Kabanata 60

Hindi isang madaling bagay ang paglago ng buhay; nangangailangan ito ng isang proseso, at higit pa rito, kinakailangan nito na makaya ninyong bayaran ang halaga, at na kayo ay makipagtulungan sa Akin nang kaisa sa puso at isipan at sa gayon kayo ay matanggap ang Aking pagsang-ayon. Ang langit at lupa at lahat ng bagay ay itinatatag at isinasakatuparan sa pamamagitan ng mga salitang Aking binibigkas, at sa Akin, walang imposible. Ang nais Ko lamang ay na mabilis kayong lumago, kunin ang pasanin mula sa Aking mga balikat at pasanin ito, at magtrabaho bilang kinatawan Ko; saka lamang Ako mabibigyang-kasiyahan ang Puso ko. Sinong anak ang hindi magsasabalikat ng mga pasanin para kanyang ama? Sinong ama ang hindi magpapagal gabi at araw para sa kanyang anak? Gayumpaman, sadyang hindi ninyo nauunawaan ang Aking mga layunin, at hindi ninyo isinasaalang-alang ang Aking mga pasanin; walang halaga sa inyo ang Aking mga salita, at hindi ninyo ginagawa ang Aking sinasabi; palaging kayo ang amo ng inyong sarili. Napakamakasarili! Gumagawa kayo ng mga plano para lamang sa inyong sarili!

Tunay bang nauunawaan mo ang Aking mga layunin o nagkukunwari ka lamang na hindi? Bakit lagi kang masyadong mapagpalayaw? Sa buong konsensiya, tama ba ang ginagawa mo sa Akin sa pagkilos mo sa ganitong paraan? Kapag natagpuan mo na ang sanhi ng pagkakasakit, bakit hindi ka nakikipagbahaginan sa Akin para sa lunas? Sasabihin Ko sa iyo: Mula sa araw na ito, hindi na kayo magkakaroon pa ng mga sakit ng katawan. Kung sakaling may bahagi sa inyo na hindi mabuti ang pakiramdam, sa anumang paraan, huwag kayong mag-abala sa paghahanap ng panlabas na dahilan; sa halip, lumapit kayo sa harap Ko at hanapin ang Aking mga layunin. Maaari bang tandaan ninyo ito? Ito ang Aking pangako: Mula sa araw na ito, kayo ay ganap na lalabas sa laman at papasok sa espirituwal na mundo; ibig sabihin, hindi na magbabata ang inyong katawan ng karamdaman. Masaya ba kayo riyan? Kayo ba’y nagagalak? Ito ang Aking pangako, at higit pa riyan, ito ang matagal na ninyong inaasam na matanggap. Ngayong araw, ito ay natutupad sa inyong mga pinagpalang nilalang. Lubhang kahanga-hanga at di-maarok!

Ang Aking gawain ay umuunlad araw at gabi; bawat sandali, hindi ito kailanman humihinto. Ito ay dahil ang madalian Kong ninanasa ay ang gawin kang isang taong alinsunod sa Aking mga layunin, at na ang Aking puso ay inyong maaliw sa lalong madaling panahon. Aking mga anak! Ang panahon ay dumating na para kayo ay magtamasa ng mga pagpapala ng kabutihan kasama Ko! Noong nakaraan, nagdusa kayo ng paghihirap at mga pagsubok para sa Aking pangalan, ngunit ngayon ang mga araw ng inyong pagsubok ay tapos na. Kung ang sinuman ay maglakas-loob na saktan ang isang buhok sa ulo ng Aking mga anak, tiyak na hindi Ko sila basta-bastang pakakawalan, hinding-hindi sila tutulutang silang bumangon muli. Ito ang Aking atas administratibo, at ang sinumang lumalabag dito ay magdurusa ng mga kawalan. Aking mga anak! Magdiwang hanggang sa ikasisiya ng inyong puso! Umawit hanggang sa ikasisiya ng inyong puso! Magsaya! Hindi na kayo pagmamalupitan at aapihin, at hindi na kayo magiging tampulan ng pang-uusig. Huwag nang manampalataya sa Akin sa paraang natatakot—gawin ito nang hayagan at sa publiko. Tawagin nang malakas ang Aking banal na pangalan, niyayanig ang buong sansinukob at ang mga dulo ng mundo. Hayaang makita nila na ang kanilang mga minaliit, ang ipinahamak at sinaktan nila, ay ngayon nangingibabaw sa kanila at namumuno sa kanila, namamahala sa kanila, at mas mahalaga, humahatol sa kanila.

Ang dapat lamang ninyong alalahanin ay ang inyong pagpasok, at pagkakalooban Ko kayo ng mas mabubuti pang pagpapala na naghihintay na inyong matamasa, at higit ninyong matitikman ang walang-kapantay na katamisan, walang-katapusang mga hiwaga, at higit pang di-maarok na kalaliman!

Sinundan: Kabanata 59

Sumunod: Kabanata 61

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito