin ninyo ito! Iyang Aking ipinagkakatiwala sa inyo ay ang katapusang proyekto ng Aking plano ng pamamahala. Inaasahan ko lamang na makakayanan ninyong ialay ang iyong buong pagkatao sa Akin, kasama ng iyong buong puso, isip at lakas, at gugulin ang lahat ng ito para sa Akin. Hindi talaga naghihintay ang panahon para kaninuman, at walang sinuman, pangyayari, o bagay na makapipigil sa Aking gawain. Alamin ninyo ito! Sa bawat hakbang, ang Aking gawain ay umuunlad nang maayos, nang walang balakid.

Ang mga yapak Ko ay lumalakad sa buong sansinukob at hanggang sa mga dulo ng mundo, laging sinusuri ng Aking mga mata ang bawat isang tao, at, bukod pa roon, pinagmamasdan Ko ang sansinukob bilang isang kabuuan. Ang Aking mga salita ay kumikilos sa bawat sulok ng sansinukob. Sinuman ang naghahamong huwag Akong paglingkuran, sinuman ang naghahamong hindi maging tapat sa Akin, sinumang naghahamong magbigay ng hatol sa Aking pangalan, at sinumang naghahamong mang-alimura at manirang-puri sa Aking mga anak—yaong mga tunay na may kakayahang gumawa ng ganyang mga bagay ay dapat na makaranas ng matinding paghatol. Ang Aking paghatol ay mangyayari nang lubusan, na nangangahulugan na ngayon ay ang kapanahunan ng paghatol, at, sa pamamagitan ng masusing obserbasyon, matutuklasan mo na ang Aking paghatol ay sumasaklaw sa kabuuan ng sansinukob. Mangyari pa, ang Aking tahanan ay hindi maliliban; yaong may mga kaisipan, mga salita, o mga kilos na hindi tumatalima sa Aking kalooban ay hahatulan. Unawain ninyo ito! Ang Aking paghatol ay nakadirekta sa buong mundo ng sansinukob, hindi lamang sa isang grupo ng mga tao o mga bagay. Ito ba ay napagtanto mo na? Kung sa kaibuturan mo ay nag-aalangan ka sa mga saloobin mo tungkol sa Akin, mahahatulan kaagad ang iyong kalooban.

Ang Aking paghatol ay dumarating sa lahat ng hugis at anyo. Alamin ninyo ito! Ako ang natatangi at marunong na Diyos ng mundo ng sansinukob! Wala nang hihigit pa sa Aking kapangyarihan. Ang Aking mga paghatol ay pawang naibubunyag sa inyo: Kung nag-aalangan kayo sa Akin sa inyong isipan, liliwanagan kita, bilang isang babala. Kung hindi ka makinig, agad kitang iiwan (dito, hindi Ko tinutukoy ang pagdududa sa Aking pangalan, kundi ang mga panlabas na kagawiang may kaugnayan sa mahahalay na kaluguran). Kung ang iyong mga saloobin sa Akin ay mapanlaban, kung nagrereklamo ka sa Akin, kung paulit-ulit mong tinatanggap ang mga ideya ni Satanas, at kung hindi mo sinusunod ang mga damdamin ng buhay, ang iyong espiritu ay mapupunta sa kadiliman at ang iyong laman ay magdurusa ng sakit. Dapat na mas malapit ka sa Akin. Imposibleng maibalik mo ang iyong normal na kalagayan sa isa o dalawang araw lamang, at ang iyong buhay ay mahahalatang unti-unting babagsak. Yaon namang masasamang magsalita, didisiplinahin Ko ang inyong mga bibig at dila, at isasailalim Ko ang mga dila ninyo sa pakikitungo. Yaong mga hindi mapigil sa masasamang gawa ay Aking babalaan sa inyong mga espiritu, at yaong mga hindi nakikinig ay kakastiguhin Ko nang matindi. Yaong hayagang humahatol at lumalaban sa Akin, ibig sabihin yaong nagpapakita ng pagsuway sa salita o sa gawa, Akin silang aalisin at iiwan nang lubusan, dahilan upang mapahamak sila at mawalan ng mga pangunahing biyaya; ito ang mga tatanggalin pagkatapos mapili. Yaong mga mangmang, ibig sabihin yaong may mga pangitain na hindi malinaw, liliwanagan Ko pa sila at ililigtas; ngunit yaong nakakaintindi ng katotohanan subalit hindi isinasagawa ito ay pangangasiwaan alinsunod sa mga nasabing tuntunin, mangmang man sila o hindi. Samantalang yaong mga tao na ang mga intensyon ay mali na sa simula pa lamang, titiyakin Kong hindi nila kakayaning makaunawa ng realidad kailanman, at, kalaunan, sila ay aalisin nang unti-unti, isa-isa. Walang maiiwan, bagama’t mananatili sila ngayon sa pamamagitan ng Aking pagsasaayos (sapagkat hindi Ako gumagawa ng mga bagay nang padalos-dalos, ngunit manapa’y sa isang maayos na kayarian).

Ang Aking paghatol ay ibinubunyag nang lubusan; ipinahahatid ito sa iba’t ibang tao, na kinakailangang magsiluklok lahat sa kanilang tamang mga lugar. Pangangasiwaan at hahatulan Ko ang mga tao alinsunod sa kung aling tuntunin ang kanilang nilabag. Samantalang yaong wala sa ngalang ito at hindi tumatanggap kay Cristo ng mga huling araw, iisang tuntunin lamang ang inilalapat: Babawiin Ko agad ang mga espiritu, kaluluwa at katawan ng sinumang sumusuway sa Akin at itatapon sila sa Hades; ang sinumang hindi sumusuway sa Akin, hihintayin Ko kayong gumulang bago isagawa ang isang pangalawang paghatol. Ipinapaliwanag ng Aking mga salita ang lahat nang buong linaw at walang itinatago. Nais Ko lamang na palagi ninyong isaisip ang mga ito!

Sinundan: Kabanata 66

Sumunod: Kabanata 68

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito