Kabanata 16

Pagkatapos ng pagpapatotoo ng Anak ng tao, ibinunyag ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang sarili sa atin nang hayagan bilang ang Araw ng pagkamakatuwiran. Ito ang pagbabagong-anyo sa bundok! Ngayon ay lalong nagiging totoo ito, at mas makatotohanan. Nakita na natin ang paraan ng paggawa ng Banal na Espiritu, at ang Diyos Mismo ay nagkatawang-tao na. Siya ay hindi nakokontrol ng tao, ng kalawakan, ni ng mga kalupaan; nilalampasan Niya ang mga hangganan ng lupa at ng dagat, nakararating Siya sa mga kadulu-duluhan ng sansinukob at sa mga dulo ng mundo, at lahat ng bansa at bayan ay tahimik na nakikinig sa Kanyang tinig. Habang iminumulat natin ang ating espirituwal na mga mata, nakikita natin na ang salita ng Diyos ay nagmula sa Kanyang maluwalhating katawan; ito ay ang Diyos Mismo na nagkatawang-tao. Siya ang tunay at ganap na Diyos Mismo. Siya ay nagsasalita sa atin nang hayagan, Siya ay nakakaharap natin, pinapayuhan Niya tayo, kinakaawaan Niya tayo, hinihintay Niya tayo, pinapanatag Niya tayo, dinidisiplina Niya tayo, at hinahatulan Niya tayo. Inaakay Niya tayong hawak ang ating kamay, at ang Kanyang pagmamalasakit sa atin ay nagniningas gaya ng apoy sa loob Niya; taglay ang masigasig na puso, hinihimok Niya tayong gumising at pumasok sa Kanya. Ang Kanyang higit sa karaniwang buhay ay ibinigay sa ating lahat, at ang lahat ng pumapasok sa Kanya ay makakamit ang pagiging higit sa karaniwan at mapagtatagumpayan ang sanlibutan at ang lahat ng masasama, at mamumuno bilang mga hari kasama Niya. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang espiritwal na katawan ng Diyos. Kung itinatalaga Niya ito, kung gayon ay matutupad ito; kung sinasabi Niya ito, mangyayari ito, at kung iniuutos Niya ito, kung gayon ay mangyayari iyon. Siya ang nag-iisang tunay na Diyos! Si Satanas ay nasa ilalim ng Kanyang mga paa, sa walang-hanggang kalaliman. Ang sansinukob at ang lahat ng bagay ay nasa Kanyang mga kamay; ang panahon ay sumapit na, at ang lahat ay babalik sa kawalan at muling isisilang.

Sinundan: Kabanata 15

Sumunod: Kabanata 17

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito