Kabanata 76

Ang Aking mga pagbigkas ay pawang pagpapahayag ng Aking kalooban. Sino ang maaaring maging maalalahanin sa Aking pasanin? Sino ang makakaunawa sa Aking layunin? Naisaalang-alang ba ninyo ang bawat isa sa mga katanungang itinanong Ko sa inyo? Napakapabaya ninyo! Nangangahas kayong gambalain ang Aking mga plano? Hindi kayo makontrol! Kung magpapatuloy pa ang gayong gawain ng masasamang espiritu, itatapon Ko sila kaagad sa kamatayan sa walang-hanggang hukay! Matagal Ko nang nakitang malinaw ang sari-saring mga gawa ng masasamang espiritu. At ang mga taong ginamit ng mga masasamang espiritu (ang mga may maling intensyon, ang mga nag-iimbot sa laman o kayamanan, ang mga nagtataas sa kanilang mga sarili, ang mga nanggagambala sa iglesia, atbp.) ay nakita Ko na ring isa-isa. Huwag mong ipalagay na ang lahat ay tapos na sa sandaling napalayas na ang masasamang espiritu. Hayaan mong sabihin Ko sa iyo! Mula ngayon, isa-isa Kong aalisin ang mga taong ito at hindi na sila kailanman gagamitin! Ibig sabihin niyan, sinumang taong nagawang tiwali ng masasamang espiritu ay hindi Ko gagamitin, at palalayasin! Huwag isiping wala Akong pakiramdam! Alamin ito! Ako ang banal na Diyos, at hindi Ako mananahan sa isang maruming templo! Ginagamit Ko lamang ang matatapat at marurunong na tao, na ganap na tapat sa Akin at maaaring maging maalalahanin sa Aking pasanin. Ito ay dahil Aking nauna nang itinalaga ang gayong mga tao, at lubos na walang masasamang espiritu ang gumagawa sa kanila. Hayaan mong linawin Ko ang isang bagay: Mula ngayon, lahat ng walang gawain ng Banal na Espiritu ay may gawain ng masasamang espiritu. Hayaan mong ulit-ulitin Ko: Hindi Ko gusto ang kahit isang tao na may mga masasamang espiritu na gumagawa sa kanya. Silang lahat ay ihuhulog sa Hades kasama ng kanilang laman!

Medyo naging maluwag ang mga kinakailangan Ko sa inyo sa nakalipas, at kayo ay nagpakasama pagdating sa laman. Mula sa araw na ito, hindi Ko kayo hahayaang magpatuloy nang ganito. Kung ang inyong mga salita at mga kilos ay hindi nahahayag sa Akin sa lahat ng paraan, o kung ang mga iyon ay naiiba kahit bahagya man lamang sa Aking wangis, kung gayon, tiyak na hindi Ko kayo basta-basta palalampasin. Dahil kung hindi, kayo ay palaging magtatawanan at magbibiruan, tatawa hangga’t kaya ninyo, nang walang anumang pagpipigil. Kapag ikaw ay nagkakamali, hindi mo ba nararamdaman na iniwan kita? Yamang nalalaman mo naman, bakit nagpapakasama ka pa rin? Hinihintay mo pa ba ang pagkanti ng Aking kamay ng paghatol? Mula ngayon, agad Kong parurusahan ang sinumang hindi kaayon ng Aking hangarin nang kahit isang saglit. Kung kayo ay paupu-upo at magkakasamang nagtsitsismisan, kung gayon ay iiwan kita. Huwag magsasalita kung hindi ka nagbibigay ng espirituwal na panustos. Sinasabi Ko ito hindi para pigilan kayo, kundi ibig Kong sabihin ay dahil narating na ng Aking gawain ang yugtong kinalalagyan nito sa ngayon, magpapatuloy Ako nang naaayon sa Aking plano. Kung kayo ay magkakasamang nakaupo at nag-uusap-usap tungkol sa mga espirituwal na bagay sa buhay, tiyak na sasamahan Ko kayo. Hindi ko pakikitunguhan nang hindi patas ang sinuman sa inyo. Kung ibinubuka mo ang iyong bibig, ipagkakaloob Ko sa iyo ang angkop na mga salita. Dapat mong unawain ang Aking puso mula sa Aking mga salita. Hindi Ko sinasabing magkunwari kayong pipi, ni hindi Ko sinasabi sa inyo na makisangkot sa mga walang-saysay na usapan.

Bakit palagi Kong sinasabi na wala nang gaanong panahong natitira, at ang Aking araw ay hindi dapat maantala? Napag-isipan na ba ninyong mabuti ang tungkol dito? Tunay ba ninyong nauunawaan ang kahulugan ng Aking mga salita? Ibig sabihin, gumagawa na Ako simula pa noong nag-umpisa Akong magsalita. Bawat isa sa inyo ay naging layon ng Aking gawain. Hindi isang partikular na tao lamang; at higit pa rito, hindi ang sinumang iba pa. Nag-aalala lamang kayo tungkol sa hindi pagtatamasa ng mga pagpapala, ngunit hindi ninyo pinag-iisipan ang inyong mga buhay. Napakahangal ninyo! Kaawa-awa kayo! Hindi man lamang ninyo inaalala ang Aking pasanin!

Lahat ng Aking matiyagang pagsisikap at ang halagang Aking binayaran ay para sa inyong kapakanan. Kung hindi ninyo inaalala ang Aking pasanin, kung gayon ay hindi ninyo naabot ang Aking inaasahan sa inyo. Lahat ng bansa ay naghihintay para inyong pamahalaan, at lahat ng tao ay naghihintay para inyong pamunuan. Naipasa Ko na ang lahat sa inyong mga kamay. Ngayon, ang mga nasa kapangyarihan ay nagsimula nang lahat na bumaba at magsipagbagsakan, at naghihintay na lamang na dumating ang Aking paghatol sa kanila. Tingnan nang malinaw! Ang mundo ngayon ay nasa pagkawasak, samantalang ang Aking kaharian ay matagumpay na naitayo. Ang Aking mga anak ay lumitaw na at ang Aking mga panganay na anak ay naghaharing kasama Ko bilang mga hari, namumuno sa iba’t ibang mga bansa at tao. Huwag isiping ito ay isang malabong bagay; ito ang payak na katotohanan. Hindi ba? Sa sandaling manalangin kayo at magsumamo sa Akin, kikilos Ako kaagad at parurusahan ang mga umuusig sa inyo, haharapin ang mga gumagambala sa inyo, wawasakin ang mga kinapopootan ninyo, at pamamahalaan ang mga tao, kaganapan, at bagay na iyon na nagsisilbi sa inyo. Nasabi Ko na ito nang maraming ulit: hindi Ko dadalhin ang kaligtasan sa sinumang gumagawa ng serbisyo para kay Cristo (ibig sabihin, sinumang nagbibigay ng serbisyo para sa Aking Anak). Ang paggawa ng serbisyo para sa Aking Anak ay hindi nangangahulugang mabubuting tao sila; ito ay lubusang bunga ng Aking dakilang kapangyarihan at mga kamangha-manghang gawa. Huwag mag-ukol ng napakalaking pagpapahalaga sa sangkatauhan. Ang gayong mga tao ay tiyak na walang gawain ng Banal na Espiritu at hindi man lamang nakakaunawa ng mga espirituwal na bagay. Mawawalan na sila ng silbi kapag natapos na Ako sa kanila. Tandaan ito! Ito ang Aking pagpapatibay sa inyo. Huwag maligaw sa pagkakaunawa, malinaw ba?

Pakaunti nang pakaunti ang mga tao, ngunit ang mga kasapi ay nadadalisay nang nadadalisay. Ito ang Aking gawain, ang Aking plano ng pamamahala, at higit pa rito, ang Aking karunungan at Aking pagkamakapangyarihan-sa-lahat. Ito ang koordinasyon ng Aking normal na pagkatao at ng Aking ganap na pagka-Diyos. Nakikita ba ninyo ito nang malinaw? Mayroon ba kayong anumang tunay na pagkaunawa tungkol sa puntong ito? Isa-isa Kong tutuparin, sa pamamagitan ng Aking pagka-Diyos, ang lahat ng nasabi Ko mula sa Aking normal na pagkatao. Ito ang dahilan kung bakit paulit-ulit Kong sinasabi na kung ano ang Aking sinasabi ay mangyayari nang walang anumang kalabuan; bagkus, lahat ito ay magiging napakalinaw at kitang-kita. Lahat ng Aking sinasabi ay matutupad, at tiyak na hindi gagawin nang walang-ingat. Hindi Ako nagsasalita ng mga walang-lamang salita at hindi Ako nagkakamali. Sinumang nangangahas na sukatin Ako ay hahatulan, at tiyak na hindi makakatakas sa palad ng Aking kamay. Sa sandaling ang Aking mga salita ay nasambit, sino ang nangangahas na lumaban? Sino ang nangangahas na utuin Ako o magtago ng anuman mula sa Akin? Nasabi Ko na ito dati: Ako ay isang matalinong Diyos. Ginagamit Ko ang Aking normal na pagkatao upang ibunyag ang lahat ng tao at ang maka-satanas na pag-uugali, ilantad ang mga may maling mga layunin, ang mga kumikilos sa isang paraan kapag kaharap ang iba at sa ibang paraan naman kapag nakatalikod sila, ang mga lumalaban sa Akin, ang mga hindi tapat sa Akin, ang mga mapag-imbot sa pera, ang mga hindi maalalahanin sa Aking pasanin, ang mga gumagawa ng pandaraya at kabuktutan kasama ng kanilang mga kapatid, ang mga magagaling magsalita para magbunyi ang mga tao, at ang mga hindi kayang makipag-ugnayan sa kanilang mga kapatid nang may iisang puso at isipan. Dahil sa Aking normal na pagkatao, napakaraming tao ang palihim na lumalaban sa Akin at gumagawa ng pandaraya at kalikuan, nag-aakalang hindi ito nalalaman ng Aking normal na pagkatao. At napakaraming tao ang nag-uukol ng espesyal na atensyon sa Aking normal na pagkatao, nagbibigay sa Akin ng mga mabubuting bagay na kakainin at iinumin, nagsisilbi sa Akin na parang mga alila, at sinasabi sa Akin kung ano ang laman ng kanilang mga puso, habang kumikilos nang lubos na naiiba sa Aking likuran. Mga bulag na tao! Hindi ninyo Ako gaanong nakikilala—ang Diyos na tumitingin sa kaibuturan ng puso ng tao. Hindi mo pa rin Ako kilala hanggang ngayon; iniisip mo pa rin na hindi Ko nalalaman kung ano ang ginagawa mo. Magbalik-tanaw ka: Ilang mga tao ang nagpakasira sa kanilang mga sarili dahil sa Aking normal na pagkatao? Gising! Huwag mo na Akong dayain pa. Dapat mong ilagay ang lahat ng iyong asal at pag-uugali, ang bawat salita mo at gawa sa harapan Ko, at tanggapin ang Aking masusing pagsisiyasat dito.

Sinundan: Kabanata 75

Sumunod: Kabanata 77

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito