Kabanata 71

Ipinamalas Ko ang lahat ng Aking sarili sa inyong lahat, ngunit bakit hindi ninyo magawang pagnilayan ang Aking mga salita nang inyong buong puso at kaluluwa? Bakit itinuturing ninyong basura ang Aking mga salita? Mali ba ang Aking sinasabi? Tinamaan ba ng Aking mga salita ang inyong mga kahinaan? Patuloy kayong nagpapaliban at nag-aatubili. Bakit kayo kumikilos nang ganito? Hindi ba malinaw ang Aking pagkakasabi? Napakaraming beses Ko nang sinabi na dapat na pagnilayan nang mabuti ang Aking mga salita, at dapat na pagtuunan nang husto ang mga ito. Mayroon ba sa inyo na masunurin at nagpapasakop na mga anak? Nawalan ba ng saysay ang Aking mga salita? Wala ba ni anumang bisa ang mga ito? Gaano kabuo kang makakaayon sa Aking kalooban? Kung ikaw ay humahayo nang hindi napagsasabihan, kahit isang sandali lamang, ikaw ay magiging talipandas at hindi mapipigilan. Kung hindi Ko sasabihin nang malinaw kung paano kumilos at magsalita, maaari kayang sa kaibuturan mo ay wala kang magiging ideya? Hayaang sabihin Ko ito sa iyo! Siya na nagdurusa ng pagkalugi ay siya na masuwayin, hindi nagpapasakop, at hangal na naniniwala! Ang mga tao na hindi pinagtutuunan ng pansin ang Aking sinasabi at hindi nauunawaan ang mga detalye ay hindi makaaarok sa Aking mga layunin, ni hindi nila Ako magagawang paglingkuran. Ang ganitong mga tao ay iwawasto Ko at makararanas ng Aking paghatol. Ang hindi pag-unawa sa mga detalye ay pagiging sukdulang mapangahas at sadyang mapusok; kung kaya kinamumuhian Ko ang ganitong mga tao, at hindi Ako magiging mapagparaya sa kanila. Hindi Ako magpapakita sa kanila ng awa; ang ipapakita Ko lamang sa kanila ay ang Aking pagiging maharlika at paghatol. Tingnan mo kung gayon kung maglalakas-loob ka pa ring linlangin Ako. Ako ang Diyos na sumusuri sa kaibuturan ng puso ng tao. Dapat maging malinaw sa lahat ang puntong ito; kung hindi, gagawin lamang nila ang kanilang gawain sa kaswal na paraan at pakikitunguhan Ako nang walang ingat. Ito ang dahilan kung bakit ang ilang tao ay hinahagupit Ko nang hindi nila namamalayan. Sinabi Ko na hindi Ko pakikitunguhan ang sinuman nang hindi makatarungan, na hindi Ako gumagawa ng mali, at na lahat ng Aking ginagawa ay ayon sa matalinong pagsasaayos ng Aking kamay.

Ang Aking paghatol ay natuon sa lahat ng tao na hindi tunay na nagmamahal sa Akin. Sa panahong ito mismo nagiging malinaw kung sino ang Aking itinakda at pinili, at kung sino ang palalayasin. Ang lahat ng ito ay isa-isang ihahayag, at walang mananatiling nakatago. Lahat ng tao, pangyayari, at bagay ay nakatayo at umiiral upang isakatuparan ang Aking mga salita, at lahat ay abala na gawing totoo ang mga salita na binibigkas ng Aking bibig. Ako lamang ang namamahala sa sansinukob at sa mga sulok ng mundo. Hahagupitin Ko ang sinumang mangangahas na suwayin ang Aking mga salita o tumangging isagawa ang Aking mga gawa, na nagiging sanhi para masadlak sa Hades ang taong iyon at hindi na mabuhay pa. Lahat ng Aking salita ay naaangkop at wasto, at lubos na walang bahid ng karumihan. Ang inyo bang pananalita ay maaaring maging katulad ng sa Akin? Kayo ay maligoy; wala kayong katuturan at hindi ipinapaliwanag nang malinaw ang inyong sarili—gayunman iniisip pa rin ninyo na nagkamit kayo ng ilang bagay, at na halos nakuha na ninyo ito. Hayaan mong sabihin Ko ito sa iyo! Kapag mas nasisiyahan sa sarili ang mga tao, mas malayo sila sa Aking mga pamantayan. Hindi sila nagpapakita ng pagsasaalang-alang sa Aking kalooban, at dinadaya nila Ako at sukdulang hindi iginagalang ang Aking pangalan! Napakawalang kahihiyan! Hindi mo tinitingnan kung anong uri ng tayog ang mayroon ka. Napakahangal at mangmang mo!

Ang Aking mga salita ay patuloy na, at sa lahat ng aspeto ay, ipinapaalam ang mga bagay-bagay. Maaari kayang hindi mo pa rin ito nauunawaan? Hindi mo pa rin ba naiintindihan? Layunin mo bang biguin Ako? Ibangon ang iyong mga diwa, at ipunin ang iyong katapangan. Hindi Ko tinatrato nang hindi makatarungan ang sinumang nagmamahal sa Akin. Sinusuri Ko ang kaibuturan ng puso ng tao, at alam Ko ang lahat ng nasa loob ng puso ng lahat ng tao. Ang lahat ng bagay na ito ay isa-isang ibubunyag, at ang lahat ay Aking susuriin. Hindi Ko kailanman kakaligtaan ang sinumang tunay na nagmamahal sa Akin; silang lahat ay tatanggap ng mga pagpapala, at ang grupo ng mga panganay na anak na Aking itinakdang maging mga hari. Para sa mga hindi tunay na nagmamahal sa Akin, sila ang mga pupuntiryahin ng kanilang sariling mga panlalansi, at magdurusa ng kasawian; ito rin ay Aking itinakda. Huwag mag-alala; isa-isa Ko silang ibubunyag. Inihanda Ko nang mabuti ang gawaing ito nang maaga, at sinimulan Ko nang gawin ito. Ito ay ginagawang lahat sa maayos na paraan; hindi talaga ito magulo. Napagpasyahan Ko na kung sino ang pipiliin at kung sino ang aalisin. Isa-isa silang ibubunyag upang inyong makita. Sa mga panahong ito ay makikita ninyo kung ano ang ginagawa ng Aking kamay. Makikita ng lahat ng tao na ang Aking pagiging matuwid at maharlika ay hindi nagpapahintulot ng pagkakasala o paglaban mula sa sinuman, at ang sinumang nagkakasala ay parurusahan nang matindi.

Ako Siya na patuloy na nagsasaliksik sa kaibuturan ng puso ng lahat. Huwag lamang Akong tingnan mula sa panlabas. Mga taong bulag! Hindi kayo nakikinig sa mga salita na sinabi Ko nang napakalinaw, at hindi ninyo lamang Ako pinaniniwalaan—ang ganap na Diyos Mismo. Tiyak na hindi Ko hahayaan ang sinumang mangahas na manlinlang o magtago ng anumang bagay sa Akin.

Naaalala mo ba ang bawat isa sa Aking mga pagbigkas? “Ang makita Ako ay katulad ng pagkakita sa bawat nakatagong misteryo mula sa walang-katapusan hanggang sa walang-katapusan.” Napagnilayan mo na ba nang mabuti ang pahayag na ito? Ako ang Diyos, at ang Aking mga misteryo ay itinanghal upang makita ninyo. Hindi ba ninyo nakita ang mga ito? Bakit hindi ninyo Ako binibigyang-pansin? At bakit mo labis na sinasamba ang malabong Diyos na nasa iyong isipan? Paanong Ako—ang nag-iisang tunay na Diyos—ay makagagawa ng anumang mali? Pakaintindihin ito! Maging sigurado dito! Ang Aking bawat salita at kilos, ang bawat gawa at bawat galaw Ko, ang Aking pagngiti, ang Aking pagkain, ang Aking pananamit, ang lahat ng sa Akin ay ginawa ng Diyos Mismo. Hinahatulan ninyo Ako: maaari kayang nakita na ninyo ang Diyos bago pa man Ako dumating? Kung hindi pa, bakit lagi mo Akong inihahambing sa iyong Diyos sa iyong isipan? Ito ay ganap na bunga ng mga kuru-kuro ng tao! Ang Aking mga kilos at pag-uugali ay hindi tumutugma sa iyong mga imahinasyon, hindi ba? Hindi Ko tinutulutan ang sinumang tao na ipalagay kung ang Aking mga kilos at pag-uugali ay tama o mali. Ako ang nag-iisang tunay na Diyos, at ito ang hindi mababago at hindi mapag-aalinlanganang katotohanan! Huwag maging biktima ng iyong sariling mga panlalansi. Tinukoy ito ng Aking mga salita nang may ganap na kalinawan. Walang kahit katiting na bahid ng pagiging tao sa Akin; ang lahat sa Akin ay ang Diyos Mismo, na lubos na ipinamalas sa inyo, nang wala ni isang bagay na nakatago!

Sinundan: Kabanata 70

Sumunod: Kabanata 72

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito