Kabanata 75

Lahat ay matutupad sa sandaling sinasambit ang Aking mga salita, nang wala ni katiting na paglihis. Mula ngayon, lahat ng natatagong mga hiwaga ay hindi makukubli o matatago man lamang, at mahahayag sa inyo—mahal Kong mga anak. Ipapakita Ko sa iyo ang higit pang dakilang mga tanda at kababalaghan sa Akin, at higit pang dakilang mga hiwaga. Tiyak na ang mga bagay na ito ay gugulat sa inyo at bibigyan kayo ng higit na pagkaunawa sa Akin, ang Diyos na makapangyarihan sa lahat, at tutulutan kayong pahalagahan ang Aking karunungang nakapaloob doon. Ngayon ay nahaharap kayo sa nag-iisang totoong Diyos na hindi pa nakita ng mga tao kailanman simula noong paglikha, at walang espesyal tungkol sa Akin. Kumakain, nabubuhay, nagsasalita, at nakikipagtawanan Ako sa inyo, at lagi Akong nabubuhay sa inyong kalooban, samantalang kasabay nito ay gumagalaw rin kasama ninyo. Para sa mga hindi naniniwala o may sarili nilang matitinding kuru-kuro, ito ay isang hadlang. Ito ang Aking karunungan. Ibubunyag Ko rin ang ilang tao sa mga bagay-bagay na hindi alam ng Aking normal na pagkatao, ngunit hindi ito nangangahulugan na hindi Ako ang Diyos Mismo. Bagkus, sapat na ang puntong ito upang patunayan na Ako ang Diyos na makapangyarihan sa lahat. Para sa mga taong naniniwala, ang puntong ito ay may tiyak na epekto, at dahil lamang sa puntong ito ay may isandaang porsiyentong katiyakan sila sa Akin. Huwag kayong masyadong mabahala; isa-isa Kong ibubunyag sa inyo ang mga bagay-bagay.

Para sa inyo, Ako ay lantad at hindi nakatago. Gayunman, para sa mga hindi mananampalataya—yaong mga taksil, na nagawang tiwali ni Satanas sa isang tiyak na antas—mananatili Akong nakatago. Gayunman, nang magsalita Ako noong una tungkol sa paghahayag ng Aking sarili sa lahat ng tao, ang tinutukoy Ko noon ay ang Aking katuwiran, paghatol, at pagiging maharlika, upang malaman nila mula sa kinahihinatnan nila na Ako ang namamahala sa sansinukob at sa lahat ng bagay. Kumilos nang may katapangan! Itaas lamang ang inyong ulo! Huwag kayong matakot: Narito Ako—ang inyong Ama—para suportahan kayo, at hindi kayo magdurusa. Hangga’t madalas kayong nagdarasal at lumuluhod sa Aking harapan, pagkakalooban Ko kayo ng buong pananampalataya. Yaong mga nasa kapangyarihan ay maaaring mukhang masama sa tingin, ngunit huwag kayong matakot, sapagkat ito ay dahil maliit ang inyong pananampalataya. Hangga’t lumalago ang inyong pananampalataya, walang magiging napakahirap. Magalak at tumalon hangga’t gusto ninyo! Lahat ay nasa ilalim ng inyong mga paa at hawak Ko. Hindi ba ipinapasya ang katuparan o pagkawasak sa isang salita Ko lamang?

Yaong mga ginagamit Ko ngayon ay matagal Ko nang sinang-ayunang lahat, nang paisa-isa. Ibig sabihin, yaong mga taong nasa grupo ng mga panganay na anak ay natukoy na, at natukoy na simula noong likhain Ko ang mundo. Walang sinumang makakapagbago nito, at lahat ay dapat nasa pamumuno Ko. Walang taong makakagawa nito; lahat ng ito ay mga pagsasaayos Ko. Sa Akin, lahat ay magiging matatag at ligtas; sa Akin, lahat ay gagawin nang angkop at wasto, nang wala ni katiting na hirap. Nagsasalita Ako at ito ay itinatakda; nagsasalita Ako at ito ay natatapos. Sa magulong sitwasyon ng daigdig, bakit hindi pa kayo nagmamadaling simulan ang inyong pagsasanay? Hanggang kailan kayo maghihintay? Maghihintay ba kayo hanggang sa araw na bumaha ang mga dayuhan patungong Tsina para makipagkita sa inyo? Maaaring dati-rati ay medyo naging mabagal kayo, ngunit hindi kayo maaaring magpatuloy na palayawin ang inyong sarili! Mga anak Ko! Isaalang-alang ninyo ang Aking masigasig na mga layunin! Yaong mga mas madalas lumapit sa Akin ay matatamo ang lahat. Wala ba kayong tiwala sa Akin?

Ang bilis ng Aking gawain ay isang kislap ng kidlat, ngunit tiyak na hindi ang dumadagundong na tunog ng kulog. Nauunawaan ba ninyo ang tunay na kahulugan ng mga salitang ito? Kailangan ninyong higit na makipag-ugnayan sa Akin at isaalang-alang ang Aking mga layunin. Gusto ninyong tumanggap ng mga pagpapala, ngunit takot din kayong magdusa; hindi ba ito ang inyong pagbabagu-bago ng isip? Sinasabi Ko sa iyo! Kung nais ng tao na tumanggap ng mga pagpapala ngayon ngunit hindi ginagawa ang lahat ng sakripisyo para mangyari iyon, ang tatanggapin lamang nila ay kaparusahan at ang Aking paghatol. Gayunman, yaong mga nagsasakripisyo ng lahat ay daranas ng kapayapaan sa lahat ng bagay at magiging sagana sa lahat, at lahat ng tatanggapin nila ay mga pagpapala Ko. Ang kailangang-kailangan ngayon ay ang inyong pananampalataya, at na magsakripisyo kayo. Huwag kayong magkamali ng pag-unawa sa Aking mga layunin. Lahat ay mangyayari, at makikita ito ng sarili ninyong mga mata at mararanasan ninyo ito nang personal. Sa Akin, wala ni isang maling salita o kasinungalingan; lahat ng Aking sinasabi ay ganap na totoo, at hindi nagkukulang sa karunungan. Huwag kayong mag-alinlangan. Ako ang nagsasakatuparan ng lahat sa gitna inyo, at Ako rin ang humahatol at nagsasaayos sa mga gumagawa ng masama. Mahal Ko kayo, at ginagawa Ko kayong perpekto. Sa kanila, gayunman, ganap na kabaligtaran ang Aking gagawin: pagkamuhi at pagkawasak, na walang anumang kaluwagan at walang maiiwang bakas. Ang Aking kasaganaan ay likas sa lahat ng Aking sinasabi at ginagawa. Nasuri na ba ninyo ang mga iyon nang paunti-unti? Maraming ulit Ko nang nasabi ang ilang salita, kaya bakit hindi ninyo nauunawaan ang ibig Kong sabihin? Pagkatapos ninyong basahin ang Aking mga salita, lahat ba ay magiging kung ano ang nararapat? Lahat ba kung gayon ay natutupad? Wala kayong anumang layon na isaalang-alang ang Aking puso. Bakit Ko sinasabi na Ako ang lubos na maawtoridad, matalino sa lahat, at nag-iisang totoong Diyos na tumitingin sa kaibuturan ng puso ng mga tao? Hindi pa rin ba ninyo nauunawaan ang kahulugan ng mga salitang ito? Naisaulo mo na ba ang bawat isa sa mga salitang Aking nabigyang-diin? Talaga bang naging mga prinsipyo ng pagkilos mo ang mga iyon?

Nakatayo Ako sa ibabaw ng lahat, nagmamasid sa buong sansinukob. Ipapamalas Ko ang Aking dakilang kapangyarihan at Aking buong karunungan sa lahat ng bansa at tao. Huwag ninyong basta gawin ang lahat ng inyong makakaya para sikaping magtamo ng kasiyahan ngayon mismo. Kapag nagkaisa ang lahat ng bansa ng mundo, ano ang hindi mapapasainyo? Magkagayunman, hindi Ko kayo hahayaang magkulang ngayon, ni hindi Ko kayo tutulutang magdusa. Maniwala na Ako ang Diyos na makapangyarihan sa lahat! Lahat ay matutupad at bubuti nang bubuti! Mga panganay Kong anak! Lahat ng pagpapala ay darating sa inyo! Matatamasa ninyo ang mga iyon nang walang katapusan, hindi nauubos, mayaman at sagana, at puno ng kahustuhan!

Sinundan: Kabanata 74

Sumunod: Kabanata 76

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito