Kabanata 73

Ang Aking mga salita ay kaagad na natutupad matapos Kong sabihin ang mga ito; ang mga ito ay hindi nagbabago kailanman at lubos na tama. Tandaan ito! Dapat ninyong maingat na isaalang-alang ang bawat salita at parirala mula sa Aking bibig. Maging higit na maingat, kung hindi ay magdurusa kayo ng kawalan at tatanggap lamang ng Aking paghatol, ng Aking poot, at ng Aking pagsunog. Kumikilos ngayon nang napakabilis ang Aking gawain, bagamat hindi ito magaspang; maselan itong pinino na hindi na ito nakikita ng mga mata, at hindi mahihipo ng mga kamay ng tao. Natatangi ang pagiging maselan nito. Hindi Ako kailanman bumigkas ng mga salitang walang saysay; lahat ng Aking sinasabi ay totoo. Dapat mong paniwalaan na ang bawat salita Ko ay totoo at tumpak. Huwag maging pabaya; ito ay isang napakahalagang sandali! Ang pagtatamo mo ng pagpapala o kasawian ay nakasalalay sa mismong sandaling ito, at ang pagkakaiba ay gaya ng langit at lupa. Kung pupunta ka man sa langit o sa Hades ay ganap na nasa Aking kontrol. Ang mga pupunta sa Hades ay nakikibaka sa kanilang huling naghihingalong pakikipagtunggali, samantalang ang mga pupunta sa langit ay dumaranas ng kanilang huling sandali ng pagdurusa at gumugugol para sa Akin sa huling pagkakataon. Sa hinaharap, ang lahat ng gagawin nila ay para magtamasa at magpuri, nang wala ang lahat ng walang kabuluhang bagay na gumugulo sa mga tao (pag-aasawa, trabaho, nakaliligalig na kayamanan, katayuan, at iba pa). Gayunman, para sa kanila na pupunta sa Hades, ang kanilang pagdurusa ay magpakailanman (tumutukoy ito sa kanilang mga espiritu, kaluluwa, at katawan); hindi sila kailanman makakatakas mula sa kaparusahan ng Aking kamay. Ang dalawang panig na ito ay hindi magkaayon tulad ng apoy at tubig. Hindi talaga maaaring pagsamahin ang mga ito: Ang mga nagdurusa ng kasawian ay mananatiling magdurusa ng kasawian, habang ang mga pinagpala ay magtatamasa hangga’t nais ng puso nila.

Lahat ng kaganapan at mga bagay ay kontrolado Ko, hindi man nabanggit ngunit lalo na, kayo—ang Aking mga anak, ang Aking mga iniibig—ay Aking pag-aari. Kayo ang resulta ng Aking anim na libong taon na plano ng pamamahala; kayo ang Aking mga kayamanan. Lahat ng Aking mga minamahal ay kalugud-lugod sa Aking paningin, sapagkat ipinamamalas nila Ako; lahat ng Aking kinamumuhian ay Aking kinasusuklaman kahit hindi Ko sila tinitingnan, dahil sila ay mga inapo ni Satanas at pag-aari ni Satanas. Ngayong araw, dapat suriin ng bawat isa ang kanilang mga sarili: Kung ang iyong mga layunin ay tama, at tunay mo Akong minamahal, kung gayon ay tiyak na ikaw ay Aking mamahalin. Dapat mo Akong mahalin nang totoo, at huwag mo Akong dayain! Ako ang Diyos na nagsusuri sa kaloob-looban ng mga puso ng mga tao! Kung ang iyong mga layunin ay mali, at malamig at hindi ka tapat sa Akin, kung gayon ay tiyak na kamumuhian kita; hindi kita pinili o itinalaga. Maghintay ka lamang na mapunta sa impiyerno! Maaaring hindi makita ng ibang mga tao ang mga bagay na ito, ngunit ikaw lamang at Ako, ang Diyos na tumitingin nang malalim sa mga puso ng mga tao, ang nakakaalam ng mga ito. Mabubunyag ang mga ito sa isang tiyak na panahon. Ang tapat ay hindi kailangang mabahala at ang hindi tapat ay hindi kailangang matakot. Lahat ng ito ay bahagi ng Aking mga matalinong pagsasaayos.

Ang kasalukuyang gawain ay madalian at mahirap, at hinihingi nito sa inyo na gumugol sa Akin sa huling pagkakataon upang tapusin ang huling gawaing ito. Ang Aking mga hinihingi kung tutuusin ay hindi napabigat: Kailangan Ko lamang na magawa ninyong makipag-ugnayan sa Akin nang maayos, bigyang-kasiyahan Ako sa lahat ng bagay, at sundin ang Aking paggabay na ibinibigay Ko sa iyo mula sa loob. Huwag maging bulag; magkaroon ng mithiin, at damahin ang Aking mga layunin mula sa lahat ng aspeto at sa lahat ng bagay. Ito ay dahil hindi na Ako isang natatagong Diyos sa inyo, at dapat na maging napakalinaw sa inyo ang tungkol dito para maunawaan ang Aking mga layunin. Sa loob ng napakaikling panahon, hindi lamang kayo makakatagpo ng mga dayuhan na naghahanap sa tunay na daan, ngunit ang mas mahalaga pa ay dapat kayong magkaroon ng kakayahang akayin sila. Iyan ang Aking madaliang layunin; hindi maaari na hindi ninyo ito makikita. Gayunpaman, dapat kayong maniwala sa Aking walang hanggang kapangyarihan. Hangga’t ang mga tao ay tama, tiyak na sasanayin Ko silang maging mabubuting kawal. Ang lahat ng bagay ay angkop Ko nang isinaayos. Dapat ninyong hangaring magdusa para sa Akin. Ito ang napakahalagang sandali. Huwag itong palampasin! Hindi Ko pagtutuunan ang mga bagay-bagay na ginawa ninyo noon. Dapat kayong malimit na manalangin at magsumamo sa harap Ko; ipagkakaloob Ko ang sapat na biyaya sa iyo para matamasa at magamit mo. Ang biyaya at mga pagpapala ay hindi magkapareho. Ang inyong tinatamasa ngayon ay ang Aking biyaya, at sa Aking mga mata, hindi ito karapat-dapat na mabanggit, samantalang ang mga pagpapala ay ang inyong tatamasahin nang walang-hanggan sa hinaharap. Ang mga iyon ay mga pagpapalang hindi pa nangyayari sa mga tao, at hindi nila kayang mailarawan sa kanilang isip. Ito ang dahilan kaya sinasabi Ko na kayo ay pinagpala, at ang mga pagpapalang ito ay hindi natatamasa ng tao simula pa noong paglikha.

Ibinunyag Ko na ang Aking lahat-lahat sa inyo. Umaasa lamang Ako na isasaalang-alang ninyo ang Aking puso, itutuon ang inyong mga iniisip sa Akin sa lahat ng ginagawa ninyo, at isasaalang-alang ninyo Ako sa lahat ng bagay, at ang palagi Kong nakikita ay ang inyong nakangiting mga mukha. Mula ngayon, ang mga nagkakamit ng katayuan ng panganay na anak ay ang mga taong mamumuno bilang mga hari na kasama Ko. Hindi sila tatakutin ng sinumang kapatid, at hindi Ko sila itutuwid o iwawasto, sapagkat ito ang prinsipyo Ko sa pagkilos: Ang mga nasa pangkat ng panganay na mga anak ay ang mga taong minaliit at tinakot ng iba at nagdusa ng lahat ng pagbabago ng kalagayan sa buhay. (Sila ay iwinasto at binali Ko na nang maaga, at nauna Ko na ring ginawang ganap.) Nauna nang tinamasa ng mga taong ito kasama Ko ang mga pagpapalang dapat nilang tanggapin. Ako ay matuwid, at hindi kailanman kumikiling sa kaninuman.

Sinundan: Kabanata 72

Sumunod: Kabanata 74

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito