182 Matagumpay ang mga Banal

1 Ipinapahayag ni Cristo ng mga huling araw ang katotohanan, hinahatulan at nililinis ang sangkatauhan. Narinig na namin ang tinig ng Diyos at bumalik kami sa Kanyang harapan. Ipinapakita ng mga salita ng Diyos ang Kanyang kapangyarihang walang-hanggan; pinupukaw at nilulupig kami ng mga ito. Anumang mga pagkagambala, paghadlang, o pag-atake ng mga masasamang puwersa ni Satanas, naninindigan kami na si Cristo ang katotohanan at ang buhay, at matatag naming sinusunod ang Diyos!

2 Sa madilim na lungga ng mga diyablo, ang aming puso’t katawan ay pinahihirapan, at dumadaloy ang dugo’t luha. Sa sandali ng buhay at kamatayan, nananawagan kami sa Diyos at ginagabayan kami ng Kanyang mga salita sa aming mga problema. Nakikita namin ang kapangyarihang walang-hanggan at karunungan ng Diyos at ang aming pag-ibig sa Kanya ay mas tumibay. Ibibigay namin ang aming buhay para maging tapat sa Diyos, at hinding-hindi kami susuko kay Satanas, bilang mga Judas. Dumaranas kami ng mga pagsubok at pagdurusa, at nagbibigay ng mabuti at matunog na patotoo sa Diyos.

3 Nakagawa ng isang grupo ng mga mananagumpay ang Diyos; natalo Niya si Satanas at natamo ang lahat ng kaluwalhatian. Natupad na ang dakilang gawain ng Diyos, at sinisimulan Niyang magpaulan ng mga kalamidad at puksain ang malaking pulang dragon. Ginagantimpalaan ng matuwid na Diyos ang mabuti at pinarurusahan ang masama; lubos nang nahayag ang Kanyang disposisyon. Nanalo na ang mga banal, nasa mundo na ang kaharian ni Cristo, at ang katotohanan ay naghahari. Pinupuri namin ang pagiging matuwid at ang kapangyarihang walang-hanggan ng Diyos. Walang-hanggan ang aming papuri sa banal na pangalan ng Makapangyarihang Diyos!

Sinundan: 181 Kaloobang Sintibay ng Bakal sa Pagsunod sa Diyos

Sumunod: 183 Nais Kong Makita ang Araw ng Kaluwalhatian ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

281 Panahon

IIsang malungkot na kaluluwa’ng naglalakbay,sinusuri’ng bukas, hinahanap nakalipas,masipag na nagsisikap,naghahangad ng isang pangarap.‘Di...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito