Kabanata 69
Kapag humayo ang Aking kalooban, ang sinumang nangangahas na tumutol at sinumang nangangahas na humatol o magduda, kaagad Kong itataboy. Ngayon, ang sinumang hindi kumikilos ayon sa Aking kalooban, o sinumang pagkamalian ang Aking kalooban, ay dapat palayasin at alisin mula sa Aking kaharian. Wala nang iba pa sa Aking kaharian; mga anak Ko ang lahat—mga taong minamahal Ko at isinasaalang-alang Ako. Higit pa rito, sila ang mga kumikilos ayon sa Aking salita at kayang maghari sa kapangyarihan sa Aking kapakanan upang hatulan ang lahat ng bansa at lahat ng tao. Bukod dito, pangkat sila ng mga panganay na anak na mga inosente at masisigla, payak at bukas, at parehas na matapat at marunong. Nabibigyang-katuparan ang Aking kalooban sa inyo, at natutupad sa inyo ang nais Kong magawa, na walang pagkakamali, ganap na bukas at bunyag. Nasimulan Ko nang iwan ang mga may maling layunin at pakay, at isa-isa Ko silang pababagsakin. Wawasakin Ko sila isa-isa hanggang sa hindi na sila mabubuhay—at lahat ng ito ay tumutukoy sa kanilang mga espiritu, sa kanilang mga kaluluwa, at sa kanilang katawan.
Unawain na kung ano ang mga ginagawa ng Aking kamay—tinutulungan ang mahirap, inaalagaan at iniingatan ang mga nagmamahal sa Akin, inililigtas ang mga walang muwang at masigasig na hindi nanggagambala sa Aking pamamahala, pinarurusahan ang mga lumalaban sa Akin at ang mga hindi aktibong nakikipagtulungan sa Akin—isa-isang mapapatotohanan ang lahat ng ito ayon sa Aking mga pahayag. Ikaw ka ba talaga’y nagmamahal sa Akin? Ikaw ba’y matapat na gumugugol ng iyong sarili para sa Akin? Ikaw ba’y nakikinig sa Aking salita at kumikilos nang naaayon dito? Ikaw ba’y lumalaban sa Akin, o ikaw ba’y umaayon sa Akin? Sa kaibuturan mo, mayroon ka bang malinaw na ideya sa mga bagay na ito? Masasagot mo ba ang bawat isa sa mga bagay na Aking sinabi? Kung hindi, kung gayon ay isa kang taong masigasig na naghahanap ngunit hindi nauunawaan ang Aking kalooban. Ang ganitong uri ng tao ang pinakamadaling manggambala sa Aking pamamahala at pagkakamalian ang Aking kalooban. Kung magkaroon sila ng hindi wastong layunin kahit na sa isang saglit, mapapasailalim sila sa Aking pagpapalayas at pagwasak.
Sa loob Ko, mayroong mga walang katapusang hiwagang hindi maaarok. Isa-isa Kong ibubunyag ang mga ito sa mga tao, alinsunod sa Aking plano. Ibig sabihin, ibubunyag Ko ang mga ito sa Aking mga panganay na anak. Pahihintulutan Ko na lamang na sumabay sa agos ang mga di-mananampalataya at ang mga sumasalungat sa Akin; ngunit sa huli ay kailangan Kong ipaunawa sa kanila na Ako ang kamahalan at paghatol. Alam lamang ng mga di-mananampalataya ngayon kung ano ang nangyayari sa kanilang harapan, ngunit hindi nila alam ang Aking kalooban. Ang mga anak Ko lamang—ang mga taong minamahal Ko—ang nakaaalam at nakauunawa sa Aking kalooban. Hayagan Akong nabubunyag sa Aking mga anak; kay Satanas, Ako ang kamahalan at paghatol, at hinding-hindi natatago. Sa panahong ito, tanging ang mga panganay Kong anak ang karapat-dapat makaalam sa Aking kalooban; walang ibang nararapat—at nauna Ko nang isinaayos ang lahat ng ito bago ang paglikha. Maaga Kong isinaayos nang angkop kung sino ang pagpapalain at kung sino ang hahagupitin; naging malinaw Ako tungkol dito, at lubusan na itong maipamalas sa ngayon: Ang mga pinagpala ay nagsimula nang matamasa ang kanilang mga pagpapala, habang ang mga hinagupit ay nagsimula nang magdusa ng sakuna. Hahagupitin pa rin ang mga ayaw mahagupit, dahil ito ang itinalaga Ko at ito ang isinaayos ng Aking mga kamay ng mga atas administratibo. Anong uri ba talaga ng tao ang pinagpapala, at anong uri ng tao ang hinahagupit? Naibunyag Ko na ang mga bagay na ito; hindi ito isang hiwaga sa inyo, at sa halip ay lantad na ito: Ang mga tumatanggap sa Akin ngunit mayroong maling mga layunin; ang mga tumatanggap sa Akin ngunit hindi Ako hinahanap; ang mga nakakikilala sa Akin ngunit hindi sumusunod sa Akin; ang mga nakikisangkot sa mga kabuktutan at pagtataksil upang linlangin Ako; ang mga nagbabasa ng Aking mga salita ngunit nagbubuga ng mga negatibong bagay, at ang mga hindi kilala ang kanilang mga sarili, ang mga hindi alam kung ano sila, ang mga tumuturing sa sarili nilang dakila, at mga nag-aakalang naabot na nila ang tamang gulang (ang halimbawa ni Satanas)—lahat ng ganitong tao ang mga pakay ng paghagupit. Ang mga taong tinatanggap Ako at may mga layuning para sa Aking kapakanan (at, kung lilikha sila ng mga paggambala, hindi Ko aalalahanin ang kanilang mga pagsuway—ngunit tama dapat ang kanilang mga layunin, at palagi dapat silang mag-ingat, maingat, at hindi mahalay; at palagi dapat silang magtataglay ng kaloobang makinig sa Akin at sumunod sa Akin); ang mga dalisay; ang mga bukas; ang mga matapat; ang mga malaya sa kontrol ng anumang tao, bagay, o usapin; at ang mga mukhang bata ang anyo kahit nasa hustong pag-iisip na sa buhay—ang mga ito ang Aking minamahal, mga pakay ng Aking pagpapala. Ngayon, malalagay ang bawat isa sa inyo sa kanilang angkop na lugar ayon sa inyong kalagayan. Dagdag pa rito, malalaman mo kung ikaw ay pinagpapala o hinahagupit; hindi Ko na kailangang sabihin ito nang malinaw. Dapat magbunyi at magsaya ang mga pinagpala, samantalang hindi dapat mabagabag ang mga magdurusa ng paghagupit. Parehas silang isinaayos ng Aking kamay, ngunit hindi dapat Ako ang sisihin: Sa halip, ang sarili mong kakulangan ng aktibong pakikipagtulungan sa Akin, at ang iyong pagkabigong maunawaang Ako ang Diyos na sinisiyasat ang kaloob-loobang puso ng tao. Ito ang nauna Ko nang napagpasiyahan, at napinsala mo ang iyong sarili dahil sa sarili mong mga walang kuwentang pandaraya; ikaw ang gumawa nito sa iyong sarili! Ang magiging paghulog sa iyo sa Hades ay hindi pagmamaltrato sa iyo! Ito ang iyong katapusan; ito ang iyong kinalabasan!
Mga pinagpalang panganay na anak! Kaagad tumindig at magbunyi! Kaagad tumindig at magpuri! Mula ngayon, hindi na magkakaroon ng pait at wala nang pagdurusa; lahat ay nasa mga kamay natin. Ang sinumang may pag-iisip na kaisa ng sa Akin ay isang taong minamahal Ko, at hindi kailangang magdusa ng sakuna. Anumang nais ng puso mo, tutuparin Ko ito (ngunit hindi ito maaaring walang pagpipigil), ito ang gawain Ko.