114 Ipapanumbalik ng Diyos ang Kahulugan ng Kanyang Paglikha ng Tao

Sangkatauha’y nilikha ng Diyos, nilagay sa lupa’t

pinangunahan hanggang kasalukuyan.

Nagsilbi S’yang handog sa kasalanan

at dahil dito niligtas N’ya ang tao.

Sa huli’y dapat pa rin N’yang lupigin,

ipanumbalik sa dating kalagayan ang tao.

Mula sa simula ito ang gawaing ginagawa Niya.

Kaharian N’ya’y Kanyang itatatag,

ipanunumbalik awtoridad N’ya

sa lupa pati kalagayan ng tao.

Ipanunumbalik N’ya awtoridad N’ya

sa lahat ng nilalang N’ya.


Ginawang tiwali ni Satanas, puso ng tao’y nawala,

pusong may takot sa Diyos, at nawala tungkulin

na dapat taglay ng nilalang ng Diyos mula sa simula.

S’ya’y naging kaaway ng Diyos,

namuhay sa ilalim ng utos at sakop ni Satanas.

Nawala ng Diyos pagsunod at takot ng tao,

at Kanyang gawai’y ‘di na magagawa sa kanila.

Kaharian N’ya’y Kanyang itatatag,

ipanunumbalik awtoridad N’ya

sa lupa pati kalagayan ng tao.

Ipanunumbalik N’ya awtoridad N’ya

sa lahat ng nilalang N’ya.


Tao’y nilikha ng Diyos at dapat sambahin ang Diyos.

Ngunit tumalikod s’ya sa Diyos at sumamba kay Satanas.

Tao’y nilikha ng Diyos at dapat sambahin ang Diyos.

Ngunit tumalikod s’ya sa Diyos at sumamba kay Satanas.

Naging idolo si Satanas sa puso ng tao,

habang katayuan ng Diyos sa tao’y nawala,

na ibig sabihi’y nawala sa tao

kahulugan ng paglikha sa kanya.

Upang mapanumbalik kahulugan na ‘to,

tao’y dapat bumalik sa orihinal n’yang kondisyon.

Dapat alisin ng Diyos tiwaling disposisyon ng tao.

Kaharian N’ya’y Kanyang itatatag,

ipanunumbalik Kanyang awtoridad sa lupa.

Kaharian N’ya’y Kanyang itatatag,

ipanunumbalik Kanyang awtoridad sa lupa.

Kaharian N’ya’y Kanyang itatatag,

ipanunumbalik awtoridad N’ya

sa lupa pati kalagayan ng tao.

Ipanunumbalik N’ya awtoridad N’ya

sa lahat ng nilalang N’ya.


Upang bawiin ang tao kay Satanas,

kailangang iligtas ng Diyos ang tao,

iligtas mula sa kasalanan.

Doon lamang unti-unti N’yang mapapanumbalik

orihinal na tungkulin ng tao,

at sa huli’y mapanumbalik ang Kanyang kaharian.

Mga anak ng pagsuway ay pupuksain,

upang pahintulutan ang tao

na mas mapabuti ang pagsamba sa Diyos

at mabuhay ng mas maayos dito sa lupa.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama

Sinundan: 113 Ang Kahalagahan ng Pamamahala ng Diyos sa Sangkatauhan

Sumunod: 115 Ang Pamamahala ng Diyos ay Patuloy na Sumusulong

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

610 Tularan ang Panginoong Jesus

ⅠTinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,ang pagtubos sa lahat ng taosa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N’ya,nang walang pansariling layunin...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito