16. Kung Paano Ko Nilutas ang Aking Katusuhan at Panlilinlang

Ni Frank, Pilipinas

Inakala ko palagi na isa akong matapat na tao. Inakala ko na mapagkakatiwalaan ako sa salita at sa gawa, at gayon din ang sinabi ng mga taong nakakakilala sa akin tungkol sa akin. Pakiramdam ko ay isa akong matapat at maaasahang tao. Matapos akong magkaroon ng pananampalataya, halos hindi ako nagsinungaling sa mga kapatid o sadyang nanlinlang ng ibang tao. Kaya lagi akong naniwala na kahit hindi ako isang ganap na matapat na tao, hindi naman ako isang tuso at mapanlinlang na tao. Pagkatapos, sa pamamagitan ng ibinunyag ng mga katunayan, nagtamo ako ng kaunting kaalaman tungkol sa aking likas na katusuhan at talagang nakita ko ang tunay kong pagkatao.

Isang araw ay nagpadala sa akin ng isang mensahe ang partner kong si Sister Ashley na kinukumusta ang isang partikular na proyekto, at kung nagkaroon na ito ng progreso. Bigla kong natanto na hindi ko talaga ito nasusubaybayan sa mga panahong ito, kaya hindi ko alam ang mga detalye ng anumang progreso. Naisip ko noong una na sabihin na lang sa kanya iyon, pero nag-alangan ako, “Lagi kong ipinapakita na maaasahan ako, kaya kung deretsahan kong sasabihin na nakalimutan kong subaybayan ang mga bagay-bagay nitong huli, iisipin kaya niya na iresponsable ako sa tungkulin ko? Magkakaroon siya ng negatibong impresyon at mawawalan ako ng kredibilidad sa kanyang paningin. Hindi, hindi ko siya masasagot nang deretsahan. Agad kong hahanapin ang sister na namamahala sa proyektong iyon para maunawaan ko ang sitwasyon, at saka ko sasagutin si Ashley. Para paano man sumusulong ang mga bagay-bagay, maipapakita man lang nito na kontrolado ko ang mga bagay-bagay.” Kaya nagkunwari ako na hindi ko nakita ang mensahe at saka ako tumugon pagkatapos kong kumustahin ang nangyayari. Walang sinabing anuman si Ashley sa akin sa oras na iyon, pero palagi akong asiwa at balisa. Pagkatapos ay nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Ang katapatan ay nangangahulugang pagbibigay ng puso ninyo sa Diyos, pagiging totoo sa Diyos sa lahat ng bagay, pagiging bukas sa Kanya sa lahat ng bagay, hindi pagtatago kailanman ng mga totoong impormasyon, hindi pagtatangkang manlinlang ng mga nasa itaas at nasa ibaba ninyo, at hindi paggawa ng mga bagay para lamang magpalakas sa Diyos. Sa madaling salita, ang pagiging tapat ay pagiging dalisay sa inyong mga kilos at salita, at hindi panlilinlang sa Diyos o sa tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tatlong Paalaala). Pinahiya ako ng mga salita ng Diyos. Hindi naman sa nagsinungaling ako, kundi ang naipakita ko sa pamamagitan ng aking pag-iisip, at ng aking mga layunin sa aking mga kilos, ay para pagtakpan at itago ang kapabayaan ko sa aking tungkulin, sa takot na baka mahalata ako ni Ashley. Nang magkunwari akong hindi ko nakita ang mensahe niya, pagkatapos ay nagmadali akong puntahan ang sister na namamahala para maunawaan ang sitwasyon bago ako sumagot, para ipakita sa kanya na kunwari’y nasubaybayan ko ang trabaho, hindi ba ako lumilikha ng maling impresyon at nanlilinlang? Hindi ba ito tuso at mapanlinlang na pag-uugali? Sa gayon kaliit na isyu, naging napakakumplikado ng aking pag-iisip, at nagkimkim ako ng mga intensyon at gumamit ng mga taktika para itago ang katotohanan. Paano iyon naging pagiging matapat? Paano iyon naging pagiging maaasahan? Nang matanto ko ito, nakita ko na hindi ako naging matapat at taos na tulad ng inakala ko, at na kung minsa’y dinaya at nilinlang ko rin ang iba. Nang sumunod, kinailangan ko nang sabihin ang katotohanan, at maging matapat na tao, at hindi na ako nagtatago ng mga bagay-bagay para linlangin ang iba.

Makalipas lamang ang ilang araw, ipinaalam sa akin ni Ashley na susuriin ng lider namin ang aming trabaho pagkaraan ng dalawang araw. Bumilis ang pintig ng puso ko nang marinig ko ito, “Hindi kami karaniwang biglang hinahanap ng lider, kaya bakit niya kami hinahanap sa pagkakataong ito? May natuklasan ba siyang problema sa trabaho namin? Naging abala ako nitong huli sa gawain ng pagdidilig at hindi ko nasusubaybayan o wala akong gaanong nagagawa sa paggawa ng video na pinamamahalaan ko. Ano ang dapat kong sabihin kung tanungin ako ng lider tungkol doon?” Kaya hinulaan ko kung anong mga bagay ang maaari niyang itanong, at kung ano ang hindi ko alam, para mabilis kong malutas iyon. Kung hindi, kapag may tanong siyang hindi ko masagot, hindi ba magmumukhang hindi ako gumawa ng praktikal na gawain. Medyo nag-alala at nabalisa ako. Matapos akong mag-isip nang kaunti, natanto ko na normal lang na suriin ng isang lider ang trabaho—bakit ba masyado akong nag-iisip ng mga bagay-bagay? Hindi ko lang iniisip noon kung ano ang gusto ng lider, kundi ang labis kong pinag-iisipan ay kung paano ko pagtatakpan ang aking mga isyu, sa takot na baka makita niya ang mga problema ko at iwasto ako sa hindi paggawa ng praktikal na gawain at sabihin na isa akong huwad na lider. Hindi ba sinusubukan kong magpanggap. Napakanormal naman na magtanong ang isang lider tungkol sa trabaho. Dapat ko itong harapin nang mahinahon at gumawa ako ng mga pagbabago kung may makitang mga problema o paglihis. Bakit ba masyado akong nag-iisip ng mga bagay-bagay? Hindi ba ako nagiging tuso? Naalala ko ang mga salita ng Diyos: “Kinalulugdan Ko ang mga hindi mapaghinala sa iba, at gusto Ko ang mga tumatanggap kaagad ng katotohanan; nagpapakita Ako ng labis na pagkalinga sa dalawang uri ng mga taong ito, dahil matatapat silang mga tao sa Aking paningin(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Mababatid ang Diyos na Nasa Lupa). “Ang magiging pananalita ninyo ay, ‘Oo, oo; Hindi, hindi’: sapagkat ang humigit pa rito ay buhat sa masama(Mateo 5:37). Malinaw ang mga salita ng Diyos. Dapat magsalita nang malinaw at tuwiran ang matatapat, dapat silang magsalita nang prangkahan, pero napakagulo ng aking pag-iisip. Nais kong pagtakpan ang katotohanan, kaya nakakaisip ako ng masasama. Kaya, nagdasal ako sa Diyos, na humihiling sa Kanya na gabayan ako sa pagsasagawa ng katotohanan at pagiging tapat, at maging ganap na tapat anuman ang itanong ng lider.

Sa aming pagtitipon, nagtanong muna ang lider tungkol sa trabahong paggawa ng video. Ako ang direktang responsable sa trabahong ito, pero ginugugol ko ang halos lahat ng oras at lakas ko sa gawain ng pagdidilig. Hindi ko gaanong nasusubaybayan ang trabaho sa video. Matapos kong ipaliwanag ito, pinuna niya ako sa hindi paggawa ng praktikal na gawain, at pagkatapos ay tinanong ako kung ilang bagong mananampalataya ang hindi regular na dumadalo sa mga pagtitipon. Medyo nataranta ako sa tanong na iyon. Hindi ko nasusubaybayan ang mga detalye niyon, at paminsan-minsa’y kinukumusta ko iyon, pero hindi ko iyon sineryoso. Naisip ko noon, “Kasasabi ko lang na halos buong lakas ko ay nakalaan sa gawain ng pagdidilig, kaya kung hindi ko man lang masabi sa lider kung ilang baguhan ang hindi regular na nakakadalo sa mga pagtitipon, ano ang iisipin niya sa akin? Baka itanong niya kung ano ang ginagawa ko sa buong maghapon na hindi ko man lang alam iyon, at kung talaga bang gumagawa man lang ako ng anumang praktikal na gawain. Napakaraming isyu na ang nailantad sa paggawa ng video, kung makakita rin siya ng mga problema sa gawain ng pagdidilig, paaalisin na lang ba niya ako kaagad?” Kaya tinantiya ko na lang ang bilang na ibinigay ko sa kanya, na iniisip na hindi naman malaking bagay kung medyo mali ito. Ano’t anuman, hindi eksaktong bilang iyon, kaya hindi talaga iyon kasinungalingan. Pagkatapos ng aming pagtitipon, tiningnan ko ang mga detalye nito, at lumabas na napakalayo ng tantiya ko. Nag-alala talaga ako nang makita ko iyon. Sa pagkakataong ito malinaw na kasinungalingan ang nasabi ko. Lantaran akong nanlinlang. Bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko na magsinungaling at manlinlang? Sa panalangin, malinaw na mayroon akong pananalig sa pagiging tapat. Bakit hindi ko napigilan ang sarili ko nang maharap ako sa sitwasyong ito? Sumama ang pakiramdam ko tungkol dito. Sa loob ng dalawang araw, patuloy na pumapasok sa aking isipan ang salitang “panlilinlang.” Pakiramdam ko may nagawa talaga akong kahiya-hiya.

Nanalangin ako sa Diyos tungkol sa problema ko. Habang nagninilay-nilay ako sa sarili ko, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Hindi ba’t nakapapagod ang buhay para sa mga mapanlinlang na tao? Iginugugol nila ang buong panahon nila sa pagsisinungaling, pagkatapos ay sa higit pang pagsisinungaling upang pagtakpan ang mga iyon, at sa pandaraya. Sila ang nagdudulot ng kapagurang ito sa kanilang mga sarili. Alam nila na nakakapagod mabuhay nang ganito—kaya bakit gusto pa rin nilang maging mapanlinlang, at ayaw maging matapat? Napag-isipan na ba ninyo ang tanong na ito? Isa itong kahihinatnan ng pagkakalinlang sa mga tao ng kanilang mga satanikong kalikasan; pinipigilan sila nitong talikdan ang ganitong uri ng buhay, ang ganitong uri ng disposisyon. Payag ang mga taong tanggapin ang maloko nang ganito at mamuhay rito; ayaw nilang isagawa ang katotohanan at tahakin ang landas ng liwanag. Sa palagay mo nakakapagod ang mamuhay nang ganito at na hindi kinakailangang kumilos nang ganito—ngunit iniisip ng mga mapanlinlang na tao na kailangang-kailangan ito. Iniisip nilang ang hindi paggawa rito ay magdudulot sa kanila ng kahihiyan, na mapipinsala rin nito ang kanilang imahe, kanilang reputasyon, at kanilang mga interes, at na napakalaki ng mawawala sa kanila. Pinahahalagahan nila ang mga bagay na ito, pinahahalagahan nila ang sarili nilang imahe, sarili nilang reputasyon at katayuan. Ito ang tunay na mukha ng mga taong hindi nagmamahal sa katotohanan. Sa madaling salita, kapag ayaw ng mga taong maging matapat o isagawa ang katotohanan, ito ay dahil hindi nila minamahal ang katotohanan. Sa mga puso nila, pinahahalagahan nila ang mga bagay na tulad ng reputasyon at katayuan, mahilig silang sumunod sa mga makamundong kalakaran, at nabubuhay sila sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas. Isa itong problema sa kanilang kalikasan. Mayroong mga tao ngayon na maraming taon nang naniniwala sa Diyos, na nakarinig na ng maraming sermon, at nakaaalam kung patungkol saan ang pananampalataya sa Diyos. Ngunit hindi pa rin nila isinasagawa ang katotohanan, at hindi pa sila nagbabago kahit kaunti—bakit ganito? Ito ay dahil hindi nila minamahal ang katotohanan. Kahit pa nauunawaan nga nila nang kaunti ang katotohanan, hindi pa rin nila ito naisasagawa. Para sa gayong mga tao, kahit pa gaano karaming taon na silang sumasampalataya sa Diyos, mawawalan ito ng kabuluhan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pinakasaligang Pagsasagawa ng Pagiging Isang Taong Tapat). “Hindi kailanman sinasabi ng ilang tao ang katotohanan kaninuman. Pinag-iisipan at inaayos nila nang todo sa kanilang isipan ang lahat ng bagay bago nila ito sabihin sa mga tao. Hindi mo masasabi kung alin sa mga bagay na sinasabi nila ang totoo, at kung alin ang hindi. Nagsasabi sila ng isang bagay ngayon at iba naman bukas, nagsasabi sila ng isang bagay sa isang tao, at ng iba namang bagay sa isa pa. Ang lahat ng sinasabi nila ay magkakasalungat. Paano mapapaniwalaan ang gayong mga tao? Napakahirap maintindihan nang tumpak ang mga katunayan, at wala kang makuhang direktang salita sa kanila. Anong disposisyon ito? Ito ay pagiging mapanlinlang. Madali bang baguhin ang isang mapanlinlang na disposisyon? Ito ang pinakamahirap baguhin. Ang anumang may kinalaman sa mga disposisyon ay may kaugnayan sa kalikasan ng isang tao, at wala nang mas mahirap pang baguhin kaysa sa mga bagay na may kinalaman sa kalikasan ng isang tao. Ang kasabihang, ‘Hindi mababago ng isang leopardo ang mga batik nito,’ ay ganap na totoo! Anuman ang kanilang sinasabi o ginagawa, palaging nagkikimkim ng sarili nilang mga pakay at layunin ang mga mapanlinlang na tao. Kung wala sila ng mga ito, hindi sila magsasalita. Kung susubukan mong unawain kung ano ang kanilang mga pakay at layunin, tatahimik sila. Kung hindi sinasadya ay may masabi man silang totoo, gagawin nila ang lahat para makaisip ng paraan para baluktutin iyon, para lituhin ka at pigilan kang malaman ang katotohanan. Anuman ang ginagawa ng mga mapanlinlang na tao, hindi nila hahayaan na malaman ninuman ang buong katotohanan tungkol dito. Gaano katagal man ang gugulin ng mga tao kasama sila, walang nakaaalam kung ano ba talaga ang nasa kanilang mga isipan. Ganito ang kalikasan ng mga mapanlinlang na tao. Gaano man karami ang sabihin ng isang mapanlinlang na tao, hinding-hindi malalaman ng iba kung ano ang kanilang mga layunin, kung ano talaga ang iniisip nila, o kung ano mismo ang sinisikap nilang makamtan. Maging ang mga magulang nila ay nahihirapang malaman ito. Napakahirap na subukang maunawaan ang mga mapanlinlang na tao, walang sinumang makaiintindi sa kung ano ang nasa isip nila. Ganito magsalita at kumilos ang mga mapanlinlang na tao: Hindi nila kailanman sinasabi ang nasa kanilang isipan o ipinahahayag kung ano ba talaga ang nangyayari. Isang uri ito ng disposisyon, hindi ba? Kapag mayroon kang mapanlinlang na disposisyon, hindi mahalaga kung ano ang sinasabi o ginagawa mo—ang disposisyong ito ay palaging nasa iyong kalooban, kinokontrol ka, hinihikayat kang magloko at manlinlang, paglaruan ang mga tao, pagtakpan ang katotohanan, at magpanggap. Ito ay pagiging mapanlinlang(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Kaalaman Lamang Tungkol sa Anim na Uri ng Tiwaling Disposisyon ang Tunay na Pagkakilala sa Sarili). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos na hindi ko maiwasang magsinungaling at manlinlang at pagtakpan ang katotohanan dahil tuso ako at pinahalagahan ko ang aking reputasyon at katayuan. Para maprotektahan ang mga bagay na iyon, paulit-ulit kong pinag-iisipan ang gusto kong sabihin, muli itong isinasaulo, at gaano man iyon nakakapagod, ayaw kong maging prangka. Naisip ko kung paano ko ipinagdasal sa Diyos na tulungan akong maging matapat na tao, pero nang magtanong ang lider tungkol sa mismong gawaing hindi ko naiintindihan, naisip ko na kung prangkahan kong sinabi na hindi ko alam, iisipin niya na hindi ako gumagawa ng praktikal na gawain at hindi ako maaasahan, at, ang pinakamalala, baka paalisin niya ako. Para maprotektahan ang aking katayuan, hindi ko gustong makita ng lider ang mga problema o paglihis sa aking tungkulin, kaya nag-isip ako ng mga paraan para mapagtakpan ang katotohanan. Hindi ko talaga alam kung ilang baguhan ang hindi regular na nagpupunta sa mga pagtitipon, pero tuso akong nag-imbento ng tantiyadong bilang para isipin ng lider na naintindihan kong mabuti ang bawat aspeto ng aking gawain at kaya kong gumawa ng praktikal na gawain. Nakita ko na handa akong mandaya at manlinlang tungkol sa isang napakasimpleng bagay para lang maprotektahan ang aking reputasyon at katayuan. Napakatuso niyon! Sa katunayan, karaniwan naman ang magkaroon ng mga problema o paglihis habang gumaganap sa tungkulin ang isang tao. Basta’t maitama kaagad ang mga bagay-bagay matapos matuklasan ang mga iyon, ayos lang. Hindi na kailangang magkunwari o manlinlang. Pero sa pagsisikap kong protektahan ang aking reputasyon at katayuan, nagsinungaling ako at nanlinlang at pinagtakpan ko ang aking mga problema, na isinasakripisyo ang aking pagkatao at dignidad. Hindi ba kahangalan ito! Ipinatanto nito sa akin na kahit mukha akong matapat, hindi ako naging matapat sa aking mga salita at gawa, ni hindi ako simple sa aking mga iniisip. Ang aking ipinakita ay talagang isang satanikong disposisyon. Naging tuso, mapanlinlang at kahiya-hiya ako. Talagang ako ay naging tuso, marumi at tiwali. Kinainisan ko pa ang sarili ko, kaya paano ako hindi kaiinisan at kasusuklaman ng Diyos? Noon pa ma’y inakala ko nang isa akong matapat na tao na halos hindi naging mapanlinlang. Ni hindi ako kailanman hayagang nanlinlang o lumaban sa Diyos, kaya pakiramdam ko ay isang mabuti at matapat na tao ang tingin Niya sa akin. Akala ko pa nga ay hindi ko na kailangang sikaping isagawa ang katotohanan ng pagiging matapat, kundi puwede kong patuloy na gawin ang aking tungkulin at sundin ang Diyos sa gayong paraan, at sa huli ay maliligtas ako. Talagang wala akong anumang alam tungkol sa sarili ko. Kung hindi sa realidad na nagpakita sa akin ng mga katotohanan, at sa paghatol at paglalantad ng mga salita ng Diyos, hindi ko sana naunawaan talaga ang sarili ko. Sa wakas ay nakita ko na malayong mangyari na maging matapat akong tao. Malayong maging gayon ako.

Pagkatapos niyon, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Kapag inilalantad ang mga anticristo, at iwinawasto at pinupungusan, ang unang ginagawa nila ay maghanap ng iba’t ibang dahilan para ipagtanggol ang kanilang sarili, maghanap ng lahat ng uri ng dahilan para subukang makalusot, sa gayon ay naisasagawa nila ang kanilang mithiing umiwas sa kanilang mga responsabilidad, at nakakamtan ang kanilang layon na mapatawad. Ang pinakakinatatakutan ng mga anticristo ay na mahahalata ng mga hinirang ng Diyos ang kanilang personalidad, ang kanilang mga kahinaan at kamalian, ang kanilang kapintasan, ang kanilang tunay na kakayahan at abilidad sa trabaho—kaya nga ginagawa nila ang lahat para magkunwari at pagtakpan ang kanilang mga pagkukulang, isyu, at tiwaling disposisyon. Kapag nalalantad ang kanilang kasamaan, ang unang ginagawa nila ay hindi ang aminin o tanggapin ang katunayang ito, o gawin ang lahat ng kanilang makakaya para makabawi at makabayad sa mga pagkakamali nila, kundi ay sinisikap nilang mag-isip ng paraan para mapagtakpan ang mga iyon, lituhin at linlangin ang mga nakakaalam sa mga ginawa nila, huwag hayaang makita ng mga hinirang ng Diyos ang tunay na usapin, huwag hayaang malaman ng mga ito kung gaanong nakapipinsala ang mga ginawa nila sa sambahayan ng Diyos, kung gaano nila nagambala at nagulo ang gawain ng iglesia. Mangyari pa, ang pinakakinatatakutan nila ay ang malaman iyon ng Itaas, dahil kapag nalaman iyon ng Itaas, iwawasto sila ayon sa prinsipyo, at magiging katapusan na ng lahat para sa kanila, at tiyak na matatanggal sila at mapapalayas. Kaya nga, kapag gumagawa ng kasamaan ang mga anticristo at nalalantad, ang unang ginagawa nila ay hindi pagnilayan kung saan sila nagkamali, saan nila nilabag ang prinsipyo, bakit nila ginawa ang ginawa nila, anong disposisyon ang nanaig sa kanila, ano ang kanilang mga motibo, ano ang kanilang kalagayan sa oras na iyon, kung dahil ba iyon sa kanilang pagkasuwail o dahil sa mga motibong may bahid-dungis. Sa halip na suriin ang mga bagay na ito, o pagnilayan man lang ang mga ito, nag-iisip silang mabuti ng kahit anong paraan para mapagtakpan ang mga tunay na pangyayari. Kasabay nito, ginagawa nila ang lahat para makapagdahilan sa harap ng mga hinirang ng Diyos, para malinlang sila, na sinisikap na paliitin ang mga bagay na nagawa nila, para malusutan ang mga iyon nang sa gayon ay maaari silang manatili sa sambahayan ng Diyos, kumikilos nang ligtas sa parusa, inaabuso ang kanilang kapangyarihan, nang sa gayon ay magawa pa rin nilang linlangin at kontrolin ang mga tao, na mahikayat ang mga ito na tingalain sila at gawin ang sinasabi nila upang matugunan ang kanilang matitinding pagnanasa at ambisyon(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalabing-isang Aytem). Talagang nakakabahala ang mga salita ng Diyos para sa akin. Lalo na nang mabasa ko ang mga salitang “anticristo,” “sinisikap nilang mag-isip ng paraan para mapagtakpan ang mga iyon,” “linlangin,” at “lituhin,” pakiramdam ko’y hinahatulan at inilalantad ako ng Diyos nang harapan. Naisip ko noong itanong ni Ashley kung nasubaybayan ko ang proyektong iyon, hindi ko inamin kaagad na hindi ko nagawa iyon, o sinamantala man lang ang pagkakataong pagnilayan ang sarili ko at mag-isip kung paano itatama ang aking mga paglihis. Nagkunwari akong hindi nakita ang kanyang mensahe, pagkatapos ay nagmadali akong maghanap ng mga sagot at tumugon. Sa gayong paraan hindi malalaman ni Ashley na hindi ko nasusubaybayan ang proyekto o na hindi ako nagpakahirap at naging responsable sa aking tungkulin. Iisipin niya na maaasahan ako, na mapagkakatiwalaan ako. Pagkatapos nang dumating ang lider para siyasatin ang trabaho ko, nakahanap siya ng ilang paglihis at problema sa aking tungkulin, at pinungusan at iwinasto ako, hindi lang hindi ko tinanggap ito o pinagnilayan ang aking sarili, na umaamin na hindi ako gumagawa ng praktikal na gawain at naging pabaya ako at iresponsable sa aking tungkulin, kundi nagsinungaling pa ako at nanlinlang at pinagtakpan ko ang katotohanan. Sinabi ko pa sa sarili ko, “Kailangan kong lalong magsikap sa hinaharap, para matiyak na masasagot ko kaagad ang alinman sa mga tanong ng lider, para wala siyang makitang mga mali o kapabayaan sa trabaho ko, kundi iisipin niya na nakatuon ako sa mga detalye at responsable.” Nag-isip akong mabuti para maprotektahan ang aking reputasyon at katayuan, na nangangamba na baka mahalata ako ng mga tao, at mawala ang magandang pagkakilala nila sa akin na ako ay “masipag, responsable, matatag at maaasahan.” Hindi ba ang mithiin ko ay ang pahalagahan at tingalain ako ng iba? Nakita ko na ang ipinakita kong disposisyon ay talagang sa isang anticristo. Kapag ang isang anticristo ay iwinawasto o inilalantad, hindi siya nagpapasakop at nagninilay-nilay sa sarili, kundi ginagawa niya ang kanyang makakaya para pangatwiranan ang kanyang sarili, isantabi ang responsibilidad at itago ang sarili niyang mga problema. Ganap siyang walang kahihiyan. Ang mga anticristo ay hindi nagpapakita ng kahit katiting na pagnanais na tanggapin ang katotohanan, kundi ng mga pakana lamang nila para magsalita at kumilos sa isang paraang nagpoprotekta sa kanilang katayuan at reputasyon. Hindi ba gayon talaga akong kumilos? Hindi ako gumagawa ng praktikal na gawain o naglalaan ng sarili ko sa aking tungkulin, kaya dapat ay nakonsiyensya ako at nakaramdam ng utang na loob. Pero hindi lang ako naging manhid, kundi patuloy ko pang ginawa ang lahat para magkunwari at pagtakpan ang aking sarili. Ako ay talagang mapanlinlang at tuso, kasuklam-suklam at masama. Pakiramdam ko ay lubos akong nahubaran, nalantad sa liwanag ng araw, at na ang aking mga kilos ay hinatulan at kinondena ng Diyos. Nararamdaman ko rin na ang disposisyon ng Diyos ay matuwid at walang pinalalagpas na pagkakasala, at natakot ako at nanginig. Alam ko na kailangan kong magsisi at magbago kaagad-agad.

Pagkatapos ay binasa ko ang iba pang mga salita ng Diyos: “Kung hahangarin ng mga tao na maging matapat, saka lang nila malalaman kung gaano sila katiwali, kung mayroon ba talaga silang anumang wangis ng tao o wala, at malinaw na makakagawa ng sarili nilang hakbang o makakakita ng kanilang mga kakulangan. Kapag nagsasagawa sila ng katapatan, saka lang sila magkakaroon ng kamalayan kung gaano karaming kasinungalingan ang sinasabi nila at kung gaano kalalim nakatago ang panlilinlang at pandaraya nila. Tanging sa pagkakaroon ng karanasan sa pagsasagawa ng pagiging matapat unti-unting malalaman ng mga tao ang katotohanan ng kanilang sariling katiwalian at makikilala ang kanilang sariling kalikasang diwa, at saka lamang tuloy-tuloy na madadalisay ang kanilang mga tiwaling disposisyon. Tanging sa takbo ng palagiang pagdadalisay ng kanilang mga tiwaling disposisyon magagawang makamit ng mga tao ang katotohanan. Huwag kayong magmadali sa paglasap ng mga salitang ito. Hindi pineperpekto ng Diyos yaong mga mapanlinlang. Kung ang puso mo ay hindi tapat—kung hindi ka isang tapat na tao—kung gayon hindi ka makakamit ng Diyos. Hindi mo rin makakamit ang katotohanan, at hindi rin makakayang makamit ang Diyos. Ano ang ibig sabihin kung hindi mo makakamit ang Diyos? Kung hindi mo makakamit ang Diyos at hindi mo naunawaan ang katotohanan, hindi mo makikilala ang Diyos, kaya’t mawawalan ng paraan na maaari kang maging kaayon ng Diyos, kung magkagayon ay ikaw ang kaaway ng Diyos. Kung hindi ka kaayon ng Diyos, hindi mo Diyos ang Diyos; at kung ang Diyos ay hindi mo Diyos, hindi ka maaaring maligtas. Kung hindi mo hinahangad na matamo ang kaligtasan, bakit ka naniniwala sa Diyos? Kung hindi mo matatamo ang kaligtasan, magiging matinding kaaway ka ng Diyos magpakailanman, at itatakda na ang iyong kahihinatnan. Kaya, kung nais ng mga tao na maligtas, dapat silang magsimula sa pagiging matapat. Sa huli, ang mga nakakamit ng Diyos ay minamarkahan ng isang tanda. Alam ba ninyo kung ano ito? Nasusulat ito sa Pahayag, sa Bibliya: ‘At sa kanilang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan: sila’y mga walang dungis’ (Pahayag 14:5). Sino yaong ‘sila’? Sila yaong mga naligtas, nagawang perpekto at nakamit ng Diyos. Paano inilalarawan ng Diyos ang mga taong ito? Ano ang mga katangian at mga pagpapahayag ng kanilang pag-asal? Wala silang dungis. Hindi sila nagsasabi ng mga kasinungalingan. Marahil ay nauunawaan at naiintindihan ninyong lahat ang kahulugan ng hindi pagsasabi ng mga kasinungalingan: Nangangahulugan ito ng pagiging matapat. Ano ang tinutukoy ng ‘walang dungis’? Ang ibig sabihin nito ay hindi paggawa ng kasamaan. At anong pundasyon ang pinagbabatayan ng hindi paggawa ng kasamaan? Walang duda, nakabatay ito sa pundasyon ng pagkatakot sa Diyos. Samakatuwid, ang ibig sabihin ng pagiging walang dungis ay ang matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan. Paano inilalarawan ng Diyos ang taong walang dungis? Sa mga mata ng Diyos, tanging ang mga may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan ang perpekto; sa gayon, ang mga taong walang dungis ay yaong mga may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan, at tanging ang mga perpekto ang walang dungis. Tama talaga ito(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Anim na Pahiwatig ng Paglago sa Buhay). Mula sa mga salita ng Diyos nakita ko na ang mga tusong tao ay puno ng mga kasinungalingan. Isinasabuhay nila ang isang ganap na satanikong disposisyon at mga kaaway sila ng Diyos. Nabibilang sila kay Satanas at hindi maliligtas ng Diyos. Nakita ko kung gaano ako nailagay sa matinding panganib ng aking mga kasinungalingan at panlilinlang, at masyado akong walang kahihiyan! Kung hindi sa mga insidenteng ito ng mga paglalantad, hindi ko matatanto kailanman ang tindi ng aking mga kasinungalingan at panlilinlang, ni ang tindi ng aking madaya at tusong satanikong disposisyon. Hindi ako maaaring magpatuloy sa gayong paraan. Kinailangan kong aminin ang aking mga pagkakamali, isagawa ang katotohanan, at maging isang matapat na tao.

Naghanda akong magpadala ng mensahe sa lider para sabihin sa kanya kung ano talaga ang nangyari, pero medyo nag-atubili ako. “Kung sasabihin ko sa kanya na nagsinungaling ako, ano ang iisipin ng lider sa akin? Hindi ba niya iisipin na masyado akong tuso, na sobra kong iniisip ang gayon kasimpleng bagay, at nagsinungaling pa ako tungkol doon, at na hindi ako mapagkakatiwalaan? Siguro sa pagkakataong ito hindi ako magsasalita, pero sa susunod magiging prangka na ako, matapat, at maituturing iyon na pagsisisi.” Patuloy kong inalo ang sarili ko na hinding-hindi na ako magsisinungaling ulit, pero sinurot ako ng aking budhi, at nakonsiyensya ako. Nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Maraming praktikal na problema ang lumilitaw habang nararanasan ng mga tao ang pagiging matapat. Kung minsan ay nagsasalita lang sila nang hindi nag-iisip, nagkakamali sila saglit at nagsasabi ng kasinungalingan dahil sila ay pinatatakbo ng isang maling motibo o pakay, o banidad at pride, at dahil dito, kailangan nilang magsabi ng mas higit na maraming kasinungalingan para pagtakpan iyon. Sa huli, hindi sila panatag sa puso nila, pero hindi na nila mababawi ang mga kasinungalingan na iyon, wala silang lakas ng loob na itama ang kanilang mga pagkakamali, na aminin na nagsinungaling sila, at sa ganitong paraan, patuloy silang nagkakamali. Pagkatapos nito, parang palaging may batong nakadagan sa puso nila; gusto nila palaging humanap ng pagkakataong magsabi ng totoo, na aminin ang kanilang pagkakamali at magsisi, pero hindi nila ito kailanman isinasagawa. Sa huli, pinag-iisipan nila ito at sinasabi sa kanilang sarili, ‘Babawi ako kapag ginampanan ko ang tungkulin ko sa hinaharap.’ Lagi nilang sinasabing babawi sila, pero hindi nila ginagawa. Hindi iyon kasingsimple ng paghingi lang ng tawad pagkatapos magsinungaling—mababawi mo ba ang pinsala at mga kahihinatnan ng pagsisinungaling at panlilinlang? Kung, sa gitna ng matinding pagkamuhi sa sarili, nagagawa mong magsisi, at hindi mo na muling gagawin ang bagay na iyon, kung gayon ay maaaring matanggap mo ang pagpaparaya at awa ng Diyos. Kung nagsasabi ka ng matatamis na salita at nagsasabing babawi ka para sa mga kasinungalingan mo sa hinaharap, pero hindi ka talaga nagsisisi, at kalaunan ay patuloy kang nagsisinungaling at nanlilinlang, kung gayon ay masyado kang mapagmatigas sa iyong pagtangging magsisi, at siguradong mapapalayas ka. Dapat itong kilalanin ng mga taong may konsiyensya at katinuan. Matapos magsinungaling at manlinlang, hindi sapat ang isipin lang na humingi ng tawad; ang pinakamahalaga ay na kailangan mong tunay na magsisi. Kung nais mong maging matapat, dapat mong lutasin ang problema ng pagsisinungaling at panlilinlang. Dapat kang magsabi ng katotohanan at gumawa ng mga praktikal na bagay. Kung minsan, mapapahiya ka sa pagsasabi ng katotohanan at magiging dahilan para maiwasto ka, ngunit maisasagawa mo ang katotohanan, at ang pagsunod at pagpapalugod sa Diyos sa isang pagkakataong iyon ay magiging sulit, at magdadala ito sa iyo ng kaginhawahan. Ano’t anuman, maisasagawa mo na sa wakas ang pagiging matapat, masasabi mo na sa wakas kung ano ang nasa puso mo, nang hindi sinusubukang ipagtanggol o ipawalang-salan ang sarili mo, at ganito ang tunay na paglago. Iwasto ka man o palitan, magiging matatag pa rin ang puso mo, dahil hindi ka nagsinungaling; mararamdaman mo na dahil hindi mo ginawa nang maayos ang tungkulin mo, tama lang na iwasto ka, at na akuin mo ang responsabilidad para dito. Ito ay isang positibong pag-iisip. Gayunpaman, ano ang magiging kahihinatnan kapag ikaw ay nanlinlang? Pagkatapos mong manlinlang, ano ang mararamdaman mo sa puso mo? Balisa; palagi mong mararamdaman na may pagkakonsensyaa at katiwalian sa puso mo, mararamdaman mo na palagi kang inaakusahan: ‘Paano ko nagawang magsinungaling? Paano ko naatim na muling manlinlang? Bakit ako ganito?’ Mararamdaman mo na parang hindi mo maiaangat ang iyong ulo, na parang hiyang-hiya kang humarap sa Diyos. Lalo na kapag pinagpapala ng Diyos ang mga tao, kapag tumatanggap sila ng biyaya, habag at pagpaparaya ng Diyos, mas lalo nilang nararamdaman na nakakahiyang linlangin ang Diyos, at sa puso nila, mas matindi ang nararamdaman nilang paninisi, at wala silang kapayapaan at kagalakan. Ano ang ipinapakita nitong problema? Na ang manlinlang ng mga tao ay isang pagpapakita ng tiwaling disposisyon, ito ay para maghimagsik at lumaban sa Diyos, kaya magdudulot ito sa iyo ng pasakit(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Isang Matapat na Tao Lamang ang Makapagsasabuhay ng Tunay na Wangis ng Tao). Ang sarili kong kalagayan ang inihayag ng mga salita ng Diyos. Pakiramdam ko sinasabi ng Diyos ang lahat ng iyon nang tuwiran sa akin, at nakita ko na ang pagiging mapanlinlang at ang pagiging matapat na tao ay magkasalungat na mga landas. Ang pagiging mapanlinlang ay hindi ang tamang landas, at hindi ito naaayon sa normal na pagkatao. Kung minsan ay maaaring makamit ng mga tao ang kanilang mga layunin sa pagsisinungaling at pandaraya, pero ang nawawala sa kanila ay ang kanilang integridad at dignidad. Wala itong idudulot kundi pangongonsiyensya at pagkabalisa, at mabubuhay sila sa kadiliman, niloloko at pinagtatawanan ni Satanas. Nakita ko na sa lahat ng aking kasinungalingan at panlilinlang, nagkikimkim ako ng mga kahiya-hiyang lihim na hindi maaaring malantad, at labis akong pinaglaruan ni Satanas! Ang aking mga kasinungalingan at panlilinlang ay nagpalugod sa aking kahambugan sa sandaling iyon, pero kinasuklaman at kinondena ako ng Diyos at hindi ko nakuha ang Kanyang pagsang-ayon. Hindi ba hangal ako? Sa bawat mahalagang sandali kung kailan kinailangan kong magsabi ng totoo, pinagbigyan ko ang sarili ko, na sinasabing, “Sa susunod isasagawa ko ang katotohanan, sa susunod.” Lagi kong pinatatawad ang sarili ko, hindi ko isinasagawa ang katotohanang naunawaan ko, kaya hindi ko isinabuhay kailanman ang realidad ng pagiging isang matapat na tao, at hindi ko isinantabi kailanman ang aking mapanlinlang na disposisyon. Paano ililigtas ng Diyos ang ganitong tao? Habang pinag-iisipan ito, sinabi ko sa sarili ko na hindi maaaring patuloy kong gawin iyon, na hindi mahalaga kung ano ang tingin sa akin ng mga tao, at na kailangan ko higit sa lahat na mamuhay sa harap ng Diyos, tanggapin ang Kanyang pagsusuri, at maging isang taong maaari Niyang sang-ayunan. Iyon ang susi. Dapat akong maging simple at bukas at magsabi ng katotohanan. Kahit may nakakita sa akin nang malinaw at napahiya ako at nawalan ng katayuan, ang pagsasagawa ng katotohanan at pagiging matapat ay mangangahulugan ng pagkakamit ng pagsang-ayon ng Diyos, at iyon ang pinakamahalaga at napakahalaga at napakamakabuluhan niyon! Gayundin, lagi kong pinagtatakpan ang personal kong mga problema, at kahit maaaring hindi matuklasan ng iba ang tungkol sa mga iyon at maaaring hindi ako iwasto o sisihin, wala akong tunay na kaalaman tungkol sa sarili kong katiwalian at mga kamalian, kaya hindi ko mabago ang aking tiwaling disposisyon o magampanan nang mas mahusay ang aking tungkulin. Nanatiling nakabaon sa kaibuturan ng puso ko ang mga bagay na iyon na parang tumor na hindi talaga tumitigil sa paglaki, at sa huli ay magiging katapusan ko. Pero ang mga kapatid na bukas at simple ay ihahayag lamang ang lahat ng kanilang pagkakamali o problema sa kanilang tungkulin, at kung minsa’y iwinasto sila, sinisi, o pinaalis pa nga, pero umantig talaga iyon sa puso nila. Nagawa nilang makita ang kanilang mga problema nang mas maaga at nahanap ang katotohanan para malutas ang mga iyon, at nagdulot iyon sa kanila ng malaking pagsulong sa buhay. Bagama’t maaaring nakakahiya ang maging bukas at simple, natamo nila ang pagsang-ayon ng Diyos sa pagsasagawa ng katotohanan. Katalinuhan iyan. Akala ko noon ay puno ako ng mga ideya, na matalino ako, at matalino ang makapanlinlang ng iba, pero talagang hangal ako, napakahangal! Masyado akong nagtiwala sa sarili kong katalinuhan. Naging lubos akong katawa-tawa! Nang matanto ko ito, tumigil ako sa pag-aalala kung ano ang maaaring isipin ng mga tao sa akin at ginusto ko lang na isagawa ang katotohanan at pahiyain si Satanas, sa halip na biguing muli ang Diyos. Kaya nag-ipon ako ng lakas ng loob na sabihin sa lider ang katotohanan, pati na ang dahilan kung bakit ako nagsinungaling at kung ano ang aking mga intensyon. Matapos kong ipadala ang mensahe, nakadama ako ng kapayapaan at paglaya. Hindi naglaon ay sumagot sa mensahe ang lider, na sinasabi, “Ang pagsisikap na maging matapat sa ganitong paraan ay maganda. Mayroon din akong tusong tiwaling disposisyon….” Labis akong naantig nang mabasa ko iyon, at napahiya rin ako talaga. Ang isang pagsisikap na ito sa pagiging matapat na tao ay talagang nagpakita sa akin na ito lang ang wastong paraan para maging isang tao.

Pagkatapos niyon, sinimulan kong sadyang subukang magsanay na maging matapat sa aking pang-araw-araw na buhay sa aking mga salita at kilos, at nalaman ko na hindi ako naging tumpak o patas sa marami sa mga bagay na sinabi ko. Kung minsa’y nagsalita ako batay sa aking mga haka-haka at imahinasyon, at kung minsa’y nagpalabis ako o nagsalita ng hindi tama. Kun minsa’y sadya akong nagpanggap at nanlinlang. Mas lalong naging halata na sinungaling talaga ako. Naaalala ko na minsa’y nagpadala ng mensahe ang isang lider na kinukumusta ang isang proyekto, at naisip ko nang hindi ko namamalayan, “Hindi ko inalam ang sitwasyon sa oras, pero kung sasabihin kong ‘Hindi ko alam, kailangan kong magpunta at magtanong,’ iisipin kaya ng lider na hindi ako praktikal, at kaya ko lang humiyaw ng mga slogan? Siguro hindi ako dapat magsalita, kundi mabilis kong susuriin ang sitwasyon at sasagot ako. Kahit hindi ito nagagawa, wala man lang masasabing masama ang lider tungkol sa akin, at maipapakita niyon na kahit paano’y sinusubaybayan ko ang mga bagay-bagay.” Nang gagawin ko na sana iyon, natanto ko na nanlilinlang ako para protektahang muli ang sarili kong reputasyon at katayuan. Kaya tahimik akong nagdasal ako sa Diyos, “Diyos ko, gusto kong talikdan ang aking mga tusong intensyon at isagawa ang katotohanan bilang isang matapat na tao. Pakigabayan at tulungan Mo ako.” Pagkatapos kong magdasal, sumaisip ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Ang pagsisinungaling ay nangangahulugan ng pagkakanulo ng iyong karakter at dignidad. Tinatanggalan nito ng dignidad at karakter ang isang tao, at nayayamot at nasusuklam ang Diyos dito. Ito ba ay kapaki-pakinabang? Hindi(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Isang Matapat na Tao Lamang ang Makapagsasabuhay ng Tunay na Wangis ng Tao). Ang mga salitang “karakter” at “dignidad” ay talagang nag-udyok sa akin na sabihin ang katotohanan, na tumigil sa pamumuhay na parang demonyo. Kaya nagpadala na lang ako ng tuwirang sagot, na sinasabing, “Hindi ko tiyak ang mga detalye, kailangan ko munang tingnan iyon.” Nakadama ako ng kapayapaan sa puso ko matapos kong ipadala iyon. Mas lalo kong nadama na ang pagiging matapat ang pinakamahalagang aspeto ng pagkatao, ang kabuuan ng pagkatao. Pagiging matapat lang ang wangis ng isang normal na tao. Salamat sa Diyos sa pagliligtas sa akin!

Sinundan: 15. Kwento ni Joy

Sumunod: 17. Isang Espesyal na Karanasan Noong Kabataan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

44. Nakauwi na Ako

Ni Chu Keen Pong, Malaysia Mahigit isang dekada akong nanalig sa Panginoon at naglingkod sa iglesia nang dalawang taon, at pagkatapos ay...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito