409 Ang mga Tao ay Hindi Totoong Naniniwala sa Diyos

I

Tao’y marami nang natamo’t naisuko

sa maraming taon ng gawain ng Diyos,

nguni’t sinasabi pa rin ng Diyos

na tao’y ‘di totoong naniniwala sa Kanya.

Kinikilala nila ang Diyos sa kanilang bibig,

habang katotohanan Niya’y sinasalungat,

‘di ‘sinasagawa’ng katotohanan

na kailangan ng Diyos sa kanila.


Tao’y tinatanggap ang pag-iral ng Diyos,

nguni’t ‘di ang katotohana’t buhay,

kinikilala lang ang pangalan Niya,

nguni’t hindi ang diwa Niya.


Sigasig ng tao’y kinasusuklaman ng Diyos.

Nambobola upang Diyos ay linlangin,

at walang sumasamba sa Kanya

nang may tapat na puso, tapat na puso.


II

Taglay ng inyong salita

ang tukso ng ahas mismo,

sukdulang mapagmataas,

tulad ng salita ng arkanghel.

Mga gawa n’yo’y kahiya-hiya;

pagnanasa’t pag-iimbot, masama.

Sa bahay ng Diyos kayo’y naging gamu-gamo,

mga bagay na dapat itapon.


Pagka’t biyaya, ‘di katotohanan, ang ibig n’yo;

nais n’yong umakyat sa langit,

at makita ang kay gandang pangitain

ni Cristong ginagamit

ang kapangyarihan Niya sa lupa.


Sigasig ng tao’y kinasusuklaman ng Diyos.

Nambobola upang Diyos ay linlangin,

at walang sumasamba sa Kanya

nang may tapat na puso, tapat na puso.


III

Kayo’y labis na tiwali,

at mangmang sa Diyos;

iniisip n’yo bang karapat-dapat

kayong sumunod sa Diyos?

Pa’no n’yo maaakyat ang langit,

makita ang karingalan,

na walang katulad sa kaningningan?


Sigasig ng tao’y kinasusuklaman ng Diyos.

Nambobola upang Diyos ay linlangin,

at walang sumasamba sa Kanya

nang may tapat na puso, tapat na puso.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Marami ang Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang Nahirang

Sinundan: 408 Talaga bang Inalay Mo na ang Iyong Buhay sa Iyong Pananampalataya?

Sumunod: 410 Magulo Pa ang Iyong Paniniwala

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito