Kabanata 17

Kasalukuyang itinatayo ang iglesia at sinusubukan ni Satanas ang buong makakaya nito upang gibain ito. Nais nitong gibain ang Aking pagtatayo sa anumang posibleng paraan; dahil dito, dapat na dalisayin kaagad ang iglesia. Wala ni katiting na mga latak ng kasamaan ang dapat matira; dapat dalisayin ang iglesia upang wala itong maging kapintasan at magpatuloy itong maging kasingdalisay ng dati. Dapat gising kayo at naghihintay sa lahat ng oras, at dapat kayong mas manalangin sa harapan Ko. Dapat ninyong makilala ang iba’t ibang balak at mga tusong pakana ni Satanas, makilala ang mga espiritu, makilala ang mga tao, at makayang makilatis ang lahat ng uri ng tao, pangyayari, at bagay; dapat ding mas kumain at uminom kayo ng Aking mga salita at, lalong mahalaga, dapat ninyong makayang kumain at uminom ng mga ito nang kayo lamang. Sangkapan ninyo ang inyong mga sarili ng lahat ng katotohanan, at lumapit sa Akin upang mabuksan Ko ang inyong espirituwal na mga mata at mapahintulutan kayong makita ang lahat ng hiwaga na nasa loob ng espiritu…. Kapag pumapasok ang iglesia sa yugto ng pagtatayo nito, ang mga banal ay nagmamartsa upang makidigma. Inilalagay sa harap ninyo ang iba’t ibang nakapangingilabot na katangian ni Satanas: Tumitigil ba kayo at umuurong, o tumatayo ba kayo at patuloy na lumalakad pasulong na umaasa sa Akin? Lubusan ninyong ilantad ang tiwali at pangit na mga katangian ni Satanas, kahit na may masaktang damdamin, at huwag kayong magpakita ng awa! Labanan mo si Satanas hanggang kamatayan! Ako ang iyong suporta, at dapat kang magkaroon ng espiritu ng batang lalaki! Nagwawala si Satanas sa kahuli-hulihang paghihingalo nito, pero hindi pa rin nito matatakasan ang Aking paghatol. Nasa ilalim ng Aking mga paa si Satanas at tinatapakan din ito ng inyong sariling mga paa—ito ay isang katunayan!

Lahat ng relihiyosong nanggagambala, at ang mga gumigiba sa pagtatayo ng iglesia, ay hindi mapakikitaan ng kahit katiting na pagpaparaya at sa halip ay kaagad silang hahatulan; si Satanas ay malalantad, yuyurakan, lubusang wawasakin, at maiiwan na walang matataguan. Tiyak na ibubunyag ng lahat ng uri ng mga demonyo at multo ang kanilang tunay na mga anyo sa harapan Ko, at itatapon Ko silang lahat sa walang-hanggang kalaliman kung saan hindi sila makalalaya kailanman; lahat sila ay magiging nasa ilalim ng ating mga paa. Kung gusto mong pagsumikapang gawin ang tama para sa katotohanan, una sa lahat, hindi mo dapat bigyan si Satanas ng anumang pagkakataon na gumawa—sa layuning ito, kailangan ninyong maging isa sa isipan at kayang maglingkod nang may koordinasyon, iwanan ang lahat ng sarili ninyong kuru-kuro, opinyon, pananaw at paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay, payapain ang puso ninyo sa loob Ko, magtuon sa tinig ng Banal na Espiritu, pagtuunan ng pansin ang gawain ng Banal na Espiritu, at danasin ang mga salita ng Diyos nang detalyado. Dapat kang magkaroon ng isang intensyon lamang, ang mangyari ang kalooban Ko. Wala ka dapat na iba pang intensyon bukod dito. Dapat kang tumingin sa Akin nang buong puso, masdang mabuti ang Aking mga pagkilos at ang paraan ng paggawa Ko ng mga bagay-bagay, at huwag maging pabaya sa anumang paraan. Dapat na matalas ang espiritu mo at bukas ang iyong mga mata. Karaniwan, pagdating sa mga hindi tama ang mga intensyon at layunin, pati na rin ang mga gustong nakikita ng iba, na mga sabik gumawa ng mga bagay-bagay, na mga malamang magdulot ng mga pagkagambala, na magagaling manalumpati ng mga relihiyosong doktrina, na mga kampon ni Satanas, at iba pa—kapag tumatayo ang mga taong ito, nagiging suliranin sila para sa iglesia, at napupunta sa wala ang pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos ng mga kapatid. Kapag nakatagpo kayo ng ganitong uri ng mga taong nagkukunwari, agad na pagbawalan sila. Kung, sa kabila ng paulit-ulit na mga pagpapaalaala, hindi sila nagbabago, daranas sila ng kawalan. Kung ang mga nagmamatigas na ipilit ang kanilang paraan ay magtatangkang ipagtanggol ang kanilang sarili at susubukang pagtakpan ang kanilang mga kasalanan, dapat silang agad na tanggalin ng iglesia at huwag bigyan ng lugar para magmaniobra. Huwag mawalan ng marami sa pagsisikap na magligtas ng kaunti; at ituon ang pansin sa kabuuan.

Ang iyong espirituwal na mga mata ay dapat na ngayong mabuksan, at makakilala ng ilang uri ng mga tao sa iglesia:

Anong uri ng mga tao ang may espirituwal na pang-unawa at nakakikilala sa espiritu?

Anong uri ng mga tao ang walang espirituwal na pang-unawa?

Anong uri ng mga tao ang may masamang espiritu?

Anong uri ng mga tao ang may gawain ni Satanas sa kanila?

Anong uri ng mga tao ang malamang na magdulot ng mga pagkagambala?

Anong uri ng mga tao ang may gawain ng Banal na Espiritu sa kanila?

Anong uri ng mga tao ang nagpapakita ng pagsasaalang-alang sa pasanin ng Diyos?

Anong uri ng mga tao ang magagawa ang kalooban Ko?

Sino ang Aking tapat na mga saksi?

Alamin na ang kaliwanagang idinudulot ng Banal na Espiritu sa mga iglesia ang pinakamataas na pangitain ngayon. Huwag kayong maguluhan tungkol sa mga bagay na ito; sa halip, maglaan kayo ng panahon upang lubusang maintindihan ang mga ito—lubhang napakahalaga nito para sa inyong pag-unlad sa buhay! Kung hindi ninyo nauunawaan ang mga bagay na ito na nasa harap mismo ng inyong mga mata, hindi ninyo makakayang tahakin ang landas pasulong; palagi kayong manganganib na matukso at mabihag, at maaari kayong lamunin. Ang pangunahing mga bagay na dapat ninyong gawin ngayon ay ang magtuon na magawang mapalapit sa Akin sa puso mo at higit pang makipag-usap sa Akin. Anumang kulang sa iyo o hinahanap mo ay pupunan sa iyo sa pamamagitan ng gayong pagiging malapit at pakikipag-usap sa Akin. Tiyak na paglalaanan ang buhay mo, at magkakaroon ka ng bagong kaliwanagan. Hindi Ko kailanman tinitingnan kung gaano ka kamangmang dati, ni inaalala ang inyong mga nakaraang paglabag. Tinitingnan Ko kung paano mo Ako minamahal: Kaya mo ba Akong mahalin nang higit sa anupaman? Tinitingnan Ko kung kaya mo o hindi na manumbalik at umasa sa Akin para iwaksi ang iyong kamangmangan. Ang ilang tao ay sumasalungat sa Akin, hayagang lumalaban sa Akin, at hinuhusgahan ang iba; hindi nila nalalaman ang Aking mga salita, at lalong malamang na hindi rin nila matagpuan ang Aking mukha. Lahat ng nasa harapan Ko na taimtim na naghahanap sa Akin, na may mga pusong nagugutom at nauuhaw sa katuwiran—liliwanagan Kita, maghahayag Ako sa iyo, tutulutan Kitang makita Ako ng iyong sariling mga mata at maunawaan ang Aking kalooban nang personal; tiyak na ihahayag sa iyo ang Aking puso, upang maunawaan mo. Dapat mong isagawa ang nililiwanagan Ko sa loob mo ayon sa Aking mga salita; kung hindi, ikaw ay hahatulan. Sundin mo ang kalooban Ko, at hindi ka maliligaw.

Para sa lahat ng naghahangad na makapasok sa Aking mga salita, dobleng biyaya at mga pagpapala ang mapapasakanila, magkakamit sila ng bagong kaliwanagan at mga kaunawaan sa bawa’t araw, at lalo silang magiginhawahan sa pagkain at pag-inom ng Aking mga salita sa araw-araw. Matitikman nila ito sa kanilang sariling bibig: Napakatamis nito! … Dapat kang maging maingat, at huwag makuntento kapag nagkamit ka na ng kaunting kaunawaan at nakatikim ng katamisan; ang susi ay ang magpatuloy sa paghahanap! Iniisip ng ilang tao na ang gawain ng Banal na Espiritu ay totoong kamangha-mangha at tunay—ito nga talaga ang persona ng Makapangyarihang Diyos na hayagang ibinubunyag, at mas malalaki pang mga tanda at kababalaghan ang nasa hinaharap. Maging maingat ka at gising sa lahat ng oras, panatilihin mong nakatuon ang iyong paningin sa pinagmulan, manahimik ka sa Aking harapan, mag-ingat at makinig nang mabuti, at maging tiyak tungkol sa Aking mga salita. Hindi maaaring may kalabuan; kung may anumang pag-aalinlangan, ikinalulungkot Kong sabihin na ipatatapon ka sa labas ng pintuan. Magkaroon ka ng malilinaw na pangitain, tumayo sa matibay na saligan, sundan itong agos ng buhay, at sundang mabuti saanman ito dumaloy; talagang hindi ka dapat magkaroon ng anumang pag-aatubili ng tao. Kumain, uminom at magbigay-papuri ka lamang; maghanap nang may dalisay na puso, at huwag sumuko kailanman. Dalhin mo ang anumang hindi mo maunawaan sa harapan Ko nang madalas, at tiyakin mong huwag magkaroon ng anumang alinlangan, upang maiwasan mong dumanas ng matitinding kawalan. Sumabay ka! Sumabay ka! Huwag kang lalayo! Itapon mo ang mga humahadlang sa iyo, at huwag kang maging talipandas. Humayo ka at buong pusong magtaguyod, at huwag umurong. Dapat mong ihandog ang iyong puso sa lahat ng oras at kailanma’y huwag pumalya kahit na minsan. Ang Banal na Espiritu ay palaging mayroong bagong gawain, gumagawa ng mga bagong bagay sa bawa’t araw, at may mga bago ring kaliwanagan sa bawa’t araw; ang pagbabagong-anyo sa bundok, ang banal na espirituwal na katawan ng Diyos ay nagpakita na! Ang Araw ng katuwiran ay patuloy na nagbibigay ng liwanag at nagniningning; nakita na ng lahat ng bansa at lahat ng bayan ang Iyong maluwalhating mukha. Magniningning ang Aking liwanag sa lahat ng lumalapit sa harapan Ko. Ang Aking mga salita ay liwanag, na umaakay sa iyo pasulong. Hindi kayo babaling sa kaliwa o sa kanan habang kayo ay naglalakad, kundi lalakad sa loob ng Aking liwanag, at ang inyong pagtakbo ay hindi magiging walang-bungang pagpapagal. Dapat ninyong malinaw na makita ang gawain ng Banal na Espiritu; ang Aking kalooban ay naroon sa loob nito. Nakakubli ang lahat ng hiwaga, nguni’t unti-unting ibubunyag sa iyo ang mga ito. Isaisip mo ang Aking mga salita sa lahat ng oras, at lumapit ka sa harapan Ko upang higit na makipag-usap sa Akin. Sumusulong ang gawain ng Banal na Espiritu. Lumakad ka sa Aking mga yapak; naghihintay ang malalaking kababalaghan, at ibubunyag ang mga ito sa iyo nang isa-isa. Yaon lamang mga nag-iingat, mga naghihintay, at mga gising ang makakakita sa mga ito. Tiyaking huwag magpabaya. Ang plano ng pamamahala ng Diyos ay papalapit na sa huling yugto nito; magtatagumpay ang pagtatayo ng iglesia, ang bilang ng mga matagumpay ay itinakda na, magkakaroon ng matagumpay na batang lalaki, at papasok sila sa kaharian kasama Ko, maghahari kasama Ko, pamumunuan ang lahat ng bansa gamit ang tungkod na bakal, at magsasama-sama sa kaluwalhatian!

Sinundan: Kabanata 16

Sumunod: Kabanata 18

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito