99. Mga Pagninilay-nilay ng Isang Pasyenteng May Nakamamatay na Sakit

Ni Titie, Tsina

Noong Hunyo ng 2013, umabot ng higit sampung araw ang aking regla, at may lumabas sa akin na malaki at namumuong dugo. Noong panahong iyon, may kaunting kirot lang sa baba ng kanang bahagi ng tiyan ko paminsan-minsan, kaya, hindi ko ito masyadong inisip. Pero noong niregla ako noong sumunod na buwan, lalong dumami ang mga lumalabas na namumuong dugo at mas lumalakas ang regla ko. Medyo natakot ako, kaya nagpasuri ako sa ospital. Pinauwi ako ng doktor para hintayin ang resulta. Pero kinabukasan, patuloy akong dinudugo. Pansamantala lamang na napapatigil ng pinakamabisang gamot ang pagdurugo at bumabalik ito agad sa sandaling humupa na ang bisa. Pinagpawisan nang malamig ang buong katawan ko dahil sa sobrang daming nawalang dugo. Mag-isa lang ako sa bahay noong oras na iyon. Naisip ko: “Paano kung sobrang dami ng dugong mawala sa akin at mamatay ako?” Dali-dali kong tinawagan ang kapatid ko at pagkatapos ay bumagsak ako sa kama, hindi na makagalaw. Tumawag ang kapatid ko ng ambulansiya at ipinadala ako sa ospital. Namumutla ako dahil sa lahat ng nawalang dugo. Kulay ube na ang mga labi ko at kasingputla ng sa bangkay ang mukha ko. Nanginginig ang buong katawan ko at kinailangang masalinan ako ng dugo, pero walang reserbang plasma sa ospital, at 1 a.m. pa may darating. Natakot ako nang malamang walang plasma ang ospital, iniisip ko, “May walong oras pa bago mag-1 a.m. Paano ko kakayanin ang ganoon katagal? Halos maubos na ang dugo ko, kaya hindi ba’t mamamatay na ako kung aabutin pa ng walong oras? Napakabata ko pa. Kung namatay ako, hindi ko na muling makikita ang asul na langit, o ang magagandang tanawin ng kaharian.” Takot na takot ako noon, at patuloy na tumatawag sa Diyos: “O Diyos! Pakiusap, iligtas Mo ako!” Tapos naalala ko ang isang pangungusap ng mga salita ng Diyos: “Hangga’t may natitira kang hininga, hindi ka hahayaan ng Diyos na mamatay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 6). Binigyan ako ng mga salita ng Diyos ng lubos na pananalig. Hangga’t may hininga pa ako, hindi ako mamamatay kung walang pahintulot ng Diyos. Tahimik akong nagdasal sa Diyos: “Diyos ko, nagpapasalamat ako sa Iyo. Kapag natatakot ako at walang magawa, mga salita Mo lang ang ginhawa ko. May natitira pa akong hininga, at hangga’t hindi Mo hinahayaang mamatay ako, patuloy akong mabubuhay. Naniniwala ako sa sinasabi Mo.” Pagkatapos magdasal, mas kalmado at hindi na ako gaanong natatakot. Pumunta ang asawa ko sa ospital bandang 6 p.m., pero nang malaman niya ang nangyari, wala siyang sinabi na makapagpapagaan ng loob ko. Tiningnan lang niya ako, saglit na kinausap ang mga nasa paligid ko, at umalis na agad. Inuusig na ako ng asawa ko simula nang manampalataya ako sa Diyos. Ngayong may sakit ako, mas lalong wala siyang pakialam sa akin. Sobra akong nalungkot at walang magawa. Hindi ako makakilos o makapagsalita, pero malinaw ang isipan ko. Nang makita kong umalis ang asawa ko, hindi ko napigilang mapaluha. Akala ko ay dadamayan ako ng asawa ko sa oras ng karamdaman. Hindi ko akalaing ganoon siya kawalang-awa. Natanto kong hindi ko na maaasahan ang asawa ko at tanging ang Diyos lang ang maaasahan ko. Tahimik akong nagdasal sa Diyos, hindi nangangahas na lumayo sa Kanya kahit isang sandali. Pinagnilayan ko rin ang ilang himno at salita ng Diyos na nabasa ko. Aling himno ang pinakanakaantig sa iyo? Ang himnong pinakanakaantig sa akin ay pinamagatang “Pinanghawakan ni Pedro ang Tunay na Pananampalataya at Pag-ibig”: “Diyos ko! Walang halaga ang aking buhay, at walang halaga ang aking katawan. Iisa lamang ang aking pananampalataya at iisa lamang ang aking minamahal. Sumasampalataya ako sa Iyo sa aking isipan at minamahal Kita sa puso ko; ang dalawang bagay na ito lamang ang tanging maibibigay ko sa Iyo at wala nang iba pa(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Nakilala ni Pedro si Jesus). Kinanta ko ang himnong ito sa isipan ko, at naisip ko kung paanong hindi ko ibinigay ang sarili ko sa Diyos sa aking pananampalataya at hindi tunay ang pananalig ko sa Kanya. Palagi kong gustong umasa sa pamilya ko, pero sa aking pinakamahinang sandali, binalewala ako ng taong pinakamalapit sa akin. Ang Diyos ang nagbigay sa akin ng ginhawa sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, at Siya lang ang makapagliligtas sa akin. Nagdasal ako sa Diyos sa puso ko: “Diyos ko, tanging Ikaw ang makapagliligtas at makapagpapaginhawa sa akin, at makapagbibigay sa akin ng pananalig at lakas. Handa akong ialay sa Iyo ang puso at buhay ko.” Talagang napanatag ako habang pinagninilayan ang himno ng mga salita ng Diyos, at hindi ko na inisip ang tungkol sa sakit ko, at hindi na ako natakot mamatay. Unti-unting bumalik ang init sa katawan ko, at bago ko pa namalayan, 1 a.m. na. Pagkatapos masalinan ng dugo, magaan na ang pakiramdam ko kinaumagahan. Nagulat ang doktor na naka-duty nang makita niya akong nakaupo sa kama. Sabi niya: “Masama ang kalagayan mo kahapon; namamangha ako na nalampasan mo ang gabi!” Nang marinig ko iyon, paulit-ulit akong nagpasalamat sa Diyos. Kung hindi dahil sa gabay ng mga salita ng Diyos, hinding-hindi ako mabubuhay. Ang lahat ay dahil sa kamangha-manghang proteksiyon ng Diyos. Pagkatapos nun, ipinadala ako ng doktor sa ospital ng lungsod para sa karagdagang pagsusuri. Naisip ko: Prinotektahan ako ng Diyos sa isang delikadong sitwasyon kahapon, kaya’t siguradong wala silang makikitang anumang malubhang problema.

Kinabukasan, pumunta ako sa isang malaking ospital kasama ang ilang pamilya, para lang malaman na na-diagnose ako na may late-stage cervical cancer. Kasinglaki na ng itlog ng pato ang tumor at imposible na itong maoperahan. Hinding-hindi ko makakayanan ang operasyon. Nang marinig kong sinabi niya na “late-stage cancer,” natigilan ako at lubos na nagulat. Paulit-ulit kong iniisip: “Cancer? Paano ako nagka-cancer? Ang ilang hindi mananampalataya ay nabubuhay lang nang ilang buwan matapos magka-cancer. Malalampasan ko kaya ito?” Nagdalamhati at nabalisa ako, at ayokong makipag-usap kahit na kanino. Habang nakahiga sa ospital, patuloy kong pinagninilayan ang nagdaang sampung taon ng pananalig ko sa Diyos: Simula nang tanggapin ko ang gawain ng Diyos sa huling araw, inuusig ako ng pamilya ko at kinukutya at sinisiraan ako ng mga di-mananampalataya. Sa mga nagdaang taon, anumang tungkuling itinalaga sa akin ng iglesia, lagi akong nagpapasakop. Gaano man kahirap o kanakakapagod, nalalagpasan ko ito sa pamamagitan ng pagsandal sa Diyos. Kahit noong maaresto at makulong ako, ni minsan ay hindi ko ipinagkanulo ang Diyos, at pagkatapos kong makalaya, patuloy kong ipinalaganap ang ebanghelyo at tinupad ang tungkulin ko. Nagdusa na ako nang husto at naranasan ang mahihirap na sandali, kaya bakit may sakit ako ngayon na walang lunas? Bakit hindi ako pinrotektahan ng Diyos? Matatapos na ba ang pananalig ko? Hindi ko maintindihan at hindi ko matanggap ang mamatay nang ganoon. Habang tumutulo ang luha ko sa hinaing, humiling ako sa Diyos: “O Diyos, ayokong mamatay. Kung mamamatay ako ngayon, hindi ko na makikita ang araw ng Iyong kaluwalhatian at ang pagkamatay ng malaking pulang dragon, at hindi ko na makikita ang magagandang tanawin ng kaharian. Natatakot akong isipin kung ano ang magiging katapusan ko. O Diyos, pakiusap, tulungan Mo ako at pagalingin ang aking sakit!” Noong sandaling iyon, naalala ko ang napakaraming dugong nawala sa akin at kung paanong kahit walang nag-akalang mabubuhay ako, iningatan ng Diyos ang buhay ko, at nasaksihan ko ang Kanyang kamangha-manghang gawa. Nang maisip ko iyon, ginusto kong magpagamot.

Nang makita kung gaano kalubha ang kondisyon ko, inirekomenda ng doktor na magpa-radiation at chemotherapy ako. Nasusuka ako at magulo ang isip ko dahil sa chemotherapy. Lubha itong hindi komportable at talagang nag-iinit ang mukha ko. Sa oras ng radiation, parang tinutusok ako ng mga karayom sa buong katawan. Hindi ko makayanan ang pinagsamang sakit ng dalawang therapy, at nagsimula akong magreklamo sa Diyos at nagkamali na naman ako ng pag-unawa sa Kanya: Kauna-unawa kung ang mga di-mananampalatayang walang proteksiyon ng Diyos ang nagkaka-cancer, pero nananalig ako sa Diyos, kaya bakit ako nagkaroon ng di-malunasang sakit? Hindi ako pinrotektahan ng Diyos! Puno ng maraming pasyenteng may cancer ang ward ko sa ospital at kada ilang araw ay inilalabas ang isang namatay na pasyente. Takot na takot ako, at nag-alala ako na kung lalong lulubha ang sakit ko, isang araw ay ako naman ang ilalabas. Ayokong makulong doon kasama ang ibang cancer patient buong araw. Napakahirap na marinig ang kanilang mga daing araw-araw. Kaya, pagkatapos ng aking pagpapagamot, pumunta ako sa tahanan ng isang sister para magbasa ng mga salita ng Diyos. Sa mga pakikipagtipon ko sa kanya, aktibo kong ibinabahagi ang aking pagkaunawa sa mga salita ng Diyos, at nakikipagtalakayan ako sa kanya kung paano lutasin ang mga kuru-kuro ng mga potensiyal na tatanggap ng ebanghelyo. Naisip ko, “Kapag nakalabas na ako ng ospital, patuloy kong ipalalaganap ang ebanghelyo at gagawin ang aking tungkulin. Hangga’t dumadalo ako sa maraming pagtitipon, kumakain at umiinom ng maraming salita ng Diyos at nananalig sa Diyos, siguradong poprotektahan Niya ako.” Habang nagpapagamot ako, binisita ako ng isang kamag-anak, at lihim na sinabi sa asawa at mga anak ko na namatay ang asawa niya sa cancer at na ang cancer ko ay walang lunas. Sinabi niya na imbes na gumastos sa pagpapagamot sa ospital, ipasyal na lang ako kaysa mawala ang pera nila at pati ako. Sinunod ng asawa ko ang payo niya at sinabi nitong papasyal kami. Pwede raw kaming pumunta kahit saan ko gusto. Pero ang tanging nasa isip ko ay, “Gusto na nilang sumuko sa pagpapagamot ko? Hindi ba’t mamamatay ako kung ganoon? Ito na ba talaga ang katapusan ko?” Muli akong nasadlak sa pighati. Pagkalipas ng ilang araw, ayaw bayaran ng asawa ko ang medical bills. Sinabi ng kapatid ko: “Sabi ng doktor mo, dalawa hanggang tatlong buwan na lang ang buhay mo, kaya huwag mo nang pabayaran sa asawa mo ang medical bills. Wala nang makagagamot sa iyo ngayon. Umasa ka lang sa Diyos—Siya lamang ang makapagliligtas sa iyo!” Nang marinig ito, hindi ako makakilos habang nakahiga sa kama, hindi ko kayang isipin na maaaring totoo ang sinabi niya. Dalawa hanggang tatlong buwan na lang ang natitira sa buhay ko? Lubos akong nasiraan ng loob at tumutulo ang mga luha sa mukha ko. Idineklara ng doktor na hindi na ako magagamot, at sumuko na ang asawa at mga anak ko sa aking pagpapagamot. Ano pa nga ba ang magagawa ko kundi ang maghintay na lang na mamatay? Napakatagal kong nanalig sa Diyos at nagdusa ako nang husto, umaasa na ililigtas ako ng Diyos mula sa kamatayan at makapapasok ako sa kaharian. Hindi ko akalain na ganito magtatapos ang mga bagay-bagay. Dama ko ang kawalan ng pag-asa at na hindi na ako maliligtas. Sa mga sumunod na araw, wala sa loob akong nagdarasal at hindi na gaanong masigasig sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Pakiramdam ko ay mamamatay ako anumang oras at walang silbi ang magdasal pa. Napakapesimistiko at negatibo ng pakiramdam ko noon.

Isang araw, habang pabalik ako sa aking ward sa ospital, pagkabukas ko ng pinto, nakita ko ang isang cancer patient na patay na at may takip na I kumot ang katawan. Sobra akong natakot, napatakbo ako sa ibang ward. Dalawang araw pa lang na-admit ang pasyenteng iyon at ngayon ay patay na siya. Natakot ako na isang araw ay haharapin ko rin ang kamatayan, kaya dali-dali akong nagdasal sa Diyos: “O Diyos, labis akong natatakot negatibo at mahina. Ayokong mamatay na gaya ng isang hindi mananampalataya. Pakiusap protektahan Mo po ako, bigyan Mo ako ng pananalig at lakas, at ipaunawa Mo sa akin ang Iyong kalooban.” Pagkatapos magdasal, naalala ko ang isang himno ng mga salita ng Diyos na pinamagatang “Ang Sakit ng mga Pagsubok ay Pagpapala ng Diyos”: “Huwag kang masiraan ng loob, huwag manghina, at gagawin Kong malinaw ang mga bagay-bagay para sa iyo. Ang daan tungo sa kaharian ay hindi masyadong patag; walang ganyan kasimple! Nais ninyo na madaling magkamit ng mga pagpapala, hindi ba? Ngayon, ang bawat tao ay magkakaroon ng mapapait na pagsubok na haharapin. Kung wala ang mga ganitong pagsubok, ang mapagmahal na pusong taglay ninyo para sa Akin ay hindi titibay at hindi kayo magkakaroon ng tunay na pag-ibig para sa Akin. Kahit na binubuo lamang ang mga pagsubok na ito ng maliliit na bagay, dapat dumaan ang lahat ng tao sa mga iyon; magkakaiba lamang ang antas ng kahirapan ng mga pagsubok sa bawat tao. Ang mga pagsubok ay pagpapala mula sa Akin, at ilan sa inyo ang malimit na lumalapit sa Aking harapan at nakaluhod na nagmamakaawa para sa Aking mga pagpapala? Lagi ninyong iniisip na ang ilang mapapalad na salita ay maibibilang na Aking pagpapala, gayunman ay hindi ninyo kinikilala ang kapaitan bilang isa sa Aking mga pagpapala(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 41). Nagbibigay-ginhawa at nakaaantig sa akin ang mga salita ng Diyos. Ipinakita sa akin ng Kanyang mga salita na hindi madaling makapasok sa kaharian, kailangang tiisin ng isang tao ang ilang mahirap na pagsubok. Ang aking karamdaman ay isa pang pagsubok at pagpapala mula sa Diyos. Hindi ako pwedeng mawalan ng pananalig sa Diyos, ngunit kailangan kong hanapin ang kalooban ng Diyos at huwag magreklamo tungkol sa Kanya, at kailangan kong manindigan sa aking patotoo sa Diyos. Matapos maunawaan ang kalooban ng Diyos, hindi na ako gaanong negatibo, at nagkaroon ako ng pananalig na umasa sa Diyos na malalampasan ito. Nang makitang hindi pa ako hinayaan ng Diyos na mamatay, nagbasa ako ng maraming salita Niya kapag libre ako at nakipagtipon ako sa sister na iyon.

Sa bahay niya, madalas kong basahin itong mga salita ng Diyos, “Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol.” Isang partikular na sipi ang nagbigay sa akin ng bagong kaalaman sa aking mga pananaw sa pananalig sa Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Umaasa ka na ang iyong pananampalataya sa Diyos ay hindi magsasanhi ng anumang mga hamon o mga kapighatian, o ng kahit katiting na paghihirap. Lagi mong hinahabol ang mga bagay na walang-halaga, at hindi mo pinahahalagahan ang buhay, sa halip ay inuuna mo ang iyong sariling matataas na kaisipan bago ang katotohanan. Ikaw nga ay walang-halaga! Nabubuhay ka na parang isang baboy—ano nga ba ang pagkakaiba sa pagitan mo, at ng mga baboy at mga aso? Hindi ba’t lahat niyaong hindi naghahabol sa katotohanan, at sa halip ay iniibig ang laman, ay mga hayop? Ang mga patay ba na walang mga espiritu ay lumalakad na mga bangkay? Gaano na karaming salita ang nasambit sa gitna ninyo? Kaunting trabaho lamang ba ang nagawa sa gitna ninyo? Gaano na karami ang naipagkaloob Ko sa inyo? Kaya bakit hindi mo ito nakamit? Ano ang iyong mairereklamo? Hindi ba’t wala kang natamo dahil sa iyong labis na pag-ibig sa laman? At hindi ba’t dahil ito sa iyong mga kaisipan na masyadong mataas? Hindi ba’t dahil ito sa ikaw ay napakahangal? Kung hindi mo kayang matamo ang mga pagpapalang ito, masisisi mo ba ang Diyos sa hindi pagliligtas sa iyo? Ang iyong hinahabol ay ang matamo ang kapayapaan pagkatapos na maniwala sa Diyos, upang ang iyong mga anak ay mailayo sa sakit, upang ang iyong asawang lalaki ay magkaroon ng magandang trabaho, upang ang iyong anak na lalaki ay magkaroon ng mabuting asawang babae, upang ang iyong anak na babae ay makatagpo ng disenteng asawang lalaki, upang ang iyong mga baka at mga kabayo ay makapag-araro nang mahusay, upang magkaroon ng isang taon ng magandang panahon para sa iyong mga tanim. Ito ang iyong hinahanap. Ang iyong hinahabol ay para mabuhay lamang nang maginhawa, upang walang mga aksidenteng dumating sa iyong pamilya, upang ang hangin ay lampasan ka lamang, upang ang iyong mukha ay hindi mabahiran ng dumi, upang ang mga tanim ng iyong pamilya ay hindi bahain, upang ikaw ay hindi maapektuhan ng anumang sakuna, upang mabuhay sa pag-iingat ng Diyos, upang mabuhay sa isang maginhawang tirahan. Ang duwag na kagaya mo, na palaging naghahabol sa laman—mayroon ka bang puso, mayroon ka bang espiritu? Hindi ka ba isang hayop? Ibinibigay Ko sa iyo ang tamang daan nang hindi humihingi ng anumang kapalit, gayunman ay hindi ka nagsisikap. Isa ka ba sa mga naniniwala sa Diyos? Ipinagkakaloob Ko ang tunay na buhay ng tao sa iyo, gayunman ay hindi ka nagsisikap. Wala ka bang pagkakaiba sa isang baboy o isang aso? Ang mga baboy ay hindi naghahangad ng buhay ng tao, hindi nila hinahangad na maging malinis, at hindi nila nauunawaan kung ano ang buhay. Bawat araw, pagkatapos nilang kumain nang busog, natutulog na sila. Naibigay Ko na sa iyo ang tamang daan, gayunman ay hindi mo ito nakamtan: Wala kang pag-aari. Payag ka bang magpatuloy sa ganitong buhay, ang buhay ng isang baboy? Ano nga ba ang kahalagahan ng mga gayong tao na nabubuhay? Ang iyong buhay ay kasumpa-sumpa at walang-dangal, nabubuhay ka sa gitna ng karumihan at kahalayan, at hindi ka naghahabol ng anumang layunin; hindi ba’t ang iyong buhay ang pinakahamak sa lahat? Mayroon ka bang lakas ng loob na tumingin sa Diyos? Kung magpapatuloy ka na dumanas nang ganito, hindi ba’t wala kang matatamo? Ang tamang daan ay naibigay na sa iyo, ngunit kung makakamit mo ito sa kasukdulan o hindi ay nakasalalay sa iyong pansariling paghahabol(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos). Nabasa ko rin ang siping ito sa mga salita ng Diyos: “Bukod pa sa mga pakinabang na lubos na nauugnay sa kanila, maaari kayang may iba pang mga dahilan kaya ang mga taong hindi kailanman nauunawaan ang Diyos ay nagbibigay ng napakalaki sa Kanya? Dito, natutuklasan natin ang isang dating di-matukoy na problema: Ang relasyon ng tao sa Diyos ay para lamang sa sarili niyang interes. Isa itong relasyon sa pagitan ng isang tumatanggap at isang nagbibigay ng pagpapala. Sa madaling salita, katulad ito ng relasyon sa pagitan ng empleyado at ng amo. Nagtatrabaho lamang ang empleyado para matanggap ang mga gantimpalang ipinagkakaloob ng amo. Walang pagmamahal sa gayong relasyon, transaksyon lamang. Walang nagmamahal o minamahal, kawanggawa at awa lamang. Walang pag-unawa, pigil na galit at panlilinlang lamang. Walang pagiging matalik, isang pagitan lamang na hindi matatawid(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 3: Maaari Lamang Maligtas ang Tao sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos). Ang mga salita ng paghatol ng Diyos ay parang isang matalim na espadang sumasaksak sa puso ko. Para akong hinahatulan ng Diyos nang harapan. Nagsimula akong magnilay-nilay sa sarili ko: Nang maging Kristiyano ako, palagi kong hinahangad na magkamit ng biyaya. Akala ko na hangga’t nananalig ako sa Panginoon, iingatan Niya ako at ilalayo sa panganib. Matapos tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, bagamat alam kong hindi pinagaling ng Diyos ang may sakit, hindi pinalayas ang mga demonyo, at hindi gumawa ng mga himala kagaya noong sa Kapanahunan ng Biyaya, sa halip ay pinapahangad sa mga tao ang katotohanan, isinasailim sa paghatol, pagkastigo, mga pagsubok at pagpipino para dalisayin ang mga tiwaling disposisyon nila, ninais ko pa ring magkamit ng mga pagpapala. Akala ko na hangga’t masigasig akong nananalig, magiging ligtas ako sa lahat ng sakuna at sakit, at kung malubha man akong magkasakit, poprotektahan ako ng Diyos at hindi hahayaang mamatay. Masigasig kong ginugol ang aking sarili para magkamit ng mga pagpapala at biyaya. Gaano man ako inusig at hinadlangan ng aking asawa, o siniraan at tinalikuran ng aking mga kamag-anak, hindi nila ako napigilan. Kahit na inaresto ako at nakulong, hindi ko pa rin ipinagkanulo ang Diyos. Nang makalaya ako, ipinagpatuloy ko ang aking tungkulin. Akala ko na sa paghahangad sa ganoong paraan ay maliligtas at mapangangalagaan ako. Lalo na ngayon nang inakala ko na huling hininga ko na at hinila ako ng Diyos mula sa bingit ng kamatayan nang tinawag ko Siya nang buong lakas, lalo akong nakumbinsing tutulungan ako ng Diyos anumang hirap ang kakaharapin ko. Nang ma-diagnose ako ng cancer at sinukuan ng pamilya ko ang pagpapagamot sa akin, itinuring ko ang Diyos bilang aking huling pag-asa, at naisip ko na kung patuloy akong magtitipon at magbabasa ng mga salita ng Diyos, kung higit akong magdarasal at aasa sa Diyos, at tutuparin ko nang maayos ang tungkulin ko, makikita ng Diyos na may pananalig ako at na nagpapasakop ako, at baka protektahan Niya ako at hayaang mabuhay. Sa paghahayag ng mga salita ng Diyos, nakita ko na kahit kaya kong talikuran ang ilang bagay, gugulin ang aking sarili at taimtim na gawin ang aking tungkulin, hindi ang katotohanan ang hinahangad ko, at hindi ito upang iwaksi ang aking tiwaling disposisyon at kamtin ang kadalisayan, sa halip, umaasa akong maipagpapalit ko ang mga paggugol ko at mga halagang binayaran para sa biyaya at mga pagpapala, umaasang hindi ako hahayaan ng Diyos na mamatay sa malaking sakuna at makakarating ako sa isang magandang destinasyon. Nang protektahan ako ng Diyos, walang tigil akong nagpasalamat at nagpuri sa Kanya, pero nang magkaroon ako nitong di-malunasang sakit, pakiramdam ko ay naagrabyado ako, tahimik akong nagprotesta laban sa Diyos at inakusahan ko pa Siyang hindi makatarungan. Sa aking pananampalataya, ginusto ko lang makakuha ng mga pakinabang mula sa Diyos at hindi ko nakita kung gaano kaimportante na hangarin ang katotohanan. Nang maharap ako sa sakit na may banta sa aking katapusan at destinasyon, nawalan ako ng pananalig sa Diyos. Nawalan ako ng interes sa mga salita Diyos at sa pananalangin, at hindi ko naunawaan at sinisi ko ang Diyos. Nakita ko na wala akong kahit katiting na sinseridad sa Diyos o tunay na pagmamahal sa Kanya, kundi ginagamit ko lang Siya, dinadaya Siya at “nakikipagtransaksyon” sa Kanya. Paano ko maituturing na isa akong mananampalataya? Kung patuloy akong maghahangad sa ganitong paraan, kahit na makaligtas ako, magrerebelde ako sa Diyos at lalabanan Siya. Ano ang halaga sa pamumuhay nang ganoon? Nang mapagtanto ko ito, nakaramdam ako ng sobrang hiya. Ang laki ng pagkakautang ko sa Diyos.

Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na mas nagpaunawa sa akin. Sabi ng Diyos: “Wala nang mas mahirap pang harapin kaysa sa palaging paghingi ng mga tao sa Diyos. Sa sandaling ang mga kilos ng Diyos ay hindi umaayon sa iyong pag-iisip, o hindi naisakatuparan ang mga ito ayon sa iyong pag-iisip, malamang na lumaban ka—na sapat para maipakita na, sa kalikasan, lumalaban ka sa Diyos. Makikilala lang ang suliraning ito sa pamamagitan ng palaging pagninilay sa sarili at pagkakamit ng pagkaunawa sa katotohanan, at ganap na malulutas lang ito sa pamamagitan ng paghahangad sa katotohanan. Kapag hindi nauunawaan ng mga tao ang katotohanan, marami silang hinihingi sa Diyos, samantalang kapag tunay nilang nauunawaan ang katotohanan, wala silang hinihingi; nararamdaman lamang nila na hindi sila lubos na nakapagbigay-lugod sa Diyos, na hindi sila lubos na nakasusunod sa Diyos. Sinasalamin ng laging paghingi ng mga tao sa Diyos ang kanilang tiwaling kalikasan. Kung hindi mo magagawang kilalanin ang iyong sarili at tunay na magsisi kaugnay ng bagay na ito, mahaharap ka sa mga nakatagong panganib at peligro sa iyong landas ng pananalig sa Diyos. Nagagawa mong pagtagumpayan ang mga ordinaryong bagay, subalit kapag nasasangkot ang mahahalagang bagay tulad ng iyong kapalaran, mga adhikain, at patutunguhan, marahil ay hindi mo magagawang mapagtagumpayan ang mga ito. Sa oras na iyon, kung wala pa rin ang katotohanan sa iyo, maaaring muli kang mahulog sa mga dati mong paraan, at kung magkagayon, magiging isa ka sa mga nawasak. Maraming tao ang noon pa man ay sumusunod at nananalig na sa ganitong paraan; maganda ang pag-uugali nila sa panahong sumusunod sila sa Diyos, ngunit hindi nito matutukoy kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Ito ay dahil hindi mo kailanman alam ang kahinaan ng tao, o ang mga bagay na nasa kalikasan ng tao na maaaring sumalungat sa Diyos, at bago ka nila dalhin sa kapahamakan, nananatili kang mangmang sa mga bagay na ito. Dahil ang usapin ng iyong kalikasan na sumasalungat sa Diyos ay hindi nalulutas, inihahanda ka nito sa kapahamakan, at posible na kapag natapos na ang iyong paglalakbay at natapos na ang gawain ng Diyos, gagawin mo ang pinakasumasalungat sa Diyos at magsasabi ka ng lumalapastangan sa Kanya, at sa gayon ay makokondena at mapapalayas ka(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Masyadong Maraming Hinihingi ang mga Tao mula sa Diyos). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, natanto ko na mula nang magkasakit, natakot na akong mamatay, at masidhing ninanais na ilayo ako ng Diyos sa kamatayan. Hindi ba’t panghihingi iyon sa Diyos? Lagi kong inaakala na dahil nanalig ako sa Diyos, dapat Niya akong protektahan sa lahat ng oras, at hindi ako dapat tratuhin tulad ng pagtrato Niya sa isang di-mananampalataya. Matapos akong ma-diagnose na may late-stage cancer, at nakita kong hindi ako binigyan ng Diyos ng karagdagang proteksiyon, hindi ko magawang magpasakop. Ginamit ko ang aking mga sakripisyo, paggugol, at paghihirap sa kulungan bilang kapital para ipaglaban ang pananaw ko sa Diyos at magtakda ng mga kondisyon, iginigiit sa Diyos na pagalingin ang sakit ko. Nang hindi kumilos ang Diyos ayon sa mga hinihingi ko, nakipagtalo at nakipaglaban ako sa Kanya. Natanto ko na wala akong kahit katiting na paggalang sa Diyos, sa kabila ng maraming taon ng pananampalataya. Sobra akong walang pagkatao at katwiran. Naisip ko kung paanong iginalang ni Job ang Diyos at iniwasan ang kasamaan sa buong buhay niya. Noong sinubok siya ng Diyos at nawala ang lahat ng kanyang ari-arian, mga anak, at nagkapigsa ang katawan niya, ni minsan ay hindi siya nagreklamo tungkol sa Diyos o humiling na pagalingin siya ng Diyos. Si Job ay labis na makatao at makatwiran. Samantalang ako, napuno ako ng mga reklamo at maling pagkaunawa nang maharap sa kamatayan, at di-makatwirang iginiit sa Diyos na protektahan ang buhay ko. Noong unang nanganib ang buhay ko sa pagkawala ng napakaraming dugo, ang proteksiyon at pangangalaga ng Diyos ang nagligtas sa akin—binigyan Niya ako ng biyaya para makita ang Kanyang kamangha-manghang gawa. Bukod doon, sa mga taon ng pananampalataya ko, natamasa ko ang labis na pagdidilig at pagtustos ng mga salita ng Diyos at natutunan ang napakaraming katotohanan at misteryo. Binigyan ako ng Diyos ng higit pa sa hinihiling o inakala ko, pero hindi pa rin ako nakontento. Nang ma-diagnose ako na may cancer, di-makatwiran ang mga hinihingi ko sa Diyos, hinihiling sa Kanya na tulutan akong mabuhay pa. Natanto ko na ako ay likas na napakasakim. Ang Diyos ang Panginoon ng paglikha, kaya ano ang karapatan ng isang taong hamak, suwail, mapanlaban, at puno ng katiwaliang gaya ko na igiit ang mga bagay-bagay sa Diyos? Nakita ko na wala akong kahit katiting na kamalayan sa sarili, na ako ay mayabang na wala sa katwiran at walang kahit katiting na paggalang sa Diyos. Nang hindi umakma sa mga kuru-kuro ko ang mga kilos ng Diyos, nagmaktol ako, nakipagtalo at nagprotesta. Ang nailantad ko ay isang napakalupit na disposisyon, at kung hindi ko babaguhin ang aking tiwaling disposisyon, malalabag ko ang disposisyon ng Diyos at masasailalim sa Kanyang matuwid na pagpaparusa. Natakot ako at hindi na nangahas na humingi nang di-makatwiran sa Diyos, kaya’t nagdasal ako sa Kanya, sinasabing: “O Diyos, nagpapasalamat ako sa Iyong paghatol at pagkastigo, na nagtulot sa akin na makita kung gaano ako ka-hindi makatwiran. O Diyos! Handa po akong magsisi, at bumuti man o hindi ang aking kondisyon, magpapasakop ako sa Iyong mga pagsasaayos.” Nang mapagtanto ko ang mga bagay na ito, medyo mas napayapa ang pakiramdam ko.

Habang nakahiga sa aking kama sa ospital, napaisip din ako kung bakit nagagawa kong humingi nang hindi makatwiran pagkatapos kong magkasakit. Matapos magnilay at maghanap, natanto ko na dahil ito sa hindi ko naunawaan ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Kalaunan, nabasa ko itong sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang katuwiran ay walang kinalaman sa pagiging makatarungan o makatwiran; hindi ito egalitaryanismo, o pagbibigay sa iyo ng nararapat sa iyo alinsunod sa gawaing natapos mo, o binabayaran ka para sa anumang gawaing natapos mo, o ibinibigay sa iyo ang nararapat sa iyo ayon sa kung gaano ka nagsisikap. Hindi ito pagiging matuwid, pagiging patas at makatwiran lamang ito. Kakaunting tao lamang ang may kakayahang malaman ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Ipagpalagay nang inalis ng Diyos si Job matapos siyang magpatotoo para sa Kanya: Magiging matuwid ba ito? Sa katunayan, oo. Bakit ito tinatawag na pagiging matuwid? Ano ang tingin ng mga tao sa pagiging matuwid? Kung ang isang bagay ay nakaayon sa mga kuru-kuro ng mga tao, napakadali para sa kanila ang sabihin na matuwid ang Diyos; gayunman, kung hindi nila nakikita na nakaayon ang bagay na iyon sa kanilang mga kuru-kuro—kung ito ay isang bagay na hindi nila kayang unawain—mahihirapan silang sabihin na matuwid ang Diyos. Kung winasak ng Diyos si Job noon, hindi masasabi ng mga tao na Siya ay matuwid. Gayunpaman, sa totoo lang, kung ang mga tao man ay nagawang tiwali o hindi, at kung lubos man silang nagawang tiwali o hindi, kailangan bang bigyang-katwiran ng Diyos ang Kanyang sarili kapag nilipol Niya sila? Kailangan ba Niyang ipaliwanag sa mga tao kung sa anong batayan Niya ginagawa ito? Kailangan bang sabihin ng Diyos sa mga tao ang mga tuntuning inorden Niya? Hindi na kinakailangan. Sa paningin ng Diyos, ang isang taong tiwali at malamang na lumaban sa Diyos ay walang anumang silbi; paano man siya pakikitunguhan ng Diyos ay magiging angkop, at ang lahat ay pagsasaayos ng Diyos. Kung hindi ka naging kalugud-lugod sa mga mata ng Diyos, at kung sabihin Niya na wala Siyang pakinabang sa iyo pagkatapos ng iyong patotoo kaya winasak ka, ito rin ba ay pagiging matuwid Niya? Oo. Maaaring hindi mo pa ito makita sa ngayon mula sa mga katotohanan, ngunit dapat mong maunawaan ito sa doktrina. Ano ang sasabihin ninyo—ang pagwasak ba ng Diyos kay Satanas ay isang pagpapahayag ng Kanyang pagiging matuwid? (Oo.) Paano kung hinayaan Niyang manatili si Satanas? Huwag kang mangahas na sabihin ito, oo? Ang pinakadiwa ng Diyos ay katuwiran. Bagama’t hindi madaling unawain ang Kanyang ginagawa, matuwid ang lahat ng Kanyang ginagawa; hindi lamang talaga ito nauunawaan ng mga tao(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Sa mga salita ng Diyos, nakita ko kung paanong iniisip ko noon ang katuwiran ng Diyos batay sa sarili kong mga kuru-kuro at imahinasyon. Inakala ko na isa akong mananampalataya ng Diyos, nagbayad ng malalaking halaga, ginugol ang sarili, nagdusa sa bilangguan nang hindi ipinagkakanulo ang Diyos, at nanindigan sa aking patotoo sa Kanya, kaya dapat Niya akong protektahan mula sa isang di-malunasang sakit. Para sa mga di-mananampalatayang hindi pinrotektahan ng Diyos, normal lang na magka-cancer sila. Naniniwala ako na ito ang katuwiran ng Diyos. Nang hindi kumilos ang Diyos ayon sa aking mga kuru-kuro at nagkasakit ako, pakiramdam ko ay hindi nasuklian ang lahat ng iginugol ko, na inagrabyado ako ng Diyos, at kaya napuno ako ng reklamo at maling pagkaunawa sa Diyos. Nakita ko na walang pinagkaiba sa transaksyonal na pagkaunawa ng mga di-mananampalataya ang pagkaunawa ko sa katuwiran ng Diyos. Inakala ko na dapat akong mabayaran sa lahat ng trinabaho ko, at na hindi makatarungan kung hindi ko makukuha ang nararapat sa akin. Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, natutunan ko na ang mismong diwa ng Diyos ay matuwid. Ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay may kasamang kalooban at karunungan Niya. Hindi ko pwedeng suriin ang aking sitwasyon batay sa paimbabaw na mga anyo at kuru-kuro. Hahantong iyon sa mga pagkakamali, at malamang na huhusgahan at lalabanan ko ang Diyos. Inakala ko na ang magkasakit ay isang sakuna, pero nasa likod ng sakit na iyon ang kalooban ng Diyos. Kung hindi ako nalantad sa pamamagitan niyon, hindi ko mapagtatanto kung gaano ako kawalang pagkatao at katwiran. Sa sandaling hindi umakma sa mga kuru-kuro ko ang mga kilos ng Diyos, nakipagtalo at nagprotesta ako. Hindi ako naging mapagpasakop at magalang sa Diyos. Ipinakita ng karanasan sa sakit na ito ang tunay kong tayog at tinulutan akong bitiwan ang aking mga di-makatwirang hinihingi sa Diyos. Salamat sa Diyos! Kamangha-mangha ang Kanyang mga ginawa at Siya ay talagang matalino! Noon, hindi ko kilala ang Diyos, at hinusgahan ko ang matuwid niyang disposisyon batay sa mga kuru-kuro ko. Napakabulag at napakaignorante ko sa Diyos! Ang Diyos ang Panginoon ng lahat ng nilikha, pero isa lamang akong maliit na nilikha—tama lang na tratuhin Niya ako ayon sa tingin Niya na naaakma. Bukod dito, itinuring kong transaksyon ang aking pananampalataya at humingi ako ng mga di-makatwiran sa Diyos. Kahit na mamatay ako, ito rin ay magiging katuwiran ng Diyos—hindi ako dapat nagreklamo tungkol sa Diyos. Anuman ang piliin ng Diyos, mabuhay man ako o mamatay, lahat iyon ay angkop. Kailangan kong magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos—ito ang katwirang dapat kong taglayin. Matapos magkaroon ng kaunting kaalaman sa matuwid na disposisyon ng Diyos, mas naging malinaw ang pakiramdam ko, at hindi na ako nagreklamo at nagkamali ng pag-unawa sa Diyos. Paano man ako tratuhin ng Diyos, hindi ako nagreklamo at nakapagpasakop ako.

Kalaunan, natutunan ko kung paano tratuhin ang sarili kong mortalidad sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, at hindi na ako natatakot mamatay. Sabi ng mga salita ng Diyos: “Kapag ilang dekada nang nabubuhay ang isang tao sa mundo subalit hindi pa rin niya alam kung saan nanggaling ang buhay ng tao at hindi pa rin niya nakikilala kung kaninong palad nakalagay ang kapalaran ng tao, kung gayon ay hindi nakapagtataka na hindi niya makakayang harapin ang kamatayan nang mahinahon. Ang isang tao na nakatamo ng kaalaman sa kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha matapos makaranas ng ilang dekada ng buhay, ay isang tao na may tamang pagpapahalaga sa kahulugan at halaga ng buhay. Ang taong ito ay may malalim na kaalaman sa layunin ng buhay, may tunay na karanasan at pagkaunawa sa kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha, at higit pa riyan ay may kakayahan na magpasailalim sa awtoridad ng Lumikha. Nauunawaan ng ganoong tao ang kahulugan ng paglikha ng Diyos sa sangkatauhan, nauunawaan niya na dapat sambahin ng tao ang Lumikha, na ang lahat ng pag-aari ng tao ay nagmumula sa Lumikha at babalik sa Kanya balang-araw sa hindi malayong hinaharap. Nauunawaan ng ganoong tao na ang Lumikha ang nagsasaayos ng kapanganakan ng tao at may kataas-taasang kapangyarihan sa kamatayan ng tao, at ang kapwa buhay at kamatayan ay pauna nang itinadhana ng awtoridad ng Lumikha. Kaya, kapag tunay na naiintindihan ng isang tao ang mga bagay na ito, siya ay natural na makakaharap sa kamatayan nang mahinahon, isinasantabi ang lahat ng makasanlibutang pag-aari niya nang mahinahon, tinatanggap at masayang nagpapasailalim sa lahat ng kasunod, at malugod na tinatanggap ang huling sugpungan ng buhay na isinaayos ng Lumikha sa halip na walang taros na katakutan at labanan ito. Kung tinitingnan ng isang tao ang buhay bilang isang pagkakataon para maranasan ang kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha at makilala ang Kanyang awtoridad, kung nakikita niya na ang kanyang buhay ay isang pambihirang pagkakataon upang gampanan ang sariling tungkulin bilang isang nilikhang tao at tuparin ang kanyang misyon, kung gayon ay talagang magkakaroon siya ng wastong pananaw sa buhay, tiyak na magkakaroon ng buhay na pinagpapala at ginagabayan ng Lumikha, siguradong lalakad sa liwanag ng Lumikha, tiyak na makikilala ang kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha, talagang magpapasailalim sa Kanyang kapamahalaan, siguradong magiging isang saksi sa Kanyang mahimalang mga gawa, at sa Kanyang awtoridad. Hindi man kailangang sabihin, ang ganoong tao ay talagang minamahal at tinatanggap ng Lumikha, at tanging ang ganoong tao ang maaaring magkaroon ng mahinahong saloobin sa kamatayan at magagalak na salubungin ang huling sugpungan ng buhay. Ang isang tao na malinaw na nagkaroon ng ganitong uri ng saloobin ukol sa kamatayan ay si Job. Nasa posisyon noon si Job na masayang tanggapin ang huling sugpungan ng buhay, at nang ang kanyang paglalakbay sa buhay ay humantong na sa isang maayos na katapusan at nang makumpleto na ang kanyang misyon sa buhay, bumalik na siya sa tabi ng Lumikha(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). “Ang dahilan kung bakit nakayang harapin ni Job ang kamatayan nang walang paghihirap ay dahil batid niya na sa kanyang pagkamatay, siya ay babalik sa tabi ng Lumikha. Ang mga pinagsikapan at natamo niya sa buhay ang nagpahintulot sa kanya na harapin ang kamatayan nang mahinahon, ang nagpahintulot sa kanya na harapin ang posibilidad na mahinahong babawiin ng Lumikha ang kanyang buhay, at dagdag pa rito, ang nagpahintulot sa kanya na makatindig nang walang dungis at walang inaalala sa harap ng Lumikha(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). Sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, natutunan ko na nagmumula sa Diyos ang buhay ko. Ang Diyos ang nagdidikta at nagsasaayos ng aking buhay, kamatayan, mga pagpapala at kasawian. Wala akong dahilan para manghingi sa Diyos. Kahit na hayaan ako ng Diyos na mamatay, nasa likod nito ang kalooban Niya. Kailangan ko itong harapin nang tama, at iyon dapat ang katwiran na taglay ng isang nilikha. Naisip ko si Job na nagbigay-galang sa Diyos at umiwas sa kasamaan sa buong buhay niya. Anuman ang pinagdadaanan niya, nakikilala niya ang pamumuno at mga pagsasaayos ng Diyos. Hini siya nagreklamo, hindi nagkamali ng pag-unawa sa Diyos, at hindi siya nanghusga o nakipagtalo. Nakapagpasakop siya at mahinahong humarap sa sarili niyang kamatayan. Kailangan kong tularan ang paggalang ni Job sa Diyos, umiwas sa kasamaan at magpasakop sa pamumuno at mga pagsasaayos ng Diyos. Ang Diyos ang nagbigay ng buhay ko, kaya, kailanman Niya naising bawiin ito, kailangan kong magpasakop. Kung ano ang naghihintay sa akin sa kabilang buhay, magpapasya ang Diyos batay sa lahat ng nagawa ko sa buhay ko. Hindi pa ako hinayaan ng Diyos na mamatay, kaya kailangan kong gamitin ang natitirang oras ko para magsisi, tahakin ang landas ng paggalang sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan, hangarin ang katotohanan at pagbabago sa disposisyon, at tuparin ang aking tungkulin sa abot ng aking makakaya. Nang napagtanto ko ito, mas nalinawan ako at hindi na gaanong takot na mamatay. Nadama ko rin na mas malapit ako sa Diyos.

Noong panahong iyon, habang nakikipagtipon ako sa aking mga sister, kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, patuloy na bumuti ang kalagayan ko. Mayroon pa akong apat na sesyon ng chemotherapy, pero napakalakas ng mga side effect, kaya’t sa radiation therapy lang ako pwede. Pero hindi na halos kasingsakit ng dati ang radiation therapy. Alam kong ang Diyos ang may huling pasya kung mabubuhay ako, kaya hindi ako nag-alala tungkol sa sakit ko, at ginugol ko ang libre kong oras sa pagninilay-nilay ng mga salita ng Diyos at pakikinig ng mga himno. Pagkaraan ng ilang panahon, bumuti nang bumuti ang pakiramdam ko, na parang bumalik ako sa dati. Sinabi ng ibang pasyente na mukha akong malusog na inakala nilang isa akong nars. Pagkatapos ng apatnapung araw, pinalabas na ako ng ospital. Sa sumunod na pagsusuri sa akin, sinabi ng doktor na nawala na ang cervical tumor ko. Nang marinig kong sinabi ng doktor na nawala ang tumor, hindi ako makapaniwala at inakala kong mali ang narinig ko. Tinanong ko ulit ang doktor at kinumpirma niyang wala na ito. Tuwang-tuwa talaga ako. Hindi ako makapaniwala na maaaring mawala na lang bigla ang tumor na kasinglaki ng itlog ng pato. Naisip ko ang mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Ang puso’t espiritu ng tao ay nasa kamay ng Diyos, lahat ng tungkol sa buhay niya ay namamasdan ng mga mata ng Diyos. Naniniwala ka man dito o hindi, anuman at lahat ng bagay, buhay man o patay, ay lilipat, magbabago, mapapanibago, at maglalaho alinsunod sa mga iniisip ng Diyos. Ganito pinamumunuan ng Diyos ang lahat ng bagay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao). Totoo nga, ang lahat ng bagay at nilikha ay nasa mga kamay ng Diyos. Ang lahat ng bagay, patay man o buhay, ay nasasailalim sa kataas-taasang kapangyarihan at pamamahala ng Diyos. Lahat sila ay pinangangasiwaan ayon sa kalooban ng Diyos. Sinabi ng lahat na hindi ako gagaling, maging ang doktor ay nagsabing hindi pwedeng operahan ang tumor dahil sa laki nito, kaya hindi ko kailanman inakalang tuluyan itong mawawala. Lahat ito ay kahanga-hangang gawa ng Diyos! Labis akong naantig, at naramdaman ko sa puso ko na may utang ako sa Diyos. Masyado akong mapaghimagsik at tiwali, at di-makatwiran ang mga hinihingi ko sa Diyos, hindi ako karapat-dapat na maligtas. Pero hindi ako tinrato ng Diyos batay sa aking paghihimagsik at katiwalian. Lubos akong nagpapasalamat sa Kanyang pagliligtas. Nang makauwi, patuloy kong ipinalaganap ang ebanghelyo at tinupad ang aking tungkulin, at unti-unting bumuti ang kalusugan ko.

Kalaunan, nakita ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang kalalabasan o hantungan ng isang tao ay hindi itinatakda ng sarili nilang kagustuhan, ni hindi ng sarili nilang hilig o imahinasyon. Ang Lumikha, ang Diyos, ang may huling salita. Paano dapat makipagtulungan ang mga tao sa mga gayong bagay? May iisang landas lamang na maaaring piliin ang mga tao: Kung hinahanap nila ang katotohanan, nauunawaan ang katotohanan, sinusunod ang mga salita ng Diyos, kung nakakapagpasakop sila sa Diyos, at nagtatamo ng kaligtasan, saka lang sila ganap na magkakaroon ng magandang katapusan at magandang tadhana. Hindi mahirap isipin ang mga hinaharap at tadhana ng mga tao kung gagawin nila ang kabaligtaran. Kaya’t sa bagay na ito, huwag tumuon sa kung ano ang ipinangako ng Diyos sa tao, kung ano ang sinasabi ng Diyos tungkol sa kalalabasan ng sangkatauhan, kung ano ang inihanda ng Diyos para sa sangkatauhan. Walang kinalaman ang mga ito sa iyo, gawain ang mga ito ng Diyos, hindi mo maaaring makuha, maipagmakaawa, o maipagpalitan ang mga ito. Bilang nilalang ng Diyos, ano ang dapat mong gawin? Dapat mong gampanan ang iyong tungkulin, gawin ang nararapat mong gawin nang buong puso, isip at lakas mo. Ang iba—mga bagay na may kinalaman sa mga hinaharap at tadhana, at ang kahahantungan ng sangkatauhan sa hinaharap—hindi ito mga bagay na mapagpapasyahan mo, nasa mga kamay ng Diyos ang mga ito; ang lahat ng ito ay pinamumunuan at isinasaayos ng Lumikha, at walang kinalaman sa anumang nilalang ng Diyos. Sinasabi ng ilang tao, ‘Bakit ito sinasabi sa amin kung wala naman pala itong kinalaman sa amin?’ Bagama’t walang kinalaman ito sa inyo, mayroon itong kinalaman sa Diyos. Ang Diyos lamang ang nakakaalam ng mga bagay na ito, ang Diyos lamang ang makapagsasalita ukol sa mga ito, at ang Diyos lamang ang may karapatang ipangako ang mga bagay na ito sa sangkatauhan. At kung nalalaman ng Diyos ang mga ito, hindi ba’t dapat magsalita ang Diyos tungkol sa mga ito? Isang pagkakamali na hangarin pa rin ang iyong mga hinaharap at tadhana kapag hindi mo alam kung ano ang mga ito. Hindi hiningi ng Diyos sa iyo na hangarin ang mga ito, ipinapaalam lamang Niya sa iyo; kung nagkakamali ka ng paniniwalang hinahayaan ka ng Diyos na gawin itong layon ng iyong paghahangad, kung gayon, lubos kang walang katwiran, at hindi mo taglay ang isipan ng normal na pagkatao. Sapat nang may kabatiran sa lahat ng ipinapangako ng Diyos. Dapat mong kilalanin ang isang katotohanan: Anumang uri ng pangako ito, mabuti man ito o pangkaraniwan, kalugod-lugod man ito o hindi interesante, ang lahat ay pinamumunuan, isinasaayos at itinatakda ng Lumikha. Ang pagsunod at paghahanap lamang sa tamang direksyon at landas na ipinakita ng Lumikha ang siyang tungkulin at obligasyon ng isang nilalang ng Diyos. Tungkol sa kung ano ang makakamit mo sa huli, at ang bahagi ng alin sa mga pangako ng Diyos ang matatanggap mo, nakabatay itong lahat sa iyong paghahangad, sa landas na iyong tinatahak, at sa kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikasiyam na Bahagi)). Sa mga salita ng Diyos, natutunan ko na ang huli kong kalalabasan at hantungan ay hindi matutukoy sa pamamagitan ng panalangin at hindi makakamtan sa pakikipagtawaran sa Diyos. Sa halip, pagpapasyahan ng Diyos ang kalalabasan ko batay sa aking paghahangad, mga kilos, at sa landas na tinahak ko. Pero hindi ko hinangad ang katotohanan at hindi ko naunawaan ang disposisyon ng Diyos. Nang makita kong pinagkalooban ng Diyos ang mga tao ng isang maluwalhating hantungan, inakala ko na hangga’t masigasig akong naghahangad, tumutupad sa aking tungkulin, nagdurusa at nagbabayad ng halaga, at patuloy na tumutupad sa aking tungkulin kahit anong pag-uusig at paghihirap ang nararanasan ko, maliligtas at mananatili ako. Sa mga taong ito, walang tigil akong naghahanap at nagsusumikap para sa aking kalalabasan at hantungan batay sa sarili kong mga paniniwala at pagnanais. Tinatahak ko ang landas ni Pablo. Kung magpapatuloy ako nang ganoon, bukod sa hindi ako mapagkakalooban ng magandang hantungan, malalantad at mapapalayas ako dahil hindi pa nadalisay ang aking tiwaling disposisyon. Sa wakas ay gumaling ako sa cancer. Hindi ako hinayaan ng Diyos na mamatay at binigyan Niya ako ng pagkakataong magsisi. Ito ang pagliligtas ng Diyos! Naisip ko, “Kailangan kong hangarin ang katotohanan at pagbabago sa disposisyon sa aking tungkulin magmula noon. Hindi ako pwedeng patuloy na makipagtawaran sa Diyos para sa mga pagpapala. Dapat akong maging isang taong may pagkatao at katwiran, na nagpapasakop sa Diyos. Mabuti man o masama ang kalalabasang isinasaayos ng Diyos para sa akin, ang Diyos ang magpapasya roon. Ang kailangan kong hangarin ay ang katotohanan at pagbabago sa disposisyon.”

Siyam na taon na ang nakalipas, at hindi na kailanman nagbalik pa ang aking sakit. Sa karanasang ito, natuklasan ko na kahit na nanganib ang buhay ko sa sakit na ito, hindi kailanman ninais ng Diyos na bawian ako ng buhay o kinabukasan. Ginagamit ng Diyos ang sakit na ito para dalisayin at baguhin ako, ibunyag ang mga karumihan sa aking pananalig at baguhin ang ilang kuru-kurong pinanghahawakan ko. Dahil dito, tunay kong nalaman at narasan ang walang hanggan at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, nagkaroon ako ng tamang saloobin sa buhay at kamatayan, at nakapagpasakop. Para sa akin, ang sakit na ito ay ang paraan ng Diyos ng pagkakaloob sa akin ng biyaya at kaligtasan! Gaya ng sinasabi ng Diyos: “Kung ang isang tao ay talagang may pananampalataya sa Diyos sa kanyang puso, una sa lahat, dapat ay alam niyang nasa mga kamay ng Diyos ang haba ng buhay ng isang tao. Ang panahon ng kapanganakan at kamatayan ng isang tao ay itinakda ng Diyos. Kapag nagbibigay ng karamdaman ang Diyos sa mga tao, may dahilan sa likod nito—may kahulugan ito. Parang isa itong karamdaman sa kanila, ngunit, ang totoo, ang naipagkaloob sa kanila ay biyaya, hindi karamdaman. Una sa lahat, kailangang kilalanin at tiyakin ng mga tao ang katotohanang ito, at seryosohin ito(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi).

Sinundan: 98. Sa Likod ng mga Eksena ng Pang-uusig sa Isang Pamilya

Sumunod: 100. Paano Ako Nakawala sa mga Pagpigil ng Emosyon

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

45. Pamumuhay sa Harap ng Diyos

Ni Yongsui, South KoreaSabi ng Makapangyarihang Diyos, “Upang makapasok sa realidad, kailangang ibaling ng isang tao ang lahat sa tunay na...

40. Pag-uwi

Ni Muyi, South Korea “Ang masaganang pag-ibig ng Diyos ay malayang ipinagkaloob sa tao at bumabalot sa tao; ang tao ay inosente at...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito