536  Dapat Parusahan ang mga Taong Nagpapagalit sa Disposisyon ng Diyos

I

Hindi nakikibahagi ang Diyos sa pulitika ng tao, ngunit kinokontrol Niya ang kapalaran ng bawat bansa at nasyon, kinokontrol Niya ang mundong ito at ang buong sansinukob. Ang kapalaran ng sangkatauhan at ang plano ng Diyos ay malapit na magkaugnay, at walang tao, bansa o nasyon ang makakatakas sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Kung ang tao ay nais na malaman ang kanyang kapalaran, dapat siyang lumapit sa Diyos. Pasasaganain ng Diyos ang mga sumusunod at sumasamba sa Kanya at Siya ay magdudulot ng pagdausdos at pagkalipol sa mga lumalaban at tumatanggi sa Kanya.

II

Gunitain ang eksena sa Bibliya nang winasak ng Diyos ang Sodoma at isipin din kung paano naging haligi ng asin ang asawa ni Lot. Gunitain kung paano nagsisi at nagtapat ng kanilang mga kasalanan ang mga tao ng Ninive na suot ang tela ng sako at nang may abo. Gunitain kung ano ang kinalabasan ng mga Hudyo matapos nilang ipako si Jesus sa krus 2,000 taon na ang nakakaraan—sila'y pinatalsik sa Israel at tumakas papunta sa iba't ibang bansa, marami ang pinatay, at ang buong nasyon ng Hudyo ay binalot ng walang-kapantay na pasakit ng pagkalipol ng bansa nila.

III

Ipinako nila ang Diyos sa krus—gumawa ng isang karumal-dumal na kasalanan—at ginalit ang disposisyon ng Diyos. Sila ay pinagbayad sa kanilang ginawa, ipinatiis sa kanila ang lahat ng kinahinatnan ng kanilang mga pagkilos. Kinondena nila ang Diyos, itinakwil ang Diyos, at kaya naman iisa lamang ang kanilang naging kapalaran: ang maparusahan ng Diyos. Ito ang mapait na kinahinatnan at kapahamakan na dinulot ng kanilang mga pinuno sa kanilang bayan at bansa.

mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang May Kataas-taasang Kapangyarihan sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan

Sinundan: 535  Magbigay-pansin sa Kapalaran ng Sangkatauhan

Sumunod: 537  Walang Kapangyarihan ang Makakapigil sa Nais ng Diyos na Makamit

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito