284 Paano Nagsisimula ang Pasakit ng Sangkatauhan?
I
Dahil hindi nakikilala ng mga tao ang pamamatnugot at ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, palagi nilang hinaharap ang kapalaran nang may pagsuway at mapanghimagsik na saloobin, at palaging nais iwaksi ang awtoridad at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at ang mga bagay na inilaan ng kapalaran, umaasa nang walang-saysay na mababago ang kanilang kasalukuyang mga kalagayan at mag-iba ang kanilang kapalaran. Subalit hindi sila kailanman magtatagumpay at nahahadlangan sila sa bawat liko. Ang pakikibakang ito na nagaganap sa kaibuturan ng sariling kaluluwa ay nagdudulot ng matinding kirot na tila tagos hanggang buto habang unti-unti niyang inaaksaya ang kanyang buhay.
II
Ano ang sanhi ng kirot na ito? Sanhi ito ng mga landas na tinatahak ng mga tao, at ng mga paraan na pinipili nilang isabuhay ang kanilang buhay. Maaaring hindi pa napagtanto ng ilang tao ang mga bagay na ito. Subalit kapag tunay mong nalalaman, kapag tunay mong nakikilala na ang Diyos ay may kataas-taasang kapangyarihan sa kapalaran ng tao, kapag tunay mong nauunawaan na ang lahat ng kataas-tasaang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos para sa iyo ay isang malaking benepisyo at proteksyon, kung gayon unti-unting mapapawi ang iyong kirot, at ang buong pagkatao mo ay magiging magaan, malaya, at pinalaya.
III
Ang trahedya ng tao ay hindi sa hinahanap niya ang maligayang buhay, hindi sa hinahangad niya ang kasikatan at kayamanan o sa nakikipagsagupa siya sa sarili niyang kapalaran sa gitna ng hamog, kundi pagkatapos niyang makita ang pag-iral ng Lumikha, matapos niyang matutuhan ang katotohanan na ang Lumikha ang may kataas-taasang kapangyarihan sa kapalaran ng tao, hindi pa rin niya maituwid ang kanyang landas, hindi maiahon ang sarili mula sa putik, ngunit pinatitigas ang kanyang puso at nagpupumilit sa kanyang mga pagkakamali. Mas nanaisin pa niyang patuloy na makibaka sa putikan, matigas ang ulong nakikipagpaligsahan sa kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha, nilalabanan ito hanggang sa mapait na katapusan, nang wala ni katiting na pagsisisi. Magpapasya lamang siyang sumuko at bumalik kapag siya ay nakahiga na nang wasak at nagdurugo. Ito ang tunay na pighati ng tao. Kaya sinasabi ng Diyos, ang mga pumipili na magpasakop ay matatalino, at ang mga pumipiling makibaka at kumawala ay hangal.
mula sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III