Kabanata 18

Ang pagtatayo ng iglesia ay isang bagay na talagang hindi madaling gawin! Inilagay Ko ang Aking buong puso sa pagtatayo nito, at gagawin ni Satanas ang lahat nang makakaya nito upang gibain ito. Kung nais mong maitayo, dapat ay maging isang tao ka na mayroong pananaw; dapat kang mamuhay na umaasa sa Akin, sumasaksi kay Cristo, itinataas Siya, at maging tapat sa Akin. Hindi ka dapat magdahilan; sa halip ay dapat kang sumunod nang walang kondisyon. Dapat mong tiisin ang anumang mga pagsubok, at tanggapin ang lahat ng nagmumula sa Akin. Dapat mong sundan ang Banal na Espiritu paano ka man Niya inaakay. Dapat ay magkaroon ka ng masigasig na espiritu at ng kakayahang makita ang kaibhan ng mga bagay-bagay. Dapat mong maunawaan ang mga tao, at huwag silang bulag na sundan; panatilihin mong malinaw ang iyong espirituwal na mga mata, at mag-angkin ng masusing kaalaman sa lahat ng bagay. Ang mga tao na may isipang kapareho ng sa Akin ay dapat tumayong saksi Ko at lumaban sa pangwakas na digmaan laban kay Satanas. Ikaw ay dapat na kapwa maitayo at makibahagi sa digmaan. Ako ay kasama ninyo; inaalalayan Ko kayo, at Ako ang inyong kanlungan.

Ang una sa mga dapat mong gawin ay ang dalisayin ang iyong sarili, maging isang nabagong tao, at magkaroon ng tuluy-tuloy na pagtitimpi. Dapat mong iasa sa Akin ang iyong buhay mabuti man o masama ang kapaligiran mo; nasa tahanan ka man o sa iba pang kinalalagyan, hindi ka dapat manghina dahil sa ibang tao, o dahil may isang pangyayari o usapin. Higit pa rito, dapat kang matatag na tumayo at, gaya ng dati, isabuhay si Cristo at ihayag ang Diyos Mismo. Dapat mong gampanan ang iyong papel at tuparin ang iyong mga tungkulin sa normal na paraan; ito ay hindi maaaring gawin nang minsanan, ngunit dapat na ipagpatuloy sa mahabang panahon. Dapat mong ariin ang Aking puso bilang iyong puso, ang Aking mga layunin ay dapat maging iyong mga iniisip, dapat mong isaalang-alang ang kabuuan, dapat mong hayaang si Cristo ang mahiwatigan sa iyo, at dapat kang maglingkod nang nakikipag-ugnayan sa iba. Dapat kang sumabay sa gawain ng Banal na Espiritu at lubusang ituon ang iyong sarili tungo sa paraan ng Kanyang pagliligtas. Dapat mong hungkagin ang iyong sarili, at maging isang inosente at bukas na tao. Dapat kang makipagbahaginan at makilahok nang normal sa iyong mga kapatid na lalaki at babae, makayang gawin ang mga bagay-bagay sa espiritu, mahalin ang isa’t isa, hayaan ang kalakasan ng iba na bumalanse sa iyong mga kahinaan, at hangarin na maitayo sa loob ng iglesia. Sa ganitong paraan ka lamang tunay na magkakaroon ng bahagi sa kaharian.

Sinundan: Kabanata 17

Sumunod: Kabanata 19

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito